mga gamit ng ng at nang at iba pa

Post on 15-Dec-2014

1.157 Views

Category:

Education

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

mga gamit ng ng at nang at iba pa

TRANSCRIPT

FILIPINO 6Gamit ng mga sumusunod:

Na at NangKung at Kong

May at MayroonSila at Sina, Kina at SilaDin at Rin, Daw at Raw

Gamit ng "Nang" at "Ng"

"NANG"(1)Inilalagay sa gitna ng mga salitang-

ugat, mga pawatas, o mga pandiwang inuulit nang dalawang beses.

mga halimbawa:

dasal nang dasal, kanta nang kanta (salitang-ugat) mag-ipon nang mag-ipon (pawatas) nagsayaw nang nagsayaw (pandiwa)

Sa pangkalahatan, ang aksyon na tinutukoy ng

anyong pawatas ay hindi pa nangyayari.

(2) Nagsasaad ng dahilan, paraan, at oras ng kilos. Sumusunod sa mga pandiwa o mga pang-abay, at sumasagot sa mga tanong na "Paano? Kailan? at Bakit?"mga halimbawa: -Nag-aaral nang tahimik ang mga estudyante. Tanong: Paano nag-aaral ang mga estudyante? Sagot: Nang tahimik.

-Umuwi bigla si Marvin nang umulan. Tanong: Kailan umuwi si Marvin? Sagot: Nang umulan.

-Magtulog ka na nang magising ka nang maaga bukas.

-Madalas kaming maglaro ng patintero nang kami ay bata pa.

(3) Kapalit ng pinagsamang "na at ang", "na at ng", o "na at na“

-Sukdulan nang kahirapang ito! (Sukdulan na ang kahirapang ito!)

-Sila ay nagsama nang tuluyan (Sila ay nagsama na ng tuluyan)

-Tumigil ka nang manigarilyo. (Tumigil ka na na manigarilyo)

"NG"(1)Sumusunod sa mga

pangngalan.

-Nagbabasa ng libro si TinTin (pangngalan)

-Gumuhit siya ng larawin.(pangngalan)

(2) Sumusunod sa mga pang-uri.

-Nagbabasa ng makapal na libro si TinTin. / Nagbabasa ng librong makapal si TinT (pang-uri)

-Nagluto ng masarap na hapunan si Nanay kagabi (pang-uri)

(3) Sumusunod sa mga pang-uring pamilang.

-Nakapanood si TinTin ng tatlong pelikula kahapon. (pamilang)-Nagsampay ako ng isang dosenang damit kanina. (pamilang)

(4)Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.Halimbawa:Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilangbuwayang pulitiko.

Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis.

(5.) Ang ng ay ginagamit sa pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.

Halimbawa: Pinangaralan ng mga guro ang mga nahuling mag-aaral.

Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.

Balintiyak - kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na

simuno at ang nasabing tgagaganap ay nasa hulihan ng

pandiwa.

(6)Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.

Halimbawa

Nag-aral siya ng liksyon.

Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.

Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.

KUNG at

KONG

KUNGAng kung ay pangatnig na panubali at ito’ykaraniwang ginagamit sa hugnayangpangungusap.

Halimbawa: Malulutas ang mga problema ng bayan natinkung iisantabi ng mga pulitiko ang kanilangpamumulitika.

KONGAng kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

HalimbawaGusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungang ang iyong sarili.

Maaasahan sa mga gawain ang matalik kongkaibigan.

May at

Mayroon

Ginagamit ang may kapag sinusundan ngpangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao.

Halimbawa:Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbigyan nito.

May virus ang nahiram niyang usb.

MAY

Ang mayroon ay ginagamit kapag maynagpapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.Halimbawa:Mayroon pa bang natirang ulam?

Si Ella ay mayroon ding magagandangkatangian tulad ni Joseph.

MAYROON

Sila at Sina, Kina at Sila

Ang sila ay panghalip panao samantalang ang

sina ay panandang pangkayarian sa pangalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamitna panandang pangkayarian.

Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.

Sila ay mabuti mabubuting anak.

Sila at Sina

Ang sila at nila ay mga panghalip panao at hindi sinusundan ng pangngalan, samantalang ang sina, nina at kina ay pantukoy na maramihan at sinusundan ng pangalan ng tao.

Tandaan: Walang salitang kila kaya ito ay di-nararapat gamitin.

DIN AT RIN, DAW AT RAW

Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang

sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa

w at y.

Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siyanakapasok sa klase.

Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.

din at daw

rin at rawAng mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sapatinig at sa malapatinig na w at y.

Halimbawa:• Si Stanley ay katulad mo ring masipag mag-aral.

• Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.

God bless you in your exam!! Study well and you can achieve it!! Thank you!! For listening….. : )

Thank you!!

The End

top related