ang talambuhay ni simeon ola

Upload: eloisa-anne-bien

Post on 10-Jan-2016

797 views

Category:

Documents


35 download

DESCRIPTION

filipino

TRANSCRIPT

ANG TALAMBUHAY NI SIMEON OLASimeon Ola(2 Setyembre 186514 Pebrero 1952) ay isangKatipunerona namuno sa pagpapalaya sa bayan ngAlbayna noon ay nasasakop ng mga Amerikano. Kinilala rin siya bilang isa sa magigiting na pinuno na isinilang sa RehiyongBicol.

BuhayNang magsimulang mangalap ng mga kasapi ang Katipunan sa lalawigan ng Albay noong 1896, si Ola ay isa sa mga Bikolanong sumali, at hindi nagtagal ay naging pinuno nito. Sa tulong ng kura paroko ng kanilang lalawigan, nagkaroon si Ola at ang kaniyang mga tauhan ng sapat na armas na magagamit sa kanilang pakikipaglaban.Iginawad kay Ola ang ranggong kapitan nang makasagupa at magwagi ang kaniyang mga tauhan laban sa mga Amerikano, na noon ay nasaCamalig,Albay. At noong 1898, naging magat naman siya nang matagumpay nilang tinambangan at malupig ang mga sundalong Amerikano at nakabihag pa ng tatlong kasapi nito. Si Ola at ang kaniyang mga tauhan ang responsable sa mga matagumpay na paglusob sa mga himpilan ng Amerikano sa mga bayan ng Oas, Ligao, at Jovellar.Sumuko lamang si Ola sa mga Amerikano, sa kondisyong bibigyan ng amnestiya ang kaniyang mga tauhan. Siya ay nilitis at napatunayang nagkasala sa kasong sedisyon sa pamahalaang Amerikano, ngunit naging bayani sa paningin ng mga kapuwa Filipo. Bilang kaparusahan, si Ola ay nahatulang makulong ng 30 taon.Noong 1904, si Ola ay nabigyan ng pardo ng pamahalaang Amerikano. Mula noon, bumalik siya sa kaniyang sinilangan bayan at doon naging pangulo ng kanilang munisipalidad. Bilang pagkilala sa kaniyang ipinamalas na kagitingan, ang Pang-rehiyong Himpilan ng kapulisan sa Legazpi ay ipinangalan sa kaniya.

Setyembre 2,1865 Pebrero 14, 1952