fil 40

Upload: mariemfrancisco

Post on 07-Oct-2015

19 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

reaction paper

TRANSCRIPT

Marie Angeline FranciscoFil 40Kabataang Makabayan, Paglingkuran ang Sambayanan!

Sa panahon ngayon, marami ang nakakalimot sa kasaysayan ng bansa, lalo na ang mga kabataan. Maraming pinagdaanan ang ating bansa bago ito nakarating sa lagay nito ngayon, ngunit marami ang hindi nakakaalam na malaki ang naging bahagi ng mga kabataan noon sa pagpapaunlad ng sistema at sa pakikipaglaban para sa tama.Ang dulang Kabataang Makabayan, Paglingkuran ang Sambayanan!, sa panulat ni Charisse Banez at direksyon ni Donna Dacuno na itininghal sa teatro ng U.P. Diliman noong 30 ng Enero, ay isang pagdiriwang ng limang mataginting na dekada ng Kabataang Makabayan (KM) at ng ika-45 na anibersaryo ng Sigwa ng Unang Kwarto. May mga kaunting pagkukulang man, ito ay naging mabisa at epektibo sa pagpapakita ng mga pagsisikap at tibay ng puso at isipan ng mga kabataan.Ang produksyon, gamit ang paraan ng pagkanta at pagbigkas nang sabayan, ay gumugunita sa mga naiambag ng Kabataang Makabayan at sa halaga nito sa kasalukuyang panahon. Hinati sa ibat ibang bahagi ang dula kung saan sa bawat bahagi ay isinasabuhay ang mga mahahalagang pangyayari sa mga kilusan at buhay ng mga aktibista at ang mga isyung panlipunan na ipinakipaglaban ng mga kabataan noon.Nakapukaw ng interes ang panimula ng produksyon ang paghatid ng mga linya mula Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio at Talumpati sa Pagtatatag ng KM ni Jose Maria Sison upang mailarawan sa mga manonood ang kahalagahan ng KM sa pagpapatuloy ng Rebolusyon. Isa ring naging mensahe ng KM ay upang magkaroon ng kalayaan, ang masay dapat magsagawa ng demokratikong rebolusyon na magpapabagsak sa pyudalismo, imperyalismo, at kapitalismo. Dito ay ipinakita ang mga pagsisikap ng KM para maitatag ang Bagong Hukbong Bayan at Partido Komunista ng Pilipinas. Nakatulong din ang KM sa pagpapalawig ng mga demonstrasyon sa Sigwa ng Unang Kwarto noong 1970. Habang lumalakas ang mga kilusan, lumalaki ang takot ng administrasyong Marcos kaya nagdeklara ito ng Batas Militar noong 1972. Subalit itoy nabigo pagkat kumalat ang panghihimok na Sagot sa Martial Law, Digmaang Bayan!Isa sa mga eksenang aking nagustuhan ay ang pag-sayaw ng dalawang nagtatanghal habang ipinapakita ang mga pangalan ng mga batang martir. Napaka-simple ng kanilang ginawa, ngunit itoy makabuluhan at naisagawa nang maganda. Ang pagtatalo ng dalawang kampo ang mga kabataan at ang pamahalaan sa pamamagitan ng kanta ay naging matagumpay din sa pagpapakita ng tunay na kalagayan, hindi lamang noon kung hindi pati ngayon, ng kabataang Pilipino. Sa eksenang ito, makikita ang mga miyembro ng gobyerno na paulit-ulit na sinisigaw ang subersibo! Sa aking palagay, ito ang isa sa mga pinaka-nag-bubuod sa mensahe ng pelikula.Kung susuriin ang mga aspetong teknikal, may mga naging pagkakamali ang produksyon. Gayunpaman, naging matagumpay pa rin ang dula sa pagpaparating ng mensahe nito.Mahusay ang pagkakagawa ng iskrip, ngunit nagkaroon ng pagkukulang sa pagbibigkas nito. May mga pagkakataong nakakalimutan ng mga nagtatanghal ang kanilang mga linya, at minsan ay nakaapekto ito sa transisyon ng mga eksena. Sa ilang mga tagpo rin ay hindi maunawaan ng lubos ang mga sinasalita o inaawit ng mga actor dahil na rin sa mahinang sound system. Ang mga itoy nakahadlang sa paghahatid ng mensahe sa mga manonood.Sa kabilang dako, naging mabisa naman ang musika sa pagbibigay-aliw at pagbibigay ng atmospera ng pagiging makabayan. Ang dulang itoy isang adaptasyong musikal, at hindi ito nagkulang sa mga production number. Angkop ang mga awit at sayaw na ginamit sa panahon ng tagpuan. Naging kahanga-hanga ang pagiging payak ng entablado hindi gaano karami ang mga props na ginamit. Sa pagkapayak ng tanghalan, mas nabigyang-tuon ang pag-arte ng mga aktor at ang mga nais ipahiwatig ng dula. Mas napahalagahan din ang iba pang mga aspektong teknikal na hindi karaniwang nababatid ng mga manonood. Ito ay maihahalintulad sa kakulangan sa pagbibigay-pugay sa mga pagpupunyagi ng Kabataang Makabayan na hindi rin nababatid ng marami.Isa rin sa mga nakatulong sa pagpapaganda ng produksyon ay yaong pag-iilaw. Maganda ang naging kombinasyon ng mga kulay ng ilaw, lalo na sa bahagi kung saan nagkaroon ng barilan. Mararamdaman ng manonood na siya ay nasa kagubatan sa gabi, at ang mga tunog ng putok ng baril ay lalong nagpatindi sa damdaming ito.Ang mga kasuotan ay angkop sa panahon ng pinangyarihan makaluma at simple. Tunay na madarama ang kasariwaan ng kanilang pag-iisip at pagka-makabayan. Hindi rin gaanong komplikado at matingkad ang kanilang ayos at kolorete. Kapansin-pansin din na sa ilang mga tagpo, ang mga kagamitan ay dala-dala ng mga aktor at hindi nakahanda sa entablado bago pa man magsimula ang eksena. Ito ay lumilihis sa nakasanayang ugali sa mga dula. Sa aking pakiwari ay isa itong paraan upang maipamalas na ang mga kabataan ay malaya at hindi umaasa sa iba. Sa pagtatapos ng dula, nagpakilala ang mga batang kasalukuyang lider ng mga organisasyon at buong-pusong binigkas ang kanilang panata ibubuhos ang kanilang panahon at kabataan sa pagsulong ng pakikibaka at paglaya.Nagkukulang man sa ilang mga aspeto, masasabing puspusang pinaghandaan ang pagtatanghal na ito. Makikita ang puso ng mga gumaganap at ang kanilang pagiging isa sa kanilang papel. Kaakibat nito ay ang makabuluhang mensaheng nais iparating ng dulang ito na nagpapatingkad hindi lamang sa produksyon ngunit sa kabuuan. Pinaaalala sa atin ng selebrasyong ito ang mga paghihirap, pagtitiyaga, at pagiging matiyaga ng mga kabataan noon upang makamit ang ninanasang tunay na kalayaan at demokrasya. Tayo, bilang mga pag-asa ng kinabukasan, ay nararapat lamang maglingkod sa bayan ng walang pag-aalinlangan. Marami tayong mga kakayahan, at malaki ang ating maitutulong sa sambayanan. Nasa atin na lamang ito kung aling daan ang ating tatahakin. Lahat tayoy makabayan; lahat tayoy may ipinaglalaban.