walang imik ang mga puno ng saging -...

14
1 | Page WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING Mula sa Buwang na Wika o ang wika bilang inidorong ihian, taehan, sukahan at tamuran ng naglalagalag na pagkatha, Short Stories, UngazPress, 2015 Ronaldo S. Vivo Jr. 1 Kakaba-kaba n'yang sinuyod ang daan pauwi. Ilang bloke bago marating ang bahay, naulinigan n'ya ang mga nagkaingay na tao. Umeeko na ang sabog na tunog ng videoke na nalulunod sa putik ng baho, matinis ang tilian ng mga nanay na kulang sa kantot ng mga asawang stay-in sa site kaya pinapatos kahit mga tambay na walang ligo. Binilisan n'ya ang lakad. Pagdating sa bahay, bumungad sa kan'ya ang mga taong nagdiriwang. Pumasok s'ya at naro'n sa hapag si Marife, kandong ng Hapon na si Akinobu. "O, sa'n ka ba galing dong?" bungad ni Marife kay Ador. "Ahhh. Nagsigarilyo lang d'yan sa labas." sagot n'ya. "Ang sarap nitong mga ulam a. Tsaka buti nakahanap ka ng dahon ng saging?" "Salamat at nagustuhan mo. Sa bukid ako nagtabas. May mga puno na ng saging doon ngayon... Welcome home pala." "Wala pa si Marla a? Naaalala ko, nagbilin akong dapat pagdating ko narito na s'ya a, di ba?" "Dong, di ba't ikaw dapat ang magsusundo?" bato ni Marissa kay Ador habang naglalagay ng mga plato, platito, kubyertos sa hapag.

Upload: others

Post on 23-Jul-2020

22 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

1 | P a g e

WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING

Mula sa Buwang na Wika o ang wika bilang inidorong ihian, taehan, sukahan at tamuran ng naglalagalag na

pagkatha, Short Stories, UngazPress, 2015

Ronaldo S. Vivo Jr.

1

Kakaba-kaba n'yang sinuyod ang daan pauwi. Ilang bloke bago marating ang bahay,

naulinigan n'ya ang mga nagkaingay na tao. Umeeko na ang sabog na tunog ng videoke na

nalulunod sa putik ng baho, matinis ang tilian ng mga nanay na kulang sa kantot ng mga

asawang stay-in sa site kaya pinapatos kahit mga tambay na walang ligo. Binilisan n'ya ang

lakad.

Pagdating sa bahay, bumungad sa kan'ya ang mga taong nagdiriwang. Pumasok s'ya at

naro'n sa hapag si Marife, kandong ng Hapon na si Akinobu.

"O, sa'n ka ba galing dong?" bungad ni Marife kay Ador.

"Ahhh. Nagsigarilyo lang d'yan sa labas." sagot n'ya.

"Ang sarap nitong mga ulam a. Tsaka buti nakahanap ka ng dahon ng saging?"

"Salamat at nagustuhan mo. Sa bukid ako nagtabas. May mga puno na ng saging doon

ngayon... Welcome home pala."

"Wala pa si Marla a? Naaalala ko, nagbilin akong dapat pagdating ko narito na s'ya a, di

ba?"

"Dong, di ba't ikaw dapat ang magsusundo?" bato ni Marissa kay Ador habang

naglalagay ng mga plato, platito, kubyertos sa hapag.

Page 2: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

2 | P a g e

Bantulot si Ador. Umaapuhap ng idadahilan, kakamot-kamot sa ulo.

"Ahh. E, di ba nagpaalam s'ya kagabi sa inyo na dadaanan ang mga kaibigan doon sa

likod ng eskwela para isama rito?" pagdadahilan n'ya.

"May nasabi ba s'ya kagabi?" paniniguro ni Marissa.

"Oo. Kay Marta s'ya nagpaalam, alam ko."

"Hindi naman nagsabi ang batang 'yon sa'kin. Kagabi, kausap ko pa sa skype e." ani

Marife na iiling-iling. "Parang di ako namiss, di man lang ako sinalubong." hinimas-himas ni

Akinobu ang makinis n'yang hita.

"Iyon ang akala mo." sabi ni Ador sa sarili.

Bumulong si Akionobu kay Marife, saglit na nagtanguan ang dalawa habang

nakatanghod naman si Ador sa kanila.

"Marissa, ang kwarto ba nalinis na?" tanong ni Marife.

"Oo naman. Kagabi pa!" listong sagot nito.

"Gusto raw magpahinga ni Aki. Akyat muna kami."

"O, s'ya. May jetlag pa kayo ano? Tama ba, jetlag?"

"Hehe, oo 'te."

Nagbaling ng tingin si Marissa kay Ador. "O, pakitulungan muna sila na mag-akyat ng

gamit." gumanti ng tango si Ador at dagliang dinampot ang mga bagahe't umakyat sa taas.

"Sige 'te, ikaw na munang bahala dito a?" pailalim na inabutan ni Marife si Marissa ng

mga nakatiklop na tigliliman'daan.

Page 3: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

3 | P a g e

"O sige na, magpahinga na muna kayo at mas maraming bisitang darating bukas."

umakyat na sa kwarto ang dalawa.

Sa itaas, inabutan nilang nagwawalis pa si Ador sa kwarto.

"Dong, okay na 'yan, naglinis naman na raw kagabi." awat ni Marife kay Ador.

"Ahh.. Medyo maalikabok, winalisan ko lang nang kaunti."

"O, sige na. Magpapahinga si Aki."

"Ahhh. Oo. sige, sige." pumihit si Ador sa direksyon ng pinto at lumakad papalabas.

Pagdaan n'ya sa harap ni Marife, saglit s'yang huminto. "Fe, hanggang kailan ba ito?" pailalim

n'yang sabi. Bumuntong hininga si Marife at nagbaling ng tingin kay Akinobu.

"Aki, neru.." sabay nguso sa kama.

"Hai! Hai!" matigas na sagot ni Akinobu. Dumiretso ito sa kama. Naiwan si Marife at

Ador sa pintuan.

"Ubos na pera mo, no?" anas ni Marife habang dumudukot ng kung ano sa bag. "Putsa,

'pag nalaman kong dumudurog ka na naman, palalayasin kita dito." may halong panggigigil ang

tono.

"Di ko kailangan ng pera mo, Fe." matigas na sagot ni Ador.

"Sus... E, ano?" singhal ni Marife. "Yung bata, pakihanap mo naman. Hindi ko pa

nayayakap ang anak ko, e bilin ko sa'yo sunduin mo nang maaga sa eskwela di ba?"

"Pakasaya kayo n'yang sakang mo. Alis na'ko." tumalikod si Ador at lumakad pababa na

may bigat bawat paglapat ng paa sa sahig.

Umingit ang pinto at naulinigan n'ya ang kalabog ng pagsara, napahinto s'ya at lumingon

Page 4: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

4 | P a g e

sa direksyon ng kwarto. Nagpunas ng luha't sipon.

2

Matapos ihiwalay ang purong karne sa mga buto-buto, sinimulan na n'yang linisin ang

mga laman-loob habang pinakukuluan naman ang ibang bahagi. Dama n'ya ang labis na

pangangalay ng mga bisig at paglulusak ng magkabilang kili-kili. Sobra sa isang batsa ang dami

ng pinaglamayan n'yang karne, taba, laman-loob at iba pang bahagi. Sa dami ng bisita ng

balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at hindi ang makita

at makamusta ang msimong balik-bayan, ay malamang mahiya ang mga kawa't kalderong

paglalagyan ng ulam mamaya.

Limang putahe ang hinahabol n'yang matapos ngayon. Limang putaheng ibinilin ng

big time na balik-bayang kasama ang boypren n'yang hapon dahilan ng kan'yang pagiging big

time. Shanghai, Igado, Relyenong Bangus, Lechong Kawali at ang paborito ng balik-bayan,

kalderetang baka.

Naghihilik pa ang iba, kumikilos na s'ya. Sa katunayan, sinulyapan na s'ya ng liwanag sa

kusina. Dahil s'ya ang maalam sa pagluluto, sa kan'ya ang pinakamabigat na gawain, at dahil

s'ya rin ang dakilang atsoy sa bahay, sa kan'ya pa rin ang mga sumunod na mabigat [rin] na

gawain tulad ng pagarkila ng videoke, pagpick-up ng mga inorder na sopdrinks at beer,

pagdidibuho sa bahay. Kumbaga, isang pirasong tutsang na lang ang natira sa ilong ng pagasang

may makakatuwang s'ya sa paggagayak. Tanggap n'ya ang bagay na iyon. Tanggap n'ya iyon,

matagal na. Pangilang uwi na rin ito ng balik-bayan na s'ya ang tumatayong punong abalang

hindi man lang nakatatanggap ni kalahating palakpak.

Matapos linisin ang mga laman-loob, isinunod na n'ya itong pakuluan. "Hay, salamat."

Page 5: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

5 | P a g e

sabi n'ya sa sarili. Kinuha n'ya ang stash na lata ng sprite na ipinatong n'ya sa ibabaw ng ref

kanina. Tumungo s'ya sa banyo. Ikinandado ang pinto. Inilabas n'ya ang palara, ga-hinliliit na

sachet, tuter at lighter. Siniguradong tuyo ang lababo. Inilatag n'ya ang mga gamit at sinimulang

iporma ang palara. Tinanggalan n'ya ng laman ang timba at saka binuksan ang gripo. Nilamon

ng ugong ng tubig na sumasargo sa lalamunan ng timbang walang laman ang sunod-sunod na

tsk ng lighter.

Bawat higop sa puting-puting usok, natutubos n'ya ang lakas na inagaw ng puyat, pagod

at sama ng loob. Bawat kumekendeng na usok sa kulob na banyo ay biyayang kaloob. Palaging

may bagong lakas na hatid ang bato, palaging may regalong pagasa, paglaya. Shabu ang sagot sa

kahit na anong tanong. Lalong nagpapapintig sa kan'yang dibdib ang imaheng nakikita sa

salamin, ang repleksyon ng sariling kumakawala sa lahat ng banil at libag ng mga alaala ng

kahapon, kasalukuyan at ng pilit na tinakasang bukas.

Natauhan s'ya nang madinig ang nangangalit na tsk ng lighter. Umaapaw na ang tubig

sa timba. Natataranta n'yang binitawan ang hawak. Binuhat ang timbang puno ng tubig at

ibinuhos sa inidoro. Binuksan n'yang muli ang gripo. Muli, nilamon ng ugong ng tubig na

sumasargo sa lalamunan ng timbang walang laman ang sunod-sunod na tsk ng ligther.

3

Alas tres ng madaling araw, naggagayak na si Ador para mamalengke sa pasig. Shanghai,

Igado, Relyenong Bangus, Lechong Kawali at s'yempre, ang paborito ni Marife, kalderetang

baka ang mga putaheng lulutuin n'ya.

Sinuyod n'ya ang daan papuntang sakayan. Kumukumot sa kan'ya ang lamig ng hininga

ng madaling araw. Kinuha n'ya ang kaha ng fortune na nakaipit sa maluwag na garter ng syorts.

Nagsubo ng isa at nagsingit sa magkabilang tenga, nagsindi at nilabanan ng usok ang ginaw.

Pagdating sa sakayan, dalawang magkasunod na dyip ang dumating. May sakay na sa unahan

Page 6: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

6 | P a g e

ang nauna kaya't ang pangalawa ang sinakyan n'ya.

"Boss, p'wedeng magyosi?" tanong n'ya sa tsuper. Sinipat ng drayber ang salamin sa

harap n'ya, puro espasyo ang nasa repleksyon.

"O, bilisan mo totoy habang kaunti ang pasahero." sagot nito.

Kinuha n'ya ang nasa kanang tenga at iniabot sa tsuper ang nasa kaliwa.

"Salamat, totoy." anang tsuper.

Nagsindi s'yang muli at sinabayan ang tambutso ng dyip sa pagbuga. Habang b'yahe,

naiisip n'ya - ito na ang pang-limang uwi ni Marife. Dalawang taon kada bago ito umuwi.

Samakatuwid, isang dekada na buhat noong pumayag s'ya sa isang kasunduang magtatapon sa

kan'ya sa balon ng mga bangungot.

Taong 2004 nang lumipad si Marife papuntang Japan. Doon ay naghihintay sa kan'ya

ang isang matandang hapon na nagngangalang Akinobu Fokuhara na kapitbahay ng kan'yang

tiyahin na s'yang naging daan para makilala n'ya ito. Noong mga panahong iyon, halos

mag-ulam sila ng imaginary chicharon at magsawsaw sa imaginary suka. Ang noo'y isang taong

gulang pa lamang na si Marla, ay dumedede ng tubig at hindi am dahil bihira rin naman silang

makapag-saing. Suki sa barangay dahil sa patong-patong na reklamo ng mga inutangan, kasama

na ang ilang kamag-anak. Sa madaling sabi, todas ang kabuhayan. Dahil lunod sa bisyo

(hanggang ngayon) at walang ibang dahilan ang paghinga kundi ang pagpapagulong ng mga

kristal sa palara, ay hindi na s'ya nakatutol pa nang buksan sa kan'ya ng asawa ang planong

pagpapakasal sa hapon para lang maisalba ang kanilang buhay.

Ang mga unang linggo ni Marife sa poder ni Akinobu ay nagdulot ng ginhawa kay Ador

at sa kanilang nagiisang anak na babae, at sa mga kapatid na rin ni Marife na bigla'y bumait sa

kan'ya. Buhay prinsipe si Ador, lahat ng umpukan sa kanila, nailibre na n'ya ng bato. Iba't ibang

Page 7: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

7 | P a g e

puke na rin ang natikman n'ya at ng titi n'ya. ang kanilang anak, hindi na kilala ang bear brand

at nido dahil lumalaki itong branded ang dinededeng gatas.

Labis-labis ang tulong na natanggap nila mula sa hapon at sa isip ni Ador, isa s'yang

inutil na lumalangoy sa karagatan ng luho habang ang asawa n'ya ay nalulunod naman sa

maanghang na tamod ng hapon. Sa loob ng isang taon, nakapagpagawa sila ng disenteng bahay.

Nakapagpundar ng maaayos na gamit at matatawag na ngang bahay ng tao ang kanilang

tinitirhan. Unang dalawang taon at umuwi si Marife kasama si Akinobu, si Ador ang nagayos at

asikaso ng lahat. Pagluluto, pagdidibuho sa bahay, mga bisita, arkila ng videoke, pati na ang

kwartong tutulugan ng dalawa. Magtatatlong taon pa lamang noon ang anak nilang si Marla.

Malaki ang pinagbago ng lahat. Marami nga talagang nabibili ang pera. Pagdating ni

Marife, napakainit ng salubong sa kan'ya ng mga walanghiyang kamag-anak at kapitbahay na

noo'y madalas silang paliguan ng masasakit na salita. Pero nagiba ang ihip ng hangin. Lahat,

naghihintay ng biyaya mula sa kan'ya. Dahil likas namang mabuti ang kalooban, hindi n'ya

nagawang magtanim ng sama ng loob sa mga hudas at pinaulanan naman ng balato ang mga ito.

Unang gabing muling makakapiling ang asawa, hindi sila magkatabi, kapatid ang

pakilala sa kan'ya. Unang hatinggabi, habang himas-himas n'ya ang pasalubong na sapatos ni

Marife ay himas-himas naman ni Akinobu ang mga kurbadang dapat ay s'ya ang humihimas.

Bato ang sagot sa lahat ng tanong. Puting usok ang naging karamay n'ya sa mga pagkakataong

masahol pa ang kalagayan n'ya sa isang presong paulit-ulit na tinuturbo ng mas malalakas na

preso.

Unang dalawang taon, halos sukuan n'ya ang ganoong kalagayan. Ngunit sa tuwing

maalala n'ya ang dating buhay, wala s'yang ibang mapagbatuhan ng sisi kundi ang sarili, at sa

tuwing mapagtatanto n'ya na ang anak na babae'y nagkahugis ang kinabukasan, wala s'yang

ibang magawa kundi ipagwalang-bahala ang sakit na nararamdaman. Sa isip n'ya, ang

Page 8: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

8 | P a g e

karapatang masaktan ay para lamang sa mga taong nagsakripisyo, hindi s'ya kasama sa mga

iyon.

Ngayon, ika-limang uwi na ni Marife. Isang dekada na ang lumipas. Wala pa ring

pamamanhid sa bahagi ng utak n'yang nagsasabi na mahal n'ya ang asawa at nagsisisi na s'ya.

Ngunit tulad ng dati, kailangan n'yang itapon sa bahagi ng utak na nangangasiwa sa paglimot

ang pinakamatingkad na alaalang dahilan ng kan'yang paghinga at hindi. Pakiramdam n'ya,

guminhawa man ang buhay, ay tila wala nang natira sa kan'ya. Si Marife, na ang burat ni

Akinobu na nagpuputok ng sagu-sagong lapad ang sinasamba. Habang ang kaisa-isang anak na

si Marla ay lumaking hindi s'ya ang kinikilalang ama.

"Boss, para..."

"Dun lang sa unahan, bawal dito."

Huminto ang jeep sa tapat ng Antonio's Meat Shop. Bumaba s'yang bitbit ang isang

dekadang pagluluksa. Sinalubong s'ya ng mga bangaw at malansang amoy ng dugong naglawa

sa malagkit na tiles ng entrada.

4

Alas singko-y-medya. Inabutan n'yang papalabas na ng bahay si Marla. Sinalubong n'ya

ito at kinuha ang bitbit na bag.

"Ang tiya Marissa mo?" bungad n'ya kay Marla.

"Tulog pa po." sagot nito. Nailing na lang si Ador.

"Hintayin mo ako d'yan, ipapasok ko lang itong mga 'to."

Page 9: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

9 | P a g e

"Sige po."

Pagpasok ni Ador ay sumilip ito sa kwarto bago inilagak ang mga pinamalengke sa

kusina. Nagkokoro ang hilik ng mga kapatid ni Marife. Sinilip n'ya ang hapag. Malinis. Ganoon

din ang lababo. Hindi nakapagalmusal si Marla.

Naalala n'ya ang bilin ni Marife, ang gusto nito ay kumain sa dahon ng saging. Kumuha

s'ya ng garbage bag at itak at saka lumabas para balikan si Marla.

"Hindi ka nagalmusal?" pangungumpirma n'ya.

"Hindi po, tito." sagot ni Marla sa nagsusumbong na tono.

"O, s'ya, Sumaglit tayo kina Tentay. Mag-champorado ka."

"E, male-late po ako, tito. Sa school na po ako kakain."

"Ganun ba? O sige. Tara na."

Lumakad sila patungong pilahan ng traysikel. Wala pang bumabalik na traysikel. Ilang

minuto rin silang tumanga doon. Mailap ang traysikel at kung meron man ay may sundo ang

mga ito.

"Dapat po, nag-motor na tayo tito e." anas ni Marla.

"E, hindi kase ako marunong mag-motor. Pasensya ka na." kakamot-kamot s'ya sa ulo.

"Pag matagal pa tito, maglakad na lang po tayo."

"Magsimula na kaya tayong maglakad? Dadaan pa kasi ako ng bukid, magtatabas ako ng

mga dahon ng saging."

"Edi sasamahan ko na lang po kayo tito."

Page 10: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

10 | P a g e

Nangiti na lang si Ador. "E, sabi mo male-late ka tapos sasamahan mo pa ako sa bukid?"

"Male-late na rin naman po ako. Ikaw na lang ang pumirma ng excuse letter ko tito.

Ganun nga ginagawa ng mga kaklase ko e."

"Ha? Edi, pagtapos ko magtabas sasamahan na lang kita sa titser mo, magpapaliwanag

ako para di na gagawa ng excuse letter. Di ako marunong gumawa nun e. Huehuehue!"

"Naku, anong idadahilan mo tito?"

"E, sasabihin ko masakit ang t'yan mo. Pinilit mo lang na pumasok."

"O, sige tito! Ganun nga!"

Sinuyod ng dalawa ang daan papuntang bukid. Pagdating nila doon, sakto at wala pa ang

bantay, walang sasaway sa kanila. Tinungo ni Ador ang pinakamababang puno at nagsimulang

magtabas habang patakbo-takbo naman si Marla. Magkahalong tuwa't pangungulila ang

nadama n'ya habang pinanunuod ang kamusmusan ng anak.

"Marla, baka naman pagpawisan ka nang husto, madumihan pa 'yang uniporme mo.

Hindi maniniwala sa'tin ang titser mo na masakit ang t'yan mo! Hehe!" paalala n'ya dito.

"Hindi 'yan titoooo!" sige pa rin ito sa pagtakbo, habang ang magkabilang braso ay

pumapagaspas na parang isang agila.

Pinapaspasan n'ya ang pagtatabas, 'pag nagkataon kasi wala s'yang mabibilhan o ibang

mapagkukunan ng dahon ng saging. Baka pati iyon, maisumbat sa kan'ya ni Marife - na

simpleng bagay, di magawan ng paraan at magaling lang kung may kailangan.

Nang halos makalbo na ang mababang puno ng saging, nagpasya si Ador na magpahinga

muna. Umupo s'ya't sumandal sa punong wala nang liilim.

Page 11: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

11 | P a g e

Masaya n'yang pinanunuod ang paglalaro ni Marla. Magsasampung-taong gulang na rin

ito. Isang malaking tinik ang nabunot sa kan'yang lalamunan nang magkahugis ang

kinabukasan nito ngunit sa kabilang banda'y labis na nawawasak ang kalooban n'ya bilang ama.

Pero maswerte pa nga s'yang kasama at nakikita ang anak, dahil kung tutuusin ay p'wede na

s'yang kalasan ni Marife dahil may mga kapatid naman itong titingin sa bata, lalo ngayon na iba

na ang takbo ng mga pangyayari. May pera na si Marife, ang dating patay-gutom ay

nagpapalamon ngayon sa mga taong nagbansag sa kanila ng patay-gutom noon. At s'ya,

nananatiling alagad ng bato. Kung noon, nakiki-ambag lamang s'ya at nakikihigop, ngayon

maaari na s'yang tumakbong kagawad sapagkat malaking bahagi ng populasyon ng mga adik sa

lugar nila ay napatira na n'ya nang libre buhat nang mag-japan si Marife. Pero dahil malaki pa

rin ang kunsiderasyon ni Marife sa pinagsamahan nila at sa bata ay nanatili s'yang bahagi ng

pamilyang pinatag at binuklod ng pera.

"Arayyyyyy!!!" magaspang na sigaw ni Marla nang matisod ng nakausling bato.

"O, naku po!" balikwas ng tayo si Ador at tumakbo papunta kay Marla. Itinayo n'ya ito

mula sa pagkakasubsob sa lupa. Biglang kutim ang kanina'y puting-puting uniporme nito.

Napansin n'ya ring may gasgas ang kanan nitong tuhod, nagdudugo.

"Tsk tsk tsk! Kaya mong maglakad?"

"Hi--hindiii p-ppo. Uhghuhughmm!" hihikbi-hikbi nitong sagot.

Tumalikod si Ador paupo, sumalabay si Marife. Dinala n'ya sa inupuang puno kanina.

"Ano'ng nararamdaman mo? Baka napilayan ka." nagaalala n'yang usisa dito.

"Dddiii-ko po alam, tito. Uhmghhh." baka sa mukha n'ya ang iniindang sakit at pinipigil

na iyak.

"Sige, saglit lang. Ililigpit ko lang 'tong mga dahon at dadalhin kita d'yan sa center."

Page 12: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

12 | P a g e

natatarantang nagligpit si Ador ng mga pinagtabasan.

Matapos isilid ang mga tinabas na dahon sa garbage bag. Muli n'yang ipinasan si Marla

at lumakad. Habang naglalakad, dama n'yang namamasa ang kan'yang batok. Luha iyon ni

Marla.

"Tahan na Marla, gasgas lang 'yan. Kayang kaya mo 'yan. Ughhm.." nagtutubig na rin

ang mga mata n'ya. Huminto s'ya sa paglalakad. Iniupo si Marla.

"Tito, bakit?" pansin ni Marla na umiiyak si Ador. Sisinghot-singot ito habang

nagpupunas ng luha.

Hinugot ni Ador ang itak na nakasukbit sa kan'yang baywang. Tinaga sa leeg si Marla.

Talsikan ang dugo. Sa purol ng itak, hindi agad naputol ang ulo nito. Pansin n'yang naghahabol

pa rin ito ng hininga sa kabila ng tinamong pinsala sa leeg. Ilang segundo ang pumitik,

humandusay si Marla sa lupa at nangisay.

5

Matapos lutuin ang limang putahe. Nagmamadaling lumabas si Ador at sumuyod

papuntang bukid. Ipinagpatuloy ang pagpupuno ng lupa sa ginawang hukay. Nakabaon na ang

mga damit at ulo ni Marla kanina bago n'ya iwanan ang hukay habang ang ibang parte ng

katawan ay sahog ngayon sa mga putaheng inihanda n'ya na pagsasaluhan ni Akinobu, Marife at

mga kaibigan at kamag-anak nito.

Maya-maya pa'y dumating ang isang matandang lalake, ang bantay ng bukid. "Iho, ano

ba 'yang tinatabunan mo d'yan?" usisa ng bantay sa kan'ya.

"Namatay ho ang aso namin, dito ko na lang po inilibing." bantulot n'yang sagot.

Page 13: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

13 | P a g e

"Ganoon ba? Sumalangit nawa ang kaluluwa n'yang aso mo, ano."

"Salamat ho." nagtuloy s'ya sa pagtabon ng lupa sa hukay.

Pagtapos tabunan ang ginawang hukay. Kakaba-kaba n'yang sinuyod ang daan pauwi.

Ilang bloke bago marating ang bahay, naulinigan n'ya ang mga nagkaingay na tao. Umeeko na

ang sabog na tunog ng videoke na nalulunod sa putik ng baho, matinis ang tilian ng mga nanay

na kulang sa kantot ng mga asawang stay-in sa site kaya pinapatos kahit mga tambay na walang

ligo. Binilisan n'ya ang lakad.

Pagdating sa bahay, bumungad sa kan'ya ang mga taong nagdiriwang. Pumasok s'ya at

naro'n sa hapag si Marife, kandong ng Hapon na si Akinobu.

"O, sa'n ka ba galing dong?" bungad ni Marife kay Ador.

"Ahhh. Nagsigarilyo lang d'yan sa labas." sagot n'ya.

"Ang sarap nitong mga ulam a. Tsaka buti nakahanap ka ng dahon ng saging?"

"Salamat at nagustuhan mo. Sa bukid ako nagtabas. May mga puno na ng saging doon

ngayon... Welcome home pala."

"Wala pa si Marla a? Naaalala ko, nagbilin akong dapat pagdating ko narito na s'ya a, di

ba?"

"Dong, di ba't ikaw dapat ang magsusundo?" bato ni Marissa kay Ador habang

naglalagay ng mga plato, platito, kubyertos sa hapag.

Bantulot si Ador. Umaapuhap ng idadahilan, kakamot-kamot sa ulo.

"Ahh. E, di ba nagpaalam s'ya kagabi sa inyo na dadaanan ang mga kaibigan doon sa

likod ng eskwela para isama rito?" pagdadahilan n'ya.

Page 14: WALANG IMIK ANG MGA PUNO NG SAGING - panitikan.phpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Walang... · balik-bayan, na kadalasa'y paglamon at take-out lang talaga ang intensyon at

14 | P a g e

"May nasabi ba s'ya kagabi?" paniniguro ni Marissa.

"Oo. Kay Marta s'ya nagpaalam, alam ko."

"Hindi naman nagsabi ang batang 'yon sa'kin. Kagabi, kausap ko pa sa skype e." ani

Marife na iiling-iling. "Parang di ako namiss, di man lang ako sinalubong." hinimas-himas ni

Akinobu ang makinis n'yang hita.

"Iyon ang akala mo." sabi ni Ador sa sarili.

wakas