paglalahad ng suliranin - web viewanupat ang naging saltik ng kanyang dila ay tinawag na wika. ......
TRANSCRIPT
LOANWORDS SA TEXT MESSAGES AT FACEBOOK POST TUNGO SA PAGPAPAUNLAD
NG MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG WIKANG FILIPINO
____________________________________________
Isang Tesis na Ihaharap sa
Kaguruan ng Paaralang Gradwado
Pamantasan ng Nueva Caceres
Lungsod ng Naga
__________________________________
Bilang Bahagi ng mga Gawaing
Kailangan sa Pagtatamo ng Titulong
MASTER OF ARTS IN FILIPINO
__________________________________
Ni:
RONILO B. PALMARIA
Nobyembre 2014
KABNATA I
PANIMULA
Ang tao, bukod sa talino ay ganap na biniyayaan ng Diyos ng
kakayahang makapagsalita at makapagsulat. Anupat ang naging saltik
ng kanyang dila ay tinawag na wika. Ang wikang sapul nang
matutuhan niyang sambitin ay naging napakahalaga kahit ito’y
naging isang pinakakaraniwang gamitin niya sa araw-araw dahil ito
ang nag-uudyok sa kanyang makipagkapwa. Dahil sa ang wika ay buhay
at makapangyarihan patuloy itong uusbong kasabay ng tuloy-tuloy na
pagpasok ng ng modernong panahon mula sa simpleng panahon na kung
saan ay may simpleng komunikasyon, hanggang sa unti-unting umunlad
ang iba’t ibang teknolohiya na siyang tsanel na daluyan ng
pakikipagkomunikasyon sa ngayon sa paraang pasulat man o pasalita.
Ayon kina Arrogante, et.al sa Aklat ni Palo, (March 2014),
ang pagsulat ay isang natatanging kakayahan ng tao na malinaw na
makapagtatala o makapag-iimprenta sa papel ng mga karakter at
simbolo, at talata na makapagbibigay ng mga ideya o mga
impormasyon sa mga mambabasa sa tawag ng komunikasyon. Kaugnay
nito, sa pagbuo ng mensahe sa pamamagitan ng cellphone, malaya ang
paggamit ng iba’t ibang karakter, simbolo, numero, letra, at
2
mga kombinasyon nito upang makapagpahayag ng impormasyong nais
ipabatid.
Batay sa website na www.digitalbuzzblog.com, 1 sa bawat 13 na
tao ay gumagamit ng facebook (FB) kung saan 250 milyon ang
nakalog-in araw-araw. 48% sa 18-34 na edad ay gumagamit ng
facebook sa umaga pagkagising samantalang 28% naman ang gumagamit
bago matulog. Dumarami na rin ang bilang ng mga gumagamit ng
facebook na may edad na 35 pataas (74%). Dagdag pa rito, 700
bilyong minute bawat araw ang nakokonsumo sa panahon ng mga
gumagamit nito, 20 milyong aplikasyon bawat araw ang ini-
installed, at sa loob ng isang minuto, mahigit isang milyong link
ang naii-share, 2 milyon na friend request ang tinatanggap, at 3
milyong mensahe ang ipinapadala.
Ang pananaliksik na ito ay napapanahon. Mahalagang malaman
natin kung gaano pinahahalagahan o tinatangkilik ng bawat
indibidwal ang mga bagong teknolohiya. Sa pag-aaral na ito
ilalahad kung paano napauunlad ang morpolohiya sa akademikong
Filipino ng mga mag-aaral gamit ang mga loanwords sa text messages
at facebook post.
Makabuluhan din ang pag-aaral na ito upang ang mga mag-aaral,
guro at sino man ay magkaroon ng kamalayan sa bungang dulot ng
3
text messages at facebook post na makatutulong sa pagpapaunlad ng
morpolohiya ng akademikong wikang Filipino.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Layunin ng pag-aaral na mabatid at masuri ang mga loanwords
na ginagamit sa text messages at facebook post na nagpapakita ng
kaugalian at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa hayskul ng
Pambansang Mataas na paaralan ng San Juan at Bicol Central Academy
ng Libmanan, Camarines Sur, Taong Panuruang 2014-2015.
Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang mga loanwords sa text messages at facebook post
na ginagamit ng mga estudyante?
2. Paano nagkakaiba ang mga loanwords sa text messages at
facebook post batay sa pagkakabuo ng salita at
pagpapakahulugan sa mga salita?
3. Ano-anong kaugalian at pagpapahalaga ng mga kabataan
ngayon ang masasalamin sa mga loanwords na kanilang
ginagamit?
SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa magiging bunga ng
paggamit ng mga loanwords ng mga mag-aaral sa gawaing pagpapaabot
ng mga text messages at facebook post sa kanyang mga kaibigan.
4
Sangkot sa pag-aaral na ito ang mga estudyante ng San Juan
national High School at Bicol Central Academy, Grade 9 at ika-apat
na taon na binubuo ng 500 mga estudyante.
Susuriin sa pag-aaral na ito ang gamit na paraan ng
paghihiram ng salita na gamit sa text messages at facebook post
tungo sa pagpapaunlad ng talasalitaan sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga dokumentado galing sa text messages at facebook
post.
Di saklaw ng pag-aaral ang palagiang pinadadalhan ng mensahe
ng mga mag-aaral gayundin ang pinadadalhan ng facebook post ng mga
estudyante ng San Juan National High School at Bicol Central
academy. Hindi rin pag-aaralan ang mga mensaheng ipinaparating ng
mga repondente sa kinauukulan.
TEORYANG SANLIGAN NG PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay talakay ng mga teoryang iniangkop sa
resulta ng pag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang Teoryang Bottom–
Up, Teoryang Top Down, Teoryang Interaktib at Teoryang Kognitib.
Ang teoryang Bottom-up ayon sa aklat ni Badayos (2012) ay ang
tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensya ng
teoryang behaviourist na higit na binibigyang pokus ang
kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa. ang pagbasa ay
5
ang pagkilala ng mga serye ng nakasulat na simbolo upang maibigay
ang katumbas nitong tunog. Sa teoryang ito, ang pagkatuto sa
pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik
tungo sa salita, parirala, pangungusap ng pagbuo ng teksto bago pa
man ang pagpapakahulugan sa teksto. Inilalarawan din sa teoyang
ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa mga input na grapiko o mga
letra upang makabuo ng salita, ng mga salita sa pagbuo ng
pangungusap at sa pagbuo ng teksto. Ang pag-unawa sa teoryang ito
ay batay sa mga nakikita rito tulad ng mga salita, pangungusap,
larawan, dayagram at iba pang simbolo. Tinawag ito ni Smith (1983)
sa aklat ni Badayos (2012) at sa aklat nina Marquez, et.al (2010)
na “outside-in” o “data driven” sapagkat ang impormasyon sa pag-
unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto.
Ang Teoryang Top Down, ayon kan Villafuerte ang mamababasa ay
napakaaktib na participant sa proseso ng pagbasa, na ang tao ay
may taglay na dating kaalaman nakaimbak sa kanyang isipan na may
sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang
nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto.
Para kay Bruner, sa kanyang Teoryang Interaksyon sa aklat ni
Austero (2013) ang interaksyon ay nagaganap sa pagitan ng bata at
ng kanyang tagapag-alaga. Ayon sa kanya, mas madaling natututo ang
bata kung madalas na may kausap siya. Ang tagapag-alaga ay
6
kailangang gumamit ng tamang salita at tamang gramar upang maging
maayos ang pagkatuto ng bata.
Ang Teoryang Kognitibo, ayon kay Piaget sa aklat ni Austero
(2013) ang wika ay isang aspekto sa intelektwal na
debelopment/pag-unlad ng bata. Kailangang maintindihan ng bata ang
konsepto bago niya makuha ang partikular na salita/wika na
magpapaliwanag tungkol sa konseptong gusto niyang buuin.
7
Teoryang Bottom-up
Loanwords sa Text Messages at Facebook Post Tungo sa Pagpapa- Teoryang Kognitibo
unlad ng Teoryang Top Down Morpolohiya sa
Akademikong Wikang Filipino
Teoryang Interaktibo
Figura 1. Teoryang Sanligan ng Pag-aaral
8
BALANGKAS KONSEPWAL
Matutunghayan sa Pigura II na ang kabuuan ng isinasagawang
pananaliksik tungkol sa iba’t iabang anyo ng hiram na salita na
ayon sa pamamaraan ng pagkakabuo at ang kasanayan sa pagsulat ng
mga mag-aaral ng San Juan National High School at Bicol Central
Academy, taong panuruan 2014-2015.
Sa unang baryabol ay aalamin ang mga loanwords sa text
messages at facebook post.
Sa ikalawang baryabol ay tatalakayin ang mga nalikom at
naanalisang loanwords galing sa text messages at facebook post
batay sa mga nabaledeyt ng mga kaguruan sa Filipino.
Sa balangkas na ito makikita kung ang mga loanwords ay
katanggap-tanggap sa mga mag-aaral.
ASAMPSYON
1. Nagagamit sa pakikipag-ugnayang pasulat at pasalita ng mga
mag-aaral sa hayskul grade 9 at ika-apat na taon ang mga hiram na
salita mula sa text messages at facebook post.
HIPOTESIS
2. Ang mga hiram na salita ay magagamit sa pagpapaunlad ng
morpolohiya sa akademikong wikang Filipino.
9
Loanwords sa Text Messages at Facebook Post
Tungo sa Pagpapaunlad ng Morpolohiya sa
Akademikong Wikang Filipino
Mga loanwords sa: A. Pagkakatulad Kalipunan ng mga
1. Text Messages ng loanwords sa Loanwords at gamit
2. Facebook Post text messages nito tungo sa
at facebook post intelektwalisasyon
batay sa ng wika
a. Pagkakabuo
b. Pagpapakahu-
lugan
10
KATUTURAN NG TALAKAY
Binigyang kahulugan ang mga sususunod na salita ayon sa
pagkakagamit ng mga ito sa pag-aaral.
Facebook. isang social networking website na libre ang
pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang
pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito
nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon
upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring
magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila,
at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa
kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Istruktura ng wika. Kumakatawan ito sa mga component ng pag-
aaral ng wika tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at
semantika. Bumubuo ng herarkiya sa pag-aaral ng wika mula sa
pinakamaliit nay unit ng mga tunog hanggang sa masalimuot na mga
diskurso na sa panahong ito ay dapat pag-aralan dahil iba’t iba
ang tsanel ng komunikasyon tulad ng cellphone at iba pang gadgets.
Morpema. pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay
ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig
na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga
pantig ay makakabuo ng isang salita.
11
Morpolohiya. Ito ay sangay ng linggwistika na nag-aaral ng
morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may
kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng
mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong
kahulugan.
Text messages. isang maituturing na publication, Kung ang
text messages ay direktang pinadala ng taong naninira o
nagbibintang sa taong mismo na kanyang tinutukoy ay hindi maaring
matatawag na libelo.
Wika. Tumutukoy ito sa wikang hiram na siyang pokus ng pag-
aaral na ginamit sa larangan ng komunikasyon sa paghihiram ng
salita na gamitin ng mga mag-aaral sa hayskul.
12
TALA
Belen R. Palo. “Txt Lingo: Isang Kasanayan sa Pagbasa at
Pagsulat.” (Di nalathalang Tesis, University of Nueva Caceres,
Naga City, March 2014).
RELATIVITY THEORY. (USA: Oxford University Press, 2009).
http://kimbeasley.com/2013/07/30/social-media-effects-student-
writing-positive
Joseph Gayares. “Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural
na Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino”.
(Dalumat Ejournal, Vol.3 No.2, 2012).
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay talakay ng mga sasaliksiking mga kaugnay
na Literatura at kaugnay na Pag-aaral upang higit na mapalalim ang
pagkatalakay sa paksa. Ang mga pag-aaral na nalikom ay mula sa mga
nailathala at di-nalathalang artikulo, tesis at disertasyon.
Ginamit din ang mga datos mula sa internet, journal, mga aklat
upang mapalawak ang pagpapaliwanag sa pag-aaral na ito.
KAUGNAY NA LITERATURA
Sa bahaging ito nakapaloob ang mga kaugnay na literatura na
isinagawa sa Pilipinas at maging sa ibang bansa na kakalapin sa
mga silid-aklatan at sa internet.
Sa Pilipinas, ayon sa aklat nina Austero, et.al (2012)
magkasabay na dumating ang pager at cellular phone noong 1989. Sa
ngayon ay umabot na sa mahigit 10 bilyong mamamayan ang gumagamit
nito sa buong mundo. Ayon pa rin sa kanila, taong 1994 nang
biglang umusbong ang ekonomiya ng bansa ng kulang-kulang 5%,
patunay na marahil ay nakatulong ang makabagong midyum ng
komunikasyon sa pag-unlad n gating bansa.
Sinabi ni Addison sa aklat nina Austero, et.al (2012), “kung
ang ehersisyo ay para sa katawan, ang pagbasa ay para sa sa isip”.
Sa lahat ng Libangan/ direksyon sa buhay, wala pang makapagpupuno
14
sa mga “empty spaces” o kahulugan ng espasyo maliban sa kapaki-
pakinabang na pagbasa. Pinatutunayang ang kalusugan ng pag-iisip
ay nakukuha sa pagbabasa.
Ayon naman kay Olson sa Aklat nina Austero, et.al (2012),
lohika ang tunguhin ng pagsulat kung kaya dahil sa pagsulat,
naipahayag at naipakikilala ng tao ang sariling talino, husay,
kakayahan at karunungan. sa gawaing ito naeeksamin ang nilalaman
ng isinulat at nakikilala ang kamalian. Sa pagsulat,
nangangailangan ito ng ibayong pag-iingat, dahil dito nakikilala
ang kababawan o kalalaliman ng diwa ng paksang tinatalakay.
Sa aklat nina Marquez, et.al (2010), ang pagsulat ay iinog sa
kung gaano kabisa at kasensitibong makabuo ng mga pahayag ang
isang mag-aaral upang ang makakabasa nito ay maganyak mag-sip,
kumilos at magsuri. Sa kalagayang ito, angkop ang paggamit ng
cellphone, ang makabagong teknolohiyang ito dahil kahit sa
kaunting bagay ay may maiaambag na kabutihan sa ipinahahayag.
Kahalintulad ng kasanayang pasulat ay ang pagbasa. Ayon sa
aklat nina Arrogante, et al (2009), ramdam na bumababba ang antas
ng kalinangan ng pagbasa sa kasalukuyan, gawa ng pagsulpot ng mass
media - radio, telebisyon, pelikula at teknolohiya, kompyuter,
internet, at iba pa na sa halip magbasa, mas kinikilingang-hilg ng
15
mga kabataan ang panood o pakikinig, kayat maraming detalye ang
nakakaalpas sa buong kasipan.
Sa pahayag ni Cantre sa aklat ni Bare (2009), ang wikang
Filipino ay intelektwalisado kung ito ay ginagamit sa mga teksto
para sa mataas na karunungan at sa pang-akademikong layunin.
KBILng dito ang pagdukal ng karunungan sa mataas na kurso sa
kolehiyo.
Ayon kay Holloway, (2008), nagsimula ang paglaganap ng
cellphone at naging popular simula pa noong 1990’s. Sa taong 2008
mahigit na 4 na trilyong mensahe ang naipadadala sa loob ng isang
taon. Sa pagiging popular nito, nahubog ang panibagong pamamaraan
ng pagpapabatid ng mensahe at iyan ay sa pamamagitan ng paggamit
ng sellphone. Tanggapin man natin o hindi, ito ay nagdudulot ng
malaking epektong panggramatika sa Ingles man o sa Filipino.
Magkagayon man tinatangkilik pa rin dahil sa marami itong
kapakinabangan.
Mula sa web site na http:wired safety.org., “Because of the time it
takes to type messages on a phone keypad, text messages use shortcuts.
These shortcuts mean that text messages are not complete words or
sentences, but abbreviations and symbols, which are beginning to find
their way into everyday language, recognized by traditional dictionaries
and observed by some linguists as being a new language form. Example: f u
do not undrstnd dis sNteNce U nEd 2 Lern txt-lingo.”
16
Sa Aklat naman nina Mangahis, et al (2008), bahagi ng mga
pagbabago sa buhay ang pagbabago ng wika. Maging ang pamaraan ng
komunikasyon ay umalinsabay rin sa pagbabagong ito. Binubuhay ng
komunikasyon ang pag-unlad ng kultura at lipunan. Nang dahil naman
sa pag-usad ng teknolohiya lalong umunlad ang komunikasyon kayat
napadadali ang mga transaksyon. Ang cellphone na uri ng
teknolohiya ay may malaking tulong sa gawaing ito hindi lamang sa
pamamaraang pasalita kundi sa pamamagitan ng text messaging.
Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang
makalikha ng liham o mensahe upang makagawa ng isang kumunikasyon
na ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkumunikasyon ay ang
facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.
Ayon kay David Kirkpatrick (1994), ang facebook ay mas higit
na ginagamit sa pananaliksik, sapagkat ito raw ay napakadaling
gamitin. Naniniwala siya na ang facebook ay mas lalawak pa at mas
magiging mas kapakipakinabang at ito ay lubos na ginagamit upang
makakonekta sa ibang lugar upang kumilanlan at
makipagkomunikasyon.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Sa bahaging ito nakapaloob ang mga kaugnay na pag-aaral na
isinagawa sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
17
Ayon kay Laura Jerpi sa Aklat ni Palo, (2014), ang mga
kabataan sa kasalukuyang panahon, ang buhay sa kasanayan sa
paggamit ng cellphone. Sinasabing mahirap daw ang buhay ng tin-
edyer kung wala nito. Patunay lamang ito na nakasalalay ang lahat
sa teknolohiya lalo na kapag komunikasyon na ang pinag-uusapan.
May mga positibo at negatibong epekto ang tahasang paggamit ng
cellphone. Ang paggamit ng txt-lingo ay hindi lamang na
nakakaalarma kundi ito ay patunay o nagpapahina sa kakayahan ng
mga mag-aaral sa panggramatikang aspekto tulad ng wastong
pagbabaybay, wastong pagbuo ng mga pangungusap, pagbuo ng mga
salita at maging sintaks.
Sa pag-aaral ni Ferenstein (2012) ng Wake Forest, lubhang
naaapektuhan ang pag-iissip ng mga kabataan sa Ingles
kaugnay ng estratehiya kung paano nabubuo ang txt meassages.
Ipinakita sa pag-aaral na ito ang mahalagang ugnayan ng txt-
lingo at ang pagbagsak bg pagkatuto ng tamang estrukturang
pangwika. Nabanggit pa rito na
“it’s like you have two languages in your head, and that
sometimes, the language you use for texting bleeds into the work you do
for school”.
18
Pinatunayan ng pahayag na ito na tunay na naapektohan ang mga
gawaing panggramatika ng tahasang paggamit ng txt-lingo at
nadadala ito sa paaralan.
Ang paggamit ng text-lingo ay may iba’t iabang epekto sa
ayon sa pag-aaral nina Farentein (2012), at Plester et.al (2008)
dahil walang makabuluhang kaugnayan ang txt lingo sa kakayahang
panggramatika ng mga mag-aaral gayundin sa tamang estruktura ng
wika. Ayon sa kanila, dala ng pagbabago ng panahon nagbabago din
ang wika. Ang paggamit ng txt-lingo ay maaaring magsulong isang
intelektwalisado at maunlad na wika at sa kabilang dako, maaari
rin nitong was akin ang kahalagahan at kagandahan ng wika.
Sa pag-aaral nina Villanueva (2010) at Sto. Tomas (2008) ay
kapwa tumutukoy sa kahalagahan ng paggamit makabagong teknolohiya
upang mapataas ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng
makabagong teknolohiya sa sumasabay sa pagbabago ng panahon ay
nararapat lamang na pagtuunan ng pansin tungo sa
intelektwalisasyon ng wika.
Sa Pag-aaral nina Plester, Wood, at Bell (2008) inilahad ang
makabuluhang kaugnayan sa paggamit ng txt-lingo at ang kakayahang
panggramatika ng mga mag-aaral na gumagamit at hindi gumagamit ng
cellphone sa larangan ng Level of Academic Performance. Bilang
kasagutan, inilahad ang kaugnayang resulta nito na mas mataas pa
19
rin ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na hindi
gumagamit ng cellphone ngunit sumusunod pa rin sa tamang pagbaybay
at pagbuo ng mga salita.
Sa ginawang pag-aaral ni Sto. Tomas (2008), ipinahayag na ang
kahalagahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya ay mabisang
pamamaraan upang mapataas ang bisa ng proseso ng pagkatuto ng mga
mag-aaral sa wika.
Sa pag-aaral nina Castells at Manuell (2000), na ang social
network ay isang bagong uri ng sistema na dulot ng makabagong
teknolohiya na nag-reshape ng pakikipag-ugnayan.
Sa ginawang pag-aaral ni Joseph Gayares (2012), Ang facebook
ang pinaka-popular na social network site sa mundo at ito ay
inilunsad ni Mark Zuckerberg noong 2004 bilang isang ekslusibong
site ng mga baguhang mag-aaral sa Harvard. Ang facebook ang naging
pinakasikat na social network sa mundo partikular na sa Asya.
Ayon sa website na www.digitalbuzzblog.com, 1 sa bawat 13 na
tao ay gumagamit ng facebook (FB) kung saan 250 milyon ang
nakalog-in araw-araw. 48% sa 18-34 na edad ay gumagamit ng
facebook sa umaga pagkagising samantalang 28% naman ang gumagamit
bago matulog. Dumarami na rin ang bilang ng mga gumagamit ng
facebook na may edad na 35 pataas (74%). Dagdag pa dito, 700
bilyong minute bawat araw ang nakokonsumo sa panahon ng mga
20
gumagamit nito, 20 milyong aplikasyon bawat araw ang ini-
installed, at sa loob ng isang minuto, mahigit isang milyong link
ang naii-share, 2 milyon na friend request ang tinatanggap, at 3
milyong mensahe ang ipinapadala.
Ang language learning na binanggit sa pananaliksik ni Dr.
Mehmet Demirezen (2010) ay tumalakay sa mga pangangailangan ng mga
mag-aaral na makasabay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
larangan ng wika at komunikasyong dulot ng makabagong teknolohiya.
Magiging matagumpay ang pakikipagtalastasan kung nababatay sa
kaalaman at kasanayan sa lawak ng wikang ginagamit
sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat. Maaari itong
maisagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensaheng may
kahalagahan.
KALAGAYANG PANSINING
Sina Villafuerte, Castillo, at Cantre (2008) ay naniniwalang
ang kakayahang linggwistika ng mga mag-aaral ay maaaring humantong
sa intelektwalisasyon ng wika na magagamit sa pagdukal ng mataas
na karunungan sa pagtuturo ng wika at panitikan gamit ang midya.
Sina Addison (2012), at Goodman (2010) ay naniniwala na
kapakipakinabang ang pagbasa dahil marami na ang nagtatagumpay sa
larangang ito lalo na kung ang bumabasa ay may pagkilala sa mga
simbolo o titik na gamit sa teksto.
21
Ang pag-aaral nina Villanueva (2010) at Sto. Tomas (2008) ay
kapwa tumutukoy sa kahalagahan ng paggamit ng makabagong
teknolohiya upang mapataas ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang
paggamit ng makabagong teknolohiya na sumasabay sa pagbabago ng
panahon ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin tungo sa
intelektwalisasyon ng wika.
Ang binanggit na mga pag-aaral ay may pagkapareho sa
kasalukuyang pag-aaral dahil ang pokus ay ukol sa wika. Magkagayon
man naiiba pa rin ang kasalukuyang pag-aaral dahil ang tuon ay
text messages at facebook post na lalong mapataas ang talasalitan
ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga loanwords na kalimitang
ginagamit ng mga estudyante sa kanilang pakikipagtalastasan o
pakikipagkomunikasyon gamit ang cellphone o kompyuter.
22
TALA
Belen R. Palo. “Txt Lingo: Isang Kasanayan sa Pagbasa at
Pagsulat.” (Di nalathalang Tesis, University of Nueva Caceres,
Naga City, March 2014).
Joseph Gayares. “Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural
na Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino”.
(Dalumat Ejournal, Vol.3 No.2, 2012).
http://www.theatlantic.com/education/archive/2013/11/facebook-has-
transformed-my-students-writing-for-the-better/281563
KABANATA III
DISENYO NG PAG-AARAL
Sa bahaging ito itatampok ang mga pamamaraang ginamit ng
mananaliksik sa paglikom sa mga kailanganing impormasyon at datos
sa pag-aaral. Inilahad ang paglalarawan ng populasyong pinagkunan
ng mga datos, ang instrument ng pananaliksik, at ang kagamitang
pang-istadistika.
Pamamaraan
Ginagamit ng mananaliksik ang descriptive analysis, panayam
at sarbey sa pagkalap ng bunga ng pag-aaral. Masusing susuriin at
pag-aaralan ang mga hiram na salita sa text messages at facebook
post tungo sa pagpapaunlad ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa
hayskul sa pamamagitan ng mga katanungan na ukol dito.
Populasyon
Makikita sa talahanayan 1a ang mga respondenteng kasangkot sa
pag-aaral mula sa mga napiling paaralang Pampubliko at
pambribadong paaralan ng Ikalawang Distreto ng Camarines Sur sa
antas Ikatlo at ikaapat na taon sa hayskul ng taong panuruang
2014-2015.
Ang kabuuang bilang ng mga respondente mula sa San Juan
National high school at Bicol Central Academy sa grade 9 at
ikaapat na taon ay Limandaang (500). Ginamit ang Slovin Formula
24
upang matukoy ang tama at tiyak na bilang ng mga respondenteng
sangkot sa pag-aaral mula sa mataas na paaralan ng Malansad Nuevo.
Ito ang kalipunan ng mga respondente na nakatala sa
talahanayan 1a: 250 sa grade 9 at 250 sa ikaapat na taon, na may
kabuuang 500 na respondente.
Sa talahanayan 1B makikita ang personal profayl ng mga naging
respondente ng pag-aaral batay sa kasarian.
Ang mga respondente mula sa Grade 9 ay 135 na mga babae at
115 na mga lalaki, at sa ikaapat na taon ay 140 na mga babae at
110 na mga lalaki. Sa kabuuan may 275 na mga respondenteng babae
at 225 na mga lalaki.
25
Talahanayan 1A
BILANG NG MGA RESPONDENTE
Paaralan Baitang/Taon Babae Lalake Kabuuan %A Grade 9 70 60 130 26
4th Year 65 55 120 24B Grade 9 65 55 120 24
4th Year 75 55 130 26Kabuuan 275 225 N=500 100%
26
Talahanayan 1B
PROFAYL NG MGA RESPONDENTE
Paaralan Parametro Grade 9 4th Year KabuuanA Kasarian
Babae 70 65 135Lalaki 60 55 115
B Babae 65 75 140Lalaki 55 55 110Kabuuan 250 250 500
27
Instrumento ng Pananaliksik
Maghahanda ng katanungan para makuha ang mga profayl ng mga
respondente at matukoy kung gaano tinangkilik ang paggamit ng text
messages at facebook sa pakikipag-ugnayan.
Ang tugon ng ng mga respondente ay tatayahin at gagawan ng
istatistika upang matukoy ang antas ng loanwords gamit ang text
messages at facebook post.
Ang mga respondente ay gagamit ng cellphone/computer bilang
paraan ng pakikipagkomunikasyon maging ito ay pag-aari nila o sa
kanilang pamilya.
Kagamitang Istatistika
Gagamitin ang mga sumusunod na istatistika upang masagot ang
mga tanong ng mananaliksik:
1. MEAN, ang gagamitin sa una at ikalawang suliranin upang alamin
ang mga salitang hiram gamit ang text messages at facebook post sa
pagpapaunlad ng morpolohiya sa akademikong wikang Filipino.
2. Pearson’s r, naman ang gagamitin sa ikatlong suliranin upang
tiyakin kung may makabuluhang kaugnayan o kaibahan ang pagtanggap
ng mga hiram na salita gamit ang facebook at text messages sa
pagpapaunlad ng morpolohiya sa akademikong wikang Filipino.
LOANWORDS SA TEXT MESSAGES AT FACEBOOK POST TUNGO SA PAGPAPAUNLAD
NG MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG WIKANG FILIPINO
PROFAYL NG RESPONDENTE
Pangalan: __________________________ Gulang: _____ Kasarian: _____
Antas ng Pag-aaral:
Grade 9 _______
4th Year _______
1. Ano ang mga loanwords sa text messages at facebook post na
ginagamit ng mga estudyante?
1. Anong Social network ang madalas ninyong ginagamit?
2. Ano ang naitutulong sa iyo ng social network na Facebook at
Text Messaging?
a. pag-aaral
b. sosyalisasyon
c. komunikasyon
d. libangan
3. Anong wika ang ginagamit mo sa pakikipagkomunikasyon gamit ang
Facebook/Text Messaging?
a. mother-tongue
b. bilinggwal
c. idyolek
d. sosyolek
4. Ano-anong mga loanwords ang ginagamit mo sa FB/Text Messages?
LOANWORDS SA FACEBOOK POST LOANWORDS SA TEXT MESSAGES
1. hashtag 1. group message/gm2. throwback 2. wrong sent3. trending 3. clan4. selfie 4. quotations5. grufie 5. personal message/pm6. block 6. archive7. poke 7. Bluetooth8. unfriend 8. gudlak/good luck9. upload 9. gudam/good morning10. tag 10.gud ebb/ gud eve
FACEBOOK POST TEXT MESSAGES
11. status 11. gudmornyt/good mornight12. download 12. havey13. upload 13. waley14. share 14. dinner tym15. unlike 15. ASL/NASL16. like 16. gudey17. calendar 17. mwah18. events 18. text message/tm19. comment 19. lol/loughing out loud20. notification 20. brb/be right back21. invite 21. gtg/got to go23. accept 22. tc/take care24. sticker 23. ty/thank you25. messenger / wifi 24. hbd/happy birthday26. wacky 25. yolo27. floodlikes 26. wtf
5. Anong mga ekspresyon na ginagamit sa pagtext?a. talk textb. emoticonsc.
Paano nagkakaiba ang mga loanwords sa text messages at facebook post batay sa sa pagkakabuo ng salita at pagpapakahulugan sa mga salita?
1. Paano nabuo ang mga salita gamit ang facebook at Text Messaging?
a. akronimb. jargonc. simbolod. mix-mixd. eponymse. balbal
3. Ano-anong kaugalian ng mga kabataan ngayon ang makikita sa batay sa mga loanwords?
1. narsisismo2. stress reliever/pampaalis ng kapaguran3. libangan4. sosyalisasyon5. self steem/pagkakaroon ng lakas ng loob
Anong pagpapahalagang pansarili ang naidudulot ng mga loadwords sa text messages at facebook post?
1. self reliever2. self steem3. less expressive
LOANWORDS SA TEXT MESSAGES AT FACEBOOK POST TUNGO SA PAGPAPAUNLAD
NG MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG WIKANG FILIPINO
Pangalan: __________________________ Gulang: _____ Kasarian: _____
Antas ng Pag-aaral:
Grade 9 _______
4th Year _______