kabihasnan ng japan
DESCRIPTION
Ito po ang Kabihasnan ng Japan, Sana po masiyahan kayo... Enjoy!TRANSCRIPT
“Kabihasnang Nakabatay Sa Hapon”
Tulad ng Korea, nababalot sa alamat ang pinagmulan ng Japan. Ayon sa alamat, ang unang emperador ng Japan ay si Jimmu Tenno. Sinakop niya ang mga kalabang angkan na nasa kapatagan ng Kyushu at Honshu noong 600 B.C.E. Banal si Jimmu Tenno dahil siya ay apo ni Amaterasu o ang diyosa ng araw. Lumawak ang kontrol ng Yamato na angkan ni Jimmu Tenno sa Japan. Kalaban din ng Yamato ang mga Ainu mas naunang nanirahan sa Japan kaysa mga tinatawag na Hapones ngayon. Unti unting itinaboy tungo sa hilagang isla ng Hokkaido ang mga Ainu.
Si Emperador Jimmu Tenno
“Ang mga Ainu”
Ang Liping Yamato at Nara
Ang panahon ng Yamato noong circa 300-720 C.E. at Nara noong 710-794 C.E. ay panahon ng paglalaganap ng impluwensiyang Tsino at Japan. Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confucianism. Kaakibat nito ang pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Nagsimulang lumawak ang kapangyarihan ng emperador sa pamamagitan ng Repormang Taika at binuo ang isang sentralisadong pamahalaang halaw sa China. Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 C.E. Ito ang pinakaunang permanenteng lungsod sa Japan na kinopya sa lungsod ng Chang An sa China.
Chang An sa China
Ang Fujiwara ( 794-1185 C.E.)
Itinayo ang bagong kabisera ng Japan sa Heian (Kyoto sa kasalaukuyan) noong 794 natapos noong 1185 C.E. Nagpatuloy ang paghihiram ng kulturang Tsino at sentralisasyon ng estado sa panahong ito. Ngunit maisasantabi ang emperador ng makapangyarihang angkan ng Fujiwara. Nagsimula ito nang maging regent si Fujiwara Kamatari ng batang emperador. Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador. Namahagi ang Fujiwara ng lupa sa mga angkang aristokratiko. Ngunit unti unting nawala ang kontrol ng pamahalaan sa mga pribadong lupain ng mga aristokratiko at mula rito, lumitaw ang mga independenteng han o lupain na kontrolado ng mga daimyo o pinunong piyudal.
Si Fujiwara Kamatari
Sa larangang kultural, namulaklak ang kulturang aristokratiko na nagbibigay-diin sa representasyon ng kagandahan. Napatanyag ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining ng calligraphy, at pananamit. Naisulat sa panahong ito ang dakilang nobela na The Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki.
The Tale of Genji
Murasaki Shikibu o Lady Murasaki
Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahon ng Heian. Nabuo ang mga pribadong hukbo o puwersang militar dahil sa pagtindi ng labanan. Lumitaw ang grupong bushi (mandirigma) at samurai (nangangahulugang “ang mga naglilingkod”) mula sa aristokrasya. Sila ang mandirigma na nagtatanggol sa mga daimyo. Kasabay nito ang pagbubuo ng tradisyong militar na nakapaloob sa Bushido o “Alituntunin ng Karangalan”. Mahalaga sa tradisyong ito ang katapatan, karangalan, at katapangan. Naging mahusay sa paggamit ng espada at pana, at pagsakay sa kabayo ang mga samurai. Kaugnay sa tradisyon ng Bushido ang ritwal ng seppuku o harakiri na nangangahulugang marangal na pagpapatiwakal.
Ang pagtatapos ng panahong Heian ay hudyat ng pagbubuo ng bukufu o pamahalaang militar sa Japan. Sa pamahalaang militar, iisang angkan ang naging dominanteng kapangyarihang politikal ayon sa dami ng kontroladong samurai at malawak na lupain. Isang shogun o dakilang heneral ang namumuno sa pamahalaan kung kaysa kilala rin ito sa pangalang shogunato. May tatlong shogunato na nabuo sa Japan. Ito ang shogunato ng Minamoto, Ashikaga, at Tokugawa. Sa panahon ng shogunato, nawalan ng politikal na kapangyarihan sa pamahalaan ang emperador bagama’t nanatili siya bilang simbolo at para gampanan ang mahahalagang ritwal ng Shinto.
Ang Minamoto (1185-1333 C.E.)
Unang shogunato sa Japan ang Minamoto. Natalo ng angkang Taira. Itinayo ang lungsod ng Kamakura bilang sentro ng pamahalaan. Sa panahong ito nangibabaw ang aristokratikong bushi at samurai. Namayani ang sistemang piyudal kung saan ang mga daimyo ay kailangang sumunod sa shogun. Ngunit ang mga daimyo ay nanatiling makapangyarihan sa sariling sakop na teritoryo.
Sa panahong ito naganap ang dalawang beses na paglusob ng mga Mongol sa Japan-noong 1274 at 1281. Ngunit sinalubong ng malalakas na bagyo ang pagsalakay na ito ng Mongol kung kaya nasalanta ng malakas na ulan at alon ang mga barko na sinasakyan ng sumasalakay na Mongol. Tinawag na kamikaze o banal na hangin ang mga bagyong ito na simbolo ng proteksiyon ng mga kami o espiritu sa mga Hapones.
Ang Ashikaga (1333-1568 C.E.)
Ang Ashikaga Shogunate
Napalitan ng angkang Ashikaga ang Minamoto noong 1333. Inilipat din ang sentro ng pamahalaan sa Muromachi. Sa panahong ito, hindi lubusang nakontrol ang mga hiwa-hiwalay na daimyo kung kaya nagpatuloy ang labanan hanggang sa tuluyang sumiklab ang digmaang sibil noong 1573. Nagtapos ang pamumuno ng Ashikaga noong 1568.
Ang Shogunato ng Tokugawa (1600-1868 C.E.)
Ang pagkakaisa sa Japan ay naibalik sa pamamagitan ng tatlong dakilang mandirigma sina Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi, at Tokugawa Ieyasu. Si Oda Nobunaga (1534-1582) ay isang makapangyarihang daimyo. Sinimulan ni Nobunaga ang paggapi sa iba pang daimyo at pagkontrol sa mga Buddhist. Pinatay siya ng sarili nitong vassal noong 1852 at pinalitan naman ni Toyotomi Hideyoshi (1536-1598).
Si Oda Nobunaga
Si Toyotomi Hideyoshi
Si Tokugawa Ieyasu
Banghay 3: Ang Lipunang Hapones Sa Panahon Ng Tokugawa
Emperador
Shogun
Daimyo
Samurai
Magsasaka Artisano
Mangangalakal
Upang lalong maging matatag ang kanyang pamamahala, ipinag-utos ni Hideyoshi ang direktang pagbubuwis sa mga magsasaka at ipinagbawal ang Kristiyanismo sa Japan. Ipinag-utos din niya ang pagsalakay sa Korea na nabanggit sa unang aralin. Nang mamatay siya noong 1598, si Tokugawa Ieyasu (1542-1616) ang pumalit matapos matalo ang iba pang karibal sa digmaan ng Sekigahara.
Ang Digmaan ng Sekigahara
Itinatag ni Ieyasu ang isang sentralisadong pamahalaang militar batay pa rin sa sistemang piyudal. Hinati sa tatlong uri ang mga daimyo: ang shimpan daimyo o mga kaugnay na angkan; ang fudai daimyo o kasaping angkan; at tozama daimyo o tagalabas na angkan. Ang mga tozama ay dating kalaban ng Tokugawa na napasailalim sa kanila. Upang mangyari ito, ipinatupad ng Tokugawa ang sistema ng sankin kotai o pagbisita ng mga daimyo sa Edo (ngayon ay Tokyo) bawat dalawang taon. Samantala habang sila ay nasa kanilang lupain, ang asawa at anak ng mga daimyo ay sapilitang pinanatili sa Edo.
Shimpan Daimyo
Fudai Daimyo
Tozama Daimyo
Sankin Kotai
Edo (Ngayon ay Tokyo)
Dati Ngayon
Ipinagutos din ng Tokugawa ang sakoku o ang pagsasara ng Japan sa mga banyaga maliban sa mga Dutch na maaari lamang makipag-ugnayan sa daungan ng Deshima sa Nagasaki. Ang patakaran ng pagbubukod ay naipatupad mula 1639 hanggang 1854.
Daungan ng Deshima sa Nagasaki
Sa larangan ng kultura, naging sikat sa hanay ng mga samurai ang Zen Buddhism. Nagbago ang sining sa paglitaw ng kabuki na isang uri ng teatro at ng haiku na isang uri ng tula. Sa kabilang banda, bumuti ang agrikultura at lumaki ang populasyon sa Japan dahil sa kapayapaan sa loob ng panahong Tokugawa.
Kabuki
Haiku
Malakas ang kalakalan at lumitaw ang uring mangangalakal. Ang tradisyonal na lipunang Hapones ay nahahati sa apat na uring panlipunan: ang samurai, magsasaka, artisano, at mangangalakal. Marami sa mga Hapones ang marunong sumulat at magbasa dahil laganap ang paggamit ng sistema ng pagsulat na tinatawag na katakana at hiragana.
Samurai
Magsasaka
Artisano
Mangangalakal
Ang Katakana
Ang Hiragana
II ACTS
Danalee Pinpin