tapat vol 1 no 3

12
ANG BALITANG TOTOO MARSO 19-25,2013 VOL 1 NO 3 www.tapatnews.com @tapatnews Tapat. Ang Balitang Totoo TAPATAN: i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436 - Basahin sa Pahina 5 KASO VS. MGA PINOY SA SABAH, KINASA NG MALAYSIA! “Paano matutulungan ni Pope Francis ang mga Pinoy OFWs?” - Basahin sa Pahina 5 tampok Papet Pasyon - Pahina 4 sports Azkals handa na sa AFC Challenge Cup - Pahina 11 balita Jobless na Pinoy, pumalo na sa 2.89-milyon - Pahina 2 Kung may Buwan ng Kababaihan, tingin mo ba kailangang may Buwan ng Kalalakihan din?

Upload: tapat-ang-balitang-totoo

Post on 30-Mar-2016

266 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

Ang Balitang Totoo

TRANSCRIPT

Page 1: Tapat Vol 1 No 3

ANG BALITANG TOTOO

MARSO 19-25,2013 VOL 1 NO 3

www.tapatnews.com@tapatnews Tapat. Ang Balitang Totoo

TAPATAN:

i-text ang sagot niyo sa:0932-1469436- Basahin sa Pahina 5

KASO VS. MGA PINOY SA SABAH, KINASA NG MALAYSIA!

“Paano matutulungan ni Pope Francis ang mga Pinoy OFWs?”- Basahin sa Pahina 5

tampok

Papet Pasyon- Pahina 4

sports

Azkals handa na sa AFC Challenge Cup

- Pahina 11

balita

Jobless na Pinoy, pumalo na sa 2.89-milyon

- Pahina 2

Kung may Buwan ng Kababaihan, tingin mo ba kailangang may Buwan ng Kalalakihan din?

Page 2: Tapat Vol 1 No 3

2 MARSO 19-25, 2013balitaJobless na Pinoy, pumalo na sa 2.89-milyon

Ni ROMY PANAHON

BATAY sa data ng National Statistics Office (NSO), ni-tong Enero, umabot na sa 2.89 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang tra-baho sa bansa.

Ito ay mas mataas kaysa sa 2.76 milyong naitalang job-less noong Oktubre 2012.

Ayon sa NSO, mula na-

man sa underemployed na Pinoy na 7.16 milyon noong Oktubre 2012, tu-maas na ito sa 7.93 milyon.

Ang underemployed ay mga manggagawa na hindi sapat ang oras at kinikita sa isang trabaho, o mga overqualified sa napasu-kang trabaho.

27 patay sa election-related violenceNi ELVIE LACARAN

PUMALO na sa 27 katao ang napaslang, at 24 katao naman ang sugatan sa naitalang 45 insidente na may kinalaman sa halalan o election-related violence (ERV) simula nitong Enero 12.

“Tiyak na mas payapa ngayon. Sa mga nakalipas na eleksyon, ang mga in-sidente ng karahasan lu-malagpas ng 200…Masasa-bi ko na malaki ang binaba

kumpara sa dati,” pahayag ni PNP Spokesperson Chief Supt. Generoso Cer-bo Jr..

Sa 27 na nasawi, 12 ang barangay kagawad, 9 ang barangay chair-men,   mayor, councilor, tumatakbong konsehal, government official/elec-tion officer, at dalawang supporters.

Naitala naman sa ba-haging Western Mind-

anao Police Region ang pinakamataas na insidente na anim, habang tig-tatlo naman sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.

Dalawa sa Metro Ma-nila, tig-isa sa Valenzue-la at Quezon City, kung saan sa lungsodng Qu-ezon ay si Mayor Erlinda Domingo ng Maconacon, Isabela, ang nag-iisang naitalang pinaslang ni-tong nakalipas na Enero22.

Kamara, nananawagan kay VP na unahin ang Sabah

KINAKALAMPAG na ng ilang miyembro ng Ka-mara si Vice-President Jejomar Binay na una-hin ang isyu ng Sabah.

Mungkahi ni House As-sistant Minority Leader at Leyte Rep. Martin Romual-dez kay Binay na sa halip aniyang tutukan ang kaso ng isang Pinoy na naha-harap sa pagbitay dahil sa pagpatay sa isang Sudanese

national sa Saudi Arabia, mas kailangang bigyan ng atensyon ang isyu ng Sabah

Paliwanag ni Romualdez na kaysa pag-aksayahan ng panahon ang pagkalap ng blood money para kay Joselito Zapanta, 32 na tu-bong Bacolor, Pampanga ay mas marapat aniyang iligtas ang libu-libong Pilipino na nasa Sabah.

Aniya, nahatulan na ang

OFW ng parusang kamatay-an ng pamahalaan ng Saudi Arabia, samantalang ang mga Filipino na nasa Sa-bah ay walang kinalaman sa kaguluhan sa pagitan ng Malaysia at grupo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.

Mahalaga aniya na mag-tulungan at gawin ng go-byerno ang lahat upang mailigtas ang mga Pinoy na nasa Sabah. (GC)

PNP, AFP, kailangan magsumite ng report - COMELECNi PAUL ANG

KAUGNAY ng nalalapit na local campaign period at May 13 midterm elections, inatasan ng Commission on Elec-tions (COMELEC) ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na regular na magsumite ng kanilang peace and order reports.

Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., nais nitong makita ang mga naturang report galing sa PNP at AFP upang magkaroon ito ng ideya kung aling mga lugar ang maaaring maideklarang nasa ilalim ng Comelec control dahil sa mga insidente ng election-re-lated violence (ERV).

Magugunitang isinailalim na sa COMELEC control ang mga lugar na may kaso ng ERV at mas binibigyan ang mga ito ng pansin ng upang maiwasan ang kara-hasan bago, habang at pagkatapos ng halalan sa Mayo.

Ilan naring kongresista ang nagpahayag na kailanganan nang aksyonan ang isyu ng Sabah sa lalong madaling panahon.

Malaking bahagi din ng populasyon ang kabilang sa informal sector tulad ng mga street vendors na hindi tiyak ang pang araw-araw na kita.

Page 3: Tapat Vol 1 No 3

3MARSO 19-25, 2013 balitaBagong Bilibid director, ‘lilinisin’ ang naiwang kalat Ni GRACE CAJILES

BUONG kompiyansang sinabi ng bagong talagang Director ng Bureau of Cor-rections (BuCor) na lilini-sin at bubuwagin nito ang lahat ng naiwang kalat at iligal na gawain sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Nangangako si Atty. Franklin Jesus Bucayu na ipatutupad nito ang repor-

ma sa bilibid na tutuligsa sa pagpuslit ng droga, pagdu-kot sa ilang mga bilanggo, prostitusyon at mga iligal na kubol sa loob ng NBP. 

Pormal nang nanumpa kay Department of  Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ang acting director ng BuCor na si Bucayu.

Nagsimula ang panu-

nungkulan ni Bucayu ni-tong Marso 16.

Ayon kay de Lima, per-sonal nitong inerekomenda si Bucayu upang maging susunod na BuCor director. 

Si Bucayu ay dating Po-lice C/Supt ng Region 1 at dating nanguna sa UN Civilian police at isang peacekeeper.

Cash reward para sa mga estudyante

ng TaguigNi MICHELLE NICOMEDES

Cash reward na umaabot sa P30,000 ang ibibigay ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa sampung pinakamahusay na estudyante ng mga pampublikong paara-lan.

“Paraan ito ng Taguig para mabigyan ng gantimpala ang mga bata na nagpa-kahirap mag-aral sa kabila ng kahirapan at nagawa paring manguna sa klase,” ani Taguig Mayor Lani Cayetano tunkol sa ordinansang naglalaan ng nasabing be-nepisyo sa mga estudyante.

P30,000 ang matatanggap ng high school valedictorian; P25,000 ang para naman sa mga salutatorian.

Makatatanggap rin ng tig-iisang cash reward na nagkakahalagang P10,000 ang mga estudyante ng highschool na naka-pasok sa top 10 ng kanilang batch.

P15,000 naman ang makukuha ng el-ementary valedictorian at P12,500 naman ang matatanggap ng salutatorian. Bibig-yan rin ng reward na P5,000 ang bawat estudyante na nasa top 10.

may good news ka ba?Maraming nangyayaring positibo araw-araw--kailangan lang namin marinig mula sa inyo

upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig

niyo sa paligid! Mag-email ng inyong kwento sa [email protected] at ilagay ang

“Good News” bilang subject. Salamat po!

good news

Higit 1,600 tiklo sa gun banPUMALO pa sa 1,632 katao ang arestado sa buong kapuluan dahil sa paglabag sa election gun ban simula lamang nitong Enero 12.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP) Camp Crame, 12 na ang nahuling AFP Personnel, 20 na PNP Personnel, tig-iisa mula sa Bureau of Jail Management and Penol-

ogy (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP), 20 government officials, 2 Cit-izens Armed Forces Geo-graphical Unit (CAFGU),94 na mga security guard at 1,484 na mga sibilyan.

Nasa 1,657 naman ang nakumpiskang mga baril, 69 na airgun/airsoft, 462 na mga bladed weapons, 74 na granada o pampasabog, 296 na mga improvised explo-

sive devices, at 14,831 na bala ng baril.

Tanggap na din ng PNP na sa kabila ng patuloy na kampanya at paulit-ulit na information campaign sa tuwing sumasapit ang elec-tion period ukol sa gun ban ay dadami parin ang mga mahuhuling lumalabag dito hanggang sa pagtata-pos sa buwan ng Hunyo ngayong taon. (EL)

Mapalad ang mga masisipag na estudyanteng makakatanggap ng gantimpala na cash reward dahil sa academic excellence.

ADVERTISE WITH US...EMAIL US AT

[email protected]

www.tapatnews.com

@tapatnews tapatPH

Page 4: Tapat Vol 1 No 3

4 MARSO 19-25, 2013balita

Papet Pasyon: Ibang klaseng pasyonAng mga pangyayari sa mga huling araw ng buhay ni Hesus ay ginugunita sa Pasyon o Pabasa. Sumasali ka ba dito taun-taon? Isa itong tradisyon na ginaganap pa rin sa mara-ming komunidad at parokya sa bansa tuwing Semana Santa.

May isang uri ng Pasyon na kung saan nabubuhay ang mga eksena sa pamamagi-tan ng mga papet! Hindi ito bago – 1984 pa nung sinulat ni Amelia Lapeña-Bonifacio (Lola Amel siya sa mga bata) ang isang pap-et drama para maihatid ang Pasyon sa mas batang henerasyon. Noong Domingo de Ra-mos o Palm Sunday ng1985 nag-premiere sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang Papet Pasyon, na siyang naging paalala para sa mga mamamayan ukol sa tunay na kahulugan ng Cuaresma at Semana Santa.

Taun-taon kapag Palm Sunday, ang Tea-trong Mulat ng Pilipinas – na siyang itina-tag ni Lola Amel – ay nagpapalabas ng Papet Pasyon sa Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo sa Quezon City. Kakai-bang karanasan ang manood nito dahil ang tradisyonal na puppetry ay sining na hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa eskwela, kaya’t siguradong makukuha ang pansin ng mga bata dito sa children’s theater kapag nag-simula na ang musika at aksyon ng palabas.

Si Nicole Bautista ay isang puppeteer na kasapi sa Teatrong Mulat ng Pilipinas mula noong 2004 at naging bahagi na ng ilang pal-abas ng grupo maliban pa sa Papet Pasyon. Ngunit nakikita niya ang nagagawa ng Palm Sunday na drama para sa mga kabataan.

“Nakikilala nila si Jesus at si Maria. Pag-kakataon ito para ituro sa kanila sa ibang paraan ang tungkol sa dinanas ni Jesus nung mga huling araw niya, ng naiiba sa typical

catechism set-up,” paliwanag ni Bautista.“Itong Mulat, isa rin itong paraan na mag-

karoon pa ng mga kaibigan at magtulong-tulong bilang isang team. Dito sa teatro ko nakikita yung halaga ng bawat tao – kahit props ka mahalaga yung papel mo,” dagdag niya. “Kasi kunwari magkamali ka sa tinapay at kopa, eh di mukhang lumulutang na sila sa ere,” sabi niya sa pagpapaliwanag sa eksena ng Last Supper. (DU)

Papet Pasyon 2013Marso 24 (Palm Sunday), 3:00 pm at 5:30 pm Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo

64 Mapagkawanggawa St. Teacher’s Village East, Diliman, QC

Cell no. 0918-9032040 at email [email protected]

LIBRE ANG PALABAS. DALHIN ANG INYONG PALASPAS!

PNP ‘overtime’ dahil sa Semana Santa, election, graduationPAGDAGDAG ng oras ng duty o trabaho ang nakikitang solusyon ni Philippine National Police (PNP) Director General Chief Alan Purisima para matu-gunan ang lahat ng pangangailangan ng sambayanang Pilipino ngayong halos mag-kakasunod ang aktibi-dad sa bansa.

Ayon kay Purisima, mula sa walong oras na duty ng bawat PNP sa buong kapuluan magiging 12 oras ito o higit pa.

"Dito po kasi ‘pag dating ng Semana Santa, ‘yun pong mga lugar pagsasakyan ng ating mga kababayan

Ni ELVIE LACARAN

pauwi sa kanilang probinsya ay bina-bantayan natin. Pero binabantayan po natin ‘yung mga naiiwan po nilang mga kabahayan dito sa Metro Manila," pahayag ni Purisima.

Asahan din aniya na maraming makakakita ng presensya ng ka-pulisan sa mga panta-lan, terminal, airport, paaralan, mga lansan-gan at iba pa, ganun din ang paglalagay ng mga help desk ng PNP sa mga matataong lu-gar para sa agarang tugon.

Dagdag ni Purisima na kanilang tiniyak na matutugunan ang pangangailangan ng

publiko sa panahon ngayon na kaliwat kanan ang graduation at outing; idagdag pa ang nalalapit na pag-gunita ng Semana Santa ng Simbahang Katoliko, higit ang election sa buwan ng Mayo.

Website ng Phivolcs hindi pinaligtas ng hackers

HINDI pinaligtas ng hackers ang website ng Philippine Institute of Volcanology and Seis-mology (Phivolcs) makaraang ma-hack ang naturang webpage noong Linggo, partikular na ang welcome page nito.

Hindi naman nagpakilala ang naturang hackers at wala ring mga iniwang mensahe, taliwas sa mga naunang pag-atake sa ilang government websites.

Gayunman, niliwanag ni Phivolcs Di-rector Renato Solidum na hindi naman ito makaaapekto sa kanilang mga data tungkol sa mga lindol.

Sinabi ni Solidum na may mga mirror web-sites naman silang ginagamit upang maipag-patuloy ang operasyon kahit nasira ang ilang bahagi ng kanilang main webpage. (RP)

Boracay Mansion, ipinagigiba IPINAGIGIBA na ng pamahalaan ng Quez-on City ang kontrob-ersyal na ‘Boracay Mansion na sinasa-bing pagmamay-ari ni dating pangulong Joseph Estrada.

Linipat ng San-diganbayan ang pagmamay-ari ng Boracay Mansion sa Quezon City govern-

ment matapos din ang ilang taon na hindi nababayaran ang kaukulang buwis ng mansyon.

Sinasabing plano ng lokal na pamahalaan na pagtayuan ng isang museo at ilang tang-gapan ang naturang lugar para mapakina-bangan ito ng publiko partikular ng mga ta-

ga-QC.Magugunitang hindi

inamin ni Estrada na siya ang may-ari ng naturang mansyon.

Ang nasabing prop-erty sa New Manila, QC ang isa sa mga naging basehan ng kasong plunder na ki-naharap ni Estrada sa Sandiganbayan. (RP)

Page 5: Tapat Vol 1 No 3

5MARSO 19-25, 2013 balita

kampeonato at nahulog sa pangalawang puwes-to si Nouri ng Escalante City, Negros Occidental.

Tabla rin sa pangatlong puwesto sina Grandmas-ter John Paul Gomez ng Binan, Laguna at Fide Master David Elorta ng Maynila na parehong may 5.5 puntos.

Nasungkit naman ni Jasper Laxamana ng Can-don ang titulo sa 16 years old and under category at nakuha ni Alekhine Nouri ang kampeonato sa 12-under age-group. Kapwa sila nagtala ng anim na puntos sa tor-

neyong inorganisa ng Can-don City Chess Club.

Samantala, aarangkada sa Marso 23-26 ang hul-ing yugto ng 2013 National Age Group Chess Champi-onship.

Ito ay isang grassroots development program ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na may layuning maka-hanap ng mga batang man-lalaro na maaaring maging Grandmaster sa hinaharap.

“The tournament will be divided into the following categories: 20 years and be-low; 16 years and below; 14 years and below; 12 years

and below; 10 years and below; and 8 years and below. There will be differ-ent divisions for boys and girls,” sabi ni NCFP execu-tive   director GM Jayson Gonzales. 

Ang mga mananalo sa Pangasinan leg ay uusad sa national finals kasama ng mga nagwagi sa iba pang regional legs. Ang mga magkakampeon sa national finals naman ay may tsansang maka-paglaro sa 2013 ASEAN Age-Group Chess Cham-pionships na gaganapin sa Chiang Mai, Thailand sa Hunyo.

IM Dimakiling ... mula sa pahina 11

Kaso vs. mga Pinoy sa Sabah, kinasa ng Malaysia!

‘Illegal possession of fire-arms’, ‘intrusion’ at ‘incit-ing to war’. Ito ang mga kasong kakaharapin ng humigit kumulang 104 na mga Pinoy na ikinulong kamakailan sa Malaysia kaugnay ng sagupaan dahil sa Sabah territorial dispute.

Ani Sabah Police Com-missioner Datuk Hamza Taib, ang mga Pinoy ay di-nakip dahil sa paglabag sa Security Offenses (Special Measures) Act ng Malaysia na pinagtibay itong taon lamang.

Hindi naman ipinahayag ni Taib kung kailan masi-simulan ang paglilitis sa mga nasakoteng Pilipino, kabilang na diumano ang ilang mga kaanak ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III, ayon sa Malaysian state news agency na Bernama.

Ayon naman sa army field commander ng Ma-laysian forces na si Lt. Gen. Datuk Seri Zulkiple, kasalukuyan na nilang ini-imbistigahan ang iba pang maaaring kasangkot at ta-ga-suporta ni Kiram.

Dagdag pa ng Bernama, nasa 50 na lamang ang na-titira sa mga miyembro ng Royal Army ni Kiram na kasalukuyan pang tinutu-gis. Taliwas ito sa bilang na 170 na binigay naman ni Kiram na patuloy na naninindigang hindi op-syon sa kanila ang lisanin ang Sabah.

Idiniin naman ng tagapasalita ng sultanato ng Sulu na si Abraham Id-jirani na may 170 pa ang nalalabing miyembro ng Royal Army sa Sabah mula sa orihinal na 235, kung

saan hindi bababa sa 61 na ang napatay.

Sa tala nila, may 10 ang nasawi, 10 ang nahuli, apat sugatan at 35 na nadakip sa Tawi-Tawi.

Dagdag din ni Taib, tar-get ng kanilang operasyon ay hindi lamang ang mga kaanak ni Kiram, kundi ang lahat ng sangkot sa il-egal na pagpasok ng arma-dong grupo ni Raja Muda Kiram sa Sabah.

Kamakailan, nauna nang binansagan ng Malaysia na mga terorista ang mga ta-gasunod ni Kiram at mula noon ay walang humpay ang mga operasyong isina-gawa ng pinagsanib na pu-wersa ng militar at pulis ng Malaysia. Dagdag pa dito ang mga napaulat na pag-mamaltrato sa mga Pilipino sa Sabah.

Ni PAULO DE GUZMAN

TAPATAN Question!Milyun-milyon ang nagdiwang sa pagkakaluklok kay Pope Francis bilang bagong Santo Papa kung kaya na-man, tinanong namin ang ilang mga Pinoy ng ating Tapatan Question ngayong linggo:

“Paano matutulungan ni Pope Francis ang mga OFWs?”

“Matutulungan ni Pope Francis ang mga OFW Pinoys around the world sa pamamagitan ng pag-ayos at pag-establish ng chaplaincy program na may ‘listening ses-sions’ and sacraments.” - Erick Manrique, Sydney, Australia

“Kung ‘yung parishes have a way of accommodating the OFW and later on, endorsing them to wherever they’re moving to, it would help them out.. They almost forgo Church kasi hindi nila alam kung saan ang mga parokya sa bagong area na ‘yun.” - Julz Roberto, Sac-ramento, California

“We’ve been here in the middle east for 7 years and we are practising our faith underground. Nagdadasal kami na payagan kami na mag-build ng church para we don’t have to have underground masses at catechism classes para sa mga bata to respect their laws. I hope the Pope will help us pray that we Catholics here can prac-tice our faith without being disobedient to their law. So we do hope he can help us pray and he will cross paths with our king here and they can talk about it.” - Lolit Barreto, Middle East

“Matutulungan ni Pope Francis ang mga OFW kung mas magiging accessible siya sa kanila kahit through social media or sa podcasts kung saan maaaring ma-pakinggan ng mga OFWs ang kanyang mga mensahe.” - MK Guaño, Quezon City, Philippines

“Sa tingin ko, the Pope should run a migrant integration program that would allow the OFWs to blend in with the community smoothly and para mawala ang barriers tulad ng language, etc.” - Fredney Gales, Campbell-town, Australia

Page 6: Tapat Vol 1 No 3

6 MARSO 19-25, 2013editoryal

OMNIBUS cOMMUNIcATIONS fOr ASIA fOUNdATION INc.

Publisher

NIrVA delAcrUzeditor in chief

dIANA UIcHANcOManaging editor

SKY OrTIGAScreative director / Online editor

YeN OcAMPOMarketing director

Tapat is published every Tuesday by the Omnibus communications for Asia

foundation, Inc.

You can reach us through the following:Mobile number: +639064992537

email: [email protected]: www.tapatnews.com

All rights reserved 2013

editoryal Matuto kaya sa Papa?Nitong Marso 13, nasaksihan ng buong mundo ang pagkakatalaga kay Jorge Mario Cardinal Ber-goglio mula sa Argentina bilang bagong pinuno ng Simbahang Katolika. Pinili niyang tawagin ang sariling ‘Francis’ na aniya’y kanyang pagbibigay pugay kay St. Francis ng Assisi na kilalang mapagkumbaba at mapagmahal sa mahihirap.Marami ang namangha sa taglay na kababaang loob ni Pope Fran-cis, lalo na nang ilathala sa mga pahayagan ang kanyang pagbalik sa hotel sakay lamang ng bus pag-katapos mahalal bilang Santo Papa.

Pinaniniwalaang taglay ni Pope Francis ang mga katangiang nara-rapat ding gayahin ng mga lider sa iba’t ibang panig ng mundo.

Marami sa mga lider ng buong mundo ang mabilis ding nagpaabot ng kanilang pagbati sa santo papa kabilang na si Pangulong Benigno Aquino III.

Sa kabila ng intensyon na mag-ing madiplomasya sa Simbahan sa

pamamagitan ng naturang pag-bati, nananatiling magkasalungat ang pananaw ng pangulo at ng Simbahang Katolika sa iilang isyu. Nabanggit ni Pnoy ang “panahon ng pagkakaisa ng mga Katoliko.” Matatandaang hinati ng kontrob-ersiyal na RH Law ang bansa kung saan napabalitang ipinilit diuma-no ng pangulo ang pagpasa nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag pork barrel para sa bo-boto pabor, at kabawasan naman o kawalan ng pondo para sa mga kongresistang hindi papabor.

Nabanggit din ng pangulo ang “paghugis sa mundo kung saan

bawat tao ay may karapatang mabuhay nang tahimik at may dignidad.” Wari ko’y iba ata ang nagsulat ng mensahe na ito sa ka-dahilanang ang bawat sanggol na maaaring mabuhay sa sinapupu-nan ng ina ay hindi mabibigyan ng karapatang mabuhay dahil sa RH Law at mga abortifacients na popondohan nito.

Hindi na bago sa atin ang nag-ing turingan ng mga obispo at Palasyo. Bago pa man maipasa ang RH bill, usap-usapan na ang pag-papatanggal ng chapel sa loob ng Malakanyang; ang pag-atras sa diyalogo kasama ng mga obispo

patungkol sa RH bill; at nito la-mang nakaraang buwan, pag-utos ng palasyo na tanggalin ang Team Buhay/Team Patay tarpaulin sa diyosesis ng Bacolod kung saan umabot na sa Supreme Court ang naturang isyu.

Sa kabila nito, mga kababayan, bilang isang pangulo -- iisang tabi na natin ang pagiging Kato-liko ng pangulo -- nararapat na ipakita niya ang kanyang respeto sa pananampalatayang kanyang kinabibilangan gaya ng pananam-palatayang nakita sa kanyang ina, ang yumaong dating pangulong Corazon Aquino, na ‘di kailang siya ring nagbigay-daan sa pan-gulo upang maihalal.

Ang slogan ni Pnoy ay “kung walang corrupt, walang mahirap” at malamang kung bibigyan niya ng panahon ang pagdalo sa inau-guration ni Pope Francis, matututo siya sa bagong Santo Papa at ma-bibigyan niya ng tamang pagpapa-halaga ang mga mahihirap sa ating bansa ng may pagpapakumbaba.

“Sa kabila ng intensyon na maging madiplomasya sa Simbahan

sa pamamagitan ng naturang pagbati, nananatiling magkasalungat ang

pananaw ng pangulo at ng Simbahang Katolika sa iilang isyu.”

Page 7: Tapat Vol 1 No 3

7MARSO 19-25, 2013 opinyonTHE DREAMER

Paul Edward SisonBakit mahalaga ang Pilipino

bilang isang lahi

REPORTERAKERYen Ocampo

Isang dugo, isang lahi

GRASSROOTSLeonardo Q. Montemayor

CARP extension, anyone?

Tayong mga Pilipino talaga … ang hilig nat-ing hatakin ang sarili nating pababa. Sa harap pa ng ibang tao!

Napakababa ng at-ing self-image. Eh kung tayo mismo, ang baba ng tingin sa sari-li, eh papaano pa tayo rerespetuhin ng iba?

Bakit ba mas gusto natin punahin ang ating mga pagkuku-lang?

Kaya tuloy ang dami nang lumalabas sa Fa-cebook at internet na mga sulat o komento ng mga dayuhan tung-kol sa galing ng Pili-

pino at ganda ng ating lahi. Panay ang puri sa atin ng mga nagsulat ng liham na mga Ko-reyano at Amerikano. Tapos, makikita mo … kapwa Pilipino pa ang tumutuligsa at walang tiwala sa atin.

Sel f - f lagel lat ion. Masokista yata tayo at gusto nating saktan ang ating mga sarili.

Mukhang tama ata ang obserbasyon ng mga dayuhan na kulang tayo sa pag-mamahal sa ating ban-sa … love of country.

Eh kung yun lang ang kulang, eh di ek-

sakto ang timing ng mga nangyayari sa Sa-bah at West Philippine Sea para umigting at lalong mag-alab ang ating pagmamahal sa ating bansa.

Baka yan lang ang kailangan para mag-kaisa tayo bilang Pili-pino at mangibabaw ang patriotism sa bawat Pilipino.

Mahusay naman talaga ang Pilipino – kung gugustuhin niya!

Tignan mo kung sino ang paborito ng mga taga-ibang ban-sa pagdating sa mga mag-aalaga sa kanila na duktor, nars, at car-egivers? Pinoy siyem-pre! Pinay siyempre!

Pati sa mga teachers, ganun din … Pilipino ang first-choice nila.

Ngayon naman, naabutan na natin ang India sa pagiging most

preferred BPO loca-tion sa buong mundo.

Napansin nyo rin ba na napaka-masunurin ng mga kababayan natin at napakasipag kapag nasa ibang ban-sa? Nag-e-excel, nang-ingibabaw sa ibang lahi.

Pero alam nyo ba kung saan nanggagal-ing ang lakas na yan ng Pilipino?

Sa pagiging ma-ka-Diyos at maka-pamilya. Sa pagiging Mama’s boy.

Naniniwala ka ba na ang lahat ng nangya-yari ay may dahilan at ayon sa banal na plano ng Maykapal?

Akala nyo ba na ikinalat tayo sa iba’t ibang sulok ng daig-dig para lang mag-ing bayani sa bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga

- pahina 10

Nung March 13 nag-karoon ako ng pag-kakataon na madalaw si Sulu Sultan Kiram III sa kanyang bahay sa Taguig sa tulong ni Sister Arnold Maria Noel, SSpS na isang award-winning peace advocate.

Kinabahan ako nung una kasi ang pag-kakaintindi ko one-on-one interview, kaya naman naghatak ako ng isang kaibigan, si Jack ng Radyo Veri-tas.

Pagdating namin ang daming tao, as in! Mukhang malabo na harapin kami ni Sul-tan kaya nauna nang

umalis si kasamang Jack pero naghintay pa rin ako ng ilang oras. (Nahiya na-man ako sa dinamay ko, mabuti na lang at maunawain, sabi nya ‘it happens’..Salamat gumaan ang pakiram-dam ko.)

Nakausap ko nung una ang spokesperson ng Sulu Sultanate na si Abraham Idjirani. Nagpasalamat sya sa lahat  ng taong sumu-porta lalo na sa mga obispo sa Mindanao na nanawagang iligtas ang mga apektadong Pilipino lalo na ang mga sibilyan.

Mahaba rin ang am-

ing naging kamus-tahan pero nagtapos iyon sa simpleng ‘Salamat Anak.’

Huwaw! First time na may Muslim na tumawag sa akin ng ‘anak.’ Naramdaman ko ang sincerity na kahit anong relihiyon mo pala ay pwede kayong magkagaanan ng loob. Nung simula kasi nangilag ako.

Paalis na ako nang biglang may pinag-kakaguluhan sa loob ng bahay kasama ni Princess Jaycel, isang madre! Nasabi ko na lang sa isip ‘hulog ka ng langit, Sister.’ Bakit? Kasi papasok na sya sa kuwarto ni Sultan nang bigla akong magmano, nag-pakilala at sumabay sa pagpasok.hehe (one point)…

Ang siste, nakaharap ko mismo si Sultan. 

Nakita ko sa kanyang mukha ang lungkot at ang kanyang katawan ay hapong-hapo, iba pag nakikita sa TV--ibang iba.

Sa maliit na silid ni Sultan ay  nag-usap sila ni Sister Arnold. Ilan sa mga binitiwan nyang salita ay ‘Please stop fighting, let’s sit in a square table and have a dialogue.’

Sabi ni Sultan sa mababang boses, ‘We were with you Sister 100 percent with all concern’.

Nung tinitignan ko silang dalawa, napa-paisip ako… Pwede naman palang mag-ing isa ang dalawang magkaiba ang panini-wala at pag gusto, may paraan!

Teka, parang may absent sa pag-uusap nina Sister at Sultan.

- pahina 10

A generation after People Power “re-stored” democracy, it is difficult for those living far away from the countryside to grasp the immense hardship of many small farmers seeking agrarian justice and socio-economic emancipation for themselves and their families.

One case in point is the ongoing travails of 17 families who have been cultivating as share tenants (some since the 1960s) the 36-hectare Arsenio Imperial estate in sitio Pasto, barangay Tagbong, Pili, Camarines Sur.

Last September 1st, at 5:45 a.m., armed men entered the estate. With the use of a big tractor and several hand tractors, they forcibly destroyed or uprooted the farmers’ standing crops and tore down their homes. Over the next two weeks, a reign of terror ensued as the assailants set up guardhouses around the area and indiscriminately fired their pistols and Armalite rifles. Last Sep-tember 14th, two ladies and two small boys were traumatized by the goons’ leader, a cer-tain Nicanor Carbonel, who fired his hand-gun a mere meter away from them.

The farmers say that, over the years, they had been paying their land shares or rentals to a Willy Imperial and, later on, to Nicanor Carbonel. Without the knowledge of the 17 actual farm tillers, then Municipal Agrar-ian Reform Officer Nelson Tongco allegedly facilitated the transfer of the estate to Car-bonel and other outsiders (many of them residents of Naga City) under the Compre-hensive Agrarian Reform Program.

Sadly, despite numerous appeals from the farmers, police, local government and De-partment of Agrarian Reform representa-tives have been unable to disarm the armed men. Nor have they managed to protect the farmers and reinstate them in their former landholdings.

In this kind of situation, what further re-course can our democratic system of gov-ernment offer to our farmers? How is it possible that, instead of attaining liberation from social bondage and poverty under the CARP, they have seen their human rights trampled upon and yet have received no easing of their burdens?

Will extension of the CARP beyond 2014 solve their problems and those of many more long-suffering and would-be agrarian reform beneficiaries?

Page 8: Tapat Vol 1 No 3

8 MARSO 19-25, 2013tampokcool na cool

Kapag matindi ang init ng panahon, mas malakas ang benta. Pero ang appeal ng sorbetes – sa bata man o sa matanda – tila pang-habang-panahon.

Meron bang party na walang ice cream? Meron

naman, pero kung ganito kainit ang panahon tu-lad ng nararanasan natin ngayong summer na, ayos na ayos pag may sorbetes na masayang pang-tapos sa pansit at iba pang han-da.

Gusto ng sorbetes ng mga magpa-party ng isang kumpanya sa Maka-ti, at si Mang Lando – ang mamang sorbeterong si Yolando Cajipe -- ang si-yang tinawagan para dito. Dahil walang service na sasakyan para sunduin si Mang Lando at ang kan-yang ice cream cart, game na game siyang naglakad mula sa Quezon City na kung saan siya ay nakati-ra hanggang sa Makati.

“Mga tatlong oras akong naglakad. Okey lang na-man, umalis lang ako ng maaga,” masayang kwen-to ng sorbetero, na siyang sanay nang araw-araw na naglalakad mula Cubao hanggang sa karaniwang

pwesto sa Temple Drive na di kalayuan sa Ortigas Avenue. Ngunit nang araw na iyon, nasubukan ang tibay ng mga gulong ng kanyang ice cream cart! Lumuwang lang ng kaunti, at kaunting higpit ng mga turnilyo pagkatapos ay parang bago na ulit.

Mga 20 taon nang nagtitinda ng sorbetes si Mang Lando, at paminsan-minsan, dahil na rin sa pag-rekomenda ng mga pamilya, wala siya sa karaniwang pwesto para mag-

attend ng party kasama ang kanyang makulay na ice cream cart. Madalas ay mga birthday party ng bata, pero ang paba-lik-balik na kumukuha ng sorbetes ay bata pati matanda, sabi niya. Ang palaging unang maubos ay ang keso flavor, pero popular din naman daw ang tsokolate at mangga, dagdag pa niya.

May mga panahong mahina ang benta ng sor-betes, tulad ng tag-ulan. Pero sige pa rin si Mang Lando dahil inaasahan na niya at ng kanyang mga kapwa sorbetero ang ga-noong takbo ng benta. Kailangan lang naman ay maging “cool lang” dahil hindi magtatagal at sisikat na naman ang araw o di kaya’y may magpa-plano ng party at tatawagan na naman ang mamang sor-betero. Maaaring pabago-bago ang panahon, pero ang hatak ng ice cream – sa bata at sa matanda – ay tila pang-habang-panahon.

Para sa mga detalye tungkol sa party, matatawagan si Mang Lando sa 0919-2054765

Bunga ng init ng panahon: bungang-araw!

Ayan na naman ang init ng panahon, at marahil lalo pang titindi ito dahil sim-ula lang ng summer ngay-on! Ano ang karaniwang dala ng tag-init? Bungang-araw, o prickly heat/heat rash, dahil sa karagdagang pagpapawis na nararana-san. Ano ba ito?Maliliit at pulang tuldok

sa balat na madalas ay matatagpuan sa may liig, sa likod o sa tiyan. Kung sa tingin mo ay may bun-gang-araw ka, siguruhin munang ito’y hindi bulu-tong o kaya’y chicken pox. Kumunsulta sa duktor.

Ano ang sanhi nito? Ang sobrang pagpapawis na siya namang pwedeng resulta ng matinding init

ng panahon, pananamit (baka masyadong makapal ang tela o patong-patong ang kasuotan), o kahit na mataas na lagnat.

Paano ito maiiwasan? Ang pinakamabisang par-aan upang iwasan ang pagpapawis ay lumagay sa mga di mainit na lugar, paggamit ng bentilador o airconditioner, o pag-

bawas ng mga nakakapa-god na aktibidades. Ang mga malamig na inumin o kaya’y sorbetes ay na-kakapawi ng init kaya’t ito’y makakatulong rin. Ang bungang-araw ay lu-malala dahil sa masikip na kasuotan kaya’t iwasang masuot nito.

Ano ang lunas kung ikaw ay may bun-gang-araw?Unang una, hugasan ng tubig at sabong banayad

ang balat para tanggalin ang pawis. Matapos ay dahan-dahang punasan ng tuwalya at siguruhing tuyo na ang balat. Madalas ay nawawala ng kusa ang bungang-araw pagkalipas ng ilang araw basta’t hindi ito kinakamot. Maaaring lagyan ito ng gawgaw o kaya’y cornstarch powder para hindi agad pawisan at para na rin mabawasan ang pangangati. Huwag maglagay ng mga lotion, oil at pabango.

Ni DIANA UICHANCO

Page 9: Tapat Vol 1 No 3

9MARSO 19-25, 2013 tampok

Bakit walang tigil ang mga problema?Dear Ate Ami,

Ako po ay isang simpleng taga-Ton-do, may asawa’t tatlong anak. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo dahil kahit anong gawin ko ay parang mailap sa akin ang tagumpay. Dati ay namasukan ako sa isang pabrika ng apat na taon, sumunod ay sa isang kumpanya bilang delivery staff. Tumagal ako doon ng halos sampung taon, pero sa kasawiang palad ay nagsara ang kumpanya tulad ng una kong pi-nasukan. Sa pamamagitan ng mal-iit naming ipon ng aking asawa, nagsimula ako ng maliit na nego-syo (pandesal) ngunit itinigil na rin namin dahil sa mga utang ng cus-tomer na parang kinalimutan nang may utang sila sa amin. Alam kong sipag at tiyaga lang ang kailangan pero bakit parang kahit ano po ang gawin ko, kapalpakan ang laging kinalalabasan? Tulungan niyo po ako dahil hindi ko na makita ang kabuluhan nitong pagiging mabait; ang mga kaibigan ko pong mga walanghiya (ipagpaumanhin niyo po ako sa pagsabi nuon) ang siyang umaangat at masaya sa kanilang mga katungkulan habang kami ng pamilya ko ang nasusuklian ng hi-rap para sa pagpapakabait. Gusto ko rin po naman bigyan ang aking misis at mga anak ng mas mag-inhawang buhay.

- Tonio ng Tondo

Dear Tonio ng Tondo, Unang una, ipahintulot mong sabi-hin ko muna sa iyo na “feel na feel” ko iyang sinasabi mo, dahil nagdaan din ako diyan.  Alam mo kasi, dito sa tra-baho ko sa pamamahayag, kailangang tapat ako sa tungkulin kong hanapin ang katotohanan at iyon ang iparating sa mamababasa.  Siyempre, “press” ako, madaming “nangliligaw” sa akin para mapakinabangan nila ang istado ko sa media.  Pero hindi ko maatim na tang-gapin ang “friendship” nila pagkat iyon ay mangangahulugang hindi na ako ma-giging tapat sa tungkulin, sa tao, sarili

ko, at sa Diyos.  Pero hindi madaling manindigan sa prinsipyo ko.

Dumaan ako sa matinding paghihirap tulad ng dinadanas mo ngayon, at pati ang Diyos ay halos sumbatan ko na rin, kasi eto ako, nagpapakabait nang buong puso, nagsusumikap maging tapat sa ka-looban Niya, wala akong luho, pero hin-di ako maubus-ubusan ng problema sa pera lalo na; inuutangan ako nang hindi binabayaran, dinidispalko ng katiwala ko ang pera ko, hindi tuloy ako maka-bili ng kotseng bago o laptop man lang, o makapagbigay ng malaki-laki sa mga charities ko—samantalang yung mga kasamahan ko sa trabaho na walang pakialam sa Diyos, hindi na nila kailan-gang paghirapan ang mga pasarap sa buhay, meron pa ngang masasarap ang buhay, yun pa ngang “kabit” me kotseng magara, me tsuper pa, magaganda ang damit, at maraming kaibigan.  Unfair si God, di ba?

Pero kalaunan, nakita ko na sa kabila nung mga bagay na meron sila, hindi pala payapa ang kalooban nila, hindi sila makuntento, laging naghahanap ng higit pa, at marami silang sakit.  Ako, walang luho, walang sakit.  Siguro dahil natutunan kong pasanin ang mga prob-lema ko bilang pagdamay kay Kristong nagpakasakit gawa ng kasalanan ng iba, nahabag Siya sa akin.  Hindi “unfair si God” at hindi rin malas na nasa kalagit-naan tayo ng problema.  Mailap sa iyo ang tagumpay, sabi mo?  Pag-isipan mo ang aking mga sinabi, at subukan mong iluhog sa Diyos ang mga iniisip mo.  Bibigyan ka Niya ng liwanag para ian-gat ang istado mo sa buhay, sa Kanyang paraan.  Ibabalik Niya ang “balance” sa iyong buhay ng hindi mo namamalayan.  Basta gawin mo ang dati mong ginaga-wa nang buong tapat sa Kanyang mga alituntunin dahil mahal mo ang Diyos na nagbigay sa iyo ng hininga.

AteAmi

Dear Ate Ami thority at MVP Sports Foundation ay si bantamweight Jonas Bacho na nabigong makapasok sa semifinal round.

Sa finals, dinurog  ni Marcial, ang 2011 World Junior champion,  si Batzorig Otgonjorgal ng Mongolia, 29-12 habang hiniya naman ni Bautista ang panlaban ng Uz-bekistan na si Mirazizbek Murzahalilov sa pamamagitan ng 19-10 panalo.

Nagwagi rin ang dating World Youth Championship bronze medalist  na si Bornea kay Kosei Tanaka ng Ja-pan, 15-13, at nanaig si Palicte kay Liu Xiaoshuai ng China, 17-13.

“A great day for Philippine boxing,” sabi ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas. “Words can’t express how proud I am of the overall effort and resolve put together by our young ABAP boxers in this tournament. Truly magnificent! Great job, guys.”

bansang Cambodia, Turkmenistan at Brunei. Ang man-gunguna sa grupong ito ay awtomatikong makakapasok sa 2014 AFC Challenge habang ang No. 2 team dito ay may pag-asa ring umusad depende sa resulta ng iba pang Group Stages.

Nauna nang nagwagi sa Group Stage ang Myanmar (Group A), Afghanistan (Group C) at Palestine (Group D). Ang Group B ay paglalabanan ng Kyrgyzstan, Tajik-stan, Pakistan at Macau.

Sa pagtatapos ng mga Group Tournaments ay makakasama ng limang group winners ang top two sec-ond placers ng qualifying round sa main tournament. Awtomatiko namang magkakaroon ng slot ang host country na Maldives sa walong-koponang torneyong ito.

Ang kampanya ng Azkals dito ay pangungunahan nina Chiefy Caligdong, Neil Etheridge, Stephan Schrock, Jerry Lucena, Dennis Caraga, Rob Gier, Juani Guirado, Ray Jonsson at ng magkapatid na James at Phil Young-husband. Nanatili pa ring coach ng Azkals si Hans Mi-chael Weiss ng Germany.

Azkals... mula sa pahina 11

PH umani... mula sa pahina 11

ano na umiskor din ng 15 puntos sa unang laban la-ban sa Fruitas.

Ang Boracay Rum Waves naman ay galing sa 95-85 panalo kontra Informatics College Icons. Ang Waves ay pinangunahan ni Roi-der Cabrera na umiskor ng 28 puntos kabilang ang 15 puntos mula sa three-point area. Gumawa rin ng tigalawang tres sina Jeff Viernes at Fhadzmir Bandayiing para tulungan si Cabrera na paulanan ng tres ng Boracay Rum ang Informatics.

Nagtapos si Viernes na may 14 puntos habang si

Bandayiing naman ay may 10 sa laro.

May pagkakataon na-man ang Informatics na makabawi ngayong Martes sa pagharap nito sa Café France.

Ang Informatics ay pan-gungunahan nina Nathan-iel Matute, Moncrief Roga-do, Marc Lester Benitez at Jeric Teng.

Makakatapat naman nila sa kabilang kampo sina Mon Alvin Abundo, Ray-mund Maconocido, Marion Magat at Michael Parala.

Galing ang Bakers sa 80-83 kabiguan laban sa Black-water Sports.

Ikalawang panalo... mula sa pahina 12

Page 10: Tapat Vol 1 No 3

10 MARSO 19-25, 2013

TAPAT HIrINGACCOUNT EXECUTIVE- Graduate of Mass Communication or any related course- Willing to work under pressure and able to meet deadlines- Willing to extend hours to finish deadlines- Excellent oral and written communications skills- Good interpersonal skills- Team player- Computer Literate- Attentive to details- Passionate, hard working and well organized professional with ability to prioritize and multitask- With pleasing personality

Email your resumes to:[email protected]

da pero umaasa si Mixers head coach Tim Cone na makaalag-wa ang kanyang koponan kon-tra Air21 sa Martes para ma-so-lo nito ang ikaapat na puwesto.

Pero tiyak na hindi naman basta padadaig ang Air21 Ex-press na matapos na manalo la-mang ng isang beses sa unang anim na laro ay kasalukuyan namang may two-game win-ning streak.

Magkasunod na tinalo ng Air21 ang   GlobalPort, 106-94, at Alaska Milk, 74-68, para makaahon sa kinalulubugang putik. Ngunit kailangan pa ng Express ng ibayong pagsisikap para magtuloy-tuloy ang ka-nilang pag-angat.

Sasandig si Air21 coach Franz Pumaren sa mga pambato ni-

yang sina Nino Canaleta, Mike Cortez, John Wilson, Mark Isis, Wynne Arboleda at import ni-tong si Michael Dunigan.

Tulad ni Bowles ay masipag at matatag sa ilalim si Dunigan. Kontra GlobalPort ay kumulekta ng 35 puntos at 20 rebounds si Dunigan at kontra Alaska naman ay may 25 puntos at 14 rebounds ito.

Sa isa pang laro sa Martes ay magtutuos ang Rain or Shine at Barako Bull.

Kapwa pakay ng dalawang ko-ponang ito na mapigil ang kani-kanilang losing streak. Ang Rain or Shine ay papasok sa larong ito   tangan ang dalawang dikit na kabiguan habang ang Barako Bull naman ay hindi nanalo sa huling apat na laro.

San Mig... mula sa pahina 12

dollar remittances na nagpalutang sa ating ekonomiya nung mga nakaraang krisis pinansyal?

Napakababaw ng tingin natin sa ating sarili. Sa plano ng Diyos, tayo ang ginagamit niya para ihatid ang mab-

uting balita sa ibang bansa. Tayo ang ginagamit niya para buhayin muli ang mga simbahang nagsara sa Europa, Australia, atbp.

Tayo ang ginagamit niya para ipadama sa ibang lahi na mahalaga ang pagmamahal, concern at affection sa ating kapwa taong may sakit, sa ating uugod-ugod na mga mahal sa buhay na retirado na ngayon, sa mga bata na ihinahabilin sa ating mga babysitter, sa mga taong kausap sa telepono na nangangailangan ng tulong o direk-syon, at napakarami pang iba.

Bakit mahalaga... mula sa pahina 7

ah.hehe Ano na nga ba ang ginagawa ng gobyerno natin tungkol sa Sabah? Any update?…hmmm sana nga matapos na ang sigalot; ang dami nang nadamay at sana naman makipagtulungan at maging bukas ang isipan ng Malaysia hinggil sa pag-uusap. Hindi lang naman mga Pilipino ang apektado kundi mga kababayan rin nila.

Ang ending?..Isa lang ang napatunayan ko, hindi hadlang ang re-lihiyon para magkaisa tayo dahil kahit iba-iba ang paniniwala natin, meron pa rin tayong pagkakatulad at iyan ang pagkakaroon ng Isang Dugo at Isang Lahi ng mga Pilipino. ([email protected])

Isang dugo.. mula sa pahina 7

www.tapatnews.com

@tapatnews Tapat. Ang Balitang Totoo

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT [email protected]

Page 11: Tapat Vol 1 No 3

11MARSO 19-25, 2013 sportsEditor, MENERE RICAMATA NASIAD

Caloy Loyzaga nasa bansa para sa paglulunsad ng tribute bookNasa bansa ngayon ang tinaguriang “The Greatest Filipino Basketball Play-er” na si Carlos “Caloy” Loyzaga para personal na dumalo sa  book launching ng Caloy Loyzaga: The Big Difference.

Nakatakda ang paglunsad ng trib-ute book para kay Caloy sa Mi-yerkules, Marso 20, sa San Beda Col-lege chapel sa Mendiola, Manila.

Ang libro, na pinagtulungang bu-uin ng mga pangunahing sports writ-ers sa bansa, ay may kapal na 100 pa-hina at naglalaman ng mga kuwento, mga larawan at iba pang bagay tung-kol kay Caloy na tinagurian ding “The Big Difference,” “The Great Differ-ence” at “King Caloy” noong nagla-laro pa siya para sa San Beda College.

Hinatid ni Caloy, na ngayon ay 82 taong gulang na, ang Red Lions sa kampeonato ng NCAA noong 1951, 1952 at 1955. Pinangunahan din niya ang San Beda noong nasungkit nito ang Na-tional Open championship noong 1951.

Si Caloy ay may taas na 6’3’’ la-mang ngunit magiting niyang tina-patan ang mas matatangkad na sento ng kalabang bansa sa iba’t ibang international tournaments.

Hinatid niya sa gold medal finish ang pambansang koponan ng Pilipi-nas sa Asian Games ng apat na beses (1951, 1954, 1958 at 1962) at sa ABC tournament (FIBA-Asia na ngayon) ng dalawang beses (1960 at 1963).

Pinanguanahan din niya ang ban-sa sa bronze medal finish sa 1954 Rio de Janeiro World Basketball Cham-pionship matapos mag-average ng 16.4 puntos kada laro sa torneyo.

Muli siyang nakasama ng kopo-

nan sa World Basketball Champion-ship sa Santiago, Chile noong 1959.

Nakapaglaro din siya sa Olym-pics noong 1952 sa Helsin-ki at noong 1956 sa Melbourne.

Si Caloy ay kasalukuyang nanin-irahan sa Australia at bumalik ng Pilipinas kamakailan para sa natur-ang book launching na inorganisa ng San Beda College Alumni Association, San Beda College Alumni Foundation at San Beda Law Alumni Association.

Ilan sa mga napiling magsulat para sa libro ay sina Quinito Henson,  Beth Celis, Tessa Jazmines, Henry Liao, Lito Cinco, Ignacio Dee, Frederick Na-siad at dating senador Rene Saguisag.

IM dimakiling kampeon sa candon chessfestPinagharian ni International Master Oliver Dimakiling ng Davao City ang 2013 Candon Rapid Open Chess Cham-pionship na ginanap noong isang ling-go sa Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur.

Tinapos ni Dimakiling ang torneyo na may 6.0 puntos sa pitong rounds katab-la si Fide Master Hamed Nouri, ngunit dahil tinalo ni Dimakiling si Nouri sa round 6 ay naiuwi ng Dabawenyo ang

- pahina 5

PH umani ng 4 na ginto sa Asian Youth Boxing

Sa limang batang amateur boxers isinali ng bansa ay apat ang nanalo ng gintong medalya sa  2013 ASBC Asian Con-federation Youth Boxing Championships na natapos nitong Sabado sa Subic Gym sa  Zambales.

Ang mga umani ng parangal para sa bansa ay sina light flyweight Jade Bornea, flyweight Ian Clark Bautista, light-weight James Palicte at light welterweight Eumir Marcial.

Ang tanging nalaglag na Pinoy sa torneyong inorganisa ng ABAP-PLDT katuwang ang Subic Bay Metropolitan Au-

- pahina 9

Nanalo ng gintong medalya si Ian Clark Bautista (blue jersey) ng Pilipi-nas matapos niyang pagharian ang flyweight division ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championship na nagtapos nitong Sabado sa Subic. Bukod kay Bautista ay nagwagi rin ng ginto ang mga kababayang sina Jade Bornea (lightflyweight), James Palicte (light-weight) at Eumir Marcial (light welterweight).

Azkals handa na sa AFC Challenge Cup qualifying tournament

Handang-handa na ang Philippine Azkals na suma-bak sa qualifying tournament ng 2013 AFC Chal-lenge Cup na ga-ganapin sa Marso 22-26 sa Rizal Me-morial Football Field sa Malate, Manila.

Makakasagupa ng   Pilipinas sa  Group E ang mga

- pahina 9

Page 12: Tapat Vol 1 No 3

12 MARSO 19-25, 2013sportsEditor, MENERE RICAMATA NASIAD

Ikalawang panalo pakay ng Jumbo Giants

Mga Laro sa Martes (March 19)

(San Juan Arena)

2 p.m.

Informatics vs

Café France

4 p.m. Jumbo Plastic Linoleum

vs Boracay Rum

Game SchedulesMga Laro sa Huwebes

(March 21)(Ynares Arena, Pasig)

12 p.m. Cebuana Lhuillier

vs NLEX

2 p.m.Fruitas

vs Blackwater Sports

4 p.m.EA Regen Med

vs Hog’s Breath Café

Baguhan lamang ang Jum-bo Plastic Linoleum Giants sa PBA D-League ngunit sa Martes, Marso 19, ay pinu-puntirya na nito ang ikala-wang sunod na panalo sa liga.

Sa unang laro ng Giants ay tinambakan sila ng Frui-tas Shakers, 56-81, ngunit agad namang bumawi ang koponang minamanduhan ni coach Steve Tiu noong Huwebes nang humataw ito ng 81-55 panalo kontra Hog’s Breath Café na isa ring baguhang koponan sa liga.

Sa layong iyon ay gu-mawa ng 17 puntos si Al-jon Mariano at nag-ambag naman ng 13 puntos si Elli-ot Tan at 11 puntos si Mar-vin Hayes. Kontra Boracay Rum ay inaasahan ni Tiu na patuloy na maglalaro ng mahusay ang   tatlong ito lalung-lalo na si Mari-

- pahina 9

Mga Laro sa Miyerkules (March 20)

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m.

Rain or Shine vs

Barako Bull

7:30 p.m. SanMig Coffee

vs Air21

Mga Laro sa Biernes (March 22)

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. Petron Blaze

vs Talk ‘N Text

7:30 p.m. Ginebra

vs Meralco Bolts

TeamStandings

AlaskaPetronRain or ShineTalk ‘N TextMeralcoSan Mig CoffeeBarako BullAir21GinebraGlobal Port    

W7654443332

L2234445557

Umiskor ng 28 puntos si Mark Caguioa para pangunahan ang 107-100 panalo ng Barangay Ginebra laban sa Talk ‘N Text nitong Linggo sa PBA Commissioner’s Cup.

SanMig, Air21 magkakasubukanAksyong umaatikabo ang tiyak na masasaksihan sa pagpapatuloy ng Philip-pine Basketball Associa-tion (PBA) Commission-er’s Cup sa Smart Araneta Coliseum ngayong Martes, March 20.

Magsasagupa ang San-Mig Coffee at Air21 na kapwa naghahangad na makabangon sa hindi magandang simula sa liga.

Galing sa 76-71 panalo ang SanMig Coffee Mix-ers kontra Meralco Bolts sa larong kinatampukan ng double-double perfor-

mance ng import nitong si Denzel Bowles.

Si Bowles, na hinatid ang koponang ito sa kampe-onato noong isang taon, ay humataw ng 23 puntos at 16 rebounds para pan-gunahan ang Mixers sa panalo. Nagdagdag naman ng 19 puntos si James Yap, at si Marc Pingris ay nagta-pos na may pitong puntos at 16 rebounds.

Kasalukuyang katabla ng SanMig ang Talk ‘N Text at Meralco sa ikaapat na puwesto sa team standings na pawang may 4-4 karta-

- pahina 10