unang markahan kinalalagyan ng pilipinas at ang …

167
SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 1 UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG MALAYANG KAISIPAN SA MUNDO Pangunahing Pang-unawa: Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Pangunahing Katanungan: Paano nakaaapekto sa Pilipinas ang heograpikong katangian nito? Bakit mahalaga ang lokasyon at pagpapahalaga ng Pilipinas sa kanyang teritoryo sa ekonomiya sa kabuuan? Bakit mahalaga ang kalayaan sa isang bansa? Paano mapangangalagaan ng bawat mamamayang Pilipino ang kalayaan na kanyang natatamo sa kasalukuyan? Aralin 1 – Lokasyon ng Pilipinas I. Mga Layunin 1. Naipaliliwanag ang mahahalagang mga kaalaman at konsepto ukol sa heograpiya at lokasyon ng Pilipinas bilang bahagi ng mundo; 2. Nakagagawa ng isang poster na maglalarawan sa Pilipinas bilang Perlas ng Silanganan; at 3. Napahahalagahan ang kalayaan bilang mahalagang elemento sa isang bansa.

Upload: others

Post on 15-Oct-2021

35 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 1

UNANG MARKAHANKINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG

MALAYANG KAISIPAN SA MUNDO

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Pangunahing Katanungan:

Paano nakaaapekto sa Pilipinas ang heograpikong katangian nito? Bakit mahalaga ang lokasyon at pagpapahalaga ng Pilipinas sa kanyang teritoryo sa ekonomiya sa kabuuan? Bakit mahalaga ang kalayaan sa isang bansa? Paano mapangangalagaan ng bawat mamamayang Pilipino ang kalayaan na kanyang natatamo sa kasalukuyan?

Aralin 1 – Lokasyon ng Pilipinas

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mahahalagang mga kaalaman at konsepto ukol sa heograpiya at lokasyon ng Pilipinas bilang bahagi ng mundo;

2. Nakagagawa ng isang poster na maglalarawan sa Pilipinas bilang Perlas ng Silanganan; at

3. Napahahalagahan ang kalayaan bilang mahalagang elemento sa isang bansa.

Page 2: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

2 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mapa at ang globo ay mga representasyon ng mundo na makatutulong ng malaki upang matukoy ang lokasyon at kinaroroonan ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang kapuluan o archipelago. Napalilibutan ito ng katubigan kung kayat ang kinalalagyan ng bansa ay nasa lokasyong bisinal at lokasyong insular. Maituturing na mapalad ang Pilipinas dahil napalilibutan ito ng iba pang mga bansa.

B. Paksang-aralin

Ang Lokasyon ng Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 2–12

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang masagutan nila ang “Maglaro Tayo” sa pp. 2–3 at pagkatapos ay isagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

Page 3: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 3

2. Talasalitaan

a. Basahin ang maikling tula sa “Mag-isip Tayo” na may pamagat na “Pilipinas…Perlas” sa p. 3. Pagkatapos ay bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga katanungan sa pp. 3–4.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Paghandain ang bawat pangkat ng kartolina at mga pangkulay kung saan inaasahan ang bawat pangkat na gumawa ng isang poster na maglalarawan sa Pilipinas bilang Perlas ng Silangan.

b. Pagkatapos ay isagawa ang gallery walk. Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang ginawang poster sa kanilang mga kaklase. Magtalaga ng mag-aaral na magpapaliwanag ng nais ipahiwatig ng kanilang poster.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang lahat ng naibahagi ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbubuod sa mga ipinahiwatig na paglalarawan ng mga poster.

Page 4: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

4 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video ukol sa lokasyon ng Pilipinas sa mundo.

b. Pagtalain ang bawat mag-aaral ng limang mahahalagang impormasyon na nakuha nila mula sa video. Isagawa ang larong “Dugtungan.” Dito ay inaasahan ang mga mag-aaral na ibabahagi ang kanilang nakuhang mga konsepto sa pamamagitan ng pagdurugtong sa babanggitin ng kapwa mag-aaral.

c. Tulungan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagproseso ng kanilang mga sagot upang mapagdugtong-dugtong ang mga ideya.

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa pp. 4–5. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang sagutan ang pagsasanay.

b. Tanungin pagkatapos ang mga mag-aaral ukol sa mga salitang natagpuan sa pagsasanay. Palalimin ang pagbibigay kahulugan sa mga ito.

Page 5: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 5

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang konseptong pangheograpikal ng bansa. Isa-isahin ang mga mga ito. Magpakita ng larawan ng globo upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto.

b. Isagawa ang move quiz. Maghanda ng sampung tanong at ilagay sa sampung upuan sa loob ng klase. Ang mga tanong ay may kinalaman sa konseptong natalakay. Magsagawa ng pagtatama ng mga kasagutan pagkatapos.

4. Pangwakas na Gawain

a. Pabuuin ng akrostik ang bawat mag-aaral gamit ang salitang “mundo.” Ipatala sa akrostik ang mga natutuhan sa mga tinalakay tungkol sa lokasyon ng Pilipinas sa mundo.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawang akrostik. Iproseso ang ilang mahahalagang sagot na maibibigay ng mga mag-aaral.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpapanood ng video sa mga mag-aaral kung saan tinatalakay ang mga

Page 6: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

6 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

bagong tourist spot sa Pilipinas na madalas puntahan sa kasalukuyan ng mga dayuhan. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral kung nakapunta na sila sa mga lugar na nabanggit at kung ano-ano ang kanilang mga karanasan dito. Tanungin din sila kung bakit sumisikat ang mga lugar na ito bilang magandang pasyalan sa bansa.

2. Talasalitaan

Bilang bahagi ang Asya, ano-ano ang mga natatanging katangian ng Pilipinas? Gamitin ang mga titik ng salitang Asya upang maibahagi ang magandang dulot ng lokasyon ng Pilipinas bilang bahagi ng Asya kumpara sa ibang kontinente.

3. Panlinang na Gawain

a. Magsasagawa ng pagtalakay ukol sa lokasyon ng Pilipinas bilang bahagi ng Asya. Pagkatapos ay hatiin ang klase sa anim na pangkat kung saan ang bawat pangkat ay inaasahan na gagawa ng isang PowerPoint presentation na magpapakita ng kagandahan ng mga lugar sa Asya. Ang mga bansang kabilang sa Talakayin ay ang sumusunod:

i. Pilipinas ii. Timog Korea iii. Tsina iv. Hapon

Page 7: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 7

v. Singapore vi. Malaysia

b. Bigyan ng ilang minuto ang bawat pangkat upang makapaghanda. Pagkatapos ay isa-isang ibibigay at ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang presentasyon. Palalimin ang ilan sa mahahalagang impormasyon na maaaring hindi natalakay dahil sa maiksing oras.

4. Pangwakas na Gawain

Mula sa ginawang presentasyon, makikita ng mga mag-aaral ang kaibahan ng Pilipinas sa mga bansang nabanggit bagaman kasama natin ang mga ito sa iisang kontinente. Pasulatin ang mga mag-aaral ng maikling sanaysay upang mailatag ang higit na katangi-tanging bagay na mayroon ang bansang Pilipinas kumpara sa iba pang bansang kabilang sa Asya. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawang sanaysay.

5. Pagtataya

Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 10–12. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang pagsasanay at pagkatapos ay sabay sabay na isasagawa ang pagwawasto.

Page 8: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

8 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 12.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo (p. 2)

LOKASYON

Alam mo ba? (pp. 4–5)

1. GLOBO2. ARKIPELAGO3. KARAGATAN4. GRID5. ASYA

Pagtataya

B. (p. 11)

1. I 2. D 3. G 4. R 5. I

Page 9: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 9

Aralin 2 – Ang Teritoryo ng Pilipinas

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang kabuuang sakop na teritoryo ng Pilipinas at ang mga hangganan nito;

2. Nakagagawa ng malikhaing presentasyon upang matalakay ang mga sakop na mga kalupaan at katubigan ng bansa; at

3. Napahahalagahan ang pagiging matatag upang maipaglaban ang mga teritoryo ng bansa laban sa mga dayuhan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang kabuuang teritoryo ng Pilipinas ay nakabatay at nakasaad sa iba’t ibang kasulatan. Ito ay ayon sa kasaysayan, sa konstitusyon, at sa doktrinang pangkapuluan. Kinakailangang ipaglaban ito hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng bawat mamamayan dahil bahagi ito ng tunay nating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

B. Paksang-aralin

Ang Teritoryo ng Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 13–24

Page 10: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

10 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Maglaro Tayo” sa p. 13. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 15–16. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang minuto upang mahanap at mabilugan ng mga mag-aaral ang mga sagot.

b. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang mga tumpak na sagot at kung ano ang kanilang nalalaman ukol sa mga salitang nabanggit. Bigyan ng paunang pagpapaliwanag ang mga salita para sa pagpapalalim ng talakayan. Gumamit ng mga halimbawa o sitwasyon upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral kung kinakailangan.

Page 11: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 11

3. Panlinang na Gawain

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay na pinamagatang Teritoryo...Tira-Toryo sa “Mag-isip Tayo” sa p. 14. Bigyan ng ilang panahon ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga katanungan at pagkatapos ay iproseso ang mga sagot.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon ay ibabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang saloobin ukol sa karapatan ng Pilipinas sa Benham Rise.

i. Unang Pangkat – primetime newscast format

ii. Ikalawang Pangkat – magazine show format

iii. Ikatlong Pangkat – educational show format

iv. Ikaapat na Pangkat – travel show format

v. Ikalimang Pangkat – music video format

4. Pangwakas na Gawain

Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video ukol sa karapatan ng Pilipinas sa Benham Rise. Ibuod ang konsepto sa mga mag-aaral upang maunawaan ang

Page 12: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

12 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

karapatan ng bansa sa teritoryong ito gayundin kung anong mga magagandang dulot sa atin ng Benham Rise.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video clip ukol sa 2016 presidential debate kung saan ay naitanong sa presidentiables ang isyu tungkol sa pakikipaglaban sa teritoryo ng bansa lalo na sa West Philippine Sea.

b. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral kung alin sa mga sagot ng presidentiables ang sa tingin nila ay pinakamabisang paraan ng pakikipaglaban para sa teritoryo ng bansa.

2. Talasalitaan

a. Ipakikilala sa mga mag-aaral ang salitang “teritoryo.” Pabuuin sila ng mga salita na maaaring makuha mula sa mga titik ng salitang ito at pagkatapos ay ipaugnay sa tunay na pang-unawa nila sa salitang teritoryo. Maaaring ingles ang salita kung walang makuhang kaugnay na salita sa Filipino.

Page 13: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 13

Halimbawa:

TIRE (gulong)

Katulad ng ang gulong ay isang bahagi ng isang sasakyan, ang teritoryo ay isang mahalagang elemento ng isang bansa na tumutukoy sa sakop na kalupaan at katubigan ng isang bansa.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang mga konsepto ukol sa teritoryo ng Pilipinas at kung paano ipinaliliwanag ang karapatan ng bansa rito ayon sa kasaysayan, sa saligang batas, at sa doktrinang pangkapuluan.

b. Pagkatapos ay hatiin ang klase sa anim na pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng graphic organizer upang maibuod ang paliwanag ukol sa karapatan ng Pilipinas sa kanyang teritoryo.

i. Una at Ikalawang Pangkat – ayon sa kasaysayan

ii. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – ayon sa Saligang Batas

iii. Ikalima at Ikaanim na Pangkat – ayon sa doktrinang pangkapuluan

Page 14: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

14 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

c. Bigyan ng panahon ang lahat ng pangkat upang ayusin ang kanilang organizer at pagkatapos ay isa-isang ipabahagi ang kanilang ginawa.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ng isang Facebook post ang bawat mag-aaral kung saan ay ipaglalaban nila sa ibang bansa ang inaangking teritoryo ng Pilipinas. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot sa klase.

5. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Gumawa Tayo” sa p. 24.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Isagawa ang popcorn discussion. Isa-isang ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang likha sa nakaraang takdang-aralin

2. Talasalitaan

a. Padugtungan sa mga mag-aaral ang sumusunod na pangungusap.

Page 15: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 15

i. First Row: Ang lokasyon ng Pilipinas ay kakaiba dahil _______.

ii. Second Row: Ang Pilipinas ay mahirap dahil ________.

iii. Third Row: Ang Pilipinas ay maituturing na mayamang bansa dahil ______.

iv. Fourth Row: Ang lokasyon ng bansa ay nakatulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng _______.

b. Iproseso ang ilan sa mga mahahalagang salita na naibigay ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng isang patalastas o video ng mga sikat na airline ng bansa o ang mga video na gawa ng Kagawaran ng Turismo kung saan ipinakikilala sa mga dayuhan ang bansang Pilipinas.

b. Magkaroon ng malayang talakayan at ipaliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas.

c. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay inaasahang bubuo ng isang maikling patalastas kung saan ipakikilala nila ang Pilipinas sa mga dayuhan at Bigyang-diin ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas.

Page 16: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

16 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

4. Pangwakas ng Gawain

a. Pagawain ang mga mag-aaral ng maikling tula ukol sa kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa mga mamamayan at sa bansa sa kabuuan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga ginawa.

b. Ipasagot sa mga mag-aaral ang bahaging “Tuklasin Mo” sa pp. 21–22.

5. Pagtataya

Ipasagot ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 22–24. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 13)

1. kapuluan2. mineral3. dagat4. paliparan

Alam mo ba? (pp. 15–16)

1. TERITORYO2. KAPULUAN3. SALIGANG BATAS

Page 17: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 17

4. DOKTRINANG PANGKAPULUAN5. KASUNDUAN6. EEZ

Pagtataya

A. (pp. 22–23)

1. AK2. AS3. AD4. AK5. AD6. AS7. AK8. AD9. AD10. AD

B. (pp. 23–24)

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Page 18: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

18 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Aralin 3 – Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang salik na nag-udyok sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino;

2. Naipaliliwanag sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing presentasyon ang mga pangyayaring nagbunsod sa mga unang bugso ng pagpapakita ng mga Pilipino ng diwang nasyonalismo upang maipaglaban ang kanilang bansa; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging matapat sa bayan sa kabila ng mga impluwensiya ng mga dayuhan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga Pilipino ay namulat sa pagkakaroon ng isang mithiin at isang patutunguhan ang maging malaya sa pagkaalipin sa matagal na panahon. Ang sumusunod ay nakatulong upang umunlad ang nasyonalismong Pilipino:

• Pagbubukas ng bansa sa pandaigdigangkalakalan

• Pagpasoksabansangkaisipangliberal • PagbubukasngSuezCanal • Pagsikatngpanggitnanguringlipunan

Page 19: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 19

• Pagpapalabas ng dekretong pang-edukasyon ng 1863

• Pagpaslang sa GomBurZa (Padre Gomez,Burgos, at Zamora)

B. Paksang-aralin

Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 25–34

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 25–34. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa pp. 26–27. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin.

Page 20: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

20 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

3. Panlinang na Gawain

Itala sa pisara ang salitang NASYONALISMO. Pagkatapos ay bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang gumawa ng isang pagsasadula kung paano nila maipakikita ang pagiging nasyonalismo.

4. Pangwakas na Gawain

Sa isang ¼ na papel ay pasulatin ang mga mag-aaral ng isang simbolo na kakatawan sa nasyonalismong Pilipino. Ipapaliwanag sa piling mag-aaral ang ginawang simbolo.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video ukol sa iba’t ibang mga tauhan sa kasaysayan na kinilala sa kani-kanilang bansa dahil sa pagiging daan sa pag-usbong ng diwang nasyonalismo katulad na lamang nina Nelson Mandela at Martin Luther King.

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang saloobin ukol sa mga tauhan na ito at ang kanilang naging ambag sa diwang nasyonalismo sa kanilang mga bansa.

Page 21: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 21

2. Talasalitaan

Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat. Ipabuod sa mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto tungkol sa pagiging makabayan ng mga Pilipino.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa iba’t ibang salik na naging dahilan ng pag-usbong ng diwang nasyonalismo sa bansa.

b. Pagkatapos ay hatiin ang klase sa anim na pangkat at magpagawa sa mga mag-aaral ng iba’t ibang malikhaing presentasyon upang mas mapalalim ang pang-unawa.

i. Unang Pangkat – Pagbubukas ng SuezCanal

ii. Ikalawang Pangkat – Pag-usbong ng gitnang uri ng tao sa lipunan

iii. Ikatlong Pangkat – Pagpapalabas ng dikretong pang-edukasyon

iv. Ikaapat na Pangkat – Liberalismo sa panahon ni Dela Torre

v. Ikalimang Pangkat – Pag-aaklas sa Cavite

vi. Ikaanim na Pangkat – Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

Page 22: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

22 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

4. Pangwakas na Gawain

Mula sa mga naitala sa pisara na mahahalagang kosepto mula sa presentasyon ng mga mag-aaral ay gumawa ng synthesis upang matalakay ang dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa. Bigyang diin ang kaugnayan ng liberalismo sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.

5. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 34.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawang tula. Magbahagi rin ng isang akdang tula mula sa mga bayaning Pilipino katulad ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio. Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa kanilang saloobin sa tulang ito na likha ni Bonifacio. Bigyan din ng prosesong tanong ang mga mag-aaral kung paano nila maipakikita ang kanilang pag-ibig sa kanilang sariling bayan.

Page 23: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 23

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang SEKULARISASYON. Tanungin sila kung paano nila bibigyan ng kahulugan ang salitang ito. Pagkatapos ay talakayin sa klase ang kahulugan ng salita at magbigay ng halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood ng video sa mga mag-aaral ukol sa nangyari sa tatlong paring martirnasinaPadreMarianoGomez,Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Bigyan ng panuto ang mga mag-aaral na magtala ng mahalagang impormasyon na makukuha mula sa video.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng Top Ten List ng sumusunod na paksa:

i. Dahilan kung paanong ang pangyayari sa tatlong paring martir ay naging dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino

ii. salitang maiuugnay sa tatlong paring martir

c. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang pag-usapan at ihanda ang kanilang listahan.

Page 24: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

24 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang listahang ginawa ng mga mag-aaral. Ipaliwanag ang ilang bagay na maaaring hindi natalakay ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang “Tuklasin Mo” sa p. 32.

5. Pagtataya

Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 33–34.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Alam mo ba? (pp. 26–27)

1. NASYONALISMO2. SUEZ CANAL3. EDUKASYON4. KAISIPANG LIBERAL5. SEKULAR

Pagtataya

A. (p. 33) B. (p. 34) 1. tumpak 6. lagapak 1. b2. tumpak 7. lagapak 2. c3. lagapak 8. lagapak 3. a4. tumpak 9. tumpak 4. e5. lagapak 10. tumpak 5. d

Page 25: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 25

Aralin 4 – Ang Kilusang Propaganda at ang Katipunan

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbunsod sa pag-usbong ng kilusang propaganda at katipunan;

2. Naiisa-isa ang mahahalagang mga tauhan na nagbigay ng ambag sa nasyonalismong Pilipino sa pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa paraang role playing; at

3. Nauunawaan ang kaibahan ng mapayapang paraan sa madugong paraan ng pakikipaglaban para sa kapayapaan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga Pilipino sa loob ng mahabang panahon ay napasailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Hindi naging madali ang mahabang panahon na iyon para sa mga Pilipino na mapailalim sa mga dayuhan na nagbigay ng malaking impluwensiya sa kultura at lipunang Pilipino. Hindi nagtagal ay nagising ang kamalayan ng mga Pilipino at nagsimulang mag-aklas laban sa mga Espanyol. Sa mga unang bahagi ay ginamit nila ang panulat bilang sandata sa pamamagitan ng Kilusang Propaganda ngunit ang pagkamatay ni Jose Rizal ang nag-udyok sa masagresibong pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Kilusang Katipunan.

Page 26: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

26 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Paksang-aralin

Ang Kilusang Propaganda at ang Katipunan

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 35–46

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 35–36. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa pp. 36–37. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

Page 27: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 27

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang kalayaan.Ipalista sa mga mag-aaral ang kanilang pang-unawa ukol sa salitang ito.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng iba’t ibang likha upang kanilang maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng kalayaan.

i. Unang Pangkat – tulang may tugma

ii. Ikalawang Pangkat – sanaysay iii. Ikatlong Pangkat – likhang-awit iv. Ikaapat na Pangkat – tulang may

malayang taludturan v. Ikalimang Pangkat – pangulong-

tudling

c. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na makapaghanda at pagkatapos ay isa-isang ipabahagi ang kanilang mga ginawang akda ukol sa kalayaan.

4. Pangwakas na Gawain

Magparinig ng isang awit na tumatalakay sa kalayaan. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mensahe ng awitin ukol sa konsepto ng kalayaan. Iproseso ang magiging sagot ng mga mag-aaral.

Page 28: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

28 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

5. Takdang-aralin

Magsaliksik ukol sa mahahalagang tauhan ng Kilusang Propaganda. Itala ang kontribusyon ng mga tauhang ito at maghanda para sa isang presentasyon.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video ukol sa kilusang propaganda. Ipatala sa mga mag-aaral ang mahahalagang impormasyon na kanilang nakuha sa video.

2. Talasalitaan

Talakayin sa mga mag-aaral ang buod ng nobelang Noli Me Tangere. Ipabatid sa mga mag-aaral ang literal na kahulugan nito na “touch me not” o “huwag mo akong salingin.” Tanungin ang mga mag-aaral kung paano nila nauunawaan ito at ano sa kanilang palagay ang nais na iparating na mensaheniJoseRizalukoldito.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto ukol sa Kilusang Propaganda.

Page 29: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 29

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng malikhaing presentasyon ukol sa mga mahahalagang tauhan ng Kilusang Propaganda at ang kanilang mga ambag sa kilusan.

c. Bigyan ng ilang minutong paghahanda ang bawat pangkat at pagkatapos ay ipagawa ang kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang mahahalagang naibahagi ng mga mag-aaral sa kanilang presentasyon. Bigyang diin sa pamamagitan ng Venn diagram ang naging resulta ng kilusang propaganda at ang naging kalakasan at kahinaan nito.

5. Takdang-aralin

Magpasagawa sa klase ng pagsasatao o role playing. Hatiin sila sa limang pangkat at pagkatapos ay pabigyan sa kanila ng interpretasyon ang sumusunod na paksa na may kinalaman sa Kilusang Propaganda.

• SigawsaPugadLawin • Pagpapatupad ng Parusang

KamatayankayJoseRizal • AngPakikibaka ng mga Katipunero • Ang Tunggalian sa pagitan ng

Magdiwang at Magdalo • Paglilitis at Pagpatay kay Andres

Bonifacio

Page 30: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

30 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpapanood ng video ukol kay Andres Bonifacio at sa Katipunan. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang mahalagang natutuhan ukol sa video.

2. Talasalitaan

1. Isa-isahin sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng bawat titik ng KKK. Bigyang diin ang salitang Katipunan ng mga Anak ng Bayan at pabigyan ng kahulugan ang ibig sabihin ng katagang “Anak ng Bayan.”

2. Talakayin kung paano nagkaiba ang mga katipunero at ang mga propagandista. Gumamit ng Venn diagram upang maipaliwanag ang dalawang mahalagang konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng talakayan ukol sa mahahalagang konsepto sa pag-usbong ng Kilusang Katipunan at kung paano ito naiiba sa Kilusang Propaganda.

b. Ipasagawa sa mga mag-aaral ang kanilang presentasyon na ibinigay bilang takdang-aralin sa kanila.

Page 31: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 31

4. Pangwakas na Gawain

Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:

• Bakit humantong sa paggamit ngarmas ang mga Pilipino sa panahon ng pakikipaglaban nila para sa kalayaan?

• Paano nakatulong sa pag-usbong ngdiwang nasyonalismo ng mga Pilipino ang ginawang pakikipaglaban ng mga Katipunero?

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 43–44 at “Pagtataya” sa pp. 45–46. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 46.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo (p. 35)

1. ANDRES BONIFACIO 2. JOSE RIZAL 3. GRACIANO LOPEZ JAENA 4. MARCELO DEL PILAR5. EMILIO JACINTO

Page 32: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

32 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Alam mo ba? (pp. 36–37)

1. LA SOLIDARIDAD2. PROPAGANDA3. LA LIGA FILIPINA4. NOLI ME TANGERE5. DIARIONG TAGALOG6. FRAY BOTOD7. KATIPUNAN8. KALAYAAN9. ASIMILASYON10. KARTILYA

Pagtataya

A. (p. 45) B. (pp. 45–46)

1. KP 1. asimilasyon2. KK 2. La Solidaridad3. KP 3. Kalayaan4. KK 4. Kartilya ng5. KP Katipunan6. KK 5. Katipunan7. KP8. KK9. KK10. KP

Page 33: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 33

Aralin 5 – Rebolusyong Pilipino ng 1896

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga pangyayaring nagresulta sa rebolusyon ng 1896 sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Espanyol;

2. Nakagagawa ng iba’t ibang malikhaing presentasyon upang talakayin ang mahahalagang pangyayari ng rebolusyon; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan mula sa mga Espanyol.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Rebolusyon ng 1896 ay resulta ng mahabang taon na pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol mula sa mga pag-aaklas ng mga katutubo at ng iba’t ibang lider ng mga lalawigan sa bansa hanggang sa Kilusang Propaganda at Kilusang Katipunan. Sa pagkamatay ni Jose Rizal, naging dahilanito upang tuluyang hingin ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan mula sa mga Espanyol.

B. Paksang-aralin

Rebolusyong Pilipino ng 1896

Page 34: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

34 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 47–65

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 47 at “Mag-isip Tayo!” sa p. 48. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 48–49. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

3. Panlinang na Gawain

a. Magsagawa ng talakayan ukol sa mga pangyayari bago ang rebolusyon noong 1896. Ipaliwanag ang mga dahilan at ipakilala ang mahahalagang tauhan.

Page 35: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 35

b. Hatiin sa anim na pangkat ang klase. Magpagawa sa mga mag-aaral ng isang presentasyon ukol sa sumusunod na paksa:

i. Una at Ikalawang Pangkat – newscast format

Paksa: Sigaw sa Pugad Lawin ii. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat –

investigation-docudrama format Paksa: Kumbensiyon ng Tejeros iii. Ikalima at Ikaanim na Pangkat –

magazine show format Paksa: Pangyayari sa Biak na Bato

4. Pangwakas na Gawain

Isagawa ang move quiz. Magbigay ng 10 katanungan na may kinalaman sa paksang tinalakay. Idikit ang katanungan sa mga upuan. Papilahin ang mga mag-aaral sa labas ng pintuan at isa-isa ang mga ito na papasok ng klasrum upang sagutan ang mga katanungan. Gawin ang proseso hanggang sa ang lahat ng mag-aaral ay makapagbigay na ng sagot. Iproseso ang mga tumpak na sagot upang mapalalim ang talakayan.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpapanood ng video ukol kay Emilio Aguinaldo. ang naging papel niya sa

Page 36: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

36 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

panahon ng rebolusyon, at ang kaugnayan niya kay Andres Bonifacio. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang mahalagang nalaman ukol sa video.

2. Talasalitaan

Talakayin sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng “kasarinlan.” Pagkatapos ng pagbibigay ng opinyon ng mga mag-aaral ukol dito ay tanungin sila kung totoo bang natamo ng mga Pilipino ang kasarilan matapos ang rebolusyon ng 1896.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat at pagawain sila ng timeline ng mahahalagang konsepto ng Kongreso ng Malolos at ang Pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas.

b. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang makapaghanda at pagkatapos ay tawagin isa-isa ang bawat pangkat upang ibahagi at ipaliwanag ang kanilang mga ginawang timeline.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso sa mga mag-aaral ang mahahalagang pangyayari lalo sa panahon ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ipakilala ang mga tauhan at

Page 37: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 37

mahahalagang ambag ng mga ito sa Unang Republika ng Pilipinas, lalo sa kalagayan ng mga Pilipino sa mga panahong iyon.

5. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa pp. 64–65.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang mga pangarap para sa bansang Pilipinas. Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Sa pamamagitan ng larong TextTwist ay pabuuin ang mga mag-aaral ng mga salita mula sa titik ng salitang REPUBLIKA. Ipatala sa pisara sa mga mag-aaral ang kanilang mga nabuong salita. Pagkatapos ay iproseso ang mga salitang ito at ipaugnay ang mga salita sa paksa tungkol sa kalayaan ng Pilipinas.

Halimbawa:

Baril – gumamit na rin ng armas ang mga Pilipino katulad ng baril upang makipaglaban para sa kalayaan

Page 38: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

38 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Lupa – ang sariling lupa, ang malayang Pilipinas na dapat makamit ng mga Pilipino mula sa mga dayuhang matagal ng nanakop sa bansa

Replika – replika ng pagiging malaya ang ibinigay ng mga Espanyol sa Pilipinas ngunit hindi tuluyang nakuha ng mga Pilipino ang kalayaan

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa naging Kasunduan sa Paris. Magpapanood ng video ukol sa tunay na nilalaman ng Kasunduan sa Paris. Ipasuri sa mga mag-aaral kung ano ang naging resulta nito sa mga Pilipino at sa Pilipinas sa kabuuan.

b. Talakayin din ang tungkol sa Iglesia Filipina Independiente at ang bahaging ginampanan nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Iproseso ang kahalagahan ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa anuman ang mangyari at patuloy na mabuhay ang diwang nasyonalismo sa kabila ng impluwensiya ng mga dayuhan sa bansa.

4. Pangwakas na Gawain

Pasagutang sa mga mag-aaral ang “Tuklasin Mo” sa pp. 58–60.

Page 39: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 39

5. Pagtataya

Ipasagot ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 61–63. Iproseso ang mga ginawa ng mga mag-aaral at bigyan ng marka ang mga ito.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo (p. 47) Bayang magiliwPerlas ng Silanganan,Alab ng puso,Sa dibdib mo’y buhay.Lupang hinirang,Duyan ka ng magiting,Sa manlulupig,Di ka pasisiil.Sa dagat at bundok,Sa simoy at sa langit mong bughaw,May dilag ang tulaAt awit sa paglayang minamahal.Ang kislap ng watawat mo’yTagumpay na nagniningning,Ang bituin at araw niyaKailan pa ma’y di magdidilim.Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,Buhay ay langit sa piling mo;Aming ligaya, na pag may mang-aapiAng mamatay nang dahil sa iyo.

Page 40: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

40 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Alam mo ba? (pp. 48–49)

Pagtataya

A. (pp. 61–62)

1. j 6. f2. d 7. b3. g 8. i4. e 9. h5. c 10. a

Pagtataya B (pp. 62–63)

1. g 6. c2. e 7. b3. a 8. k 4. d 9. j5. h 10. i

Page 41: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 41

Aralin 6 – Ang Panghihimasok ng mga Amerikano

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag kung paano nakaaapekto sa mga Pilipino ang panghihimasok ng mga Amerikano pagkatapos ng mahabang panahon ng pananakop ng mga Kastila;

2. Nakagagawa ng presentasyon kung saan natatalakay ang pananakop ng mga Amerikano sa mga unang bahagi pagkatapos ng pananakop ng mga Espanyol; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng katapangan upang maipaglaban ang paninidigan at pinaniniwalaan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pagtungo ng mga Amerikano sa Pilipinas ay upang tulungan ang mga Pilipino na labanan at lumaya mula sa mga Espanyol. Ngunit sa paglaon ng panahon ay lumabas din ang tunay nilang hangarin—ang sakupin ang Pilipinas. Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa mga Espanyol at gumawa pa ng kunwaring labanan na ikinagalit ng mga Pilipino. Maraming mga Pilipino nang mga panahong iyon ang hindi pumayag na muling masakop ang Pilipinas kaya hindi sila sumuko at patuloy silang nakipaglaban sa kabila ng dominanteng lakas at sandatang pandigma ng mga Amerikano.

Page 42: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

42 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Paksang-aralin

Ang Panghihimasok ng mga Amerikano

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 66–79

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa pp. 66–67 at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 67–68. Iproseso ang mga tumpak na sagot at tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipasasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 68 kung saan maaaring makilala ng mga mag-aaral ang mahahalagang mga salita. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ito at ipakilala ang mga salita sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng paliwanag o mga halimbawa.

Page 43: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 43

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood ng video ukol sa Kasunduan sa Paris kung saan nagkaroon ng lihim na kasunduan ang mga Amerikano at mga Espanyol. Ipatala sa mga mag-aaral ang mga impormasyong kanilang nakuha mula sa video.

b. Pagkatapos ay magsagawa ng Popcorn Discussion. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa sumusunod na prosesong tanong:

i. Ano-ano ang mga binabanggit sa Kasunduan sa Paris na may kinalaman sa Pilipinas?

ii. Ano ang dahilan ng pagiging interesado ng Estados Unidos sa Pilipinas?

iii. Bakit sinasabi na isang malaking panlilinlang sa mga Pilipino ang naging panghihimasok ng mga Amerikano sa Pilipinas?

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng isang simbolo na bubuod sa sitwasyon ng Pilipinas noong panahon kung saan naipasa ang pananakop ng bansa mula sa mga Espanyol hanggang sa napasailalim sa mga Amerikano. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga ginawang simbolo.

Page 44: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

44 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

II. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 68–69. Iproseso ang mga tumpak na kasagutan.

b. Magpapanood ng film clip gamit ang pelikulang Heneral Luna. Ipatala sa isang cartolina strip ang mga obserbasyon ng mga mag-aaral sa pelikula ukol sa paksang Digmaang Pilipino at Amerikano at magsagawa ng diskurso.

c. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipaliwanag ang kanilang mga sagot. Iproseso ang diskurso upang makabuo ng tatlong mahahalagang salita na magsisilbing gabay sa talakayan ukol sa Digmaang Pilipino at Amerikano.

2. Talasalitaan

Pasulatin sa pisara ang mga mag-aaral ng mga salitang kanilang nakuha mula sa pelikulang Heneral Luna. Pagkatapos ay iproseso ang mga salitang ito at ibigay ang kahulugan. Magbigay ng halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita.

Page 45: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 45

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat at pagawain ang bawat grupo ng malikhaing presentasyon. Ipatalakay iba’t ibang mahahalagang pangyayari sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

b. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang makapaghanda at pagkatapos ay ipabahagi sa bawat pangkat ang kanilang ginawang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Atasan ang bawat pangkat na gumawa ng isang personality sketch sa sumusunod na mga mahahalagang tauhan sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

• HeneralAntonioLuna • HeneralDouglasMacArthur • HeneralGregorioDelPilar • MacarioSakay • HeneralJacobSmith

6. Takdang-aralin

Ibigay bilang takdang-aralin ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 79. Siguraduhing iproseso ang likhang ito ng mga mag-aaral sa susunod na talakayan.

Page 46: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

46 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi sa klase ng kanilang ginawang liham sa “Gumawa Tayo”. Iproseso ang ilang magagandang puntong maibabahagi ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipakikilala sa mga mag-aaral ang Benevolent Assimilation. Tanungin sila sa kanilang pang-unawa sa konsepto hanggang sa mahimay ang tunay na kahulugan nito at kung paano ito nakaapekto sa mga Pilipino.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang iba’t ibang layunin ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Hatiin ang klase sa limang pangkat at pagawain ang bawat pangkat ng likhang awit na tatalakay sa tunay na layunin ng Amerika sa pananakop nito sa Pilipinas.

i. Unang Pangkat – likas na yaman ng Pilipinas

ii. Ikalawang Pangkat – lokasyon ng Pilipinas

Page 47: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 47

iii. Ikatlong Pangkat – hangaring maging malakas na bansa ng Amerika

iv. Ikaapat na Pangkat – kompetisyon v. Ikalimang Pangkat – gawing

sibilisado ang mga Pilipino

b. Bigyan ng sapat na minuto ang mga mag-aaral upang makapaghanda at pagkatapos ay isa-isa nila itong iparirinig sa klase. Iproseso ang presentasyong ginawa ng mga mag-aaral.

c. Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mga kautusang Amerikano na nagpahirap sa mga Pilipino gayundin ang iba’t ibang mga naging paunang resulta ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Tuklasin Mo” sa p. 76.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 77–78 at “Markahang Pagsasanay” sa pp. 81–86. Iproseso sa mga mag-aaral ang mga tumpak na sagot.

Page 48: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

48 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Mga Sagot sa Pagsasanay

Alam mo ba? (p. 68)

1. BALANGIGA2. SOCIEGO3. IRRECONCILABLES4. BANDILA5. BENEVOLENT ASSIMILATION

Pagtataya

A. (pp. 77–78) B. (p. 78)

1. fact 6. fact 1. d2. fact 7. fake 2. e3. fake 8. fact 3. a4. fake 9. fact 4. b5. fake 10. fake 5. c

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 81–84)

1. b 11. a 2. c 12. d 3. b 13. a 4. d 14. d 5. b 15. c 6. b 16. b 7. b 17. c 8. c 18. d 9. d 19. d 10. c 20. b

Page 49: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 49

IKALAWANG MARKAHANPAGPUPUNYAGI SA PANAHON NG KOLONYALISMONG AMERIKANO

AT NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng Hapon at pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlan ng malayang estado at nasyon.

Pangunahing Katanungan:

Bakit mahalaga sa mga Pilipino na pamahalaan ang kanyang sarili? Paano nakaapekto sa mga Pilipino ang matagal na pananakop ng iba’t ibang dayuhan sa bansa? Paano naipakita ang kahinaan at pagkakawatakwatak ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at Hapones sa Pilipinas? Bakit naging mailap ang kalayaan sa mga Pilipino sa loob ng mahabang panahon?

Aralin 1 – Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mga naiambag ng magigiting na mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas;

Page 50: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

50 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

2. Nakapagpapakita ng malikhaing presentasyon ukol sa mga kaganapan sa bansa sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas; at

3. Napahahalagahan ang tunay na kahulugan ng kalayaan at pagiging malaya.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga Pilipino ay nagpakita ng malaking pagbabago sa panahon ng okupasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang mga pagbabago ay maaaring nakabuti dahil nagbukas ang maraming oportunidad sa larangan ng edukasyon, relihiyon, impraestruktura, at transportasyon at komunikasyon sa mga Pilipino. Mas marami ang nakapag-aral hanggang hayskul kahit sila ay mahirap. Ang kalakalan ay masigla dahil sa kompetisyon. Ang mga pinuno ng bansa ay patuloy na humingi ng pagkakataon sa pamahalaan ng Estados Unidos upang matamo ang kalayaan at mapamahalaan ng tuluyan ang sariling bayan. Binuksan din ng Estados Unidos ang kanilang bansa para makapasok dito hindi lamang ang produkto mula sa ating bansa kundi maging ng mga mamamayang Pilipino na makapanirahan doon.

B. Paksang-aralin

Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas

Page 51: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 51

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 88–109

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 88–90. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 90–91. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Gamit ang mga titik ng salitang AMERIKANO, tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang mga natutuhang konsepto ukol sa unang bahagi ng taon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Page 52: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

52 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pabuuin ang mga mag-aaral ng isang character sketch. Ipalista ang mga pangunahing katangian at ambag ng sumusunod na mga tauhan:

i. Unang Pangkat – Antonio Luna ii. Ikalawang Pangkat – Gregorio del

Pilar iii. Ikatlong Pangkat – Vicente

Lukban iv. Ikaapat na Pangkat – Miguel

Malvar v. Ikalimang Pangkat – Macario

Sakay

c. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang pag-usapan at gawin ang kanilang character sketch. Ipasagawa ang pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang mahahalagang mga katangian na naibahagi ng mga mag-aaral tungkol sa mga nabanggit na tauhan. Pagkatapos ay gumawa ng pagbubuod sa pamamagitan ng pagbibilog sa magkakaparehas na mga katangian hanggang sa matunton ang kahalagahan ng katapangan, paninindigan, at pagmamahal sa bayan ng bawat isa.

Page 53: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 53

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video kung saan maipakikita ang naging kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano lalo sa kabuhayan at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang panimulang pananaw ukol sa naging pananakop ng mga Amerikano sa bansa lalo sa sinasabing layunin nito na gawing sibilisado ang mga Pilipino. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang dating ng layuning nabanggit sa mga mamamayan at sa bansa sa kabuuan?

2. Talasalitaan

a. Ipatala sa pisara ang salitang DEMOKRASYA. Tanungin ang mga mag-aaral kung paano ano ang pagkakaunawa nila sa salitang ito. Pagkatapos ay magbigay ng halimbawa kung paano ito naipatutupad sa bansa at kung ano ang epekto nito sa mga mamamayan.

Page 54: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

54 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

b. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa sumusunod na prosesong tanong:

i. Ano ang kahulugan ng demokrasya?

ii. Ano ang kaugnayan ng salitang ito sa konsepto ng kalayaan?

iii. Ano ang pangunahing dulot ng demokrasya?

iv. Ano ang mabuting dulot nito? v. Paano ito naaabuso ng mga

mamamayan?

c. Bumuo ng paliwanag ukol sa pinakakahulugan ng demokrasya batay sa mga naibigay na sagot ng mga mag-aaral sa mga prosesong tanong na nailahad.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng malikhaing presentasyon na tatalakay sa naging pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas sa pamamagitan ng sumusunod:

i. Unang Pangkat – primetime newscast format

ii. Ikalawang Pangkat – morning show format

Page 55: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 55

iii. Ikatlong Pangkat – documentary format

iv. Ikaapat na Pangkat – soap opera format

v. Ikalimang Pangkat – travel magazine show format

b. Bigyan ng sapat na minutong paghahanda ang bawat pangkat at pagkatapos ay ipabahagi sa klase ang kanilang presentasyon.

c. Magsagawa ng malayang talakayan tungkol sa mahahalagang naibahagi ng mga mag-aaral ukol sa paksa.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng isang pangulong-tudling na tatalakay sa naging kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral at pagkatapos ay tumawag ng ilang mag-aaral ng magbabahagi sa klase ng kanilang gawa.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magbigay ng 10 aytem na flash quiz. Ipakita ang mga tanong sa pamamagitan ng flashcards o PowerPoint presentation.

Page 56: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

56 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang sagutan ang mga katanungan. Iproseso sa mga mag-aaral ang mga tumpak na sagot.

2. Talasalitaan

Magsagawa ng larong TextTwist. Gamitin ang salitang PAGKAKAPANTAY-PANTAY. Dapat na maiugnay ang salitang ito sa paksa tungkol sa pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng talakayan ukol sa iba’t ibang paraan kung paano napanatili ng mga Amerkano ang kanilang kapangyarihan sa mga Pilipino.

b. Pagkatapos ay ipaliwanag at magkaroon ng pag-aanalisa sa iba’t ibang batas na ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas sa pamamagitan ng Give Me 5 List na tumatalakay sa mahalagang elemento, kahulugan, kabutihan, at iba pang aspekto ng batas. Hatiin ang klase sa walong pangkat.

i. Unang Pangkat – Cooper Act ii. Ikalawang Pangkat – Brigandage

Act

Page 57: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 57

iii. Ikatlong Pangkat – Sedition Act iv. Ikaapat na Pangkat – Flag Law v. Ikalimang Pangkat –

Reconcentration Act vi. Ikaanim na Pangkat – Batas Jones vii. Ikapitong Pangkat – Batas Hare

Hawes Cutting viii. Ikawalong Pangkat – Batas

TydingsMcDuffie

c. Iproseso ang mga maibabahagi ng mga mag-aaral at gumawa ng buod ng mga batas na ito at ang naging epekto nito sa mga Pilipino sa kabuuan.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang klase ng hashstag at i-post ito sa isang social media account page na iyong gagawin para sa klase. Dito ay maaaring mailatag ng mga mag-aaral ang kanilang mga opinyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon sa hashtags ng kapwa mag-aaral.

5. Pagtataya

Ipasagot ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 106–108. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutin ang pagsasanay. Iproseso sa mga mag-aaral ang mga tumpak na sagot.

Page 58: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

58 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 109.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 88–89) Alam mo ba? (pp. 90–91)

Pagtataya

B. (pp. 107–108)

1. ManuelRoxa–ManuelQuezon2. Reconcentration Act – Flag Law ng 19073. Pangulong McKinley – Heneral Jacob Smith4. tama5. tama6. Leonard Wood – Francis Burton Harrison7. tama8. tama9. Batas Laban sa Sedisyon – Reconcentration Act10. Antonio Luna – Gregorio del Pilar

Page 59: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 59

Aralin 2 – Ang Pamahalaang Kolonyal ng Estados Unidos

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang sistemang politikal na ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino kabilang ang party system sa panahon ng kanilang pananakop;

2. Nakabubuo ng skit upang talakayin ang mahahalagang pangyayaring naging daan sa pagtamo ng malasariling pamahalaan ng Pilipinas; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging makabayan upang mapangalagaan ang kalayaan ng mamamayan at ng bansa.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Maraming mga kaganapan ang nagbigay daan bago tuluyang matamo ng Pilipinas ang hangaring maging malaya at mapamahalaan ang kanilang sarili. Sa pamamagitan ng demokratikong paraan ay nakapili ang mga Pilipino ng magiging tagapaglingkod na gagabay sa bansa sa mga darating na panahon hanggang sa tuluyang mabuo ang bansa.

B. Paksang-aralin

Ang Pamahalaang Kolonyal ng Estados Unidos

Page 60: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

60 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 110–126

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 110–112. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 112–113. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat at magsagawa ng isang debate. Talakayin kung ano ang higit na mabisang partidong politikal. Ang isang pangkat ay ipagtatanggol ang Partidong Federal at ang isa naman ay ang Partidong Nacionalista. Ipalatag

Page 61: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 61

sa bawat pangkat ang mga kabutihan at layunin ng mga partidong politikal at kung alin sa mga ito ang higit na nakatulong sa bansa.

b. Pagkatapos ng debate ay magsagawa ng malayang talakayan kung saan tatalakayin ang dalawang partido na ito at ang iba pang partidong politikal na umusbong noon sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng malikhaing presentasyon. Ipagpapalagay ng mga mag-aaral na sila ay isang kumakandidatong pangulo ng bansa na bahagi ng isang partidong politikal. Bubuo ang bawat mag-aaral ng isang talumpati kung paano niya paglilingkuran ang bayan upang matamo nito ang nais na kaunlaran. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang buuin ang kanilang talumpati at pagkatapos ay tumawag ng ilan sa kanila na magbabahagi sa klase ng kanilang talumpati.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipabahagi sa klase ang ginawang takdang-aralin at markahan ang ginawa ng mga mag-aaral.

Page 62: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

62 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng ilang salita na nakasulat sa flashcards. Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa mga salitang ito:

i. awtonomiya ii. Pilipinisasyon iii. nepotismo iv. diskriminasyon v. migrasyon

b. Iproseso ang mga salitang ito at ipaliwanag nang mabuti sa mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa mahahalagang pangyayari na naging daan sa unti-unting pagkakaroon ng pagkakataon ng mga Pilipino na pamahalaan ang sariling bansa sa pamamagitan ng malasariling pamahalaan.

b. Hatiin sa limang pangkat ang klase. Pagawain sila ng sarili nilang presentasyon batay sa mga pangyayaring naging daan na mapamahalaan ng mga Pilipino ang sariling bansa.

i. Unang Pangkat – Batas Jones ii. Ikalawang Pangkat –

Pilipinisasyon

Page 63: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 63

iii. Ikatlong Pangkat – Pamamahala ni Leonard Wood

iv. Ikaapat na Pangkat – Salik Pinansiyal ng Estados Unidos

v. Ikalimang Pangkat – Diskriminasyon at Pagtanggi sa Migrasyon

vi. Ikaanim na Pangkat – Misyong Pangkalayaan

c. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito at pagkatapos ay isa-isang magpakita ng kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

a. Itanong sa mga mag-aaral: “Mas mabuti ba ang kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan kung naging estado ito ng Estados Unidos?”

b. Bigyan ng pagkakataon na makapag-isip ang mga mag-aaral ng kanilang sariling sagot at pagkatapos ay tumawag ng ilang mag-aaral upang maibahagi ang kanilang mga sagot.

5. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Gumawa Tayo” sa pp. 123–126. Iproseso ang mga ginawa ng mga mag-aaral at bigyan ng marka ang mga ito.

Page 64: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

64 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng video ukol kay Francis Burton Harrison at kung paanong ang kanyang sistema ng liberalisasyon ay nakatulong nang malaki sa mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

2. Talasalitaan

Itanong sa mga mag-aaral: i. Paano naapektuhan ang aspekto ng

relihiyon sa bansa lalo sa matagal na panahon ng Katolisismo noong panahon ng Espanyol?

ii. Paano naging liberal ang pananaw ng mga Pilipino sa halos lahat ng aspekto ng lipunan kasama na ang aspekto ng relihiyon?

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing presentasyon ay ipabahagi sa mga mag-aaral ang pinakamahalagang ambag ng mga Amerikano sa kanilang pamamahala sa Pilipinas.

Page 65: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 65

i. Unang Pangkat – primetime newscast format

ii. Ikalawang Pangkat – morning show format

iii. Ikatlong Pangkat – documentary format

iv. Ikaapat na Pangkat – soap opera format

v. Ikalimang Pangkat – travel magazine show format

b. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang makapaghanda at pagkatapos ay isa-isang ipabahagi ang kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral. Gamitin ang mga prosesong tanong:

i. Ano ang pinakamahalagang ambag ng mga Amerikano sa mga Pilipino?

ii. Bakit sinasabi na hindi talaga naging malaya ang mga Pilipino sa mga Amerikano bagaman may sarili ng malasariling pamahalaan ang Pilipinas?

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 120–122.

Page 66: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

66 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 110)

1. Quezon2. MacArthur3. Leonard Wood4. Pilipinisasyon5. Pasipikasyon

Alam mo ba? (pp. 112–113)

Pagtataya

A. (pp. 120–121)

1. ManuelQuezon 6. FairfieldBill2. ClaroRecto 7. ManuelQuezonat Rafael Palma3. Franklin Roosevelt 8. Leonard Wood4. Gragorio Aglipay 9. Ray Conley5. Apolinario Mabini 10. Partido Federal

Page 67: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 67

Aralin 3 – Ang Pamahalaang Komonwelt

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mahahalagang programa na naipatupad sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt;

2. Nakagagawa ng malalim na pagsusuri sa kakayahan ng mga Pilipino na pamahalaan ang sarili sa pamamagitan ng Pamahalaang Komonwelt; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging responsable at pagtayo sa sariling paa anuman ang pagsubok na pagdaanan sa buhay.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Pamahalaang Komonwelt ay patunay na kaya ng mga Pilipino na mag-isip ng mga programa at batas na nararapat para sa mga pangangailangan ng mga Pilipino at mga sistema at prosesong nararapat para sa mga mamamayan at sa bansa sa kabuuan. May mga batas na naisakatuparan upang maisaayos ang sistema ng edukasyon at para mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa gayundin ang mga magsasaka at karaniwang mamamayan na higit na nakararami noon. Sa kabuuan, napatunayan ng mga Pilipino na kaya nilang magsarili lalo at ipinaglaban nila ng matagal ang pagtamo ng kalayaan.

Page 68: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

68 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Paksang-aralin

Ang Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 127–139

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 127–129.

2. Talasalitaan

Ipasagot ang “Alam mo ba?” sa pp. 129–130. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay na may pamagat na “Lilingon-lingon.” Mula sa nabasang sanaysay ay pagawain ang mga mag-aaral ng

Page 69: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 69

listahan kung saan iuugnay nila ang ilan sa mga pangungusap, salita, o parirala sa pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat at ipahanda ang kanilang listahan. Pagkatapos ay isa-isang ipabahagi sa bawat pangkat ang kanilang ginawa.

c. Iproseso ang kasagutan ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Padudugtungan sa mga mag-aaral ang pangungusap:

Kaya ng mga Pilipino na pamahalaan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng Pamahalaang Komonwelt dahil _________________________________________________.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpapanood sa klase ng video ukol Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas. Ipatala sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang konsepto at impormasyon na kanilang makukuha sa video pagkatapos ay ipabahagi ito sa klase.

Page 70: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

70 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

2. Talasalitaan

a. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng “komonwelt.” Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang kaalaman kung paano nila nauunawaan ang kahulugan ng salitang ito at kung ano ang maaaring maidulot nito sa mga Pilipino. Bukod sa salitang ito ay talakayin din ang salitang “malasarili” na ibang tawag sa komonwelt.

b. Ibigay sa kanila ang prosesong tanong: “Bakit tinawag na malasariling pamahalaan ang naitatag na pamahalaan sa Pilipinas na pinamunuanninaQuezonatOsmeña?”

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat at ang bawat pangkat ay magpapakita ng graphic organizer na susuri sa iba’t ibang mga suliranin sa bansa na kailangang bigyan ng solusyon ng Pamahalaang Komonwelt.

i. Unang Pangkat – pagdami ng dayuhang mamumuhunan

ii. Ikalawang Pangkat – suliranin sa agrikultura

iii. Ikatlong Pangkat – suliranin ng mga manggagawa

Page 71: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 71

iv. Ikaapat na Pangkat – suliraning panlipunan at pampolitika (Partido Komunista)

v. Ikalimang Pangkat – suliraning panlipunan at pampolitika (Sakdalismo)

b. Bawat pangkat ay ipakikita ang kani-kanilang nabuong graphic organizer na kanilang ibabahagi pagkatapos ng limang minutong paghahanda.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang presentasyong ginawa ng mga mag-aaral. at ibuod ang talakayan ukol sa mga suliraning pang-ekonomiya, pangkabuhayan, pampolitika, at panlipunan na dapat harapin ng Pamahalaang Komonwelt.

5. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Gumawa Tayo!” sa p. 139. Iproseso ito sa susunod na pagkikita.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang takdang-aralin.

Page 72: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

72 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang ilan sa mga mahahalagang terminolohiya na maaaring matalakay sa aralin. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral sa kung ano ang kahulugan ng mga ito:

i. colorum ii. minimum wage iii. dummy iv. overtime v. social justice vi. falangista vii. pasismo

b. Talakayin ang kahulugan ng mga salitang nabanggit at magbigay ng halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang tungkol sa mga naging karagdagang suliranin ng Pamahalaang Komonwelt kabilang ang suliranin sa dating samahanng panrelihiyon na Cofradia na tinawag na colorum.

b. Pagkatapos ng talakayan ay hatiin ang klase sa limang pangkat. Ipatalakay sa bawat pangkat ang iba’t ibang mahahalagang ambag ng Pamahalaang Komonwelt sa iba’t ibang larangan lalo

Page 73: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 73

na sa pangkabuhayan, panlipunan, at iba pang aspekto. Ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang presentasyon sa pamamagitan ng sumusunod:

i. Unang Pangkat – newscast format ii. Ikalawang Pangkat – magazine

show format iii. Ikatlong Pangkat – documentary

format iv. Ikaapat na Pangkat – talk show

format v. Ikalimang Pangkat – travel show

format

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso at ibuod ang mga mahahalagang ambag ng Pamahalaang Komonwelt sa mga Pilipino. Kunin ito sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng gallery walk. Ipalagay sa cartolina strips ang naunawaan ng mga mag-aaral sa paksa.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa 137–138. Isagawa ang pagtatama sa mga sagot ng mag-aaral.

Page 74: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

74 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 127)

KOMONWELT QUEZONMACARTHUR COLORUMBENIGNO MINIMUM

Alam mo ba? (pp. 129–130)

Pagtataya

A. (p. 137)

1. j 6. e 2. a 7. c 3. i 8. d 4. b 9. f 5. h 10. g

Page 75: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 75

Aralin 4 – Pananakop ng mga Hapones at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag kung paano naihanda ng mga Amerikano ang Pilipinas sa posibleng banta ng digmaan;

2. Natatalakay sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon ang mga pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas at pangyayaring nagbunsod sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng katapatan sa bayan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Pilipinas bilang kaalyadong bansa ng Estados Unidos ay nadamay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig matapos magdeklara ng digmaan ang Estados Unidos sa Hapon sa pag-atake na ginawa nito sa Pearl Harbor na ikinamatay ng maraming mga sundalong Amerikano. Ang Hapon na noon ay nagnanais makontrol ang Asya ay nakipag-alyansa sa iba pang makapangyarihang bansa at binuo ang puwersang Axis kasama ang Alemanya at Italya na pinamumunuan nina Adolf Hitler at Benito Mussolini. Pinadala ng Hapon sa Pilipinas si Heneral Homma na sunod-sunod ang ginawang pag-atake sa iba’t ibang panig ng Pilipinas

Page 76: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

76 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

hanggang sa nagresulta ito sa pagbubukas ng Maynila, Death March, pagbagsak ng Bataan at Corregidor, at tuluyang pagsuko ng puwersang Amerikano at pagsasailalim sa Pilipinas sa kapangyarihan ng Hapon.

B. Paksang-aralin

Pananakop ng mga Hapones at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 140–155

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 140.

b. Ipabasa sa mga mag-aaral ang tula na may pamagat na “Dapithapon” sa “Mag-isip Tayo!” sa p. 141. Tumawag ng isang bata sa unahan na mangunguna sa pagbabasa. Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa pp. 141–142. Isagawa ang pagtatama sa mga sagot ng mga mag-aaral.

Page 77: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 77

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 142–143. Talakayin ang kahulugan ng mga salitang natuklasan sa crossword puzzle. Magbigay ng ilang halimbawang sitwasyon upang pahapyaw na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan sa kung paanong ang bansang Hapon ay unti-unting lumakas bilang isang makapangyarihang bansa sa Asya. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video upang masuportahan ang talakayang ito.

b. Pagkatapos ay hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng timeline kung paano nakapasok ang mga Hapon sa Pilipinas mula pa noon hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

c. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang maihanda ang kanilang timeline at pagkatapos ay isa-isang ipabahagi sa bawat pangkat ang kanilang ginawa.

Page 78: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

78 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

4. Pangwakas na Gawain

a. Magpagawa sa mga mag-aaral ng isang tula na tumatalakay sa kanilang natutuhan ukol sa paksang: “Paano nadamay ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?”

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang mabuo ang kanilang tula at pagkatapos ay iparinig ito sa buong klase.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpapanood sa mga mag-aaral ng video na may kinalaman sa kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagtalain ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon na nakuha nila mula sa video. Pagkatapos ay iproseso ang pinapanood na video sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga konseptong tanong:

• First Row – Bakit nakasama angPilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

• Second Row – Ano-ano ang mganaranasan ng mga Pilipino sa panahon ng digmaang ito?

• ThirdRow–Paanoangnagingpagkilosng mga pinunong Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Page 79: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 79

• FourthRow–Paanomomailalarawanang naging kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan?

2. Talasalitaan

a. Magpakita sa mga mag-aaral ng mga larawan ukol sa sumusunod:

i. Death March ii. Atomic Bomb iii. Makapili iv. Puppet

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pang-unawa nila sa mga larawang ipinakita at kung paano nila iuugnay ang mga larawang ito sa kaganapan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang iba’t ibang mga dahilan ng Hapon kung bakit ito nagpalakas at nagpakita ng kapangyarihan, hindi lamang sa Asya kundi maging sa ibang panig ng daigdig na naging dahilan ng pakikidigma nito.

b. Ipapapanood sa mga mag-aaral ang isang video clip ukol sa pag-atake sa Pearl Harbor gayundin ang pagbagsak ng bomba atomika sa Hiroshima

Page 80: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

80 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

at Nagasaki. Iproseso ang mga mahahalagang pangyayaring ito.

c. Hatiin ang klase sa limang pangkat at pagawain ng malikhaing presentasyon na magpapakita ng iba’t ibang mahahalagang kaganapan sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

4. Pangwakas na Gawain

Talakayin ang mahahalagang tauhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga Pilipinong naging pinuno sa panahon ng digmaan.

5. Takdang-aralin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Gumawa Tayo” sa p. 155 at ibahagi ang mga sagot sa susunod na pagtalakay.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpabahagi sa mga mag-aaral ng kanilang mga napanood na pelikula na may kinalaman sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipatala sa pisara ang mga pamagat ng pelikula. Ipabuod sa mga mag-aaral ang mga pelikula at ipabahagi ang kanilang natutuhan ukol sa digmaan sa pelikulang ito. Magbahagi rin ng mga napanood na pelikula lalo ang pelikulang

Page 81: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 81

hango sa kaganapan sa Pilipinas noong panahon ng digmaan.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang sumusunod na salita:

i. genocide ii. Great Depression iii. holocaust iv. comfort women v. mein kampf

b. Itala ang mga salita sa pisara at pagkatapos ay pasulatin ang mga mag-aaral ng salitang magbibigay kahulugan sa mga ito. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa naging papel ng mga lider na sina Adolf Hitler, Benito Mussolini, at Emperador Hirohito sa pagpapatuloy ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kung paano ito nakaapekto sa Pilipinas.

b. Talakayin din kung anong mga hindi magagandang pangyayari ang naganap sa Pilipinas sa panahon ng digmaan lalo sa mga sundalo, kababaihan, at kabataan.

Page 82: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

82 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng move quiz. Kunin ang mga katanungan mula sa tatlong araw na aralin.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 151–154 Iproseso ang mga sagot na ibinigay ng ilang piling mag-aaral.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo (p. 140)

ALEMANYAMACARTHURPUPPETNAZIPEARL HARBOR

Alam mo ba? (pp. 142–143)

Page 83: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 83

Pagtataya A. (pp. 151–152)

1. Jorge Vargas2. Great Depression3. Benito Mussolini4. National Socialist German Workers’ Party o

Nazi5. National Defense Act 6. Pearl Harbor 7. Franklin Roosevelt8. Heneral Masaharu Homma9. Australia10. Jose Laurel

Page 84: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

84 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Aralin 5 – Pamahalaang Kolonyal ng Hapon sa Pilipinas

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng pananakop at pamamalagi sa bansa ng mga Hapones;

2. Naipakikita sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon ang mga pagbabago sa bansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones hindi lamang sa politika kundi maging sa kabuhayan at lipunang Pilipino; at

3. Napahahalagahan ang pagiging isang Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang daan tungo sa tuluyang paglaya ng Pilipinas sa mga dayuhan noong Hulyo 4, 1946 ay hindi naging madali at naging masalimuot lalo at nasa gitna ng digmaan ang bansa. Ang kawalan ng tiwala sa bawat isa bunsod ng pagtataksil at takot na nararamdaman ng lahat ay isang dagok sa ating kasaysayan. Bagaman may ilang mga pagkilos upang labanan ang mga Hapon, sa tulong ng mga Amerikano sa pangunguna ni Heneral MacArthur ay naitatag muli ang republikang maaaring mamahala sa bansa, sa nagsasariling bansang Pilipinas.

Page 85: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 85

B. Paksang-aralin

Pamahalaang Kolonyal ng Hapon sa Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 156–172

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa pp. 156–157.

b. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay na may pamagat na “Ang Pait ng Isang Papet” sa “Mag-isip Tayo!” sa pp. 157–158. Tumawag ng isang bata sa unahan na mangunguna sa pagbabasa. Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa p. 158. Isagawa ang pagtatama sa mga sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 159.

Page 86: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

86 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Ipakilala ang ilan sa mga mahahalagang salitang natagpuan sa puzzle na maaaring matalakay sa aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng video ukol kay Masaharu Homma na isang mahalagang tauhan sa pamamalagi ng puwersang Hapon sa Pilipinas. Ipatala sa mga mag-aaral ang mahalagang impormasyon ukol sa kanya at magkaroon ng talakayan.

b. Magsagawa ng talakayan ukol sa mahahalagang pangyayari na naganap sa mga unang taon ng pananatili ng puwersang Hapon sa Pilipinas matapos isuko ng Estados Unidos ang bansa. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang naranasan ng mga Pilipino sa mga panahong ito.

4. Pangwakas na Gawain

Hatiin sa pangkat ang klase. Pagawain ang bawat pangkat ng isang symbolic organizer. Pabuuin sila ng isang simbolong kakatawan sa kalagayan ng bansa sa unang panhon ng pagsasailalim sa bansa sa mga Hapon. Bigyan sila ng ilang minuto at pagkatapos ay tawagin isa-isa ang bawat pangkat upang magbahagi ng kanilang ginawa.

Page 87: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 87

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video na may kinalaman sa kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Republika ng Pilipinas na kilala rin sa tawag na Pamahalaang Papet. Pagtalain ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon.

b. Iproseso ang mga nakuhang impormasyon mula sa mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang konsepto ng Pamahalaang Papet sa bansa at ang pagkakahati ng kapangyarihan noong mga panahong iyon

i. Tagapagpaganap ii. Tagagawa ng Batas iii. Tagahukom

b. Ipaliwanag kung bakit tinawag na Pamahalaang Papet ang naitatag na republika noong mga panahong iyon ngunit hingin muna ang saloobin ng mga mag-aaral ukol dito.

Page 88: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

88 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan sa kung paano napasailalim nang tuluyan ang Pilipinas sa kapangyarihan ng mga Hapon.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang bawat pangkat ng dula na tumatalakay sa mahahalagang pangyayari na naganap sa panahon ng Pamahalaang Papet. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang makapaghanda at pagkatapos ay tawagin isa-isa ang bawat pangkat upang magbahagi ng kanilang ginawa.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang mga mahahalagang impormasyon na matatalakay ng mga mag-aaral sa kanilang presentasyon lalo na ang naging epekto sa mga Pilipino ng pagpapasailalim ng bansa sa kapangyarihan ng mga Hapon.

5. Takdang-aralin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Gumawa Tayo” sa p. 172 at ipabahagi ito sa susunod na talakayan.

Page 89: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 89

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga isinagot sa “Gumawa Tayo!” sa p. 172 tungkol sa nakaraang aralin.

2. Talasalitaan

a. Iproseso sa mga mag-aaral ang katagang binanggit noon ni Heneral MacArthur na “I shall return”.

b. Tanungin ang bawat mag-aaral kung paano nila bibigyang kahulugan ang binanggit na ito ni Heneral MacArthur. Itala sa pisara ang iba’t ibang interpretasyon na maibibigay ng mga mag-aaral ukol sa mensaheng ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang mahalagang pangyayari na naging daan sa pagdating ng mga Amerikano at paglaya ng mga Pilipino sa mga Hapon

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang bawat pangkat ng PowerPoint presentation na nagpapaliwanag sa pagtamo ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Hapon at sa mga pinagdaanan ng bansa

Page 90: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

90 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

bago natamo ito. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral at pagkatapos ay isa-isang ipakita ang kanilang ginawang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang mahahalagang tauhan sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa bansa. Pagkatapos ay ipatala sa mga mag-aaral ang papel na ginampanan ng mga taong ito.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 170–172 at “Markahang Pagsasanay” sa pp. 175–179.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 156–157)

Page 91: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 91

Alam mo ba? (p. 159)

Pagtataya

A. (p. 170)

1. Yoshihide Hayashi2. Pamahalaang Militar3. Declaration to Christians in the Philippines4. curfew5. Jose Vargas6. Benigno Aquino, Sr.7. Luis Taruc8. Manuel Roxas9. haiku10. Palo

B. (p. 171)

1. Benigno Aquino Sr.2. Claro Recto3. Benigno Aquino Sr. 4. death by hanging5. Pilipinas

Page 92: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

92 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

6. Tomas Cabili at Salipada Pendatun7. Manuel Roxas8. Agosto 99. Elpidio Quirino10. Makabayang Katipunan ng mga Pilipino

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 175–177)

1. d 11. c2. a 12. d3. c 13. a4. b 14. c5. d 15. c6. d 16. d7. b 17. c8. a 18. b9. b 19. a10. c 20. d

Page 93: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 93

IKATLONG MARKAHANPAGTUGON SA MGA SULIRANIN, ISYU, AT

HAMON SA KASARINLAN NG BANSA (1946–1972)

Pagsasabuhay ng Mithiin:

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga isyu, suliranin, at mga hamon ng kasarilan.

Pangunahing Katanungan:

Paano makaaapekto sa pagbangon ng Pilipinas angiba’t ibang isyung kaakibat ng pagiging kaalyado pa rin nito ng Estados Unidos sa kabila ng pagtatatag ng Ikatlong Republika? Paano tinugunan ng mga pinuno ng Republika ang mga suliranin at hamon na kaakibat ng kasarinlan ng bansa? Bakit mahalaga ang papel ng bawat Pilipino sa pagtamo ng tunay na kasarinlan ng bansa? Paano makatutulong sa bansa ang pagtugon sa mga isyung politikal upang masiguro ang kaunlaran ngbansa?

Aralin 1 – Mga Hamon sa Pagpapanatili ng Kasarinlan

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga suliraning kinaharap ng bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig;

Page 94: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

94 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

2. Nakabubuo ng presentasyon kung saan natatalakay ang mga paraan at programa ni Manuel Roxas tungo sa rehabilitasyon ng Pilipinas; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng katatagan ng loob upang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Pilipinas sa panahon ng pamamahala ni Manuel Roxas bilang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas ay salamin ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon mula sa matinding pagkasira ng bansa dahil sa digmaan. Bagaman naging maiksi ang kanyang pamamahala, sinubukan ni Roxas na matulungan ang bansa ngunit hindi maiaalis sa mga Pilipino na hindi pa rin talaga tuluyang nakalaya ang Pilipinas sa Estados Unidos at mula sa tulong na ibinigay nito sa bansa ay lalong nalubog sa pagkakautang ang Pilipinas. Hindi naiwasan na makita ito ng mga Pilipino sa iba’t ibang kasunduan na pinasok ng pamahalaang Roxas sa Amerika kasama na ang isyu sa Parity Rights at sa pagpapanatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.

B. Paksang-aralin

Mga Hamon sa Pagpapanatili ng Kasarinlan

Page 95: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 95

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 181–194

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa pp. 181–182. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 184. Ipakilala ang ilan sa mga mahahalagang salitang natagpuan sa puzzle na maaaring matalakay sa aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang tula na pinamagatang “Anino” sa “Mag-isip Tayo!” sa pp. 182–183. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang masagutan ang mga kasunof na katanungan. Tumawag ng ilang mag-

Page 96: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

96 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot at pagkatapos ay iproseso ang tula.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Palikhain ang bawat pangkat ng graphic organizer at apat na saknong na tula na naglalaman ng mga anino ng nakaraang digmaan kung saan ay labis na naapektuhan ang mga Pilipino at ang bansa sa kabuuan.

c. Iproseso ang presentasyong ginawa ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Magpapanood sa mga mag-aaral ng video kung saan makikita nila ang ilang kuwento ng mga Pilipino pagkatapos ng digmaan. Iproseso ang kahalagahan ng pagiging matatag ng bawat tao upang masolusyunan ang mga suliranin lalo ang muling pagbangon sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita sa klase ng mga larawan ninaJoseP.Laurel,SergioOsmeña,atManuel Roxas. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang pananaw ukol sa katangian ng mga

Page 97: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 97

ito bilang isang lider ng bansa. Ipatala ang kanilang mga sagot sa pisara.

b. Buuin ang character sketch sa mga pinunong nabanggit upang makuha ang pananaw ng mga mag-aaral kung anong klaseng lider ng bansa ang mga ito. Iproseso nang mabuti ang aralin upang maitama at maging patas ang mga mag-aaral sa mga tauhan at maipaliwanag ang kanilang mga dahilan sa mga pangyayaring naganap noon ayon sa kasaysayan.

2. Talasalitaan

Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang “collaborator.” Tanungin ang mga mag-aaral kung paano nila naunawaan ang salita at iproseso kung paano ginamit ang salitang ito noong panahon ng mga Hapon.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang transisyon na naganap mula noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang sa maluklok sa puwesto bilang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas si Manuel Roxas.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat at ipatalakay ang iba’t ibang mga suliraning kinaharap ng pamahalaang

Page 98: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

98 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Roxas sa mga panahong iyon ng rehabilitasyon.

i. Unang Pangkat – newscast format ii. Ikalawang Pangkat – magazine

show format iii. Ikatlong Pangkat – documentary

format iv. Ikaapat na Pangkat – talk show

format v. Ikalimang Pangkat – travel show

format

c. Bigyan ng ilang minutong paghahanda at pagkatapos ay ipakita sa klase ang presentasyon ng lahat.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang mga nakuhang impormasyon mula sa presentasyon ng mga mag-aaral. Ibuod ang mga konsepto ukol sa mga suliranin ng Pilipinas sa panahon ng rehabilitasyon.

5. Takdang-aralin

Magsaliksik ng iba’t ibang mga programang naipatupad noong panahon ni Manuel Roxas. Pasagutan ang “Gumawa Tayo” sa pp. 193–194 at ipabahagi ito sa klase sa susunod na talakayan.

Page 99: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 99

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawang editorial cartoon ukol sa relasyon ng Estados Unidos at ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pumili ng magandang gawa na maaaring iproseso upang maibigay ang sariling opinyon ukol sa paksang ito.

2. Talasalitaan

Isagawa ang larong “Dugtungan.” Simulan ang bawat pangungusap at ipatuloy ito sa mga mag-aaral. Gamitin ang sumusunod:

• First Row – Ang rehabilitasyon aynangangahulugan na _______________.

• SecondRow–Angrekonstruksiyonaynaganap upang _____________________.

• Third Row – Ang kolaborasyon sapagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay naganap sa pamamagitan ng _______________________.

• IkaapatnaRow–Angmgapagbabagosa bansa sa panahon pagkatapos ng digmaan ay maibubuod sa salitang ___________________.

Page 100: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

100 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga programa na ipinatupad noong panahon ng pamamahala ni Roxas bilang pangulo ng bansa. Ipalista sa pisara ang mga programang ito at pagkatapos ay iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay magpapakita ng presentasyon sa pamamagitan ng pagbabalita ukol sa sumusunod na mga mahahalagang batas na naipatupad noong panahon ni Roxas

i. Unang Pangkat – Philippine Trade Act

ii. Ikalawang Pangkat – Philippine Rehabilitation Act

iii. Ikatlong Pangkat – Parity Rights iv. Ikaapat na Pangkat – Military

Bases Agreement v. Ikalimang Pangkat – War Surplus

Property Agreement

c. Pagkatapos ng ilang minutong paghahanda ay isa-isang ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang prsentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang iba’t ibang kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas upang

Page 101: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 101

maunawaan ng mga mag-aaral kung paano ito nakaapekto sa bansa sa kabuuan.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 190–192.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo (pp. 181–182)

1. TYDINGS2. FELEO3. MISSOURI4. PACIFICATION 5. BERLIN6. REHABILITATION

Alam mo ba? (p. 184)

Page 102: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

102 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Pagtataya

A. (pp. 190–191)

1. Mateo del Castillo – Juan Feleo 2. Bell Trade Act – Parity Rights 3. 80 taon – 99 na taon 4. Jasper Bell – Millard Tydings 5. SergioOsmeña–ElpidioQuirino6. tama7. CamiloOsias–LorenzoTañada8. tama9. 80 milyong dolyar – 220 milyong dolyar10. Batas Republika Blg. 4 – Philippine Rice Share Tenancy Act

Page 103: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 103

Aralin 2 – Ikatlong Republika ng Pilipinas: Pamahalaang Quirino at Magsaysay

I. Layunin

1. Natatalakay at naipaliliwanag ang iba’t ibang naging epekto ng relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas at ang paglakas ng kaisipang kolonyal sa bansa;

2. Nakagagawa ng presentasyon kung saan natatalakay ang mga programa at kontribusyon ng mga pangulong sina Elpidio Quirino at Ramon Magsaysay; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pag-unawa sa kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino at maiwasan ang diskriminasyon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamamahala ni Elpidio Quirino ay sumasalamin sa pagkontrol at sa ilalim na panunungkulan ni Ramon Magsaysay naman ay ang pagpapanatili ng kaayusan at serbisyo sa mga mamamayan na higit na naramdaman ng mga Pilipino. Marami ang naipatupad na mga pagbabago lalo sa kapakanan ng mga manggagawa at mga magsasaka. Naging priyoridad din ang pagbibigay ng tulong sa mga maliliit na mamumuhunan at napanatili pa rin ang magandang ugnayan sa ibang bansa.

Page 104: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

104 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Paksang-aralin

Ikatlong Republika ng Pilipinas: Pamamahalang Quirino at Magsaysay

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 195–208

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Maglaro Tayo!” sa pp. 195–196. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang sagutan ang pagsasanay.

b. Ipabasa ang tula na may pamagat na “Masa... Umaasa” sa “Mag-isip Tayo!” sa p. 196. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang masagutan nila ang mga tanong sa pp. 196–197. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral

2. Talasalitaan Ipakilala ang salitang “kaisipang

kolonyal.” Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-anong mga larawan ang maaari nilang maisip na may kaugnayan sa

Page 105: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 105

konsepto ng kaisipang kolonyal. Iproseso ang mga ibabahagi ng mga mag-aaral at pagkatapos ay talakayin ang kahulugan nito.

3. Panlinang na Gawain a. Hatiin ang klase sa limang pangkat.

Pagawain ang mga mag-aaral ng dula upang ipakita ang naging epekto ng kaisipang kolonyal sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino noong mga panahong iyon.

i. Unang Pangkat – pananamit ii. Ikalawang Pangkat – pagkain iii. Ikatlong Pangkat – gamit sa pang-

araw-araw iv. Ikaapat na Pangkat – pananalita v. Ikalimang Pangkat – ugali

b. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang makapaghanda at pagkatapos ay isagawa ang kanilang mga presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain Ipasagawa ang estratehiyang “One-

minute Essay.” Bigyan ng isang minuto ang mga mag-aaral upang sumulat ukol sa epekto ng kaisipang kolonyal sa mga Pilipino.

Page 106: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

106 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpapanood ng video ukol sa pamamahala at maikling talambuhay ni Elpidio Quirino. Ipatala sa mga mag-aaral ang mahahalagang mga impormasyon na makukuha nila mula sa video.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa talambuhay ni Elpidio Quirino at kasaysayan sa pamamahala niya. Kunin ang sagot ng mga mag-aaral base sa kanilang napanood na video.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Paghandain ang bawat pangkat ng kanilang Top Ten List ng mga mahahalagang pangyayari at programa na naipatupad sa panahon ng pamamahala ni Elpidio Quirino.

Page 107: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 107

c. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na buuin ang kanilang listahan at pagkatapos ay ipabahagi ang kanilang mga sagot.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng isang move quiz. Maghanda ng sampung katanungan ukol sa mga natalakay. Isa-isang pasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungang ito hanggang sa ang lahat ay makatapos sa maikling pagsusulit. Isagawa ang pagbabahagi ng mga tumpak na kasagutan.

5. Takdang-aralin

Ipagawa ang pagsasanay sa “Gumawa Tayo” sa p. 208. Maghanda sa pagbabahagi ng ginawang takda sa susunod na pagtalakay.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang ginawa sa nakaraang pagsasanay. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

Page 108: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

108 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang “decontrol” at “masa.” Ipatala sa mga mag-aaral sa pisara kung ano ang pang-unawa nila sa dalawang salita. Iproseso ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood ng video ukol kay Ramon Magsaysay, ang kanyang buhay, at mga nagawa para sa bansa. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng malayang talakayan kung ano ang kanilang masasabi ukol kay Magsaysay bilang pinuno.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat at magpasagawa ng presentasyon tungkol sa iba’t ibang programa at kontribusyon ng pamamahalang Magsaysay.

c. Isa-isang ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

a. Ibuod ang mga nagawa ni Magsaysay sa bansa.

b. Talakayin ang kuwento ng pagkamatay ni Magsaysay at kung paano ito nakaapekto sa masang Pilipino at sa bansa sa kabuuan.

Page 109: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 109

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 207–208 at isagawa ang pagtatama.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo (pp. 195–196)

1. QUIRINO 6. RECTO2. MAGSAYSAY 7. CEBU3. NAMFREL 8. RIZAL4. BARONG 9. AURORA5. SODA 10. LACSON

Alam mo ba? (pp. 197–198)

Page 110: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

110 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Pagtataya

A. (p. 207)

1. Ramon Magsaysay 2. Antonio Quirino 3. Social Security System 4. Agricultural Credit and Cooperative Financing

Administration 5. National Resettlement and Rehabilitation

Administration 6. reporma sa lupa 7. BatasRepblikaBlg.1425oBatasRizal 8. NationalCitizen’sMovementforFreeElections 9. AuroraQuezon 10. 800 milyong dolyar

Page 111: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 111

Aralin 3 – Ikatlong Republika: Pamahalaan nina Carlos Garcia at Diosdado Macapagal

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga ambag ng mga pangulo ng bansa na sina Diosdado Macapagal at Carlos Garcia;

2. Nakabubuo ng presentasyon kung saan natatalakay ang iba’t ibang mga hamon at mahahalagang pangyayari na naganap sa pamamahala ng dalawang pangulo ng bansa; at

3. Napahahalagahan ang pagiging matipid upang higit na makatulong sa pag-ahon sa buhay.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamamahala ni Carlos Garcia ay sumasalamin sa pagbuhay ng pagbibigay priyoridad sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang Filipino First Policy. Pinahalagahan din ang pagtitipid gayundin ang pagbibigay priyoridad sa maliliit na lokal na mamumuhunan. Noong termino ni Macapagal ay pinilit ng kanyang administrasyon na tugunan ang kailangan ng mga tao sa iba’t ibang proyekto para sa mamamayan at ang pinakamalaking ambag nito ay may kinalaman sa reporma sa lupa. Sa parehas na pangulo ay nagkaroon ng magandang relasyon sa mga karatig bansa sa Asya hanggang sa magkaroon ng sigalot sa

Page 112: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

112 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

pagitan ng Malaysia at Pilipinas dahil sa isyu ng Sabah. Nakapaglingkod sa bansa ang dalawa sa tig-isang termino sa abot ng kanilang makakaya at sa kani-kanilang plataporma bilang pangulo ng bansa.

B. Nilalaman

Ikatlong Republika: Pamahalaan nina Carlos Garcia at Diosdado Macapagal

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 209–220

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Maglaro Tayo!” sa p. 209. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang sagutan ang pagsasanay.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” pp. 212–213. Iproseso ang mga salitang makikita sa puzzle upang maunawaan ito ng mga mag-aaral sa

Page 113: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 113

pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan at mga halimbawa.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay na may pamagat na “Kung ako ang Pangulo” sa “Mag-isip Tayo!” sa pp. 210–211. Pagkatapos ay pasagutan ang mga kasunod na tanong.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Himayin ang akdang binasa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng diskurso ayon sa sumusunod na elemento:

i. mahalagang puntos ng sanaysay ii. positibong nabanggit iii. negatibong nabanggit iv. mensahe ng sanysay

c. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang mga diskurso at iproseso ang kanilang mga sagot.

4. Pangwakas na Gawain

Tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutin ang sumusunod na katanungan. “Kung ikaw ang pangulo ng bansa, ano ang gagawin mo sa:

• suliraninsaipinagbabawalnagamot • kahirapanngmalakingporsiyentong

mga Pilipino

Page 114: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

114 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

• korupsiyonsamgabarangay • nepotismo • kawalanngtirahanngmarami • paglakingpopulasyon • mataas na porsiyento ng krimen sa

mga lungsod • madalas na pagbaha sa panahon ng

ulan kahit walang bagyo • agawansateritoryo • pangingibangbansangmgaPilipino

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video ukol sa pamamahala ni Carlos P. Garcia.

b. Ipatala sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang impormasyon mula sa video na maaaring matalakay sa aralin.

c. Tanungin ang mga mag-aaral ng ilang prosesong tanong:

i. Paano ninyo mailalarawan si Carlos Garcia bilang pangulo?

ii. Ano ang pangunahing salita na magbubuod sa uri ng pamamahala na ipinatupad ni Garcia sa bansa sa ilalim ng kanyang panunungkulan?

Page 115: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 115

2. Talasalitaan

a. Talakayin ang konsepto ng “austerity” o “pagtitipid.” Pagawain ang mga mag-aaral ng “Give Me Five” list na naglalaman ng iba’t ibang paraan ng pagtitipid na kanilang ginagawa. Pagkatapos ay tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

b. Ipaliwanag ang konsepto ng pagtitipid at kung ano ang maaaring maging dulot nito sa mga mamamayan at sa bansa sa kabuuan.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Sa pamamagitan ng primetime newscast format ay ipatalakay sa bawat pangkat kung paano binigyang solusyon ni Garcia ang sumusunod na paksa.

i. Unang Pangkat – suliranin ng bansa

ii. Ikalawang Pangkat – suliranin sa politika

iii. Ikatlong Pangkat – suliraning pang-ekonomiya

iv. Ikaapat na Pangkat – suliraning panlipuan

v. Ikalimang Pangkat – suliranin sa dayuhang alyansa

Page 116: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

116 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

b. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang makapagsanay at pagkatapos ay ipabahagi sa klase ang kanilang ginawang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang tinalakay ng mga mag-aaral ukol sa iba’t ibang mga programa na ipinatupad sa panahon ni Pangulong Garcia.

5. Takdang-aralin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Gumawa Tayo” sa p. 220 at ipabahagi ito sa susunod na talakayan.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawa sa nakaraang pagsasanay.

2. Talasalitaan

Ipakikilala sa mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang “reporma”. Tanungin sila kung ano para sa kanila ang pinakamalaking pagbabago na kanilang hinarap sa kanilang buhay. Tumawag

Page 117: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 117

ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood ng video ukol sa talambuhay at mga ambag ni Pangulong Diosdado Macapagal. Magkaroon ng talakayan ukol dito.

b. Pagkatapos ay hatiin ang klase sa limang pangkat at ipabahagi sa kanila ang iba’t ibang mga programa at ambag ni Pangulong Macapagal bilang pinuno.

4. Pangwakas na Gawain

Itakda sa mga mag-aaral ang isang sanaysay na tatalakay sa pinakamahusay na pangulo mula kay Roxas hanggang Macapagal.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 219–220.

Page 118: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

118 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 209)

Alam mo ba? (pp. 212–213)

1. RAHMAN 6. MAPHILINDO2. PILIPINISASYON 7. MARCOS3. PELAEZ 8. SABAH4. RIZAL 9. HUNYO5. PELAEZ 10. MACAPAGAL

Pagtataya

A. (p. 219)

1. MAPHILINDO 6. Filipino American Friendship Day2. Pampanga 7. Castillo3. Pelaez 8. Sukarno4. Partido Nacionalista 9. 19655. Reporma 10.

Page 119: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 119

Aralin 4 – Pamamahala ni Ferdinand Marcos

I. Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang katangian ni Ferdinand Marcos bilang pinuno ng bansa;

2. Nasusuri sa pamamagitan ng debate kung mahusay ba at magaling na pangulo si Ferdinand Marcos; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kakayahan upang maging maunlad.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Maituturing ang pamamahala ni Ferdinand Edralin Marcos bilang panahon ng maraming pagbabago at pagsasaayos ng bansa. Nagresulta ito sa pagpapatayo ng maraming impraestruktura na magpasahanggang ngayon ay napakikinabangan ng bansa katulad ng mga daan, San Juanico Bridge, CCP, PICC, at iba pa. Ang pagpapaunlad ng agrikultura ay naramdaman ng mga magsasaka hindi lamang sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sistema ng irigasyon sa bansa at pagpapatupad ng reporma sa lupa. Umunlad din ang mga industriya ng bansa at naisaayos ang sistemang politikal ng bansa. Dahil sa mahalagang ambag na ito, muling naihalal ng mga Pilipino si Marcos bilang pangulo ng bansa.

Page 120: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

120 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Paksang-aralin

Pamamahala ni Ferdinand Marcos

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 221–234

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 221. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 224. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood ng video ukol sa pelikulang “Iginuhit ng Tadhana” kung saan ipinakikita ang kabataan ni

Page 121: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 121

Ferdinand Marcos upang magkaroon ng ideya ang mga mag-aaral ukol sa talambuhay ni Marcos.

b. Pagkatapos ay iproseso ang mga nakuhang impormasyon ukol sa napanood na video.

c. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ipabasa ang sanaysay na pinamagatang “Marka ni Marcos” sa “Mag-isip Tayo!” sa p. 222. Pagkatapos ay magkaroon ng debate tungkol sa kung magaling bang pangulo ng Pilipinas si Marcos o hindi.

d. Maging tagapamagitan upang mapaigting ang palitan ng kuro-kuro. Iproseso ang resulta pagkatapos.

4. Pangwakas na Gawain

Gamit ang akrostik na MARCOS, pasulatin ang mga mag-aaral ng iba’t ibang katangian ukol kay Marcos ayon sa kanilang pagkakilala sa kanya bilang pangulo ng bansa.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang talumpati na ibinahagi ni Marcos sa pp. 225–226. Tanungin ang mga mag-aaral ng ilang prosesong tanong:

Page 122: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

122 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

• Ano-ano ang ilan sa mahahalagangmensahe ni Marcos sa kanyang talumpati para sa mga Pilipino?

• AnoangkanyangpangakoparasamgaPilipino?

• Saiyongpalagay,matatamobaitongmga Pilipino?

2. Talasalitaan

Magpapanood ng isang video sa mga mag-aaral ukol sa talumpating ibinahagi ni Marcos. Ipatala sa kuwaderno ang ilan sa mahahalagang mga bagay na nabanggit ni Marcos na bago sa kanilang pandinig. Talakayin ang kahulugan ng mga ito upang higit na maunawan ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga pagbabagong ipinatupad ni Marcos sa unang termino nito bilang pangulo. Ipakikita ng mga mag-aaral ang mga ambag ni Marcos sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon:

• Una at Ikalawang Pangkat – pang-ekonomiya

• Ikatlo at Ikaapat na Pangkat –panlipunan

• Ikalima at Ikaanim na Pangkat – impraestruktura at pampolitika

Page 123: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 123

4. Pangwakas na Gawain

Mula sa ipinakitang presentasyon ng pangkat ay kunin ang mahahalagang impormasyon at ibuod ang mga ito upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konsepto.

5. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 234. Ibahagi ang mga sagot sa susunod na pagtalakay.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipagawa ang estratehiyang “Think-Pair-Share.” Ipabahagi sa mga mag-aaral sa kanilang katuwang na kaklase ang kanilang mga sagot at tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawang reaction paper.

2. Talasalitaan

Balikan ang akdang “Marka ni Marcos.” Itanong sa mga mag-aaral: “Ano para sa inyo ang tunay na marka ng pamamamahala ni Marcos?” Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

Page 124: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

124 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng talakayan tungkol sa mga kaganapan sa ikalawang termino ni Marcos bilang pangulo.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng PowerPoint presentation na sumusuri sa mga salik na naging dahilan ng mahahalagang pagbabago at kaganapan sa bansa sa panahon ng ikalawang termino ni Marcos bilang pangulo.

c. Bigyan ng sapat na panahon na makapaghanda ang mga mag-aaral at pagkatapos ay ipakita ito sa buong klase.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng hashtag post upang ilarawan ang tunay na marka ni Marcos. Ipatala ang mga ito sa pisara at pagkatapos ay basahin ang mga ito. Tumawag ng mga mag-aaral na may magandang naitalang hashtag upang maipaliwanag ang kanilang mga sagot.

5. Pagtataya

Pasagutan ang “Pagtataya” sa pp. 232–234 at “Markahang Pagsasanay” sa pp. 237–239.

Page 125: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 125

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 221)

1. GREAT AGAIN2. IMELDA3. SABAH4. SISON5. BUSCAYNO6. MISUARI7. ILOCOS8. MIRACLE RICE9. VIETNAM10. SENATE PRESIDENT

Alam mo ba? (p. 224)

Page 126: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

126 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Pagtataya

A. (p. 232)

1. Nur Misuari2. Bernabe Buscayno3. Imelda Marcos4. Masagana 995. San Juanico Bridge6. Jose Maria Sison7. International Rice Research Institute8. Association of Southeast Asian Nations9. Sabah10. Disyembre 30, 1965

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 237–239)

1. b 12. c2. a 13. a 3. b 14. d 4. a 15. b 5. b 16. a 6. b 17. a 7. d 18. d 8. a 19. a9. c 20. b 10. c 21. c

11. c

Page 127: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 127

IKAAPAT NA MARKAHANTUNGO SA PAGKAMIT NG TUNAY NA

DEMOKRASYA AT KAUNLARAN

Pagsasabuhay ng Mithiin:

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at pagpapahalaga sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga hamon ng nagsasarili at umuunlad na bansa.

Kakailanganing Katanungan:

Bakit mahalagang makibahagi ang bawat Pilipino sa pagtamo ng kaunlaran ng bansa? Paano nakatutulong ang mga programa na ipinatutupad ng mga pangulo ng bansa sa pagtamo ng kaunlaran ng Pilipinas? Paano makaaapekto sa Pilipinas ang mga pagbabago sa saligang batas na nais ipatupad sa bansa? Bakit mahalaga ang papel ng isang pinuno ng bansa upang matamo ang pagbabago sa lahat ng aspekto ng bansa?

Aralin 1 – Suliranin at Hamon sa Kalayaan at Karapatang Pantao sa Panahon ng Batas Militar

I. Layunin

1. Natatalakay ang kahulugan at dahilan ng pagpapatupad sa bansa ng batas militar;

2. Nasusuri ang iba’t ibang mga pangyayari na naging daan sa pagkakaroon ng batas militar at ang naging epekto nito sa mga mamamayan at sa bansa sa kabuuan; at

Page 128: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

128 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

3. Napahahalagahan ang kalayaan at pagrespeto sa karapatang pantao ng bawat mamamayan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang batas militar ay tumatak sa maraming biktima ng karahasan at pagpapahirap. Maraming hindi magandang nangyari ngunit marami rin ang tumitingin sa panahong ito na may mabuting naidulot dahil sa mga pagbabago. Sa mga sunod na pangyayari, maraming Pilipino ang hindi nagpadaig at ipinaglaban ang sa palagay nila ay dapat nang wakasan. Ang demokrasyang nakuha pagkatapos ng pananakop ng mga dayuhan ay pinilit maibalik matapos ang deklarasyon ng batas militar kahit pa buhay ang maging kapalit nito dahil sa kanilang pagpapahayag ng damdamin at saloobin. Pahalagahan ang mga aral ng batas militar at ingatan ang kalayaan na dantaon nating ipinaglaban.

B. Paksa

Suliranin at Hamon sa Kalayaan at Karapatang Pantao sa Panahon ng Batas Militar

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 244–257

Page 129: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 129

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 244–245. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa pp. 246–247. Iproseso ang mga salitang nakita sa puzzle upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salitang ito at kung paano ito magagamit sa aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video ukol sa konsepto ng batas militar. Magpakita ng iba’t ibang mga karanasan sa iba’t ibang panig ng mundo kung ano ang nangyari sa mga lugar na ito sa panahon ng deklarasyon ng batas militar.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan sila ng talaan at papunan ito ng mga impormasyon ayon sa kanilang sariling pang-unawa.

Page 130: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

130 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang mga ibinahagi ng bawat pangkat upang maunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan at tunay na konsepto ng batas militar. Kailangang maitama sa mga mag-aaral na ang layunin ng ganitong programa ay madalas nagiging suliranin sa kung paano ito ipinatutupad sa isang lugar at kung ano ang ginagawa ng mga nabigyan ng karagdagang kapangyarihan upang ipatupad ito.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpalaro ng picture puzzle. Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga sikat na personalidad na maaaring matalakay sa aralin. Maaaring gamitin ang sumusunod:

i. Jovito Salonga ii. Benigno Aquino, Jr.

Page 131: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 131

iii. Gerardo Roxas iv. Ramon Bagatsing v. Juan Ponce Enrile vi. Fabian Ver vii. Fidel Ramos viii. Imelda Marcos

b. Pagkatapos mahulaan ng mga mag-aaral ang mga personalidad ay tanungin sila kung sino at ano ang naging papel ng mga nabanggit na personalidad sa panahon na iyon na naging dahilan ng pagpapatupad ng batas militar.

2. Talasalitaan

Gamit ang titik ng BATAS MILITAR, pabuuin ang mga mag-aaral ng iba pang salita at ipaugnay ito sa aralin na tatalakayin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan na magpapaliwanag sa mga pangyayari sa panahon ng ikalawang termino ni Marcos na nagbunsod sa pagpapatupad ng batas militar.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng iba’t ibang presentasyon na nagpapakita ng mga pangyayari sa bansa sa panahon

Page 132: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

132 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

ng batas militar. Ipakikita nila ito sa pamamagitan ng:

i. Unang Pangkat – newscast format ii. Ikalawang Pangkat – magazine

show format iii. Ikatlong Pangkat – documentary

format iv. Ikaapat na Pangkat – talk show

format v. Ikalimang Pangkat – travel show

format c. Bigyan ng ilang minutong paghahanda

ang mga mag-aaral at pagkatapos ay iproseso ang kanilang mga ginawang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Magpaguhit sa mga mag-aaral sa isang 1/4 sheet of paper ng isang simbolo na maglalarawan sa kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng batas militar. Pagkatapos ay isagawa ang Think-Pair-Share upang maibahagi nila ang kanilang gawa sa kanilang kaklase.

5. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Gumawa Tayo” sa p. 257. Ipabasa sa kanila ang kanilang ginawa sa klase sa susunod na pagtalakay.

Page 133: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 133

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Iproseso ang ginawang takdang-aralin kamakailan. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng tula sa kanilang kapwa mag-aaral.

b. Iproseso ang ilang mahahalagang bahagi ng mga tula na nabanggit ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipakita ang sumusunod na salita sa mga mag-aaral at pagkatapos ay hingin sa kanila ang kahulugan ng mga ito:

• curfew • tenant • parlamentaryo • writ of habeas corpus • constitutional authoritarianism • unicameral assembly • conjugal dictatorship • new society

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng video ukol sa kung paano ipinatupad ang batas militar sa Pilipinas.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-

Page 134: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

134 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

aaral ng pagsasadula tungkol sa mga mahahalagang pangyayari at pagbabago na naganap sa bansa sa panahon ng pagpapatupad ng batas militar. Bigyan ng panahon ang mga ito upang makapaghanda at pagkatapos ay isagawa ang presentasyon.

c. Talakayin ang iba’t ibang kalabisan na naganap lalo na ang hindi pagrespeto sa karapatang pantao sa panahon ng batas militar. Magpakita ng video ng mga sinasabing naging biktima sa ilalim ng patakarang ito ni Marcos.

4. Pangwakas na Gawain

Ipakita ang kuwento ng sinasabing pagpatay kay Ninoy Aquino. Iproseso ito nang maigi upang maunawaan ng mga mag-aaral ang pangyayari. Ipatala ang mga naging obserbasyon nila at kung ano ang kanilang nakita at naunawaan sa video. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral sa pangyayaring ito at kung paano nakaapekto ang pangyayaring ito sa pamahalaang Marcos sa kabuuan.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 255–256 at isagawa ang pagtatama.

Page 135: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 135

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 244)

1. CONSTITUTIONAL CONVENTION2. UNICAMERAL ASSEMBLY3. BATAS MILITARY4. SHOWCASE PROJECT5. SMOKEY MOUNTAIN

Alam mo ba? (pp. 246–247)

Pagtataya

A. (p. 255) B. (pp. 255–256)

1. ipinatupad 1. cronies2. bunga 2. unicameral assembly3. ipinatupad 3. political prisoner4. dahilan 4. curfew5. dahilan 5. bagong lipunan o new society6. ipinatupad 6. ABS CBN at Meralco7. ipinatupad 7. diktaturyal8. bunga 8. pangulo at punong ministro9. ipinatupad 9. New People’s Army10. bunga 10. showcase project

Page 136: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

136 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Aralin 2 – Pakikilahok Tungo sa Ganap na Kalayaan (1972–1986)

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mahahalagang tauhan na may malaking papel na ginampanan sa paghimok sa mga Pilipino na matamo ang kalayaan;

2. Naipakikita sa pamamagitan ng presentasyon ang mahahalagang pangyayari na nagbigay hudyat sa EDSA Revolution ng 1986; at

3. Napahahalagahan ang pagiging responsable sa kalayaan na iningatan sa pamamagitan ng pakikilahok at pakikipaglaban para rito sa matahimik na pamamaraan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Sa pag-alis ng pamilyang Marcos sa Pilipinas, ganap na ring nagwakas ang pamahalaang diktadurya at ang batas militar. Nagtagumpay ang mga mamamayang Pilipino na mapanumbalik ang demokrasya sa bansa. Sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution, naibalik ang demokrasya at muling nakamit ng mga Pilipino ang kanilang mga karapatan. Sa pamamagitan ng mapayapa at matahimik na pagkilos ng mga Pilipino, nailuklok sa pinakamataas na posisyon si CorazonAquino,angbiyudaniNinoy.

Page 137: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 137

B. Paksa

Pakikilahok tungo sa Ganap na Kalayaan

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlpiunan), pp. 258–270

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 258–259. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 260. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang masagutan ang pagsasanay.

Page 138: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

138 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

3. Panlinang na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng profile ng iba’t ibang mahahalagang tauhan na matatalakay sa aralin.

• UnangPangkat–FidelRamosatJuanPonce Enrile

• Ikalawang Pangkat – Ferdinand atImelda Marcos

• Ikatlong Pangkat – Benigno Aquino,Jr.atCorazonAquino

• IkaapatnaPangkat–JaimeCardinalSin

• IkalimangPangkat–RolandoGalman

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang mahahalagang papel na ginampanan ng mga tauhan na nabanggit na naging daan sa EDSA People Power Revolution.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magsagawa sa mga mag-aaral ng larong “Fast Talk.” Magtanong tungkol sa nakaraang paksa at isa-isa itong ipasagot sa mga mag-aaral.

Halimbawa: • Mahalagangtauhannanakilala

Page 139: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 139

• PaanobalalayaangPilipinonoon? • Makikilahok ka ba sa rally para sa

kalayaan?

2. Talasalitaan

Ipakilala ang salitang “rebolusyon.” Tanungin ang mga mag-aaral kung paano nila bibigyan ng kahulugan ang salitang ito at tanungin kung ano ang pagkakaiba ng rebolusyon noong 1986 sa ibang rebolusyon na naganap sa Pilipinas at sa daigdig sa kabuuan.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa iba’t ibang mga pangyayari na nagbigay daan sa damdamin ng mga Pilipino kaya nagnais ang mga ito na matamo ang kalayaan mula sa diktador.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat at pagkatapos ay magpasagawa ng presentasyon na tatalakay sa mga pangyayari na naganap sa rebolusyon ng 1986.

c. Bigyan ang mga mag-aaral ng panahon para makapaghanda at ipakita ang kanilang presentasyon

Page 140: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

140 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang paksa sa pamamagitan ng pagtalakay sa mahahalagang pangyayari noong Rebolusyon ng 1986. Ipakita sa mga mag-aaral ang video at iparinig ang awiting “Handog ng Pilipino sa Mundo.” Mula sa awiting ito ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang handog ng Pilipino sa mundo mula sa mga kaganapang naranasan ng bansa pagkatapos ng pagpapatupad ng batas militar.

5. Takdang-aralin

Ipagawa ang ang “Gumawa Tayo” sa p. 270. Ipakita ito klase sa susunod na pagkikita.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang takdang-aralin.

2. Talasalitaan

Itanong sa mga mag-aaral: “Ano sa palagay niyo ang ibig sabihin ng People Power at bakit sinabing ang lakas at kapangyarihan nito ay nasa mamamayan?”

Page 141: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 141

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa mga ginawang pagkilos ng mga mamamayan gamit ang iba’t ibang kakayahan o porma upang makilahok sa paghingi ng kalayaan mula sa diktador at nakaimpluwensiya sa iba pa para matamo ng bansa ang matagumpay na pagbawi ng kapangyarihan.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng mga likhang awit at poster na hihimok sa kalayaan ng bansa

c. Isa-isang ipakita sa klase ang presentasyon ng bawat pangkat.

4. Pangwakas na Gawain

Iparinig sa klase ang awiting “Bayan Ko” at tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang panata para sa bayan nilang minamahal.

5. Pagtataya

Pasasagutan sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 268–269 at isagawa ang pagtatama.

Page 142: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

142 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 258–259) Alam mo ba? (p. 260)

Ninoy Aquino 1. EDSASenador 2. PEOPLE POWERJaime Cardinal Sin 3. SNAP Arsobispo ELECTION

Fidel Ramos 4. WRIT OFChief Philippine Constabulary HABEAS CORPUSJuan Ponce Enrile Defense Minister 5. DEMOKRASYA

Pagtataya

A. (p. 268) B. (pp. 268–269)

1. e 1. NAMFREL2. b 2. CorazonAquino3. d 3. parliyamentaryo4. c 4. snap election5. a 5. PPCRV

6. Epifanio delos Santos Avenue 7. Arturo Tolentino 8. Jaime Cardinal Sin 9. Bayan Ko 10. People Power

Page 143: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 143

Aralin 3 – Patuloy na Pagtugon sa Hamon ng Kasarinlan at Pagkabansa (1986–Kasalukuyan)

Ikalimang Republika – Pangulong Corazon Aquino at Pangulong Fidel Ramos

I. Layunin

1. Naipaliliwanag ang pagbabagong naganap sa bansa bunsod ng EDSA People Power Revolution;

2. Natatalakay sa pamamagitan ng iba’t ibang pangkatang gawain ang mga ambag ng pamahalaang Aquino at Ramos; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaisa bilang mga Pilipino.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

May mga kalakasan at kahinaan ang panunungkulan nina Pangulong CorazonAquino at Fidel Ramos. Naging kalakasan ng administrasyong Aquino ang pagpapanumbalik ng demokrasya sa ating bansa at pagbabalangkas ng bagong saligang batas. Pinilit din ni Aquino na maisaayos ang bansa mula sa mga naiwang suliranin ng rehimeng Marcos. Sa kabila nito, maituturing na kahinaan ng administrasyong ito ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil hindi ito naipatupad nang maayos. Nanatiling pag-aari pa rin ng maraming nagmamay-ari ng lupa ang

Page 144: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

144 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

kanilang malalawak na lupain. Kaunti lamang ang nakinabang sa programa. Maituturing na kalakasan ng administrasyong Ramos ang pagpapalakas nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga programang pangkahirapan. Kasabay nito ang iba’t ibang polisiyang pang-ekonomiya na layuning humikayat ng mga mamumuhunan sa bansa. Sinubukan din ni Ramos na tapusin ang rebelyon sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng pagpasok sa kasunduang pangkapayapaan. Sa kabila nito, ang Pilipinas sa panahon ni Ramos ay naapektuhan ng krisis pang-ekonomiya sa Asya. Ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa ay nagsipag-alis. Nagpatuloy ang kawalan ng trabaho sa bansa at maraming Pilipino ang umalis ng bansa upang maghanapbuhay.

B. Paksa

Patuloy na Pagtugon sa Hamon ng Kasarinlan at Pagkabansa (1986–Kasalukuyan)

Ikalimang Republika – Pangulong CorazonAquino at Pangulong Fidel Ramos

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 271–281

Page 145: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 145

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 271–273. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 274. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood ng video ukol sa pagkakaluklok kay Corazon Aquinobilang pangulo ng bansa pagkatapos ng Snap Election noong 1986. Iproseso ang video sa pamamagitan ng pagbibigay ng sumusunod na tanong:

i. Paano ninyo mailalarawan si CorazonAquino?

ii. Sa inyong palagay, makakaya ba ng isang katulad niyang babae at isang maybahay na pamahalaan ang bansa?

Page 146: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

146 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

iii. Anong katangian ang taglay niya upang masabing nararapat siya sa tungkulin bilang unang babaeng pangulo ng bansa?

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang bawat pangkat ng pagsusuri tungkol sa transisyon ng bansa mula sa 1973 Constitution patungo sa 1987 Constitution. Gamitin ang Venn diagram upang maikumpara ang dalawang saligang batas na pinairal sa bansa. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang makapaghanda at pagkatapos ay isagawa ang presentasyon ng bawat pangkat.

4. Pangwakas na Gawain

a. Iproseso ang naibahaging mga impormasyon ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay talakayin ang mahahalagang pangyayari sa transisyon ng paglilipat ng kapangyarihan mula sa diktaturyal patungo sa demokratikong pamamahala ni Pangulong Aquino.

b. Papiliin ang mga mag-aaral sa dalawang partikular na diskurso. Padugtungan ng kanilang sariling pananaw ang sumusunod:

Page 147: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 147

i. Si Marcos pa rin ang dapat na pangulo ng bansa dahil _____________.

ii. Si Aquino ang tamang umupo na bilang pangulo ng bansa dahil ___________.

c. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpapakita ng larawan ng ilang mga pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang pagkakilala sa sumusunod na tauhan:

i. Adolf Hitler ii. Nelson Mandela iii. Alexander the Great iv. Mao Zedong v. Cleopatra

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang pagkakaiba ng mga nabanggit na tauhan. Pagtuunan ng pansin ang kakayahan ni Cleopatra bilang isang babaeng pinuno. Magpapanood ng maikling video ukol sa kanya na tumatalakay sa kanyang mga ambag at kontribusyon. Ipatatala sa mga

Page 148: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

148 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

mag-aaral ang naging kalakasan at kahinaan ni Cleopatra bilang pinuno. Ipakumpara sa mga mag-aaral ang mga katangian nito sa unang babaeng pangulongbansanasiCorazonAquino

2. Talasalitaan

a. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pang-unawa nila sa sumusunod na salita:

i. trade liberalization ii. privatization iii. corporate stocks iv. stockholders

b. Bigyang paliwanag ang mga konseptong ito upang maunawaan ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa kung paano pormal na nakaupo si Corazon Aquino bilang unangbabaeng pangulo ng Pilipinas.

b. Magkaroon ng talakayan ukol sa ambag, programa, at reporma na naipatupad sa panahon ni Pangulong Aquino. Hayaang ipakita ng mga mag-aaral ang kontribusyon ng pamahalaang Aquino sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng presentasyon.

Page 149: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 149

i. Unang Pangkat – newscast format ii. Ikalawang Pangkat – magazine

show format iii. Ikatlong Pangkat – documentary

format iv. Ikaapat na Pangkat – talk show

format v. Ikalimang Pangkat – travel show

format

c. Bigyan ng sapat na panahon na makapaghanda ang mga mag-aaral at pagkatapos ay ipabahagi sa kanilan ang kanilang presentasyon. Iproseso ang mahahalagang impormasyong naibigay ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Magpakita ng video ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo at ang malakas na lindol sa Luzon sa panahon ng pamunuan niAquino. Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan lamang sa mga naging suliranin ng pamahalaang Aquino at isama na rin ang sumusunod na problema:

• pagsabogngBulkangPinatubo • malakasnaindolsakudeta • bagyongThelma(trahedyasaOrmoc) • kudeta

Page 150: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

150 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

5. Takdang-aralin

Pagawain ang mga mag-aaral ng isang liham para kay Corazon Aquinona magsasabi ng kanilang pananaw sa naging ambag ng huli bilang pangulo ng Pilipinas. Ipabahagi ang liham sa susunod na talakayan.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Iproseso ang ginawang liham ng mga mag-aaral. Tumawag ng ilan sa mga ito upang ibahagi ang kanilang ginawa.

2. Talasalitaan

Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kahulugan ng “industriyalisasyon.” Ipatala sa mga mag-aaral ang kahulugan nito at iproseso ang konsepto upang maunawaan ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpapanood ng video ukol sa buhay at political background ni Fidel Ramos. Ipatala sa mga mag-aaral ang mahahalagang konseptong makukuha sa video at talakayin ito sa kanila.

Page 151: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 151

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat at ipabuod sa kanila ang mga ambag ng pamahalaang Ramos sa bansa.

i. Unang Pangkat – newscast format ii. Ikalawang Pangkat – magazine

show format iii. Ikatlong Pangkat – documentary

format iv. Ikaapat na Pangkat – talk show

format v. Ikalimang Pangkat – travel show

format

4. Pangwakas na Gawain

Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa iba’t ibang suliranin na naranasan sa panahon ni Ramos:

• AbuSayaffatterorismo • kidnappingatcrimewave • usapinsateritoryo • suliraninsapagbubuwis

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” sa pp. 279–281. Bigyan ng ilang panahon ang mga mag-aaral upang makapagsagot at kung may sapat na panahon pa ay iproseso ang mga tumpak na kasagutan.

Page 152: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

152 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Mga Sagot sa Pagsasanay

Alam mo ba? (p. 274)

1. KONSTITUSYON2. ELEKSIYON3. KUDETA4. PRIVATIZATION5. NEWLY INDUSTRIALIZED COUNTRY6. EVAT

Pagtataya

A. (pp. 279–280)

1. A 6. R2. R 7. R3. A 8. A4. R 9. R5. A 10. A

B. (p. 280)

1. lagapak 6. tumpak2. tumpak 7. tumpak3. lagapak 8. tumpak4. tumpak 9. tumpak5. tumpak 10. tumpak

Page 153: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 153

Aralin 4 – Mga Pangulo ng Ikadalawampu’t Isang Siglo

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga mahahalagang pagbabago sa pampolitikang aspekto ng bansa sa panahon ng panunungkulan ng mga pangulo ng ikadalawampu’t isang siglo;

2. Natatalakay sa pamamagitan ng iba’t ibang pangkatang gawain ang mga ambag ng mga pangulo ng ikadalawapu’t isang siglo; at

3. Napahahalagahan ang katapatan sa pagsisilbi sa mga mamamayan at nasasakupan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang ika-21 siglo ay pagkilatis ng mga Pilipino sa mga taong nagsisilbi sa kanila. Sa panahon ding ito nakitang gumulong ang isang demokratikong paraan ng pagpapatalsik sa isang nakaupong pinuno ng bansa, bagaman nagtapos ito sa isa muling mapayapang rebolusyon. Ang patuloy na pagbabago ay inaasahan ng mga mamamayan upang tuluyan nang umunlad ang Pilipinas at maging malaya mula sa dayuhang impluwensiya.

B. Paksa

Mga Pangulo ng Ikadalawampu’t Isang Siglo

Page 154: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

154 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 282–310

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa p. 2. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 285. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita sa mga mag-aaral ng video na tumatalakay sa political dynasty. Bigyan ng kahulugan ang termino at hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang pagkakaintindi nila sa kahulugan ng konseptong ito.

Page 155: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 155

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Talakayin nila ang naging pamamahala, ambag, at epekto ng sumusunod na political families sa bansa o sa kanilang nasasakupan:

i. Unang Pangkat – pamilya Marcos ii. Ikalawang Pangkat – pamilya

Estrada iii. Ikatlong Pangkat – pamilya Arroyo iv. Ikaapat na Pangkat – pamilya

Duterte v. Ikalimang Pangkat – pamilya

Binay

c. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na makapaghanda at pagkatapos ay iproseso ang kanilang mga presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng talakayan sa pamamagitan ng “Dugtungan.” Ipakumpleto sa mga mag-aaral ang sumusunod na ideya:

• Ang political dynasty ay laganap sa Pilipinas dahil _______.

• Angepektonitoay_________. • Mas maraming positibo itong dulot

dahil __________. • Mas maraming negatibo itong dala

dahil _________.

Page 156: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

156 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng video ukol kay Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo. Ipatala sa mga mag-aaral ang ilan sa mahahalagang datos na makukuha nila mula rito.

2. Talasalitaan

Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng impeachment. Ipaliwanag ang konsepto nito at kung paano ito naipatupad sa ibang panig ng mundo at maging sa Pilipinas.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan kung paano naluklok sa posiyon bilang pangulo ng bansa sina Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.

b. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipatalakay sa bawat pangkat ang kontribusyon at ambag ng sumusunod na pangulo ng bansa, gayundin ang mga naging suliranin at isyu ng kanilang pamamahala.

i. Una at Ikalawang Pangkat – Joseph Estrada

ii. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Gloria Macapagal Arroyo

Page 157: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 157

c. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang presentasyon at iproseso ito ng guro upang maibuod ang mga mahahalagang konsepto.

4. Pangwakas na Gawain

a. Magpakita ng video ukol sa impeachment ni Pangulong Joseph Estrada gayundin ang EDSA People Power II o EDSA Dos na naging dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Estrada. Hingin ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa mga pangyayaring ito.

b. Talakayin ang naging proseso ng impeachment kay Estrada at tanungin ang mga mag-aaral: “Kung kayo ay isa sa mga hurado noong mga panahong iyon, nararapat ba na alisin sa puwesto si Pangulong Estrada o hindi?” Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpapanood sa mga mag-aaral ng video na tumatalakay sa political background nina Noynoy Aquino at Rodrigo Duterte. Ipatala sa pisara ang mahahalagang bagay na makukuha nila mula sa video.

Page 158: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

158 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

2. Talasalitaan

Ipakilala ang konseptong “Tuwid na Daan.” Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa nais ipahiwatig nito at kung napanindigan ba ang ganitong plataporma ng mga pangulo ng bansa ng ikadalawampu’t isang siglo. Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang pananaw ukol dito.

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan kung paano naluklok sa puwesto sina Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte. Pagawain ang mga mag-aaral ng character sketch upang mapagkumpara nila ang mga katangian ng mga pinunong ito.

b. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at pagawain sila ng pagbubuod ng mahahalagang kontribusyon at programang naipatupad ng sumusunod na pinuno ng bansa:

i. Una at Ikalawang Pangkat – Noynoy Aquino

ii. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Rodrigo Duterte

c. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral at isa-isang ipakita ang kanilang presentasyon.

Page 159: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 159

4. Pangwakas na Gawain

Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa iba’t ibang suliranin na naranasan sa panahon nina Noynoy Aquino at Rodrigo Duterte ayon sa sumsunod na elemento:

• Aquino – Quirino Hostage Taking – Bagyong Yolanda – Agawan sa Teritoryo – Isyu ng Katiwalian – PDAF/DAF – SAF 44

• Duterte – isyu ng pagdeklara ng martial law – war on drugs – human rights violations 5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” at “Gumawa Tayo” sa pp. 307–310.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 282)

Page 160: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

160 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

Alam mo ba? (p. 285)

Pagtataya

A. (p. 307) B. (pp. 307–308)

1. Duterte 1. Aquino2. Aquino 2. Aquino3. Estrada 3. Aquino4. Estrada 4. Aquino5. Arroyo 5. Duterte6. Aquino 6. Estrada7. Aquino 7. Estrada8. Arroyo 8. Arroyo9. Duterte 9. Duterte10. Duterte 10. Duterte

Page 161: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 161

Aralin 5 – Pagbabago Tungo sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang saligang batas na naipatupad at ginamit sa bansa;

2. Natatalakay sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon ang mga isyu at suliraning kinahaharap ng bansa na nagiging balakid sa ating kaunlaran; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagganap sa tungkulin bilang isang responsableng mamamayan ng bansa.

II. Nilalaman A. Paglalahat

Ang pagtulong sa pamahalaan ay isang tungkuling dapat gampanan ng mga mamamayan ng isang bansa. Ang pakikipagtulungan sa pamahalaan ay may malaking bahagi sa ikalalago at ikauunlad ng ating bansa. Ang isang mabuting mamamayan ay nararapat na gampanan ang tungkulin sa pagpapaunlad ng bansa. Dapat nating tangkilikin ang sariling mga produkto ng ating bansa; pagbutihin ang mga kalakal ng ating bansa; magtipid ng enerhiya; at pangalagaan ang kalikasan. Lahat ng ito kung gagawin ng bawat isa ay may malaking dulot sa kapakinabangan ng buong bansa. Dapat ding paunlarin ang sarili dahil ang mga mamamayan ang kayamanan ng isang bansa.

Page 162: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

162 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

B. Paksa

Pagbabago Tungo sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa

C. Sanggunian

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 311–328

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 311–312. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 312–313. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang mahanap at mabilugan nila ang mga sagot.

Page 163: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 163

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan kung saan ipaliliwanag ang iba’t ibang saligang batas na naipatupad sa bansa.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpagawa sa mga mag-aaral ng pagsasadula ukol sa mahahalagang mga probisyon at karapatang tinatamasa ng mga mamamayan ng bansa na pinoprotektahan ng ating saligang batas at kung paano ito ipinatutupad. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang inihandang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

a. Magpakita ng video ng ilan sa mga madalas na batas na sinusuway ng mga Pilipino. Magpagawa rin sa mga mag-aaral ng “Pinaka-List” at palagyan ng kaukulang pagkilos upang solusyunan ang pagsuway ng mga Pilipino sa mga batas na ito.

b. Ipabahagi sa klase at iproseso ang mahahalagang kasagutan ng mga mag-aaral.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpapanood sa mga mag-aaral ng video na tumatalakay sa iba’t ibang mga

Page 164: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

164 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

suliranin ng bansa na nagiging hadlang sa ating pag-unlad.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng climate change at kung paano ito nakaapekto sa bansa sa kabuuan.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangka. Pagawain sila ng malikhaing presentasyon na naglalatag ng mga suliranin at solusyon na kanilang naisip para sa sumusunod na isyu sa bansa:

i. Unang Pangkat – isyung pampulitika

ii. Ikalawang Pangkat – isyu ng korupsiyon

iii. Ikatlong PANGKAT – isyung pangkabuhayan

iv. Ikaapat na Pangkat – isyung panlipunan

v. Ikalimang Pangkat – isyung pangkalikasan

b. Isa-isang ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang presentasyon at pagkatapos ay iproseso ang mga konseptong mailalatag ng mga mag-aaral.

Page 165: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 165

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng campaign poster kung saan pinapaalalahanan ang mga kabataan sa maaari nilang maging papel upang makibahagi sa pag-unlad ng bansa. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang ads sa susunod na pagtalakay.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Iproseso ang ginawang campaign posters ng mga mag-aaral. Ipabahagi sa klase ang kanilang poster na humihimok sa mga kabataang tulad nila na makibahagi sa pag-unlad ng bansa

2. Talasalitaan

Sa pamamagitan ng salitang “pag-unald,” pagawain ng panata ang bawat mag-aaral upang tukuyin ang kanilang gagawin upang masiguro ang kanilang kaunlaran at ng bansa sa kabuuan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang likha sa klase.

Page 166: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

166 SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan)

3. Panlinang na Gawain

a. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa mga tungkulin na maaaring gawin ng mga Pilipino upang makatulong sa pag-unlad ng bansa.

b. Pagawain ang klase ng presentasyon ng nagpapakita ng maaaring gawin ng mga Pilipino upang maging maunlad ang bansa.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral upang mapalalim at maunawaan ang paksa.

5. Pagtataya

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Pagtataya” at “Gumawa Tayo” sa pp. 325–328.

b. Pasagutan ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 331–336.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Alam mo ba? (pp. 312–313)

SALIGANG BATAS CHILD ABUSECLIMATE CHANGE KORUPSIYONGLOBALISASYON ILEGAL NA DROGA

Page 167: UNANG MARKAHAN KINALALAGYAN NG PILIPINAS AT ANG …

SIGLO 6 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan) 167

Pagtataya

A. (p. 325) B. (pp. 325–326) C. (p. 326)

1. A 1. b 1. t2. Y 2. c 2. t3. Y 3. d 3. t4. K 4. d 4. k5. K 5. d 5. k6. O 6. a 6. t7. K 7. b 7. k8. O 8. c 8. t9. Y 9. c 9. t10. A/O 10. b 10. k

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 331–333)

1. a 11. a2. d 12. a3. b 13. c4. b 14. c5. b 15. a6. b 16. a7. a 17. b8. d 18. a9. b 19. b10. c 20. b