rizal at piso

6
RIZAL at PISO: Ang Simbolo ng Bansa Nakakita ka na ba ba ng piso na walang mukha ni Dr. Jose Rizal? Bakit nga ba sa piso inilagay si Rizal, maaari namang sa isang-daan o sa isang libo? Ano ba ang sinisimbulo ni Rizal sa piso? Mga katanungang pumasok sa aking isipan noong pinapanood ko ang video ng awiting “Kaninong Anino”. Ano ba ang halaga ni Rizal sa piso? Kung ikaw ang tatanungin, gusto mo rin bang mapalagay ang iyong mukha sa piso kapalit ni Dr. Jose Rizal? Maaaring nakakatawa pero may malalim na dahilan ang lahat ng mga pangyayari sa naging buhay ng ating pambansang bayani na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy nating ipinaglalaban. Ang maiangat at maibigay ang nararapat sa buong Pilipinas at sa mamamayang Filipino. Matapos ang laban ng ating mga bayani para sa kalayaan ng bansa, patuloy pa rin tayo sa pakikipaglaban sa mga hamon sa buhay nating mga Filipino. Nakikipaglaban tayo sa madilim na aninong nakabalot sa ating bansa. Ang anino ng kahirapan, anino

Upload: mayette-pamilara-payaban

Post on 19-Jan-2016

634 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

essay

TRANSCRIPT

Page 1: Rizal at Piso

RIZAL at PISO:Ang Simbolo ng Bansa

Nakakita ka na ba ba ng piso na walang mukha ni Dr. Jose Rizal? Bakit nga ba

sa piso inilagay si Rizal, maaari namang sa isang-daan o sa isang libo? Ano ba ang

sinisimbulo ni Rizal sa piso?

Mga katanungang pumasok sa aking isipan noong pinapanood ko ang video ng

awiting “Kaninong Anino”. Ano ba ang halaga ni Rizal sa piso? Kung ikaw ang

tatanungin, gusto mo rin bang mapalagay ang iyong mukha sa piso kapalit ni Dr. Jose

Rizal?

Maaaring nakakatawa pero may malalim na dahilan ang lahat ng mga

pangyayari sa naging buhay ng ating pambansang bayani na hanggang sa kasalukuyan

ay patuloy nating ipinaglalaban. Ang maiangat at maibigay ang nararapat sa buong

Pilipinas at sa mamamayang Filipino.

Matapos ang laban ng ating mga bayani para sa kalayaan ng bansa, patuloy pa

rin tayo sa pakikipaglaban sa mga hamon sa buhay nating mga Filipino. Nakikipaglaban

tayo sa madilim na aninong nakabalot sa ating bansa. Ang anino ng kahirapan, anino

ng korapsyon, anino ng karahasan, anino ng kamangmangan, at anino ng takot na

nagmumula sa ating sarili. Sana ay buhay ang ating mga bayani para tumulong sa ating

pakikidigma sa kadiliman.

Pero para saan ba ang milyon milyong Filipino na naninirahan sa ating bansang

Pilipinas? Alam ba nila ang kanilang tungkulin bilang isang anak ng bayan. Ang bawat

isa kaya sa atin ay handang maging isang bayani sa mga simpleng pamamaraan para

Page 2: Rizal at Piso

makipaglaban sa araw araw na pagharap ng bansa sa hamon ng mundo? Gusto ko

sanang sumagot ng OPO, pero kaya ko ba? Nakakatakot din, dahil baka ako lang ang

sumagot ng OPO.

Kung ang bawat isa sa atin ay handang ialay ang sarili katulad ng ating mga

bayani, makikita ang pag-unlad ng ating bansa. Subalit sa ating panahon sa

kasalukuyan, ang mayaman ang lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong

naghihirap. Na kanino nga ba ang problema? Sino nga ba ang may kasalanan sa

ganitong sitwasyon ng ating bansa?

Kulang siguro ang taon ng aking buhay sa debate tungkol dito. Hindi matatapos

ang sisihan. Ang kailangan ng bansa ay ang pagtutulungan. Kailangan nating maging

ilaw sa bawat isa upang labanan ang madilim na aninong tumatakip sa bansang

Pilipinas. Nang sa gayon, makita natin na ang ating bansa ay mayaman. Mayaman sa

mga likas na yaman, mayaman sa talinong nagmumula sa mamamayan, at mayaman

sa mabubuti at magandang kultura at ugali na likas sa bawat isang Filipino.

Naalala ko si Ninoy Aquino na nagbigay ng ilaw sa ating mga Filipino. Ang dilaw

na ribbon na ginamit noong Edsa Revolution ay simbolo na magliliwag na ang ating

bansa. Mula sa madilim na panahon sa pamamalakad ng rehimeng Marcos, ang bawat

Filipino ay makakakilos na ng maayos dahil sa liwanag ng isipang ipinamulat ni Ninoy.

Kailangan nating ngayon ang makabagong bayaning magbibigay liwanag sa ating

bansa. At ang makabagong bayaning iyon ay IKAW.

Ikaw, tayo, ang bagong bayani ng bansa. Si Rizal ay nasa piso, dahil piso ang

sumisimbolo sa ating bansa. At si Rizal ay repleksyon ng ating bansa. Tulad ni Rizal at

Page 3: Rizal at Piso

ng piso, dapat din tayong maging salamin kung gaano katatag ang ating bansa. Kaya

sa bawat piso na nasa iyong mga kamay, isipin mo na si Rizal ay laging nagpapaalala

sa atin ng ating layunin at tungkulin sa bansa at sa ating kapwa Filipino.

MARY GRACE C. ESTRERAGrade VI - Joyfulness

Page 4: Rizal at Piso

2012 PREMYO RIZAL ESSAY WRITING CONTEST

PORMULARYO NG PAGLAHOKPATIMPALAK SA PAGSULAT NG SANAYSAY

(Elementary Level)

Pangalan___________________________Edad:_____Email Address:_____________

Tirahan: _____________________________________Telepono Blg: ______________

Paaralan: ___________________________________ Grado & Seksyon: ___________

Lokasyon ng Paaralan: _________________________ Telepono Blg: ______________

Pangalan ng Rehiyon & Blg: _______ Pangalan ng Distrito/Dibisyon: _______________

Tagapayo/Tagapagsanay: ______________________________

Telepono Blg: ___________________ Email Adress: __________________________

Prinsipal: ________________________________________

Telepono Blg: ___________________ Email Adress: __________________________

Pamagat ng Sanaysay: ________________________________________________

Kami, ang nagpapatunay na ang lahat ng nasasaad na impormasyong ito ay totoo. Nagpapatunay din ito na ang nasaysay ay sariling gawa ng kalahok na mag-aaral, na ito ay orihinal niyang sulat at komposisyon, at walang bahagi ng sanaysay ang kinopya o lumabag sa karapatang-ari (copyright) ng ibang tao o entidad:

______________________________ _____________________________ Lagda ng Kalahok/Petsa Lagda ng Tagapagsanaysay/Petsa

_____________________________Pangalan at Lagda ng Prinsipal/Petsa

MARY GRACE C. ESTRERA

MENDEZ CROSSING, TAGAYTAY CITY 09482597933

[email protected].

MENDEZ CROSSING ELEMENTARY SCHOOL VI- JOYFULNESS

MENDEZ CROSSING, TAGAYTAY CITY

IV-A TAGAYTAY/CAVITE

MAYETTE P. PAYABAN

09184919957 [email protected]

09218355232

DR. MERCELITA P. SALAZAR

[email protected]

RIZAL at PISO:Ang Simbolo ng Bansa

DR. MERCELITA P. SALAZAR