suring basa dulang trahedya

11
Hiblang Abo I.PAGKILALA SA MAY-AKDA- Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may- akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda. Rene O. Villanueva Kasalukuyang Creative direktor ng Philippine Children’s Television Foundation Inc. at Managing Director ng Filmag. Napabilang sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1995. II.URI NG PANITIKAN- Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito. Dulang Trahedya-isang uri ng dula na kung saan ang simula ng kwento hanggang sa wakas nito ay humanto sa pagkasupil ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. III. LAYUNIN NG AKDA Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa. Layunin ng may-akda na maipabatid sa atin na ang buhay ay may hangganan kaya hangga’t mas maaga ay dapat nating gawin kung ano man ang ating dapat gawin at hanggang maaga pa ay itama na natin ang ating mga pagkakamaling nagawa. IV. TEMA O PAKSA NG AKDA-Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag- aangat o tutugon sa sensirilidad .ng mambabasa? ang dulang ito ay makatotohanan sapagkat ang ilan sa mga pangyayari o eksena dito ay nagaganap ngayon sa atin. V.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA- Angmga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha,nagwasak, nabubuhay o namamatay. Venchito Galvez-Huse(mananalaysay) Bruno Punzalan-Blas(dating manggagawa) Joe Gruta-Sotero(dating magsasaka) Peanuts Rigonan-Pedro(dating magsasaka) Ginnie Sobrino-Misis Salvacion Michael De Loyola-Doktor Pen Medina-taga-usig,attendant,Pulis VI.TAGPUAN/PANAHON-Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan Ang tagpuan ay sa isang silid sa institusyon ng abandonadong matandang isang abuhing silid. Inaamag ang mga sementong dingding.Nagsisimula ng magbakbak ang pintura ng silid. VII.NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI-Isa bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng

Upload: ronaalcedo

Post on 13-Dec-2015

1.028 views

Category:

Documents


49 download

DESCRIPTION

word

TRANSCRIPT

Page 1: Suring Basa Dulang Trahedya

Hiblang Abo

I.PAGKILALA SA MAY-AKDA- Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda.

Rene O. Villanueva Kasalukuyang Creative direktor ng Philippine

Children’s Television Foundation Inc. at Managing Director ng Filmag.

Napabilang sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1995.

II.URI NG PANITIKAN- Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.

Dulang Trahedya-isang uri ng dula na kung saan ang simula ng kwento hanggang sa wakas nito ay humanto sa pagkasupil ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

III. LAYUNIN NG AKDA –Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa.

Layunin ng may-akda na maipabatid sa atin na ang buhay ay may hangganan kaya hangga’t mas maaga ay dapat nating gawin kung ano man ang ating dapat gawin at hanggang maaga pa ay itama na natin ang ating mga pagkakamaling nagawa.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA-Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensirilidad .ng mambabasa?

ang dulang ito ay makatotohanan sapagkat ang ilan sa mga pangyayari o eksena dito ay nagaganap ngayon sa atin.

V.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA- Angmga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong

kinabibilangan o mga taong nilikha,nagwasak, nabubuhay o namamatay.

Venchito Galvez-Huse(mananalaysay) Bruno Punzalan-Blas(dating manggagawa) Joe Gruta-Sotero(dating magsasaka) Peanuts Rigonan-Pedro(dating magsasaka) Ginnie Sobrino-Misis Salvacion Michael De Loyola-Doktor Pen Medina-taga-usig,attendant,Pulis

VI.TAGPUAN/PANAHON-Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan

Ang tagpuan ay sa isang silid sa institusyon ng abandonadong matandang isang abuhing silid. Inaamag ang mga sementong dingding.Nagsisimula ng magbakbak ang pintura ng silid.

VII.NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI-Isa bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?

Sa aking palagay, ang mga pangyayari na aking nabasa sa dulang HIBLANG ABO ay luma na ngunit may bagong anyo ito sapagkat ang ilan sa mga pangyayaring aking nabasa ay karaniwan ng nangyayari o nakikita dito sa atin. Ang kaibahan nga lamang ay ang pagkakaroon nito ng bagong anyo na kung saan ang matatanda sa isang abuhing silid ay binibigyan ng importansya.

VIII.MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA- Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at

Page 2: Suring Basa Dulang Trahedya

pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maari din ang mga kaisipang ito ay salungatin,pabulaanan, mabago o palitan. Ito ba ay mga makatotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sisitema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglalahad ng mga panyayari.

Ito ay likas sa tao at lipunan sapagkat mapapansin natin marami sa mga tao ngayon ay dinadala na lamang ang kanilang mga magulang sa Home for the Agent upang hindi na sila mag-alaga at pagkatapos doon ay hindi manlamang nila ito makuhang bisitahin paminsan-minsan.

IX.ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA- Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bayas ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

Sa istilo ng pagkakasulat, ang may-akda ay gumamit lamang ng mababaw na salita na angkop sa mga mambabasa upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa.

X.BUOD-Hindi kailangang ibuodnang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang tuon.

Hiblang AboLugmog na nakaupo si Huse sa silya.Nag-iisa.

Nakapako ang tingin sa sahig. Binabaybay ng lipaking palad ang hilatsa ng puluhan ng lumang tungkod.

Naglalakbay ang tingin sa mga bakanteng kama. Babalong sa mata ang lihang hindi malaglag-laglag. Mapupuna mo sa mga kilos ni huse na naaalala niya ang mga kasama niya sa silid na iyon at mahahalata mo din na siya ay nalulungkot dahil sa mga nangyari noon. Naalala

niya ng una niyang makaharap si misis salvacion sa opisina nito. Paulit-ulit siyang tinanong nito tungkol sa kanyang pagkatao. Nang umupo si Huse sa silya ay nakaharap sa mesa ay bigla niyang naaalala ang tatlong matanda na kanyang kasama. Sa dilim muling mabubuhay ang mga ala-ala.Isa-isang papasok sina,BLAS,sSOTENO,at PEDRO.Aayusin ng tatlo ang kanilang higaan.Makikita dito na si Soteno ay nangumgulila sa kanyang busong anak ni si VICTORIA.Gabi-gabi ay napapanaginipan ni Soteno si Victoria.Ang kanyang anak na si Victoria ay hindi niya nakita simula ng siya ay makulong.Ang apat na matanda ay laging nagtatalo.Ito ay dahil kay Soteno.Hindi parin matatanggap ni Soteno ang kanyang anak ay patay na.si Blas ay ang nakakasugatan ni Soteno.Tuwing gabi na lamang kasi ay hindi maayos ang tulong nila dahil kay Soteno.

Medaling araw ng magising si Blas.madilim na madilim sa tanghalan.Pagkaraan ng ilang saglit habang unti-unting lumiliwanag ang ilaw sa silid ay bumangon na si Blas upang gisingin si Huse,Pedro at Soteno.Habang ginigising ni Blas si Soteno ay bumalik na naman ang kanyang pagka-ulila sa kanyang anak.kuna anu-ano na naman ang kanyang pinagsasabi.Nang suyawin siya ni Blas na tigilan na niya ang kanyang ginagawa ay tumayo si Soteno at sinugod si Blas gamit an ang natirang lakas. Sinakal niya si Blas, ngunit nanlaban din naman si Blas.Inawat ni Huse ang Dalawa ngunit tinulak siya ni Blas.Mangingisay si Sotero. Nang marinih ni Blas ang malakas na nguyngoy ni pedro ay doon pa lamang siya tumigil.Lumabas si Blas upang pumunta sa misa na ginaganap sa ibaba. Naiwan naming uniiyal si pedro sa sulok at lalapitan naman ni Huse ang hindi na gumagala na katawan ni sotero.Nang oras ding iyon ay namatay na si sotero. Dinala na siya sa ospital.Tanggap ni Blas ang nagawa niyang kasalanan kaya naman maluwag sa kanyang kalooban na hinintay ang mga pulis. Habang naghihintau sa pulis ay nagkwentuhan muna si Huse at blas. Ilang sandali pa ay dumating si Misis Salvacion at ang pulis sa kanilang silid upang dakipin si Blas.Unang nawala sa silid na iyon si Sotero at sumunod si Blas.Naisip naman ni Pedro na maglinis na lamang sila ni Huse sa silid nila. Pinapulot ni Huse kay Pedro ang mga palapas na nagkalat sa sahig at pinatapon sa labas.Nang akmang lalabas na sa pinto si Pedro ay sinabi niya kay Huse na “Huse…..paalam na”

Page 3: Suring Basa Dulang Trahedya

Walang kakibo-kibo si Huse dahil ang akala niya ay nagbibiro lamang si Pedro. Ngunit ilang saglit pa ay dumating si Misis Salvacion sa kanilang silid upang kamustahin siya. At ng sabihin na ni Misis Salvacion kay Huse na patay na si Pedro ay nagulat ito at walang kaimil-imil. “pagkalabas ni Misis Salvacion ay lumugmok si Huse sa mesa at tahimik na umiyak.Wala ng nagawa si Huse kung hindi tumingin sa tatlong higaang tiklop ang gapok na kutson at umiyak ng umiyak.

Madawag Na lupa

I.PAGKILALA SA MAY-AKDA- Ito ay Hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda.

Pedro L. Ricarte

Si Pedro L.Ricarte ay nag-umpisa o nasimula bilang kuwentista ngunit higit na nakilala bilang modernistang makata at kriniko noong 1960.

Kinilala bilang Surian ng Wikang Pambansa ang kanyang kritismong pampanitikan at ang kanyang mga tula.

II.URI NG PANITIKAN- Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.

Dulang Trahedya-isang uri ng dula na kung saan ang simula ng kwento hanggang sa wakas nito ay humanto sa pagkasupil ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

III. LAYUNIN NG AKDA –Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa.

Layunin ng may akda na ipabatid sa mambabasa na dapat ipaglaban ng mahihirap ang kanilang karapatan ng sa gayun ay hindi sila maapi ng mayayaman at may kapangyarihan.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA-Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensirilidad .ng mambabasa?

Masasabi ko na ito ay makatotohanan sapagkat ang ilan sa mga pangyayari sa dulang ito ay nangyayari pa rin sa panahon natin ngayon.

V.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA- Angmga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha,nagwasak, nabubuhay o namamatay.

Mando-binhing sumibol sa lupang madawag. Elmo- batang kaibigan ni Mando at ang

tagapagsalaysay Bino- ka-edad at kaibigan ni Mando Aling Auring- ina ni Elmo Gorio- isang maton

VI.TAGPUAN/PANAHON-Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at

Page 4: Suring Basa Dulang Trahedya

panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan

Ang mga pangyayari sa dulang ito ay naganap sa Maynila noong taong 1960 panahon ng mga Hapon.

VII.NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI-Isa bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?

Ang mga pangyayari sa akdang ito ay masasabi kong luma na bagamat ang ilan sa mga pangyayari dito ay

nangyayari pa rin sa ating panahon.

VIII.MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA- Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maari din ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, mabago o palitan. Ito ba ay mga makatotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sisitema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglalahad ng mga panyayari.

Likas sa mga tao ang pangyayari sa akdang ito sapagkat ilan sa mga mayayamang tao ay gumagawa ng paraan upang sila ay makapangkutya sa mga mahihirap.

IX.ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA- Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bayas ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

Maayos ang pagkakasulat ng akdang ito na gumamit lamang ng mabababaw na salita upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa.

X.BUOD-Hindi kailangang ibuodnang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang tuon.

Madawag Na lupaIsang araw habang nagbabantay si Elmo sa kanilang

maliit na kainan ay nakita niya si mando. Ang kanyang kaibigan at ang nagligtas sa kanya. Agad na tinanong ni Elmo kung kamusta na ito. Kung nakakain na ba ito.Isa-isa na mang sinagot ni Mando ang tanong sa kanya ni Elmo. Pinatuloy muna ni Elmo si Mando upang makapagkwentuhan silang dalawa. Habang nagkwekwentuhan ay umiinom naman si Mando ng alak. Dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas mula ng bumalik si mandi sa maynila. Nagtago kasi noon si Mando dahil kay Gorio at sa mga tauhan nito. Tumakbo si mando sa takot na bugbugin at baka maospital ulit siya dahil sa ang anak ng amo nina Gorio ay may gusto kay nitang na kasintahan naman ni Mando.Sa kanyang paglayo ay napadpad siya sa Quezon. Doon siya namalagi ng mahigit isang taon. Habang nagkukwento ng kanyang dahilan kung bakit umalis sa maynila ay tuloy tuloy naman ang kanyang pagtungga sa baso. Nang siya ay nanirahan sa Quezon,mas mahirap pa ang kanyang dinanas. Kung saan saan siya natutulog. Walang permanenteng trabaho. Hanggang isang araw napadpad naman siya sa dalawang matanda. Doon siya tumira ng matagal. Ang trabaho ng lalaki ay magsasaka ngunit hindi nila sariling lupa. Kahit na dayin sila ng may-ari sa partihan ay ayos lamang sa kanila. Konting tiis lang daw. Humanga si mando sa kabaitan ng dalawang matanda. Labag sa kalooban ni Mando ang ginawa niyang pag-iwan sa dalwang matanda. Ngunit kailangan niyang umalis upang magbalik sa Maynila. Sinabi ni mando sa matanda na babalik siya.Sinabi jiya iyon upang maaliw ang matanda. Habang nagpupunas ng luha ay hingal na hingal naqmang pumasok si Bino. Nagpunta si Bino kina Elmo dahil sa alam niya na nandoon si Mando.Pumunta siya doon upang sabihin kay Mando na alam na ni Gorio na nakabalik na ito sa Maynila. Ngunit walang pakialam si mandosa mga sinasabi ni

Page 5: Suring Basa Dulang Trahedya

bino. Nais ni Bino na magtago ang kaibigan ng sa gayun ay hindi na ito masaktan pa ni Gorio at ng mga kasama nito. May kasama ding pulis si Gorio upang dakpin si mando.Ilang saglit pa ay dumating na si Gorio kasama ang kanyang mga tauhan at ang mga pulis. Maririnig mo ang mga ingay sa labas. May maririnig kang putok ng baril at kung anu-ano pa. Dinakip naman agadng mga pulis si Mando sa salang pangbubugbog sa anak ng konsehal.Malubha ang lagay nito sa ospital at muntik na itong mapatay ni Mando.May binhing nalaglag sa daan at natapakan…may nalaglag sa batuhanat natuyo…may nalaglag sa dawagan at ininis ng mga tinik at baging.

Sigwa

I.PAGKILALA SA MAY-AKDA- Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda.

Rene O. Villanueva Noong 1993 ay kinilala si Rene O. Villanueva bilang

isa sa The Outstanding Young persons of The World(TOYP) para sa cultural achievement.

Pinagkalooban siya ng Linangan Ng Wikang Pambansa bg Gawad ng Pagkilala noong 1988 sa kontribusyon niya sa drama at panitikang pambata.

II.URI NG PANITIKAN- Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.

Dulang Trahedya-isang uri ng dula na kung saan ang simula ng kwento hanggang sa wakas nito ay humanto sa pagkasupil ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

III. LAYUNIN NG AKDA –Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat , magprotesta at iba pa.

Layunin ng may-akda na ipabatid sa atin nakahit ano man ang mangyari, mamatay man ang mga kaibigan mo, huwag natin silang kakalimutan at dapat nating bigyang importansya.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA-Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensirilidad ng mambabasa?

Ang tema o paksa nito ay makatotohanan sapagkat minsan ay may nakikita akong ganitong pangyayari at minsan ko na ring naranasan ito. Ang pinagkaiba nga lamang ay lolo ko ang nawala sa akin at hindi kaibigan. Ngunit kung ikukumpara natin ito sa nangyari sa dula ay halos magkatulad ang kaibahan nga lamang ay ang sanhi ng pagkamatay ni Nick at ng aking lolo.

V.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA- Angmga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha,nagwasak, nabubuhay o namamatay.

Manny Pambid-Del (guro, binata) Ellen Ongkeko-Richie (manunulat, maybahay) Allan Glinoga- mol(taong gobyerno,may asawa

VI.TAGPUAN/PANAHON-Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng

Page 6: Suring Basa Dulang Trahedya

kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan

Isang gabi noon 1982 sa maliit nayuyungyungan ng akasyang silid sa diliman.

VII.NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI-Isa bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?

Para sa akin kahit na ito ay akin ng naranasan masasabi ko na itoay may kaibahan kumpara sa ibang nabasa ko na dulangtrahedya. Sapagkat ang dulang ito ay isang dulang trahedya nakung saan patungkol ito sa magkakaibigan na ang isa ay namataysa isang inkuwentro at namatay siya bilang isang sundalo at nangmay laban. Ang simula din nito ay may kaugnayan sa wakas nakung saan sa simula pa lamang ay nakaranas na ang mgapangunahing bida ng pagkasupil hanggang sa huli.

VIII.MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA- Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maari din ang mga kaisipang ito ay salungatin,pabulaanan, mabago o palitan. Ito ba ay mga makatotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sisitema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglalahad ng mga panyayari.

Ito ay likas sa lipunan na kung saan ang lipunan ang gumawa ng dahilan ng pagkamatay ni Nick sa dula. Masasabi ko na ito rin ay isang makatotohanang unibersal sapagkat ang Diyos lamang ang makapagsasabi kung kailan niya babawiin ang buhay na ating hiniram sa kanya.

IX.ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA- Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba

ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bayas ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

Maayos ang pagkakasulat ng akdang ito na gumamit lamang ng mabababaw na salita upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa.

X.BUOD-Hindi kailangang ibuodnang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang tuon.

SigwaIsang umaga ang lahat ay maagang gumising at

naghanda paramaki-libing kay Nick. Si Nick ay isang sundalo na namatay sa isangin kuwentro at namatay ng may laban ang dangal. Emosyunal ang naiwang pamilya ni Nick. Maging ang kanyang mga kabarkada aynaging emosyunal din. Nagkita doon ang dalawa sa kaibigan ni Nick nasi Del at Richie. Hindi naman naka-abot sa libing si Mol na kaibigan dinni Nick dahil sa ito ay nasa Cebu at nagtatrabaho.Matapos ang libing ay nagderetso naman ang dalawang magkaibigan na sina Del at Richie sa bahay ni Del upang doon hintayin ang kaibigang si Mol. Habang naghihintay ang dalawa, walang tigil naman sa pagtatanong itong si Del kay Richie. Mahigit isang dekada din kasi ang lumipas ng huli silang nagkita at ngayon lamang ulit nangyari.Habang nagtatanong si Del kay Richie ay napapansin nito na parang hindi nagbago si Richie dahil kung paano siya sumagot dati ay gnoon parin siya sumagot ngayon. Walang tigil sa pagpapalitan ng salita ang dalawa. Mapapansin na si Richie ay hindi mapatigil sa isang tabi.Hanggang sa naalala nila ng mga masasaya nilang araw noon. Ilang oras ding naghintay ang dalawa kay Mol. Upang hindi mainip ay pinag-usapan nila ang mga artikulo na isinulat ni Richie tungkol sa mga militar. Panay naman ang iwas ni Richie sa mga tanong ni Del tungkol doon. Maya-maya ay nauwi naman ang usapan sa pagiging guro ni

Page 7: Suring Basa Dulang Trahedya

Del.Gabi na ng dumating si Mol sa bahay ni Del.Sa pagdating niyang iyon ay nagkuwentuhan ang tatlo at nag-iinuman din sila. Pinagkukuwentuhan nila ang namatay nilang kaibigan na si Nick. Si Nick kasi ang pinaka-mabiro sa kanilang apat. Kaya namang laking panghihinayang ni Mol kay Nick. Habang tumatagal aytumatakbo din ang oras at ang dalawa si Mol at Richie ay unti-unti ng nalalasing. Maghahating gabi ng magpasya si Richie na uuwi na siya, ngunit ayaw naming pumayag ni Mol. Kaya naman nagyaya na lamangsi Mol na pumunta sila sa sementeryo upang dalawin ang puntod niNick. At habang nandoon sila ay naaalala nila ang masasaya nilangalala kasama si Nick. Biglang naalala ang nilalaman ng huling sulat ni Nick para sa kanyang mga kaibigan. Habang nag-iiyakan ang tatlo ay bigla na lamang nasabi ni Del na “wala na si Nick” at sinagot naman itoni Richie na “pero narito pa naman tayo.

Moses-Moses

I.PAGKILALA SA MAY-AKDA- Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda.

Rogelio R. Sikat Ang kanyang maikling kuwento na Impeng Negro

ang nakakuha ng 1962 Gawad palanca. Naging propesor at dekano ng arte at literature sa

Unibersidad ng Pilipinas.II.URI NG PANITIKAN- Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.

Dulang Trahedya-isang uri ng dula na kung saan ang simula ng kwento hanggang sa wakas nito ay humanto sa pagkasupil ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

III. LAYUNIN NG AKDA –Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat , magprotesta at iba pa.

Layunin nito na ihatid sa mambabasa na dapat maging pantay-pantay ang pagtingin sa tao mahirap o mayaman.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA-Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensirilidad ng mambabasa?

ang dulang ito ay makatotohanan sapagkat ang ilan sa mga pangyayari o eksena dito ay nagaganap ngayon sa atin.

V.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA- Ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha,nagwasak, nabubuhay o namamatay.

Tony-anak ni Regina Regina- nanay ni tnoy at aida Aida- siya ay ginahas ng anak ng mayor sa dula Ben-siya ang kapatid ni Tony Anak ng alkalde- gumahasa kay aida

VI.TAGPUAN/PANAHON-Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan

Naganap ito noong panahon ng marshal Law sa isang apartment sa maynila.

VII.NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI-Isa bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari mula

Page 8: Suring Basa Dulang Trahedya

simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?

Para sa akin ang dulang ito ay hindi pa luma at hindi pa gasgas dahil ito ay nangyayari pa sin sa panahon natin ngayon.

VIII.MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA- Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maari din ang mga kaisipang ito ay salungatin,pabulaanan, mabago o palitan. Ito ba ay mga makatotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sisitema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglalahad ng mga panyayari.

Ito ay likas sa tao sapagkat makikita ditto na si Tony mismo ang gumawa ng paraan upang mabigyan ng katarungan ang nangyari sa kanyang kapatid na si aida.Sa ginawa niyang iyon ay masasabi ko na hindi ito tama sapagkat ay dapat pinaubaya na lamang niya ito sa mga pulis.

IX.ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA- Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bayas ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

Maayos ang pagkakasulat ng akdang ito na gumamit lamang ng mabababaw na salita upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa.

X.BUOD-Hindi kailangang ibuodnang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang tuon.

Moses-MosesIsang gabi, nag-uusap si regina at Ana. Napag-usapan

nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si aida ay nagahasa

ng anak ng alkalde. Si aida ngayon ay hindi pa rin makapasok sa paaralan dahil siya’y na trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanyang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si regina sapagtuturo upang mabantayan si aida. Tapos biglang dumating sa bahay nila ang alkalde kasama ang isang konsehal. Naparoon sila upang humingi ng dispensa sa nagawa ng anak ng alkalde at ninais nila na i- urong na lamang ni regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit Hindi pumayag si regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig. Nang umalis na ang alkalde at konsehal, nag-usap si tony at Regina. Gusto ni Tony nai-urong na ang kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman ba ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Nais na lamang ni tony ay mapatay ang anak ng alkalde. Buhay sa buhay kung baga. Pinaalala ni tony ang nangyari sa kanyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan pa rin ni regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso. Matapos ang usapan, sumulpot si ana at sinabing sinusumpong na naman si aida.Kailangan ni aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamut si regina kay tony. Nung nakaalis si tony, nasabi ni Regina kay ana na malaki na ang pinagbago ni tony.biglang dumating si ben at tinanong niya kung nakaalis na ba si tony. Tumugon si regina at inamin nib en sa ina na may dalang baril si tony dahil binabalak niyang patyin ang anak ng alkalde. Binilin ni tony sib en na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni ben. Nagising si aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si regina. Sinabi ni aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni regina ay binili na ito ni tony. Nang matanong ni regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas- dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni regina ng gatas. Naikwento ni aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainom dawn g mga alagad ng alkalde ang kanyang kuya tony ng lason, kahti anung pilit daw niya na himingi ng tawad ay patuloy pa ring pinapainom ng lason si tony, ang masakit pa sa panaginip na iyon ay ininom ni tony ang lason. Takot na takot na kinuwento ni aida ang kanyang

Page 9: Suring Basa Dulang Trahedya

panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si tony na duguan. Sinabi niya na tumawag sib en ng taksi dahil parating na sila. Piñata na ni tony ang anak ng alkalde, ngayo’y hinahabol na siya ng alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni regina na mali ang nagawang paghihiganti ni tony, na so tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni regina ang baril at sinabing wag silang umalis dahil susuko si tony nang makarating na ang alkalde,tinutukan niya ng baril si tony ngunit tinabig ito ni regina pinagtulung- tulungan ng mga pulis si tony. Nang kinukuhana ng mga pulis iyong baril sa kamay ni regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni regina si tony at dinakip ng mga pulis si regina dahil sa kasalanan niya.