pinoy weekly special issue on call for justice of survivors of typhoon yolanda, 14 feb. 2014

12
HUSTISYA Mga biktima ng bagyong Yolanda, biktima rin ng kapabayaan ni Aquino ANG HANGAD NILA www.pinoyweekly.org PAHINA 3 BASAHIN SA PAHINA 6 ESPESYAL ISYU NA PEBRERO 14, 2014 MATAPAT, MAPANURI, MAKABAYAN LARAWAN: ILANG-ILANG QUIJANO

Upload: pinoy-weekly

Post on 09-Mar-2016

236 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

Special print issue of Pinoy Weekly on the call for justice and help for survivors of typhoon Yolanda (Haiyan). Other stories: One Billion Rising for Justice; On the unjust power rate hike; Youth, students vs student fee hikes; Aquino holds on to Disbursement Acceleration Program, a.k.a. presidential pork barrel; and many others.

TRANSCRIPT

HUSTISYAMga biktima ng bagyong Yolanda, biktima rin ng kapabayaan ni Aquino

ANG HANGAD NILA

w w w . p i n o y w e e k l y . o r g

PAHINA 3

BASAHIN SA PAHINA 6

ESPESYALISYUNA

P E B R E R O 1 4 , 2 0 1 4M A T A P A T, M A P A N U R I , M A K A B A Y A N

LARAWAN: ILANG-ILANG QUIJANO

2 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014

57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City | wwwww.pinoyweekly.org

Email: [email protected]

EDITORIAL POOLLeo Esclanda Cynthia EspirituDarius R. Galang Kenneth Roland A. GudaMacky MacaspacChristopher PasionIlang-Ilang D. QuijanoSoliman A. Santos

King Catoy

Published by

PinoyMedia Center, Inc.www.pinoymediacenter.org

Email: [email protected]

PMC BOARD OF DIRECTORSRolando B. Tolentino, CHAIR

Bienvenido LumberaBonifacio P. IlaganLuis V. TeodoroLeo EsclandaKenneth Roland A. GudaIlang-Ilang D. QuijanoEvelyn Roxas

WEEKLYBagyong tatama sa estado poder

KEND

RIK

BAUT

ISTA

Dumaan ang bagyo sa bansa noong nakaraang taon, at

sinalanta nito ang mahihirap na mga mamamayan. Ngayong taon, may mga indikasyong isang kakaibang bagyo na dadaan sa bansa: Ang bagyo ng pagtutol at pagkondena sa kasalukuyang administrasyong Aquino.

Taliwas sa sinasabi ng sarbey ng Social Weather Stations, hindi natutuwa ang mayorya ng mga mamamayan sa naging tugon ni Pang. Benigno Aquino III sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan noong Nobyembre. Pinakalantad na nagpapasubali sa nasabing sarbey ang isa sa pinakamalaking rali kontra kay Aquino na naganap noong Enero 25 sa Tacloban City. Ayon sa independiyenteng mga ulat, di-bababa sa 12,000 ang nagprotesta sa nagpapatuloy na kapabayaan ng gobyerno sa kanilang kalagayan.

Nasaksihan mismo ng Pinoy Weekly ang Tacloban, mahigit dalawang buwan matapos ang bagyo, na hindi pa rin bumabangon. Wasak pa rin ang mga istruktura. Wala pa ring kuryente

at tubig. Hirap pa rin ang mga tao na makakain. Walang kabuhayan, at marami ang umaasa sa pana-panahong relief goods lamang. Parang kahapon lang dumaan si Yolanda. Ulat ng lokal na pamahalaan, walang pondo na dumadaan sa kanila. Dahil kalaban ni Aquino sa pulitika ang mga Romualdez na nasa poder ng Tacloban, patuloy nitong ipinagkakait ang tulong pinansiyal sa lokal na pamahalaan. Samantala, nagtalaga pa ng rehabilitation czar, si Panfilo Lacson, at nagtayo ang Dept. of Public Works and Highways ng bunkhouses na pati mga hayop ay parang mahihirapang tumira.

Malinaw ang kapabayaan sa Samar at Leyte. Samantala, parang premyo pang iniaalok ng gobyerno ang nasalantang mga lugar sa malalaking negosyante para “idebelop” daw—ibig sabihin, pagtayuan ng komersiyal na mga establisimyento, magtayo ng mga proyektong pabahay, at iba pa, na pagkakakitaan nito.

Makikita ang pinaglilingkurang interes ni Aquino sa pagtugon niya sa bagyong Yolanda: ang malalaking negosyante at ang piling mga kaalyado. Pulitika ang dahilan kung bakit di siya nakikipagtulungan sa karibal na mga pulitiko tulad ng mga Romualdez. Pagpapalaki ng kita naman ang dahilan kung bakit pinipili niyang ialok ang mga lugar na nasalanta ng bagyo sa

malalaking negosyante para “idebelop”. Bilyung bilyong dolyar ang dumaan sa kamay ng gobyerno na mula sa iba’t ibang gobyerno at international institutions matapos ang Yolanda. Pero hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na pinuntahan ang pondong ito—hindi para sa rehabilitasyon, hindi para sa mga mamamayan.

Iyan naman talaga marahil ang gusto ni Aquino: na maimbudo sa kanyang administrasyon ang malaking pondo. Tulad ito ng pagkaimbudo ng lahat ng pork barrel (kahit ang “bagong” sistema sa Kongreso na pumalit sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga kongresista at senador) sa diskresyon at kontrol ng Ehekutibo. Tulad ito ng pagkakaroon ng Disbursement Acceleration Program o DAP ng mismong Pangulo. Ang palaging depensa ni Budget Sec. Florencio Abad, kailangan daw nila ng pondo para ipagpatuloy ang mga “reporma” sa gobyerno, masugpo ang korupsiyon at patuloy na tahakin ang “matuwid na daan”. Pero baku-bako ang daan ni Aquino.

Pagdepensa rin sa malalaking negosyo, sa mga kaalyado niya at sa dayuhang interes (partikular ng Estados Unidos) ang dahilan ni Aquino kung bakit hindi niya binabasura ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (batas ito ng kanyang kinamumuhiang

predecessor na si Arroyo) na pangunahing dahilan ng napakataas na singil sa kuryente. Dinedepensahan din ni Aquino ang Oil Deregulation Law na dahilan ng kawalan ng kontrol ng gobyerno sa taas-presyo ng langis at ng monopolyo sa industriya ng langis ng tatlong dambuhalang kompanya. Hindi niya ibinabasura, at pinalakas pa nga, ang Mining Act of 1995, na legal na batayan ng pagwasak ng ating mga bundok at kagubatan at pagpalayas sa katutubong mga mamamayan para bigyan-daan ang operasyon ng malalaking kompanya ng mina. Ilan ito sa neoliberal na mga polisiya na todo-todong dinedepensahan ni Aquino.

Sa kabila ng mga ito, namumulat ang mga mamamayan. Di mapapasubalian ng mga sarbey ang namumuo nitong galit. Paunang ekspresyon pa lamang ang pagprotesta noong Enero ng mga biktima ni Yolanda. Nariyan na ang sangkap para sa kumbaga’y isang perfect storm. Di malayong abutin ng delubyo ang gobyernong ito. PW

EDITORYAL

3PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014 LATHALAIN

ONE BILLION RISING FOR JUSTICE

Hustisya para sa kababaihang biktima ng karahasan. Ito

ang pinaigting na panawagan ng One Billion Rising (OBR) ngayong taon.

Isang pandaigdigang kampanya laban sa violence against women and children (VAWC) ang OBR. Pero sa

pagkakataong ito, pinalalawak ng mga kalahok dito ang pagpapakahulugan sa karahasan: may seksuwal at domestikong karahasan, pero mayroon ding pampulitika at ekonomikong karahasan; karahasang bumibiktima sa mayorya ng mga mamamayan ng mundo pero pinaka-tinatamaan ang kababaihan at mga bata.

Tulad noong nakaraang taon, pagsayaw ang porma ng protesta ng kababaihan sa OBR. Madalas na

nakikita bilang pang-aliw o entertainment lang ang sayaw, o kaya personal na ekspresyon.

Pero sa kasaysayan ng mundo, sa iba’t ibang kultura ng iba’t ibang sosyedad, nagsisilbing panlipunang ekspresyon ang pagsayaw. Maaaring pagpapahayag ito ng tradisyunal na pang-ekonomiyang mga gawain: Pagtanim, pag-ani, pag-aasawa, pagluluksa. Pero sa maraming pagkakataon, ekspresyon din ang sayaw ng galit, ng pagkasuklam sa

mga inhustisya, ng paghangad ng mas mabuting kinabukasan.

Sa diwang ito mailulugar ang OBR. Ayon kay Monique Wilson, tanyag na artista sa teatro at global director ng OBR, tinatarget ng kampanya na lunsaran ng protestang sayaw ang mga lugar kung saan nagaganap ang mga inhustisya laban sa kababaihan. Halimbawa nito ang mga eskuwelahan, kung saan nagaganap ang inhustisya

PHOTO COURTESY OF NEW VOICE COMPANY

Sa press conference sa St. Scholastica’s College kamakailan, inihayag ng iba’t ibang lider-kababaihan kung ano ang kahulugan ng hustisya, ang kawalan nito, at ang pangangailangang lumahok sa One Billion Rising for Justice, para sa kanila.

SR. MARY JOHN MANANZAN, OSB: May korupsiyon sa lahat ng aspekto ng gobyerno-- walang hustisyang nakakamit ang mga mamamayan. At ang iniluluwal ng korupsiyon ay kahirapan. Hustisya ang pagpawi sa korupsiyon.

NITZ GONZAGA, Kilusang Mayo Uno-Women’s Bureau: Nangunguna ang manggagawang kababaihan sa paglaban sa pang-aapi. Hinahangad namin ang makabuluhang dagdag-sahod. Nagpoprotesta kami sa pribatisasyon ng serbisyong medikal.

JOMS SALVADOR, Gabriela: Panagutin ng kababaihan ang gobyerno na dapat may responsabilidad sa pangangalaga sa kababaihan laban sa karahasan at kahirapan. Kailangang humiling ng hustisya mula sa kalamidad na rehimen ni Pangulong Aquino.

CONNIE REGALADO, Migrante: Matindi ang labor-export policy sa ilalim ni Aquino; isa itong inhustisya lalo na sa kababaihan. Ang average na nata-traffic sa labas ng bansa ay nasa 300,000-400,000. State sponsored ito dahil sa mismong polisiya ng gobyerno na labor export. Kailangan ng hustisya rito.

JOJO GUAN, Center for Women’s Resources: Mahigit isang milyong kababaihan ang walang trabaho, walang sapat na pagkain sa kanilang mga anak. Pinakabulnerable sa mga krisis ang maralitang kababaihan. Hinihiling natin ang hustisyang panlipunan para sa kanila.

KAMIL MANANGAN, Gabriela Youth: Sa Marso, isang taon na mula nang magpakamatay ni Kristel Tejada dahil sa mataas na matrikula sa state university. Humihiling tayo ng hustisya para kay Kristel at mga kabataan na pinagkakaitan ng karapatan sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

Ano ang hustisya para sa iyo?

MADZ SANTIAGO, Assoc. for the Rights of Children, SE Asia: Marami ang kaso ng trafficking sa kababaihan at bata sa Visayas na resulta ng kapabayaan ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan nila matapos ang bagyo. Dapat tumindig tayo para sa mga bata.

SUNDAN SA P. 11

TINIPON NINA PHER PASION AT P. PAMINTUAN

#riseforjustice

4 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014LATHALAIN

Malaki ang pananagutan ni Pangulong Aquino sa napakataas na singil sa kuryente: Kinakasangkapan ng dambuhalang power producers at ng Meralco ang mga ahensiya ng gobyerno para bigyang dahilan ang taas-singil at lalong pahirapan ang mga mamamayan. Ni Kenneth Roland A. Guda

Kuntsabahan sa taas-singil sa kuryenteHuli sila sa bibig. Batay

sa mismong mga pahayag ng mga

opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno at Manila Electric Co. (Meralco), walang duda ang kuntsabahan nila para itaas nang P4.15 ang singil sa kuryente.

Ito ang sabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, matapos ang mga pagdinig sa Kamara at Senado hinggil sa kuwestiyonableng taas-singil sa kuryente ng Meralco.

“Lumalabas na nag-ambag ang DOE (Department of Energy), Psalm (Power Sector Assets and Liabilities Management Corp.), NGCP (National Grid Corp. of the Philippines), Meralco at ERC (Energy Regulatory Commission) para sa pinakamataas na P4.15 taas-singil sa kuryente na ipapasa sa mga konsiyumer at magbibigay ng super-kita sa ilang (power) generation companies o Gencos,” sabi ni Colmenares.

Ang mga institusyong ito, aniya, ang dahilan kung bakit ang singil sa kuryente ng Meralco ang pinakamataas sa buong Asya. Pilipinas din ang may ikatlong pinakamataas na sinisingil na kuryente sa buong mundo.

Kutsabahan, buking sa hearingsSinabi ni Colmenares na

patunay ng kuntsabahan ang sagutan nina Emmanuel Ledesma Jr., presidente ng Pslam, at Rey

Espinosa, general counsel ng Meralco, sa Senado noong nakaraang buwan.

Sa naturang pagdinig sa Senado, ipinaliwanag ni Espinosa na sadyang pinakiusapan ng Meralco ang power producer nito na Thermal Mobile Inc. na mag-bid sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa napakataas na halagang P62/kWh noong nangailangan ng kuryente ang Meralco matapos magsagawa ng shutdown ang Malampaya Natural Gas Plant dahil sa maintenance noong Nobyembre at Disyembre 2013.

Sabi ng Meralco, “nagkamali” lang umano sila sa paghimok sa Thermal

Mobile na mag-bid nang mataas.Inamin naman ni Ledesma na

mayroong planta ng kuryente ito, ang Malaya, na hindi ginamit noong nagkukulang ng kuryente ang bansa. Hindi ito nakakonekta sa power grids ng bansa. Ayon kay Ledesma, inutusan daw sila ng Department of Finance na magtipid na lang dahil ibebenta naman umano ang plantang ito sa pribadong sektor.

Paliwanag ni Colmenares, patunay ang mga pahayag na ito na nagkukuntasabahan sila para manipulahin ang presyo ng kuryente sa mga panahong gusto nila.

Epira, pahirap sa konsiyumerAng WESM ay mekanismo

sa Republic Act 9136 o Electric Power Industry Reform Act of 2001 (Epira) para raw masiguro ang pinakamababang presyo ng kuryente. Pero kabaliktaran ang nangyayari ngayon.

Sa Epira, sa mga panahong kulang ang suplay ng kuryente (tulad nang mag-shutdown ang Malampaya noong Nobyembre at Disyembre 2013), kailangang mag-bid at magbenta ang lahat ng power producers sa WESM sa mga power distributor tulad ng Meralco. Ito ang tinatawag na “Must-Offer Rule” sa Epira. Ang pinakamataas na bid sa nakumpletong suplay na ito ang magtatakda ng presyo na babayaran ng power distributors tulad ng Meralco.

Ayon kay Colmenares, may average na P6 hanggang P8/kWh ang normal na presyo sa WESM. Halos 10 beses na mas mataas ang bid ng Thermal Mobile na P62/

KALIWA: MACKY MACASPAC; KANAN: KR GUDA

5PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014 LATHALAIN

kWh na naging presyo ng suplay ng kuryente noon. Nais ngayong ipasa ng Meralco sa mga konsiyumer ang labis na mahal na suplay na ito ng kuryente sa pamamagitan ng P4.15/kWh.

“Lahat sila (mga kompanya at ahensiya ng kuryente), may papel sa pag-set-up ng merkado na nagresulta sa pinakamataas na taas-singil sa kuryente. Ang pagtuturuan nila sa Senado ang pinakamalakas na ebidensiya ngayon, lalo na ang sagutan at sisihan sa pagitan ng Psalm at Meralco. Habang mas marami ang ebidensiya na pumapasok, dapat na mas marami ang mananagot sa iskemang ito para itaas ang singil sa kuryente,” paliwanag ni Colmenares.

Patuloy na protestaHabang dinidinig ng Korte Suprema ang

petisyong idekalara na ilegal ang P4.15 taas-singil sa kuryente ng Meralco, nagbabanta naman ang Meralco na magkakaroon ng blackouts sa Kamaynilaan kung hindi mapagbibigyan ang nasabing taas-singil.

Sabi ni Colmenares, mistulang pag-hostage ito sa mga mamamayang konsiyumer. “Kung igigiit nito ang (nasabing) course of action at malinaw na walang kakulangan sa suplay ng kuryente at gusto lang nilang kumita, puwedeng i-takeover ng gobyerno ang Meralco batay sa Artikulo XII Seksiyon 6 ng Saligang Batas,” aniya.

Ayon sa naturang probisyon, may kapangyarihan ang gobyerno na makialam sa pagpapatakbo ng mga korporasyon para pangalagaan ang interes ng publiko.

Pero malinaw sa mga pahayag ni Pangulong Aquino na pinangangalagaan pa rin niya ang interes ng Meralco at power producers para manatiling pagkakitaan ng mga ito ang industriya ng kuryente. Samantalang sa salita niya, kinokondena niya ang paggiit ng Meralco sa taas-singil, hindi siya gumagawa ng mapagpasyang hakbang para puwersahin ang mga ito na igalang ang interes ng publiko.

Patuloy na kibit-balikat din si Aquino sa mga panawagang ibasura na ang Epira--ang legal na batayan ng lahat ng problema sa industriya ng kuryente, lalo na ang napakataas na singil.

“Dapat ibasura na ang polisiyang awtomatikong pagpasa (ng singil sa konsiyumer). Hindi dapat hayaan ang power generators at distributors na makalusot sa abuso sa merkado at pagkamal ng malaking kita. Dapat ding ibasura ang Epira,” ani Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan.

Para sa Bayan at iba pang progresibong grupo, malinaw na pinoprotektahan ni Aquino ang ganid na mga kompanyang tulad ng Meralco at mga kompanya ng kuryente. Lumalabas, isa siya sa pangunahing mga dahilan ng patuloy na paghihirap ng mga mamamayan. PW

Pagmamahal ang sasalubungin ng kabataan sa buwan ng Pebrero–pagmamahal ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan.

Mistulang binibigyang laya ng gobyerno ang pagtaas ng matrikula sa mga eskuwela. Sa Section 6.2 ng Memorandum Order No. 3-2012 ng Commission on Higher Education (CHED), binibigyan ng ahensiya ang mga pamantasan ng hanggang Pebrero 28 para makumpleto ang mga konsultasyon sa mag-aaral sa kanilang panukalang pagtataas ng matrikula.

Sa pag-aaral ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), alyansa ng mga konseho ng mag-aaral, halos sa lahat ng pagkakataon ay di nagiging demokratiko at mistulang pakitang-tao lang umano ang mga konsultasyon.

Kaya naman nangangamba ang NUSP na maulit ang pagtataas ng 350 pamantasan na nagtaas na ng matrikula noong nakaraang academic year.

Inaasahang pagtaas ng matrikulaDahil CHED Memo No. 3 rin ang sinusunod ng

mga pamantasan noong 2013, di-malayo na maulit ang pagtataas ng 350 pamantasan ng kanilang matrikula.

“Katangian ng pribadong mga pamantasan na gawing kalakal o pagkakitaan ang edukasyon. Ngayong Pebrero, nariyan na naman ang ‘bogus’ na mga konsultasyon. Taun-taon, inutil ang CHED na pagilan ang mga pagtataas na ito. Mas parang nagiging tagapagsalita pa ito ng private schools,” ani Sarah Elago, tagapangulo ng NUSP.

Napag-alaman ng NUSP na tinatayang mula 3.5 porsiyento hanggang 15 porsiyento ang mga panukalang pagtaas ng matrikula sa susunod na pasukan. Nasa 10 porsiyento lamang ang pinahihintulutan ng CHED Memo. No. 3.

“Nagpo-propose sila ng 15 percent increase para pagdating ng consultation, kahit maging 10 percent na lang ito (mataas pa rin)—masabi lang nilang bumaba ang proposal nila,” sabi pa ni Elago.

Para kay Kabataan Rep. Terry Ridon, nasa kawalan ng sapat na guidelines at regulations pagdating sa pagtaas ng matrikula ang problema. Sa kasalukuyan, maluwag at di-epektibo ang guidelines na siyang nagkakait sa karapatan ng kabataan sa edukasyon.

Pagkaltas sa badyet Sa pampublikong mga kolehiyo at unibersidad,

matagal nang itinakda ang pagtaas ng matrikula sa pamamagitan ng mga polisiya ng Malakanyang.

Mismong si Pang. Benigno Aquino III ang nagsabi noong 2010 sa budget message niya na babawasan niya ang badyet ng state universities and colleges (SUCs) para maging self-sufficient ang mga ito, magkaroon ng income generating projects, at di na umasa ng badyet mula sa gobyerno. Ganito rin ang nakasaad sa Road Map for Pubic Higher Education (Rpher) na programa ng administrasyong Aquino para sa edukasyon.

Mistulang pagpuwersa ito sa SUCs na itaas ang kanilang mga matrikula, ayon sa NUSP.

Makakatanggap ang SUCs ng P34.6 Bilyong badyet para sa akademikong taong 2014-2015. Mas mataas ito ng P1.9-B kumpara sa taong ito. Pero nasa 79 na SUCs pa rin ang makakaltasan ng badyet. Kabilang dito ang Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao State University, Leyte Normal University, at iba pa. Kasama rin sa makakaltasan ang SUCs na nasiraan noong bagyong Yolanda.

Layon ng Rpher na bawasan ang badyet ng 110 SUCs sa bansa sang-ayon sa kanilang performance. Ibig sabihin, makakatanggap ng mas mababang badyet ang SUCs na may mababang performance.

“Kaya nga hindi nakakapag-perform nang maayos ang mga unibersidad dahil mababa ang kanilang badyet na nakukuha tapos babawasan pa nila (ng gobyerno),” paliwanag ni Elago.

Bukod pa rito, sa taong 2016, nasa 22 pangunahing SUCs sa bansa ang magpapasan ng 50 porsiyento ng kinakailangan nilang badyet na target ng Rpher. Tiyak na nangangahulugan ito ng pagtaas ng matrikula at pagtataboy sa kabataan palayo sa mga pamantasan, ayon sa Kabataan.

“Laging nasa harapan ng laban ang kabataan sa pagkontra sa pagtaas ng matrikula. Sa pagkakataong ito, determinado kami na tuluyang wakasan ang ilegal na pagtataas ng matrikula sa lahat ng paraan—sa usaping legal at maging sa lansangan,” ayon kay Ridon.

Sa proseso, handa silang singilin si Aquino—na anila’y promotor ng pagnenegosyo ng edukasyon ng kabataan. PW Pher Pasion

PAGMAHAL NG EDUKASYON SA BUWAN NG PEBRERO

PHER

PAS

ION

6 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014

T inatayang 12,000 katao ang nagmartsa palibot ng Tacloban City

noong Enero 25. Mula sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas, silang mga biktima ng bagyong Yolanda ay nagpahayag na di nila tanggap ang patuloy na pagpapabaya sa kanila ng administrasyong Aquino. Naniningil sila, at humihingi ng hustisya.

Sa kabila nito, patuloy ang pagtanggi ng Malakanyang sa kanilang mga hiling. Matapos ang dambuhalang protesta sa Tacloban, minaliit pa ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ni Pangulong Aquino, ang paghihinaing ng mga biktima. Aniya: “Paraan lang ng iilan (ito) para kumbinsihin ang publiko na walang kumpiyansa ang mayorya ng mga kababayan natin sa pagresponde ng pambansang gobyerno sa kalamidad.” Ipinagmalaki ng Malakanyang ang sarbey ng Social Weather Stations na nagsabing kuntento raw ang mga biktima sa tugon ni Aquino sa kalamidad.

“Kaawa-awa naman ang administrasyong Aquino sa pagdepensa

sa pekeng sarbey matapos magsalita ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas,” maanghang na pahayag ni Efleda Bautista, executive vice chairperson ng People Surge, ang alyansa ng mga biktima ni Yolanda na nag-organisa ng nabanggit na pagtitipon.

Ani Bautista, kakatwang kumbinsido pa ang Pangulo na masaya sa gobyerno ang mga survivor ni Yolanda. Samantala, isa lang ang naganap na protesta sa napakaraming patunay na napupuno na ang mga mamamayan sa pamamalakad ni Aquino.

Makasaysayang martsa Mula sa liblib na mga lugar

hanggang sa mga komunidad sa tabing-dagat, nagtungo ang mahigit 12,000 katao sa Tacloban. Gutom, walang tirahan, at kabuhayan ang inireklamo ng mga nagsidalo sa tinaguriang pinakamalaking martsa sa Tacloban sa loob ng ilang dekada. Ipinakita nila ang galit sa kriminal na kapabayaan ng administrasyong Aquino.

Sa panayam ng Pinoy Weekly, sinabi ni Bautista na nagkakaisa ang mga biktima na hilingin sa gobyerno ang mga sumusunod: kagyat na pagbigay ng P40,000 na ayuda sa bawat pamilya ng mga biktima ng Yolanda; pagbasura sa polisiyang “No-Build Zone”; rehabilitasyon sa mahahalagang pampublikong imprastraktura tulad ng eskuwelahan at ospital; at kagyat na

pagpapanumbalik sa serbisyo-yutilidad tulad ng kuryente at tubig.

“Mula pa noong (nanalanta ang) Yolanda, walang naramdamang tulong ang mga biktima mula sa gobyerno. Ang nakikita lang dito na tulong, mga pribadong sektor at ’yung galing sa ibang bansa,” ani Bautista. Sinabi rin niya na pangunahin sa kanilang kahilingan ang pagpapanagot kay Aquino sa “kriminal na kapabayaan” niya.

Patunay ng kapabayaanIsa sa mga nagrali sa Tacloban si

Estelita Ragmac, 64, ng Bulaw, Basaey, Samar.

“Dalawang beses lang kami nakatanggap ng relief goods matapos ang bagyo,” ani Estelita. Napilitan silang umalis ng Samar noong Disyembre 18 at nanuluyan sa kanyang anak sa Metro Manila. “Walang makain at walang matirahan sa Samar kaya umalis kami. Pero bumalik din kami,” sabi niya.

Halos isang linggo pa lang silang nakakabalik ng Samar at sumama sa rali. Ani Estelita, kailangan kasing makiisa sa panawagan na mabigyang katarungan ang mga kapwa niya biktima. “Tulungan sana kami rito. Wala kaming

tanim,walang makain,” sabi niya.Paliwanag ni Nestor Lebico,

pangkalahatang kalihim ng Sagupa-Sinirangang Bisaya, napakaraming lugar sa Samar at Leyte ang hindi naaabutan ng anumang tulong.

“Bago pa ang Yolanda, naghihirap na ang mga magsasaka rito sa Leyte at Samar,” sabi ni Lebico. “Kalakhan ng mga magsasaka, hindi pag-aari ang lupang sinasaka. Kaya naman matapos ang pagsalanta ng bagyo, mas lalong

HUSTISYAANG HANGAD NILA

Libu-libo silang nagmartsa sa Tacloban noong Enero 25. Pinasusubalian nila na pabor daw ang mga mamamayang apektado ng bagyong Yolanda sa mga tugon ng gobyerno. Sa pangunguna ng People Surge, sinisingil ng mga biktima si Aquino. Di rin nila maiwasang manawagan na umalis na siya sa puwesto. Ni Macky Macaspac

SUNDAN SA P. 8

MAC

KY M

ACAS

PAC

7PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014

Mula sa tagpi-tagping kahoy, plastik, at

kapirasong pader na itinira ng bagyong Yolanda, sinusubukan ng pamilyang Grande na buuin ang kanilang tahanan sa gitna ng mga guho sa tabing-dagat ng Tacloban.

Kakaunti pa silang sinusubukan nang magtirik at mamuhay muli sa kanilang lugar. Tatlong buwan ang nakakaraan, puno ng inanod na mga bangkay ito. “Masuwerte kami at nakaligtas, at may natira pa sa aming bahay,” ani James Grande ng Brgy. 31. Maagang inilikas ni James ang kanyang mag-ina. Nakalangoy siya noong biglang lamunin ng storm surge ang kanilang barangay.

Ngayon, nakaalis na ang kanyang pamilya sa evacuation center (“Hindi maganda ang kondisyon doon,” aniya). Ang kanyang anak na nasa hayskul, pilit na nagbabasa ng libro sa labas ng bahay, sa gitna ng maingay na pagpukpok ng kahoy at yero sa paligid.

Pinoproblema ni James ang pagbabalik sa pangingisda. Nasira ang kanyang lambat at nawala ang bangka niya. Kuwento ni James, namimigay lamang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng plywood at pako sa mga mangingisdang naisalba ang kahoy sa ilalim ng bangka. “Eh nawawala ang bangka ko, so hindi ako qualified,” aniya.

Problema rin ang pagbabawal ng pagtatayo ng bahay 40 metro mula sa dagat. Ito ang polisiyang “No-Build Zone” ng gobyerno. “Sa ngayon, wala pa namang nagpapaalis sa amin. Pero kapag pinaalis kami, hindi namin alam kung saan kami pupunta,” ani James.

Noong apat na araw matapos ang bagyo, walang dumating na ano mang tulong. Napilitan ang pamilyang Grande na kumain ng patay na baboy. Ngayon, nakaasa sila sa relief goods na binibigay ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) linggu-linggo. Pero nakarinig sila ng balita na ititigil na raw ito.

Wasak na kabuhayanKapag tiningnan ang mga bayan

sa tabing-dagat ng Leyte, aakalaing ilang araw pa lamang nakalipas ang bagyo. Grabe ang pagkawasak, mula sa malalaking imprastruktura gaya ng pabrika at eskuwelahan, hanggang sa maliliit na kabahayang kulumpon na lamang ngayon ng kahoy at yero.

Sa tabi ng mga guho, nakatayo ang mga puting tolda na bigay ng mga dayuhang non-government organization (NGO). O di kaya, nakasabit ang mga asul na trapal na tanging sinisilungan ng mga nasalanta.

Walang sanga ang mga puno ng niyog. Higit sa lahat, ito ang ikinababahala ng mayorya ng populasyon na mga magsasaka. Makikita ang hile-hilerang nawasak na mga puno papasok sa bulubunduking mga barangay. Hindi man inabot ng tubig ang mga barangay na ito, winasak din ng napakalakas na hangin ang kanilang mga bahay at pananim. Pero di tulad ng mga nasa Tacloban o tabing-dagat, bihira makarating sa kanila ang anumang tulong.

Samantala, si Elsa Maan ng Brgy. Sta Isabel, MacArthur, Leyte, di-mapigil ang pagluha nang ikuwento ang hirap ng kanilang sitwasyon. “’Yung niyog lang talaga ’yung pinagkukunan namin ng income dito. Nakita niyo naman, wala na,” aniya.

Simula noong bagyo, nahinto na sa pag-aaral ang apat niyang anak. Halos wala na rin silang makain. Dalawang beses pa lamang sila nabigyan ng relief goods (hindi mula sa gobyerno, kundi sa isang dayuhang NGO).

Nagsimula nang magtanim ang asawa ni Elsa ng mais sa kapirasong lupa. Ngunit tatlo hanggang anim na buwan pa bago ito maani. Ang mga puno ng niyog naman, mas matatagalan pa bago tumubo muli—tatlo hanggang

limang taon, ayon sa mga magsasaka. Inaabangan noon ni Elsa at kanyang

mga kapitbahay ang programang cash-for-work. Inumpisahan na itong ilako ng DSWD sa kanilang munisipyo. Nasa P260 daw ang sahod kada araw ng paglilinis ng mga guho sa tabing-haywey. Kaya nagulat sila nang malaman mula sa mga miyembro ng progresibong organisasyon na nag-relief mission sa kanilang lugar na P500 kada araw ang totoong sahod sa cash-for-work.

Hagupit ng mga PPPInilalarawan ng sitwasyon nina

James at Elsa ang pagsasawalang-bahala pa rin ng gobyerno sa interes ng mga biktima, sa kawalan o kakulangan ng

relief goods (lalo na sa malalayong lugar), rehabilitasyon at rekonstruksiyon.

Ayon sa People Surge, alyansa ng mga biktima ng bagyong Yolanda, dapat asikasuhin ng gobyerno ang kagyat na rehabilitasyon ng sektor ng agrikultura. Ito umano ang magsisiguro ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, na mayorya ng mga nasalanta.

Sa P41 Bilyong badyet sa rehabilitasyon ng administrasyong Aquino, 12 porsiyento lamang ang inilaan sa agrikultura. Gayundin, siyam na porsiyento lamang ang para sa mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan. Kalakhan, o 67 porsiyento ng badyet, ay nakalaan

Pinabayaan ng gobyerno noong bagyo hanggang ngayon, tumitindi ang gutom at hirap ng mga biktima ni Yolanda. Ngayon naman, pinalalayas sila sa kanilang mga lugar dahil sa “rehabilitation projects” kuno ng pribadong sekot at ng gobyerno ni Aquino. Ni Ilang-Ilang D. Quijano

Gutom sa mga guho

SUNDAN SA P. 8

LATHALAIN

INFOGRAPHIC: DARIUS GALANG

8 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014

naging mahirap ang kalagayan nila.”Sa laki ng pinsalang inabot ng

sektor ng agrikultura, sinabi ni Lebico na walang tulong ang gobyerno para sa mga magsasaka. Hindi rin daw tugma at di-sapat ang tulong na ibinibigay ng Department of Agriculture (DA) na pamimigay ng binhi. “Mayroong ibinibigay na isang sako ng binhi ang DA, pero hindi ito ang kailangan ng mga magsasaka,” sabi ni Lebico. Problema raw kasi ang binhing ibinibigay ng DA dahil high yielding variety ito--magastos sa konsumo ng produksiyon.

“Bukod sa walang lupang sinasaka ang mga magsasaka rito, ang binhi na pinamimigay nila’y kailangan ng malaking kapital sa produksiyon para pakinabangan. Ang kailangan ng mga magsasaka, tradisyunal na mga binhi

para hindi magastos,” ani Lebico.Sang-ayon naman ang isang

nakakariwasang magsasaka at retiradong pulis sa sinabi ni Lebico na pinabayaan sila ng gobyerno. “Sa aking paniwala, hindi sapat ang tulong ng gobyerno. Marami ang nasira sa amin,” ani Gorgonio Advincula, taga-New San Agustin, Basaey, Samar. Inanod ng baha ang kanyang bahay, maging ang bahay ng kanyang anak. Nawalan din siya ng bangka at alagang mga kalabaw.

“Kawawa ang mahihirap na mga magsasaka, sa amin inaasahan ng marami ang niyog at palay,” sabi niya.

Dinemolis ng bagyo, pinalalayas ng gobyerno

Sa halip na bigyan ng tulong ang mga nasalanta, idineklara ng administrasyong Aquino na bawal

nang bumalik sila sa tabing dagat. Sabi ng People Surge, hindi

makatarungan na ipagbawal ang muling pagbabalik ng mga tao sa dati nilang mga komunidad sa tabing dagat.

“Marami ang maapektuhan sa 40 metro na ‘No-Build Zone’. Bukod sa nabiktima na mga magsasaka, kasama rin ang mga mangingisda sa maaapektuhan ng polisiyang ito,” ani Bautista.

Sinasabi ng gobyerno na hindi na umano dapat tayuan ng mga bahay ang naturang lugar dahil sa panganib ng kalamidad. Pero lumalabas sa idineklarang mga plano ni Aquino na balak niyang ipapasok sa naturang mga lugar ang pribadong mga kompanya. Para sa mga biktima, pagkakakitaan pa sila ng malalaking negosyante.

Itinuturing nilang “walang hirap

na demolisyon” ang patakarang “No-Build Zone” sa maralitang mga komunidad. Halimbawa nito ang komunidad sa Brgy. 37, Tacloban City: Karamihan sa mga maralitang nakatira sa seawall ang hindi na pinababalik kaya nanatili na lamang sila sa tabing haywey at terminal ng mga sasakyan.

“Sana, bigyan nila kami ng maayos na lugar at tirahan,” sabi ni Marco Ragrag, kargador sa tindahan ng construction materials na nasa “No-Build Zone” na ngayon.

Hindi naiwasan ng mga nagprotesta na ipanawagang bumaba na lamang sa puwesto si Pangulong Aquino kung hindi niya matutugunan ang kahilingan ng mga biktima. Patunay daw ang kapabayaan ni Aquino sa mga biktima ng bagyong Yolanda na hindi niya kayang gampanan ang tungkulin ng isang pangulo. PW

sa pabahay at pampublikong mga imprastruktura.

Pero batbat ng alegasyon ng korupisyon ang pondong ito (isang halimbawa lamang ang overpriced na mga bunkhouse). Hindi rin malinaw kung paano ito gagastusin.

Sa dokumento ng National Economic Development Authority na “Reconstruction Assistance on Yolanda”, matingkad ang papel ng pribadong sektor sa rehabilitasyon at rekonstruksiyon. Inihayag mismo ni Panfilo Lacson, itinalagang rehabilitation czar ni Aquino, na nakapokus ang kanilang gawain sa mga public-private partnership o PPP.

Hinati na ng gobyerno ang nasalantang mga lugar ayon sa malalaking negosyanteng pamilya at korporasyon (Tingnan ang infographic sa pahina 7). Sila ang mangangasiwa sa nasalantang mga lugar, gayundin sa mga serbisyong panlipunan na pabahay, edukasyon, at kalusugan.

Pinuna ito ng mga biktima. Ito umano ang ugat ng “kontra-mamamayan” na mga polisiya gaya ng “No-Build Zone.”

Nananawagan sila ng pampublikong mga konsultasyon sa rehabilitasyon. “Ang interes ng mga biktima at hindi ng malalaking negosyante ang dapat nasa

gitna ng gawaing relief, rehabiltasyon, at rekonstruksiyon,” ani Sr. Edita Eslopor, tagapangulo ng People Surge.

Panawagan din ng People Surge ang tunay na repormang agraryo na nakabatay sa pambansang industriyalisasyon, upang malunasan ang pagkabulnerable ng mahihirap sa kalamidad.

Hindi pa man ito sinasalanta ng bagyong Yolanda, kasama na ang Leyte at Samar sa pinakamahihirap na mga lugar sa bansa. Inaasahang titindi lalo ang kahirapang ito sa pagpapabaya ng administrasyong Aquino, at hagupit na dala ng demolisyon, dislokasyon, at pagsasapribado ng mga imprastruktura at serbisyong pampubliko. PW

ILAN

G-IL

ANG

QUIJ

ANO

Gutom sa mga guhoMULA PAHINA 7

Hustisya ang hangad nilaMULA PAHINA 6

MAC

KY M

ACAS

PAC

LATHALAIN

9PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014 LATHALAIN

Kuwestiyonableng paggamit ng rehimeng Aquino ng DAPIginigiit ng administrasyong Aquino na ginamit nito ang Disbursement Acceleration Program o DAP para “palaguin ang ekonomiya at tulungan ang mahihirap.” Pero pinabubulaanan ito ng mismong ulat ng DBM sa Korte Suprema: Para sa pamumulitika at korupsiyon ang DAP. Ni Renato Reyes Jr.

Iniulat kamakailan ng Manila Standard ang sinasabing P2 Bilyong proyektong daan sa Tarlac na pinondohan ng

kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). Ang sabi ng Malakanyang, wala raw masama kung maglaan ang Pangulo ng P2-B para sa public works sa sarili niyang probinsiya. Parang nakalimutan na ng Malakanyang ang panahong binatikos naman si dating pangulong Gloria Arroyo sa pagpondo niya ng maraming proyekto sa sariling probinsiya ng Pampanga.

Anu’t anuman, dapat nating suriing mabuti ang mga proyektong pinopondohan ng DAP. Ang ilang proyekto, pinapatupad dahil sa patronage politics (ang popular na katawagan, “pamumulitika” – Ed.) o bilang oportunidad para makapangurakot (o pareho). Pinasusubalian ng dokumentong isinumite ng Dept. of Budget and Management hinggil sa paggastos ng DAP ang propaganda ng gobyerno na pinasisigla ng DAP ang ekonomiya ng bansa at may positibong epekto ito sa kahirapan ng bansa.

Suriin natin ang ilang paggamit ng DAP batay sa memo ng DBM sa Pangulo noong Oktubre 2011.

Ginamit ng Dept. of Agrarian Reform ang DAP para bayaran ang mga panginoong maylupa na pinagbilhan ng lupa ng P5.432-B. Pinasisigla ba nito ang ekonomiya? Ilan sa mga panginoong maylupa na nabigyan ng kompensasyon ang mga ayado ng rehimen sa pulitika? Ginamit din ba ang DAP para bigyang kompensasyon ang mga panginoong maylupa (mismong pamilya ng Pangulo) sa Hacienda Luisita?

Nabiyayaan naman ng P1.819-B ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) mula sa DAP bilang supplementary budget para sa di-napondohang proyekto ng gobyerno sa mga kasunduang pangkapayapaan nito sa CPLA, MNLF at iba pang gastusin.

Nakatanggap naman ang Dept. of Public Works and Highways ng P5.5-B para sa “iba-ibang proyektong imprastraktura” na kadalasang nirerekomenda ng mga pulitiko. Sabi pa ng DBM, “(T)he requested amount shall provide for additional priority infrastructure projects of the DPWH which include road, bridges and flood control projects. Many of the identified projects are quick-disbursing projects below P40 million which will be implemented by the district offices nationwide.” Hindi

kailangang maging rocket scientist para malaman kung papaano nagaganap ang korupisyon sa ganitong sitwasyon.

Mayroon ding “LGU support fund” mula sa DAP na nagkakahalagang P6.5-B na pamalit daw sa mga cut sa IRA share ng mga LGU. Ang support fund ay ginawa para sa “LGU’s requiring financial assistance to implement projects under a prescribed menu”. Amoy pork ito. Pumipila ang mga LGU sa DBM at DILG para humingi ng “financial assistance”? Lumang pamumulitika na ito.

Nandiyan din ang P8.592-B na ARMM Transition and Investment Support Plan para sa “improvement of service delivery performance, creation of enabling environment for PPP towards equitable growth, improvement of public safety and security, cleansing the electoral system etc.” Sa pagsasalarawan pa lamang ng proyekto, kuwestiyunable na ito.

Sa DILG pa rin, nariyan ang P250-M na Performance Challenge Fund na para raw sa “People Powered Community Driven Development”. Isa itong pondo para sa “various capacity building activities for the poor and participatory

poverty action planning and budgeting projects in crafting local anti-poverty plans in the poorest municipalities.” Pinatutupad ang proyektong ito ng DSWD at NAPC. Pork pa rin, sa iskema ng “paglutas sa kahirapan”.

Dapat malaman ng mga residente ng North Triangle, Quezon City na P11-B ang inilaan daw mula sa DAP para sa in-city housing ng “20,000 informal settler families”, kasabay ang pagtayo ng isang medium rise building sa Camarin, Caloocan. Dapat nating malaman ang istatus ng proyektong pabahay na ito--lalo na matapos ang marahas na demolisyon sa mga residente kamakailan.

Para makita kung saan nagtatagpo ang congressional at presidential pork, makikita ang DAP na sumasaklaw sa mga proyektong PDAF, sa ilalim ng pamagat na “Various Other Local Projects”, na nagkakahalagang P6.5-B. Ginagamit daw ito para ayudahan ang mga proyektong napondohan na ng PDAF—mga proyektong batbat ng anomalya. Malinaw na bahagi ng sistema ng korupsiyon ang DAP.

Bubuti pa lalo (ang buhay nila) sa 2012.

Sa memorandum ng Pangulo noong Hunyo 25, 2012, muling hiniling ni Abad ang paggamit ng DAP para sa malalaking proyekto tulad ng “National Road Projects” sa probinsiya ng Pangulo sa Tarlac na nagkakahalagang P2-B.

Inirekomenda rin ni Abad ang paggamit ng DAP para pondohan ang maanomalyang proyekto na Tulay ng Pangulo para sa Kaunlaran na nagsimula pa noong administrasyong Arroyo. Humigit-kumulang P1.8-B ang inirekomenda para rito, at P500-M ang mula sa DAR. Itong mga tulay na dapat tumulong sa mga magsasaka ay posibleng natulad na rin sa mga tulay ng nakaraan—tulay tungo sa kawalan.

Samantala, humingi rin si Abad ng awtoridad na gamitin ang mga natipid na pondo ng iba’t ibang ahensiya para tustusan ang “kagyat” at “kritikal” na mga proyekto, tulad ng P5-B Tourism Road Infrastructure Project, at ang sinasabing “priority local projects” sa buong bansa na nagkakahalaga ng karagdagang P8.295-B.

Aabot sa P1.6-B naman ang dapat na inilaan para sa “Capability Requirements for the Operations of the Philippine Coast Guard in the West Philippine Sea”. Hindi malinaw sa memo kung papaano nakakapagpalago ng ekonomiya at nakakatulong sa mahihirap ang pagpondo ng Coast Guard sa West Philippine Sea.

Malinaw sa mga kasong ito na hindi natutupad ng mga proyekto ng DAP ang mga criteria na itinakda ng DBM. Bilyun-bilyon ang napunta sa mga proyektong imprastraktura na pinopondohan na nga ng PDAF, na lalong nakakapagduda na may korupsiyong naganap. Tigilan na ang panloloko sa taong-bayan. Ang tanging pinalago ng DAP ay ang gana ng mga opisyal ng gobyerno para sa korupsiyon.

Nakakaalarma na habang sinasabi ng Solicitor General na wala nang DAP, nandiyan pa rin ang kapangyarihan ng Pangulo na lumikha ng DAP. Nananatili ang presidential pork. Hindi pa tapos ang ating laban. PW

Pinaigsing salin ng sulatin ni Reyes sa kanyang blog: http://natoreyes.wordpress.com/2014/02/07/questionable-dap-spending-belies-economic-stimulus-claims-by-aquino-govt/

PW F

ILE

PHOT

O

10 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | PEBRERO 14, 2014BALITA

‘Huwad’ na repormang agraryo, pinawawakasan ng mga magsasaka

‘Noynoy, kalamidad sa kalusugan ng bayan’

Tinututulan ng progresibong mga magsasaka ang panukalang limang taon pang pagpapalawig

sa implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na sinimulan pa noong panahon ni dating pangulong Corazon Aquino, ina ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Anakpawis Rep. Fernando Hicap, pinatunayan ng 26-taong pag-iral ng CARP na hindi nito nasolusyunan ang deka-dekadang suliranin ng kawalan ng lupa para sa mga magsasaka.

Naniniwala si Hicap na

totoong mahalaga at agaran ang pangangailangan para sa isang bagong programa sa reporma sa lupa. Pero hindi na dapat raw pag-usapan pa ang pagpapalawig sa CARP.

Dininig ng Committee on Agrarian Reform sa House Bill 3305 na isinampa nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez na naglalayong palawigin pa ang Comprehensive Agrarian Reform Program with Reforms (Carper). Dito, sinabi ni Hicap na CARP ang pinakamahaba, pinakamagastos, at pinakamadugong

programa sa reporma sa lupa sa Pilipinas.

Carper, na programang nagbigay ng limang taong ekstensiyon sa orihinal na CARP, ang pinakamasahol na bersiyon ng CARP, ayon kay Hicap.

Sinabi pa niya na pinalakas pa ng naturang programa ang monopolyo sa lupa sa bansa at nagpalala ng pangangamkam ng lupa at pagpapalayas sa mga magsasaka.

“Dapat nang wakasan ang maka-asendero at pekeng reporma sa lupa na ito. Hindi natin kailangan ang isa pang ekstensiyon ng Carper,” ani Hicap.

Nagresulta rin umano ang CARP sa pinakamalalalang anyo ng paglabag sa karapatan ng mga magsasaka at katutubo sa kanayunan.

“Maraming dugo na ang bumuhos dahil sa pakikibaka para sa lupa. Kawalan at kakulangan ng lupa ang isa sa pangunahing krisis panlipunan sa Pilipinas,” sabi ni Hicap.

Sa halip na ekstensiyon ng CARP, dapat umanong pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang House Bill 252 o ang Genuine Agrarian Reform Bill na matagal nang nakasampa sa Kongreso. Soliman A. Santos

Hiniling ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Korte Suprema na pigilan ang Philhealth Corp.

na magtaas ng singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito ngayong taon.

Ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, dagdag-pasanin sa mga obrero ang taas-kontribusyong P750-1,000, habang nakapako naman ang sahod nila.

Di rin makaagapay ang mababang sahod nila sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo-publiko.

Sabi pa ni Labog na kasabay pa ng pagtaas ng singil sa Philhealth ang pagsasapribado sa pampublikong mga ospital.

Inaprubahan noong Disyembre

2013 ang pagsasapribado sa Philippine Orthopedic Center. Samantala, nakatakdang “imodernisa” sa ilalim ng Public-Private Partnership ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, gayundin ang iba pang ospital.

“Sinentensiyahan niya (Aquino) ng kamatayan ang maraming Pilipino dahil sa pagtaas sa bayarin at sa pagsasapribado,” sabi pa ni Labog.

Dahil dito, binansagan ng mga manggagawa na isang “Health Disaster,” o kalamidad sa kalusugan, ang panunungkulan ni Aquino.

“Ipinapakita ng Philhealth na para sa kawang-gawa ang pagtaas ng premium, samantalang malinaw na pangingikil ito sa pinaghirapang pera ng mga

Benepisyo ipinagkakait pa rin sa mga kawani ng gobyernoPatuloy ang pag-atake ng

administrasyong Aquino sa benepisyo ng mga empleyado

sa government-owned and -controlled corporations.

Kinondena ni Santi Dasmarinas, bise presidente ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), ang patuloy na pagkait ng administrasyong Aquino sa kompensasyon ng mga empleyado ng gobyerno na aniya’y produkto ng mahabang paglaban nila para sa kanilang mga karapatan.

Sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at batayang gastusin, hindi na kumakasya ang P9,000 minimum na suweldo nila na kinakaltasan pa ng mandatoryong mga kontribusyong GSIS, Philhealth at Pagibig, aniya.

Samantala, “walang konsensiya” ang pagbibigay ng malalaking bonus at allowances sa mga ehekutibo ng gobyerno at opisyal.

“(Hinahamon namin si Aquino) na habulin ang bilyong pisong pork scammers, ang mga nagwaldas sa pera ng

Malampaya, ang malalaking tax evader, at iyung nambubulsa sa badyet sa kalamidad at mga donasyon sa Yolanda at pondong rehabilitasyon,” paliwanag pa ni Dasmarinas.

Nakiisa ang Courage sa mga panawagang isauli ng mga ehekutibo ng GOCCs ang kanilang malalaking bonus, at nagsabing tila nakakaltas pa ang pambonus ng mga ehekutibo sa maliit nang suweldo ng mga kawani.

Nakiisa rin ang mga empleyado sa water districts sa buong bansa sa pagtutol sa polisiya ni Aquino at Commission on Audit na di-puwedeng paggamit ng pondong natipid ng mga ahensiya para sa benepisyo ng mga empleyado nito.

“Wala nang natira sa kakarampot na suweldo namin dahil sa disallowance. Pati mga naipanalo namin sa Collective Negotiations Agreement ay pinasasauli din. Sobra na ang ginagawang atake sa aming maliliit na kawani. Nananawagan kami sa mga kawani sa buong bansa na labanan ang disallowance at refund,” sabi ng Water System Employees’ Response o Water. KR Guda

miyembro nito,” sabi pa ni Labog. Dagdag pa ng KMU, hindi na raw

kailangang magtaas ng kontribusyon ang Philhealth kung ibinibigay lamang ng administrasyong Aquino ang abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

“Parehong walang pakialam ang Board ng Philhealth at gobyerno ni Aquino sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga manggagawa at mahihirap na mga mamamayan,” ani Labog. Macky Macaspac

PAGTATABOY SA MGA MARALITA. Sa gitna ng kalsada tumira ang mahigit 80 pamilya ng Sityo San Roque, Quezon City matapos ang marahas na pagdemolis ng lokal na gobyerno at pulisya sa kanilang mga bahay para bigyan-daan ang Quezon City Central Business District. Sa pangunguna ng Kadamay at Anakpawis, nagbarikada ang mga residente at gumamit ng matinding puwersa ang mga pulis. KR GUDA

11

Ano ang posibilidad na si Noynoy Aquino ay maharap sa isang malawak at malakas na kampanya para patalsikin

siya sa puwesto? Tulad ng mga sinundan niyang sina Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada? Tulad ni Ferdinand Marcos na sinundan ng nanay niyang pinagkukunan niya ng bango, kumbaga, sa pang-amoy ng mga tagasuporta niya, lalo na sa iyung nasa panggitnang uri? Malaki ang posibilidad, at tiyempo na lang siguro ang hinihintay para ito ay lumabas at lumantad.

Simula kampanya sa pagkapangulo hanggang sa unang tatlong taon sa puwesto, hawak ni Aquino ang suporta ng pinakamalalaki sa mga naghaharing uri sa bansa. Matapos niyang patalsikin si dating Chief Justice Renato Corona, nahawakan din niya ang buong gobyerno. Hawak din niya ang suporta ng pinakamalalaking midyang mainstream, na ginamit niya na instrumento ng panloloko. Laban sa mga maralita at kritiko, hawak din niya ang militar at pulisya na ginamit niya na instrumento ng panunupil.

Kung tutuusin, bukod-tangi ang kapangyarihang tinatamasa ni Aquino pagkatapos ni Marcos. Ang nanay niya, bagamat naupo matapos ang popular na pag-aalsa, ay maagang niyanig ng mga kudeta at protesta. Si Fidel Ramos, hindi lubos ang hawak sa gobyerno. Si

Estrada, mabilis na naharap sa kampanya ng pagpapatalsik at napatalsik nga. Si Arroyo, matapos maagang humarap sa mga pag-aalsang pinamunuan ni Estrada at ng ilang militar, ay kinamuhian at nilabanan ng napakaraming Pilipino.

Sa madaling salita, napakalaki ng kapangyarihang hawak ni Aquino, kaiba sa mga nauna sa kanya. Pero katulad ng mga nauna sa kanya, ginamit ni Aquino ang kapangyarihan hindi sa pakinabang ng nakakaraming mamamayang naghihirap, kundi para sa mga naghaharing uri, pangunahin ang sariling paksiyon niya. Ang masama pa, naging arogante siya sa pagsusulong sa interes ng mga naghaharing uri, habang mulat niyang pinabayaan ang kapakanan at kahilingan ng nakakarami sa bansa.

Sa larangan ng ekonomiya, tunay siyang tagapagmana ni Arroyo. Para siyang sipsip na estudyante ng kanyang propesor sa ekonomiks. Artipisyal ang “pag-unlad” na ipinagyayabang niya, “hindi ramdam” ng nakakarami sa bansa. Wala pa ring lupa ang mga magsasaka, at itinataboy pa sila sa lupang sinasaka. Napakarami ng walang trabaho. Marami sa mga trabaho,

kontraktuwal at barat ang sahod. Nagmamahalan

ang mga serbisyong panlipunan, na ang marami pa’y isinasapribado.

At para bang naghihintay lang ng

hudyat, naglabasan, matapos ang kalahating

termino ni Aquino sa puwesto, ang mga isyung

nagpalawak ng galit sa kanya. Ang isyu ng pork barrel, na idinisenyo niya para pagmukhaing anti-korupsiyon siya at pasamain ang mga kalaban niya sa pulitika, ay bumwelta sa kanya na Pork Barrel King. Nalantad ng pagtama ng superbagyong Yolanda ang kasinungalingan, kayabangan, kapabayaan at katarantaduhan niya sa harap ng mahigit 10,000 Pilipinong namatay.

Ngayon, lahat na lang ng singilin sa mga mamamayan, gusto niyang taasan. Sa harap ng malawak na karalitaan, hindi bumebenta ang mga paliwanag niya at ng mga kasabwat niyang malalaking kapitalista. Nahaharap siya sa protesta laban sa pagtataasan ng presyo, at napupuwersa ang midyang mainstream na ibalita. Karugtong ng isyu ng pork barrel, nalalantad ang malawak na kahirapan habang yumayaman ang iilan. Karugtong ng isyu ng Yolanda,

nalalantad ang mulat na pagpapabaya ni Aquino.

Bakit siya papatalsikin? Bakit ba pinatalsik at sinikap patalsikin ang naunang mga pangulo? Para kamtin ang katarungan sa matitinding krimen niya sa bayan, sa mismong pagtanggal sa puwesto at sa pagkakaso pagkatapos. Para matigil, kahit pansamantala, ang pamamahala at mga patakaran niyang nagpapatindi ng kahirapan at pagdurusa. Para igiit ang paghahangad natin ng mas mabuting pamahalaan at mas magandang kinabukasan. Para tipunin ang lakas ng mga mamamayan para rito.

Tiyak na maraming magsusulputang tanong tungkol sa pagpapatalsik kay Aquino. Tiyak na sasagutin ang mga ito, pero nang mulat sa iskema ng US at mga naghaharing uri laban sa pagpapatalsik, muli, ng pangulo: ang umano’y “People Power Fatigue” o pagkapagod daw nating mga mamamayan sa mga pag-aalsang Edsa. Mahalagang ulitin: Hindi ito obhetibong kalagayan, kundi kalagayang sinisikap ipataw ng mga naghahari. Gusto nilang pagurin tayo, maging pesimistiko tayo. Ang dapat igiit: Buhay ang diwa ng Edsa Uno, Edsa Dos at Anti-Gloria sa maraming mamamayan!

Sobrang pambababoy! Patalsikin si Noynoy? PW

08 Pebrero 2014

Pagmumuni sa PagpapatalsikKAPIRASONG KRITIKA

TEO S. MARASIGAN

ng seksuwal na pang-aabuso gayundin ang inhustisya ng kawalan ng akses sa edukasyon ng mahihirap na kabataan. Pinaglulunsaran din ng protestang sayaw ang mga opisina ng gobyerno, tulad halimbawa ng Kongreso, kung saan nagpapatuloy ang inhustisya ng pag-eetsa-puwera sa interes ng nakararami para itulak ang interes ng iilang mayayaman at dayuhan, at kung saan nagaganap ang korupsiyon sa porma, halimbawa ng pork barrel.

Pinaglunsaran din ang mga plantasyon, bukid, pabrika, lugar ng pagmimina kung saan nagaganap ang pagsasamantala sa mga magsasaka at manggagawa--marami sa kanila’y kababaihan. Siyempre, nariyan din ang mismong sentro ng kapangyarihang pampulitika sa bansa, ang Malakanyang, kung saan naipagpapatuloy ang

mapang-aping sistema na bumibiktima sa mga mamamayan.

Ngayong Pebrero 14, sa pangunguna ng Gabriela, Gabriela Women’s Party at New Voice Company, muling gaganapin ang protesta-sayaw: sa Mendiola (malapit sa Malakanyang) sa umaga, sa tapat ng National Housing Authority patungong Unibersidad ng Pilipinas-Diliman sa hapon. Inaasahan ang pagdalo ng libu-libong kababaihan at kalalakihan.

Inaasahang sa personal at pampulitikang ekspresyong ito, dadami ang mamumulat sa reyalidad ng karahasan sa kababaihan, at sa katotohanang samu’t sari ang klase ng pandarahas sa kababaihan at kailangang magkaisa—babae at lalaki—sa paglaban sa mapang-aping sistema at mga institusyong nagtataguyod nito. PW

One Billion Rising for Justice MULA SA

PAHINA 3

ELMA PEDRANO ng Roxas City: Mahirap mapuntahan ang evacuation center. Masyadong magulo....May sakit ng pneumonia ang apo ko noong bagyo, nag-alala ako na abutin ng bagyo yung ospital...Sa isang gasolinahan kami nagtago noong bagyo. Nasaan ang gobyerno noon at ngayon?

PHOT

O CO

URTE

SY: M

ONIQ

UE W

ILSO

N

OPINYON

Teleserye ng kuryente,Nag-iinarteng pagkalugiSerbisyong tinimplahan ng kita

Lason ng korporasyong kontrabida.

Teleserye ng kuryente,Loveteam na super-landiKilig ng pribado’t gobyernong nilulubosKissing scene sa limpak-limpak na bonus.

Teleserye ng kuryenteKung ipagpipilitan niyo, sigeKapag bayan ang nag-aklas sa pagkabanasDahil wala nang naaabangang palabas:

Susunod na eksena ng inyong dramaAy disconnection notice ng masa

Sa ilusyon ng balita’t patalastas ng ginhawaAt gameshow na prinomo sa dilaw na dila.

Kaya’t teleserye ng kuryenteKung magmamatigas kayo, sigeTaumbayan ang mismong magtatatag‘Di-naaapulang industriya ng liwanag.

At ending ng naghaharing drama‘Di lang basta bantaKundi malawakang blackout ng bulok na sistemaSa pagtuldok sa makasaysayang teleseryeAt pagsilang sa lipunang ‘di lang kuryente,‘Di lang kuryenteAng tiyak na palagiang libre!

Teleserye ng kuryenteDALAWANG TULA

ILANG PATALASTAS MULA SA PIXEL OFFENSIVE

ni Rogene Gonzales

*

Dilaw, dilaw na dilimdilaw ang kulay ng dilimdilim na bumubulag sa kamalayan nating madla

madlang pinaniniwala sa kawanggawa ng dilawna pumapanglaw sa bawat ilaw ng telebisyonbumabatingaw ang kanyang tinig sa radyo’tkumakaluskos ang kanyang mga kuko sa bawat diyaryona sa tuwing nagbabaga ang mga balita ay nariyannangingilaw ang ngiti ng dilim, sinisilaw ang ating paninginhanggang mamugto ang mga mataat dumausdos ang ating mga luhasa pisngi handa itong punasan ng dilim,ipunin upang ang pinigang puting telaay pandilig sa mga bitak-bitak na lupa,at pampawi sa uhaw ng lahat ng makina.

**Dilaw, dilaw na dilimdilaw ang kulay ng dilimdilim na gigiba sa ating mga tahananupang manirahan tayo sa bakuran ng kanyang basurahan,dilim na mag-uutos na tayo’y magdildil ng asinat sumimot ng mga mumo sa pinagkainan niyang mga plato;

Dilim na magpapamangha sa madidilaw niyang singsinghabang unti-unting pinuputol ang ating mga daliri,dilim na lilibang sa liwanag ng mga bayanihanggang ang mga bayani ay ala-ala na lamang ng salapiat ang mga duguang bala ay manatiling nakabaon sa libingan.

***Dilaw, dilaw na dilim -dilaw ang kulay ng dilim -dilim na tatanglaw sa bawat nawawalang landas -landas tungo sa matuwid na daan -daan ng matuwid na transaksyon sa banyagang dila, -dila na bukambibig sa daan tungo sa matuwid na kombersyon ng kanyang hasiyenda, hasiyenda at marami pang hasiyenda

atdaantungosamatuwid nadaan -----------------------------------------------ng kanyang angkan.

Dilaw na dilim

FACE

BOOK

MEM

E NI

JER

RY O

CAM

PO