tagalog - cycle toronto · pdf filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong...

16
MGA SIKLISTA HANDBOOK NG NG TORONTO Tagalog

Upload: phungquynh

Post on 03-Feb-2018

234 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

MGA SIKLISTAHANDBOOK NG

NG TORONTO

Taga

log

Page 2: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

Ang pagbibisikleta ay mura, maganda sa kalusugan at maginhawang gawin.Sumali sa higit sa 400,000 kalalakihan, kababaihan at kabataan ng Toronto na piniling sumakay ng bisikleta sa mas maraming araw dahil ito ay mura, maganda sa kalusugan, masaya at maginhawang gawin.

Ang pagbibisikleta ay para sa lahat!

mga nilalaman

handa nang magbisikleta

ang bisikleta

magbisikleta nang ligtas

mga tuntunin ng kalye

pagbibisikleta sa iyong lungsod

4

5–6

7–9

10–11

12–13

Page 3: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

2

Page 4: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

3

kalayaanPinapayagan ka ng isang bisikleta na magpunta kung saan mo gustong magpunta, kailan mo gustong umalis at mas madalas ay mabilis ito kaysa sa pagsakay sa pampublikong sakayan o kotse.

kaligtasanAng mga bisikleta ay kilala sa mga kalye ng Toronto. Ginagawang ligtas ng mga daanang nakareserba para sa mga bisikleta lamang at ng mga batas-trapiko na nangangalaga sa mga siklista ang pagbibisikleta para sa mga matatanda at bata.

matipidKapag ikaw ay nagmay-may-ari ng isang bisikleta, halos libre na ang iyong mga gastusin sa pagbibiyahe – daan-daang dolyar na mas mababa kaysa sa halaga ng pagsakay sa pampublikong sakayan at libu-libong dolyar na mas mura kaysa sa isang kotse.

maganda sa kalusuganPagagandahin ng regular na pag-e-ehersisyo sa iyong bisikleta ang iyong mental at pisikal na kalusugan at daragdagan nito ang iyong enerhiya.

masayaIsa sa maraming paraan ng pagsasaya sa iyong bisikleta ay ang paggalugad sa mga-lugar, dagat at parke kasama ang pamilya at kaibigan.

Page 5: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

4

bago sumakay sa iyong bisikleta Mararamdaman mong ligtas ka, komportable, malakas ang loob at masaya kapag may bisikleta kang naaangkop, regular na pinatitingnan, at may wastong mga kagamitan.

laging patingnan ang iyong bisikleta Regular na patingnan kung pinapayagan ka ng iyong mga preno na mabilis at madaling tumigil at di umuusog ang iyong dugtungan ng maniketa (crank arm) nang paharap at patalikod. Bababa ang kaganapan ng pagkawala ng hangin ng gulong kapag maayos ang pagkakabomba rito.

dapat naaangkop ang iyong bisikleta Siguruhing makatatayo ka sa crossbar ng iyong bisikleta. Kapag nakaupo, dapat ay komportable mong maaabot ang manibela ng bisikleta at dapat baha-gyang nakabaluktot ang iyong binti nang naaabot naman ang pedal sa pinakamababang puwesto nito.

Ang web page sa pagbibisikleta ng Lungsod ng Toronto sa toronto.ca/cycling ay sa pangkalahatan, isang magandang mapagkukunan ng impormasyong nagbibigay ng pinakabagong balita ng lungsod ukol sa pagbibisikleta pati na rin ng impormasyon sa mga programa ng lungsod

handa nang magbis ik leta

Page 6: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

upuan

tubo na kabitan ng upuan (seatpost)

ilaw sa likuran

preno sa likuran

cog set

panlinsad sa likuran (rear derailleur)

mga sakla ng kadena

itaas na tubo

tubo ng upuan

panlinsad sa harap (front derailleur)

kabitan ng rayos (spokes)

kadena braket sa ilalim (bottom bracket)

gulong

rim

fender

ang b is ik leta

5

Page 7: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

pedal

downtube

balbula (valve)

manibela (handlebars)

ilaw sa harap

stem

mga preno sa harap

fork

hub

mga pad ng preno (brake pads)

headset

mga panikwas ng preno (brake levers)

dugtungan ng man-iketa (crank arm)

mga shifter

kampanilya

matutong ayusin ang iyong bisikletaAng Community Bicycle Network ay ang nagtatanghal ng mga workshop sa kung papaano ayusin ang iyong bisikleta pati na rin ng mga kurso para sa kababaihan na tinuturo ng kababaihan. CommunityBicycleNetwork.org o tumawag sa 416 504 2918

6

Page 8: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

makita, manatiling ligtas Hinihiling ng batas ng Ontario na ang mga bisikleta ay malagyan ng isang puting ilaw sa harapan at pulang ilaw sa likuran pati na rin ng isang kampanilya o busina. Ang mga ilaw, reflector at matitingkad na kasuotan ay tumutulong sa mga nagmamaneho na makita ang mga siklista kapag gabi.

magsuot ng helmet Poprotektahan ng isang helmet na wasto ang pagkakasuot ang iyong ulo kapag bumagsak. Ligal na iminumungkahi sa Ontario na ang mga siklistang nasa edad 17 at mas bata ay magsuot nito.

ang mga maliliit na bata alinsunod sa batas, ay dapat umupo sa naaprobahang upuan sa bisikleta o bike trailer. Iligal na dalawang tao ang sumakay sa isang bisikleta sa Ontario.

mas madaling makita ang isang siklista sa umaga

tamang posisyon — mukhang maganda

masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante

kapag gabi at ikaw ay di na makikita o magiging invisible

kapag may ilaw at reflector (pampatalbog ng ilaw) makikita kang muli

masyadong nakapalikod

7

magbis ik leta nang l igtas

Page 9: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

maging alisto sa mga tumatawid Ang mga tumatawid ang pinakamapanganib na gumagamit ng daan. Tumigil habang ang mga tumatawid ay nasa tawiran at palaging maging magalang. Kapag ang mga pasahero ay sumasakay o bumababa sa mga streetcar na TTC o bus ng paaralan, dapat tumigil ang mga siklista sa hustong distansya mula sa mga pintuan at payagan silang ligtas na makatawid ng daan.

manatiling ligtas sa trapiko Palaging pangasiwaan nang mahusay ang iyong bisikleta at maging alisto sa trapiko at mga tumatawid. Palaging maging alisto at sumakay sa nakikita at pinakaligtas na bahagi ng kalye upang makaiwas sa mga banggaan. Tratuhin nang may paggalang ang ibang gumagamit ng kalye.

maging alisto Maging alisto sa trapiko dahil ang mga nagmamaneho ay di palaging nakatuon sa bisikleta. Tingnan ang mga panganib gaya ng mga lubak o mga bumukas na pinto ng kotse sa iyong daanan.

sumunod sa mga batas-trapiko Dapat kang tumigil sa mga pulang ilaw at mga karatula ng pagtigil at palaging magbisikleta sa direksyon ng trapiko. Alinsunod sa batas ng Ontario, ang pinakamabagal na sasakyan ang umuukopa sa kalyeng pinakamalapit sa gilid ng bangketa.

magbisikleta sa diretsong linya Mauunawaan ng mga nagmamaneho ang iyong mga intensyon kapag malakas ang loob mong magbisikleta at malinaw na nasa diretsong linya at malayo sa mga nakaparadang kotse. Huwag magpalihis-lihis sa trapiko. Tumingin sa likuran bago mag-iba ng daanan.

magbis ik leta nang l igtas

mag-iwan ng hustong distansya mula sa mga nakaparadang kotse

iwasan ang pagsingit sa maliliit na espasyo

aray!

8

Page 10: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

sa mga sangandaan Kapag nagbibiyaheng patungo sa isang sangandaan, subukang makipag-eye contact sa mga nagmamaneho. Maaaring ligal na okupahin ng iyong bisikleta ang buong daanan kung ito ang pinakaligtas na paraang makapagpatuloy.

bigyang-hudyat ang iyong pagliko Bigyang-hudyat ang iyong planong lumiko bago ka marating sa isang sangandaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga senyales ng kamay o pagtuturo. Bawasan ang iyong bilis sa mga pagliko – lalo na sa mga basang daan.

umiwas sa malalaking sasakyan Mag-ingat nang husto kapag nagbibisikletang malapit sa mga trak, bus at iba pang malalaking sasakyan. Huwag silang lagpasan sa sangandaan maliban kung siguradong ang mga ito didiretso.

magbis ik leta nang l igtas

huwag pumasok sa kanang daan kung didiretsolikuan sa kaliwa mula sa kaliwang bahagi ng daandalawang bahaging likuan sa kaliwa mula sa kanang daan

123

pagliko sa kaliwa

pagliko sa kanan pagliko sa kanan

tumigil

Magtungo ng isang ligtas na ruta sa pagbibisikletadadagdagan ng mga kursong CAN-BIKE para sa mga nakababatang siklista at iyong nasa edad 18 pataas ang iyong mga kakayahan, kaligtasan at kasiyahan sa pagbibisikleta: toronto.ca/cycling/canbike

1

2

3a

3b

9

Page 11: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

ang mga siklista at ang batas Ang pagsakay sa isang bisikleta sa Toronto ay hindi nangangailangan ng isang lisensya o espesyal na pahintulot. Ngunit, ang mga siklista ay dapat sumunod sa batas-trapiko at sumunod sa mga karatula at hudyat o harapin ang mga singil.

Highway Traffic Act (Batas-Trapiko sa Highway) Tinutukoy ng Highway Traffic Act ng Ontario kung paaanong ang lahat ng gumagamit ng daan – kabilang ang mga siklista - ay dapat kumilos. Dapat sundin ng mga siklista ang lahat ng regular na batas-trapiko pati na rin ang ilang mga regulasyong may kinalaman sa bisikleta.

Listahan ng mga piling paglabag at singil ng HTAmag-angkas ng pasaherong mas bata sa 16 na di nakasuot ng wastong helmet $110

di sumunod sa karatula sa pagtigil o hindi nakatigil $110

hindi nakapaghudyat para sa pagtigil o pagliko $110

siklistang bumabaybay sa o sa bahagi ng tawiran $110

pulang ilaw – hindi nakatigil $325

walang-ingat na pagmamaneho $490

batas-trapiko at pulisya Kayang patigilin ng pulis ang mga siklista kung sa tingin nila'y ang mga ito ay nakalabag ng batas-trapiko. Kung pinatigil, dapat ibigay ng mga siklista ang kani-kanilang wastong pangalan at tirahan.

walang pagbabawas-puntos sa mga siklista Ang mga siklista ay di nakatatanggap ng pagbabawas-puntos sa kani-kanilang lisenysa sa pagmamaneho para sa mga tiket na inisyu habang nakasakay sa kanilang mga bisikleta.

mga tuntunin ng ka lye

humanap ng mga ligal na mapagkukunan ng pangangailanganAng (arc) website ng Advocacy for Respect for Cyclists ang may pinakamaraming impormasyon tungkol sa mga bisikleta at sa batas, sa mga karapatan at pananagutan ng mga siklista at pagpapayo sa kung paano harapin ang mga tiket at kahiligan sa insurance: www.respect.to

10

Page 12: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

wag dumaan sa bangketaMapanganib at iligal na sakyan ang iyong bisikleta sa bangketa at sa mga tawiran (crosswalk). Palaging paunahin muna ang mga taong naglalakad kapag sila ay dumaan sa iyong daanan. Mas magandang bumaba sa bisikleta at ilakad ang iyong bisikleta sa mga bahaging ito.

mga tiket Maaaring magbigay ng tiket ang pulis sa mga siklista dahil sa mga paglabag sa tuntunin ng transportasyon, gaya ng di pagtigil sa pulang ilaw o dahil sa di maayos na kagamitan ng bisikleta gaya ng ilaw o kampanilya. Karamihan sa mga tiket ay nagkakahalaga ng $110.

banggaan Kung ikaw ay masang-kot sa isang banggaan, ikaw ay may karapatan sa mga benepisyo – pati ang pera upang mapalitan ang iyong bisikleta o makabayad ng mga singil sa kalusugan – kahit na ikaw ang may sanhi ng aksidente. Siguruhin na may tatawag sa pulis, makipagpalitan ng impormasyon sa pakikipag-ugnay sa nagmamaneho, at isulat ang numero ng kanilang plaka at impormasyon sa insurance.

mga tuntunin ng banggaan

11

Page 13: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

aray!

pagbibiyahe sa iyong lungsod Higit sa 60% ng mga tahanan sa Toronto ay nagmay-may-ari ng bisikleta. Sa panahon ng tag-init, ang mga residente ay nakapagsasagawa ng higit sa tatlong milyong biyahe sa bisikleta linggu-linggo, upang mamili, makipagtagpo sa kaibigan o magbiyahe papunta sa paaralan o trabaho.

magbiyahe papunta sa trabaho Nasa isa sa sampung trabahador ng Toronto ang nagbibiyahe papunta sa trabaho o paaralan nang nakabisikleta. Ang pagbibiyahe nang nakabisikleta ay itinuturing bilang isang matalino, mura at maginhawang paraan ng pagbibiyahe.

piliin ang pinakamagandang ruta Tutulungan ka ng Mapa sa Pagbibisikleta sa Toronto na pumili ng isang ruta sa pamamagitan ng mga daanan ng bisikleta, mga landas na tatagos sa mga parke, mga landas ng pantalan o mga kalye na walang trak at mabibilis na kotse. Sumubok ng isang bagong ruta nang Linggo upang maranasan ito nang walang abalang trapiko tuwing weekday (lunes - biyernes)

mga ruta ng bisikleta at mga daanan ng bisikleta Ang Toronto ay may daan-daang kilometro ng daanan ng bisikletang nasa kalye pati na rin ng mga rutang tumatagos sa mga parke, bangin at sa pantalan.

maglakbay kasama ang isang bihasang siklista Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang, makisabay sa isang mas sanay na siklista upang matutunan ang ligtas na paglalakbay sa trapiko at upang matuklasan ang pinakamagagandang ruta.

mag-ingat sa mga riles ng streetcar Mapanganib ang mga riles ng streetcar dahil maaaring maipit ang mas maliliit na gulong dito at napakadulas ng mga ito kapag basa. Subukang tawirin ang mga riles sa pakanan na anggolo.

pagbib is ik leta sa iyong lungsod

masyadong mababaw ang anggolo

medyo patayo

mapa sa pagbibisikletaTingnan ang Mapa sa Pagbibisikleta sa Toronto on-line sa toronto.ca/cycling/map at ma-access ang mga mapa ng ruta mula sa mga munisipalidad gaya ng Oshawa, Hamilton at Newmarket sa smartcommute.ca/choose/bike/route

12

Page 14: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

magdamit nang naaangkop sa panahon Magsuot ng komportableng damit. Mga patong ng magagaang na damit na maaaring idagdag o tanggalin kung kinakailangan upang makatulong sa mas malamig na panahon. Makatutulong ang mga diyaket at pantalon na di tinatagos ng tubig upang di ka mabasa kapag umulan.

magbiyahe gamit ang iyong bisikleta Maaari mong dalhin ang iyong bisikleta sa subway kailanman, puwera tuwing rush hour sa umaga at hapon sa buong linggo. Dagdag dito, higit sa 70 ruta ng mga bus ng lungsod ang may sabitan ng bisikleta sa mga sasakyang TTC.

susian ang iyong bisikleta Palaging susian ang frame ng iyong bisikleta at ang dalawang gulong upang maiwasan ang pagkanakaw. Pinakamahusay ang paggamit ng isang U-lock na nakapirme sa isang post-and-ring ng lungsod, kung hindi naman, subukan ang isang matibay na poste o haligi. Gumamit ng ikalawang susi para sa dagdag seguridad.

bike sa iyong lungsod

Susian ang iyong gulong sa harap at ang frame sa poste, at hindi sa ring

reflective

reflective (tumatalbog ang liwanag)

waterproof

waterproof

waterproof (hindi tinatagos ng tubig)

fender

13

Page 15: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon

kalusugan, kaligayahan at kalayaan

Ang pagsakay sa bisikleta ay maganda sa kalusugan at nagpapasaya, at nag-bibigay sa atin ng walang limitasyong kalayaan sa paggalaw. Galugarin ang iyong lungsod kasama ng libu-libong iba pa at tamasahin ang kaligayahang hango sa pagbibisikleta para sa buhay.

Ang handbook na ito ay nilikha ng Partnership for Integration and Sustainable Transportation, isang magkasanib na kilusan ng CultureLink Settlement Services at ng Toronto Cyclists Union, kasama ang matibay na suporta ng Toronto Community Foundation. Ang handbook na ito ay umiiral sa 15 iba pang wika.

Para sa karagdagang kopya, mag-email sa: [email protected]

Ang Toronto Cyclists Union ay ang natatanging organisasyon sa buong lungsod na hindi

pinagkakakitaan at nagtataguyod sa pagbibisikleta na kumakatawan sa komunidad ng mga siklista mula sa bawat lugar-panheograpiya ng Toronto. Kami ay kumikilos tungo sa pagpapahusay ng kaligtasan at pagpapadali sa pagbibisikleta at pagbibigay ng pangangailangan ng mga siklista upang maging mahuhusay na tagapagtaguyad sa lokalidad. Nilalayon naming ipalaganap ang pagbibisikleta sa isang di nagtatangi at mapitagang paraan.

bikeunion.to

Ang CultureLink ay isang organisasyong di pinagkakakitaan na nagpapabilis

sa pagkakasanay ng mga bagong dating sa Toronto. Ang aming mga programa ay nagpapalaganap ng kakayahang mamuhay nang mag-isa, positibong pakikisalamuha at pagkakaintindihan sa pagitan ng mga komunidad na Punong-abala (Host) at mga Bagong Dating (Newcomer), at ang kabuuang kapakanan ng lahat ng kalahok.

culturelink.net

Simulan ang iyong paglalakbay sa

titik Steve Brearton

mga larawan Jay Dart

disenyo Simon Farla

6

Page 16: Tagalog - Cycle Toronto · PDF filetamang posisyon — mukhang maganda masyadong nakapaharap napakaluwag ng tirante kapag gabi at ikaw ay di na makikita o ... mga intensyon