fil 40 glosari
DESCRIPTION
Sa Korte Ka Na Lang MagpaliwanagGlossary of Law terms (Filipino)TRANSCRIPT
aligiran g aksa
Ang hukuman ay isang espesyal na lugar kung
saan hinahatulan ng kaukulang parusa ang mga taong
nagkamali o nagkasala sa pamumuno ng isang tagahatol
o judge. Ito ang pook ng pagpapakitang-gilas ng
dalawang magkalabang kampo sa pamamagitan ng
mabubulaklak na pananalita. Sa apat na sulok ng
hukuman ay nagpapagalingan at nagpapatutsadahan ang
mga napipiling abogado ng akusado at ng taga-usig.
Wala ni isa ang gustong magpatalo at parehong
nagpapatuloy sa panghihikayat na sila ay paniwalaan.
Ngunit sa huli, mananalo ang panig na taglay ang mga
pinakamatibay na ebidensya at pinakamahuhusay na
testigo.
Ang korte para sa marami ay isang kwadradong
lugar kung saan hustisya ang namamayani. Dito
tinitimbang-timbang ang mga pangyayari at mahusay na
pinag-aaralan ang mga datos para matiyak kung sino ang
tunay na mananagot sa krimeng nagawa. Ang aktwal na
pangyayari ay binabalikan at ang mga posibleng makalap
na ebidensya ay binubusisi.
4
aligiran g aksa
a kasalukuyang panahon, maituturing pa nga
ba bilang isang “pook ng hustisya” ang hukuman o
tuluyan na nating masasabi na mailap na nga ang
hustisya sa mga taong kapos-palad? Sapagkat
mapapansin sa sistema ngayon na tila mga mayayaman
at mga makapangyarihang tao ang madalas na nagwawagi
sa mga paglilitis samantalang binabalewala at isinasantabi
naman ang mga mahihirap.
indi rin alintana sa panahon ngayon na naiiba na
ang imahe ng hukuman dahil na rin sa negatibong
pagtingin ng mga tao. Ang karamihan ay nagkakaroon ng
takot sa hukuman dahil sa paniniwala o ideya na ito ay
sumasalamin sa pagkakabilango.
asasabing ang pagiging-maalam sa isang paglilitis
ay importante at hindi dapat isinasawalang-bahala para
sa panahong tayo naman ang haharap sa hukuman, alam
natin ang ating nararapat na gawin o hindi at ang ating
magiging hakbang. Mahalagang mayroon tayong
kaalaman sa mga termino na ginagamit sa korte para sa
posibleng pangangailangan sa hinaharap.
5
ayunin
orte, isang lugar na marahil ay iniiwasan ng
marami at madalang maging paksa sa mga usapan,
maliban na lamang sa iilang mga tao na ang propesyon
ay umiikot dito. Ang mga salitang ginagamit sa korte at
sa pangagasiwa ng batas ay sadyang marami ngunit
nalilimitahan lamang sa mga taong may direktang
kaugnayan sa ganitong linya ng trabaho. Bawat isa sa atin
ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng batas kaya nararapat
lamang na kahit papaano ay matutunan natin ang mga
ito nang sa gayon ay maging handa sa pagkakataong
kailangan natin pumunta sa korte.
inarapat ng pangkat na gawin ang diksyunaryong
ito dahil sa tatlong kadahilanan. Una, maliban sa
kadahilanang ito ang pinakainteresanteng paksa na
naisip ng pangkat, napag-pasyahan na ang usaping korte
ay naituring na “taboo” at dahil dito kanilang ninanais na
ang diksyunaryong ito ay magamit upang ang isang
simpleng mamamayanan ay magkaroon ng kamalayan at
kahandaan. Sa pagkamit ng kaalaman mula sa likha ng
pangkat, kanilang ninanais na ito ay magbukas ng
kamalayan sa posibilidad na kakailanganin ang
kaalamang ito sa hinaharap.
6
angalawa, ang diksyunaryong ito ay
naglalayong makatulong sa mga nag-aasam maging
alagad ng batas upang mabigyan sila ng “primer” o
introduksyon sa mga salitang ginagamit sa ganitong
larangan. Lalo na dahil marami sa mga mag-aaral sa
pamantasan ang naghahangad na magsilbi bilang
abogado, hukom o di kaya tagapaglingkod sa publiko.
uli, layunin ng “Sa Korte Ka Na Lang
Magpaliwanag” na magbigay ng kaalaman tungkol sa
mga salitang ginagamit sa korte sa paghahatid nito ng
simpleng mga impormasyon kung saan mas mapapabilis
ang proseso sa pamamahala ng mga gawaing legal at
maiwasan ang pagkalito sa proseso ng mga kasangkot
dito.
ukod sa mga layuning ito, ninanais ng pangkat
na makapaglahad ng mga kalipunan ng mga salita na
hindi pangkaraniwan na maaaring magamit upang mas
maging dinamiko ang maging interaksyon sa larangan ng
batas.
ayunin
7
pang mabuo ang glosari, ang grupo ay nag-
isip at pumili muna ng isang malikhaing pamagat;
napagkasunduan na ang magiging pamagat ng glosari na
naka-pokus sa mga salitang ginagamit sa hukuman ay
“Sa Korte Ka Na Lang Magpaliwanag”na kung
mapapansin ay tila naihango sa linyang madalas marinig
sa telebisyon na “Sa presinto ka na lang magpaliwanag”.
Isang dahilan sa paggamit ng pamagat na ito ay para
makahikayat ng mga mambabasa kahit na tila napaka-
seryoso ng napiling paksa. Naglalayon ang aming
pamagat na maging bukas ang glosari para sa lahat kahit
hindi ganoon kalawak ang kaalaman nila sa mga
terminong ginagamit ng mga abogado.
atapos ang pamagat, ang pangkat ay lumikom ng
hindi bababa sa 10 mga salita bawat isa upang mahigitan
o matumbasan ang 50 na termino na minimum sa
proyektong ito.
etodolohiya
8
pang mabuo ang glosaring ito minabuti ng grupo
na humanap ng mga datos na maaaring magamit sa
pagpapaliwanag at pagbibigay-linaw sa mga termino na
isasama sa “Sa Korte Ka Na Lang Magpaliwanag”. Una
sa lahat, minabuti ng grupo na humanap ng mga taong
mas maalam sa mga bagay na may kaugnayan sa paksa
tulad na lamang ng mga abogado, alagad ng batas at ang
mga estudyanteng nag-aaral ng batas. Matapos noon,
sinubukan ng grupo na sila ay makapanayam kahit sa
pamamagitan lamang ng internet upang bigyang linaw
ang mga termino na nahanap at upang magdagdag pa ng
mga nalalaman nila. Ang mga taong ito ay ang mga
sumusunod: Atty. Narcissa de Leon, Atty. John Vargas,
at Atty. Paul Michael Sansano kung saan nanggaling ang
mga terminong Latin na nakapaloob sa glosari.
etodolohiya
9
angalawa, ang paggamit ng internet at ng iba’t
ibang diksyunaryo para sa mga terminong nasa wikang
Filipino, upang masigurado ang tamang gamit sa
pangungusap, bigkas, pagpapakahulugan at pinagmulan
ng mga napiling termino. Bilang panghuli, nag-ambag
din mismo ang bawat miyembro ng mga termino na
kadalasan ay nanggaling sa media (mga balita at
teleserye) at sa mga naririnig sa lipunan na maaari na
ring naging dahilan upang ito ang piliing paksa.
atapos ang pagkalap ng mga kakailanganing datos
na magbibigay laman sa “Sa Korte Ka Na Lang
Magpaliwanag” sinimulan ang pag-layout ng glosari
kung saan ginamit ang pagka-malikhain ng grupo upang
makagawa ng mga layout na hindi lamang angkop sa
paksa kundi agaw -pansin din sa mga mambabasa; ang
mga imahe na inilagay sa layout ay kadalasan galing sa
internet at inayos upang maging swak o angkop sa
disenyong nais maipakita.
etodolohiya
10
a kabuuan, masasabing ang diksyunaryong ito
ay makabuluhan sapagkat makatutulong ito sa mga
mamamayan upang sila ay maging pamilyar sa mga
kahulugan ng mga salitang nakatala rito. Maaari itong
magsilbing gabay sa mga indibidwal na nagnanais maging
abogado o maging propesyunal sa anumang larangang
may kinalaman sa hukuman. Ang diksyunaryong tulad
nito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga taong may
hinaharap na kaso o anumang problema na dumadaan
sa proseso ng hukuman sapagkat ito ay maaari nilang
maging patnubay upang maiwasan ang pagkalito at
magbigay sa kanila ng mga bagong kaalaman. Isa rin
itong paraan ng pagtatago o pagpapanatili sa mga salitang
ginagamit sa loob ng hukuman upang patuloy na
magamit ng mga susunod na henerasyon.
onklusyon
11
apapansing ang iba sa mga salitang
nakatala sa wikang Ingles at Latin ay may naiibang
kahulugan na tanging mga abogado, mga taong may
kinalaman sa hukuman o batas lamang ang
makauunawa. Kaya mahalagang magkaroon ng
diksyunaryong tulad nito upang ang mga karaniwang
mamamayan ay mabuksan ang kamalayan sa mga
ganitong bagay. Sa palagay ng pangkat, makabubuti
ring magkaroon pa ng mas maraming termino o
salitang ginagamit sa hukuman sa wikang Filipino
upang mas marami ang makaunawa sa mga batas, sa
mga prosesong nagaganap sa hukuman, sa mga isyu
na may kinalaman sa husgado, at para na rin sa
ikauunlad ng ating industriya.
onklusyon
12
ng talaang “Sa Korte Ka Na Lang
Magpaliwanag” ay nagbibigay linaw sa mga salitang
ginagamit sa loob ng hukuman. Ito ang napiling
pagtuunan ng pansin ng grupo upang magkaroon ng
ideya ang mga mamamayan tungkol sa mga
terminong ginagamit sa mga pormal na pagtitipon
gaya ng nangyayari sa loob ng korte. Naniniwala ang
mga mananaliksik ng diksyunaryong ito na
mahalagang magkaroon ng kaalaman ang isang
ordinaryong mamamayan ukol sa mga salitang hindi
araw-araw naririnig sa kahit saan man.
minumungkahi ng grupo sa mga gusto pang
magsaliksik tungkol sa paksang ito na magdagdag pa
ng mga terminolohiyang teknikal at mas praktikal na
salita na sa larangang ito lamang nagagamit.
ekomendasyon
13
ainam din na makadalo sa isang aktwal na
paglilitis upang maobserbahan kung anu-ano ang
mga salitang madalas gamitin mapa-abogado man o
ang mismong nasasakdal. Importanteng bigyang diin
na magkaiba ang mga salitang ginagamit sa
akademya kumpara sa ginagamit kapag ang isang
abogado ay nasa aktuwal na sitwasyon dahil sa
paghahalu-halo ng pormal at di-pormal na mga
salita. Mabisa ring maobserbahan ang paraan ng
paggamit ng mga salita o terminolohiya ng mga
taong sangkot sa krimen at mga pulis na kaiba kung
sila ay wala sa sitwasyon kung saan nahaharap sa
isang pormal at seryosong imbestigasyon.
ekomendasyon
14
v/pandiwa (uh-jurn) pagtatapos o pagpapaliban ng isang
miting o pagpupulong
Paano ginagamit:
Judge: Ating ipagpapatuloy ang paglilitis
sa darating na Oktubre 1, 2013. Meeting
adjourned!
djourn
kusado
n/pangngalan (a-le-ga-syon) pormal na akusasyon laban
sa isang tao na nararapat na mapatunayan
Paano ginagamit:
Itinatanggi niya ang mga alegasyong
ipinaratang sa kanya ng kanyang kaibigan
sapagkat wala itong sapat na ebidensya.
n/pangngalan (a-ku-sa-do) taong inaakusahang gumawa
ng kasalanan o itinuturing na may sala
Paano ginagamit:
Ang akusado ay maaaring maparusahan
kung napatunayang siya nga talaga ang
may sala.
legasyon
16
n/pangngalan (a-li-bay) dahilan nang kawalan ng sala dahil ang
akusado ay nasa ibang lugar o may ibang ginagawa nang naganap
ang krimen
Paano ginagamit:
Attorney 1: Ang alibi ng aking kliyente ay aking
mapapatunayan sa paglilitis mamaya.
Attorney 2: Makikita natin kung iyang patunay mo
ay papasa sa hukom mamaya pagkatapos ko
ilabas ang mga dokumento na magpapatunay na
siya nga talaga ang may sala.
libi
pidabit
mnesty
n/pangngalan (am-nes-ti) pagkakaloob ng pamahalaan ng
kapatawaran sa mga nahatulang nagkasala sa batas
Paano ginagamit:
Pinagkalooban ng pangulo ng amnesty ang
mga MILF na nadakip noong 2002.
n/pangngalan (a-pi-da-bit) kasulatan na pinagtibay ng
huramento o panunumpa na siya namang ginagamit ng
hukuman bilang ebidensya
Paano ginagamit:
Dahil hindi makapupunta ang nasasakdal sa
korte, nagpadala na lamang siya ng apidabit
para sa kanyang pahayag tungkol sa kaso.
17
n/pangngalan (a-pi-la) proseso kung saan dinadala sa mas
mataas na hukuman ang isang kaso para muling pag-aralan
Paano ginagamit:
Kami ay nagplaplanong maghain ng apila sa
mas mataas na korte upang masiguradong sa
pagkakataong ito, mapaparusahan na ang
may sala.
pila
resto
reglo
n/pangngalan (a-reg-lo) kasunduan sa pagitan ng kriminal at
biktima upang maiwasan ang patuloy na pagsampa ng kaso
Paano ginagamit:
Imbis na ituloy ang demanda laban sa
magnanakaw, minabuti ni Ms. Sanchez na makipag-
areglo na lamang sa halagang 50,000 Php.
v/pandiwa (a-res-to) pagdakip ng mga awtoridad sa isang
pinaghihinalaang kriminal
Paano ginagamit:
Inaresto ang mastermind ng isang sikat na
sindikato sa Quezon City kahapon, Oktubre
5, 1995.
18
n /pangngalan (a-reyn-ment) pormal na pagbabasa ng mga
reklamo laban sa akusado sa harap niya upang kaniyang
malaman ang mga kakaharaping kaso/reklamo
Paano ginagamit:
Ang lahat ay nakinig nang mabuti lalo na ang
nasasakdal nang maganap ang arraignment
kanina sa pagdinig ng kaso.
rraignment
sunto
rson
n/pangngalan (a-sun-to) paghahain ng kahilingan o demanda; kaso
Paano ginagamit:
Abogado 1: Kamusta ang araw mo ngayon
kumpaniyero?
Abogado 2: Tinanong ko ang aking kliyente kung
asunto ba o areglo. Ayon sa kanya, asunto raw kaya
magkikita ulit kami sa korte sa susunod na buwan.
n/pangngalan (ar-son) isang krimen ng sapilitang panununog
ng isang bahay o gusali
Paano ginagamit:
Dahil sa impluwensiya ng alak, sinunog ni
Mang Ambo ang eskwelahan sa bayan na
siyang nagdala sa kanya sa New Bilibid Prison
sa salang Arson.
19
n/pangngalan (bey-lif) alagad ng batas na taga-panatili ng
kaayusan sa korte at kadalasang nilalakad ang anumang
gawain para sa hukom o klerk
Paano ginagamit:
Ang hepe ng Cebu City ang siyang bailiff sa
paglilitis na magaganap bukas sa kaso ng
isang politikong nasasangkot sa
pagdarambong ng 5 milyong piso na
pondo para sa pagpapatayo ng mga
“waiting shed”.
ailiff
adj/pang-uri (bi-yand-ey-ri-so-na-bol-dawt) tumutukoy sa
antas ng katiyakan ng hukom upang mapagpasiyang
nagkasala nga ang akusado
Paano ginagamit:
Siya ay mananagot sa batas sapagkat siya
ay napatunayang nagkasala beyond a
unreasonable doubt.
eyond a reasonable doubt
20
n/pangngalan (bis-ta) pagdinig kung saan inilalatag ang lahat
ng mga kaso sa korte
Paano ginagamit:
Kliyente: Handa na ba tayo para sa bista
bukas? Kaya ba nating maipanalo ang kasong
ito?
Attorney: Huwag po kayong mag-alala, naka-
ayos na po ang lahat ng ating mga dokumento
na magpapatunay na inosente kayo.
ista
lackmail
n/pangngalan (blak-meyl) krimen ng pananakot sa isang
indibidwal ng paglalabas ng mga impormasyong maaaring
makasira sa personalidad na nasangkot
Paano ginagamit:
Ang “star witness” sa kaso ng pagpatay
kay Mr. Sanchez ay maya’t mayang
nakakatanggap ng mga blackmail at death
threats.
21
n/pangngalan (kom-pen-sey-syon) halagang nakukuha upang
mabawi ang anumang pinsalang nagawa sa biktima ng
maysala
Paano ginagamit:
Bilang compensation sa kanilang mga
pasahero, minabuti ng Zest Air na ibalik ang
halagang ibinayad sa kanila at sagutin ang
anumang gastusing nagawa ng kanilang
pagkakamali.
ompensation
n/pangngalan (kawn-ter-kleym) pahayag kung saan sinasagot
ng akusado ang mga pahayag na hinain laban sa kanya
Paano ginagamit:
Matapos mabasa ang pahayag ng kabilang
panig ukol sa kasong kanyang
kinasasangkutan, dali-dali niyang sinagot ang
pahayag na iyon sa pamamagitan ng
paglalabas ng counterclaim.
ounterclaim
22
adj/pang-uri (de-kam-pa-nil-ya) hindi basta basta;
nangingibabaw sa iba
Paano ginagamit:
Mahal sumingil ang mga abogadong de
kampanilya.
e kampanilya
n/pangngalan (ded-li-we-pon) tawag sa anumang bagay na
maaring kumitil ng isang buhay
Paano ginagamit:
Ang bubog na hawak mo ay maaaring gamitin
bilang ebidensya laban sa iyo dahil iyan ay
isang deadly weapon.
eadly weapon
23
n/pangngalan (ay-wit-nes) isang taong nakakita ng
tunay na pangyayari at may kakayanang patunayan ito sa
korte
Paano ginagamit:
Dapat bigyan ng agarang proteksyon ang
eyewitness sa Angeles Massacre Case.
ye witness
24
n/pangngalan (fols-a-rest) pag-aresto sa isang tao
nang walang legal na karapatan na gawin ito
Paano ginagamit:
Ngayon, ang mga pulis ng Quezon City
ay kinukutya dahil sa ginawang false
arrest kay Ricky Carandang.
alse arrest
25
n/pangngalan (gag-or-der) utos ng hukom na nagbabawal
sa mga abogado at sa mga partido mula sa pakikipag-usap
sa media o sa publiko tungkol sa kaso
Paano ginagamit:
Inilabas ni Judge Mallari kahapon ang
isang gag order kaakibat ng kaso ni
Napoles.
ag order
v/pandiwa (ga-pang) pag-impluwensiya sa nakakataas
upang manalo sa isang kaso
Paano ginagamit:
Congressman: I-gapang mo na lang kasi
ako sa Judge para abswelto na ako sa mga
paratang ng mga Dela Cruz.
Attorney: Sige, ako na ang bahala tutal
kumpare ko naman yung Judge na
mamamahala bukas.
apang
26
n/ pangngalan (gud-feyt) matapat na paggawa ng isang
bagay na walang intensyon na makalamang sa kapwa
Paano ginagamit:
Ang nasasakdal kahapon sa paglilitis ay
hindi hinatulang may sala dahil di umano’y
sinunod lamang niya ang ideya ng good
faith.
ood faith
n/pangngalan (gud-sa-ma-ri-tan-rul) batas na nagsasaad na
nararapat maging maingat ang saksi sa pagtulong sa biktima o
taong sugatan. Anumang pinsalang naidulot o naidagdag sa
biktima ay kanyang responsibilidad
Paano ginagamit:
Ang pagbigay ni Brian ng paunang lunas kay JC
ay nagdala sa kanya sa bilanguan dahil hindi
niya nasunod ang Good Samaritan Rule.
ood Samaritan Rule
27
v/pandiwa (hab-la) tumutukoy sa ligal na aksyon na
ginagawa ng isang tao o grupo na mapagdedesiyunan sa
loob ng isang hukuman
Paano ginagamit:
Naghabla si Pedro ng kaso laban sa
kanyang abusadong amo.
n/pangngalan (hu-kom) taong dumidinig at nagpapataw
ng hatol ukol sa kaso
Paano ginagamit:
Sa hukom nakasalalay ang pagpapasiya
kung makukulong ba o mananatiling
malaya ang isang taong inaakusahang
may sala sapagkat nasa kanya ang huling
salita.
ukom
abla
28
adv/ pang-abay (in-flag-ran-te) pagkahuli sa akto nang
paggawa ng krimen
Paano ginagamit:
Humihingi ng mas mababang sentensiya
ang pamilya Zafra para sa kanilang kapatid
na in flagranteng nakapatay.
n flagrante
adj/pang-uri (in-pa-ri-de-lik-to) parehas lamang ang lebel
ng pagkakamali o pagkakasala ang dalawang panig kung
saan wala pang mapapatunayan ang korte kung sino ang
may sala
Paano ginagamit:
Ang magkabilang panig sa korte ay in pari
delicto kaya iniantala ng hukuman ang
kanyang desisyon sa susunod na hearing.
n pari delicto
29
n/pangngalan (in tehr-roar-em- klos) tawag sa
gawain kung saan kinakalaban ang legalidad ng
habilin. Kung sino man ang humusga sa habilin ay
mawawalan, o mabibigyan lamang ng maliit na parte
sa halagang kanyang makukuha
Paano ginagamit:
Mayaman na sana si Macky ngayon
kung hindi lamang siya nag-apela ng in
terrorem clause.
n terrorem clause
30
n/pangngalan (dyan-dow) ibinibigay na katawagan sa
isang hindi pa napapangalanan o patay na tao
Paano ginagamit:
Ayon sa mga saksi, ito umanong si John
Doe ay tumalon mula sa ika-limang
palapag ng gusali.
ohn Doe
n/pangngalan (jus-sow-li) ang citizenship ng isang tao ay
nakadepende sa lugar kung saan ito pinanganak
Paano ginagamit:
Attorney 1: Hindi sakop ang aking kliyente ng
mga batas ng bansang ito sapagkat siya ay
isang Amerikano at nararapat lamang litisin
sa isang American court.
Attorney 2: Objection, your Honor! Nasasaad sa
dokumentong hawak ko ngayon na Pilipino
ang jus soli ng nasasakdal sapagkat kahit
lumaki siya bansang Amerika ay dito pa rin
siya pinanganak.
us soli
31
n/pangngalan (ka-ra-pa-tan) mga pribiliheyong mayroon ang
lahat ng mamamayanan na pinoprotektahan ng gobyerno at ng
mga hukuman sa lipunan
Paano ginagamit:
Ikaw ay may karapatang manahimik. Ang iyong
mga sasabihin ay maaaring gamitin bilang
patunay laban sa iyo sa korte. Ikaw ay may
karapatang kumuha ng isang abogado. Kung
ikaw ay hindi makakuha ng abogado, ang korte
ang magtatakda para sa iyo.
arapatan
n/pangngalan (ka-so) habla; dahilan ng pagdedemanda
Paano ginagamit:
Magsasampa ako ng kaso sa susunod na linggo
laban kay G. Rafael dahil sa ginawa niyang pang-
aalipusta sa akin.
n/pangngalan (ka-sab-wat) kasama sa paggawa ng
krimen
Paano ginagamit:
Kasabwat pala ng magnanakaw ang isang
pulis.
aso
asabwat
32
n/pangngalan (klerk) empleyado o opisyal na nangangasiwa
ng mga trabaho sa hukuman: pagtatago at pag-aayos ng mga
impormasyon; pagpapakalat ng mga liham, pagtulong sa
hukom at marami pang iba
Paano ginagamit:
Bago tuluyang magtapos ng abogasya
nagkaroon ng pagkakataon si G. Silva na
makapagtrabaho sa isang korte bilang klerk.
lerk
ontrademanda
n/pangngalan (kon-tra-de-man-da) isinampang kaso
laban sa isang demanda
Paano ginagamit:
Ms. Tuazon: Hindi ko lubusang maisip kung
bakit ako kakasuhan ng aking kumare ng
paninirang-puri gayong totoo namang
ninakaw niya ang aming puhunan.
Attorney: Ms. Tuazon, ganito na lang po ang
ating gawin, maghanda na lang tayo ng
kontrademanda laban sa kanya.
Ms. Tuazon: Mabuti pa nga at maipapakita
ko sa kanya ang tunay na hagupit ng batas.
33
n/pangngalan (kon-tra-ta] kasunduan kung saan
nakasaad ang mga tiyak na pangako sa pagitan ng
dalawang panig. Ito ay kadalasang pasulat
Paano ginagamit:
Maraming kaso ang dininig ngayon ng
Regional Trial Court sa Caloocan na
tungkol sa mga kontratang nabali.
ontrata
n/pangngalan (kri-men) anumang aktibidad na lumalabag sa
tinakdang batas ng estado
Paano ginagamit:
Guro: Mga bata, tandaan na ang pananakit sa
iyong kapwa ay isang krimen kung saan pwede
kayong makulong.
n/pangngalan (kor-te) opisyal na tribunal na
pinamamahalaan ng isang hukom kung saan lahat ng mga
usaping ligal ay binibigyang kasagutan
Paano ginagamit:
Minarapat na dalhin ni Bb. Fauro ang
kanyang kaso sa pinakamalapit na korte
sa kanilang bayan.
rimen
orte
34
n/pangngalan (kum-pa-nye-ro) kasama,
partner
Paano ginagamit:
Kamusta ang hawak mong kaso
kumpaniyero?
umpaniyero
35
n/pangngalan (leks-losi-se-le-bra-syo-nis) batas
ng lugar kung saan naganap ang isang kasalan;
kadalasang ginagamit para sa beripikasyon kapag
nakasal sa ibang bansa
Paano ginagamit:
Hukom: Pinawawalang-bisa ko ang
kasalang naganap sa Tsina ayon na
rin sa lex loci celebrationis ng lugar
na iyon upang mapatupad na ang
hinahain na divorce ni Mrs. Cruz.
ex loci celebrationis
36
n/pangngalan (mal-ye-te) maliit na maso na
pamukpok sa mesa na ginagamit ng isang hukom
upang makuha ang pansin ng mga tao sa hukuman
at maghudyat ng pagsisimula at pagtatapos ng
sesyon
Paano ginagamit:
Sa pagtatapos ng paglilitis ipinukpok
ng tatlong beses ng hukom ang
kanyang malyete upang pormal na
tapusin ang hearing.
alyete
37
n/pangngalan (nat-gil-ti-pli) salaysay na
nagsasaad ng pagtanggi o pagsasabi na ang isang
tao ay inosente sa ibinibintang na krimen
sakaniya
Paano ginagamit:
Dahil sa not guilty plea ni Bb. Sanchez
nag-alinlangan ang mga tao sa
paratang ng kabilang panig.
ot guilty plea
38
n/pangngalan (ob-jek-syon) pormal na patotoo o
deklarasyon ng hindi pag-apruba ukol sa isang partikular na
punto ng batas; isang pahayag na nagpapahiwatig na may
hindi pagkakaintindihang pangyayari sa isang hukuman
Paano ginagamit:
Abogado 1: Samakatuwid, kahit papaano ay
nagkaroon ka ng ugnayan sa nasasakdal!
Abogado 2: Objection your Honor, pawang
kasinungalan ang kanyang ipinapahayag.
bjection
n/pangngalan (ab-struk-syon-of-dyas-tis) paghadlang sa
administrasyon ng korte, o sa kanino mang alagad ng batas sa
pagsasagawa ng imbestigasyon
Paano ginagamit:
Nagmamadaling itinago ni Elsa ang kaniyang
asawa sa mga pulis sa takot niyang ito ay
makulong sa salang pag patay, lingid sa
kaniyang kaalaman siya rin ay maaring
makulong dahil sa obstruction of justice.
bstruction of justice
39
v/pandiwa (ow-vur-rul) pagtanggi sa pagtutol ng
isang abogado sa pagpapatuloy ng isang
testimoniya o ebidensya; pagtanggap ng hukom sa
pagpapatuloy ng tanong o ebidensya sa proseso
ng paglilitis
Paano ginagamit:
Abogado 1: Maaari mo bang ituro kung
sino ang nakita mo sa pinagganapan
ng krimen?
Testigo: Siya po (tumuro sa
nasasakdal sa kabilang panig)
Abogado 2: Objection, your Honor!
Judge: Overrule.
verrule
40
n/pangngalan (pa-rowl) pagbibigay laya sa isang bilanggo
matapos niyang makumpleto ang bahagi ng sentensyang
inihatol sa kanya
Paano ginagamit:
Tuwang-tuwa si Enrile ng mabalitaan
niyang binigyan ng parole ni PGMA ang
kanyang kaibigang si Erap ngayong Pasko.
arole
v/pandiwa (pi-na-wa-lang-sa-la) sitwasyon kung saan ang
nasasakdal ay hinatulang inosente o walang kasalanan
Paano ginagamit:
Judge: Ikaw, Juan dela Cruz, ay
pinapawalang-sala mula sa kasalanang
pagpatay, ngayong ika-9 ng Oktubre taong
2002.
n/pangngalan (pe-ti-syon) pormal na kahilingang ipinaaabot
sa hukuman upang gumawa ng aksyon ukol sa isang kaso
Paano ginagamit:
Ang kanyang asawa ay nagpadala na ng
petisyon sa korte upang agad na matugunan
ang ninanais niyang pakikipaghiwalay dito.
inawalang-sala
etisyon
41
n/pangngalan (pi-yan-sa) ari-arian o pera na ibinibigay bilang
garantiya na ang isang tao na inilabas mula sa kustodiya ay
magbabalik sa ibinigay na oras
Paano ginagamit:
Abogado: Maaari kang mag piyansa sa halagang
500,000 Php.
Mr. Cruz: Saan namang lupalop ng mundo ako
kukuha ng ganoong kalaking halaga?
Abogado: Wala tayong magagawa sapagkat iyon
ang nais ng mga biktima.
ro bono
rima facie
adj/pang-uri (pro-bo-no) libreng serbisyo; pampublikong
serbisyo; pambublikong paglilingkod
Paano ginagamit:
Ang mga mahihirap na nasasakdal ay
naghahanap ng mga abogadong pro bono.
adj/pang-uri (pri-ma-pa-se) sapat na ebidensya
Paano ginagamit:
Ang nasasakdal ay napalaya dahil walang
ebidensyang prima facie laban sa kanya.
iyansa
42
n/pangngalan (pro-se-kyu-tor) panalahat na bansag o
tawag sa mga abogado ng gobyerno na humahawak ng
mga kriminal na kaso
Paano ginagamit:
Para sa aking kaso, tinakda ng Public
Attorney’s Office si G. Alvarez na maging
aking prosecutor sa kabuuan ng paglilitis.
rosecutor
unong mahistrado
n/pangngalan (pu-nong-ma-his-tra-do) ang tawag sa
personalidad na namamahala sa Kataas-taasang
Hukuman ng Pilipinas
Paano ginagamit:
Ang kasalukuyang punong mahistrado ng
Pilipinas ay si Maria Lourdes Sereno.
43
n/pangngalan (ran-som) halagang hinihingi ng mga
kidnappers kapalit ng kalayaan ng kanilang mga bihag
Paano ginagamit:
Ayon sa pamilya Chua, isang milyon ang
ransom na hinihingi ng mga kidnappers ng
kanilang anak na si Margarette.
ansom
n/pangngalan (re-hi-ring) pagsasagawa muli ng pagdinig
batay sa ginawang hakbang o petisyon ng isang partido
Paano ginagamit:
Attorney: Ang rehearing bukas ang tangi
mong pag-asa para patunayan na ikaw ay
inosente.
ehearing
44
n/pangngalan (serch-wa-rant) nakasulat na utos ng hukom na
nagbibigay-permiso sa mga opisyal ng batas na mag-imbestiga
sa isang partikular na lugar
Paano ginagamit:
“Huwag na po kayong magmatigas pa, mayroon
po kaming dalang search warrant para
halughugin ang inyong bahay”, sabi ng isang
pulis.
earch warrant
n/pangngalan (si-tus) batas ng isang lugar kung saan
naroroon ang pagmamay-ari
Paano ginagamit:
Attorney: Ang aking kliyente ay may
karapatan sa 50 % ng lupain ayon sa situs ng
bansang ito.
v/pandiwa (sen-ten-sya) isang panghukumang paghatol o
pag-atas, lalo na kung panghukuman pagpapasiya ang
kaparusahan sa isang nahatulang kriminal
Paano ginagamit:
Judge: Sinisentensyahan kita ng habambuhay
na pagkakakulong.
itus
entensya
45
n/pangngalan (ste-no-gra-fer) taong nagtatala ng lahat ng
mga sinasabi sa korte gamit ang isang espesyal na
makinilya
Paano ginagamit:
Ang trabaho ng isang stenographer ay
hindi madali sapagkat nangangailangan
ito ng kasanayan at angking kahusayan.
ubpoena
n/pangngalan (sub-pi-na) sulat paanyaya mula sa korte na
nag-uutos sa isang tao upang sagutin ang kaso na
isinampa sa kanya o dili kaya obligahin ang isang tao na
tumestigo
Paano ginagamit:
Napadalhan na po ng subpoena ang
nasasakdal.
tenographer
46
n/pangngalan (sub-pi-na-du-ses-te-kum) utos ng hukom
sa isang tao na dalhin ang ebidensya sa korte
Paano ginagamit:
Nakatanggap nga siya ng subpoena duses
tecum, pero nakalimutan naman niyang
dalhin ang mga dokumento.
ubpoena duses tecum
ustain
v/pandiwa (sus-teyn) ipagpatuloy; pag-apruba ng hukom sa
pagtutol ng isang panig sa isang tanong, testimoniya, o
ebidensya
Paano ginagamit:
Abogado 1 (sa testigo ni Abogado 2): Baka
naman ginusto mo rin ang di umano’y
paghalay sayo?
Abogado 2: Objection, your Honor!
Judge: Sustain.
47
n/pangngalan (tes-ti-go) taong magpapa-totoo sa
kung ano ang nangyari sa isang lugar o
pangyayari
Paano ginagamit:
Abogado: Bakit ka tumestigo laban
sa kapatid mo?
Mr. Aguinaldo: Para ilabas ang lahat
ng katotohanan na pilit kong itinago
ng maraming taon.
estigo
48
adj/pang-uri (boyd) walang bisa
Paano ginagamit:
Nakakalungkot man pero void pala ang
kasal nila.
oid
n/pangngalan (vo-lun-tari-bank-rap-si) ang pagsusumite
ng apila sa kadahilanang hindi na makapagbayad ng utang
o mas marami na ang nagiging utang ng isang tao o
kumpanya kay sa yaman nito
Paano ginagamit:
Isinuko na ni Chairman Ong ang kaniyang
kumpanya at nag-file na ito ng voluntary
bankruptcy dahil sa kakulangan niya ng
mga yaman para patakbuhin ang kanyang
negosyo.
oluntary bankruptcy
49
adj/pang-uri (wa-lang-ki-na-la-man) taong walang anumang
koneksyon sa kasong pinagdidiskusyunan o sa mga taong may
kasalanan
Paano ginagamit:
Testigo: Wala po akong kinalaman sa nangyari.
Hindi ko po siya kilala.
alang kinalaman
n/pangngalan (rit of kohr-uhm-noh-bis) apela sa hukuman para
kunsiderahin ang mga ebidensya na hindi pa naiprepresenta sa
trial record na maaring magpa-iba sa hatol
Paano ginagamit:
Matapos tumira sa bilibid ng halos sampung taon,
humiling na rin ang abogado ni Jem ng writ of
coram nobis sa Court of Appeals.
n/pangngalan (wayr-tap) isang electronic device na ginagamit
para pakingan ang mga usapan sa telepono. Ito ay iligal kung
hindi ginagabayan ng korte
Paano ginagamit:
Lingid sa kaalaman ng mga suspek, narinig na ni
Junnie ang planong pag-patay kay Mayor sa
pamamagitan ng wiretap.
rit of coram nobis
iretap
50
n/pangngalan (rit-of-eks-se-kyu-syon) panukala ng
hukuman na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga pulis
upang kulektahin ang mga pag-aari ng sinumang nasakdal
Paano ginagamit:
Chismosa 1: Mare, natalo raw sa laban sa
korte si Nelly?
Chismosa 2: Balita ko nga nalimas raw ang
lupa nila sa Baguio dahil sa writ of
execution.
rit of execution
rit of habeas corpus
n/pangngalan (rit-of-ha-bi-yas-kor-pus) atas o utos ng
hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao
upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ito
Paano ginagamit:
Siya ay dinala sa korte sa ilalim ng writ of
habeas corpus upang malaman kung bakit
siya ipinakukulong ng kanyang kaibigan.
51
n/pangngalan (rit-of-man-da-te) pinal na utos ng
korte na ibinibigay sa ahensya ng gobyerno para
baguhin ang mga nauna o mga mali at illegal nitong
gawain
Paano ginagamit:
Government Official 1: Gusto ko pa sana
talaga mangurakot, kaso binigyan na
kami ng writ of mandate.
Government Official 2: Kawawa ka
naman, hindi pa kami nabibigyan ng
ganyang mandato, tuloy lang muna
kami sa pangungurakot tutal di pa
kami nahuhuli at wala kaming plano
magpahuli.
rit of mandate
52
ilikha ang diksyunaryong ito upang magbigay
gabay sa mga mag-aaral na nagmimithing maging
manananggol at sa mga pangkaraniwang tao na
nakakasalamuha ng mga abogado, o sinumang
nagtatrabaho sa korte.
ng mga salitang nasa talaang ito ay nakaayos sa
alpabetong pagkakasunud-sunod. Kalakip ng mga salita
ang kanilang kahulugan, pagbigkas, at kung paano ito
gamitin sa pangungusap.
pang maangkop sa gawi ng bansang ating
kinabibilangan, minabuti ng “Sa Korte Ka Na Lang
Magpaliwanag” na itulad ang pagbigkas ng mga salitang
nasa talaan sa kung paano ito binibigkas sa loob ng mga
korte sa Pilipinas - iba sa kung paano ito binibigkas sa
wikang tunay nitong pinagmulan, maging ito man ay
Ingles o Latin.
Ilang Mungkahi sa
Paggamit ng Diksyunaryo 54
ng pagbaybay naman ng mga dayuhang salita
na naririto ay nasa orihinal pa rin na salin bilang
paggalang sa tunay nitong pinagmulan at sa kung paano
ito nasusulat sa mga dokumentong ligal. Iminumungkahi
ng mga gumawa ng diksyunaryong ito na kung hindi
man agad na makita ang mismong salitang hinahanap ay
hanapin ang salitang pinakamalapit o konektado rito
upang magbigay gabay tungo sa pag-intindi ng
hinahangad na salita.
ng mga salitang nakapaloob sa diksyunaryong
ito ay isang gabay upang maiwasan ang kalimitang
pagkalito at, sa ilang pagkakataon, panlalamang na
nararanasan ng mga pangkaraniwang Pilipino. Ito ay
isang tulay sa mas malalim na pagkatuto sa sistema na
umiinog sa mga may kinalaman sa pagpapatupad ng
batas - isang susi sa tila baga'y nakakandadong pinto ng
pang-unawa sa mga nagaganap sa loob ng mga korte.
Ilang Mungkahi sa
Paggamit ng Diksyunaryo 55
Daily Zamboanga Times . “Cops using ‘Miranda Doctrine’
when making arrests - PNP”. Accessed September 23,
2013.
http://www.chicagomanualofstyle.org/tools_citationguide.ht
ml
http://legal-dictionary.thefreedictionary.com/
http://dictionary.law.com/
Atty. Narcissa de Leon, e-mail message, September 23,
2013.
Atty. John Vargas, e-mail message, September 20, 2013.
Atty. Paul Michael Sansano, e-mail message, September
18, 2013.