eal of artnership filipino...ikalawang markahan – modyul 4: mga akdang pampanitikan sa silangang...
TRANSCRIPT
-
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya: Talumpati
Zest for Progress Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
9
-
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Glydell P. Calago at Lea Jane T. Lañoso
Editor: Jade A. Bengua/Alma R. Santiago, MT-1
Tagasuri: Alma R. Santiago, MT-1
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Gerald V. Dumat-ol
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD
Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS
Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 4: Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya:
Talumpati
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
InilimbagsaPilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
-
1
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-
unawa sa mga piling akdang tradisyunal ng Silangang Asya.
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng
sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano
Ikaw ay inaasahang makamtan ang mga karunungang:
Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa
kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati. (F9PD-IId-47)
Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu
sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan. (F9PS-IId-49)
Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa
lipunang Asya.(F9PU-IId-49)
Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi.(F9WG-IId-49)
Magandang araw! Kumusta ang iyong pagbasa sa
isang sanaysay mula sa Silangang Asya? Napakagaling mo
naman. Hindi ba’t napakaganda ng sanaysay na inyong
nabasa? Talagang kapupulutan ng maraming aral.
Sa modyul na ito ay babasahin natin ang talumpati
mula sa Timog Korea (South Korea).
Ihanda ang inyong mga sarili para sa panibagong
kaalaman. Pero bago nating simulan ang makabuluhang
paglalakbay tungo sa karunungan.
Modyul 4
Talumpati: Ukol sa Pagbabago ng Klima
Nagmula sa bansang Timog Korea ang talumpating bibigyan natin ng pansin. Ang Timog Korea o kilala sa tawag na “South Korea” ay isa sa bansang
matatagpuan sa Silangang Asya. Ang industriya at kultura nito ay unti-unting
naangkop sa mga karatig bansa nito.
Ang Timog Korea ay isa sa mga bansa sa Asya na nanguna sa paglunsad ng greenhouse gas emission trading scheme. Ito ay naglalayong mabawasan ang
produksiyon ng gas ng tatlumpung porsiyento pagdating ng taong 2020. Ang hakbang na ito ng Timog Korea ay nagpapakita lamang ng kanilang pangakong
mangunguna sa mga pagkilos upang
-
2
maalagaan ang ating planeta. Naniniwala silang ang mababang produksiyon
ng carbon ay magbubunga ng pagsulong ng ekonomiya.
Ang kasaysayan ng Timog Korea ay nagsasaad ng kuwento ng isang
bansang umahon sa kahirapan at sa sandaling panahon ay naging isa sa mga
tinaguriang Asian Tigers. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 9
KARUNUNGAN NG NAKARAAN!
Panuto: Punan ang hinihingi ng tsart sa ibaba tungkol sa sanaysay na inyong
binasa sa nakaraang modyul.
Tuklasin
Pamagat ng Sanaysay
Ano ang kaisipang
napaloob sa sanaysay?
Ano ang layunin ng may-akda sa
pagsulat ng sanaysay?
Tungkol saan ang paksa nito?
Paano nabuo ang sanaysay?
Bilib ako sa talas ng iyong memorya. Talaga
namang ipinapakita mo ang iyong angking galing.
Huwag kang mag-alala, hindi pa, nagtatapos ang ating
paglalakbay. Ito pa lamang ang simula. Alam kong kaya
mong tapusin ang modyul na ito. Muli, handa ka na ba?
Balikan
Sa ating buhay mayroon tayong mga alaala na
nais nating balikan. Gayundin sa aralin, susubukin
natin kung naalala mo pa ba ang mga nakaraang
tinalakay sa modyul. Handa ka na ba?
-
3
A. Bakit Naging Ganito?
Panuto: Sa panahon ngayon laganap na ang mga problema. Isa na rito ang mga kalamidad. Ngayon, nais kong magtala ka ng kalamidad na naranasan sa buong
mundo. Itala ang mga dahilan nito. Gamitin ang tsart sa ibaba.
Mga Kalamidad Posibleng Dahilan
B. Isyu Mo! Opinyon Ko! Panuto: Isulat ang iyong opinyon, mungkahi at matibay na paninidigan hinggil sa
isyung ibinalita sa ABS-CBN News. Isulat ang sagot sa tsart.
Sa kabila ng maraming kalamidad na tumatama sa bansa, mas maraming Pilipino pa rin ang nagsabing hindi sila handa, batay sa isang pag-aaral.Ayon sa
survey na isinagawa ng Harvard Humanitarian Initiative (HHI), 74 porsiyento o 7 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabing wala silang kakayahan mag-invest o maglaan ng
pera para sa paghahanda sa mga sakuna.
Tatlumpu't anim na porsiyento o 1 sa bawat 3 Pilipino lang ang nagsabing
"fully prepared" o handang-handa sila sakaling may tumamang kalamidad, batay sa pag-aaral.Ayon sa pag-aaral ng HHI, malaking balakid sa paghahanda ng mga
Pilipino sa mga sakuna ay ang kawalan ng pondo para rito at ang kawalan ng oras
para maghanda.
Isa sa bawat 2 Pilipino ang nagsabing wala silang ginawa para maghanda sa mga sakuna sa nakalipas na 5 taon.
Pero 8 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabing napag-usapan na ng kanilang pamilya
kung ano ang gagawin sakaling magka-emergency.
"One of the things that they say is despite those discussions, that they
remain underprepared for a variety of reasons, the most significant of which is the lack of financial resources, " ani Vicenzo Bollettino ng HHI. Walo sa bawat 10
Pilipino ang nagsabi na wala rin silang tinatawag na "go bag" o iyong bag na nakahanda parati at dadalhin sakaling kailangang lumikas.
Nagpaalala ang mga eksperto na pag-usapan dapat ng pamilya kung ano ang gagawin at saan pupunta sakaling tumama ang emergency. Maghanda rin ng
-
4
go-bag o balde na may laman na pang-ilaw, pito para mag-signal ng tulong, first
aid kit, pagkain, tubig, pera at mahahalagang dokumento na nakasilid sa isang hindi nababasang lalagyan. -- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Ano ang opinyon mo? Ano ang maimumungkahi
mo?
Ano ang paninindigan mo?
Totoo bang hindi handa ang mga Pinoy? Panindigan ang
iyong sagot.
Suriin
ALAM MO BA?
Ang talumpati o “speech” ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat
ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
URI NG TALUMPATI
May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati:
1. Pampalibang - ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.
2. Nagpapakilala - kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa
husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
3. Pangkabatiran - ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga
Napakagaling naman ng inyong ginawa.
Batid ko ay hindi ka mahihirapang intindihin
ang paksang ating tatalakayin. Lahat ng
inyong pag-aalinlangan ay masasagot na!
Ihanda ang inyong mga sarili. Unawaing
mabuti at itatak sa inyong puso’t isipan.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-iisiphttps://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsasalitahttps://tl.wikipedia.org/wiki/Komunikasyon
-
5
dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang
makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.
4. Nagbibigay-galang – ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa
isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
5. Nagpaparangal - layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng
mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati. a. Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan
b. Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi c. Pamamaalam sa isang yumao
d. Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo
6. Pampasigla - pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng:
a. isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro b. isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
c. isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
BAHAGI NG TALUMPATI
1.Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati. 3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati.
Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran
upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
PARAAN SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI
1.Isinaulong Talumpati - karaniwang binibigkas sa mga timpalak sa pananalumpati. Ang nilalaman ay maaaring hindi gawa ng nagsalita.
2.Binasang Talumpati- ang talumpating binabasa ay maaring gawa o di-gawa ng nagsasalita. Habang binabasa ito sa harap ng madla, kinailangan ipadama sa
madla ang katotohanang nilalaman niyon sa paraang maliwanag at natural.
3.Talumpating Extemporaneous- ito ay talumpating hindi pinaghandaan
sapagkat hindi isinulat ng nagtatalumpati bago bigkasin sa madla. Sa isipan lamang biubuo ng nagsasalita ang kabuuan ng talumpati upang maayos niyang
maihanay ang kaisipang nais niyang paratingin sa nakikinig.
4.Talumpating Impromptu - ito ay halos katulad ng extemporaneous na
talumpati sapagkat walang paghahanda. Ni sa isipan ay hindi siya nakabubuo ng balangkas sapagkat ang ganitong talumpati kinakailangang tunay na malawak
ang kaalaman o karanasan ng nagsasalita upang hindi siya mag-apuhap o mangapa sa sasabihin ng madla.
PAANO GUMAWA NG TALUMPATI
Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.
1. Pumili ng magandang paksa. 2. Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol
sa napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga
-
6
babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
3. Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at katapusan.
4. Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at pansariling kapakinabangan.
5. Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin
ang iyong tagapakinig.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati
ALAM MO BA!
Angkop Na Mga Pahayag Sa Pagbibigay Ng Opinyon, Matibay Na
Paninindigan at Mungkahi
1. Ang pagbibigay ng opinyon ay paglalahad ng sariling palagay o paniniwalang tungkol sa isang bagay o pangyayari na hindi batay sa isang pananaliksik o pag-aaral.Mga parirala na maaaring gamitin sa pagbibigay ng opinyon: a. sa palagay ko… d. tunay na… b. sa aking panig… e. talagang…
c. para sa akin…
Halimbawa:
Para sa akin, matatagalan pa ang vaccine para sa Covid-19 Sa palagay ko kaya’t naghihirap ang ilang mamamayan dahil sa korupsyon
Talagang napakabait ni Lisa, hinihiling lahat ng lalaki na ang kababaihan ay maging si Lisa.
2. Sa pagbibigay naman ng paninindigan, magagamit ang mga salitang: a. kung e. kapag b. sakali f. nang
c. pag g. upang d. pagka
Halimbawa: Kung ako ay mananalo sa Lotto lahat ng tao ay tutulungan ko.
Kapag umalis ka ng bahay ngayon huwag ka ng umuwi pa.
3. Sa pagbibigay ng mungkahi, isaalang-alang ang damdamin ng taong pinag-uukulan ng mungkahi. Ang mga sumusunod ay maaaring gamitin sa pagbibigay ng mungkahi: a. higit na mainam d. sikapin mo
b. gawin mo e. maaari kang c. makabubuti kung
Sa pagbibigay kahulugan,
sinasabing ang talumpati ay isang buod
ng kaisipan o opinyon. Ngayon ay
tatalakayin natin ang ankop na pahayag
sa pagbibigay ng opinyon, matibay na
paninindigan at mungkahi.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati
-
7
Halimbawa:
Makabubuti kung lahat na manatili muna sa bahay para maiwasan ang paglaganap ng Covid.
Sikapin mong tapusin ang gawain para hindi ka bumagsak sa iyong klasi.
Ngayon, para mas lubusan nating maintidihan ang tinalakay sa suriin. Bibigyan ko kayo ng ilang gawain pero basahin muna natin ang isang talumpati
ukol sa pagbabago ng klima na binigkas ng dating Pangulo ng Timog Korea.
Bagama’t ang talumpati ay naisulat ilang taon na ang nakalilipas ay kapansin-pansin na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy parin sila sa pagbabantay sa
kalikasan.
Ang talumpating ito ay binigkas ni Pangulong Lee Myung-Bak, pangulo ng
Timog Korea sa Copenhagen noong ika-18 ng Disyembre sa pulong ng United Nations tungkol sa Climate Change.
Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima
Una sa lahat, kasama ninyo ako sa pagpapahatid ng pasasalamat sa buong pamahalaan ng Denmark at lahat ng mamamayan ng Copenhagen sa
paghahanda ng pagtitipong ito. Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay hindi lamang makaaapekto sa ating mga sarili kundi pati sa kabataan at sa
kinabukasan ng ating planeta. Halos pitong bilyong tao ang nanonood sa atin. Dapat hindi sila mabigo, maging tayo ay hindi rin dapat mabigo.
Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan ay magsama-sama. Imbes na sabihing “ikaw muna,” ay umpisahan nating sabihin “ako
muna.” Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang mag-
umpisa sa paggawa ng ating bahagi at kapag ito ay nagawa na natin ay saka pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong siklo sa mundo. Ito ang
dahilan kung bakit ang Korea ay nagpanukala ng pagpapatala ng NAMA.
Ang mekanismong ito ang mga magpapakilala sa mundo ng mga layuning
kusang inilatag ng mga umuunlad na bansa. Ito rin ang magdadagdag ng transpency at magbibigay upang matamo nila ang kanilang layunin. Ito ay isang
paraan upang mahikayat ang mga bansang kumilos nang kusa. Katulad ng ipinangako,ipinahahayag ng Korea ang layuning pagaanin ang problema. Bilang
isang bansa ay nangangako kaming maibigay ang pinakamataas na
pangangailangang inirekomenda ng pandaigdigang komunidad.
Kagaya ng alam ninyo, ang ekonomiya ng Korea ay palaging nangangailangan ng
enerhiya. Sa nakalipas na labinlamang taon dumoble ang produksiyon ng greenhouse gas ng Korea. Hindi madaling tumupad sa pangako para sa ganitong
bansa, ngunit pinili ng Korea na manguna sa usapin ng pagbabago ng klima. Maraming mga negosyante ang ilang beses na nagpulong upang makinig sa mga
hinaing at pangangailangan ng isa’t isa. Sa huli ay napagkasunduan naming gawin ito sapagkat makabubuti ang pagkilos sa atin at sa kabutihan ng mundo.
Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang pinakamabilis na
paraan upang sagipin ang mundo. Mga pinuno at mga mamamayan ng buong
Pagyamanin
-
8
GAWAIN A: POINT YOUR VIEW!
1. Anong uri ng talumpati ang ginamit?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang desisyong gagawin sa pagpupulong ng United Nations? Bakit ito mahalaga?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________ 3. Ano ang layunin ng Pangulo sa kanyang talumpati?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Batay sa talumpati ni Pangulo Lee Myung-bak, paano mo mailalarawan ang kanilang ekonomiya?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
mundo! Tayo ay nagkasundong bawasan ang produksiyon ng greenhouse gas,
ngunit papaano? Maraming mga kuro-kuro at opinyon kung paano ang mabisang pagtugon sa katanungang ito. Kaya rito sa Copenhagen, dapat
pagtuonan ang pagsagot sa kung paano mababawasan ang produksiyon ng greenhouse gas. Kung tutuosin kapag isinaalang-alang natin ang pagsulong ng
ekonomiya, ang paghanap ng solusyon ay napakahalaga. Sa puntong ito, kinakailangan nating pagtuonan kung paano mababawasan ang produksiyon ng
greenhouse gas kagaya ng ginagawa natin sa pagtugon kung gaano kadami ang dapat ibawas.
Sa kaso ng Korea, nagtakda kami ng Low Carbon Green Growth bilang bagong
pambansang bisyon naming. Taon-taon ang dalawang porsiyento ng aming GDP ay inilalaan sa Research and Development ng mga bagong makakalikasang
teknolohiya at impraestruktura. Dahil dito, sa katapusan ng taong ito, ang Basic Law on Green Growth ay ipapasa. Gagawin namin ang aming makakaya upang
mabawasan ang produksiyon ng carbon, ngunit maghahanap din kami ng mga makinang magtataguyod ng pagsulong,magbibigay ng maraming trabaho at
berdeng kinabukasan. At umaasa akong maibabahagi ko ito sa inyo. Ito ay isang dahilan kung bakit ang Korea ay magtatayo ng Global Green Institute o GGGI sa
kalagitnaan ng susunod na taon. Ang GGGI ay tutulong sa bawat isa sa atin
upang maibahagi natin ang ating galing at kaalaman.
Pagsasama-samahin natin ang mga iskolar, siyentipiko, at mga lider ng lipunan
sa buong mundo na magkaroon ng mga posibleng solusyon sa ating suliranin. Sa diwa ng pandaigdigang pakikipag-ugnayan ang GGGI ay maaaring maging global
think tank at maaaring maging tulay upang mapag-ugnay ang mauunlad at papaunlad pa lang na mga bansa. Kaugnay nito, ang Korea ay handang
tumulong sa pagbubukas ng post 2012 regime sa pamamagitan ng pagiging bansang pagdarausan ng COP 18sa 2012.
Mga pinagpipitaganan, mga ginoo at binibini, mga mamamayan ng buong
mundo, napagkasunduan natin ang dalawang digring layunin. Ngayon ay panahon na upang kumilos. Binigyan tayo ng isang makasaysayang
responsibilidad. Huwag nating kalilimutan na kung ano man ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan. Ngayon ay panahon na upang
sama-sama tayong kumilos. -Malayang salin mula sa talumpating binigkas ni dating Pangulong Lee Myung-bak ng Timog Korea
-
9
5. Sa tingin mo, makakaya kayang gawin ng bansang Pilipinas ang ginawa ng
Timog Korea? Patunayan ang iyong sagot. __________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________ GAWAIN B: PAHAYAG KO! REAKSYON MO!
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang ilan sa mga sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati. Bigyan ng reaksyon ang bawat pahayag kung sang-ayon ka sa
kanyang sinabi. Ano ang iyong saloobin o pananaw sa kanyang talumpati. Isulat ito sa mga linyang inilaan.
1. Pahayag: Huwag nating kalilimutan na kung ano man ang makakamit natin mula rito at kung ano man ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating
kinabukasan. Reaksyon:_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Pahayag:Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan ay
magsama-sama. Imbes na sabihing “ikaw muna,” ay umpisahan nating sabihing “ako muna.”
Reaksyon:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Pahayag:Ang usaping hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang mag-
umpisa sa paggawa ng ating bahagi Reaksyon:_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Napakahusay, malapit na tayong matapos sa ating paglalakbay tungo sa
karunungan. Nais ko munang subukan kung talagang naintindihan ang ating tinalakay sa ilang bahagi ng modyul.
A. SHARE YOUR IDEYA!
1. Paano nga ba nakatutulong ang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng ating opininyon, mungkahi at paninindigan?
Sagot: ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________
2. Ano ang maipapayo mo sa gustong sumulat at magbahagi ng kanilang talumpati?
Sagot: ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________
B. KULANG KO! PUNAN MO! Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.
Isaisip
-
10
1. Ang pagbibigay ng _______________ ay paglalahad ng sariling palagay o
paniniwalang tungkol sa isang bagay o pangyayari na hindi batay sa isang pananaliksik o pag-aaral.
2. Ang talumpati o “speech” ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng _______________ sa entablado para sa mga pangkat
ng mga tao. 3. Ang talumpating _______________ ay maaring gawa o di-gawa ng nagsasalita.
4. Sa pagbibigay ng mungkahi, isaalang-alang ang _______________ ng taong pinag-uukulan ng mungkahi
5. Ang layunin ng talumpati ay humikayat, tumugon, _______________, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Yeheeeeey! Nasa huling pagsubok na tayo. Handa ka na ba? Halina’t magpkakitang gilas sa iyong natutunan sa modyul na ito.
Kabuuang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Para sa bilang 1-2
1. Ano ang pahayag na ginamit ni Liza? A. Mungkahi
B. Opinyon C. Paninindigan
D. Suhestyon
2. Ano ang ginamit na pahayag ni Liza sa pagbibigay ng opinyon? A. dahil sa
B. sa aking palagay
C. tungkol sa D. nasabi niya
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI opinyon?
A. Naniniwala ako na siya ay makakapagtapos ng pag-aaral. B. Sa lahat ng kanyang sinasabi ay kasinunggalingan.
C. Ayon sa ilang pag-aaral ng mga siyentipiko, bago matapos ang taon ay may vaccine na.
D. Walang makakatalo sa kanyang angking talino.
4. Ayon sa talumpati ni Pangulong Lee Myung-bak sinabi niya na “Ngayon ay panahon na upang sama-sama tayong kumilos.” Ano ang saloobin ang kanyang
ipinapahiwatig? A. Hayaang magbigay ng tulong ang mayayamang bansa
Tayahin
Si Liza ay nanood ng balita tungkol sa pandemyang laganap sa ating bansa.
Nasabi niya na “Sa aking palagay, mahihirapan ang Pilipinas sa pagsugpo ng
Covid-19 dahil sa kakulangan ng pundo.”
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-iisip
-
11
B. Humingi ng tulong sa ibang bansa para umangat din ang ekonomiya ng
isang bansa C. Lahat ay kumilos para sa pagbabago
D. Lahat ay kumilos para sa pag-unlad ng isang bansa lamang
5. “Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang pinakamabilis na paraan upang sagipin ang mundo.” Paano ka makakabuo ng sariling panindigan sa
pahayag na ito? A. Kung tayo ay may disiplina sa sarili walang problema sa pagtulong.
B. Higit na mainam na huwag maging makasarili C. Sikapin mong magbago para sa bayan.
D. Walang mabuting maidudulot ang pagiging makasarili.
6. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA sinabi niya na “No
Vaccine, No Class.” Paano ka makakabuo ng opinyon sa pahayag na ito? A. Talagang tama ang desisyon ng Pangulo para sa kaligtasan ng mga bata
at guro. B. Mainam na ipagpatuloy parin ang pagtuturo kahit walang face to face.
C. Makakabuti kung ipagpaliban mo na ang face to face. D. Upang madaling masugpo ang Covid-19 dapat na sumunod sa protocol.
7. Anong uri ng talumpati ang ginawa ni Pangulong Lee Myung-bak?
A. Nagpapakilala B. Pangkabatiran
C. Pampasigla D. Pampalibang
8. _____________________ walang disiplina sa sarili ang mga taong tumatapon ng
kanilang mga basura. Anong angkop na pahayag ang kailangan sa pangungusap
upang makabuo ng isang opinyon? A. Kapag
B. Kung C. Sa tingin ko
D. Higit na 9. “Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon”. Ano ang nais ipahiwatig ni
Pangulong Lee Myung-bak? A. Ang ating mundo ay unti-unti ng nasisira
B. Maraming kalamidad ang nararanasan
C. Ang pagbabago ng klima dahil sa pagkasira ng ating planeta D. Ang kaligtasan ng tao sa pagbabago ng panahon
10. Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng
mungkahi. Maliban sa isa; A. higit na mainam
B. ngunit C. makabubuti kung
D. gawin mo
Para sa bilang 11-15
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ang pagpipilian ay nasa kahon.
A. Opinyon B. Mungkahi
C. Paninindigan
-
12
___________11. Sa tingin ko mahihirapang makaahon ang buong mundo dahil sa
pandemyang naranasan. ___________12. Nanindigan si Liza na ang “kabataan ang pag-asa ng bayan” kung
kaya’t gumawa siya ng isang awareness campaign. ___________13. Makabubuti kung wala kang importanteng dahilan na lumabas sa
bahay ay manatili ka na lamang. ___________14. Pinaniniwalaan ko na matatagalan pa ang bakuna para sa Covid
19. ___________15. Sa palagay ko, mahihirapan ang mga tao at magugutom kung
matatagalan pa ang pandemyang ito.
A. PANINDIGAN MO! Ngayon ay nais kong sumulat ka ng sampung (10) pangungusap na naglalaman ng iyong paninindigan sa isang argumentong hinggil sa napapanahong
isyu sa ating lipunan. Huwag kalimutang gamitin ang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng inyong opinyon, paninindigan, at mungkahi. Ihanda ang inyong
kakayahan sa pangangatwiran.
“Sang-ayon ka basa Balik Probinsya, Oo o Hindi”
Pumili ng inyong panig at pangatwiranan: _________________________________________ Sagot:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Karagdagang Gawain
Mga Krayterya
2 3 4 5
Organisasyon
Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya
May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa
Maayos ang organisasyon, pagkabuo ng talata
Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa kabuuan ng talata
Kaalaman / Pag-unawa Saklaw ng Kaalaman
Hindi lubos na nauunawaan ang ideya/ konsepto. argumento/ at patunay sa paksa
May pang-unawa sa ideya/ konsepto. argumento/ at patunay sa paksa
May higit na antas ng pang-unawa sa ideya/ konsepto. argumento/ at patunay sa paksa
Napakataaas ng antas ng pang-unawa sa ideya/ konsepto. argumento/ at patunay sa paksa
Paggamit ng wika at
mekaniks
Kailangang baguhin dahil halos lahat ng pangungusap ay may mali sa gramar,baybay at gamit ng bantas
Mga kahinaan dahil maraming mali sa gramar,baybay at gamit ng bantas
Mahusay dahil kakaunti lamang ang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas
Napakahusay dahil walang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas may mayamang bokabularyo
Presentasyon
Mahirap basahin dahil sa hindi maayos at malinis na pagkakasulat
May kahirapang unawain ang pagkakasulat at ng pangungusap
Malinis ngunit hindi lahat ay maayos ang pagkakasulat at ang mga pangungusap
Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata
-
13
Susi sa Pagwawasto
Binabati kita! Napakahusay ng inyong
ginawa. At natapos na rin natin ang bahagi ng
modyul. Palakpakan ang mga sarili sa
panibagong kaalaman na inyong natutunan.
Hanggang sa muli!
-
14
Sanggunian
Aklat:
Filipino Melcs Pinagyamang Pluma 9 Aklat 1 nina Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary
Grace G. del Rosario pahina 260-265 Panitikang Asyano 9
Internet:
https://news.abs-cbn.com/news/02/26/19/mas-maraming-pinoy-nagsabing-di-handa-sa-kalamidad
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati
https://tl.wikipedia.org/wiki/Timog_Korea
https://pinoycollection.com/talumpati/
Larawan:
Bitmoji app
https://news.abs-cbn.com/news/02/26/19/mas-maraming-pinoy-nagsabing-di-handa-sa-kalamidadhttps://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpatihttps://tl.wikipedia.org/wiki/Timog_Koreahttps://pinoycollection.com/talumpati/