teoryang humanismo 1

14
HUMANISMO

Upload: speedreader

Post on 15-Jan-2016

1.068 views

Category:

Documents


52 download

DESCRIPTION

ppt

TRANSCRIPT

Page 1: Teoryang Humanismo 1

HUMANISMO

Page 2: Teoryang Humanismo 1

HUMANISMO• Ang pokus ng teoryang humanismo ay

ang tao. Ito ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyong tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.

Page 3: Teoryang Humanismo 1

HUMANISMO

• Ayon sa ipinahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran." Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.

Page 4: Teoryang Humanismo 1

HUMANISMO

• Maaring Ilapat sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-tugon sa kalagayan at karanasan ng tao.

• Nagmula sa salitang latin na nagpapahiwatig ng mga “di-siyentipikong” larangan ng pag-aaral tulad ng wika at panitikan.

Page 5: Teoryang Humanismo 1

PRINSIPYO NG HUMANISMO

• Binibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao. Itinataas din ang karangalan ng taobilang sentro ng akda.

Page 6: Teoryang Humanismo 1

ILAN SA MGA KILALANG HUMANISTA

IRVING BABBITT - isang Amerikanong iskolar at manunuring pangkarunungan. Siya ay kilala bilang tagasulong ng humanismong klasikal.

PAUL ELMER MORE – isang Amerikanong mamamahayag, manunulat at manunuri. Naging kasama ni Babbitt sa pagbuo ng isang proyekto bago matapos ang ika-19 na siglo at kalaunan ay tinawag na Makabagong Humanismo.

SIR THOMAS MORE – isang Briton at kilala ng mga Romano Katoliko bilang banal. Isang abogado, lingkod bayan at humanistang Renaissance.

Page 7: Teoryang Humanismo 1

ILAN SA MGA KILALANG HUMANISTA

SIR THOMAS ELLIOT – isang manunulat na sumusuporta sa mga ideyang humanista na tumutugon sa edukasyon ng mga kababaihan. Sa kanyang mga akda sinusuportahan niya ang mga mithiin ni Thomas More at iba pang mga humanista ang mga edukadong maybahay ay maging katuwang ng mga lalaki sa pagdedesisyon sa buhay.

FRANCESCO PETRARCH – isang italyanong iskolar, makata sa panahon ng Renaissance sa Italya at kinikilala bilang ama ng humanism. Sinasabing ang pagkakatuklas ni Petrarca ng mga sulat ni Cicero ang nagsimula ng ng Renaissance noong ika-14 na siglo.

Page 8: Teoryang Humanismo 1

ANG HUMANISMO AY MAPAPANGKAT SA TATLO

1. HUMANISMO BILANG KLASISMO

• SA PANAHON NG RENAISSANCE LUMAGANAP AT UMANGKIN NG KAKAIBANG KAHULUGAN

• HUMANISTIKO ANG PANANAW KAPAG NILALAYON NITO ANG KAGANAPAN NG TAO AYON SA PANINIWALA AT PAMANTAYAN NG KRISTIYANISMO.

• NANG DUMATING SA PILIPINAS, NAGING TAMPOK ANG KAKAYAHAN AT TALINO NG TAO BILANG SENTRO NG KAHULUGAN.

Page 9: Teoryang Humanismo 1

2. MODERNONG HUMANISMO

• ANG BATAYANG PREMIS NG HUMANISMO AY NAGSASABI NA ANG TAO AY RASYUNAL NA NILALANG NA MAY KAKAYAHANG MAGING MAKATOTOHANAN AT MABUTI.

• SA PILOSOPIYA, ITO AY NAGPAPAKITA NG ATITYUD NA NAGBIBIGAY DIIN SA DIGNIDAD AT HALAGA NG INDIBIDWAL.

Page 10: Teoryang Humanismo 1

3. HUMANISMONG UMIINOG SA TAO

• MALAWAK ANG TEMA NG HUMANISMO. SA KATUNAYAN MAYROON ITONG IBA’T IBANG URI TULAD NG:

LITERAL HUMANISMSECULAR HUMANISMRELIGIOUS HUMANISMAT IBA PA…

Page 11: Teoryang Humanismo 1

PANGKALAHATANG KATANGIAN

• NAG-UUDYOK SA TAO NA ISIPIN ANG KANYANG KAGANAPAN, SA ANO MANG URI NITO

• NAGPAPAHALAGA SA AGHAM AT TALINO SA PAGTUKLAS NG NATATAGONG KAALAMAN

• NAGLALAYONG TUGUNAN ANG MGA PUNDAMENTAL NA PANGANGAILANGAN NG TAO AT SAGUTIN ANG MGA PROBLEMANG KINAHAHARAP NILA.

Page 12: Teoryang Humanismo 1

• NAGPAPAHALAGA SA “KASALUKUYAN” AT “NGAYON”

• NAG-UUDYOK ANG LAHAT NG PAGPAPAHALAGA SA BUHAY, NG PAGIGING BUKAS ANG ISIPAN SA ANO MANG BAGAY, AT NG KALAYAAN SA PAGGAMIT NG SARILING PAG-IISIP DAHIL IYON ANG PINAKAMATAAS NA KAHULUGAN NG PAGIGING TAO.

PANGKALAHATANG KATANGIAN

Page 13: Teoryang Humanismo 1

SA PAGSUSURI NG PANITIKAN, MAINAM NA TIGNAN ANG MGA SUMUSUNOD:

• PAGKATAO

• TEMA NG KWENTO

• MGA PAGPAPAHALAGANG PANTAO: MORAL AT ETIKAL BA?

• MGA BAGAY NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGKATAO NG TAUHAN

• PAMAMARAAN NG PAGBIBIGAY SOLUSYON SA PROBLEMA

Page 14: Teoryang Humanismo 1

SALAMAT PO!