tungkol saan ang modyul na ito? - eskwela naga city · pdf file3 5. ang tuwi-tuwinang...

40
1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Marahil, hindi na bago sa iyong paningin ang tambak na basura sa sulok ng mga kalye, sa tapat ng palengke, sa mga bakanteng lote at sa tapat ng iyong bahay. Ito’y nagpapatunay na malaki na ang suliranin sa pagtatapon ng basura. Maraming panukala na ang iminungkahi ngunit karamihan dito’y mga pansamantalang solusyon lamang. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga panukalang pangmatagalan ang resulta sapagkat higit na mabilis tayong nakapag-iipon ng basura kaysa sa kakayahang magtapon nito. Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng isang posibleng solusyon sa suliranin sa pagtatapon ng basura at kung paano ka maaaring makibahagi dito. Ang solusyon sa mga nabubulok na basura ay ang paggawa ng kompost. Mayroong tatlong aralin ang modyul na ito. Aralin 1 Ano ang Pagkokompost? Aralin 2 Anu-ano ang mga Kailangan sa Paggawa ng Kompost? Aralin 3 Mga Paraan at Paggamit ng Kompost. Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na ito? Matapos pag-aralan ang modyul, inaasahang kaya mo nang: malutas ang mga problema sa basura at kung paano makatutulong ang pagkokompost sa paglutas ng problemang ito; maipaliwanag kung ano ang pagkokompost; matukoy ang mga kinakailangan kagamitan at materyales sa pagkokompost; at maipaliwanag kung paano ang gumawa ng kompost.

Upload: vuonglien

Post on 06-Feb-2018

280 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Marahil, hindi na bago sa iyong paningin ang tambak na basura sa sulok ng mgakalye, sa tapat ng palengke, sa mga bakanteng lote at sa tapat ng iyong bahay. Ito’ynagpapatunay na malaki na ang suliranin sa pagtatapon ng basura. Maraming panukala naang iminungkahi ngunit karamihan dito’y mga pansamantalang solusyon lamang.

Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga panukalang pangmatagalan ang resultasapagkat higit na mabilis tayong nakapag-iipon ng basura kaysa sa kakayahangmagtapon nito.

Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng isang posibleng solusyon sa suliranin sapagtatapon ng basura at kung paano ka maaaring makibahagi dito. Ang solusyon sa mganabubulok na basura ay ang paggawa ng kompost.

Mayroong tatlong aralin ang modyul na ito.

Aralin 1 – Ano ang Pagkokompost?

Aralin 2 – Anu-ano ang mga Kailangan sa Paggawa ng Kompost?

Aralin 3 – Mga Paraan at Paggamit ng Kompost.

Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na ito?

Matapos pag-aralan ang modyul, inaasahang kaya mo nang:

♦ malutas ang mga problema sa basura at kung paano makatutulong angpagkokompost sa paglutas ng problemang ito;

♦ maipaliwanag kung ano ang pagkokompost;

♦ matukoy ang mga kinakailangan kagamitan at materyales sa pagkokompost; at

♦ maipaliwanag kung paano ang gumawa ng kompost.

Page 2: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

2

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Tingnan muna natin ang nalalaman mo. Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul,sagutin mo muna ang mga katanungan upang masukat ang iyong nalalaman tungkol sapaksang tatalakayin dito.

A. Bilugan ang tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa suliranin sa basura ang mali?a. Ang pagdami ng gawain ng mga tao ay nagbigay-daan sa pagdami ng

basura.

b. Ang paggamit ng bukas na tambakan ng basura ay isangpangmatagalang solusyon sa problema sa basura.

c. Ang pagkokompost ay isang alternatibo sa paggamit ng mga bukas natambakan ng basura.

d. Ang pagreresiklo ay isang alternatibo sa paggamit ng mga bukas natambakan ng basura.

2. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa mga organikong materyal anghindi totoo?a. Ang mga organikong materyal ay biodegradable.

b. Ang mga tuyong dahon at pinagbalatan ng mga gulay ay mgahalimbawa ng mga organikong materyal.

c. Ang mga organikong materyal ay nagmula sa mga bagay na walangbuhay.

d. Ang mga organikong materyal ay ganap na nabubulok.

3. Ang pagkokompost ay matagumpay kung ang iyong lalagyan ng kompost(compost bin) ay ______.a. may tamang-init at may daluyan ng hangin.

b. nakabilad sa matinding init ng araw o ulan

c. may maraming bagay na may nitrogen kaysa carbon

d. may pinaghalong sangkap na mga organiko at di-organikong materyal

4. Kung ang iyong tambak ng kompost ay may masamang amoy, ito ay:a. maari nang gamitin

b. maaaring matubig o siksik ang pagkakatambak

c. masyadong maliit

d. nangangailangan ng karagdagang organikong materyal

Page 3: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

3

5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong

a. mapabilis ang pagkabulok.

b. upang mapatay ang mga masamang mikroorganismong(microorganism) matatagpuan dito.

c. upang pababain ang temperatura ng tambakan.

d. upang paliitin ang lugar na pamamahayan ng mga mikroorganismo.

B. Tukuyin ang mga gamit na mainam sa paggawa ng kompost. Isulat sa mgapatlang ang iyong sagot.

mga nakapipinsalang damo laman at buto ng hayop

dayami balat ng prutas at gulay

dumi ng tao mga patay na halaman

dumi ng hayop Straw

mga pira-pirasong kahoy at kusot(sawdust)

_________________________ ___________________________

_________________________ ___________________________

_________________________ ___________________________

_________________________ ___________________________

_________________________ ___________________________

_________________________ ___________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 35. Kungtama ang lahat ng iyong mga sagot, magaling! Marami ka nang alam tungkol sa paksa.Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul upang mapagbalik-aralan ang mga nalalamanmo na. Maaari pang maragdagan rito ang iyong nalalaman.

Kung mababa ang iyong iskor, huwag mabahala. Para sa iyo ang modyul na ito.Matutulungan ka nito upang maintindihan ang mga kaalamang magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay. Kung pag-aaralan mo itong mabuti, malalaman mo ang sagot salahat ng mga tanong. Handa ka na ba?

Buksan ang modyul sa susunod na pahina para sa Aralin 1.

Page 4: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

4

ARALIN 1

Ano ang Pagkokompost?

Bago natin talakayin ang aralin, mahalagang malaman kung ano ang kompost.Makatutulong ito upang higit mong mabigyang-halaga ang mga pakinabang ngpagkokompost.

Matapos pag-aralan ang aralin, inaasahang kaya mo nang:

♦ malutas ang suliranin sa basura at kung paano makatutulong angpagkokompost sa paglutas ng problemang ito;

♦ maihambing ang mga organiko at mga di-organikong materyal;

♦ maipaliwanag kung ano ang pagkokompost; at

♦ maipaliwanag kung paano ginagawa ang kompost.

Subukan Natin Ito

Ipalagay na ikaw ay magtatapon ng isang supot ng basura. Ngayon, isipin monggayun din ang gagawin ng iyong mga kapitbahay. Ano kaya ang kalalabasan nito?

Naiisip mo na ba ngayon kung gaano karaming basura ang naiipon sa siyudad saisang araw?

Tambak ng basura na itinapon nang di-wasto

Page 5: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

5

Alamin Natin

Ang Ating Problema sa Basura

Upang malutas ang ating lumalaking problema sa basura, nararapat tayongmaghanap ng mga alternatibong paraan sa pagtatapon nito. O kaya’y maghanap tayo ngmga paraan upang maiwasan ang pagtatapon ng anumang basura.

Ang pangunahing dahilan ng ating problema sa basura ay ang walang tigil napaglaki ng ating populasyon. Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugan din ngpagdami ng mga gawain ng tao. Ang pagdami ng mga gawain ng tao ay humahantong dinsa pagdami ng basura. Sa simpleng pananalita, mas maraming tao, mas maramingbasura. Karaniwan, ang mga basurang hinahakot sa mga bahay-bahay ay dinadala namansa mga bukas na tambakan.

Gayon pa man, ang mga bukas na tambakan ay maaaring makadumi ng tubig sailalim ng lupa (ground water). Sa tambakan tumatagas ang mga nakalalasong materyalna dumadaloy sa ilog at lawa. Darating ang panahon na ang mga tambakang ito aymapupuno at kung ang alternatibo ay ang muling pagbubukas ng mga bagong tambakan,maaaring sa huli, makita natin ang ating mga sarili na naninirahan na sa mga tambakan.Sigurado namang ayaw mong magkaroon ng tambakan na malapit sa iyong tinitirahan.Kaya mahalagang lumahok ka at ang lahat ng mamamayan sa paglutas ng problemangito. Dahil sa ganitong sitwasyon, maraming tao ang nagpipilit humanap ng paraan sapaglutas ng problema sa basura. Pangmatagalan at mabisa ang kanilang mga panukaladahil di lamang makalulutas ang mga ito kundi makapagbibigay din ng ibang pakinabangpara sa lahat. Ngunit para magtagumpay, kakailanganin ang iyong pagsisikap atpakikipagtulungan.

Paano kung wala nang lugar na pagtatapunan ng basura?

Page 6: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

6

Isa sa solusyong ito ay ang pagreresiklo (recycling ). Nakita mo na ba angsimbolong ito?

Subukan Natin Ito

Ang simbolo sa itaas ay ang simbolo ng pagresiklo o muling paggamit. Masdanmo itong mabuti. Ipaliwanag mo ang sa tingin mo ay ibig sabihin nito.

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Ang pagreresiklo ay nangangailangan ng paggamit at muling paggamit ng mgabagay o materyal. Ito ang dahilan kung bakit ang simbolo ay nagpapakita ng siklo opaikot na proseso. Ang layunin ng pagreresiklo ay matiyak na walang mga materyal namaitatapon o maaaksaya. Isang paraan ng pagreresiklo ay ang pagkokompost.

Alamin Natin

Bago natin pag-usapan ang pagkokompost, liwanagin muna natin ang mga bagay namay kaugnayan dito.

Mga Organiko at Di-organikong Materyal

Ang mga materyal ay maaaring uriin sa dalawa: organiko at di-organiko. Tangingang mga organikong materyal lamang ang maaaring gamitin sa pagkokompost.

Ang mga organikong materyal ay mga bagay na dating may buhay. Ang mga dahonat kahoy ay mga halimbawa nito. Ang mga di-organikong materyal naman ay galing samga bagay na walang buhay tulad ng mga mineral. Ang mga bagay na yari sa plastik,metal at mga bato ay mga halimbawa naman nito.

Ang mga organikong materyal ay biodegradable o lubusang nabubulok. Tingnanmo na lang ang nangyayari sa isang papel kapag ito ay sinunog. Ang papel ay magigingabo.

Ang mga di-organikong materyal naman ay non-biodegradable o hindi lubusangnabubulok. Kung magsusunog ka ng kapirasong metal, maaari lamang itongbumabaluktot dahil sa init, ngunit hindi lubusang mawawala.

Page 7: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

7

Ano ang Pagkokompost?

Ano sa tingin mo ang nangyayari sa mga dahong nalalagas sa mga puno sa gubat?Sino kaya ang naglilinis sa mga ito?

Ang prosesong pinagdadaanan ng mga dahon at iba pang organikong materyal sakagubatan ay katulad din ng pagkokompost. Ang pagkakaiba lang ay ang kondisyon sakagubatan na hindi kontrolado, nagaganap ang mga ito sa sariling bilis at panahon. Angating pag-aaralan ay ang kontroladong pagkokompost. Ating itatakda ang bilis atpanahon ng pagkokompost. Ngunit tandaan na mga organikong materyal lamang angginagamit sa pagkokompost.

Sa Aralin 2 natin makikita ang mga halimbawa ng mga organikong materyal namaaaring gamitin sa pagkokompost.

Ang pagkokompost ay ang proseso ng pagbulok ng mga labi ng mga halaman atmga dating buhay na materyal upang makalikha ng buhaghag, maitim at tila lupangmateryal na mainam gamitin bilang pataba sa mga tanim at sa lupa.

Ang dekomposisyon ay ang proseso ng paghahati o pagbulok ng mga materyal sapayak na anyo. Ang pinatabang lupa (fertilized soil) ay tinatawag ding humus.

Ang kompost ay halo-halong materyal na ginagamit sa pagkokompost.

Magbalik-aral TayoBago tayo magpatuloy sa pag-aaral, tingnan natin kung naintindihan mo na ang

kahulugan ng mga tampok na terminong ginamit sa naunang talakayan.

Tukuyin ang salitang inilalarawan. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ito sapatlang.

Mga organikong materyal

Mga di-organikong materyal

Kompost

Humus

__________________ 1. Ang paggamit at muling paggamit ng mga materyal obagay.

__________________ 2. Ang proseso ng pagbubulok o dekomposisyon ngmga halaman at mga dating buhay na organismo.

__________________ 3. Mga materyal na nanggaling sa mga bagay na datingmay buhay.

__________________ 4. Mga materyal na hindi lubusang nabubulok.

__________________ 5. Ang produkto ng pagbubulok.

Nakasisiguro ka ba sa iyong mga sagot? Balik-aralan at ihambing ang iyong mgasagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 36.

Pagreresiklo

Dekomposisyon

Mga nabubulok na materyal (biodegradable)

Mga di-nabubulok na materyal (non-biodegradable)

Page 8: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

8

Alamin Natin

Tingnan natin ang paggawa ng kompost.

Paano Ginagawa ang Kompost?

Nalaman na natin na ang pagkokompost ay isang pamamaraang ginagamit upangmapadali ang natural na dekomposisyon o pagkabulok ng mga organikong materyal sakotroladong kondisyon.

Halimbawang mayroon kang mga tira-tirang pagkain, mga dahon, lupa at mgalumang diyaryo na iyong itinambak sa inyong likod-bahay.

Pagkaraan ng ilang linggo, darami ang mga bakterya (bacteria). Gagapang ang mgabulati sa itinapon mong basura at magkakaroon ng dekomposisyon.

Habang binubulok ng mga bakterya at mga bulati ang mga organikong materyal,ang init sa katawan ng mga ito ang sanhi ng pagtaas ng temperatura ng tambakan. Anginit mula sa tambak ng mga basura ay papatay naman sa mga damo at mga mikrobyongnaroroon na lalong magpapadali sa dekomposisyon.

Page 9: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

9

Kapag lubusang nabulok ang mga organikong materyal, ang mga ito ay nagiginghumus.

Makakatulong ka sa malawakang pagkokompost sa pamamagitan ng paggawa ngkompost sa inyong likod-bahay gamit ang mga basura mula sa inyong kusina. Sasusunod na aralin, pag-uusapan natin ang mga kakailanganin sa pagkokompost.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay Tama at M kung ito ay Mali.

______1. Mahalaga ang kontroladong kondisyon sa pagpapadali ng pagbubuloko dekomposisyon.

______2. Ang humus ay maaaring gamiting pataba sa lupa.

______3. Ang mga bato ay mga halimbawa ng mga di-nabubulok na materyal.

______4. Ang pagreresiklo ay isang tuwirang proseso na may tiyak na simulaat tiyak na katapusan.

______5. Ang paglaki ng populasyon ay hindi dahilan ng problema sa basura.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 36.

Page 10: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

10

Tandaan Natin

Bago magpatuloy sa Aralin 2, huwag kalimutan ang mga mahahalagang puntos saaraling ito.

♦ Ang pangunahing dahilan ng problema sa basura ay ang walang tigil na paglaking populasyon. Habang lumalaki ang populasyon, dumarami rin ang mgagawain ng tao. Gayunman, ang pagdaming ito ay humahantong naman sapagdami ng basura.

♦ Ang pagreresiklo ay itinuturing na isang solusyon sa problema sa basura. Angpagkokompost ay isang uri ng pagreresiklo.

♦ Ang pagkokompost ay ang proseso ng pagkontrol sa pagbulok ng mgaorganikong materyal.

♦ Ang mga organikong materyal ay mga organismong dating may buhay tuladng mga labi ng halaman at hayop. Ang mga ito ay lubusang nabubulok obiodegradable.

♦ Ang mga di-organikong materyal ay yaong nanggaling sa mga bagay na walangbuhay. Ang mga ito ay di lubusang nabubulok o non-biodegradable.

♦ Ang produkto ng pagkokompost ay ang humus.

Page 11: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

11

ARALIN 2

Anu-ano ang mga Kailangan saPaggawa ng Kompost?

Ngayon mayroon ka nang ideya kung ano ang pagkokompost. Maaari na natingtalakayin ang mga kakailanganin sa paggawa ng kompost.

Matapos pag-aralan ang aralin inaasahang kaya mo nang:

♦ Maisagawa ang mga bagay na kailangan sa matagumpay na paggawa ngkompost;

♦ Matukoy ang mga organikong materyal na maaaring gamitin sapagkokompost; at

♦ Matukoy ang mga organikong materyal na hindi maaaring gamitin sapagkokompost.

Subukan Natin Ito

Anu-ano sa tingin mo ang mga kailangan sa paggawa ng kompost? Isulat ang mgaito sa patlang.

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Page 12: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

12

Alamin Natin

Ang mga Kailangan sa Pagkokompost

Ang pagkokompost ay may mga tiyak na pangangailangan upang magingmatagumpay.

Prosesong Biyoholikal

Kailangan ng isang sangkap na nagpapabulok upang magkaroon ngdekomposisyon. Ano kaya ang maaaring gamitin bilang sangkap na pampabulok?

Bulati! Pinadadali ng mga bulati ang dekomposisyon ng mga organikongmateryal. Naaakit ang mga bulati sa mainit na temperatura ng tambakan. Kapag nanatiliang bulati sa tambakan, ang populasyon ng mga ito ay madodoble sa loob lamang ngisang buwan.

Carbon at Nitrogen

Ang carbon ay maaaring manggaling sa mga tuyong materyal tulad ng mga dahon,mga labi ng kahoy, kusot (sawdust), dayami, at pira-pirasong kahoy. Nagsisilbi itongpinagkukunan ng enerhiya para sa mga mikroorganismo, bakterya at mga bulati satambakan.

Ang nitrogen, sa kabilang dako, ay galing sa damo, pinagtabasan ng halaman, mgabalat ng prutas, gulay at iba pang sariwang materyal tulad ng dumi ng hayop at mgadahon. Ang nitrogen ang nagbibigay sa mga bulati at mikrobyo ng protina at nucleicacid para sa paglaki ng katawan ng mga ito.

Ang inaasahang ratio ng carbon sa nitrogen ay 30:1, nangangahulugang dapat namas maraming materyal na mayaman sa carbon kaysa nitrogen.

Page 13: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

13

Narito ang ilang halimbawa:

Mga materyal na mayaman sa Carbon

tuyong dahondayamikusotsanga-sanga ng kahoy

Mga materyal na mayaman sa nitrogen

dumi ng hayoppinaggulayan o balat ng mga gulaybalat ng mga prutasbalat ng itlogbulok na tinapaytira-tirang pagkain

Pang-ibabaw na Sukat o Surface Area

Mas mabilis ang pagbulok ng mga materyal kung malawak ang pang-ibabaw nasukat ng lugar na pamamahayan ng mga mikroorganismo. Ang paggayat at pagtadtad samga materyal ay nakapagbibigay ng mas malaking lugar para sa mga mikroorganismo atmakapagpapadali ng pagbulok ng mga ito.

Temperatura

Mas mainam ang mataas na temperatura para sa pagkokompost. Bumabagal angproseso ng pagkokompost kung malamig ang kapaligiran. Mahalaga rin angtemperatura sa loob ng tambak. Kung ang proseso ng pagbulok ay nasa sukdulan, angkompost ay lumilikha ng mas matinding init.

Mas mainam ang mataas na temperatura sa pagkokompost

Page 14: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

14

Halumigmig (moisture) at Pahanginan sa Lupa

Ang mga bagay na may buhay, kasama na ang mikrobyo sa kompost aynangangailangan ng tubig at hangin upang mabuhay. Ang mga mikrobyo ay mabilis nanakagagalaw kung mamasa-masa at mahangin ang tambakan. Ang matinding init at ulanay hindi mainam sa balanse ng halumigmig. Huwag takpan ng plastik ang tambakan ngkompost sapagkat wala itong pagdadaanan ng hangin.

Alam mo na ngayon ang mga kailangan sa pagkokompost. Magtungo na tayongayon sa mga detalye ng pagkokompost.

Anu-ano ang mga organikong materyal ang maaaring gamitin sa pagkokompost?

Pag-isipan Natin Ito

Ano ang kinain mo sa almusal? Sa tanghalian? Sa hapunan?

Gusto mo bang kumain ng mangga araw-araw tuwing almusal, tanghalian,meryenda at hapunan?

Siguradong masusuya ka. Maaari ka ring magkasakit dahil ang iyong katawan aynangangailangan ng iba pang sustansya na hindi maibibigay ng mangga. Kailangan natinng balanseng pagkain upang mabuhay. Tulad mo, ang mikrobyo sa iyong tambakan aynangangailangan din ng iba’t-ibang sustansya sa katawan.

Ang dami at uri ng mga sangkap ng kompost ay makaaapekto sa proseso ngpagbulok at panlasa ng iyong halamanan pagkatapos ng pagkokompost. Kung lagi itongisasaisip habang nagtatambak, higit na mapabibilis at mapabubuti ang pagkokompost.

Ang matinding sikat ng araw o ulan ay hindi mabuti sa pagkokompost

Page 15: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

15

Sari-saring bagay ang maaaring ikompost sa sariling tahanan upang maging kapaki-pakinabang sa lupang tatamnan.

Subukan Natin ito

Lagyan ng tsek (4) ang patlang sa tabi ng materyal na magagamit sapagkokompost. Lagyan ng ekis (8) kung hindi ito magagamit sa pagkokompost.

______ 1. dumi ng hayop

______ 2. dayami

______ 3. nakakapinsalang damo

______ 4. buto at karne ng hayop

______ 5. tira-tirang pagkain, prutas at gulay

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 36. Tama baang iyong mga sagot? Huwag mabahala kung may mali sa mga sagot mo, ipagpatuloyang pagbabasa upang marami ka pang matutuhan.

Page 16: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

16

Alamin Natin

Mga Organikong Materyal na Maaaring Gamitin sa Pagkokompost

Ang sumusunod na aytem ay maaaring idagdag sa tambakan ng kompost.

Mga bagong tabas na damo

Mayaman sa nitrogen ang mga bagong tabas na damo.

Basura galing sa kusina

Ang mga pinagbalatan ng mga prutas ogulay, itlog, mga pakete ng tsaa, butong kape, at mga katulad na materyal aymainam na sangkap para sa kompost.Malambot, mamasa-masa at mayamansa nitrogen ang mga ito. Lagyan din ngmga tuyong bagay o pampadami paramahanginan ito nang lubos.

Dayami

Ang bagong tinabas na dayami ay maymas maraming nilalamang nitrogen.Siguraduhin lamang na ang dayamingidaragdag mo sa kompost ay mamasa-masa bago ilagay sa tambakan.

Dahon

Kung ikaw ay nakatira sa isang lugarkung saan ang dahon ay itinatapon sabasurahan, hingin mo ang mga ito saiyong mga kapitbahay. Mabuting sangkapang mga ito para sa kompost. Ang mgapatay at tuyong dahon ay mayaman sasangkap na carbon samantalang angsariwa at luntiang dahon ay mayamannaman sa nitrogen.

Page 17: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

17

Dumi ng hayop

Ang dumi ng kabayo, baka, tupa at manokay mahihingi sa mga rancho, manukan atmga lugar na nag-aalaga ng hayop.Nagtataglay ng kaunting nitrogen ang mgadumi ng hayop. Higit na maraming nitrogenang taglay ng sariwang dumi. Ang ibangdumi ay maaari ring magtaglay ng mga butong damo. Nagbibigay ito ng madaliangpagtaas ng temperatura at nagpapabilissa pagbubulok ng mga dahon, kahoy at ibapang materyal na naglalaman ng mataas nabilang ng carbon.

Mga tangkay o straw

Ang tuyong straw sa tambakan ng kompostay mainam na daluyan ng hangin. Tiyakingbasain ang mga straw dahil hindi mabilismabulok ang mga ito. Mataas ang nilalamanna carbon ng mga straw at nanganga-ilangang ihalo sa mga materyal nanagtataglay ng maraming nitrogen upangmadali itong mabulok.

Ligaw na damo at iba pang halaman

Maraming uri ng mga ligaw na damo at mgalumang halaman sa hardin ay maaaringgawing kompost. Iwasan ang mga damongnagmula sa buto dahil hindi sila mabubuhaysa matinding init sa tambakan.

Kusot at pira-pirasong kahoy

Ang mga produktong kahoy ay mayaman sacarbon. Ilang kusot, lalo na yaong mula samga madahong puno ay madaling mabuloksa tambak ng kompost.

Pansinin na hindi lahat ng mga materyal na biodegradable (nabubulok) aymaaaring gawing kompost.

Page 18: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

18

Anu-ano ang Hindi Maaaring Ikompost

Dahil sa mga lason, mga sakit ng halaman o tao at mga ligaw na damo, may mgabagay na hindi dapat ihalo sa tambakan ng kompost. Iwasang ihalo sa kompost angsumusunod na materyal.

Mga produktong kahoy na nilagyan ngKemikal

Ang kusot ay maaaring makuha sakonstruksiyon o sa mga gumagawa ng bahay.Kung balak mong gumamit ng kusot sapagkokompost, tiyakin lamang angpinagamitan nito. Ang kusot na may sangkapna kemikal ay makasasama sa pagkokompostdahil maaaring mahalo sa kompost angkemikal na taglay nito.

Halamang maysakit

Maraming sakit ng halaman ang namamataysa patuloy na init na likha ng pagkokompost.Ngunit mahirap makatiyak kung ang lahat ngmga ito ay lubusang makokompost. Masmakakabuting hindi na isama sapagkokompost ang mga ito.

Dumi ng Tao

Ang dumi ng tao ay may dalang mgaorganismong maaaring may dalang sakit.Hindi ito dapat isama sa pagkokompost.

Karne, buto at taba ng tira-tirang pagkain

Ang mga materyal na ito ay kaakit-akit samga peste lalung-lalo na sa mga daga.Ang taba ay hindi madaling mabulok atsagabal ito sa pagpasok ng hangin nakailangan ng mga mikrobyo upang mabulokang kompost.

Page 19: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

19

Napipinsalang Damo

May mga uri ng damo at halaman nasumisibol muli sa ugat o sanga satambakan ng kompost. Habangpinuputol ay lalong dumarami atumuusbong ang mga ito. Huwag itongikompost maliban na lamang kunglubusan nang tuyo o patay ang mga ito.

Dumi ng hayop

Ang mga dumi ng aso at pusa aymaaaring nagdadala ng mga sakit nanakahahawa sa tao. Mas mainam nahuwag gamitin ang mga ito satambakan ng kompost.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay Tama at M kung ito ay Mali:

_____ 1. Ang mga materyal na mayaman sa carbon ay nagbibigay ng protinangkinakailangan sa pagpapalakas ng katawan ng mga mikrobyo.

_____ 2. Sa pagbubulok, mas mainam ang mataas na temperatura.

_____ 3. Ang lahat ng mga organikong materyal ay maaaring gamitin sapagkokompost.

_____ 4. Ang mga sariwang tinabas na damo ay mayaman sa nitrogensamantalang ang mga tuyong dahon ay mayaman naman sa carbon.

_____ 5. Hindi dapat gumamit ng dumi ng hayop sa pagkokompost dahil maaariitong magdala ng mga sakit na naisasalin.

Ihambing mo ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 36-37.

Sa aralin 1, nalaman mo kung ano ang pagkokompost. Sa araling ito, napag-aralanmo ang mga kailangan sa paggawa ng kompost. Sa susunod na aralin, pag-uusapan natinkung paano gumawa ng sarili mong kompost.

Page 20: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

20

Tandaan Natin

Bago mo simulan ang Aralin 3, huwag kalimutan ang mga mahalagang punto ngaraling ito.

1. May mga tiyak na kailangan sa pagkokompost

♦ prosesong biyolohikal♦ carbon at nitrogen♦ pang-ibabaw na sukat o surface area♦ temperatura♦ halumigmig at pahanginan sa lupa

2. Ang sumusunod ay maaaring gamitin sa pagkokompost

♦ damo at pinagtabasan ng halaman♦ dayami♦ basura sa kusina♦ dahon♦ dumi ng mga hayop tulad ng manok, baka, tupa at kabayo♦ mga tangkay o straw♦ mga ligaw na damo at iba pang halaman♦ pira-pirasong kahoy at kusot

3. Ang sumusunod na materyal ay hindi ginagamit sa pagkokompost

♦ mga produktong kahoy na nilagyan ng kemikal♦ halamang maysakit♦ dumi ng tao♦ karne, buto at taba ng tira-tirang pagkain♦ mga nakakapinsalang damo♦ dumi ng mga alagang hayop tulad ng aso at pusa

Page 21: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

21

ARALIN 3

Paggawa at Paggamit ng Kompost

Ang paggawa ng tambakan ng kompost ay naaayon sa kagustuhan mo. Hindi mokailangan ng lalagyan upang makagawa ng kompost. Maaari kang maghukay ng butas salikod ng bahay, ngunit kung nais mong patuloy na gumawa ng kompost, kailangan monggumawa ng permanenteng lalagyan ng kompost (compost bin). Pag-aralan natin angpaggawa ng sariling lalagyan ng kompost.

Matapos pag-aralan ang aralin, inaasahang kaya mo nang:

♦ maipaliwanag kung paano gumawa ng lalagyan o kompost;

♦ maipaliwanag kung paano pangangalagaan ang iyong tambak ng kompost;

♦ tukuyin ang mga dahilan ng mga maaaring problema sa tambak ng kompost;

♦ maipaliwanag kung paano maaaring gamitin ang produkto ng kompost(humus); at

♦ tukuyin ang mga kabutihang maidudulot ng pagkokompost.

Makapipili ka ng gusto mong yari ng komposter na ipinagtitinda sa mga pamilihano maaari kang gumawa ng sarili mong lalagyan gamit ang hollow blocks, kahoy, mgalumang gulong, lumang drum, sako o chicken wire.

Alamin Natin

Paano gumawa ng sariling lalagyan ng kompost (Compost Bin)

Tanggalin mo ang mga damo sa lugar na paglalagyan ng tambakan ng kompostupang tuluyang magtagpo ang mga materyal at ang mga mikroorganismo sa lupa.

Sabihin natin, kung gagamit ka ng bariles o drum.

Narito ang mga hakbang:

1. Tanggalin ang ilalim na bahaging drum at lagyan ng mgabutas ang paligid nito.

Page 22: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

22

2. Palibutan ito ng screen upang dimakapasok ang mga daga at ibapang hayop.

3. Ilagay ang drum sa isang lugarna may maayos na daluyan ngtubig. Ito ay upang matiyak na hindimananatiling basa ang lugar lalo nakapag umulan. Maaari rin itongilagay sa lugar na malilim. Kungmaaari huwag itong ilagay malapitsa mga puno. Ang mga ugat ngpuno ay maaaring maakit sa mgabuhaghag at mamasa-masangorganikong materyal sa ibaba ngdrum. Sa tag-init naman, maaaringmakarating ang mga ugat sa ilalimna bahagi ng drum at mahihirapankang hukayin at gamitin angkompost.

4. Simulan ang pagpatong o pagsuson(layering). Ang pagsuson ay angpaglalagay ng mga organikongmateryal sa loob ng drum.

♦ Unang suson. Maglagay ng3 hanggang 4 na pulgada ngmga tuyong sanga sa ibabawng lupa. Hahayaan ng materyalna ito na makagalaw ang hanginsa ilalim ng tambak.

♦ Ikalawang suson. Maglagayng 6 hanggang 8 pulgada ngmga materyal na mayaman sacarbon (tuyong dahon, dayami,tangkay atbp.)

Page 23: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

23

♦ Ikatlong suson: Maglagay ng 2hanggang 3 pulgada ng mgamateryal na mayaman sa nitrogentulad ng dumi ng hayop, sariwangdahon atbp.

♦ Ikaapat na suson: Ulitin angmga suson hanggang mapunoang drum. Maghukay ng hugispalanggana sa ibabaw upangmakaipon ng tubig-ulan namaaaring pakinabangan satag-init. Titiyakin nito na angiyong kompost ay mamasa-masa maging sa tag-init.

5. Takpan ang drum. Maaari kangmagdagdag ng kaunting lupa. Angmga mikrobyo sa lupa aymagpapabilis sa dekomposisyonnito.

Ang pagpapatong o pagsususon ay ginagawa para matiyak na may sapat na hangin attubig na makararating hanggang sa ilalim ng tambakan. Matapos mong magawa angpanimulang pagsususon, hindi mo na kailangang magsuson sa mga idaragdag pangmateryal.

Ang maayos na tambakan ay makaaabot sa temperaturang 140 degrees Fahrenheitsa apat o limang araw. Sa panahong ito, mapapansin mong pumapatag ang iyong tambak.Patunay ito na maayos ang takbo ng iyong pagkokompost.

Pumapatag ang tambak matapos ang ilang araw

Bago Pagkatapos

Page 24: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

24

Pagkaraan ng tatlo hanggang apat na linggo, haluin ang tambak ng mga materyal atilagay yaong nasa tambakan sa gitna ng bagong tambak. Magdagdag ng tubig kungkinakailangan. Haluin ang kompost ng dalawa o tatlong ulit. Maaari na itong gamitinpagkaraan ng tatlo hanggang apat na buwan.

Maaari mong mapadali ang pagkokompost sa pamamagitan ng madalas na paghalodito. Palagiang bantayan ang temperatura sa loob ng drum. Kapag bumaba ito (marahilmatapos ang isang linggo), haluing muli ang tambak.

Handa nang gamitin ang kompost kapag ito ay naging buhaghag, amoy lupa atmatingkad na tsokolate (dark brown) ang kulay nito. Ibig sabihin nito, naging humus naang kompost.

Maaari ka ring gumawa ng dalawang drum kung mayroong lugar. Habang ang mgamateryal sa isang drum ay maaaring hayaang mabulok, maaari namang magdagdag ngmga bagong materyal sa isa pang drum.

Paghalo sa tambak ng mga materyal

Dalawang drum

Page 25: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

25

Pag-isipan Natin ito

Ano ang dapat mong gawin matapos kang gumawa ng lalagyan ng kompost?Maghihintay ka lang ba?

Tulad ng napag-aralan mo sa Aralin 1, ang ganitong uri ng pagtatapon ng basura aydapat paglaanan ng panahon at tiyaga. Nararapat mong alagaan ang lalagyan ng komposttulad ng iyong pangangalaga sa alagang hayop.

Alamin Natin

Pag-aalaga sa Tambak

Ang proseso ng pagbubulok ay magpapatuloy sa marahang paraan kahit napabayaan ang lalagyan (drum) matapos itong magawa. Magdagdag ng tubig upangmapanatili itong mamasa-masa at haluin paminsan-minsan upang makadaloy ang hanginat mapabilis ang proseso ng pagbulok. Upang matiyak ang halumigmig ng tambak,kumuha ng sandakot na kompost at pigain ito. Kung may ilang patak ng tubig angmapipiga, tama lang ang halumigmig. Kung walang patak, masyado itong tuyo at kungmarami namang patak, ito ay sobrang basa. Dapat takpan ang tambak ng plastik okatulad na materyal kung tag-ulan upang maiwasan ang sobrang halumigmig (moisture).

Basang-basa Tuyo Tama lang

Ang mahusay na tambak ng kompost ay unti-unting magkakaroon ngtemperaturang 110 oF sa gitna sa loob ng isang linggo kung tag-araw o isang buwankung tag-ulan. Kapag narating na ang itinakdang temperatura, dapat buksan ang tambakat haluin ang tambak upang mabuhaghag ang mga namuong materyal at mailagay sagitna ang mga nasa gilid at ibabaw ng tambak.

Page 26: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

26

Maaaring haluin ang tambak sa pamamagitan ng paghahati dito gamit ang isangpala at pagbaligtad sa bawat hati. Ang layunin nito ay ang pagpapadaloy ng hangin satambak at ang paghahalo ng mga materyal mula sa gilid patungo sa gitna kung saan laloitong mapainit at mabulok.

Gumamit ng pala sa paghalo ng tambak

Habang nabubulok ang mga materyal, tumataas ang init ng tambak at pumapatagnang kalahati ng dati nitong taas at dami. Kalimitan, ang volume o dami ng tambak aylumiliit ng 70 hanggang 80 bahagdan.

Pag-isipan Natin ito

Ngunit paano kung hindi mo makuha ang inaasahang resulta ng kompost? Anu-anokaya ang mga posibleng problema na maaari mong harapin?

Page 27: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

27

Alamin Natin

Pagkilala sa mga Problema sa Pagkokompost

Palatandaan Bilang 1 May masamang amoy ang tambakan.

Pagsusuri: Maaaring ang tambak ay sobrang matubig,sobrang siksik o pareho. Kung sobrang basaang tambak, haluin ito ngunit magdagdag rinng mga tuyong materyal. Ang masamangamoy ay maaari ring mangahulugang maydumi ng mga hayop na napasama sa tambak.

Palatandaan Bilang 2 Walang nagaganap na dekomposisyon.

Pagsusuri: Tuyong-tuyo ang tambakan. Basain angtambak habang hinahalo.

Palatandaan Bilang 3 Mamasa-masa ang kompost at mainit anggitna ngunit di kasing init ng inaasahanupang mabulok ang mga materyal.

Pagsusuri: Masyadong maliit ang tambak. Magdagdagpa ng mga materyal para mapalaki ito. Ihaloang mga dating sangkap na maaaring hindipa ganap na nabubulok sa bagong tambak.Kung hindi maliit ang tambak, maaaringnangangailangan ito ng dagdag na nitrogen.Magdagdag ng marami pang organikongmateryal na mayaman sa nitrogen tulad ngdumi ng hayop, mga sariwang damo, balatng itlog atbp.

Palatandaan Bilang 4: Ang tambak ay mahalumigmig, mabango,nabubulok nang kaunti ngunit di pa sapat anginit.

Pagsusuri: Hindi pa sapat ang daming nitrogen upangmabulok ang mga materyal. Magdagdag pang mga mapagkukunan ng nitrogen tulad ngdamo, dumi ng hayop o pataba sa tambak.

Page 28: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

28

Ngayong alam mo na kung paano gumawa ng lalagyan ng kompost at kung paanolutasin ang mga posibleng problema ng tambak, isang tanong na lang ang naiiwan: Kungtama lahat ang kinalabasan at nakalikha na ng humus, ano na ang susunod?

Paano Ginagamit ang Humus?

Alam mong ito na ang humus kapag ito ay buhaghag, amoy bagong lupa at di amoynabubulok. Isa pang palatandaan ay kapag hindi mo na matukoy ang dati o pinagmulangmateryal. Maaari mo nang gamitin ang kompost sa iyong halamanan.

Maaari ding salain ang kompost sa screen na may isang pulgada ang laki ng butasupang maihiwalay ang mga materyal na di ganap na nabulok. Ang mga tangkay ay dimabilis na nabubulok kaya kung makakita ng labi nito, alisin sa humus at ibalik satambakan. Pagbukod-bukorin ang hindi lubusang nabulok sa pamamagitan ng screen,isang pulgada ang lapad. Mga sanga-sanga na hindi nabulok at ilagay muli sa tambakan.

Maaari mong idagdag ang humus sa lupang ginagamit sa pagtatanim. Mainam itosa mga halamang itinanim sa paso at sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng buto. Mainamitong ilagay sa ibabaw ng lupang tinamnan ng mga bulaklak, mga gulay, mga halaman atmga puno.

Page 29: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

29

Mga Pakinabang ng Pagkokompost

Ano ang makukuha mong kapalit sa pagkokompost?

May ilang pakinabang ang pagkokompost:

♦ Mapabubuti nito ang istruktura ng lupa sa pagdaragdag ng kompost, angmabuhanging lupa ay makapagpapanatili ng tubig at ang luwad naman aymadaling mababawasan ng tubig.

♦ Mababawasan ang erosyon at pagkawala ng tubig. Madaling nakapapasok salupang mayaman sa kompost ang mga ugat at napapanatili nito ang lupa sapuwesto.

♦ Nagbibigay ito ng pagkain sa mga bulating-lupa, mga insekto at mgamabubuting mikroorganismo sa lupa.

♦ Tinutulungan nito ang lupa sa pagpapanatili ng mga sustansiya kayamababawasan na ang pangangailangan sa mga pestisidyong kemikal.

♦ Tumutulong sa pagpapalusog ng mga halaman upang malabanan ang mga sakitat mga insekto at mabawasan ang paggamit ng pestisidyo.

♦ Nababawasan ang pagtapon ng mga basura sa mga tambakan. Ang mga dahon,damo at mga kalat na matatagpuan sa mga kalsada at bumabara sa mga kanal atestero ay maaaring gawing kompost.

♦ Makatitipid sa pagbili ng mga pataba sa lupa.

Magbalik-aral Tayo

Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.

_____ 1. Ang pagsususon ng mga materyal sa kompost ay ginagawa upangmatiyak na may sapat na daloy ng hangin at halumigmig hanggang saibaba ng tambak.

_____ 2. Ang tambak ay di dapat takpan upang makapasok ang hangin at tubig satambak.

_____ 3. Ang pagbubulok ay mapapabilis kung pababayaang mabulok nang mag-isa ang tambak.

_____ 4. Ang kompost ay handa nang gamitin kung ito ay magsimulangmaglabas ng masamang amoy.

_____ 5. Ang humus ay inilalagay sa paligid ng halaman.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 37. Nasagotmo ba ng wasto ang lahat ng aytem? Kung hindi, balik-aralan ang mga aytem na hindimo nasagot nang wasto.

Page 30: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

30

Ibuod Natin

Ito ang huling aralin ng modyul. Bago mo sagutin ang huling pagsusulit (Anu-anoang mga Natutuhan Mo?), basahin muna ang mahahalagang punto ng modyul na ito.

♦ Ang pangunahing dahilan ng problema sa basura ay ang walang tigil na paglaking populasyon. Habang lumalaki ang populasyon, dumarami rin ang mgagawain ng tao. Gayunman, ang pagdaming ito ay humahantong naman sapagdami ng basura.

♦ Pagreresiklo ay itinuturing na solusyon sa problema ng basura. Angpagkokompost ay isang uri ng pagreresiklo.

♦ Ang produkto ng pagkokompost ay tinatawag na humus.

♦ May mga tiyak na kailangan sa pagkokompost.

– prosesong biyolohikal

– carbon at nitrogen

– pang-ibabaw na sukat

– temperatura

– halumigmig at pahanginan sa lupa

♦ Hindi lahat ng mga organikong materyal ay magagamit sa pagkokompost.

♦ Ang lalagyan ng kompost o compost bin ay laging nakalagay sa lilim na lugar.

♦ Kung drum ang gagamitin bilang lalagyan ng kompost:

– Tanggalin ang ilalim ng drum at lagyan ng mga butas ang paligid nito

– Lagyan ng screen ang paligid ng drum

– Ilagay ito sa lilim ng lugar na may maayos na lagusan ng tubig

– Isuson (layering) nang maayos ang mga materyal sa loob ng drum

– Takpan ang tambak

♦ Maaari nang gamitin ang kompost kung ito ay kulay matingkad na tsokolate,buhaghag at amoy lupa.

♦ Pangalagaan ang lalagyan ng kompost at panatilihing mahalumigmig at maysapat na init sa gitna upang mapadali ang pagbubulok.

♦ Ang mga posibleng problema sa pagkokompost ay ang kakulangan sa tubig,hangin at tamang halumigmig.

♦ Sa paggamit ng kompost, idagdag o ihalo ang humus sa lupa.

♦ Maraming pakinabang ang pagkokompost, pangunahin dito ay ang pagpapabuting kondisyon ng lupa.

Page 31: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

31

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?

Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa pagkokompost ang mali?

a. Ang pagkokompost ay isang uri ng pagreresiklo.

b. Maaari mong mapadali ang pagbubulok.

c. Ang pagkokompost ay ang proseso ng pagbubulok ng mga materyal nagaling sa mga bagay na walang buhay.

d. Tanging mga organikong materyal lamang ang maaaring makompost.

2. Ang produkto ng pagkokompost ay tinatawag na

a. organikong materyal

b. humus

c. di-organikong materyal

d. basura

3. Alin sa sumusunod ang hindi organikong materyal?

a. dayami

b. tuyong dahon

c. yero

d. tirang prutas at gulay

4. Ang sumusunod ay mga pakinabang sa pagkokompost maliban sa

a. makatitipid sa pera

b. mababawasan ng basura

c. mababawasan ang taba ng lupa

d. mababawasan ang pagkaanod ng lupa (soil erosion)

5. Alin sa sumusunod ang kailangan sa pagkokompost?

a. prosesong biyolohikal, carbon at nitrogen, pang-ibabaw na sukat, tamangtemperatura, halumigmig at pahangin

b. organikong materyal, di-organikong materyal, prosesong biyolohikal atcarbon at nitrogen

c. mga tuyong dahon, dumi ng hayop, carbon at nitrogen at mga bulati

d. prosesong biyolohikal, carbon at oxygen, pang-ibabaw na sukat,temperatura, halumigmig at pahanginan

Page 32: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

32

6. Alin sa sumusunod na materyal ang hindi dapat gamitin sa pagkokompost?

a. dumi ng hayop

b. dayami

c. nakapipinsalang damo

d. kahoy

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa tungkulingginagampanan ng mga bakterya at mga bulati sa pagkokompost?

a. tumutulong sa dekomposisyon

b. binubulok ang mga organikong materyal

c. pinapataas ang temperatura sa loob ng lalagyan ng kompost

d. hinahadlangan ang pagpasok ng hangin sa lalagyan ng kompost

8. Sinususon ang mga materyal na pangkompost upang __________________.

a. masiguro na ang tambakan ay mabilis mapuno

b. masiguro na may sapat na tubig at hangin na dumadaloy sa pagitan ng mgaito

c. masiguro na ang temperatura sa ilalim ay mas malamig kaysa temperaturasa ibabaw ng kompost

d. lahat ng nasa taas

9. Matapos ihanda ang lalagyan ng kompost, kailangang

a. tiyakin ang bilang ng mga bulati sa loob nito

b. haluin paminsan-minsan ang tambak

c. magdagdag ng panibagong suson ng kompost araw-araw

d. palagiang magdagdag ng mga bulati upang mapadali ang pagbubulok

10. Maaari nang gamitin ang kompost kung _____________________.

a. magkaroon na ito ng masamang amoy

b. maging matigas ito tulad ng bato

c. maging kulay matingkad na tsokolate, buhaghag at amoy lupa

d. hindi ito mabulok

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa mga pahina 37-38.

Page 33: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

33

Kung ang iyong iskor ay:

0 – 4 Pag-aralan muli ang modyul na ito.

5 – 6 Balik-aralan mo ang mga bahaging hindi mo naintindihan.

7 – 8 Magaling! Balik-aralan mo na lang ang mga aytem na hindi monasagutan nang wasto.

9 – 10 Napakagaling! Marami ka nang natutuhan sa modyul na ito.Maaari ka nang magsimula sa pagkokompost.

Subukan Natin Ito

Gamitin ang iyong mga napag-aralan sa modyul na ito. Simulan ang paggawa ngsarili mong lalagyan ng kompost (compost bin) sa pamamagitan ng pagsunod sa mgahakbang na nakasaad sa modyul na ito. Habang inihahanda at inaalagaan ang iyonglalagyan ng kompost, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong mga sagot sapatlang.

1. Anu-anong mga materyal ang kailangan ko sa paggawa ng sarili kong lalagyanng kompost?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

2. Paano ako makabubuo ng lalagyan ng kompost?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

3. Saan ko ilalagay ang aking lalagyan ng kompost?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

4. Anu-anong mga kalat at basura ng aking pamilya ang maaari kong itambak saaking lalagyan ng kompost?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

Page 34: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

34

5. Anu-anong mga kalat at basura sa aming bahay ang hindi ko dapat ilagay salalagyan ng kompost?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

6. Anu-anong mga hakbang ang dapat kong gawin upang mapangalagaan kongmabuti ang aking lalagyan ng kompost?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

7. Anu-anong mga posibleng problema ang maaari kong harapin sa akingpangangalaga sa lalagyan ng kompost at paano ko malulutas ang mga ito?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

Matapos sagutin ang mga tanong, balik-aralan ang ilang bahagi ng modyul upangmalaman kung tama ang iyong paghahanda ng lalagyan ng kompost. Maaari monglapitan ang iyong Instructional Manager o Facilitator, kaibigan, kasamahan,kapitbahay kung mayroon kang mga tanong o problema sa pagkokompost. Sana aymagtagumpay ka sa iyong paggawa ng sariling kompost.

Page 35: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

35

Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pahina 2-3)

A. 1. (b) Ang paggamit ng bukas na tambakan ay pangmadaliang solusyon saproblema sa basura sapagkat darating ang panahon na mapupuno angmga ito at kakailanganin na namang magbukas ng panibagong bukasna tambakan. Isang halimbawa ng pangmatagalang solusyon ay angpagreresiklo ng basura kung saan paulit-ulit na ginagamit ang mgabasura. Sa ganitong paraan, walang gamit o bagay na maaaksaya.Hindi na kailangan pang magbukas ng bagong tambakan kapag napunona ang isa.

2. (c) Ang mga organikong materyal ay nanggaling sa mga bagay na maybuhay. Halimbawa ay ang mga dahong gulay at mga balat ng prutas.Ang mga di-organikong materyal naman ay nanggaling sa mga bagayna walang buhay. Halimbawa, ang diyamante ay isang di-organikongmateryal sapagkat nagmula ito sa mga mineral na mga bagay nawalang buhay.

3. (a) Mahalaga ang tamang temperatura, halumigmig at pahangin sapagiging matagumpay ng pagkokompost.

4. (a) Kung masikip o sobrang basa ang lalagyan ng kompost, ito aymaglalabas ng mabahong amoy. Halimbawa ay ang paglalagay ngdumi ng hayop sa isang basang tambak na magiging dahilan ngmabahong amoy.

5. (a) Ang paghahalo ng tambak ay magkakalat ng init at halumigmig atmagpapadali sa dekomposisyon.

B. dayami

tira-tirang pagkain tulad ng prutas, pinaggulayan o pinagtalupan

dumi ng hayop

straw

mga pira-pirasong kahoy at kusot (sawdust)

Ang lahat ng ito ay mga organikong materyal na mainam sa pagkokompost.

Ang sumusunod na aytem ay hindi dapat gamitin sa pagkokompost:

♦ nakapipinsalang damo, dahil maaaring di mapigil ng dekomposisyonang pagdami nito.

♦ dumi ng tao na maaaring maging sanhi ng mabahong amoy at sakit

♦ mga halamang maysakit maaaring mailipat ang sakit sa kompost

♦ karne at buto maaaring maakit ang mga peste

Page 36: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

36

B. Aralin1

Magbalik-aral Tayo (pahina 7)

1. pagreresiklo

2. pagkokompost

3. mga organikong materyal o mga materyal na biodegradable

4. mga di-organikong materyal o mga materyal na non-biodegradable

5. Humus

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 9)

1. (T) nasa iyo ang pagkontrol sa mga kondisyon upang mapabilis angpagbubulok

2. (T) ang mga sustansiyang galing sa mga nabulok na materyal aymakabubuti sa mga halaman.

3. (T) hindi lubusang mabubulok ang bato anuman ang gawin dito

4. (M) ang pagreresiklo ay isang siklo o paikot na proseso. Ito ay isangsiklo dahil ang mga materyal ay paulit-ulit na ginagamit.

5. (M) ang paglaki ng populasyon ay maaaring ituring na ugat ng problemasa basura. Ang paglaki ng populasyon ay humahantong sa pagdaming gawain ng tao, na humahantong naman sa pagdami ng basura.

C. Aralin 2

Subukan Natin Ito (pahina 15)

1. 6

2. 4

3. 6

4. 6

5. 4

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 19)

1. (M) ang mga organikong materyal ay mayaman sa nitrogen nanagbibigay ng protina, samantalang ang mga mayaman sa carbon aynagbibigay ng mga sustansya para sa kalusugan ng mgamikroorganismo sa lalagyan ng kompost.

2. (T) ang mainit na temperatura ay nagpapadali sa dekomposisyon

3. (M) ang ilang organikong materyal tulad ng maysakit na halaman at duming hayop ay di mainam sa pagkokompost

Page 37: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

37

4. (T) ang mga sariwang tabas na damo, dumi ng hayop at pinaggulayan aymayaman sa nitrogen, samantalang ang mga tuyong materyal tuladng mga sanga ng kahoy, mga dahon at kahoy ay mayaman naman sacarbon.

5. (M) ang dumi ng hayop ay mainam na materyal para sa pagkokompost.Ngunit ang mga dumi ng mga alagang pusa at aso ay di dapat gamitinsa pagkokompost.

D. Aralin 3

Magbalik-aral Tayo (pahina 29)

1. (T) Kapag sinuson mo ang iyong tambak ng kompost, ang ilalim ngkompost ay makatatanggap ng tamang init at halumigmig, kahit naito ay matatakpan ng iba pang materyal.

2. (M) Dapat takpan ang tambak tuwing tag-ulan upang maiwasan angsobrang pagkabasa ng tambak at mapadali ang pagbubulok.

3. (M) Dapat haluin ang tambak paminsan-minsan upang pantay angpagkalat ng init at halumigmig.

4. (M) Kung ang compost heap ay may masangsang na amoy, ito’yindikasyon na may problema ang pagkompost.

5. (T) Ang pangunahing pakinabang na makukuha sa pagkokompost ay angproduktong humus na ginagamit sa pagpapataba ng lupa sa paligidng mga halaman.

E. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pahina 31-32)

1. (c) ang tamang sagot dahil ang pahayag ay di wasto – tanging mgaorganikong materyal ang maaaring gamitin sa pagkokompost. Ang lahatna natirang pahayag ay lahat tama: (a) paulit-ulit ang paggamit ng mgamateryal sa pagpapataba ng lupa. Mapapadali mo ang pagkokompost;(b) sa pamamagitan ng paghahalo ng tambak sa tuwi-tuwina, nasisiguromo ang pantay na pagkalat ng init, hangin at halumigmig sa tambak ngkompost.

2. (b) ang tamang sagot. Ang kompost na inilagay mo sa lalagyan ngkompost ay nagiging humus na kulay matingkad na tsokolate, buhaghagat amoy lupa. Ang mga organikong materyal (a) ay ginagamit sapagkokompost. Ang mga ito ay mga materyal na nagiging humus. Hindilahat ng basura ay maaaring gamitin sa pagkokompost tulad ng mga di-organikong materyal.

Page 38: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

38

3. (c) ang tamang sagot. Ang mga yero ay mga di-organikong materyal.Gawa ang mga ito sa metal, di buhay na bagay. Ang iba pang pagpipilianay mga organikong materyal na lubusang nabubulok tulad ng dayami,mga tuyong dahon at pinagbalatan ng prutas at gulay ng mga halaman atpuno.

4. (c) ang tamang sagot dahil ito ay hindi benepisyo ng pagkokompost, isaitong anyo ng recycling. Ang pagkokompost ay nagpapataas sa taba okalusugan sa lupa. Ang humus ay maaring gamitin na pampataba ng lupa.Ang iba pang pagpipilian ay mga tuwiran at di-tuwirang pakinabang sapagkokompost.

5. (a) ang tamang sagot. Ang titik (b) ay mali dahil isinama dito ang mgadi-organikong materyal na hindi maaaring gamitin sa pagkokompost.Ang titik (c) ay sobrang tiyak, ang mga tuyong dahon at dumi ng hayopay mga organikong materyal. Ang titik (d) ay hindi tama dahil isinamadito ang oxygen na dapat ay nitrogen.

6. (c) ang tamang sagot dahil sa tambakan sumisibol muli sa mga ugat angmga nakapipinsalang damo. Ang lahat ng iba pang pagpipilian ay mgamainam sa pagkokompost.

7. (d) ang tamang sagot dahil walang kinalaman ang bulati sapagpapahangin ng tambak. Ang paghahalo ng tambak sa tuwi-tuwina angnagbibigay ng hangin sa mga bakterya at mga bulati. Sa totoo lang,kailangan ng mga bulati ng hangin upang mabuhay sa tambakan ngkompost.

8. (b) ang tamang sagot. Ang titik (a) ay di tama dahil hinihiwalay ngpagsususon ang materyal na pinabubulok at sa gayon ay mas natatagalanang pagpuno ng tambak. Ang titik (c) ay mali dahil ang temperatura sailalim ay mas mainit, salungat sa isinasaad ng titik.

9. (b) ang tamang sagot. Tinitiyak nito na may sapat na hangin athalumigmig na makapapasok sa tambak. Hindi na kailangang bilanginang dami ng bulati (a) o dagdagan pa nang regular ang bilang ng mga ito.(d) lalaki ang bilang ng mga ito kapag dinagdagan ang mga materyal satambakan. Ang pagsususon ay ginawa lamang sa simula, (c) pagkatapos,maari ka na lamang magdagdag ng mga organikong basura sa tambak.

10. (c) ang tamang sagot dahil ito ay palatandaan na ang kompost ay naginghumus. Tandaan na ang kompost ay hindi, dapat naglabas ng masamangamoy (a) kapag ang kompost ay naging matigas (b) o hindi nabulok (d),ito’y palatandaan na may problema ang kompost mo.

Page 39: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

39

Talahuluganan

Pahanginan Pagpapadaloy o paghahalo ng hangin o oxygen sa isang materyal

Biyolohikal May kinalaman sa mga proseso ng buhay ng mga nabubuhay naorganismo

Kalat Mga labi ng isang bagay na nasira, nadurog o naipit

Ground water Tubig na matatagpuan sa mga batuhan na pinanggalingan ng bukal

Landfill o mga bukas na tambakan Lugar na pinagtatapunan o binabaunan ngbasura

Nucleic acid Isang mahalagang sangkap ng selula na tumitiyak sa mga katangianng isang organismo

Mga Sanggunianan

Christina, AH and GK Evanylo. 1997. Compost. Virginia Cooperative Extension.<http://www.ext.vt.edu/pubs/compost/452-231/452-231.html>.September 20, 2000, date accessed.

Page 40: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - eSkwela Naga City · PDF file3 5. Ang tuwi-tuwinang paghahalo ng tambak ng kompost ay makatutulong a. mapabilis ang pagkabulok. b. upang mapatay ang

40

Environment Canada. Composting. <http://www.ns.ec.qc.ca/udo/paydirt.html>. September 20, 2000, date accessed.

Greenweb. The Beauty of Compost Heaps.<http://www.boldweb.com/greenweb/compost.htm>.

Johnson, Eric. 1996. A Composting Introduction. Rotweb. Abstract at <http://net.indra.com/~topsoil/Intro_to_Compost.html>. September 25, 2000,date accessed.

Johnson, Eric. 1996. Composting Questions and Answers. Rotweb. Abstract at<http://net.indra.com/~topsil/How_to_Compost.html>. September 25,2000, date accessed.

Michael, Frederick. Composting at Home. Ohio State University ExtensionFastsheet.<http://www.ag.ohio.State.edu/~ohioline/hyg-fast/1000/1189.html>. September 20, 2000, date accessed.

Relf, Dianne. 1994. Composting. Virginia Cooperative Extension <http://www.ext.vt.edu/departments/environtment/fastsheet`/yardwaste/Oct94pr4.html>. September 20, 2000, date accessed.

Relf, Dianne. 1997. Yardwaste Recycling. Virginia Cooperative Extension<http://www.ext.vt.edu/departments/enviroshort/fastsheets3/landsmaint/maya2prs.html>. September 20, 2000, date accessed.

Startback, Christopher. 1998. Making and Using Compost. Department ofHorticulture, University of Missouri-Columbia. <http://muextension.missouri.edu/xplor/agguides/hort/906956.htm>.September 25, 2000, date accessed.