kay celia - haraya.wikispaces.comharaya.wikispaces.com/file/view/kay+celia.pdf · sinasabing isa sa...
TRANSCRIPT
KAY CELIA PAGHAHANDOG NI BALAGTAS
PAKINGGAN ANG AWIT Kung Mawawala ka
ni Ogie Alcasid
ISIPIN: USO PA BA ANG
PAGTITIIS PARA SA
TAONG IYONG
MINAMAHAHAL?
KUNG MAWAWALA KA…
NANGYAYARI PA RIN BA ITO SA KASALUKUYAN ? IBAHAGI MO ANG IYONG KARANASAN O NG IYONG KAKILALA HINGGIL SA PAGSASAKRIPISYO DAHIL SA PAG-IBIG…
KOLABORATIBONG GAWAIN
• SA LOOB NG 4 NA MINUTO.
MAG-UUNAHAN AT
MAGPAPARAMIHAN ANG
BAWAT PANGKAT SA
PAGTATALA KUNG BAKIT
DAPAT MAGTIIS ANG ISANG
TAO…
maaaring gawin sa popplet
MAY KINALAMAN KAYA ITO
SA ATiNG TATALAKAYiN?
TUNGKOL SAAN ANG ATING ARALIN? MAGBIGAY NG INYONG NALALAMAN UKOL SA ATING ARALIN…
Pagbasa sa Aralin
KAY CELIA/SELYA
Isang Paghahandog
Isalaysay ang pangyayari sa aralin gamit ang
mga salita mula sa word pool
SAGUTIN NATIN…
Anu-anong mga alaala ang bumabalik sa isipan
ni Balagtas tungkol sa pag-iibigan nila ni Celia?
Ilarawan ang mga malulungkot na gunitang ito.
Paano niya pinapawi ang ganitong damdamin?
Bakit isang paghahandog ang mga saknong na
pinag-aralan?
MGA TAYUTAY!
• Pansinin ang mga Tayutay na ginamit sa akda.
Sinasabing isa sa pinakayaman na bahagi ng Florante at Laura
ang bahaging ito ng akda (Kay Celia.)
Matayutay ang paglalahad na ginawa ni Balagtas upang
maipahayag niya ang nagpupuyos niyang damdamin.
Sinasadyang lumaya ang makata sa pangkaraniwang paggamit ng
salita/pananalita. Sa tulong ng mga tayutay nagiging mas
masining, kaakit-akit at mabisa ang pahayag. Ito ang ilan sa mga
ginamit ng may-akda sa bahaging ito ng awit.
Personipikasyon- nagsasalin ng kilos, talino o
katangian ng isang tao sa mga bagay na walang
buhay sa tulong ng pandiwa.
-pansinin ang saknong 21
Ekslamasyon- Pagbubulalas ito ng isang
masidhing damdamin sa isang pahayag.
-pansinin S13, T3-4
Metapora- Ito’y paghahambing nang tuwiran ng
dalawang bagay na magkaiba ng uri. Ito’y maaring
ipahayag sa paraang paglalapat ng katangian,
tawag o pangalan ng isang bagay sa
pinaghahambingang bagay.
-pansinin ang saknong 9, taludtod 3-4 at S22, T1
Apostrope- Ito’y pagtawag o pakikipag-usap
nang may lakip na masidhing damdamin sa
tao o bagay, karaniwang hindi kaharap ng
nagsasalita.
-pansinin S20