tapat vol 2 no 5

8
TAPAT SA BALITA TAPAT SA BUHAY www.tapatnews.com @tapatnews /tapatnews [email protected] Pana-panahon... MAR 27 MAR 28 MAR 29 MAR 30 MAR 31 APR 1 APR 2 Partly Cloudyt Partly Cloudy Clear Partly Cloudy Mostly Sunny Mostly Sunny Mostly Sunny It’s good to know that... A National Institutes of Health study showed that “couples using Natural Family Planning methods had statistically higher self-esteem and intellectual intimacy than couples using oral contraceptives.” MARSO 27 - ABRIL 2, 2014 VOL 2 NO 5 - Pahina 3 Nitong Marso 22, daan-daang mga pro-lifers ang nagmartsa mula T. M. Kalaw Street hanggang Quirino Grandstand, tangan ang imahe ng Mary Mediatrix of All Grace, bilang pagprotesta sa RH Law na siyang dedesis- yunan ng Korte Suprema ngayong Abril. (photo: Raymond Sebastian) BANTA NG IMPEACHMENT INIUMANG SA SC JUSTICES!

Upload: tapat-ang-balitang-totoo

Post on 23-Mar-2016

263 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Tapat Vol 2 No 5

TAPAT SA BALITA TAPAT SA BUHAY

www.tapatnews.com@tapatnews /tapatnews [email protected]

Pana-panahon...

MAR 27 MAR 28 MAR 29 MAR 30 MAR 31 APR 1 APR 2Partly Cloudyt Partly Cloudy Clear Partly Cloudy Mostly Sunny Mostly Sunny Mostly Sunny

It’s good to know that...A National Institutes of Health study showed that “couples using

Natural Family Planning methods had statistically higher self-esteem and intellectual intimacy than couples using oral contraceptives.” MARSO 27 - ABRIL 2, 2014 VOL 2 NO 5

- Pahina 3

Nitong Marso 22, daan-daang mga pro-lifers ang nagmartsa mula T. M. Kalaw Street hanggang Quirino Grandstand, tangan ang imahe ng Mary Mediatrix of All Grace, bilang pagprotesta sa RH Law na siyang dedesis-yunan ng Korte Suprema ngayong Abril.

(pho

to:

Ray

mon

d Se

bast

ian)

BANTA NG IMPEACHMENT INIUMANG SA SC JUSTICES!

Page 2: Tapat Vol 2 No 5

2 MARSO 27 - ABRIL 2, 2014balitaLIFE NEWSRH Law hindi makatutulong

sa ekonomiya

MANILA -- Muling igi-niit ng isang ekonomista na hindi ang pagbawas sa populasyon ng Pilipinas ang sagot upang umun-lad ang bansa.

Ayon kay Economics professor Gary Olivar, Trustee ng Foundation for Economic Freedom, maraming dapat gawing reporma sa ekonomiya ng bansa para sa pag-un-lad at hindi na kailangan ang Reproductive Health Law na kokontrol sa pop-ulasyon.

Kabilang na sa reporma ng economic provisions ay ang sa halip na land reform lamang ang ipatu-pad para sa mga magsa-saka, dapat silang bigyan ng dagdag na pondo para sa kinakailangang pataba sa lupa at ang pagpapala-wak ng farm to market roads upang mapataas

ang kanilang kita.“Sa simula pa lamang

ang RH Law masama na pinanggalingan. Remem-ber, marami tayong na-tanggap na report na para lamang maipasa ang RH Law ay may mga sinuhu-lang pulitiko sa dalwang kapulungan ng Kon-greso. Kung ganito ang pinanggalingan ng batas, masama talaga ang kahi-hinatnan nito,” dagdag ni Olivar.

Sa isang panayam sa Radio Veritas, ipinaliwa-nag ni Olivar na naka-paloob sa naturang batas ang paniniwala na ang tanging solusyon upang tumaas ang kita o kabu-hayan ng mga Pinoy ay kinakailangang bawasan ang dami ng tao sa bansa.

“Madaling gawin ‘yan e. Pumatay na lang tayo ng kapwa [at] tataas din ang

per capita,” ayon kay Olivar.

Idiniin ni Olivar na kaugnay sa industriya ng agrikultura ang pag-unlad ng bansa

“Halimbawa, sa halip na land reform la-mang…bigyan sila ng abono, dagdag na farm to market roads para tu-maas ang kanilang ani,” paliwanag pa nito.

Una nang nilagda-ang batas ng Pangulong Aquino ang RH Law noong Disyembre 2012, ngunit, naka Status Quo Ante Order (SQA) ito hanggang ngayon dahil sa iba’t-ibang petisyon laban sa pagpapatupad nito ang dinidinig ng Korte Suprema kung saan magaganap ang deliberasyon sa Abril 8 sa Baguio City. (Veritas)

Mga kontraseptibo binulgar ng kilalang doktor

GUBAT, Sorsogon – Ibinunyag ng isang kilalang obstetrisyan at ginekologista ang mga kahila-hilakbot na epekto ng artip-isyal na mga kontraseptibo sa isang lek-tyur na inorganisa ng Augustinian com-munity noong Marso 22 sa Our Lady of Peñafrancia Chapel, barangay Tiris.

Ayon kay Dr. Eleanor de Borja-Pala-byab, MD, pangulo ng Doctors for Life Philippines (DFLph), maraming mga nakatagong masasamang epekto ang mga kontraseptibo sa katawan ng mga babae.

Idiniin ni de Borja-Palabyab na ang natural na kakayahan ng katawan ng babae na magdalang-tao ay hindi “isang sakit” at isang “normal” na kondisyon. Ang lahat na likas sa tao ay hindi nan-gangailangan ng gamot, kung hindi, magkakaroon ng kakaibang reaksyon ang katawan dito.

Dagdag pa ng doktor, ang paggamit ng artipisyal na kontraseptibo ay parang baliktad na pagpihit sa mga kamay ng isang orasan.

Napabalita na ang nakamamatay na epekto ng mga artificial contraceptives tulad ng kanser sa suso, serviks, at atay, ayon sa World Health Organization (WHO).

Ang mga kababaihang umiinon ng pil-doras nang apat na sunud-sunod na taon ay may 50 porsiyentong mas mataas na

probabilidad na magkaroon ng kanser sa suso, ani de Borja – Palabyab.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng kanser sa suso sa Asya dahil sa mga kontraseptibo na ipinapalaganap ng industriya at ng pamahalaan sa pamamagitan ng me-dia.

Paliwanag pa ni De Borja-Palabyab na binabawasan ng mga pildoras ang natural na asido ng mga babae na si-yang nagiging proteksyon nila laban sa bakterya. Kung ang likas na protek-syong ito ay naubos, ang mga micro organismong nagdudulot ng sakit ay aatake sa katawan ng babae, dagdag pa nito.

Ang matataas na estrogen content sa katawan ng isang babae ay mag-dudulot ng pamumuo ng dugo sa utak at puso, ayon kay de Borja-Palabyab. Mayroong mga naitalang 43 kaso ng mga babaeng binawian ng buhay sa Inglatera dahil sa pamumuo ng dugo sa baga matapos ang pag-inom ng 2nd at 3rd generations pills. Ang mga na-sabing artificial contraceptives ay nag-dudulot din ng alta-presyon na maaar-ing mauwi sa stroke.

Samantala, linalason ng Intrauterine Device (IUD) ang egg cell o ova ng ba-bae sa pamamagitan tanso na nakasin-git sa matris.

Mahigit isang taon matapos ang pagpasa ng RH Law, patuloy pa rin ang protesta laban sa nasabing batas tulad ng katatapos pa lamang na "A March for Life" rally noong Marso 22 sa Maynila.

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT

[email protected]

Ni OLIVER SAMSON

Page 3: Tapat Vol 2 No 5

3MARSO 27 - ABRIL 2, 2014 balita{{What’s up in Church?}}

= From the Saints =“The conception and birth of Jesus Christ are in fact the greatest work accomplished by the Holy Spirit in the history of creation and salvation…”- Dominum Et Vivificantem , The Holy Spirit in the Life of the Church and the World (#50)

= Blessed Pope John Paul II =

Ni PAUL DE GUZMAN

Oremus: A Lenten Eucharistic Adoration [14 April, 7.30 p.m., Our Lady of the Abandoned

Shrine of Marikina]For more information, email [email protected]

2nd Fiesta Fun Run [27 April, Parish of the Lord of Divine Mercy, 5 a.m.]

For more information, contact Win at 0927-7245445 or Lorena at 0909-5394784

Banta ng impeachment iniumang sa SC justices!

MANILA -- Ilang miyembro ng Mababang Kapulungan na pinangungunahan ni Orien-talMindoro Rep. Reynaldo V. Umali (2nd district) ang muling nagbanta ng impeachment la-ban sa tatlong ‘di pinangalanang miyembro ng Korte Suprema.

Ayon kay Umali, panahon na upang panagutin ang il-ang tiwali sa Korte Suprema na ayon sa una ay tila lu-malagpas na sa tungkulin.

Matatandaang ibinasura ng Korte Suprema ang legalidad ng 2013 Pork Barrel na siyang isa sa mga nakikitang dahi-lan upang patalsikin sa pu-westo ang ilang mahistrado ng kataastaasang hukuman.

Isa pa diumanong dahilan ay ang desisyon ng Korte Su-prema na Ipapawalang-bisa ang pagkapanalo ni Regina Ongsiako-Reyes bilang Ki-natawan ng Marinduque.

Sa House Resolution (HR) No. 597, kinikilala ang Ka-mara de Representantes bi-

lang tanging may karapatan sa usaping electoral protest laban sa mga mambabatas.

Ilang kilalang tagapag-taguyod ng kontrobersyal na RH Law naman ang nagpa-kita ng suporta sa naturang banta ng impeachment, ka-bilang na sina Ilocos Norte Rep. Rodolfo C. Fariñas (1st district), Dinagat Island Rep. Arlene J. Bag-ao at Iloilo Rep. Niel C. Tupas, Jr. (5th district).

Noong nakaraang isang taon ikinabahala ng ilang miyem-bro ng Kamara angpagpapa-lawig ng status quo ante or-der (SQAO) laban sa RH Law.

Matatandaan sa kanyang privilege speech, ibinulgar ni senador Jinggoy Estrada ang dagdag na pork barrel na insen-tibo sa mga mambabatas kapalit ng pagboto pabor sa dating RH Bill (SB 2865) at pagboto sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.

Kilala rin ang mga na-banggit na sumusuporta sa

impeachment bilang mga tumayong prosekutor ng napatalsik na dating Chief Justice ng Korte Suprema.

Samantala,mahigit kumu-lang 3,000 katao mula sa ibat-ibang Katolikong organisasyon ang nagmartsa kamakailan upang ipahiwatig ang mari-ing pagtutol sa Republic Act (RA) 10354 o kilala bilang Reproductive Health (RH) Law na naglalayong kontro-lin ang populasyon sa bansa.

Nakatakda namang ganapin sa Baguio sa darating na Abril 8 ang huling bahagi ng deibera-syon ng Korte Suprema sa RH Law at maaaring sa mga susu-nod na araw ay pagdesisyunan na rin ng Korte Suprema ang kahihinatnan ng Disbursement Acceleration Program (DAP), kilala bilang president’s pork barrel na unang nang isini-walat na pinagmulan ng mga insentibo para sa pagboto pa-bor sa RH Bill at pagboto sa pagpapatalsik kay CJ Corona.

Page 4: Tapat Vol 2 No 5

4 MARSO 27 - ABRIL 2, 2014editoryal

AREOPAGUS SOcIAL MEDIA FOR ASIA INc.Publisher

NIRvA DELAcRUzEditor in chief

SKY ORTIGAScreative Director / Online Editor

YEN OcAMPOMarketing Director

Tapat is published every Thursday by Areopagus Social Media for Asia Inc.

Unit 306 HHc Building Basco cor victoria Sts., Intramuros Manila 1002

You can reach us through the following:Landline # (02) 788 07 04

Email: [email protected]: www.tapatnews.com

All rights reserved 2014

Editoryal

RH Law, dagdag pahirapSa darating na Abril 8,

tatalakayin sa huling de-liberasyon ng Korte Su-prema ang Republic Act

(RA) 10354 o kilala bilang Re-productive Health (RH) Law. Ayon sa mga nagsusulong nito, ang RH Law ang sagot sa ka-hirapan ng bansa na pinanini-walaang kokontra sa paglobo ng populasyonkung saan, ang malaking populasyon ay nag-dudulot diumanong kakulan-gan sa pagkain at trabaho.

Maganda man ang hangarin, taliwas ito sa kanyang layunin. Ang matinding kahirapan ng bansa ay dulot, hindi ng kaku-langan kung hindi, ng kaga-hamanan ng iilan. Kahit saang palengke sa Maynila kitang mas mauunang mauubos ang perang pangpalenke at hindi ang bili-hin. Ibig sabihin,ang problema ay nagkukulang na ang kara-niwang Pilipino sa panggatos, sanhi na rin ng patuloy na pag-taas ng bilihin, habang nanana-tiling maliit ang sinasahod.

Tila nakatuon sa mga ma-hihirap ang RH Law sa kada-hilanang ang mga mahihirap nating kababayan diumano ang

karaniwang may maraming anak at hindi naman natutu-gunan ang pangangailangan ng mga ito. Totoo ito, ngunit ang paraan upang ma-solusyu-nan ito ay ang paglikha ng mga trabaho upang matugunan ang mga pangangailangan.

Sinasabi rin na walang kon-tribusyon sa ekonomiya ang mahihirap kaya dapat lang na sila ay bawasan. Ang ganitong pananaw ay makasarili. Ang mahihirap nating kababayan ang siya mismong nagpapala-go sa ating ekonomiya. Napan-sin ba ninyo ang tila pagdagsa

ng mga produktong mabibili ng tingi? Sachet ng shampoo, mantika, kape -- halos lahat na ata ng produkto ay may tingi. Ito ay dahil ang bawat mahi-rap nating kababayan ay may kakayahang bumili lamang ng tingi. Madalas din sinasabing hindi naman nagbabayad ng tax ang mga mahihirap. Tila sobra na itong pagmamaliit sa ating mga naghihirap na kababayan. Hindi alam ng karamihan na bawat produk-tong nabibili, maging ang pagsakay sa tricycle at jeep, ay may porsiyentong napupunta

sa buwis.Lingid din sa kaalaman ng

karamihan na upang matupad ang adhikain ng RH Law ay mangangailangan ng karag-dagang tax na siyang magbibi-gay ng pondo bilang pangbili ng pills at condoms. Maging ang mga tutol dito ay walang magagawa. Napakalaki ng 13.7 bilyones kada taon na ga-gastahin sa RH Law. Sapat na ang ganitong kalaking pondo upang makapagbigay ng edu-kasyon para sa libo-libong mahihirap. Ang napakalak-ing halaga na ito ay kukunin

din naman sa atin at hindi ito tulong at solusyon kung hindi dagdag pahirap lamang sa at-ing naghihikahosna mga kaba-bayan.

Sa pagpasa noon ng Value Added Tax (VAT) lumobo ng halos doble ang bilihin gaya na lamang ng gasolina na nag-kakahalaga lamang ng P25 ay pumalo na ng P45. Kapag ang RH Law ay pinagtibay ng Ko-rte Suprema asahanna natin ang bigat na ikakarga nito sa ating mga balikat.

Hangga’t maaga dapat ay maging mapanuri tayo sa mga batas na ipinapanukala. Hindi natin alam na kadalasan ang mga batas na naipapasa na akala natin ay makatutulong ay siya mismong tuluyang maglulugmok sa atin sa kahi-rapan. At kung may makikina-bang man sa RH Law, ito ay ang mga kumpanyang gumagawa ng pills at condoms kaya ga-noon na lamang ang kanilang suporta sa batas, kaya ganoon na lamang ang kanilang pag-buhos ng pondo maipatupad lamang ang RH Law na dagdag pahirap.

“Maganda man ang hangarin, taliwas ito sa kanyang layunin. Ang matinding kahirapan ng bansa ay dulot, hindi ng kakulangan kung hindi, ng kagahamanan ng iilan. Kahit saang palengke sa Maynila kitang mas mauunang mauubos ang perang pangpalenke at hindi ang bilihin. Ibig sabihin,ang problema ay nagkukulang na ang

karaniwang Pilipino sa panggatos .”

Page 5: Tapat Vol 2 No 5

5MARSO 27 - ABRIL 2, 2014 opinyonNANG SIMULANG

LIKHAINFr. Benny Tuazon

Marahas man ang batas

“Hindi ko rin sigurado kung may mga kadeteng nagkamali, subalit nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung mayroon man, maliit ang posibilidad na malaman natin kung sino sila,

kailan at anong dahilan. Ganito ang kultura sa sandatahang lakas na parang isang pamilya na sila-sila na mismo ang umaayos kung mayroon

mang gusot.”

DAMDAMIN at lohika ang dalawang pangunahi-ng bagay na nakakaapekto sa pagdedesisyon ng isang tao. Isa ang mas nakalala-mang sa dalawa, depende sa lakas ng pagkontrol sa sarili. May mga maitata-wag tayong mga taong emosyonal na ang mas si-nusunod ay ang bugso ng damdamin at mayroon namang ang pinapairal ay kung ano ang naiisip ni-yang mas tama. At kada-lasan din ay depende ito sa sitwasyon kung alin ang pinagbabatayan niya sa pagdedesisyon.

Naging maingay sa social media nitong na-karaan ang patungkol sa pagkakadismiss ng isang

patapos na sanang kadete ng Philippine Military Academy (PMA). Nag-simula ito nang magpost ang kanyang kapatid sa

social networking site na Facebook upang humingi ng tulong at suporta ng tao patungkol sa natanggap na parusa nito sa loob ng in-stitusyon na nagresulta sa

kanyang dismissal. Mar-ami ang nakisimpatya sa kadete hanggang kumalat ang balita at umabot sa mga taga-media. Marami ang nagalit sa binigay na parusa ng PMA na sa tingin ng karamihan ay sobra. Sabi pa nga ay tila lumalabas na ipokrito ang institusyon dahil marami sa mga alumni nito ang ngayon ay kinikilalang korap ng ating lipunan, samantalang itong kadete

ay may mas mababaw na kasalanan ay pinarusahan ng ganoon kabigat sa kan-yang nagawa.

Sa kabilang banda, may ilan namang sumang-

ayon sa desisyon ng PMA. Anila, bilang institusyon na lumilinang ng maram-ing lider ng sandatahang lakas at ng gobyerno, marapat lamang na lagyan nila ng mataas na paman-tayan ang kanilang estudy-ante.Kung may mali man ang ilang mga graduate nito, hindi pa rin masisisi ang institusyon dahil may kanya-kanya silang desisy-on sa buhay. At kung may gusto mang pagbabagong

mangyari ay dapat na simulan ito sa mga bago at nagsi-simula pa lamang at asahang dadal-hin nila ito kapag sila na ang mga nasa taas.

Sa kabila ng maraming su-porta, paghingi ng tulong sa ilang

ahensya kasama na ng Ko-rte Suprema, hindi na na-baligtad pa ang desisyon ng PMA. Nakalulungkot man, subalit nakaladkad

SAILINGFr. Roy Cimagala

Cruising the digital world

Everyone knows that the digital world can have two effects. It is good to those who are good, and in fact, it will im-prove them. But it is bad also to those who are bad or weak, and it tends to

worsen them.

WE have to learn how to cruise the digital world. It’s practically part of eve-ryone’s life now, offering a lot of good, but also a lot of dangers. We should know how to make use of it without compromis-ing our dignity as persons and children of God.

This highly techno-logical world introduces us to a virtual environ-ment that is like a super-superhighway with much heavier and more compli-cated traffic than what we experience in our busiest thoroughfares. Its range and scope is not local, but global, and it touches on practically all aspects of our life.

If in our transport sys-tems, we need regulations like registration of vehi-cles, licensing of drivers

with their respective peri-odic renewals, and other things like traffic road signs and traffic aides, we have to realize that we need more or less the same set of regulations in our

digital world.Obviously, the regula-

tions here would be more extensive and compre-hensive than what we have in our transport sys-tems. They should cover, not only considerations

of practicality and con-venience in our needs of knowledge and communi-cation, but also and more importantly, considera-tions of appropriateness, morality and spirituality.

Everyone knows that the digital world can have two effects. It is good to those who are good, and in fact, it will improve them. But it is bad also to those who are bad or weak, and it tends to worsen them.

Digital citizens and us-ers should therefore be

clear about their identity and dignity as persons and children of God who are supposed to be ruled by truth and love, and all their consequences of jus-tice, mercy, compassion, and of concern for one an-

other and for strengthen-ing our relation with God.

he ideal would be that every time they are in the digital environment, they should learn to see God there and to be motivated only by love for God and for others. They should ask themselves after using the Internet, “Am I now a better person and child of God with what I have seen and done online?”

Unless this basic re-quirement is met, one would enter into a high-

way that is a slippery slope toward all forms of self-seeking with their usual company of greed, envy, vanity, lust, gluttony, and sloth. Conflict and contention

would not be remote in this arena. Unrestrained competition and rivalry would surge.

That is why, this identity of the digital citizens as

‘Yun na lamang pagtatapon ng basura kahit saan ay malinaw na pagla-

larawan nito. Alam natin na ang mga napabayaang mga basura ay pinag-mumulan ng maraming mga sakit.

Ang mga insektong dumadapo dito ang siyang nagdadala ng mga mikrobyong

nagdudulot ng sakit sa tao. Kapag humalo ang basura sa tubig, mas

malala pa ang epidemya. Ano ang aral? Pamalagiing malinis ang paligid at

itapon ang basura sa tamang lalagyan.

Noong nakaraan ay tinalakay natin ang kato-

tohanang lahat sa mun-do ay may hangganan. Gaano man katagal, ano man o sino mang nilalang ay may huling hantungan. Pero may-roon pang isang ma-halagang katotohanan. Iyon ay ang lahat din ng nilalang ay magkaka-ugnay. Oo, may angk-ing ugnayan ang lahat at hindi lamang ang mga m a g k a k am a g - an a k , magkakababayan, mag-

kakalahi, magkakatra-baho, magkaka-eskwe-la, magkaka-ibigan, o “friends” sa Facebook at iba pang social net-works. May kaugnayan din tayo sa lupain, hala-manan, mga hayop, ka-likasan, araw, bituin, at lahat –lahat na!

Hindi naman mahi-rap unawain na kailan-gan nating igalang ang kapwa natin. Malinaw sa utos ng Panginoon at kahit sa batas ng tao na masama ang manakit, lalo na ang pumatay. Ang bawat tao ay nila-lang na kawangis ng Diyos. Binigyan ng Diyos ng dignidad ang bawat tao. Higit sa lahat, ginawaran ng Diyos ang tao ng kaluluwa at pa-

Lahat tayo ay magkaka-ugnay

nanagutan na mangasiwa sa lahat ng nilalang. Sub-alit, may angking kahala-gahan din ang iba pang nilalang. Maling isipin na kahit ano man ang gawin natin sa kanila ay bale wala ito sa atin. Bagkus, dapat nating isaalang-alang na may balik iyon at kung minsan ay mat-indi.

‘Yun na lamang pag-tatapon ng basura ka-hit saan ay malinaw na paglalarawan nito. Alam natin na ang mga napa-bayaang mga basura ay

pinagmumulan ng mara-ming mga sakit. Ang mga insektong dumadapo dito ang siyang nagda-dala ng mga mikrobyong nagdudulot ng sakit sa tao. Kapag humalo ang basura sa tubig, mas malala pa ang epidemya. Ano ang aral? Pamalagi-ing malinis ang paligid at itapon ang basura sa tamang lalagyan. Hin-di lang iyon. Ang mga pabrikang nasa gilid ng mga ilog tulad dito sa kalakhang Maynila ay ta-punan ng mga basurang kemikal. Marami sa mga kemikal ay nakalalason at hindi nawawala kahit matapon sa ilog. Mala-mang sa hindi ay hahalo

- Pahina 6

- Page 6

THE JUMPING WALLRogie Ylagan

- Pahina 6

Page 6: Tapat Vol 2 No 5

6 MARSO 27 - ABRIL 2, 2014balitapersons and children of God who are necessarily connected with everybody else and governed by truth and love should always be protected, maintained and strengthened.

Toward this end, it stands to reason that digital citizens and users should be men and women of prayer, of virtues, of clear criteria based on sound human and Christian moral principles. They should know the true nature and meaning of freedom, avoiding using freedom as “a cloak for mal-ice,” as St. Peter said in his first letter (2,16). Otherwise, they would be confused and lost -- easy prey to the many subtle conditionings all of us are exposed to: physical, emotional, psychological, social, cultural, historical, economic, political.

And since many young people are very much involved in the digital world, the elders and oth-ers in authority and influence should do everything to inculcate in them this proper identity and dignity of being persons and children of God, brothers and sisters with one another, ruled by truth and love.

These youngsters are typically highly driven by their curiosities, but with curiosities that spring and are maintained usually by unpurified impulses and peer pressure. They really need to be taken care of, but in an appropriate way, since they also do not like to be treated like babies.

If before a youngster is allowed to drive a car in our public road system, he has to have the proper age requirement, the appropriate physical and health condition, and has to be trained and tested, then it stands to reason that this youngster all the more would need a similar set of requirements before he is allowed to cruise in the more dangerous digital thoroughfares.

This attitude toward the digital world should be developed first of all in the family, then in church-es and schools, and then in other public places like offices, hospitals, and the like.

We should understand that the digital world is not a free-for-all world. It would be a deadly understanding of freedom if that is how we understand the freedom we enjoy in our digital world.

It has to be properly regulated, so we can cruise it safely and fruitfully.

Web of self-pursuit.... from page 5ito sa mga katubigan. Sa pagdaloy nito maaari itong mainom ng mga isda o, kung makarating sa malapit sa mga taniman, masipsip ng mga gulay. Hindi rin matutunaw ang mga kemikal na ito. At kung palarin tayong makain ang gulay o isdang iyon, mapupunta ito sa ating katawan at doon ito magiging sanhi ng malulubhang sakit. Diyos lamang ang nakaaalam kung gaano karaming tao ang maaapektuhan nito. Ano uli ang aral? Ang itinapon ay hindi nawawala. Babalik at babalik ito sa ibang paraan at panahon.

Marami pang ibang halimbawa. Ang hangin na ating nilalang-hap ay hindi lamang ang hangin sa ating paligid, bayan o bansa. Alam mo ba na ang hangin sa mga kagubatan ng Brazil ay na-kakarating sa atin? Ang polusyon sa Tsina, akala mo ba ay taga-Tsina lamang ang naaapektuhan? Damay-damay din tayo dahil sa dulot nitong pag-init ng mundo at pagbabago ng klima. Ang lamig tuwing Disyembre hanggang Pebrero ay dahil sa mga na-tunaw na yelo sa ibang bansa. Kahit pulo ang Pilipinas, nakara-rating ang maraming bagay-bagay dito dahil sa pagpapalitan ng mga produkto at paglalakbay ng tao. Hindi natin maiiwasan ang makitungo sa isa’t-isa. Lahat tayo ay magkakaugnay.

Ang mang-aawit na si Joey Ayala ay sumikat dahil sa kanyang mga awiting pangkalikasan. Isa sa mga awiting iyon ay ang “Mag-kakaugnay.” Ang mga titik ng awiting ito ay nagpapaala-ala ng ating kaugnayan sa isa’t-isa, tao man o bagay, may buhay man o wala. Hayaan natin ang awitin ang magbigay liwanag:

Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay Sa gitna ng kalawakan Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay Sa halaman, sa hayop at sa atin Iisang pinagmulan Iisang hantungan ng ating lahi Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito Sa lupa, sa laot at sa langit

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang Katolikong santong si Francisco ay ganun na lamang ang pagmamalasakit sa ka-likasan. Sa tindi ng kanyang pagkilala at paggalang sa mga nila-lang, tinawag pa niyang kapatid ang araw at ang buwan. Hindi man kapatid sa dugo, tiyak namang ka-patid natin ang mga iyon sa Diyos na may lalang. Tunay na ang mga nilalang ay ginawa ng Diyos para sa ating kapakinabangan at kaligtasan. Subalit bahagi ng pananagutan at kalagayang iyon ang paggalang at pangangal-aga sa mga ito. Sikapin nating mapanatili ang pagtataguyod ng mga ito habang pinakikinabangan natin. Alalahanin natin, dahil tayo ay magkakaugnay, apektado tayo sa bawat mangyayari sa ka-pwa nating nilalang gaano man ito kaliit.

Lahat tayo ay magkaka-ugnay... mula pahina 5

Ang pagniig sa ganitong panahon ay maaaring kalugod-lugod sa Diyos. Dapat ring tandaan ang pag-niniig ay sagrado.

Marami ang natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya at ang mga ito mismo ay itinataguyod ng Simbahan gaya na lamang ng napakaepektibong ‘Billings Method’ at iba pa. Importanteng magpakun-sulta sa isang dalubhasang doktor upang malaman ang iba’t-ibang uri nito.

Ang mga natural na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya ay ligtas at sadyang walang gastos kung ikukumpara sa mga artipisyal na paraan gaya na lamang ng pildoras, IUD at injectibles kung saan mar-ami na ang naitalang namatay dahil na rin sa mga masasamang epekto nito sa katawan ng isang babae.

Ipinagbabawal ng Simbahang... mula pahina 7

We (the law and I) have this love-hate relationship that lasted long until God allowed me to work in a prosecution office where the words of law came alive. I saw people helpless and unassertive about their rights. Napapadasal ako minu-minuto sa trabaho ko that I may render justice sa bawat case na nireresolba ko. Andun ‘yung hugot ng public service .

And I come to realize that God answered my prayer song to Him when I was 9... Make me a serv-ant humble and meek. Lord let me lift up those who are weak. And may the prayer of my life always be... Make me a servant, Make me a servant, Make me a servant today...

Aside sa lawyering, I love theater. I was a director and scriptwriter for Teatro Entablado (a PSU theater group). I also do events organization for the Palawan Music Artists Guild.

And lastly, I am a member of CFC Singles For Christ. I love mission trips. Ang bulk actually ng buhay ko is serving God through SFC. I have been in the community for nearly two decades na kasi I started in YFC. ‘Yung deepest need to serve God ay na ignite lalo sa SFC.

Music + Law... from page 8

Marahas man ang batas... mula sa pahina 6na nga ang buong institusyon dahil sa sunod-sunod na pagbato ng opinyon, naang karamihan ay wala namang nalalaman sa kala-karang militar. Taon-taon ay marami ang kadeteng nadi-dismiss sa PMA. Wala akong detalye ng mga dahilan ng kanilang mga pagkakatanggal. Hindi ko rin sigurado kung may mga kadeteng nagkamali, subalit nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung mayroon man, maliit ang posibilidad na malaman natin kung sino sila, kailan at anong dahilan. Ganito ang kultura sa sanda-tahang lakas na parang isang pamilya na sila-sila na mismo ang umaayos kung mayroon mang gusot . Ngunit sa pagkakataong ito na ang isyu ay sumabog at kumalat na, tila nawala ng tuluyan ang kaliit-liitang tsansa na ang kadete ay mapagbigyan pa -- nangyari nang nadamay ang pangalan ng institusyon at mga alumni.

Kung mapapatawad at mapagbibigyan ang kadeteng ito ngayon, ano pa ang pipigil para magreklamo rin ang iba pang nadismiss at madidis-miss pa sa susunod na pagkakataon? Ano ang mangyayari sa institusy-on kung aalisan ng ngipin na ipatupad ang kanilang mga kautusan? Kung hindi kaya kumalat ang balita, mas nagkaroon kaya ng tsansa ang kadete na mapatawad? Hindi na natin ito malalaman. Pero kung may aral mang mapupulot ang karamihan, ito ay ang paggalang at pag-sunod sa samahang ating kinabibilangan.theignoredgenius.blogspot.com

Page 7: Tapat Vol 2 No 5

7MARSO 27 - ABRIL 2, 2014 Katoliko

KATESISMO, MISMO!

Unapologetically catholic

ni MARK SILVA

Kailan ipanaalam sa sangkatauhan ang pagiging Ina ng Simbahan ni Maria?

Ang pagiging Ina ng Simbahan ni Maria ay ipinahayag sa sangkatauhan nang malapit nang pumanaw si Kristo sa krus. Ang pagsambit ni Kristo ng, “Babae, heto ang iyong anak” (Juan 19:26-27) ay nagpapatunay na Kanyang ibinigay si Maria bilang isang ina sa Kanyang mga disipulo.

Ang papel ni Maria sa Simbahan ay hindi mahihiwalay sa kanyang pakikiisa kay Kristo kung saan ito nagmumula. “Ang pagkakaisa ng Ina at Anak sa gawa-ing pagsagip sa sangkatauhan ay nagsimula pa sa pagdadalang-tao ni Maria hanggang sa kamatayan ni Kristo.”

Mula noon, naging matatag na ang paglalakbay ng Birheng Maria sa panana-mpalataya, at napanatili ang pakikiisa sa kanyang Anak hanggang sa Krus. Tu-mayo si Maria, buong-buo ang pagyakap sa plano ng Diyos, at tinanggap ang hirap at hinagpis ng kanyang Anak sa pakikiisa sa sakripisyo ni Kristo bilang pighati ng puso ng ina. Tinanggap din ni Maria ang pagpaparusa sa kanyang anak bilang isang biktima dahil sa pagmamahal sa ating lahat.

Ipinagbabawal ba ng Simbahang Katolika ang pagpaplano ng pamilya?

Noong 1968, nagpalabas ng encyclical letter si Pope Paul VI na tinawag na Humanae Vitae (Latin, “Buhay ng Tao”), kung saan isinasaad dito ang patuloy na turo ng Simbahan na mali ang paggamit ng artipisyal na kontraseptibo upang mapigilan ang pagbubuntis.

Ang artipisyal na paraan ay mali dahil ito ay intensyo-nal na pagsaway sa disenyo ng Diyos o ang tinatawag na “natural na batas.” Ang natural na halaga ng pagniniig ng mag-asawa ay upang makabuo ng supling. Ang kaakibat na ligaya dulot ng pagniniig ay dagdag ng Diyos upang naisin ng tao ang pagkakaroon ng anak. Ito rin ay nag-papatibay ng pagkakaisa ng mag-asawa, respeto at pag-mamahal. Ang mapagmahal na pagsasama ay nagiging magandang tagpuan para sa pagpapalaki ng mga anak.

Ngunit, ang ligaya na dulot ng pagniniig ay hindi na-giging natural at delikado kung ginagawa lamang upang maramdaman ang sarap na dulot nito habang tinatang-gal ang tunay na dahilan ng pagniniig – ang pagkakaroon ng anak. Hindi dapat inaabuso ang regalo ng Diyos na isang pakikibahagi sa pagbibigay ng buhay. Ito ay karani-wang nagdudulot ng hindi magandang pagsasama dahil na rin sa paglabag sa natural na batas.

Makabago nga ba ang artipisyal na paraan ng pagpi-pigil sa pagbubuntis? Sa katunayan may mga scrolls na natagpuan sa Ehipto, na pinaniniwalaang isinulat 1,900 taon bago ipinanganak si Kristo, na nagpapakita ng sin-aunang mga paraan ng pagpipigil ng pagbubuntis – mula sa bulak upang sipsipin ang punla ng lalaki hanggang sa lason na inilalagay sa sinapupunan.

Ayon sa Bibliya, nagalit ang Diyos nang sadyang itapon ang punla para mapigilan ang pagbubuntis. Nasusulat sa aklat ng Genesis 38:8 “At sinabi ni Juda kay Onan, Sumip-ing ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid. 9 At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid. 10 At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya’y pinatay rin naman.” Samakatuwid, ikinagagalit ng Diyos ang gani-tong paraan ng pagpipigil.

Ngunit mali nga bang pigilan ang pagbubuntis? Paano kung sa mag-asawang nagmamahalan ay kanilang gus-tuhin ang pagniniig, ngunit dahil sa kahirapan hindi na kayang magdagdag ng anak at tustusan ang mga pangan-galiangan nito?

Alam ng Diyos ang mga ganitong pagkakataon. Kaya naman dapat maging malinaw na ang artipisyal na paraan ang si-yang mali. Ang Diyos mismo ang nagtakda na hindi lahat ng pana-hon ang isang babae ay maaar-ing magbuntis. Samakatwid, ang pagkilala sa mga panahong tina-tawag na ‘infertile’ o di’pertil ay maituturing na natural na paraan upang hindi magbuntis.

Sa katunayan may mga scrolls na natagpuan sa Ehipto, na pinaniniwalaang isinulat 1,900 taon bago ipinanga-nak si Kristo, na nagpapakita ng sinaunang mga paraan ng pagpipigil ng pagbubuntis – mula sa bulak upang sip-sipin ang punla ng lalaki hanggang sa lason na inilalagay

sa sinapupunan.- Pahina 6

Page 8: Tapat Vol 2 No 5

8 MARSO 27 - ABRIL 2, 2014#CoolCatholics

by SKY A. ORTIGASMUSIC + LAW = SANILYN

One pretty Catholic lady who captured my attention was my friend and sister in the community named Sanilyn. When I first met her, I told my-self, I have to write about her and share her life to the world! Now, since I am doing this section, I guess, it’s Sani’s time to shine! Every time I get

a chance to talk to Sani, I learn a few things. Despite facing a lot of life’s challenges, she became a woman who has won my admiration. Sani is someone who always strives to live out the best life in order to please the Father. So, I asked her a few questions that I always ask the people I feature and some personal questions about her as well. Here’s more about Sani.

Sky: What makes you feel like a child?

Sani: I always have this “kid” in me, so I always feel like I’m a child. Not child-ish! Specifically, playing outdoors. I love nature kasi, leaning under the shade of a mango tree or kaimito tree, eating dirty ice cream, walking under the glorious heat of the sun, magmano sa mga nakakatanda, when I receive a tap on my head and gugusutin ang buhok mo, hearing the choir sing and receiving and giving hugs! And attending Simbang Gabi.

Sky: What are your simple joys?

Sani: Oh, my simple joys! I love watching sunrises and sunsets. When I was a teenager, I would usually drive up to Mitra ranch (Palawan) and just watch the rays of the sun piercing through the clouds and kissing the emerald mountains. So hea-venly ang view. I also love looking at the mountains and the calm seas. My fave part whenever I go home (to Palawan) is when the ship enters the bay and this creation greets you.. What a sight to behold. Ang sarap sa puso! Tanggal ang pagod sa biyahe. Simple joy ko din ang maghanap ng directions ng mga new places. Simple joy ko din kainin luto ni mama, especially ‘yung mga “maskipaps” niya, marinig boses ni dad sa radyo pag iniinterbyu siya, makipagwrestling sa mga brothers ko. Simple joy ko din ang to be with my pen and notebook and my guitar. Simple joy ko ang laugh-ter with friends. Pag nasa jeep or bus, trike going somewhere or just driving. ‘Eto pahabol pa, simple joy ko din ang nasa old churches and reading history books.

Sky: What makes you “sing”?

Sani: We could go on forever answering this... Hahaha! It’s the life that God gave me that makes me sing. I love singing in mass. It’s where I discovered I can sing, so the celebration of mass makes me sing. Weddings! True love makes me sing. Pain and brokenness make me sing. Hope and peace make me sing. Celebration of triumph and inspiration. Or kahit walang reason, I just sing.

Sky: When you compose/make music for the Lord, what or who inspires you?

Sani: I pray before I write songs. But this presupposes that I was already inspired by the beauty of the environment, or truth of human experience. I am inspired din by my daddy’s work for environmental protection, especially protection against illegal fishing and illegal poachers. (My dad worked at BFar). I am also inspired by our youth. I have written many songs clamoring that really our youth has the power to change this world. I am inspired mostly with how God trans-formed my heart, inspired by His immense love for me and I am always grateful that because He loved me, He reveals to me what is love and how it is to love..

Yep, I am inspired to write because of His love. This explains also why I love to write wedding songs. I love how God orchestrated a beautiful story right before my eyes. Ang sarap kapag pinapakita sayo ‘yung misteryo ng Kanyang pag-ibig thru couples vowing forever before God. Yep, immense love ang tinta ng aking pluma.

Sky: Can you share a favorite line or verse from any song you have composed? And why is this your favorite?

Sani: 3 SongsPayong: Isa kang payong sa bagyo ng aking mundo. Isang kapoteng yumakap sa basang puso ko. Sumilip ako sa langit na biglang nagbago. ‘Di ko namalayang tumila na ang ulan sa puso ko..

Reassurance ni Lord na kahit anong bagyo dumating Siya ang aking payong na tagapagsanggalang sa lahat ng pagsubok at kapoteng yumayakap sa akin upang ‘wag lamigin sa buhay...

I believe - My Child you’re forever mine. Be still and Know that I’m your Father. But You said to me, I’ll be free if I let You live in me. You said to me I’ll be whole In You, I’ll be consoled. That’s Your promise Lord, I believe.

This song is His message to me... I was really faltering during that time. ‘Yung anguish ng inner self ko ‘di ko ma contain until bigla Niya akong ginising one early morning, at ito ang sinabi Niya sa akin.... I just cried after singing this...

Recently naman na fave song ko eh Muling Babangon... It was written for Bohol and ‘Yolanda’ victims, but it was inspired by my dad’s battle against cancer... ‘Yung lines na muling babangon sa pag-ibig ng Ama. We hold on sa promise na ‘yun ni Lord. Even after dad died naka hold on ako sa line na ‘yan.

Napaisip ako at nagreflect ako noon na kung hindi ba ibigay ni Lord ang dasal mo, mahal mo pa din ba Siya? Siya kasi kahit pag-asa man mawala, hindi mawawala ang pagmamahal ni Lord sayo.

Kaya may lines din sa song na ...Bumaha man ng luha pag-asa ma’y mawala ‘Di mawawala ang pagmamahal ng

Ama.

Sky: Aside from being a musician, what else do you do? And why?

Sani: Aside from being a songwriter, I used to work as an instructor at a college in Palawan and a legal researcher in the provincial prosecutor’s office. Now, I just finished my law studies and will be one of the bar hopefuls this year.Sabi nila music naman talaga ang labs ko bakit ako napunta sa legal prof? I myself asked the same question. It was God who led me here, and I guess He slowly re-vealed to me the reasons why..

- Page 6