fertile crescent

15

Upload: jovellegauiran

Post on 18-Aug-2015

57 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Fertile crescent
Page 2: Fertile crescent

Mga Sinaunang Sibilisasyonsa Fertile Crescent

Inihanda ni:Jovelle A. Gauiran

Page 3: Fertile crescent

Alamin Mo!

Sibilisasyon/Kabihasnan- ito ay tumutukoy sa mataas na lebel ng pag-unlad sa teknolohikal at kultural na aspeto ng isang lugar.Imperyo- ito ay mga pinagsama-samang pangkat ng tao, bansa o mga malalayang estado na pinamamahalaan ng isang pinuno.

Page 4: Fertile crescent

Mga Katangian ng Mataas na Sibilisasyon

Lungsod-estado

Manggagawang may

espesyalisasyon

InstitusyonSistema ng Pagsulat

Teknolohiya

Page 5: Fertile crescent

FERTILE CRESCENT

• Anong hugis ang inyong nakikita sa larawan?

Page 6: Fertile crescent

Heograpiya ng Mesopotamia

Page 7: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

SUMERIAN • Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog.• Nabuo ang 12 lungsod na pinamunuan ng isang hari.• Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.• Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa naanthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.• Cuneiform ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.• Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.• Nakagawa din sila ng sistema ng pagbibilang.

Ziggurat

Page 8: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

AKKADIAN • Sinakop ni Sargon I ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.• Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod- estado ng Akkad o Agade.• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadian si Naram-Sin.• Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod-estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.• Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.Sargon I

Page 9: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

BABYLONIAN • Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ngBabylon, ang Mesopotamia.• Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong Babylonia.• Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.• Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.• Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno.• Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor.Code of Hammurabi

Page 10: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

HITTITE • Sila ay binubuo ng maraming tribo na gumamit ng higit sa anim na uri ng wika.• Hatti- unang wikang ginamit ng mga orihinal na naninirahan sa Anatolia.• Sila ang unang nakagawa ng bakal. • Nanguna ang teknolohiya ng mga Hittite sa digmaan dahil sa kanilang mga sandata at karwaheng gawa sa bakal.Mapa ng Hittite Kingdom

Page 11: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

ASSYRIAN • Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.• Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo.• Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon.• Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pagaalsa.

Ashurbanipal

Page 12: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

PHOENICIAN • Sila ay tanyag na mangangalakal na nanirahan sa magkakahiwalay na lungsod-estado na may magagandang daungan.• Sila ay magagaling na artisano.• Tanyag din sila sa kalakalan para sa papyrus.• Mahusay rin sila sa paggawa ng purple dye (murex).• Nakagawa din sila ng sistema ng pagsulat.

Glassware

Page 13: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

HEBREW • Sila ang unang nanirahan sa Palestine.• Hebrew- “mga tao mula sa kabilang ibayo ng Ilog Euphrates” • Canaan- lupaing ipinangako ng Diyos sa mga Hebrew.• Torah- ang unang limang aklat ng Bibliya.• Exodus• Sampung Utos ng Diyos• Monotheism• Diaspora

Haring Solomon

Page 14: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

CHALDEAN • Si Nabopolassar– ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.• Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II, anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.• Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.• Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia.Hanging Gardens

Page 15: Fertile crescent

Mga Sibilisasyong Umusbong sa Mesopotamia

PERSIAN• Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia ang sentro ng imperyong ito.• Sa ilalim ni Cyrus The Great –nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor.• Darius The Great– Umabot ang sakop hanggang India.• Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.• Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.• Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.Cyrus the Great