pagsasalin ng tayutay fil 111 new 123
TRANSCRIPT
“Ang Tayutay ay isang paglayo sakaraniwang kayarian ng wika upangmakapagbigay ng sariwa, naiiba at kasiya-siyang pagpapahayag at pagbibigay –katuturan sa tulong ng paghahambing ng dalawang bagayna magkaiba ngunit napagtutulad saisa’t-isa”
-Ongoco (Plorante at Laura1988:46)
Kung ang panulaan ay hitik sa mga tayutay, kakailanganin ng isan baguhangtagapagsalin o ng isang nagbabalakmagsalin na magkaroon ng mga batayangkaalaman sa partikular na aspetong ito ng wika.
Sa Simpleng pag papakahuluganang tayutay ay isang anyo ng paglalarawan na kaiba sakaraniwang paraan ng pananalita; maaaring patalinghaga na hindiliteral ang kahulugan ng mgasalita.
Uri ng TayutayMETAPORA AT SIMILE
• 3 Batayang Katanungan
– Ano ba ang Metapora? Ang Simile? Ano baang mga gamit nito?
– Paano ba nagkakatulad at nagkakaiba-iba angmga ito?
– Ano ba ang kaugnayan ng mga ito sapagsasaling-wika?
Ano ba ang Metapora? Ang Simile? Ano ba ang mga gamit nito?
• Mga tayutay na ang isang bagay, tao o hayop, ay inihahambing, itinutulad o ipinapalit saibang bagay, tao o hayop. Ang paggamit ng mga tayutay ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan sa diwa o mensahe na ibig nating ipahatid sa atingkapwa.
Ayon kay Newmark (AT 1988:84)
• “The purpose of metaphors (and similes) is to liven up other types of texts, to make them more colorful, dramatic, and witty, notoriously in journalism.”
Paano ba nagkakatulad at nagkakaiba-iba ang mga ito?
• Kapwa naghahambing ang metapora atsimile.
• Nagkakaiba lamang ang mga ito sa dahilangsa simile ay gumagamit ng mga kataga opariralang “tulad ng, gaya ng, animo’y,parang, para ng, kawangis ng, tila, (ka)sing-,”atbp.
Ayon kay Newmark (AT 1988:84)
• Similes are more precise, more restricted and usually less radical, less committed than metaphors, since they limit the resemblance of the “object” and its “image”. Thus they are generally easier to translate than metaphors.
Pansinin na malimit na angmetapora ay nagagawang simile o
ang kabaligtaran nito
• Simile: Si Nelia ay tulad ng isang talangmaningning.
• Metapora: Si Nelia ay isang talangmaningning.
• Simile: Ang daigdig ay tulad ng isang
tanghalan.
• Metapora: Ang daigdig ay isang tanghalan.
Subalit, hindi lahat ng paghahambing ay maituturing na
metapora o simile.Halimbawa A:• Kasimbigat ng daigdig ang problema ni Rico.• Kasimbigat ng problema ni Ben ang problema
ni Rico.
Halimbawa B:• Si Juan ay tigre sa kanilang lugar.• Si Juan ay maton sa kanilang lugar.
Ikatlong dahilan kung bakit hindidapat isalin salita-sa-salita ang mga
tayutay• May posibilidad na magkaiba ang mga salitang
ginagamit sa pagwawangis o pagtutulad sadalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Halimbawa, “there was a storm in the parliament yesterday”. Maari, sa pagsasaling-wika ay hindi ginagamit ang katumbas ng “storm” para sa “heated-debate”. Maaringisalin ito nang literal sa ganitong paraan: “May bagyo sa batasan kahapon”. Katanggap-tanggapnaman ang saling ito pero…
Pero…
• Mas angkop na salin ang hindi na sa paraangmetapora kundi sa tahas o tuwirangpakahulugan na lamang sa nasabing tayutay, tulad ng “nagkaroon ng balitaktakan (o mainitang debate) sa batasan kahapon o kaya, “Naging lubhang mainit ang pagtatalosa batasan kahapon.”
Pagsusuri ng Metapora at SimileApat na Bahagi ng Metapora o
Simile ayon kay Larson
• Paksa (Topic) – ang paksa ng unangproposisyon (di matalinghaga) sa ibangsalita, ang bagay na pinag-uusapan.
• Larawan (Image) - ang paksa ng ikalawangproposisyon (matalinghaga); sa ibang salita,ang inihahambing o itinitulad.
• Punto ng pagkakatulad (point of similarity)– nagpapakita kung saan partikular naaspekto nagkakatulad ang paksa(topic/subject/object) at larawan (image).
• Di matalinghagang katumbas (nonfigurativeequivalent) – kapag ang proposisyon nanagtataglay ng paksa ay isang “EVENTproposition” o may galaw o pangyayari.“COMMENT” ay di matalinghagangkatumbas.
Narito ang kanyang mgahalimbawa at mga pagsusuri:
• The moon is like blood.• The righteous judge will give you the crown of
life.
Sa unang halimbawa, ang ibinigay lamang ay angpaksa at ang larawan ng simile – “moon” at “likeblood”.
Walang “event proposition” o pandiwa, o galaw opangyayari. Ang punto ng pagkakatulad, ayon sakanya, ay malinaw – ang “red”
Mga Proposisyon at Analisis
Mga Proposisyon:
1. The moon is (red).
2. Blood is (red).
Analisis:
Topic “moon”
Image “blood”
Point of similarity “red”
Samantalang…• Sa ikalawang pangngungusap, The righteous
judge will give you the crown of life, angmetapora ay may event proposition o maypandiwa o galaw o pangyayari, kaya dapatmatukoy ang apat na bahagi nito.
Mga proposisyon:
1. (The officials) give (the victorious athlete) acrown.
2. (God), who judges righteously, will give you(eternal life).
Analisis
Topic - “God who judges righteously”
Image - officials
Point of similarity - receive a reward for doing well
Non figurative meaning - will give you eternal life
Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson
1. Panatilihin sa salin ang mga metapora o simile; saibang salita isalin nang literal kung natural oidyomatiko pa rin at nauunawaan nang maayos ngmga mambabasa.
Halimbawa:
Metapora
“mantle of darkness” – “lambong ng kadiliman”
“Your life is an open book to me” – “Ang buhay mo ayisang bukas na aklat sa akin”
Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson
1. Panatilihin sa salin ang mga metapora o simile; saibang salita isalin nang literal kung natural oidyomatiko pa rin at nauunawaan nang maayos ngmga mambabasa.
Halimbawa:Simile
“ cheeks like roses” – “mga pisnging tulad ngrosas”
“ Women are changeable as the weather” –“Ang mga babae ay pabago-bago tulad ngpanahon”
Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson
2. Gawing simile ang salin ng metapora o ang kabaliktarannito.
Halimbawa:
Metapora“The world is a stage.” – “Ang daigdig ay isang tanghalan”
Simile“The world is like a stage” – “Ang daigdig ay animoy isang
tanghalan”
Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson
3. Metapora na tinumbasan ng metapora rin.
Halimbawa:
• “still wet behind the ears”– “may gatas pa sa labi”
• “dressed to kill” – “nakapamburol”
• “hand-to-mouth existence”– “buhay na sangkahig-santuka”
• “she butters up her boss”– nilalangisan niya angkanyang boss”
Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson
4. Isalin nang literal ang metapora o simile at sundano samahan ng paliwanag o elaborasyon.
Halimbawa:
• “From a distance, the road in the mountain is a snake/like a snake.”
• “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay isangahas/parang ahas. Liku-liko.
• “Mula sa malayo, ang kalsada sa bundok ay liku-likong parang ahas.
• “He is an ox/like an ox.”
• Siya’y parang baka. Napakalakas niya.”
• Napakalakas niya. Para siyang baka.”
Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson
5. Isalin ang diwa ng metapora sa paraang hindi nametaporikal; sa ibang salita, tahas o tuwirang pahayagna lamang.
Halimbawa:
“bring home the bacon” – “iuwi ang tagumpay”
“lend me your ears” - “manainga kayo”, “pakinggan niyoako” o “makinig tayo (sa akin)”
“bossom friends” – “magkaibang matalik”
“fruit of his loins” – “kanyang inapo/lahi”
Limang paraan ng pagsasalin ng metapora ayon kay Larson
1. Transferring the image.
2. Finding the equivalent image.
3. Converting the metaphor to a simile.
4. converting
Metonimya (Pagpapalit-tawag)
• Ito ay isang uri ng tayutay kung saan angtawag sa isang bagay ay ipinapalit o inihahalili bilang talinhagang pantawag saisang bagay na ipinahihiwatig.
• Meto – salitang griyego “change”
• Onym – “name”
• (1) Pamalit sagisag
Halimbawa:
“The DECS suspended the teachers who went on strike”
salin: “Sinuspindi ng DECS ang mganagwewelgang mga guro”
-ang talagang sumuspindi sa mga gurongnagwelga ay si Dr. Carino, kalihim ng DECS. Ang DECS ay sagisag na ipinalit sa kalihim nasi Dr. Carino
(2) Wakas para sa simula; simulapara sa bunga
Halimbawa:
• Dahil sa masamang barkada at pagbubulakbol, kalabasa ang kanyangnaiuwi noong graduation day.
(3) Lalagyan sa halip na angnakalagay
Halimbawa:
“the kettle is boiling”
• Ipinaliwanag niya na hindi ang kettle angkumukulo kundi ang tubig na nakasilid ditosapagkat ang kettle ay hindi kumukulo.
Ang Sinekdoke (PagpapalitSaklaw)
• -Ito ay isang uri ng Tayutay na tumutukoysa relasyon ng bahagi at kabuuan (part whole) na kung saan ang bahagi ay kumakatawan sa kabuuan o kabaligtarannito.
Halimbawa:
“Give us this day our daily bread.” (Larson:113) ang “bread” na ipinalit, paliwanag ni Larson ay bahagi lamang ng pinalitang “ food.” Angpanalangin, ay talagang tumutukoy sa “pagkain” at hindi sa salitang “ tinapay” lamang.
“Only 8 hardy souls showed up for work.” (ipinalitang “ souls” sa “persons.”)
Pagsasalin ng Metonomiya at Sinekdoke
Sa bahaging ito’y mapapansin na angMetonomiya at Sinekdoke ay malaking-malakiang pagkakahawig sapagkat kapawanaglalahad ng pagpapalit. Ang totoo, malimitna di na gaanong pinapansin ngayon an pagkakaiba ng dalawa. Ito ang dahilan kung bakit magkapangkat ang dalawa .
Ayon kay Larson (MBT:114), tatloang paraang magagamit sa
pagsasalin ng metonomiya at sinekdoke.
Una, Ang metonomiya o sinekdoke ay maaring isalin sa paraang tahas, tuwiran o payak, sa ibang salita, hindi pa-tayutay.
Mga Halimbawa:
• “The Kettle is Boiling”salin: “Kumukulo ang tubig”
“ He has a good head”salin: “Matalino siya”
• “Martin Beni lives by his gloves”salin: Pagboboksing ang ikinabubuhay niMartin Beni”
Ikalawa, pagpapanatili saorihinal na metonomiya o sinekdokengunit sinundan ng paliwanag o elaborasyon.
Halimbawa:
• “The Government reintroduced the electric chair.”
• Ayon kay larson ito ay maaring maging ganito:
• “The Government reintroduced the execution by using the electric chair.”
• salin: “ Ibinalik ng pamahalaan angsilya elektrika”
Ang maaaring kasama na elaborasyon ay:
“Ibinalik ng pamahalaan ang hatol nabitay sa pamamagitan ng silya elektrika”
“ Ibinalik ng pamahalaan ang inialis nabitay sa pamamagitan ng silya elektrika.
Ikatlo, Pagtutumbas ng kahulugangmetonomiya (o sinekdoke) sa salin:
Halimbawa:
“Still wet behind the ears” at “May gatas pa sa labi”
Kung ang lahat ng salik ay patasmaaaring ang dalawang idyoma ay magkatulad na magkatulad ang kahulugan o mensaheng nais ipabatid.Kung ang makikinig sa unang pahayag ay amerikano at sa ikalawang pahjayag ay Pilipino.
Hindi katanggap-tanggap sa Filipino ang literal na salin na:
“Still wet behind the ears”
salin: “basa pa sa likod ng mga tainga”
Gayundin ang:
“May gatas pa sa labi”
“Still has milk on the lips”
Hyperbole
Eksaherasyon o pagmamalabis. Madalilng ang pagpapaliwanag ni Webster tungkolsa tayutay na ito: “ Exaggeration for effect, not to be taken literally.” Sa ibang salita, anghyperbole ay isang eksaheradong pahayag nasinasadyang gamitin ng nagsasalita o sumusulat upang mapag-ibayo angkatindihan o epekto ng diwa o mensahengkanyang ibig ipahatid.
• Isang halimbawa ng isang taludtod ng tulang “ Ang Bundok” ni Fidel M. Quilatco (Hiyas1:1965:133) na nagpapahayag ng magandanghalimbawa ng Hyperbole.
Lupang itinambak ng kamay ng DiyosAno’t nang lumao’y nakitang umumbok!Higante ba tilang sa pagkakatulogAy hindi napansing ginubat ang likod;Minsa’y nakatayong… langit: inaabotMinsa’y nakadapang… dagat: niyayapos!
Eksaherado ang lahat ng pahayag ngunitnapakaganda ng nagiging bisa o larawang-diwang nabubuo sa guniguni o isipan ng mambabasa.
“Florante at Laura”kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin.Mahal ka ring lubha dini sa panimdim;at kung mangyayari hanggang sa malibingang mga buto ko, kita’y sisintahin.
Pansinin na ang Hyperbole ay malaki ang
pagkakahawig sa Metapora sapagkat kapwa tigib ng
eksaherasyon, gayundin sa simile o di kaya’y
metonomiya sinekdoke.
Sa aklat ni Larson(MBT:117-19) ay mahahalaw natin
ang sumusunod na halimbawa: “They turned the world
upside down” “Im frozen to death”, “ who put all the
sugar in the world in this coffee?”
Sa pagsasalin ng Hyperbole , dapat mapanatili sa
salin ang eksaheradong bisa ng mensaheng ibig ikintal
ng awtor sa isip ng mambabasa.
Halimbawa sa tuluyan:
“Kumukulo ang dugo ko sa taong iyan”
“Bumaha ng dugo sa dami ng namatay salaban”
“tinging makalaglag matsing”
“nagkabuhol-buhol ang hininga”
“Pasan ang daigdig”
“gangga-ulo ng pusa ang subo dahil sa gutom”
Eupemismo (Euphemism)
Ito’y paggamit ng matalinghagang salitao pahayag bilang pamalit sa iabg salita o pahayag na nakakasakit ng damdamin o malaswang pakinngan.
Personipikasyon
Ito’y matatawag ding padiwangtao, ayonsa ibang awtor.
Nagbibigay-buhay o nagbibigay-katauhan itosa mga bagay na walang buhay; sa ibang salita, inililipat ang katangian ng tao sa mgakaraniwang bagay.
Halimbawa:
Pinasan ng magsasaka ang kanyang matapatna araro.
Kumakaway ang mga dahon sa ihip ng hangin.
Nagbabalita ng papalapit na pasko angmalamig na hangin.
Sinalunga ng mangingisda ang nagngangalitna mga alon.
The sea is mad.
Answer the phone.
• Pansinin na sa mga pangungusap na ito ay bibigyan natin ng “buhay” ang hangin, anglangit, ang sea, at ang telephone.
Narito pa ang isang mula naman sa sinulatng makatang si Ildefonso Santos.
Ang Araw,pagsikatAy may gintong dala,
Ako’y tinawagAng sabi’y “Bangon na”
Sa katanghalianAng araw ay galit,Ako’y nilalagyan
Ng apoy sa dibdib.
Ang araw kung hapo’yMadugo’t sugatan,
Sa akin ang bulong,“Magdasal,Magdasal.”
Panawagan
Kahawig din ito ng personipikasyon dito, angmga bagay na walang buhay ay waring may buhay at kinakausap.
Halimbawa:
O Buwan! Bumaba ka’t ako ay aliwin
• Ang “Florante at Laura” ni Balagtas ay saganang-sagana sa mga tayutay napanawagan, lalo na sa bahaging si Floranteay nakagapos sa isang puno higera sakagubatan.
Halimbawa:
“Ang lahat ng ito,maawaing langit,
Iyong tinutungha’y ano’t natitiis?”
PahirayaKahawig din ito ng personipikasyon at ng
panawagan sapagkat dito, ang isang hinihiraya o isang taong wala sa harap ay waring nagsasalitaat kinakausap.
Halimbawa:
Hayun, magkaakbay
Ako’t saka ikaw,
At nagtatampisaw
Sa tubig na kristal.
Parabula,Pabula, Alegorya
sumasaklaw ang mga ito sa tatlong uri ng salaysay na kalimitan ay nagbibigay-aral.
PARABULA
Ang parabula ay humahango sa banal nakasulatan, tulad ng “Ang Alibughang Anak”
(The Prodigal Son)
Pabula
Gumagamit naman ng mga hayop napinapakilos at pinagsasalita na ang tuon ay ang mga kasalanan at kahinaan ng tao.
Halimbawa:
Ang usa at ang pagong”
At iba pang pabula ni Esopo.
Alegorya
Nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan ay nagbibigay din ng makabuluhang aral sabuhay.
Antitesis at Epigram
• Malaki ang pagkakahawig ng antetisisat ng epigram sa isa’t isa sapagkatkapwa nagpapahayag ng magkasalungat na bagay.
• Naiiba lamang ang epigram sa dahilangito’y may kaiklian at katalinghagaan.
Halimbawa ng antitesis: (hango saRetorika ni Sebastian:123)
Mahiram pakisamahan ang isang taongkatulad niya…sala sa lamig, sala sa init, ayawng katahimikan at kasayahan, nayayamot sahangal. Aywan ko kung sa anong uri ng nilalang siya napapabilang.
Halimbawa ng Epigram
• Ang lakas ng mga babae’y nasa kanilangkahinaan.
• Ang kagandaha’y nasa kapangitan.
Mula sa Florante at Laura:
Katiwala ako’t ang iyong kariktan,
Kapilas ng langit anaki’y matibay,
Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
Na ang paglililo’t nasa kagandahan.
Ironya o Pag-uyam
ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan, ng pangungutya, panunuya o pang-uuyamsa pamamagitan ng mga salita o pahayag nakapg kinuha ang paimbabaw na kahuluganay waring pamumuri sa tinutukoy.
Sa ibang salita, kabaliktaran ang kahuluganng sinasabi.
Halimbawa:
Kapg tinignan mo ang bestida ngayon ng mga dalaga, iisipin mong mga matipidsila kaysa mga dalga noong araw.
Paradoks
Isang paraan ng pagpapahayag na sabiglang-isip ay waring taliwas sa katotohanano sa sentido komun, ngunit kapg sinuringmabuti ay malilirip na mayroon palangmatatag na batayan.
Halimbawa:
Isa, saka isa ay isa at hindi dalawa. (pagpapakasal o pag-aasawa)
Oksimoron
paghahalo ng dalawang salitangmagkasalungat na nagiging katanggap-tanggapsa nakaririnig o nakababasa.
Halimbawa:
Nakakabinging katahimikan ang kanyangnadama.
Nang siya ay nasok sa silid na yaon nakinaburulan ng libong pangarap at mga pag-asa.
Onomatopeya
Paggamit ng salitang kahawig o katunog ng nginangalanan.
Halimbawa:
At habang siya’y nakaluhod
at taimtim na nagdarasal
ang tunog ng batingaw na umaalingawngaw
sa tulong niyang guniguni’y
dambuhalang pumupukaw.