tayutay

14
Tayutay Cerlance

Upload: clarence-v-agpuldo

Post on 17-Oct-2014

291 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tayutay

Tayutay

Cerlance

Page 2: Tayutay

Tayutay ang tawag sa mga pahayag na may malalim na kahulugan.Ginagamit ito upang mas lalong mapaganda ang isang akda.Ginagamit ito upang hindi lantaran ang isang pahayag.Ito ay nakakapagdagdag interest sa mga mambabasa dahil sa taglay nitong kakaiba dahil sa nakakapagdagdag ito ng bukabularyo sa mambabasa.

Page 3: Tayutay

1. Simile ang tawag sa paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, o pangyayari.

Gumagamit ng mga kataga ; tulad, katulad, animoy, kasing, sing, gaya, atpb.

Ang kanyang kutis ay mamula-mula katulad ng rosas sa hardin.

Si Lucio ay gaya ni Tan na may matayog na pangarap sa buhay.

Page 4: Tayutay

2. Pagwawangis ang tawag sa tuwirang paghahambing sa dalawang tao o bagay o pagyayari.

Hindi gumagamit ng mga kataga na ginagamit sa pagtutulad.

Si Riko Yan ay modelo sa paningin ng mga kabataan.

Ang iba’t ibang bisyo ay hadlang sa mga mithiin sa buhay.

Page 5: Tayutay

3. Pagbibigay-katauhan ang tawag sa pagbibigay buhay sa isang bagay na walang buhay.

Ang pagbibigay katangian sa isang bagay na makikita lamang sa tao.

Nagalak ang buwan dahil sa mga kumukutitap na bituin sa langit.

Sumasayaw ang mga dahon dahil sa lakas ng hangin.

Page 6: Tayutay

3. Pagmamalabis ang tawag sa pagbibigay nang labis na paglalarawan sa isang bagay o kalagayan ng isang tao.

Bumukas ang pinto ng langit dahil sa kabaitang

ipinakita ni ana sa mga tao.

Nabali ang tadyang ng malikot na langgam.

Page 7: Tayutay

4. Pang-uyam ang tawag sa pagpupuri sa isang bagay o tao subalit kabalitaran ito sa tunay na ipinapakita.

Tunay nga siyang marunong magluto dahil ni isa ay walang pumupunta sa kanyang karindirya.

Napakagaling niyang lumangoy sa ipinakita niya na naging daan tungo sa kanyang kamatayan.

Page 8: Tayutay

5. Pagdaramdam ang tawag sa mga pahayag na nagsasaad ng damdamin isang tao o pangyayari.

Anumang mangyari sa ekonomiya ng bansa ay handang magtiis ang mga tao.

Tatanggapin ko ang resulta ng examin na bukas sa puso.

Page 9: Tayutay

6. Pagtawag o apostrophe ang tawag sa pakikipag-usap sa isang tao o bagay na hindi kaharap.

O’ tukso layuan mo ako.Dios ko tulungan mo ako.

Page 10: Tayutay

7. Pagapapalit tawag o metonomiya ang tawag sa pagpapalit katawagan sa isang bagay na tinutukoy.

Dahil sa pagbebenta ng bato ang dahilan ng kanyang pagkakakulong.

Siya ang ahas sa kanilang samahan.

Page 11: Tayutay

8. Pangtanggi o litotes > ang tawag sa paggamit ng hindi sa isang pahayag na sinasabi.

Hindi naman sa pagmamayabang pero kaya ko ring sumayaw ng hiphop.

Hindi ako manhid para hindi maramdamang niloloko mo ako.

Page 12: Tayutay

9. Tanong na retorikal ang tawag sa pagbibiday diin sa isang tanong na hindi nangangailangan ng sagot.

Pag-ibig! Bakit kay lupit mo?Katarungan? Katarungan bang matatawag ang

sinapit ko?

Page 13: Tayutay

10. Pagatatambis o antitesis ang tawag sa pagpapahayag ng dalawang magkasalungat na ideya.

Mahirap maging kaibigan ang taong iya, sapag naiinis sa mga maganda at pangit.

Siya ay naiingit sa mga mayayaman at nayayamot mahihirap na tao.

Page 14: Tayutay

11. Paradox ang tawag sa pagpapahayag sa waring salungat sa katotohanan pero kung susuriing mabuti ay may katotohanan.

Si ana at mario ay mag-isa na lamang sa buhay.

Oksimoron ang tawag sa pagtatambal ng dalawang salita na magkasalungat subalit katanggap tanggap naman.

Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa kanya pagbungad niya sa pintuan.