talumpati

2
Bilang mag-aaral, anong magagawa mo para maisulong and Filipinong Wika Bilang “Intelektwalisado at Intelektualisasyon sa Wikang Filipino” May mga naniniwala na nais man nating gamitin ang pambansang wika sa midya, pagtuturo, gobyerno o sa pagsisiyasat, kapos sa bokabularyo ang Filipino. Di raw nito kayang ipahayag ang matatayog na kaisipan. Sa madaling salita, hindi pa raw “intelektwalisado” ang ating pambansang wika. Para sa akin, hindi isyu ang intelektwalisasyon ng wika. Isa sa katangian ng Wika ay ito ay dinamiko, binibigyang buhay ito ng mga taong nagsasalita, nag-iisip at nagsusulat dito. Lumalawak at yumayaman ito, ayon lamang sa paggamit ng mga tao. Malakas ang aking paniniwala na walang wikang nananatiling salat kung gagamitin ito hindi lamang sa pangaraw-araw na buhay kundi sa diskurso at iba pang larangang pang-intelektwal. Bakit nga ba naging salat ang ating pambansang Wika sa gawaing intelekwal? Bunga kasi ito imperyalisasyon. Itinanim ng mga dayuhan ang kaisipan nila sa ating sistemang edukasyon. Kaya naman nakapalupot sa dayuhang wika ang mga teorya sa humanidades o agham panlipunan, sa syensya o matematika, sa pilosopiya o ekonomiya, dahil ang mga ito ay dinibelop sa kanluran. Hindi ko naman ito minamasama. Sa katunayan nga ang mga kaalamang natutunan natin sa kanluran ang nagpabilis ng ating pagpasok sa modernong panahon at ng paglahok natin sa pandaigdigang sibilisasyon. Ngunit naging resulta din ito sa paghiwalay natin sa sarili nating kultura at pinaboran ang wikang dayuhan. Bilang mag-aaral papaano ko maisusulong ang Wikang Filipino para maging intelektwalisado. Kung tutuusin mahirap para sa simpleng mag- aaral na tulad ko ang paggamit ng wikang Filipino sa mga larangang pang-intelektwal, sapagkat maraming hahadlang. Isa na dito ang hindi pa lubusang nasasalin sa wikang Filipino ang lahat ng dayuhang termino. Pangalawa, Globalisasyon. Karamihan sa mga bansa ngayon ay

Upload: raf

Post on 04-Sep-2015

193 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Bilang mag-aaral, anong magagawa mo para maisulong and Filipinong Wika Bilang “Intelektwalisado at Intelektualisasyon sa Wikang Filipino”

TRANSCRIPT

Bilang mag-aaral, anong magagawa mo para maisulong and Filipinong Wika Bilang Intelektwalisado at Intelektualisasyon sa Wikang Filipino

May mga naniniwala na nais man nating gamitin ang pambansang wika sa midya, pagtuturo, gobyerno o sa pagsisiyasat, kapos sa bokabularyo ang Filipino. Di raw nito kayang ipahayag ang matatayog na kaisipan. Sa madaling salita, hindi pa raw intelektwalisado ang ating pambansang wika.

Para sa akin, hindi isyu ang intelektwalisasyon ng wika. Isa sa katangian ng Wika ay ito ay dinamiko, binibigyang buhay ito ng mga taong nagsasalita, nag-iisip at nagsusulat dito. Lumalawak at yumayaman ito, ayon lamang sa paggamit ng mga tao. Malakas ang aking paniniwala na walang wikang nananatiling salat kung gagamitin ito hindi lamang sa pangaraw-araw na buhay kundi sa diskurso at iba pang larangang pang-intelektwal.

Bakit nga ba naging salat ang ating pambansang Wika sa gawaing intelekwal? Bunga kasi ito imperyalisasyon. Itinanim ng mga dayuhan ang kaisipan nila sa ating sistemang edukasyon. Kaya naman nakapalupot sa dayuhang wika ang mga teorya sa humanidades o agham panlipunan, sa syensya o matematika, sa pilosopiya o ekonomiya, dahil ang mga ito ay dinibelop sa kanluran.

Hindi ko naman ito minamasama. Sa katunayan nga ang mga kaalamang natutunan natin sa kanluran ang nagpabilis ng ating pagpasok sa modernong panahon at ng paglahok natin sa pandaigdigang sibilisasyon. Ngunit naging resulta din ito sa paghiwalay natin sa sarili nating kultura at pinaboran ang wikang dayuhan.

Bilang mag-aaral papaano ko maisusulong ang Wikang Filipino para maging intelektwalisado. Kung tutuusin mahirap para sa simpleng mag-aaral na tulad ko ang paggamit ng wikang Filipino sa mga larangang pang-intelektwal, sapagkat maraming hahadlang. Isa na dito ang hindi pa lubusang nasasalin sa wikang Filipino ang lahat ng dayuhang termino. Pangalawa, Globalisasyon. Karamihan sa mga bansa ngayon ay gumagamit ng Ingles kaya naman mismong bansa natin hinihikayat ang paggamit ng wikang Ingles kaysa sa ating sariling wika. Pangatlo, ang pangambang maiwan sa kaunlaran ng pag-iisip kung tumiwalag nang tuluyan sa wikang Ingles. Kaya naman pahirapan ang paggamit ng wikang Filipino sa ibat ibang sektor sa lipunan.

Pero hindi naman imposible na maging intelektwalisado ang ating Pambansang Wika, may kasabihan po tayong Hanggat may buhay, mayroong pag-asa. Anu-ano ba ang pwedeng gawin ng simpleng mag-aaral na tulad ko ukol sa suliraning ito.

Ang pinakasimpleng magagawa natin ay ang paggamit ng wikang Filipino sa kahit na anong pagkakataon. Palaguin ang kaalaman ukol sa ating wikang pambansa at linangin ito. Sa ngayon mas mapapadali ang pagiging intelektwalisado ng wikang Filipino sapagkat ang gobyerno ay tumutulong sa pagsulong ng Mother tongue based Multilingual Education na hinihimok na ang pagtuturo sa elementarya ay sa katutubong wika ng mga bata.

Ngunit sa mga kaisipang pantao, mahalagang pag-aralan ang mga ipinahihiwatig ng estruktura at idyoma ng wikang Pilipino. Sa pangungusap ng katutubo matutuklasan ang mga pagpapahalagang katutubo. Kung maluwag na naisalin sa Pilipino ang mga pangungusap na banyaga, makikilala rito ang pagkakawangis ng ating lahi at kalinangan sa ibang mga lahi at kalinangan. Kung may mga pangungusap na hindi maisalin sa Pilipino kahit ng dalubhasa, mahihiwatigan dito, hindi ang kakulangan ng ating wika, kundi ang ating pagkakaiba sa mga dayuhan.

Sa kabilang dako, iginigiit kong sa anumang larangang pantao, hindi natin malilinang nang lubusan ang isipang Pilipino sa pamamagitan ng anumang wikang dayuhan. Ang ating wika ang tanging paraan ng pagsusuri at pananaliksik na makapagsisilbi sa atin, sapagkat ito ang makatutuklas ng mga katotohanang nauukol sa atin. Tayo ang dapat na maging hulo at dulo ng ating mga pag-aaral. Walang silbi ang dalubhasang napakagaling sa pag-unawa sa buhay at kalooban ng mga estranghero, ngunit ngangapa-ngapa kapag napaharap sa mga katalagahang Pilipino.