totoong mundo, isang sanaysay

2
TOTOONG MUNDO Sanaysay ni Jenita D. Guinoo Makabagong kagamitan, cellphones, gadgets, touchscreen TV, latest car, upgraded computers and other materials as status symbol na nakapagpapagaan ng pamumuhay. Mga bagay na nakasanayang gamitin para maging komportable ang pamumuhay. Ngunit lahat ba ay may ganitong pamumuhay? Lahat ba ay magagawang magkakaroon ng mga ganitong bagay agad-agad? Masaganang buhay, masasarap na pagkain, magagarang kotse, mamahaling gamit, nauusong damit ang laging nararanasan ng mga elite na mga mamamayan ng bansa. Party o anumang social gatherings ay laging pinupuntahan. Pag-a-out-of-town ang ginagawa kapag walang trabaho sa opesina, unwinding ika nga. Puro pa sosyalan ang “peg”. Pero, ito ba talaga ang tunay na buhay ng lahat? Ganito rin ba ang tinatamasa ng mga ordinaryong mamamayan ng ating bansa? Isang buhay mayamang estudyante ang di inaasahang iniwan ang ganitong komportableng buhay nang sa di inaasahang pagkakataon ay biglang bumagsak ang kabuhayan. Ang buhay na nakasanayan ay wala na. Pati mga mayayamang kaibigan ay di na rin matatawagan, di na nakakasama na pag nakasalubong ka ay dine-deadma as if hindi ka kilala. Dati pagpaparlor ang inaatupag tuwing Sabado at bakasyon sa kung saan kasama ang mga bff at kapamilya. Ngayon, nasa bahay na lamang. Naglalaba, naglilinis ng bahay, pinamamalengke ang kakarampot na kita buhat sa negosyong papalugi na. Wala na ang kotseng nangingintab sa sobrang bago kundi ang kotseng pinaglumaan na ngayon lamang napansin buhat nang maipagbili ang Montero. Naiisip ko, ako yata’y naliligaw? Nawawala sa “track” ang aking buhay. Sa isang iglap, ito na ang aking buhay..buhay mahirap! Nasaan na ang dati? Tama, ako’y naliligaw. Kaya dapat kong hanapin ang daan kung saan maaring maibabalik ko ang dati. Ngunit papaano? Minsan naiiyak ako, bakit hindi ko pinahahalagahan ang dati kong buhay. Ngayon ko lamang nakita ang kahalagahan ng lahat ng bagay na aking tinamasa, ngayong hindi ko na maaaring maibalik ang dati kong mundo. Ang mundo ng panaginip. Ako ngayo’y nasa totong mundo na. Mundo ng paghihirap, ng kasalatan, kadahupan, kakulangan at pagsasakripisyo. Ang lahat ng ito’y dati ay hindi ko kilala. Mulat na ngayon ang aking kamalayan sa tunay na takbo ng mundo. Ito’y mundo ng pagpupunyagi. Kapag hindi ka kumilos, walang mangyayari sa buhay mo. Hindi ka aasenso, hindi ka makararating sa mundo ng pangarap. Tayo ngayon ay nasa mundo ng realidad na maaaring magbabago ito patungo sa mundong pinakaaasam-asam.

Upload: jenita-guinoo

Post on 23-Jan-2018

556 views

Category:

Education


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: TOTOONG MUNDO,  Isang Sanaysay

TOTOONG MUNDO

Sanaysay ni Jenita D. Guinoo

Makabagong kagamitan, cellphones, gadgets, touchscreen TV, latest car, upgraded computers

and other materials as status symbol na nakapagpapagaan ng pamumuhay. Mga bagay na nakasanayang

gamitin para maging komportable ang pamumuhay. Ngunit lahat ba ay may ganitong pamumuhay? Lahat

ba ay magagawang magkakaroon ng mga ganitong bagay agad-agad?

Masaganang buhay, masasarap na pagkain, magagarang kotse, mamahaling gamit, nauusong

damit ang laging nararanasan ng mga elite na mga mamamayan ng bansa. Party o anumang social

gatherings ay laging pinupuntahan. Pag-a-out-of-town ang ginagawa kapag walang trabaho sa opesina,

unwinding ika nga. Puro pa sosyalan ang “peg”. Pero, ito ba talaga ang tunay na buhay ng lahat? Ganito

rin ba ang tinatamasa ng mga ordinaryong mamamayan ng ating bansa?

Isang buhay mayamang estudyante ang di inaasahang iniwan ang ganitong komportableng buhay

nang sa di inaasahang pagkakataon ay biglang bumagsak ang kabuhayan. Ang buhay na nakasanayan ay

wala na. Pati mga mayayamang kaibigan ay di na rin matatawagan, di na nakakasama na pag nakasalubong

ka ay dine-deadma as if hindi ka kilala. Dati pagpaparlor ang inaatupag tuwing Sabado at bakasyon sa kung

saan kasama ang mga bff at kapamilya. Ngayon, nasa bahay na lamang. Naglalaba, naglilinis ng bahay,

pinamamalengke ang kakarampot na kita buhat sa negosyong papalugi na. Wala na ang kotseng

nangingintab sa sobrang bago kundi ang kotseng pinaglumaan na ngayon lamang napansin buhat nang

maipagbili ang Montero.

Naiisip ko, ako yata’y naliligaw? Nawawala sa “track” ang aking buhay. Sa isang iglap, ito na ang

aking buhay..buhay mahirap! Nasaan na ang dati? Tama, ako’y naliligaw. Kaya dapat kong hanapin ang

daan kung saan maaring maibabalik ko ang dati. Ngunit papaano?

Minsan naiiyak ako, bakit hindi ko pinahahalagahan ang dati kong buhay. Ngayon ko lamang

nakita ang kahalagahan ng lahat ng bagay na aking tinamasa, ngayong hindi ko na maaaring maibalik ang

dati kong mundo. Ang mundo ng panaginip.

Ako ngayo’y nasa totong mundo na. Mundo ng paghihirap, ng kasalatan, kadahupan, kakulangan

at pagsasakripisyo. Ang lahat ng ito’y dati ay hindi ko kilala. Mulat na ngayon ang aking kamalayan sa tunay

na takbo ng mundo. Ito’y mundo ng pagpupunyagi. Kapag hindi ka kumilos, walang mangyayari sa buhay

mo. Hindi ka aasenso, hindi ka makararating sa mundo ng pangarap. Tayo ngayon ay nasa mundo ng

realidad na maaaring magbabago ito patungo sa mundong pinakaaasam-asam.

Page 2: TOTOONG MUNDO,  Isang Sanaysay

Ako’y wala nang babalikan, kailangang magsikap ako upang mapuntahan muli ang mundong akin dati.

Wakas!