poem humanities

7
POEM KAMAY NG BIRHEN "Virgin's Hands" (1929) is beautiful, touching Tagalog poem by Jose Corazon de Jesusabout how his love for a woman changed him for the better. It has been said that the hands of a virgin have the power to transform even hardened criminals into good men. KAMAY NG BIRHEN Mapuputing kamay, malasutla’t lambot, kung hinahawi mo itong aking buhok, ang lahat ng aking dalita sa loob ay nalilimot ko nang lubos na lubos. At parang bulaklak na nangakabuka ang iyong daliring talulot ng ganda, kung nasasalat ko, O butihing sinta, parang ang bulakiak kahalikan ko na. Kamay na mabait, may bulak sa lambot, may puyo sa gitna paglikom sa loob; magagandang kamay na parang may gamot, isang daang sugat nabura sa haplos. Parang mga ibong maputi’t mabait na nakakatulog sa tapat ng dibdib; ito’y bumubuka sa isa kong halik at sa aking pisngi ay napakatamis. Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen ay napababait ang kahit salarin; ako ay masama, nang ikaw’y giliwin, ay nagpakabait nang iyong haplusin. Tula : Ang Posporo ng Diyos This Tagalog poem was written by José Corazón de Jesús . ANG POSPORO NG DIYOS Sa dilim ng gabi’y may gintong nalaglag, may apoy, may ilaw, galing sa itaas; at dito sa lupa noong pumalapag, nahulog sa bibig ng isang bulaklak.

Upload: peter-angelo

Post on 27-Oct-2015

192 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

POEM Humanities

TRANSCRIPT

Page 1: POEM Humanities

POEM

KAMAY NG BIRHEN

"Virgin's Hands" (1929) is beautiful, touching Tagalog poem by Jose Corazon de Jesusabout how his love for a woman changed him for the better.  It has been said that the hands of a virgin have the power to transform even

hardened criminals into good men.

KAMAY NG BIRHEN

Mapuputing kamay, malasutla’t lambot, kung hinahawi mo itong aking buhok, 

ang lahat ng aking dalita sa loob ay nalilimot ko nang lubos na lubos.

At parang bulaklak na nangakabuka ang iyong daliring talulot ng ganda, kung nasasalat ko, O butihing sinta, parang ang bulakiak kahalikan ko na.

Kamay na mabait, may bulak sa lambot, may puyo sa gitna paglikom sa loob; 

magagandang kamay na parang may gamot, isang daang sugat nabura sa haplos.

Parang mga ibong maputi’t mabait na nakakatulog sa tapat ng dibdib; ito’y bumubuka sa isa kong halik 

at sa aking pisngi ay napakatamis.

Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen ay napababait ang kahit salarin;

ako ay masama, nang ikaw’y giliwin, ay nagpakabait nang iyong haplusin.

Tula : Ang Posporo ng DiyosThis Tagalog poem was written by José Corazón de Jesús.

ANG POSPORO NG DIYOS 

Sa dilim ng gabi’y may gintong nalaglag, may apoy, may ilaw, galing sa itaas; 

at dito sa lupa noong pumalapag, nahulog sa bibig ng isang bulaklak.

Ang sabi ng iba’y kalulwa ng patay, luha ng bituin, anang iba naman. 

Lalo na’t sa gabi ay iyong matanaw tila nga bituing sa langit natanggal.

Bituin sa langit at rosas sa hardin, parang nagtipanan at naghalikan din; 

nang di na mangyaring sa umaga gawin, ginanap sa gabi’y lalo pang napansin.

Page 2: POEM Humanities

Katiting na ilaw ng lihim na liyag, sinupo sa lupa’t tanglaw sa magdamag; 

ito’y bulalakaw ang dating pamagat, posporo ng Diyos sa nangaglalakad.

Kung para sa aking taong nakaluhod at napaligaw na sa malayong pook, noong kausapin ang dakilang Diyos ay sa bulalakaw lamang nagkalugod.

Sampalitong munti ng posporong mahal kiniskis ng Diyos upang ipananglaw; nang ito’y mahulog sa gitna ng daan, nakita ang landas ng pusong naligaw!

Ito’y bulalakaw, ang apoy ng lugod, na nagkanlalaglag sa lupang malungkot. 

May nakikisindi’t naligaw sa pook:Aba, tinanglawan ng posporo ng D’yos.

CHINA

The Old Soldier's Return

AN ANCIENT POEM: POET UNKNOWN

I was but fifteen when I left my friendsFor distant climes to fight our Country's foe,And now I'm eighty—back for the first time

To see the home I left so long ago.

Where is the house? I should be near it now,Yet possibly I may have gone astray;

Long years abroad have blurred the youthful brain,I'll ask this countryman to point the way.

'The house is yonder—midst those grassy mounds,Beneath the shade of fir and cypress trees,

And there lie buried all the kith and kinOf former tillers of these fallow leas.'[53]

The veteran sighed and wandered to the house,And found it overgrown and desolate;

A startled hare fled through the kennel's hole,And pheasants flew from ceiling beams ornate.

Exhausted by the journey and his grief,The old man plucked some grain from patches wild,

And mallows from around the courtyard well,As in the days when but a little child.

But when the homely fare was cooked and spread,And not a friend to cheer the lonely place,He rose, and going out to eastward gazed,

While tears flowed down his worn and furrowed face.

Page 3: POEM Humanities

Only a Fragrant Spray

NAME OF POET UNKNOWN (HAN DYNASTY OR EARLIER)

Ah me, the day you left meWas full of weary hours;

But the tree 'neath which we partedWas rich with leaves and flowers.

And from its fragrant branchesI plucked a tiny spray,

And hid it in my bosomIn memory of that day.

I know the endless distanceMust shut you from my view,

But the flower's gentle fragranceBrings sweetest thoughts of you.[36]

And, though it's but a trifle,Which none would prize for gain,

It oft renews our parting,With all the love and pain.[37]

STORY

Indarapatra at SulaymanIn Filipino epics, Pre-colonial and Colonial Times on October 22, 2009 at 4:36 am

Salin ni Bartolome del Valle

(Synopsis )

(photo credit:http://www.deviantart.net)

Page 4: POEM Humanities

Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit

munting kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong

doo’y namumuhay. Maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na dati’y payapa.Apat na

halimaw ang doo’y nanalot. Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop

pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kayang nauubos.

Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang

tao na nakakatakot kung ito’y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang

mahuli’y agad nilalapang at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang

anuman.

Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad ang bundok ng Bita ay

napadilim niyong kanyang pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumatahan

upang makaligtas. Sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa

pang ibong may pito ang ulo; walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas

na kuko pagkat maaaring kanyang natatanaw ang lahat ng tao.

Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulongMindanaw ay nagdulot-lungkot sa

maraming baya’t mga kaharian; siIndarapatra na haring mabait, dakila’t

marangal ay agad na nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.

“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo ng inyong iligtas ang maraming taong

nangangailangan ng tulong mo’t habag”

“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa mga

halimaw ang talim ng tabak.”

Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang

sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinasabit sa munting bintana ang isang

halaman at saka nagsulit:

“Ang halamang ito’s siyang magsasabi ng iyong nasapit.”

Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si Kurita,

siya ay nagmasid at kanyang natunghan ang maraming nayong walang kahit

isang taong tumatahan.

“Ikaw magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang wika.

Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas

itong si Kuritang sa puso’y may poot. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggang

sa malagot ang tangang hiningi niyong si Kuritang sa lupa ay salot.

Page 5: POEM Humanities

Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang Tagumpay kaya’t

sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ang

kanyang namalas ang nakahahambal na mga tanawin:

“Ngayon di’y lumabas nag ika”y mamatay.”

Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang saglit pa’y

nagkaharap silang puso’y nagpupuyos. Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak

na pinag-uulos. Ang kay Tarabusaw na sandata nama-sangang panghamablos.

At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang ganid na hayop sa

malaking pagod ay napahandusay.

“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman at saka

sinaksak ng kanyang sandata ang pusong halimaw.

Noon di’y nilipad niyong si Sulayman angbundok ng Bita. Siya’y nanlumo

pagkat ang tahanan sa tao ay ulila; ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayon

maaga pa at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumarating na.

Bird_Monster_by_shellypants (deviantart.net)

Siya ay lumundag at kanyang tianga ang pakpak ng ibon datapwa’t siya ring

ang sinmang-palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya’y

sa lupa bumaon kaya’t si Sulayman noon ay nalibing na walang kabaong.

Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagkat ang halaman noon

di’y nalanta’t sanga ay nangabali:

Page 6: POEM Humanities

“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,

“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”

Nang siya’y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat ang pakpak ng

ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas. Nahabag sa kanya ang kanyang

bathala; biglang nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.

Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala. Ang

kanyang kapatid ay dagling nabuhay. Sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng

katuwaan, saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.

Sa bundok ng Kurayan ang kanyang sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao’y

nagbibigay lagim a nagpapahirap. Dumating ang ibong kay laki ng ulo at ang

kuko-matalas. Subalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas.

Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang:

“Salamat sa iyo butihing bayani na upd ng tapang, kaming mga labi ng ibong

gahaman ngayo’y mabubuhay.”

At kanyang namalas ng maraming taong noo’y nagdiriwang.

Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay

kanyang hiniling na lakip ng sumpa na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng

adhika ang kanilang puso,

“Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.

Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng

lupang pawang kapatagan; si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan at

dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.