66-78 unang markahan 6t#347

17
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I GRAMATIKA AT PAGBASA UNANG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO I. MGA/PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Pakikipagkalakalan at Kabuhayan Pamagat ng Texto : Kalakalang Galyon Uri ng Texto : Informativ Kagamitan : casette tape, larawan Gamit ng Wika : Paglalarawan, paglalahad, Pagsasalaysay, Pangangatwiran Istruktura ng Wika : Mga Pangungusap ayon sa Layon a. naglalahad b. naglalarawan c. nagsasalaysay d. nangangatwiran Kasanayang Pampag-iisip: Pagsusuri kung ang pahayag ay katotohanan o opinyon; Paghihinuha Halagang Pangkatauhan: II. MGA INAASAHANG BUNGA (sa bawat araw) A. Nabibigyang hinuha ang kahulugang maaaring ipinahiwatig ng pamagat B. Nasusuri kung ang pahayag ay katotohanan o pinyon C. Nasusuri ang texto batay sa relasyon nito sa sumulat D. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang pangungusap ayon sa layon BSE-Kagawaran ng Edukasyon 67

Upload: asocimlegrev

Post on 22-Nov-2014

514 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: 66-78 unang markahan 6t#347

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO IGRAMATIKA AT PAGBASA

UNANG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO

I. MGA/PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Pakikipagkalakalan at KabuhayanPamagat ng Texto : Kalakalang GalyonUri ng Texto : InformativKagamitan : casette tape, larawanGamit ng Wika : Paglalarawan, paglalahad, Pagsasalaysay,

PangangatwiranIstruktura ng Wika : Mga Pangungusap ayon sa Layon

a. naglalahadb. naglalarawanc. nagsasalaysayd. nangangatwiran

Kasanayang Pampag-iisip: Pagsusuri kung ang pahayag ay katotohanan o opinyon; Paghihinuha

Halagang Pangkatauhan:

II. MGA INAASAHANG BUNGA (sa bawat araw)

A. Nabibigyang hinuha ang kahulugang maaaring ipinahiwatig ng pamagat

B. Nasusuri kung ang pahayag ay katotohanan o pinyon

C. Nasusuri ang texto batay sa relasyon nito sa sumulat

D. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang pangungusap ayon sa layon

E. Nakapagsusuri, nakapagpapahalaga at nakabubuo ng kauring texto

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 67

Page 2: 66-78 unang markahan 6t#347

III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

1. Mga Panimulang Gawain

a. Pagganyak.

Suriin ang dalawang larawan sa ibaba. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa.

Sistemang Barter Kalakalang Galyon

Nagkakatulad Nagkakaiba

BSE-Kagawaran ng Edukasyon68

Page 3: 66-78 unang markahan 6t#347

Pangkatang Gawain batay sa kanilang pagpapakahulugan sa larawan.

a.1 Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkata.2 Pagbabahagi ng lider ng pangkata.3 Pagbibigay ng feedback ng mga nakikinig

b. Paglalahad.

1. Ano ang ibig sabihin ng pamagat?2. maglahad ng mga karanasang nalaman ninyo sa inyong mga

lolo/lola kaugnay ng kalakalang galyon.3. Anong mahalagang kaisipan ang mahahango mula sa ating

talakayan.

2. Pagbasa ng texto “ANG KALAKALANG GALYON”

ANG KALAKALANG GALYON

Kapag pinag-usapan ang kasaysayan ng pangkabuhayan ng Pilipinas, kailanma’y di malilimutan ng mga Pilipino ang Kalakalang Galyon. Ang Kalakalang Galyon na kilala rin bilang Kalakalang Acapulco ay naganap mula ika-17 dantaon hanggang ika-19 na dantaon. Maraming kapakinabangan ang nakamit mula sa kalakalang ito na nilahukan ng mga Kastila. Naganap ang pagluluwas ng mga produkto sa Mexico at pagpapadala ng mga ito sa Pilipinas.

Ang Kalakalang Galyon ay naging monopolyong kalakalan na ang nangasiwa ay ang pamahalaan. Ito ay bilang pagsunod sa utos ng hari ng Espanya. Ang kautusang ito’y isinagawa upang protektahan ang mga mangangalakal na Kastila sa Cadiz at Seville na humina ang negosyo nang mga panahong iton. Mula 1583 yaon lamang mga sasakyang-dagat ang makapagdadala ng mga produkto sa Pilipinas patungong Mexico at pabalik sa Pilipinas. Nagtakda pa ang kota na halagang P250,000 ang mga produktong mailuluwas ng mga mangangalakal sa Acapulco, Mexico. Yaon namang mga produktong maipapasok sa Mexico ay pinatwan ng taripa. Ang mga produktong maaaring ipadala sa Maynila mula sa Mexico ay nagkakahalaga ng P500,000.

Sa ganitong patakaran, napayaman nang husto ang mga prayle sa pangangalakal. Naakit sila nang husto sa nakukuhang pakinabang sa Kalakalang Galyon kung kaya’t minabuti nilang manatili sa Maynila at iniwan ang kanilang gawain sa lalawigan. Nakilahok na lamang sila sa Kalakalang Galyon kung kaya’t napabayaan nila ang kani-kanilang tungkulin. Nakatulong ang mga prayleng Kastila sa pakikipagkala-kalan

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 69

Page 4: 66-78 unang markahan 6t#347

nang panahong iyon. Hindi ito nagbigay ng magandang imahe sa tunay nna tungkulin nila sa pagpapalaganap ng pananampalataya. Bunga tuloy nito ay nakilahok din ang mga biyuda at ulila ng mga namatay na opisyales ng pamahalaan.

Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa Maynila at ACAPULCO. Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na situado real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi makasapat na matustusan ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa pagpapatakbo nito. Taun-taon, dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng Pilipinas bilang situado real. Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal na Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565 hangggang 1821.

Nangailangan ng malaking halaga bilang puhunan ang nais makilahok sa kalakalang galyon. Dahil dito ay napilitan ang mga mangangalakal na mangutang sa Obras Pias. Ang halagang naipon ng Obras Pias na nakalaan na mangutang sana sa kawanggawa ay naipautang sa mga mangangalakal. Pinatungan ito ng malaking interes o tubo. Yaong nangutang sa Obras Pias ay mga kalahok sa kalakalang galyon. Naubos ang pondo ng Obras Pias dahil di nakabayad ang mga nangutang bunga ng pagkalugi ng mga ito.

Ang panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Basco, napangalagaan niya ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas. Itinatag ang Sociodad Economica de Amigos del Pias o Samahang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng Bayan noong Mayo 6, 1781.

3. Pagbubuod sa binasang texto (dugtungan)

a. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig batay sa kawastuhan at kaayusan ng pagbubuod

BSE-Kagawaran ng Edukasyon70

Page 5: 66-78 unang markahan 6t#347

IKALAWANG ARAW

1. Panimulang Gawain

Suriin ang krisis na nangyayari sa ating ekonomiya.

Isa-isahin ang mga sanhi at bunga ng naturang krisis.

2. Balik-aral sa textong “ANG KALAKALANG GALYON.”

Isasagawa sa paraang palaro – Relay – habang inaawit ang “Penoy, Balot”, ang titigilan ng awit ay siyang magbibigay ng mahahalagang kaisipang nakuha sa texto.

3. Pagbibigay ng kahulugan ng mga di maunawaang salita.

a. kalalakal -b. kota -c. taripa -d. kalakaran -

4. Pagpapalalim ng kaalaman.

Pagpapangkat ng mga mag-aaral. Magbabahaginan tungkol sa mga sumusunod:

Pangkat I - Pagpili mula sa texto ng mga pahayag na nagsasaad ng katotohanan

Pangkat II - Pagpili mula sa texto ng mga pahayag na nagsasaad ng katotohanan

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 71

Page 6: 66-78 unang markahan 6t#347

Pangkat III - Pagpili ng mga pahayag na hanggang sa kasalukuyan at katotohanan pa rin. Ipaliwanag.

Pangkat IV - Pagpili ng mga pahayag na hanggang sa ngayon ay opinyon pa rin. Ipaliwanag.

5. Pagbabahagi sa klase ng kinalabasan ng pangkatang talakayan

6. Pagbubuo ng sintesis

Anong pangkalahatang kaisipan ang maaari nating mabuo sa naganap na talakayan?

IKATLONG ARAW

1. Panimulang Gawain

Magpapakita ang guro ng collage ng iba’t ibang mga patalastas. Mula sa collage na ito ay ipasusuri ang bisa at/o buting dulot nito sa kabuhayan ng bansa.

2. Pagbasa sa textong “SULIRANIN NG MANGGAGAWANG PILIPINO”

Baha-bahaging pagbasa ng bawat pangkat.

SULIRANIN NG MANGGAGAWANG PILIPINO

Ang Artex ay isa sa mga pabrikang gumagawa ng magagandang klase ng tela. Kung titingnan ang kanilang mga dokumento, ang kompanya ay nalulugi. Matagal nang welga ang mga manggagawa sa Artex na nagsimula pa noong 1984.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon72

Page 7: 66-78 unang markahan 6t#347

Nagwelga ang mga manggagawa dahil sa ang kompanya ay hindi tumutupad sa batas. Ang sahod ng mga manggagawa bago sila nagwelga ay P23.00. lamang samantalang ang minimum wage nang panahong iyon ay P41.00.

Nagtitipid din nang husto ang Artex. Mayroon silang 3,000 manggagawa. Mula sa bilang na ito ay 9000 lamang ang regular. Nangangahulugang 900 lamang ang tumatanggap ng P23.00 at ang natitira ay sumasahod lamang ng mga P18.00 na lalong mababa. Tinatawag nilang appprentice ang mga manggagawang di-regular, at umaabot sila na hanggag dalawang taon sa kalagayang ito.

Isa pang dahilan ng pagwewelga ng mga manggagawa ay ang kawalan ng kagamitan ng mga manggagawa. Kulang sa malinis na tubig na kailangan ng mga trahabador. Ang nangyayari ay bumibili pa sila ng malinis na tubig sa labas ng kompanya. Malaking kabawasan sa kanilang sinsahod ang araw-araw nilang pagbili ng tubig.

Mahigpit din ang Artex sa pagpapatupad sa oras. Tinipid nila itong mabuti. Ang mga manggagawa ay mayroon lamang tatlumpong minuto para sa lunch break. Ito ay mula sa ika 9:00 hanggang 9:30 ng umaga. Ibig sabihin ay ito ang oras ng kanilang pagkain ng tanghalian. Kung sanay silang kumain ng tanghalian ng alas dose, kailangan niyang magsanay kumain nang mas maaga. Ang masama pa nito, habang lunch break, hindi naman pinapatay ang mga makinarya kung kaya’t nagliliparan ang mga bulak sa paligid. Mahirap ding magpaalam sa Artex. Hanggat di malubha ang kalagayan ng manggagawa ay hindi nila pinapayagan makaalis ng pabrika ang mga trahabador.

Isang pangyayari ang naganap sa welga ng Artex. Isang manggagawa ang namatayan ng anak sa picket line. Ibinurol nila ang bangkay sa mismong lugal ng welga. Dumating ang mga tauhan ng militar. Marami ang nabaril at nasawi sa pangyayaring iyon.

Kung ganito nang ganito ang kalagayan ng mga kompanya, marami pang welga ang ating masasaksihan. Karapatan ng kompanya na pangalagaan ang interes ng kanyang negosyo ngunit dapat ding isaalang-alang ang damdamin at makataong kalagayan ng bawat manggagawa. Hindi mabubuhay ang puhunan kung walang paggawa. Nakasalalay sa kanila ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 73

Page 8: 66-78 unang markahan 6t#347

3. Pagusuri batay sa tiyak na katangian at uri ng texto.

a. Saang uri ng texto nabibilang ang inyong binasa? Bakit?b. Suriin ang kabuuan ng texto.

Ano ang umiiral na relasyon ng texto sa sumulat? Magbigay ng tiyak na bahagi bilang patunay.

4. Pagbibigay ng input ng guro

5. Pagsusuri sa textong lunsaran “KALAKALANG GALYON”.

Pangkatang Gawain:

Pangkat I : Pag-iisa sa mga mahalagang impormasyon/kaalamang nakuha sa texto

BSE-Kagawaran ng Edukasyon74

Informativ – uri ng texto na naglalahad ng mahahalagang impormasyon, kaalaman at kabatiran.

Relasyon ng Texto sa sumulat

- Tinitingnan dito ang texto batay sa posibleng kaugnayan ng mga tiyak na karanasan ng sumulat sa kanyang texto. Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga tiyak na bahagi ng texto.

Inilalabas din sa ganitong pagtingin ang pagkilala sa pagkatao ng may-akda batay na rin sa mga inilahad niya sa texto.

IMPORMASYON

Talata 1 Talata 2 Talata 3 Talata 4 Talata 5

Page 9: 66-78 unang markahan 6t#347

Pangkat II : Pagsusuri sa relasyon ng texto sa sumulat

1. Mga inilahad na kaisipan2. Refleksyon sa katauhan ng may-akda

Ipabasa ang bahaging nagpapatunay sa mga ito.

6. Pagbabahaginan at pag-uulat sa ginawang talakayan

7. Pagbuo ng sintesis

Ano ang naging bisa ng Kalakalang Galyon sa kabuhayan ng mga Pilipino sa kasalukuyan?

IKAAPAT NA ARAW

1. Panimulang Gawain

Pagsusuri sa isang karikatura tungkol sa “KRISIS SA EKONOMIYA NG BANSA”

2. Muling pagpapabasa ng textong lunsarang “KALAKALANG GALYON”

Isang mag-aaral lamang ang magbubuod sa harap ng klase

3. Pagsusuri sa iba’t ibang uri ng pangungusap na naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatwiran.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 75

Page 10: 66-78 unang markahan 6t#347

Pangkat I : Pagpili sa texto ng mga pangungusap na naglalahad. Isusulat ito sa mga istrips na ipapaskil sa pisara.

Pangkat II : Pagpili sa texto ng mga pangungusap na nagsasalaysay

Pangkat III : Pagpili sa texto ng mga pangungusap na nangangatwiran

4. Pagbabahaginan at pag-uulat sa klase.

5. Pagkuha ng feedback sa iba pang nakinig

6. Pagbibigay ng guro ng input

BSE-Kagawaran ng Edukasyon76

Uri ng Pangungusap Ayon sa Layon

Naglalahad - uri ng pangungusap na naghahanay ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsep, iniisip, palagay o pansariling pananaw.

Naglalarawan - nagtataglay ng impormasyong naglalaman o nagbibigay ng pisikal na katangian ng isang tao, bagay o lugal

Nagsasalaysay - uri ng pangungusap na nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na panahon. Ang mga pangungusap na ito ay nagkukwento ng mga sunud-sunod na pangyayari.

Nangangatwiran - uri ng pangungusap na naglalahad ng mga proposisyon. Karaniwan itong nagtataglay ng mga salungatan sa pagitan ng dalawang panig – isang sang-ayon at isang salungat.

Page 11: 66-78 unang markahan 6t#347

7. Pagbubuo ng sintesis

Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga sumusunod:

IV. EVALWASYON

IKALIMANG ARAW

1. Panimulang Gawain

Pagtatanghal ng isang maikling pagtatalo tungkol sa paksang, “MAY PAG-ASA PA BANG MAKAAHON ANG BANSA SA KAHIRAPAN?”

- Anong mahahalagang punto ang nahalaw ninyo mula sa pagtatalo?

- Anu-anong mga katotohanan ang inyong nakuha sa paksang inyong narinig?

- Anu-ano ang masasabi ninyong mga opinyon lamang na nakuha ninyo mula sa pagtatalo?

2. Pagpapabasa sa texto. “PAKIKIPAGKALAKALAN – SANDIGAN NG KAUNLARAN”

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 77

Naglalarawan

Nagsasalaysay

Nangangatwiran

Naglalahad

Page 12: 66-78 unang markahan 6t#347

PAKIKIPAGKALAKALAN – SANDIGAN NG KAUNLARAN

Upang mapabuti ang kalagayan ng isang bansa, kailangan ang isang maunlad na kabuhayan. Isa sa mga paraang naisasagawa tungo sa pag-unlad ay ang pakikipagkalakalan. Ang Estados Unidos, Tsina at Hapon ay kabilang sa mga bansang maituturing na mauunlad na ngayon. Kung susuriin ang dahilan ng kanilang pag-uunlad, masasabing isa sa kanilang isinagawa ay ang pakikipagkalakalan.

Sa panahong ito, kailangang makipagsabayan tayo sa ibang bansa. alalaong baga, dapat tayong “globally competitive” o kung hindi, mapag-iiwanan tayo sa pag-unlad. Kailangan ng isang bansa ang maunlad na kabuhayan at maisasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.

Ang mga produktong sariling atin ay dapat na ting paghusayan ang paggawa. Kailangang maganda ang kalidad nito, matibay at maipanlalaban sa mga gawa ng ibang bansa. Tangkilikin din natin ang anumang yaring Opilipino, sapagkat maaari na anting ihambing sa tibay at sa ganda ang ating mga produkto. Sa ganitong paraan, tataas ang produksyon ng ating kakalakal na magbubunga ng pag-unlad ng ating ekonomiya. Kung patuloy ang paglaki ng produksyon, dadami ang magkakaroon ng hanapbuhay. Lalaki ang kanilang kita at matutugunan ang kanilang mga pangangailngan. Dadami ang prodyuser o mamumuhunan bunga ng paglaki ng kita at mangangahulugan ito ng pag-angat ng kabuhayan ng bansa.

Upang mapag-inam ang produkto, kailangan ang mga makabagong kagamitan gayon din ang makabagong teknolohiya.

Kapag maganda ang pagtanggap sa mga produktong yari sa atin, gaganahan ang mga mamumuhunan na maglagak ng maraming puhunan, sa gayo’y uunlad ang ating kabuhayan. Mahalaga ang puhunan sa kalakalan. Sa pamamagitan nito’y matutustusan ang kagamitan at mga pangangailangan sa paggawa. Kapag naisasaayos ang takbo ng ating kalakalan, magiging maayos din ang takbo ng ating ekonomiya.

Taong 2002. Nagdaos ng halalan sa bansa. Naging mahigpit ang labanan sa panguluhan. Ngunit nagwagi ang karapat-dapat. Naging prayoridad ang pagpapaunlad sa kabuhayan. Namayani ang kapayapaan at pagtutulungan ng mga tao. Muling pumaimbulog ang Pilipinas bilang isa sa bansang tinitingala sa Asya.

Sana, di ito mananatiling panaginip lamang. Magtulungan tayo para sa kaunlaran ng bansa.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon78

Page 13: 66-78 unang markahan 6t#347

3. Pagsusuri sa binasang texto batay sa uri at katangian ng texto.

- Pagkilala sa uri ng texto- Pagkilala sa relasyon ng texto sa sumulat

4. Pagsusuri sa binasang texto batay sa iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa layon.

- Pangungusap na naglalahad- Pangungusap na nagsasalaysay- Pangungusap na naglalarawan- Pangungusap na nangangatwiran

5. Pagpapasulat ng isang textong informativ na gumagamit ng mga pangungusap na naglalarawan, naglalahad, nagsasalaysay at nangangatwiran. Bigyan ng pansin ang relasyon ng texto sa sumulat.

“PILIPINO TAYO: KAYA NATIN ITO”

6. Pagpapahalaga sa ilang naisulat ng mga mag-aaral.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 79