halimbawa ng maikling kwento

7
“Babalik Karin” Dalawang taon ng kasal sina Diego at Tessie. Sa matagl nilang pagsasama ay ni hindi sila nagkaroon ng anak. Marami na silang sinubukang gamut para lamang mapadali ang pagbubuntis ni Tessie ngunit sa kabila ng pagod at hirap na kanilang dinaranas ay hindi parin ito nagbunga. Mabait at mapag-alagang asawa si Tessie. Lahat ay ginagawa niya para lang mapaligaya ang asawa maliban na lamang sa kagustuhang magkaroon ng anak. Ito ang kaisa-isang bagay na hindi kayang ibigay ni Tessie kay Diego, ang magkaroon gng anak. Ang akala ni Tessie ay masaya na si Diego at kontento na sa kanyang piling ngunit hindi, siya’y nagkamali. Nalaman niyang si Diego ay may kinakasamang iba at ngakaroon pa ito ng mga anak sa babae. Ang masaklap, ang kinakasama ng kanyang asawa ay ang matalik niyang kaibigan. “Ano bang mali ang ginawa ko sayo? Bakit mo ako ginaganito? Ha?” Ang mangiyak- ngiyak na sabi ni Tessie kay Diego. “Wala! Wala! Pero may isang bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin na siyang makapagpapaligayn sa akin ng lubusan. Gustong-gusto kong maging ama Tessie,. Gusto kong may tumawag saking papa. Gusto kong tawagin akong ama,…….. narinig mo yon? Narinig mo yon Tessie ha? Iyon ang tunay na makapagpapaligaya sa akin Tessie, kaya patawad….. humihina ang boses ni Diego. “Iiwan na kita Tesssie”. Mahal kita Diego,. . .mahal na mahal, alam mo naming lahat ay binibigay ko sayo mapaligaya kalang, pero alam mo naming parehas nating ginaw ang lahat mabuntis lang ako! Pero hindi!........hindi! , parehas lang tayo Diego, parehas lang tayo, gusto ko ring magkaanak. Gusto ko ring marinig na tawagin akong mama. Gustong-gusto!, alam mo ban g nadarama kong inggit sa tuwing nakakakita ako ng mga kasama ng kanilang mga anak/ alam mo ba?? Ha? Mahirap rin para sa akin Diego, napakahirap………huh….huhuhuh…..huhuh..” Ang nanginginig na boses ni Tessie habang umiiyak. “Sanay maintindihan mo ako Tessie”. Nakapagdesisyon na ako…….. iiwan na kita…….mas mabuting maghiwalay nalang tayo!” “Ha?” bakas sa mukha ni Tessie ang pag-aalal at tumutulo ang luha sa kanyang mga mata…….” Ganon nalang ba kadali iyon Diego?.. ganon nalang ba?. Baliwala nalang ba sayo ang mga pinagdaanan natin? Ha? Basta-basta mo nalan ba akong iiwan? Yon ba? Yon ba?........ ang pasigaw- sigaw na sambit ni Tessie na pawing nababaliw at habang umiiyak,. “Hindi rin madali ang desisyon kong ito Tessie, pero habang nagsasama tayo ay hinding-hindi ko matatamasan ang kaligayahang hinahanap ko!” Ang mga salitang ito ang lumabas sa bibig ni Diego habang nag-iimpaki ng mga gamit. “Iiwan na kita Tesssie, iiwan na kita paalam………” Diego, diego, diego……….huh…..huhuh…….. huhuhuh……halos lumubog na sa lupa si Tesssie habang umiiyak na parang bata at parang nasisisraan ng ulo. Pero hindi parin lumingon sa Diego kay Tessie, sa halip ay nagpatuloy pa ito sa paglakad. Unti-unti nang bumagsak si Tessie sa lupa at nawalan ito ng malay. Kinabukasan, naroon parin ang sakit na naramdaman ni Tessie naroon parin ang bigat sa kanyang dibdib. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sakit na dinulot ni iniwan ni Diego sa kanya. Pero sa kabila ng pasakit na idinulot ni Diego kay Tessie ay hindi parin niya maalis-alis ang pag-ibig niya kay Diego. Sa nangyari, ay wala paring nagbago, mahal parin niya si lito at umaasa pari siya na baling araw ay babalikan siya ni Diego.

Upload: asa-net

Post on 02-Jul-2015

8.171 views

Category:

Education


284 download

DESCRIPTION

para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama. kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito: [email protected] [email protected] maraming SALAMAT PO!

TRANSCRIPT

Page 1: HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

“Babalik Karin”

Dalawang taon ng kasal sina Diego at Tessie. Sa matagl nilang pagsasama ay ni hindi

sila nagkaroon ng anak. Marami na silang sinubukang gamut para lamang mapadali ang

pagbubuntis ni Tessie ngunit sa kabila ng pagod at hirap na kanilang dinaranas ay hindi

parin ito nagbunga. Mabait at mapag-alagang asawa si Tessie. Lahat ay ginagawa niya

para lang mapaligaya ang asawa maliban na lamang sa kagustuhang magkaroon ng

anak. Ito ang kaisa-isang bagay na hindi kayang ibigay ni Tessie kay Diego, ang

magkaroon gng anak. Ang akala ni Tessie ay masaya na si Diego at kontento na sa

kanyang piling ngunit hindi, siya’y nagkamali. Nalaman niyang si Diego ay may

kinakasamang iba at ngakaroon pa ito ng mga anak sa babae. Ang masaklap, ang

kinakasama ng kanyang asawa ay ang matalik niyang kaibigan.

“Ano bang mali ang ginawa ko sayo? Bakit mo ako ginaganito? Ha?” Ang mangiyak-

ngiyak na sabi ni Tessie kay Diego. “Wala! Wala! Pero may isang bagay na hindi mo

kayang ibigay sa akin na siyang makapagpapaligayn sa akin ng lubusan. Gustong-gusto

kong maging ama Tessie,. Gusto kong may tumawag saking papa. Gusto kong tawagin

akong ama,…….. narinig mo yon? Narinig mo yon Tessie ha? Iyon ang tunay na

makapagpapaligaya sa akin Tessie, kaya patawad….. humihina ang boses ni Diego.

“Iiwan na kita Tesssie”. Mahal kita Diego,. . .mahal na mahal, alam mo naming lahat ay

binibigay ko sayo mapaligaya kalang, pero alam mo naming parehas nating ginaw ang

lahat mabuntis lang ako! Pero hindi!........hindi! , parehas lang tayo Diego, parehas lang

tayo, gusto ko ring magkaanak. Gusto ko ring marinig na tawagin akong mama.

Gustong-gusto!, alam mo ban g nadarama kong inggit sa tuwing nakakakita ako ng

mga kasama ng kanilang mga anak/ alam mo ba?? Ha? Mahirap rin para sa akin Diego,

napakahirap………huh….huhuhuh…..huhuh..” Ang nanginginig na boses ni Tessie

habang umiiyak. “Sanay maintindihan mo ako Tessie”. Nakapagdesisyon na ako……..

iiwan na kita…….mas mabuting maghiwalay nalang tayo!” “Ha?” bakas sa mukha ni

Tessie ang pag-aalal at tumutulo ang luha sa kanyang mga mata…….” Ganon nalang ba

kadali iyon Diego?.. ganon nalang ba?. Baliwala nalang ba sayo ang mga pinagdaanan

natin? Ha? Basta-basta mo nalan ba akong iiwan? Yon ba? Yon ba?........ ang pasigaw-

sigaw na sambit ni Tessie na pawing nababaliw at habang umiiyak,. “Hindi rin madali

ang desisyon kong ito Tessie, pero habang nagsasama tayo ay hinding-hindi ko

matatamasan ang kaligayahang hinahanap ko!” Ang mga salitang ito ang lumabas sa

bibig ni Diego habang nag-iimpaki ng mga gamit. “Iiwan na kita Tesssie, iiwan na kita

paalam………” Diego, diego, diego……….huh…..huhuh…….. huhuhuh……halos lumubog

na sa lupa si Tesssie habang umiiyak na parang bata at parang nasisisraan ng ulo. Pero

hindi parin lumingon sa Diego kay Tessie, sa halip ay nagpatuloy pa ito sa paglakad.

Unti-unti nang bumagsak si Tessie sa lupa at nawalan ito ng malay.

Kinabukasan, naroon parin ang sakit na naramdaman ni Tessie naroon parin ang bigat

sa kanyang dibdib. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sakit na dinulot ni iniwan ni

Diego sa kanya. Pero sa kabila ng pasakit na idinulot ni Diego kay Tessie ay hindi parin

niya maalis-alis ang pag-ibig niya kay Diego. Sa nangyari, ay wala paring nagbago,

mahal parin niya si lito at umaasa pari siya na baling araw ay babalikan siya ni Diego.

Page 2: HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

Taon na ang lumipas. Nanatiling mapag-isa si Tessie dahil naniniwala siyang babalik sa

kanya si Diego. Nagging bulag sa pag-ibig sa Tessie. Mahal parin niya sa Diegokahit

alam niyang may kinakasama na itong iba.

Sinubukan ni Tessie na bisitahin si Diego , sinubukan niya kahit alam niyang

masasaktan siya kapag nakikita niyang may iba nang kinakasama si Diego. Alam niya

ang adress ni Diego sa maynila. Pinuntahan niya ito. Laking gulat na lamang niya nang

Makita niya si Diego na hinihimas-himas ang tiyan ng isang babae na kung iyo,y

titingnan ay malapit na ang kapanganakan nito. Sa maria ang babae na kanyang nakita.

Sa maria ay ang matalik na kaibigan ni Tessie, nagging kaklase niya ito mula

elementary hanggang hayskul. Palagi niya itong kasama, sa kasiyahan at kalungkutan.

Kapatid niya ito kung ituring. Hindi niya sukat akalain na ang taong tinuring niyang

kapatid ay ang taong tatraydor sa kanya at ang taong aagaw sa kanyang kasiyahan.

Hindi makapaniwala si Tessie sa nasaksihan, hindi niya maipaliwanag ang sakit na

nadarama tila sinakluban ng langit. Nagsisikip ang dibdib at agad na sumilay ang mga

luha sa kanyang mga mata. Hindi namalayan ni Tessie na nakatingin na pala sa kanya

sina Marie at Diego. Agad niyang pinahid ang mga luha at pabilis na tumakbo palayo.

Sinubukan siyang habulin ni Marie ngunit hindi niya ito naabutan.

Hindi sinasadyang nagtagpo ang landas ng dalawa, sina Tessie at Marie. Nagkatinginan

ang dalawa. Masama ang tingin ni Tessie kay Marie at hindi niya maiwasang mapaiyak

sapagkat si marie ang matalik niyang kaibigan. Nang biglang tumalikod si Tessie ay

agad siyang tinawag ni Marie. “Tessie sandali…….. Tessie hintay”. Nagpatuloy parin sa

paglaalkad si Tessie, hinabol siya ni Marie hanggang sa naabutan. Nang naabutan na ni

Marie si Tessie ay agd niyang hinaakan sa balikat si Tessie. Paglingon na paglingon ni

Tessie ay agad sinalubong sa sampal si Marie na habang umiiyak. “Walang hiya ka!!!

Pano mo nagawa sa akin ito Marie, ha? Itinuring kitang higit pa sa aking kadugo, ngunit

anong ginawa mo? Inagaw mo sa akin ang kaligayahan ko. Alam mong mahal na mahal

ko si Diego Marie, mahal na mahal. Pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin”.

Hindi ko sinsasadya Tes, hindi. Patawrin mo na ako Tes. Muli ay dumapo ang mga

kamay ni Tessie sa mukha ni Marie, isang malakas na sampal. Parehong umiiyak sina

Tessie at Marie. Paulit-ulit na humingi ng tawad si Marie kay Tessie ngunit nagmatigas

ito si Tessie, agad siyang umalis at pinahid ang mga luha sa mata. Iniwan niya sin g

nakaluhod.

Napag-isip-isip ni Tessie na bumalik na lamang sa probinsiya. Ginaw niya kahit labag sa

kanyang kaloobang babalik ng mag-isa. Sa kabila ng mga pangyayaring nasaksihan ay

nagging bulag parin siya sa pag-ibig ni Diego at umaasa pa siyang baling araw ay

babalik at babalik parin si Diego sa kanyang piling na magsasama silang masaya’t

matiwasay.

Page 3: HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

Kwento ng Isang Dayuhang Pinoy

Si Ryeowook Camorra ay isang guro na nagtuturo sa isang pribadong paaralan.Ang kanyang

tinituro ay tungkol sa asignaturang Agham ukol sa Kimiko (Chemistry III).Sa kanyang pangalan

ay isang Koreano pero lahing Pinoy.Ang ina niya ay isang Koreano habang ang kanyang ama ay

isang Pilipino.Si Ryeowook ay matangkad,mabait at matalino pero siya ay isang maykaya lamang

sa buhay.Nang mga ilang taon ay namatay ang kanyang Ina dahil sa sakit na

kanser.Nagdesisyon ang kanyang ama na bumalik siya sa ibang bansa upang magtrabaho bilang

isang doktor.si Ryeowook ay laging iuugnay sa kanyang kariktan ng buhay o kahit saan mang

kagandahan sa isang tanawin, sa isang kaisipan o maging sa isang tunog.Nagsisikap siyang

magtrabaho para sa kanyang pamilya.Si Ryeowook ay pangkaraniwang lamang. May nakapansin

sa sanya bakit guro ang kinuha niyang trabaho imbes na ang kanyang itsura ay pwedeng ipasok

sa mga pang opisinang trabaho.

Tinawag si Ryeowook na "G. Mabuti"dahil siya ay magaling magturo at mabait sa mga

estudyante.Minsan siyay palabiro sa mga estudyante.Nang minsan papunta si Ryeowook sa isang

gilid ng silid-aklatan upang doo'y umiyak. Naalala niya ang mga pangyayaring naganap sa

kanyang mga magulang. Napansin niyang mayroon ding isang babaeng estudyante na kanyang

kaeskwela na doo'y umiiyak. Tinanong niya ito ngunit ito'y di-nagsalita…

Nagkasabay sa pag-uwi si Ryeowook at ang batang babae na si Anita. Nang mga oras na

iyon,naalala ng bata ang itatanong niya kay Mabuti. Nag uusap sila bakit umiyak si Anita sa gilid

ng silid aklatan.Sinagot niya na "Kasi po G.,naalala ko po ang aking nmga magulang.Iniwan nila

ako sa aking lola,at hindi ko po alam kung buhay pa po ba sila sa ngayon?".Nadama ni

Ryeowook ang lungkot at lumuha ang kanyang mga mata.Habang nag-uusap sila pa-uwi,ang

sinabi ni Ryeowook,"Huwag kang umiyak,ipagdasal mo ang mga magulang mo kung silay

nabubuhay pa ngayon."Pagkatapos ay may halong biruan si Ryeowook at humalakhak ng

malakas si Anita.

Sa tuwing nagtuturo ng asignaturang Kimiko III,si G. Mabuti ay walang siyang binigkas kundi

ang kanyang buhay.Ikinuwento niya iot at ibinahagi sa kanyang mag-aaral.Makalipas ang

pagkukuwento ng isang oras,umiyak at naawa ang mga mag-aaral.Alam nila kung gaano kahirap

ang buhay ng gurong si Ryeowook.

Mataas sana ang pangarap ni Ryeowook para sa kanyang magulang.Nang dumating ang kanilang

kahirapan sa kanilang buhay,hindi na niya ito natuloy ang pag-aaral niya.Gusto niya sana itong

magiging isang magaling na doktor tulad ng kanyang ama.Kapag naituloy niya ang pagiging

isang magaling na doktor ay gagamutin niya ang kanyang Ina, pero wala na siyang pera

pampaaral niya sa medisina dahil ang pera ay ibinili niya ng gamot sa kanyang Ina.May pag asa

pa si Ryeowook na pumasok ulit at mag-aral ng medisina para mabago ang kanyang buhay sa

pagiging mahirap,at gagamutin niya ang mga taong maysakit.Ipapakita niya ito sa mga

mamamayan kung gaano ba ito kagaling si Ryeowook magturo sa paaralan at sa pagiging niyang

doktor.

Page 4: HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

. DAYUHAN -

uenaventura S. Medina, Jr.

Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang

marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikw as siya

para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi

maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan

ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr.

Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may

sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng

doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito

ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag

ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.

Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid

ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan.

At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na

lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na

ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang

niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito

ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya:

Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami

pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.

Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang

natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung

bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa

tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.

Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang

nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling

nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr.

Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula

sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto

niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman,

at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.

Page 5: HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

Walang panginoon –

Deogracias rosario

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don

Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa

sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita,

anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi

lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don

Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at

pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana

sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang

magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid.

Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang

galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita

ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa

buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni

pa aman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis

na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong

pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam

niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa

galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito.

Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang

kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos

ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan

niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin

ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake

na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong

pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong

marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang

kaniyang matapang na kalabaw.

Page 6: HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR

Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese

Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit

ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at

sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong

sangkatauhan.

Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako

nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapat id na babae na tumatanaw sa

malayong kanluran.

Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang

sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang

tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang

malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat

na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t

kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat

sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong

iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong

para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na

matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga

pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba

akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong

nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?

Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay

nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y

may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang

kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan-

isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa

akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.

Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang

nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat,

sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.

Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.

Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae.

Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong

kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga

panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong

European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa

kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo.

Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng

pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang

kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang

sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong

makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming

kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa

eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami

pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong

maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga

European.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako.

Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko

na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking

pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli,

nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko

para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala s ilang nagawa. Hindi nahikayat ang

mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng

makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras . Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng

Page 7: HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO

mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang

ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay

lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t

kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng

dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang

tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya

lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.

Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!

Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis

pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.

Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng

Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-

unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na

pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga

kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”

nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang

European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan.

LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi

iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-

isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.

Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang

magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa

kanyang pamilya.

At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba

hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at

hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?