kabihasnan ng tsino

32
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Upload: jonathan-husain

Post on 16-Apr-2017

56.576 views

Category:

Education


50 download

TRANSCRIPT

Ang Kabihasnang Tsino sa

Silangang Asya

ANG KABIHASNANG TSINO SA

SILANGANG ASYA

Click icon to add picture

• Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA

• Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino

Click icon to add picture

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA

• Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.

Click icon to add picture

HEOGRAPIYA NG HUANG HO• ang kabihasnan sa China ay umusbong sa

tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain.

Click icon to add picture

HEOGRAPIYA NG HUANG HO• Ang pag-apaw ng Huang Ho ay

nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito.

HEOGRAPIYA NG HUANG HO• Naniniwala ang mga Tsino na sila

lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.

HEOGRAPIYA NG HUANG HO• Ayon sa tekstong tradisyunal ng China,

ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAAng mga natural na hadlang sa China tulad ng mga

disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3,000 taon.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAXia(? - 1570 B.C.E.)

Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho.Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAShang(1570? B.C.E.

– 1045 B.C.E.)

Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.

Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno

Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAZhou o Chou(1045 B.C.E.- 221 B.C.E.)

Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit . Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.

Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:

Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.

Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.

Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAQ’in o Ch’in(221 B.C.E. - 206 B.C.E.)

Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou.

Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400 kilometro o 1500 milya.

Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).

Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAHan(202 B.C.E. -

220 C.E.)

Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism.Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYASui(589 C.E. – 618 C.E.)

Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin ang watak-watak na teritoryo ng China.Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAT’ang(618 C.E. –

907 C.E)Li Yuan – Dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag niya ang dinastiyang T’ang.

Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya.Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao.Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang.

Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring pag - aalsang naganap sa China.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYASong(960 C.E. – 1127 C.E.)

Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito.

Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.

Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.

Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Song na iwanan ang kabisera nito noong ika-12 siglo.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAYuan(1279 - 1368)

Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro.

Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan.

Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe.

Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAMing(1368 - 1644)

Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.

Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He.

Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon.

Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAQing o Ch’ing(1644 - 1911)

Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England (1839-1842) at laban sa England at France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang pagbebenta ng opyo ng mga Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng lipunan.

Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming na mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan.

Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa.

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAQing o Ch’ing(1644 - 1911)

Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895).

Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino. Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na Kanluranin.

Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.

GAWAIN 8. MARAMIHANG PAGPILI SA

CHART

GAWAIN 8: MARAMIHANG PAGPILI SA CHARTBuuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng

mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob ng mga bilog.

GAWAIN 8: MARAMIHANG PAGPILI SA CHART