pagtukoy ng lokasyon gamit ang mapa at globo

16
PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

Upload: others

Post on 30-Nov-2021

105 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG

MAPA AT GLOBO 

Page 2: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

GLOBOBILUGANG REPRESENTASYON NG

DAIGDIG AT MAITUTURING NA EKSAKTONG MODELO NITO.

GINAGAMIT ITO UPANG TIYAK NA MATUKOY ANG KINALALAGYAN O

DIREKSYON NG MGA BANSA.

Page 3: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

MAPAPATAG O LAPAT NA

REPRESENTASYON NG ISANG LUGAR. SA LARAWAN NA ITO AY NAIPAPAKITA ANG MGA BAHAGI

NG DAIGDIG. MAHALAGA ITO DAHIL SA PAGTUKOY NITO SA EKSAKTONG DIREKSYON NG

MGA BANSA. 

Page 4: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

IBA’T IBANG URI NG MAPA

Maraming uri ng mapa ayon sa gamit nito. Ang tawag sa mga taong gumagawa ng mapa ay Kartograpo. Binibigyang diin ng kartograpo ang mga impormasyon at detalye na nais niyang ipakita kaugnay ng lugar na nasa mapang naaayon sa layunin at pag gagamitan nito. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang uri ng mapa.

Page 5: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

GINAGAMIT ITO UPANG MALAMAN ANG IBA’T IBANG

WIKA NA SINASALITA SA ISANG PARTIKULAR NA LUGAR

O BANSA.

MAPANG PANGWIKA

Page 6: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

MAPANG PANGKLIMAIPINAPAKITA NITO ANG UMIIRAL NA KLIMA AT PANAHON SA ISANG

BANSA O LUGAR. 

Page 7: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

MAPANG PANGKALSADA

DITO MAKIKITA ANG PANGALAN NG MGA

MALALAKING KALSADA AT IBA’T IBANG MGA DAANAN, INTERSEKSYON, AT RUTA NG

MGA RILES AT TREN. ITO ANG NAGSISILBING GABAY SA

MGA TAONG NAGLALAKBAY.

 

Page 8: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

MAPANG PANGKABUHAYAN

IPINAPAKITA NITO ANG MGA PRODUKTO, MGA NEGOSYO,

AT IBA PANG MGA GAWAIN O BAGAY NA MAY KAUGNAYAN

SA EKONOMIYANG ISANG LUGAR O BANSA.

Page 9: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

MAPA NG POPULASYON

ITO ANG NAGPAPAKITA KUNG GAANO KARAMI ANG MGA TAONG NANINIRAHAN

SA BAWAT REHIYON O LALAWIGAN NG ISANG

BANSA.

Page 10: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

MAPANG POLITIKAL

ITO ANG GINAGAMIT UPANG MATUKOY

ANG HANGGANAN NG BAWAT BANSA O TERITORYO SA LOOB NG ISANG BANSA.

Page 11: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

MGA BATAYANG GUHIT

GINAGAMIT ANG GLOBO O MAPA PARA MATUKOY ANG LOKASYON NG

ISANG LUGAR. ITO AY NAGIGING MADALI KUNG MAY KASANAYAN SA

PAGKILALA SA MGA LIKHANG-ISIP NA GUHIT AY MAKIKILALA AT

MAGAGAMIT.

Page 12: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

Batayang Guhit: ang tawag sa mga guhit na makikita sa mapa at globo. Malaki ang naitutulong nito sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng mga lugar.

 Grid: ang tawag sa mga guhit na nagtatagpo o nagkukrus sa mapa at globo. Ang mga guhit na ito ay imahinasyon lamang at likhang-isip na ginagamit para maging pananda sa mga tiyak na lokasyon.

Digri(°): ito ang tawag sa panukat sa globo dahil ito ay bilog. Ang mga bagay na bilog na gaya ng globo ay may kabuuang sukat na 360°. Ang digri ay ang layo o distansya mula sa ekwador at Prime Meridian. Bawat digri ay nahahati sa minuto ( ’ ) at nakakatulong sa pagtukoy ng mas tiyak pang lokasyon.

Page 13: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

Digring Latitude: ito ang sumusukat sa distansya mula ekwador, pahilaga o patimog. 

Digring Longitude: ito naman ang sumusukat sa distansya mula sa Prime Meridian, pakanluran o pasilangan.

 Guhit Latitude: mga guhit na pahalang o pahiga na makikita sa mapa at globo. Tinatawag rin itong parallels, mayroong sukat na 0° - 90° ang mga pagitan ng guhit na ito. Mahalaga ang mga guhit na ito sa pagsuri ng klima at temperatura ng daigdig. Sa pamamagitan nito nalalaman ang mga lugar na tinatamaan ng matinding sikat ng araw.

Page 14: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

 Mga Polo: ito ang tawag sa mga dulong bahagi ng daigdig. Mayroong Polong Hilaga at Timog Polo na parehong nasa mga dulo at pinakamalayong mga lugar.

 Ekwador: makikita sa pinakagitnang bahagi ng mga guhit at may sukat na 0° latitude. Ito ang humahati sa magkapantay na bahagi ng daigdig na tinatawag na hating-globo o Hemisphere. Hilagang Hating-Globo ang tawag sa pagitan ng ekwador at hilagang polo. Timog Hating-Globo naman ang tawag sa pagitan ng ekwador at timog polo.

Guhit Longitude: mga guhit na patayo sa globo at mapa. Ang mga guhit nito ay nagmumula sa hilagang polo patungong timog polo. Kilala rin sa tawag na Guhit Meridian. May sukat itong 0° - 180° na umaayon sa sukat ng daigdig. 

 

Page 15: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

Prime Meridian: ito ang guhit na humahati sa silangan at kanluran ng globo. May sukat na 0° longitude at dumaraan sa Greenwich U.K. ang nasa bandang kaliwa ay Kanlurang Hating Globo at ang nasa bandang kanan ay Silangang Hating-Globo. Ang guhit na ito ang ginagamit sa pagtataya ng oras na nagaganap sa iba’t ibang lugar sa buong daigdig.International Date Line: guhit sa kabilang panig na katapat ng prime meridian. Ito ay nakatakda sa sukat na 180° longitude. Ang guhit na ito ang batayan sa pagbabago ng araw at petsa. Dumaraan ito sa Bering Strait, tumatawid ng karagatang pasipiko at nagtatapos sa Antartika. Kapag ang isang manlalakbay ay tumawid sa IDL ay nababawasan o nadadagdagan ang araw. Kapag dadaan ng IDL simula silangan patungong kanluran ay nadadagdagan ang araw, subalit nababawasan naman kapag tumawid ka mula kanluran patungong silangan.

Page 16: PAGTUKOY NG LOKASYON GAMIT ANG MAPA AT GLOBO

Mga Espesyal na GuhitIto ay mga likhang isip na maituturing na guhit latitude na mahalagang ginagamit

para sa pagsuri ng klima at temperatura ng daigdig.1. Tropiko ng Kanser: ito ay nasa 23.5° Hilagang latitude mula sa ekwador. Ang nasasakupan nito ay karaniwan na nakakaranas ng mainit na panahon sa buong taon.2. Tropiko ng Kaprikorniyo: ito ay nasa 23.5° Timog latitude mula ekwador. Mayroong dalawang uri ng klima sa nasasakupan nito, tag-araw at tag-ulan.3. Kabilugang Artiko: ito ay nasa 66.5° Hilagang latitude mula sa ekwador. Nasa mataas na latitude ang mga lugar na sakop nito. Ang mga lugar na ito ay malapit sa polo kaya malamig palagi ang temperatura ng lugar.4. Kabilugang Antartika: ito ay nasa 66.5° Timog latitude mula sa ekwador. Ang mga lugar na malapit sa polo ay hindi direktang tinatamaan ng araw kaya malamig ang klima at nababalot ng makakapal na yelo ang buong lugar.