porma vol. 2 no. 1

16
Enero 1 - 7, 2013 Vol. 2 No. 1 Nora Aunor, wagi sa Metro Manila Film Festival Happy 2013: Year of the Water Snake p12 “Foreign forces pour money into the Philippines for population control, but the Filipino and the Filipina feel that their baby is worth more than money.” --ani Fr. James Reuter, SJ, isang haligi ng media at komunikasyon sa bansa, na tuluyang pumanaw noong Disyembre 31 pagkatapos ng isang mild stroke. Tubig sa Metro Manila, mas mahal na sa tubig ng Australia! Donaire, Fighter and Boxer of the Year 2012 Ni NOEL SALES BARCELONA Sa maniwala kayo o sa hindi, ang water rate sa Metro Manila ngayon ang isa sa pinakamataas sa Asya at mas mahal pa sa tubig ng Sydney, Australia. Ito ang pagbubu- nyag ng Water for the People Network (WPN) matapos na ianunsiyo ng dambuhalang mga water concessionaire ang plano nitong taasan pa ang singil sa tubig sa Metro Manila, ngayong taon. Basahin sa Pahina 3 p14 Matapos ang kasiyahan sa pagsalubong sa 2013, nagmistulang tuyong dahon sa mga kalsada ng Metro Manila ang labi ng mga paputok at firecrackers.

Upload: porma-balitang-may-dating

Post on 23-Feb-2016

292 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

May iba’t ibang PORMA ang Pilipino ngayon. Sanhi ito marahil ng napakaraming impluwensya sa ating lipunan. Likas sa atin ang magmasid at makibagay sa ano man ang tawag ng panahon at hamon ng buhay.

TRANSCRIPT

Page 1: Porma Vol. 2 No. 1

Enero 1 - 7, 2013 Vol. 2 No. 1

Nora Aunor, wagi sa Metro Manila Film Festival

Happy 2013: Year of the Water Snake

p12

“Foreign forces pour money into the Philippines for population control, but the Filipino and the Filipina feel that their baby is worth more than money.”

--ani Fr. James Reuter, SJ, isang haligi ng media at komunikasyon sa bansa, na tuluyang pumanaw noong Disyembre 31 pagkatapos ng isang

mild stroke.

Tubig sa Metro Manila, mas mahal na sa tubig ng Australia!

Donaire, Fighter and Boxer of the Year 2012

Ni Noel SaleS BarceloNa

Sa maniwala kayo o sa hindi, ang water rate sa Metro Manila ngayon ang isa sa pinakamataas sa Asya at mas mahal pa sa tubig ng Sydney, Australia. Ito ang pagbubu-nyag ng Water for the People Network (WPN) matapos na ianunsiyo ng dambuhalang mga water concessionaire ang plano nitong taasan pa ang singil sa tubig sa Metro Manila, ngayong taon. Basahin sa Pahina 3p14

Matapos ang kasiyahan sa pagsalubong sa 2013, nagmistulang tuyong dahon sa mga kalsada ng Metro Manila ang labi ng mga paputok at firecrackers.

Page 2: Porma Vol. 2 No. 1

2

Ni romeo PaNahoN

Magsasagawa ng revalida-tion ang Department of Agriculture (DA) sa kabu-uang halaga ng pinsala ng bagyong ‘Pablo’ sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, dapat ma-balanse ang ulat ng mga magsasaka sa datos ng ahensya para matiyak na hindi sumobra o kumulang ang halaga ng pinsala ng naturang bagyo, lalo na sa indus-triya ng saging na higit na sinalanta ni ‘Pablo’.

“Katulad po sa banana, meron tayong report ng nasira na idinedeklara ng industriya. So igina-galang po natin yun, but we have to revalidate that doon naman po datos na hawak-hawak natin, ayon din naman sa ating inilu-luwas.”

Nilinaw ng kalihim na dalawang teams ng ahen-siya ang nag revalidate sa mga pinsala ni ‘Pablo’

PORMA Enero 1 -7 , 2013 BalitaOnline stores, buwisan – MalacañangNi Paul aNg

Desidido ang Malacañang na tuluyang patawan ng buwis ang patuloy na dumaraming online stores sa tulad din ng naunang panukala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil naaayon pa din ito sa saligang batas.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang mga nagkalat na online stores sa internet ay wala umanong pinagkaiba sa mga negosyo sa kalsada na mayroong pisikal na tindahan dahil nagkakaroon din ito ng kanya kanyang kita o profits.

Paliwanag pa ng tagapag-salita, karapatan din umano ng pamahalaan, higit lalo ng BIR, na habulin ng buwis o ng tinata-

wag na Value Added Tax (VAT) at mga income tax ang mga nas-abing online stores dahil saklaw din ang mga ito ng batas.

Sa kabilang dako, nilinaw na-man ni Valte na hindi umano kasama sa papatawan ng income tax at VAT ang mga taong nag-bebenta ng kanilang mga per-sonal na gamit sa Facebook o mga tinatawag na second-hand at pre-owned goods.

Samantala, naniniwala na-man ang palasyo na hindi na kinakailangan pa ng bago o kar-agdagang batas upang pormal na mahabol ng pamahalaan at ng BIR ang mga online sellers dahil wala pa din itong nakiki-tang pinag-iba ng mga ito sa mga negosyanteng may pisikal na tindahan.

46 na puganteng foreigner, timbog ngayong 2012Ni grace cajileS

Umabot sa 46 na puganteng dayuhan na nagtatago sa Pilipi-nas ang naaresto ng Bureau of Immigration sa taong 2012.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., naaresto ang nasabing mga dayuhan ng fugitive search unit (FGU) ng ahensiya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Mayorya sa mga ito ay naipatapon na sa kani-kanilang mga bansa upang harapin ang mga kasong kriminal tulad ng rape, sexual assault, child molestation at child pornography habang iba sa kanila ay wanted sa murder, robbery, narcot-ics distribution, fraud, at swindling ang karamihan sa kanila.

Sa naturang bilang, pinakamarami ang Americans sa bilang na 21, kasunod ang Koreano, 7 at pumapangatlo ang Chinese, 5.

DA, may revalidation sa halaga ng pinsala ni ‘Pablo’

upang tama ang lahat ng impormasyon na ihahayag sa publiko.

Sa ngayon, nasa P29 bi-lyon ang naiulat na halaga

ng pinsala ng bagyo sa ag-riculture sector.

Sinabi din ni Alcala na aabutin pa ng isang taon bago makapagsimulang

muli ang mga magsasaka mula sa pagkakalugi mula sa epektong dinulot sa kanilang kabuhayan ng bagyong ‘Pablo’.

#6 most wanted, tikloNi elvie lacaraN

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng 302nd Infantry Bri-gade (IB) ng Philippine Army (PA) at Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng New People’s Army na siya ring top 6 most wanted person sa buong bansa sa kanilang operasyon kahapon ng umaga sa Brgy. Tubod, Manjuyod, Negros Oriental.

Kinilala ni chief 3rd Division public affairs office Major Enrico Ileto ang nadakip na NPA member na si Felimon Mendrez, alyas ‘Tatay’, na may mga kinakaharap na ka-song robbery at rebellion.

Ayon kay Ileto, si Mendrez ay ang bagong nadagdag sa Department of Interior and Local Government (DILG)-Department of National Defense (DND) reward list na may patong sa ulong 5.25 million pesos

Tiniyak naman ni Major General Jose Mabanta Jr., ang Commander ng 3rd Infantry Division ng Phil Army, na ipagpapatuloy lamang aniya ang kanilang operasyon para madakip ang mga miyembro ng NPA at magbalik-loob ang mga ito sa gobyerno.

P1.1 bilyong pekeng gamit, kumpiskadoNi grace cajileS

Umabot sa P1.1 bilyong halaga ng pekeng gamit at mga produkto ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa nakalipas na 11 buwan mula Enero hanggang Nobyembre 30, 2012.

Ayon kay Atty Ricardo R. Blan-

caflor, director general ng National Committee on Intellectual Property Rights o NCIPR ng Department of Trade and Industry (DTI), ito ay maituturing na pinakamalaki sa re-kord.

“The performance of BOC as of November 30, 2012 is 22.05% of the total confiscation of the NCIPR

(P4,988,645,292.00). In this regard, we would like to commend the of-ficials and personnel of the Intel-lectual Property Unit of the Bureau of Customs (IPU-BOC) for this ex-cellent performance”, ani Blancaflor kasabay nang papuri sa pamunuan ni Customs Commissioner Ruffy Bi-azon.

Mga bahay sa Compostella Valley na ibinuwal ng nakaraang bagyong “Pablo.

Ipinakikita ni Manny Tangco, ang may ari ng Malabon Zoo, ang mga sawa o ahas sa mga namamasyal sa nasabing zoo bilang pagdiri-wang sa pag-pasok ng Snake Water year ayon sa Chinese Cal-endar [Mon Es-tabaya]

Page 3: Porma Vol. 2 No. 1

3METRO NEWS BRIEFS

Special permit sa mga bus, pinagkaloob ngayong holiday seasonUmaabot sa 500 Metro Manila buses ang napagkalooban ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makabiyahe sa mga probinsiya nitong Pasko at bagong taon.

Ayon kay LTFRB Chairman Jaime Jacob, ang special permits na epektibong nagsimula noong December 18, 2012 ay magtatagal hanggang Enero 6, 2013 ay may la-yuning mapunan ng mga Metro Manila buses ang kaku-langan sa mga provincial buses na maghahatid sundo sa mga mananakay na tutungo sa kani-kanilang mga la-lawigan para doon ipagdiwang ang holiday season.

Bago mabigyan ng special permnit, dumaan muna sa pagbusisi ang mga bus kung intact ang kanilang franchise at sumailalim sa roadworthiness check ang mga sasaky-an. [Romeo Panahon]

Palengke sa QC, naabuhan ng P6 milyon sa sunogMalungkot na bagong taon ang bubungad sa mga tin-dera sa palengke sa Sariaya, Quezon City matapos silang masunugan ng P6 na milyong halaga ng paninda at ari-arian.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang su-nog alas-5:30 ng hapon at naapula makaraan ang dala-wang oras.

Kabuuang 25 stalls ang natupok at nagdulot pa ng mat-inding trapiko ang sunog. [Grace Cajiles]

Sky lantern, nais ipagbawal Nais ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ipagbawal ang paggamit ng sky lantern sa bansa dahilan sa mga hinal-ang isang pumalpak na sky lantern ang naging sanhi ng isang sunog sa Quezon City noong Pasko.

Sinabi ni BFP-NCR Chief Supt. Santiago Laguna na napaka-delikado ng sky lantern dahil bukod sa lumilipad ito ay hindi natin makokontrol ito kapag nasa himpa-pawid na.

Gayunman, nilinaw ni Laguna na hindi sky lantern ang dahilan ng sunog sa QC kamakailan, kundi ang over-loading sa kuryente at ang paggamit ng “jumper”. [Romeo Panahon]

Kelot, dedo sa riding in tandemHindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang lalakeng negosante matapos itong pagbabarilin ng dala-wang suspek na riding in tandem noong Disyembre 27 sa Marikina City.

Kinilala ang biktima na si Nicasio Gamboa, residente ng Better Living subdivision, Parañaque city.

Ayon sa pulisya, sakay ng itim na Toyota Fortuner na may plakang ZPC-709 ang biktima nang tambangan ng dalawang suspek sa kahabaan ng JP Rizal, sakop ng Brgy. Malanday, Marikina City. [Elvie Lacaran]

Presyo ng tubig sa Metro Manila, pinakamataas sa AsyaSa maniwala kayo o sa hindi, ang water rate sa Metro Manila ngayon ay isa sa pinakamataas sa Asya. Ito ang pagbubunyag ng Water for the People Network (WPN) matapos na ianunsiyo ng dambuhalang mga water con-cessionaire ang plano nitong taasan pa ang singil sa tubig sa Metro Manila, pagsapit ng taong 2013.

Pagsipi ng WPN sa 2011 external survey ng Japan External Trade Organization, panglima ang Metro Ma-nila sa may pinakamahal na presyo ng tubig, kahilera ng Singapore, Jakarta (Indonesia), at Metro Cebu. Ayon pa sa nabanggit na survey, mas mataas pa kaysa sa singil sa Sydney, Australia ang tubig ngayon sa Metro Manila. [Noel Sales Barcelona]

Sunog sa San Juan, pinaiimbestigahan

Ni romeo PaNahoN

Pinaiimbestigahan kay DILG Secretary Mar Roxas ng NGO na Kalipunan ng Dama-yang Mahihirap (Kadamay) ang naging mabagal na pa-gresponde ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa sunog sa San Juan City nitong nagda-ang Pasko.

Ayon sa Kadamay, nag-simula ang sunog ng ala 1 ng madaling araw, ngunit ala 2 na nang dumating ang fire truck, kahit na wala pang 50 metro ang layo ng San Juan City Fire station sa nasabing komunidad.

Ani Arnold Repigue ng Kadamay, wala rin umanong lamang tubig ang mga fire truck na naunang nagresponde sa ka-nila, na nagawa pang humarang

sa bungad ng komunidad kaya’t hindi na nakapasok ang mga parating pang bumbero.

Nagpahayag din ng pangamba ang mga residente hinggil sa posibleng pagpigil sa kanila ng lokal na pamaha-laan na bumalik sa komunidad dahil sa matagal ng banta ng demolisyon sa kanilang lugar.

Liban sa mga taga-San Juan, mahigit sa 100 pamilya rin mula sa BIR Road at barangay Del Monte sa Quezon City ang nagdaos ng Pasko sa tabing kalsada na pawang biktima ng demolisyon noong Oktubre at Nobyembre na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na maayudahan ng progra-mang pabahay ng gobyerno.

Balita PORMA Enero 1 -7 , 2013

Pagsipi ng WPN sa 2011 external survey ng Japan External Trade Organ-ization, panglima ang Metro Manila sa may pinakamahal na presyo ng tubig, kahilera ng Singapore, Jakarta (Indo-nesia), at Metro Cebu.

“Ang panibagong taas presyo sa tubig ay lalong makapagpapakuba sa mga mamamayan, na nagbabayad na nang labis sa kanilang konsumo,” ayon sa press statement na inilabas ng grupo, kasabay ng anunsiyo ng dambuhalang mga kumpanya ng tubig, ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company na itataas nila ang kanilang presyo sa darating na taon.

1,000% taas presyo, grabeng serbisyo

Ayon sa IBON Foundation, indip-endiyenteng ahensiya sa pananaliksik, umabot na sa 1,000% ang itinaas sa presyo ng tubig sa Kamaynilaan at sa kalapit-lalawigan buhat nang ipagkati-wala ng Metropolitan Waterworks and

Sewerage System (MWSS) ang pag-seserbisyo sa dalawang kumpanyang nabanggit.

Taong 1997 nang ipagbili ng MWSS ang ilang sapi (shares) sa dalawang kumpanya, sa paniniwalang pababa-bain at pagagandahin ang serbisyo ng tubig sa Kamaynilaan at sa ilang prob-insiyang malapit sa Metro Manila.

Ngunit, ayon sa IBON, bukod sa lalong pinamahal nito ang presyo ng tubig kada kubiko (cubic meter), lalo pa nitong pinasama ang serbisyo sa tubig mababa pa sa 60% ng 790,000 ka-bahayan sa Metro Manila ang may 24-oras, kada linggo, na access sa tubig. Samantala, 74% naman ng nabanggit na bilang ang may 24/7 water access subalit napakahina naman ng presyur nito.

Pribatisasyon ng serbisyo = taas presyo

Samantala, isinisisi ng WPN sa pag-sasapribado ng serbisyo sa tubig ang

Tubig, Mula sa Pahina 1pagmahal ng presyo ng tubig sa Metro Manila. Kaya nga ang payo ng grupo sa mga mambabatas: pag-isipan ang plano nitong ipasa ang mga batas na nagsusulong naman sa pribatisasyon ng mga water district sa mga probin-siya.

Ayon sa grupong WATER [Water System Employees Response], dapat na iurong ni Senator Edgardo Angara ang Senate Bill 2997 o ang Water Sector Reform Bill dahil pasisiritin nito ang presyo ng tubig sa mga probinsiya sa bansa at magreresulta rin ito sa tang-gal-trabaho naman sa mga manggaga-wa at empleyado sa daan-daang water district sa bansa.

Dahil dito, hinihimok ng grupo si Pang. Benigno S. Aquino III na tanta-nan na ang pagpapatupad ng public-private parternship sa mga proyekto ng gobyerno, partikular sa public utilities dahil patataasin lamang nito ang pre-syo samantalang hindi naman ganoong kaganda ang magiging serbisyo.

Isang covered court ang naging pansamantalang bahay ng higit kumulang 1,500 na pamilyang nasunugan sa San Juan City.

Page 4: Porma Vol. 2 No. 1

4 PORMA Enero 1 -7 , 2013 Balita Tampok

Nilinis ang konsensya bago ang Pasko, testigo sa krimen lumutangNi elvie lacaraN

Dalawang araw bago ang araw ng Pasko, lumutang ang isang testigo na nakasaksi sa brutal na pagpaslang sa isang dok-tora sa bayan ng Bombon, Camarines Sur.

Inihayag ng nasabing tes-tigo na sa kalapit barangay la-mang nakatira ang mag-isang salarin, na aniya, may per-sonal na galit kay Dra. Ofelia

Panganiban na nagtamo ng 13 na tama ng saksak na kanyang kinamatay nito lamang naka-lipas na linggo.

Pinaniniwalaang inggit ang motibo sa pagpaslang sa babaeng manggagamot dahil kilala itong tumutulong sa mga residente ng naturang bayan.

Ngayon ay subject to op-eration na ang tinukoy na suspek.

Fish kill sa PangasinanNi romeo PaNahoN

Libo-libong mga isdang bangus ang na-biktima nang naganap na fish kill sa mga fishpen sa Pangasinan, lalo na sa Boli-nao, Alaminos at Anda, Pangasinan.

Ayon kay Director Asis Perez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Re-sources (BFAR) , ang sobrang stock ng mga isdang bangus sa bawat fish pen ang dahilan kung bakit nagkaroon ng fishkill.

Nakipag-ugnayan na din ang BFAR sa mga lokal na pamahalaan sa nabanggit na mga lugar na pigilin ang pagbenta ng mga bangus vendors na maibenta ang mga isdang na nabiktima ng fish kill.

Malalaman aniya kung ang isang ban-gus ay mula sa fish kill kung ang hasang nito ay maputi at walang permit ang mga bangus vendor na nagbebenta nito.

Tao pagkain na ngayon ng asoPinagpiyestahan ng asong kalye ang isang bangkay na pinagsasaksak at ini-wan lamang sa lungsod ng Cagayan De Oro kamakai-lan.

Ayon kay Scene of the Crime Operatives (SOCO) chief Sr. Insp Neil Sedaka Villanueva, ang bangkay ay hindi lamang puno ng saksak ng ‘di matiyak na

patalim, kundi nawawala ang isa sa mga paa nito na pinaniwalaang pinapak ng asong kalye.

Dagdag pa ni Villanueva, nakuha rin sa pag-iingat ng biktima ang cellphone nito na mayroong nakasulat na text na ‘condolence’ na siya ngayong sentro ng kanilang imbistigasyon. [Elvie Laca-ran]

Ibinurol sa House of Representatives ang labi ni Bohol Tagbilaran City Rep. Erico Aumentado na binawian ng buhay noong araw ng Pasko kamakailan dahil sa sakit na pheumonia [ Mon Estabaya]

WORLD NEWS BRIEFSDalawa patay sa pagsalpok ng eroplano sa main roadRUSSIA—Dalawa ang patay at may mga sugatan matapos lumagpas ang isang Russian passenger plane sa runway at sumalpok sa main road.

Tinatayang labing-dalawang katao ang sakay ng Tupolev-204 na may flight number RWZ9268 ang lalapag sana sa Vnukovo airport, pero ito’y lumag-pas.

Base sa mga kuha sa eroplano matapos ang crash, makikita na nahati ito sa maraming piraso kung saan ang cockpit ay nasa may daan at ang fuselage naman ay nasa may perimeter fence ng nilagpasang paliparan.

Kastilang nahatulan sa Cuba, balik EspanyaSPAIN—Balik Espanya na muli ang isang Kastilang political activist matapos mahatulan sa Cuba dahil sa pagkamatay ng isang prominenteng Cuban dissident na si Oswaldo Paya sa isang car crash sa Cuba noong Hulyo.

Si Angel Carromero, pinuno ng youth wing ng rul-ing People’s Party ng Espanya, ay nahatulan ng reck-less driving sa aksidente na kinamatay ng isang op-position community leader sa Cuba.

Siya ang nagmamaneho noong kasama niya si Paya kung saan ay nawalan siya ng control sa manibela at nabangga sa isang puno.

Makukulong si Carromero ng apat na taon sa kanyang sariling bansa matapos na mapagkasundo ng Espanya at Cuba na makulong ang kanilang mga mamamayan sa sarili nitong bansa.

Pagbomba sa Karachi, anim patayPAKISTAN—Isang bomba ang sumabog sa loob ng isang bus sa may Karachi City noong Sabado na iki-nasawi ng anim katao at nag-iwan ng mahigit apatna-pung sugatan.

Walo naman sa mga sugatan ang nasa malubhang kalagayan sa ngayon.

Biktima ng gang-rape sa India, nakatakdang magpakasal sa PebreroNi jaNdel PoSioN

Ang babaeng biktima ng gang-rape sa India noong Disyembre 16 na namatay noong Sabado ay nakatakda sanang magpakasal sa kanyang nobyo itong darating naPebrero.

“Inaayos na nila ang kanilang mga preparasyon para sa ka-nilang kasal at nagpaplano namagsagawa ng wedding party sa Delhi,” sabi ng isa niyang kaibigan.

Sa panayam sa kanyang mga kaibigan, nabanggit nila na en-gaged na ang babaeng tinatawag na “Amanat” sa news reports, na ang ibig sabihin ay “Treasure” at nagpaplanong magpakasal sa susunod na taon.

Ang kanyang nobyo ang lalaking kasama niya sa bus noong nangyari ang insidente.

Sa kanyang pagkamatay, pinaigting na ngayon ng gobyerno ng India ang pagpapalawig sa proteksiyon para sa kababaihan laban sa mga insidente ng sexual harassment na hindi binibig-yang-halaga ang reklamo.

Page 5: Porma Vol. 2 No. 1

5Tampok PORMA Enero 1 -7 , 2013

Mga Inaasam sa 2013Ni clarke NeBrao

Usong-uso ang pagplano para sa Bagong Taon at karamihan sa atin ay patuloy na nangan-garap at may inaasam sa taong 2013. Minabuti nating tanungin ang ilang mga kaibigan tung-kol sa inaasam nila ngayong taon:

Alemberg Ang, award-winning indie movie producer - “Na mas tangkilikin ng mga Pilipi-no ang iba’t ibang mga sining, mapa-pelikula, dula, konsiyerto, sayaw o ano pa man, nang la-long umusbong pa ang sining at galing ng mga Pilipino.”

Jay Jaboneta, Founder ng Yellow Boat Pro-ject - “Peace, Love and Hope!”

Brian Poe-Llamanzares, nag-iisang la-laking apo ng Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino (Fernando Poe Jr at Susan Roces) at anak ni dating MTRCB Chairman Grace Poe-

Llamanzares, “Inaasam-asam kong makita ang pagtulong ng ating mga kababayan sa pagluk-lok ng mga kandidato na may integridad, may kabutihang loob at may kauliranan nang sa gayon ay tuloy-tuloy ang reporma sa ating go-byerno at bansa nang ating makamit sa wakas ang hustisya at kasaganahan sa ating lipunan.”

Carlo Ople, Editor ng NewMedia.com.ph at senior manager ng social media marketing ng Kapatid Network TV 5 - “Magkaroon ng baby!”

Most Rev. Gilbert Garcera, Bishop of Daet - “I always pray for holy, prayerful and discern-ing priests. And all things will be seen from the perspective of FAITH.”

Atty. Alexander Lacson, author, philan-thropist at nation-builder, - “A little more of good things for everyone. A little more of blessings. A little more of prosperity. A little more of happiness. A little more of peace and contentment for everyone in our country and the world. ‘Yan ang dasal at inaasam ko.”

Edric Mendoza, home schooling advocate at ANC TV Host - “More miracles and the grace to achieve greater things for God’s glory!”

Harvey Keh, Convenor ng Kaya Natin Movement - “Para sa ating bayan, sana hindi na mahalal muli ang mga kurakot at tiwaling mga pulitiko. Sana maisabatas na rin ang Free-dom of Information Bill para mas lalo pang tumatag ang ‘Matuwid na Daan.’”

Dr. Rainier Villanueva, Founder at Presi-dent ng Rainier Research Development Insti-tute - “ A Philippines free of man-made and natural calamities.”

Fr Andrew Recepcion, kura paroko ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Naga, “In-aasam ko ang deeper conversion to the Lord.”

Sandra M. Martinez-Ching, division chief ng Intramuros Administration Tourism, Mar-keting at Promotions - “Mas bumuti ang es-tado ng aking mga anak sa trabaho at sa pag-aaral. Mas dumami pa ang turistang dumayo sa Pilipinas lalo na sa Intramuros”

Dr. Candida B. Adalla, Chief ng Depart-ment of Agriculture, Biotechnology Program Office, “Malaking business opportunity para sa aking pamilya at para sa mga mahihirap na magniniyog lalong-lalo na sa mga nag-aalaga ng niyog na dumedepende lamang dito.”

Kaibigan, ating harapin ang bagong taon nang may galak sa ating mga puso, sapagkat ito ay bagong panimula na may dalang biyaya basta tayo ay maniwala sa Maykapal at ipag-dasal ang Kanyang presensya na manahan sa ating buhay.

Page 6: Porma Vol. 2 No. 1

6

OMniBuS COMMuniCAtiOnS FOR ASiA FOunDAtiOn inC.

Publisher

niRVA DELACRuzEditor in Chief

CLARKE nEBRAOManaging Editor

SKY ORtiGASOnline Editor

ALEJAnDRO MALAPO

Art & Design Director

Porma is published by the Omnibus Communications for Asia Foundation, Inc.

You can reach us through the following:Mobiile number: +639275393682

Email: [email protected]: omnibusmediagroup.com

”“Kaya kung kaya, gusto kung gusto. Isang malaking tanong sa marami: pano nangyari na halos tumambling ang Pangulo maipasa lang ang RH Bill, ngunit ang FOI na siya sanang

magiging isang higanteng Truth Commission para sa kanya ay matamlay niyang sinusuportahan?

Kung magbabalik-tanaw tayo sa nagdaang taon, sadyang naging matunog ang tinatawag na polit-ical will ni Pangulong Benigno Aquino III – mula pa noong im-peachment ni dating Chief Jus-tice Renato Corona noong Mayo 2012, sa “Walang wang-wang” noong SONA 2010, hanggang sa nakakalulang pag fast-track sa dating RH Bill sa huling mga araw ng sesyon sa Kamara at Senado.

Simula’t sapul pa lang ng pa-nunungkulan ni PNoy, itong po-litical will niya na tahakin ang “Matuwid na Landas” ang nag-ing tila manibela na may angk-ing kapangyarihang umugit sa bansa patungo sa inaasam na kaginhawahan at justisya.

Ito ang tinatawag na politi-cal will, “Matuwid na Landas” o samakatuwid, kung gusto, may paraan, kung ayaw, maraming dahilan.

Ano nga ba ang malinaw na prayoridad ng administrasyon

dati pa? Hindi ba ang paglupig sa korupsyon na tila isang lin-tang sumisipsip sa yaman ng taong-bayan na nakalaan para sa mga programang karapat-dapat sa atensyon at political will ng Pangulo tulad ng seguridad sa suplay ng pagkain, paglipol sa kahirapan, pagtaguyod ng agri-kultura at iba pa?

Tanda pa ng ilaan – dahil sadyang malilimutin ang mar-ami sa ating kababayan – ang pagbuo ng isang Truth Com-mission upang malaman ang

puno’t dulo ng mga anomalyang naganap sa nagdaang adminis-trasyon. Nasaan na ang “truth” na hinahanap ngayon? Nagka-amnesia na ang lahat sa pangako ni PNoy. Totoong nagkaroon ng ruling ang Korte Suprema noong 2010 na labag sa Konsti-tusyon ang Truth Commission, ngunit hindi ba dapat maghanap ng ibang paraan ang adminis-trasyon upang bigyan ng tunay na bangis ang paghabol sa mga nagnakaw sa bayan? Ang sagot dito ay maliwanag – ang Free-

Political will at ang Pagbaluktot sa ‘Matuwid na Daan’Editoryal

EditoryalPORMA Enero 1 -7 , 2013

dom of Information (FOI) Bill na sasaklaw, hindi lang sa nau-nang administrasyon, kundi sa lahat ng mga nanunungkulan sa gobyerno at sa mga palakad nito.

Kaya kung kaya, gusto kung gusto. Isang malaking tanong sa marami: pano nangyari na halos tumambling ang Pangulo maipa-sa lang ang RH Bill, ngunit ang FOI na siya sanang magiging isang higanteng Truth Commis-sion para sa kanya ay matamlay niyang sinusuportahan?

So kung titingnan natin, isa

bang mito ang political will ni PNoy o isang pagbaluktot na nga ng “Matuwid na Daan”? Na-katitig ang marami sa mga rat-sada ng Pangulo nitong nagda-ang taon. Ang political will niya ba ay isang manibela o sadyang gumagana sa guni-guni lang ng mga milyun-milyong bumoto sa kanya na marahil magpasahang-gang-ngayon ay lugmok parin sa hirap?

Huwag na nating pag-usa-pan pa kung papaano tuluy-ang naipasa ang RH Bill bilang batas. Dito pa lamang ay mas baluktot pa sa dila ng bulol – pasintabi sa mga kababay-ang bulol – ang ginawang pag-mamaniobra ng Palasyo para maisulong ang dating RH Bill. Dito pa lang, nakikita natin ang political will ng Pangulo na ayon sa marami, naging tahasan nang panunuhol.

Sa taong 2013, ano pa kaya ang mahihita ng sambayanan sa political will ng Pangulo?

Page 7: Porma Vol. 2 No. 1

7

Ilang gabi na lang, magpapaalam na naman tayo sa nag-daang taon, para sa-lubungin ang Bagong Taon. Samantala, tu-matanda tayo! Kaba-basa ko nga lamang ng mensahe sa akin noong isang high school classmate. Binabati niya ako sa kaarawan ko kam-akailan. Ang sabi niya, “Enjoy your last year on the jun-ior team!” Paalala na sa susunod, senior citizen na kami. Ano nga ba ang katuturan ng pagiging 60?

Minumunimuni ko nga ‘yan, kamakailan. Bukod sa mga bagay na ‘di mo na magawa, tulad noong mas bata ka pa, at mag-anak na nadadagdagan ng mga manugang at apo, inaanunsyo ng pagtanda ang panibagong yugto ng buhay. At nakaka-excite ito, depende sa pinanggalingan at sa pananaw. Nangyari na ang pinanggalingan. Mangyayari pa lamang ang pananaw. Makakapamili pa tayo, sa siguro’y huling pagkakataon na maging makabuluhan ang buhay. O sa huling pagkakataong ito, bitiwan na lamang ang hawak pang pagkakataon, at maging talunan dahil sa galit, hinanakit, at pagkadesperado sa mga bagay na hindi naituwid. Hawak natin ang hinaharap. Maaari pa nating sagipin ang sarili, sa paggamit ng natiti-rang panahon. O sumuko dahil sa panhihinayang, takot, o pagkabigo.

Sumisidhi sa kalooban ko ang maaari ko pang gawin sa susunod na yugto ng aking buhay. Oo nga’t mas mahina na ako. Siguro nga, mas mapurol at mabagal. Pero, hangga’t nangangarap at kinakaya ng puso, bata pa ako at may pag-asa. ‘Yan ang aking pananaw!

Kaya’t aalamin ko kung ano ang kalagayan ng katawan ko. Aalagaan ko ang aking sarili, dahil may pinagagawa pa ang Diyos sa akin. Maghuhudyat na-man Siya, kung tapos na ang panahong ibinigay Niya sa akin. Siya lang ang nakakaalam. Siya ang lumikha sa akin.

Gagawa pa ako ng mabuti. May nalalabi pa sa tali-no at biyayang ipinagkaloob sa akin para magmahal at tumulong. Bawat pagsikat ng araw ay may dalang bagong pag-asa. Bago ang halimuyak. Bago ang di-reksyon. Bago ang pananaw.

Higit sa lahat, magdadasal ako. Kikilalanin ko pa ang Diyos na naglalakbay kasama ko. Naghihintay, habang abala ako sa maraming bagay. Nagpapatawad sa mga pagkukulang ko at mga kabaliwan. Nagpu-puno sa aking mga kakulangan at kasalanan. Nag-mamahal!

Kaya’t sa pagpasok ng Bagong Taon, maganda sigurong gawing New Year’s resolution -- tulad ng madalas nating ipangako sa sarili -- na sundan ang Kanyang ehemplo ng pagmamahal. Ang buhay na ginugugol sa pagseseguro sa kasiyahan ng kapwa, ay buhay na hindi nasasayang, buhay na puno ng bi-yaya, at buhay na hindi natatapos, kahit pumanaw na tayo sa mundong ibabaw!

Isang Manigong 2013 sa ating lahat!

Bagong taon, bagong pag-asa para sa mga Pilipino. Subalit sa pagsapit ng elek-siyon sa Mayo, ano nga bang pag-asa ang mayroon ang bansang mayaman nga sa puntos ng GDP (gross domestic prod-uct), subalit namumutiktik ang nakatira sa ilalim ng mga tulay, sa gilid ng mga estero, sa kalsada, sa ilalim ng fly-over, walang trabaho, walang makain, may-sakit ngunit walang maipampagamot at maipampaospital (at balak pa ng isang senador na gawing korporasyon ang mga ospital ng gobyerno), at marami rin ang walang matinong hanapbuhay at suwel-do. Ay, buhay alamang, paglukso sa pam-pang—patay!

***

Hindi maiwasan ng mirong ito na mag-tanong kung ano nga ba ang mali sa Pilipinas dahil bagaman mayaman ito sa mineral, matataba at mabunga ang mga lupain, punung-puno sa yaman ang mga katubigan, at maraming mahihita sa ating mga kagubatan ay nananatili pa ring salat na salat ang karamihan ng ating mga ka-babayan? Ang sagot ay iisa: Hindi pantay ang distribusyon ng yaman ng bansa at kapus na kapos ito, bagaman napakarami at napakayaman, sa kasuwapangan ng iilang nagpapatakbo ng ekonomiya, pu-litika, at kultura ng bansa.

Sino nga ba ang makapagkakaila? Iilang pangalan lamang ang may-ari ng naglalakihang lupaing agro-industriyal, komersiyal at residensiyal. Iilan din la-mang ang may-ari ng industriya at ka-pital. Iilan din lamang na pangalan ang

Kung walang TV o mga pelikula, matata-wa ka ba ‘pag nakakita ka ng matabang taong naglalakad sa kalye? Kung walang mga magasin tungkol sa fashion at beau-ty, iisipin mo bang kahali-halina ang mga payat at matatangkad na babae?

Kahit saan tayo magpunta, basta may dumaang babaeng sobra ang taba sa katawan, pihadong may ilang mga ma-tang susunod sa kanya. At hindi nakak-agulat kung magbubulungan o kaya’y magbubungisngisan tungkol sa kanyang lapad at bigat. Tapos ‘yung matataba na-man mismo, iba-iba ang pagtingin sa sarili. Merong komportable sa ayos nila, merong walang pakialam, pero sa tingin ko ang karamihan ay naiilang sa kanilang anyo.

Sa mga magkakaibigan na matagal nang hindi nagkita, may babati ng “Uy! Pumayat ka!” at kitang-kita na-man ang ngiti ng binati—hanggang magkabilang tenga at parang nahihiya pa. Pero kung ang puna ay “Uy! Tu-mataba ka yata!” naku…isang linggo na siguro ang nakalipas, naghihimu-tok pa rin. Parang ang lahat ng tao, gustong maging payat at nandidiring tumaba. Bakit kaya?

Kahit nga sa pag-order sa restawran, tumatagal dahil sa pagkilatis kung ano ‘yung hindi nakakataba eh. Kung sa ba-gay, mainam naman talaga ang low-fat diet. Kahit mga doktor sasabihin ‘yon sa atin. Pero naman, halos lahat na ng maririnig mo ‘pag oras na ng dessert:

namamayagpag sa ngalan ng pamumu-hunan. At ang gobyerno, patuloy ang pagpapasok ng dayuhang puhunang kung tutuusin ay puhunang laway la-mang.

***

Gayunman, mayroon pa rin namang nababanaagang pag-asa ang mga Pinoy ngayong bagong taon. Kung magkaka-roon lamang sila ng panahong magsuri at magbulay-bulay sa pinakaugat ng ka-nilang aba at patuloy na pinahihirap na kalagayan, may pag-asa pang magbago ang takbo ng kanilang buhay at ang galaw

“That’s fattening!” “Naku, ang daming calories niyan!” “Pa’no na ang diet ko?” Tapos ‘pag kumain nga ng cake o ice cream o iba pang matamis, makokonsen-sya na parang may ginawang mabigat na kasalanan.

Bakit kaya ganito na lang ang pananaw ng lipunan hinggil sa hugis at lapad ng tao? Bakit ang pagiging mataba ay nagig-ing dahilan ng tuksuhan?

Naisip mo na ba na may kinalaman

ng ating lipunan. Ito ay kung matututu-han lamang nila ang tunay na kahulugan ng demokrasya: ang gobyerno ng bayan, para sa bayan, at pinatatakbo ng bayan.

***

Dahil ilang buwan na lamang at eleksiyon na, gusto nating ipabatid sa kapwa nating nagbabayad ng buwis at botante na dapat matuto na tayo sa karanasan: Huwag na papormahin ang mga pulitikong husto lamang sa yabang subalit wala namang magawa para sa kapakanan ng bayan. Ang mga proyekto ay pampapogi lamang at pampaganda lamang ng, kung tutuu-sin, inaamag at nag-uukok nang panga-lan dahil mula sa ninuno hanggang sa kasalukuyan, ang serbisyong nalalaman para sa bayan ay ang lamnan ang sariling bulsa at tiyan.

Suriing mabuti ang isusulat ninyo sa balota sapagkat hindi lamang P500 at il-ang grocery at t-shirt ang kailangan natin para mabuhay. Tiyakin natin na ang mai-luluklok natin sa puwesto, sa munisipyo man, o sa provincial government, sa Kongreso man o Senado, ay yaong maka-lilikha ng pagbabago sa bayang ito.

Siyangapala, hindi natin nabati noon ang Kaniyang Kabunyian Arsobispo Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa kani-yang pagkakaluklok sa Kolehiyo ng mga Kardinal. Mabunying pagbati po sa ka-nila! At sa bago nating santo, kay San Pedro Calungsod: nawa’y ipanalangin mo ang bayan nating lagi na lamang api at salat. Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat!

ang image ng mga matataba na pinalala-bas sa TV at pelikula, sa pananaw natin sa mga matataba sa totoong buhay? Ano kaya kung ang mga sobrang payat ang tampulan ng mga biro sa mga TV sitcom at comedy na mga pelikula? Ta-pos ang mga babaeng naglalakihan ang braso at bilbil ang silang palaging lead-ing lady, kagalang-galang ang hitsura at papel sa istorya, at kinagigiliwan ng mga guwapo!

Kung beauty contest naman ang pan-onoorin, lalong gugustuhin ng mga ba-bae ang magmukhang katulad ng mga contestant—slim. At yung mga adver-tisement ng sari-saring klase ng make-up, gamit sa buhok at damit, panay slim din ang mga modelo. Kaya siguro ang mga payat ang nagiging batayan ng ka-gandahan sa lipunan natin. At di lang ‘yon—naging napakaimportante na rin sa mga tao ang panlabas na anyo kaysa sa kalusugan, galing o ugali.

Kung tutuusin, ang panlabas na anyo ay isang bahagi lang ng pagkatao. Pinakamababaw pero unang napapansin dahil panlabas nga. Siguro dapat nating kilatisin kung tama ang pananaw natin sa pagkakaiba-iba ng mga anyo ng tao. Kung “hebigat,” eh ano ngayon? Tama bang gawin nating tampulan ng biruan? Mainam na tuwing manonood tayo ng TV o sine, pansinin natin kung anong klaseng pananaw hinggil sa mga matata-bang tao ang pinaiiral ng mga program at pelikulang pinalalabas.

NOEL SALES BARcELONA

Ang Miron

DIANA uIcHANcO

Manila Girl

ERNIE E. MAIpID, JR.

palara

Bagong Taon

Hebigat! Eh ano kung mataba?

Magmahal Hanggang sa Huling Hininga

Opinyon PORMA Enero 1 -7 , 2013

Page 8: Porma Vol. 2 No. 1
Page 9: Porma Vol. 2 No. 1
Page 10: Porma Vol. 2 No. 1

10 TampokPORMA Enero 1 - 7, 2013

2013: Taon ng mga GadgetsNi guilliaN geroNimo

Sa panahon ngayon, mabilis nang magpalit ng gadgets. Naririto na rin tayo sa panahon kung saan ang iba’t-ibang tech companies nagiging magkakakampi at magkakalaban na rin sa negosyo. Kaya tayo ay nag ikot-ikot sa mga malls para tignan ang praktikalidad ng mga bagong labas na gadgets.

iPad MiniSa pangalan palang, nakakasindak ang tunog ng “i” sa gadget na

‘to na Apple ang may gawa. Kasing-sulit din ang iPad Mini sa mga kasabayan niyang mga tablets dahil sa sukat na 7.9 inches, pwede na siyang gamitin bilang computer. Magagamit na siya hindi lang sa Facebook,Twitter o Instagram, kundi pati narin ang pag-download ng mga attachments na MS Office® tulad ng Word, Excel at Powerpoint.

Mabibili ang iPad mini mula Php 15,990 (16GB); Php 20,990 (32 GB); at Php25,990 (64GB). Kung gagamitin bilang cellphone, mag-dagdag ng Php 5,000 upang magkaroon ka na ng cellular unit kaya’t mula halimbawa Php 15,990 ay magiging Php 21,990 ang 16 GB na iPad Mini.

Nokia Lumia 900Marahil ito ang pinaka-beterano sa mga

nasuri kong gadgets ngunit dahil Nokia, kilala na ito bilang “user-friendly” na gadget. Gum-agamit siya ng Windows 8 kaya hindi gaanong kahirap gamitin lalo kung sanay ka sa paggamit ng computer. At dahil naka-Windows 8 na, wala na ring magiging gaanong sabit sa com-patibility ng mga files na MS Word©, MS Excel at MS Powerpoint. Pwede ding mag-download ng Skype sa gadget na ‘to. Ang problema lang nito’y hindi siya pwedeng malagyan ng memo-ry card. Ito rin ang pinakamaliit na nakita ko; 4.3 inches.

Mabibili ang Nokia Lumia 900 sa halagang Php 22,990. Maidagdag ko lang din, maasikaso din ang mga taga Nokia.

Samsung Galaxy Note 10.1Ito ang may pinakamalaking sukat sa 10.1 inches,

at marahil ay pinaka-magiging mabili dahil sadyang popular ang Samsung ngayon. Ito rin ang pinakasik-sik dahil pwede siyang makabitan ng USB at ang processor niya’y pinaka-malapit sa laptop. Mayroon din siyang features na pwedeng makipagsabayan sa iPad Mini at Nokia Lumia. Mayroon din itong Pho-toshop, na pang-edit ng mga pictures, at mabilis ang processor nito.

Mabibili ang Samsung Galaxy Note 10.1 sa mula sa halagang Php 20,700.

Pero paalala lang, mas mainam pa din bumili ng gadget na magagamit mo sa trabaho mo o sa iyong pag-aaral para hindi naman sayang ang inyong binili. 2013, hi-tech kung hi-tech!

Page 11: Porma Vol. 2 No. 1

11Tampok PORMA Enero 1 - 7, 2013

Ang bagong taon para kay JuanNi reSty S. odoN

Ano kaya ang ibig sabihin ng Bagong Taon para kay Juan dela Cruz?

Sa aming pag-uusisa, napag-alaman namin na mahirap sagutin ang katanungan ito. Kung ito’y itinanong sa beauty contest, malamang na kailangang mag-isip pa ang kandidato bago makasagot ng matino.

Ganyan mismo ang reaksiyon ng halos lahat ng aming nakapanayam. Nang sila ay magsipag-sagot, may mga pabirong sagot at may mga seryoso rin naman.

Kapansin-pansin din na ang mga naisip na sagot ay nakadepende ng malaki sa pagkatao ng mga napagtanungan, sa kanilang konsepto ng ka-ligayan o fulfillment, at sa attitude nila sa buhay.

Napatawa lang sa tanong ang IT professional na si Gelo An-cheta, sabay namilosopo. ”Ang Bagong Taon ay walang ibang kahulugan sa akin kundi ang pagsapit ng isa na namang taon. Unless ito ay kasabay ng isang bagong liturgical season o ng iba pang espesyal na pagdiriwang. Bukod diyan, wala itong ibang ibig sabihin sa akin,” sabi niya.

Pabiro rin ang sagot ng elementary teacher at school administrator na si Waldy Ferrer, subalit napaka-praktikal at nagpapakatotoo lang. “Bagong Taon? Ito’y naghuhudyat na na-man ng umpisa ng pag-iipon para sa susunod na Pasko!”

Ang mga relihiyoso, iba naman ang tim-

pla ng kasagutan. Sabi ni Randy Ramos, isang computer salesman, “Ang Bagong Taon ay pa-rang isa na namang palatandaan na ang Pangi-noon ay mayroon pang bagong gustong iparat-ing sa akin tungkol sa Kanya.”

Sabi naman ni Oyence de Leon, bank officer, “Ito ay panahon para pasalamatan ang Pangi-

noon sa lahat ng blessings niya sa akin sa nagdaang taon. Ito rin ay panahon para i-review ko ang lahat ng planong naumpisahan ko last year,” aniya.

“Ordinaryong araw lang para sa ‘kin ang Bagong Taon,” wika na-man ni Joop Kalambakal, isang PR man, pero may dagdag ito: “Ito’y isa sa mga piling araw na kapil-ing ko ang aking pamilya.”

“Wala. Wala lang!” pabirong habol ni Mike Gareza, isang seminarista.

“Depende na sa iyo kung ano ang gusto mong

ipakahulugan dito,” sabi niya.Para naman kay Mimi Paterno, isang BPO

employee, ang Bagong Taon ay isang “fresh start.”

“Di na natin mabubura ang ating mga naga-wang palpak last year, pero pwede tayong mag-karon ng panibagong simula: bagong opor-tunidad, bagong mga kaibigan, bagong mga bagay na matututunan,” dagdag niya.

Kung ang panayam na ito ay isang joke contest, ang winner ay si Junrey Puertollano, isang com-puter programmer. “Bagong Taon? Isang bagong kalendaryo lang ito para sa akin. Hahaha.”

At sabay bati ng “Happy New Year!”

Page 12: Porma Vol. 2 No. 1

12 ShowbizPORMA Enero 1 - 7, 2013

38th MMFF Winners: Nora Aunor, Best Actress; Dingdong Dantes, Best Actor; One More Try, Best PictureNi lourdeS oreta

Nagwagi sa Metro Manila Film Festival si Nora Aunor bilang Best Actress sa kan-yang pagganap sa pelikulang “Thy Womb” at Best Actor naman si Dingdong Dantes sa “One More Try” sa ka-tatapos na MMFF Awards Night na ginanap sa Mer-alco Theater sa Pasig City noong Disyembre 27.Ang pelikulang “One More Try” ang nanalo bilang Best Pic-ture pati ang kauna-unahang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence. Ang gabi ng parangal ay nagbi-gay ng walong awards para sa “El Presidente” sinundan ng “Thy Womb” at “One More Try” na parehong nag-kamit ng anim na awards. Ang “Sisterakas” at “Shake, Rattle and Roll 14” ay gina-waran rin ng dalawa at isang awards. Si Cesar Montano naman ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa pelikulang “El Presidente” at ang Best Supporting Ac-tress ay napagwagian ni Wilma Doesnt ng pelikulang “Sisterakas.”

Mga nagwagi sa 38th MMFF:

Major awardsBest Picture: “one More Try”2nd Best Picture: “El Presidente”3rd Best Picture: “sisterakasBest actress: Nora aunorBest actor: dingdong dantesBest director: Brillante Mendoza (“Thy womb”)Best screenplay: “one More Try”Best original story: “Thy womb”Best supporting actress: wilma doesnt (“sisterakas”)Best supporting actor: Cesar Montano (“El Presidente”)Best Editing: Vito Kahili (“one More Try”)Best Cinematography: “Thy womb”Best Production design: “Thy womb”Best Visual Effects: “shake, rattle, and roll 14: The Invasion”Best Make-up: “El Presidente” noyp-istuffBest Theme song: apl de ap and jamir Gar-cia of slapshock (“El Presidente”)Best Musical score: jessie Lasaten (“El Presidente”)Best sound Engineer: albert Idioma (“El Presidente”)Best Child actor: Miguel Vergara (“one More Try”)FPj Memorial award: “one More Try”Most Gender-sensitive Film award: “Thy womb”Youth Choice award: “El Presidente”Best Float: “El Presidente”New wave CategoryBest Full-length Feature: “The Grave Ban-dits”Most Gender-sensitive Film award: “In Nomine Matris”Best director: Tyrone ancierto (“The Great Bandits”)Best actress: Liza dino (“In Nomine Matris”)Best actor: allan Paule for (“Gayak”)special jury Prize: Quantum Filmsstudent short Films CategoryBest short Film: “Pukpok” (dLsU)Most Gender sensitive Film award: “Manib-ela” (FEU)special jury Prize: daniel Bautista of Univer-sity of san Carlosspecial awardsMale star of the Night: joseph EstradaFemale star of the Night: Nora aunorFive star Male Celebrity of the Night: Zanjoe MarudoFive star Female Celebrity of the Night: Bi-anca King

Page 13: Porma Vol. 2 No. 1

13Showbiz PORMA Enero 1 - 7, 2013

Pelikulang aabangan sa 2013Ni lourdeS oreta

Hindi mapagkakaila na tayong mga Pinoy ay mahilig manood ng sine. Noong isang taon, nakitaan natin ng sigla muli ang ating mga pelikula na siyang ating dasal.

Ilan sa mga pelikulang aabangan natin sa 2013:

Seduction - Mainit na pagsa-

lubong ng Regal Films sa 2013 mula sa galing ng direksyon ni Peque Gal-laga. Ito ay ang kaunaunahang pag-sasama nila Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Solen Heusaff.

Forever’s not Enough - Pinag-bibidahan ni Coco Martin, Julia Montes, Cherry Gil at Gabby Con-ception sa direksyon ni Cathy Gar-cia-Molina

The Bride and The Lover - Isang romantic comedy sa direksyon ni Joel Lamangan at pagbibidahan nila Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Paulo Avelino at Hayden Kho

Maybe This time - Ang unang tambalan ni Marian Rivera at Coco Martin na nasa magkatunggaling network. Itong romantic drama ay pamumunuan ng batikang direktor

pumormang Showbiz Balita ng 2012

na si Maryo J. Delos ReyesBasement - Isang horror thriller

sa direksyon ng kilalang pinoy hor-ror expert na si Topel Lee. Pagbibi-dahan nila Sarah Lahbati, Chynn Ortaleza, Louise Delos Reyes at si Sef Cadayona

Feng Shui Master - Isang comedy dra-ma kasama ang komedianteng si Vhong Navarro at aktress na si Angel Locsin

My Lady Boss - Pagbibidahan ni Richard Gutierrez at Marian Rivera na isang pelikulang romantic com-edy ang tema sa ilalim ng baguhang direktor na si Jade Castro

Dyosa - Tiyak na ito ay pipilahan ng ating mga kabataan sa 2013 da-hil sa pagsasama ng mga teen stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kinilala ang galing at ganda ng pelikula sa 69th Venice International Film Festival sa Italia kung saan binigyan ito ng special awards: La Navicela Award for Best Director kay Men-doza, P. Nazareno Taddei Award Special Mention para sa pelikula at Bisato D’Oro: Premio Della Critica Indipendiente Best Actress para kay Nora Aunor. Nau-lit ang pagbigay parangal kay Mendoza bilang Best Director sa 6th Asia Pacific Screen Awards sa Australia kung saan ginawad din kay Nora ang Best Actress.

Isang pagpatunay sa ganda ng pelikula ay ang pagkilala ng Metro Ma-nila Film Festival sa “Thy Womb” sa kanyang pagha-kot ng mga award tulad ni Henry Burgos sa Best Orig-inal Story, Best Cinematog-raphy ni Odyssey Flores, Best Production Design ni Brillante Ma. Mendoza, Best Director para kay Bril-lante Ma. Mendoza, Best Actress para kay Superstar Nora Aunor at ang mga importanteng pagkilala sa mismong kabuuang peliku-la sa pagkamit nito ng Most Gender Sensitive Film at pagkilala bilang pinakama-husay at prestiyosong pe-likula na natatangi para sa Gatpuno Villegas Cultural Award.

Ang tagumpay sa sining ng pelikulang “Thy Womb” na siyang pinagmamalaki nating mga Pilipino sa buong mundo ay siyang ha-mon sa ating mga manon-ood na supportahan sa tak-ilya ang pelikula.

Ni carloS aleixo

Sa pagtatapos ng 2012, ito ang mga pumormang showbiz balita na ating sinundan, ini-yakan, kiniligan, tinawanan at pinag-usapan. Ating ba-likan ang iba’t ibang mukha at emosyong nakalakip sa mga ito.

PighatiSino ba ang hindi naluha

at naantig sa pagpanaw ng at-ing Comedy King na si Dol-phy? Halos isang buwan din nating sinundan ang kala-gayan ni Pidol at sabay-sabay tayong nagluksa sa pagpanaw ng Hari ng Komedyang Pili-pino.

Maaalala rin na sa taong 2012 ay siyang pagpanaw ng tatlo sa pinakamagagaling na direktor ng bansa: Marilou Diaz-Abaya, Celso Ad Cas-tillo at Mario O’Hara.

NadayaSumiklab ang damdamin

natin sa muntik ng pagka-panalo ni Jessica Sanchez sa American Idol Season 11 na kung saan siya ay naging runner-up lamang sa grand champion nitong si Phil-ip Philips. Alam na alam natin na mas magaling si Jessica at mas deserving na manalo.

Ito marahil ang parehong damdamin natin sa pagkatalo ni Miss Philippines Janine To-gonon kay Miss USA Olivia Culpo na kinoronahang Miss Universe 2012 sa Las Vegas, Nevada. Si Janine ang may pinakamahusay na sagot sa interview portion ng Top 5 na mga kandidata.

Nadaya man o hindi, parehong nagbigay-pugay sa buong mundo si Jessica at Ja-nine na ang talento at kagan-dahan ng Pilipino ay angat sa ano mang lahi.

KiniligPinakilig naman tayo ng

walang humpay ng kasalang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Ito ay pinag-usapan buong buwan at sa kahit anong kanto ay namayagpag ang mga kababaihan na man-garap na may isang Zoren pang naghihintay sa kanila.

Hindi rin natin makaka-limutan ang makasaysayang kasal ni Congressman Ro-man Romulo kay Valenzuela Councilor at TV Host na si Shalani Soledad at ang pag-papakasal nila beauty queen Precious Lara Quigaman at actor na si Marco Alcaraz.

Mainit na sinubaybayan ang kwento ngayon ni Sena-dor Chiz Escudero at ang ak-tres na si Heart Evangelista.

NainisMarami sa atin ang nainis

sa engkwentro ni Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto sa airport.

Rambulan ang beauty ng tatlo ng kinunan ni Tulfo ng video ang pagtatalak at pag-aalipusta ni Claudine sa mga tauhan ng airport. Ito marahil ay malayo pang matuldukan kung ano ang ending.

HiwalayanTaon-taon na lang may

mga kontrobersyal na hi-walayan. Pumorma ang nat-uldukan nang annulment ng kasal ni Queen of All Media, Kris Aquio, kay basketbolis-tang si James Yap. Andyan ang relasyong hiwalay-balikan na

John Lloyd at Shaina Magda-yao, ang pinag-usapang bit-eran ng Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Ang end-ing rin naman pala eh si John Lloyd at Angelica ang mag-kasama sa kakalipas na Pasko.

IpinagmalakiStar na maituturing ang

pag-angat sa kasikatan noong 2012 ni teen heartthrob Dan-iel Padilla, pamangkin ni Bi-noe. Napag-uusapan na ang kasikatan ni Daniel ay hango sa pagiging nakababatang bersyon ni Robin Padilla. Ang kanyang kasikatan ay pu-mutok ng ipareha kay Kath-ryn Bernardo. Patok na patok

ang love team ng dalawa! Hindi rin mapagkakaila

ang talentong Pinoy nang igawad kay batikanong aktor na si Eddie Garcia ang tanyag na Best Actor Award sa kan-yang pagganap sa “Bwakaw” sa 55th Asia Pacific Film Fes-tival sa Macau. Ang peliku-lang “Bwakaw” sa direksyon ni Jun Robles Lana ay siyang pambato natin sa Foreign Language Film Category ng Oscars Academy Awards sa Hollywood itong taon.

Higit sa pagtaguyod ng re-alidad ng buhay sa Pilipinas, naghakot ng iba’t-ibang ka-rangalan para sa ating bansa ang pelikulang “Thy Womb”

na siyang pinagsamahan ng Cannes Best Director Awar-dee, Direk Brillante Mendoza, at ng ating nag-iisang Super-star, Nora Aunor.

Page 14: Porma Vol. 2 No. 1

14 SportsPORMA Enero 1 - 7, 2013

Donaire, tinanghal na ‘Fighter and Boxer of the Year ng 2012’Ni cSN

Sinalba ni “The Filipino Flash” Donito Donaire Jr. ang imaheN ng boksing sa bansa nang ideklara siya bilang “Fighter of the Year 2012” ng Boxing Scene at Sports Illustrated at siya rin namang pinangalanang “Boxer of the Year 2012” ng ESPN.

Walang dudang nakamit ni Donaire ang parangal dahil sa apat na malalaking panalo niya nitong nakalipas na 2012, at sa kanyang pa-giging kampeon sa apat na division pati na rin ang kan-yang dedikasyon para sa ad-bokasiya ng drug-free sport.

Nilarawan ng Sports Il-lustrated si Donaire: “In a sport starved for new su-perstars, Donaire, 30, is emerging as one. He is fast, with power in both hands. He deserved the title, how-

ever, not because he won all of his 4 bouts in 2012, but because he has been winning “bigger” battles in his life, having risen to a comfortable spot in box-ing amid challenges that almost led him to end his life when he was just 10 years old.”

“He can box you from the outside --- see the lop-sided beating he gave Jeff Mathebula last July --- and punish you when you come to fight. He blasted out Jorge Arce in the third round earlier this month, sending the rugged Mexi-can star into retirement.” pag-analisa naman ni Chris Mannix na tanyag na boxing writer sa America.

Magandang panimula ito sa taong 2013 na tuloy ang bakbakan sa lakas at tikas ng Pilipinong Bok-singero.

Paquiao-Marquez maghaharap ulit!Ni carloS aleixo

Buong pagmamalaking ina-nunsyo ni Top Rank promot-er na si Bob Arum na tuloy na tuloy na ang muling pa-ghaharap ni Pacman at Mar-quez na maaaring mangyari sa darating na Abril 2013.

“Manny Pacquiao ain’t re-tiring. He will fight Juan Ma-nuel Marquez for a fifth time,” pagkumpirma ni Arum.

Nabanggit ni Arum na nakatakdang mag-usap sila ni Pacman pagkatapos ng bakasyon nito sa Israel at maikasa na ang detalye ng pinakahihintay na labang ni

Pacman at Marquez saikali-mang pagkakataon.

Sa tanong kung maaari pang magka rematch si Floyd Mayweather Jr at si Manny, ito lang ang nasambit ni Arum, “Probably not but you know life goes on.”

Matatandaang pinabagsak ni Marquez ang ating Pam-bansang Kamao sa huling laban nito noong Disyem-bre 8 sa Las Vegas na siyang pinangalanang “Knock-out of the Year 2012” ng ESPN Sports at dineklarang “Fight of the Year 2012” rin ng nasabinhg ahensya ng palakasan.

Page 15: Porma Vol. 2 No. 1

15Sports Sports PORMA Enero 1 - 7, 2013

djokovic Kampion Muli!

Ni carloS aleixo

Nanatili si World No. 1, No-vak Djokovic, bilang kampeon sa pagkapanalo niya laban kay Nicolas Almagro 6-7 (4/7), 6-3, 6-4 sa kampeonato ng Mubadala World Tennis Championship na ginanap sa Abu Dhabi International Ten-nis Complex, Zayed Sport City.

Nilampaso ni Djokovic si David Ferrer para maka-usad sa finals at nahirapan sa kan-yang laban sa Espanyol na si Almagro na pang 11th sa ranking.

Si Nicolas Almagro, na si-yang pumalit kay Rafael Nadal sa torneo, ay naging masigasig na bumangon mula sa 3-1 na pagkatambak sa tiebreaker upang manalo sa unang set ng laban.

Bumalik si Djokovic at lum-amang ng 3-1 sa second set at in-angkin ito para itabla ang laban at banatin sa winner-take-all na pan-gatlong set.

Tunay ngang napakahigpit ng engkwentro sa third set hangang nakamit ni Djokovic ang 5-4 na lamang at tuluyan ng idepensa nito ang kanyang korona.

Ni cSNApat na koponan na la-

mang ang nakatayo para sa semi-finals ng PBA Philip-pine Cup. Ang bakbakan ay nag-umpisa na at sa pag-bukas ng bagong taon ay mahahatulan na kung sino ang maghaharap para sa korona.

Sa best of seven series ng mga koponan, umangat sa laban ang Rain or Shine Elasto Painters laban sa San Mig Coffee (3-2); at Talk ‘N

PBA Semi-Finals: Rain or Shine 3 vs 2 San Mig Coffee; Talk ‘N Text 3 vs 2 Alaska Acers

Text Tropang Texters laban sa Alaska Acers (3-2). Sa lapit ng labanan at sa init ng pagsagupa ng mga koponan, tumitindi ang tensyon ng torneo.

Ang game six ng Rain or Shine laban sa San Mig Cof-fee ay gaganapin sa Huwebes, Enero 3, sa SM Mall of Asia Arena. Ang game six naman ng Talk ‘N Text at Alaska Ac-ers ay gaganapin sa Biyernes, Enero 4, sa Cuneta Astro-dome.

Page 16: Porma Vol. 2 No. 1