2012 vides pinoy calendar

26
ONE FOR OTHERS 2012 CALENDAR

Upload: srjojofma

Post on 20-May-2015

818 views

Category:

Education


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

ONE FOR OTHERS

2012 CALENDAR

Page 2: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

“Busina Mo, Dunong Ko” Mobile Education Project

Page 3: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Busina Mo, Dunong Ko Mobile Education Project

Ang Busina Mo, Dunong Ko o BMDK ay isang programang pang-edukasyon para sa mga batang nasa lansangan, mahihirap at kapos sa lahat ng mga bagay simula sa kanilang pagkabata. Ito ay nagbibigay ng karagdagang edukasyon sa mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralan at gayundin sa mga hindi nag-aaral na mga bata at kabataan. Sa tulong ng mga VIDES Volunteers, nabibigyan ang mga bata ng katesismo, values education, tutorials, pagkain, libro, laruan, libangan at mga gawaing pangkultura. Nagsasagawa rin ang mga volunteers ng pagtataguyod ng mga karapatan ng bata. Ganundin, may mga pang-edukasyong laro at pagpapakita ng mga video at pelikulang pang-edukasyon at pambata. Mayroon ring BMDK mobile library na maaaring hiraman ng mga bata ng libro. Sa BMDK, maging ang mga magulang ay nabibigyan ng seminar ukol sa tamang paghubog at pagpapalaki ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng paggamit ng positibong pagdidisiplina. Tinuturuan rin ang mga nanay ng mga livelihood projects upang magkaroon sila ng sariling negosyo at makagawa ng mga bagay na maaari nilang pagkakitaan. Paano kayo makakatulong: 1. Maaari kayong magbigay ng libro, mga gamit sa pag-aaral, pagkain at inumin, laruan, school and art supplies at iba pang donasyon 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging mga “Ate at Kuya”. Magbahagi ng mga kaalaman sa mga bata at maging magandang halimbawa at inspirasyon sa mga bata. Ang BMDK ay isinasagawa sa mga sumusunod na lugar: a. Cabrera St., Pasay City b. Bgy. 286, Delpan, Binondo c. Recto, Manila d. NIA Road, Quezon City e. San Roque, Quezon City f. South Triangle, Quezon City g. Sacred Heart Parish, Sta.Mesa, Manila h. Don Bosco School Manila -Bgy. 602—ALS

NOTES

Page 4: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

“Baboy Mo, Buhay Ko” - Rural Livelihood Project

Page 5: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Baboy Mo, Buhay Ko – Rural Livelihood Project

Ang baboy pangkabuhayan ay nagbibigay ng isang alternatibong kabuhayan at pagkakataon para sa komunidad na magkaroon ng maunlad at produktibong pamumuhay. Ang biik ay ibinibigay sa isang pamilya na makikinabang batay sa pamantayan ng mga Daughters of Mary Help of Christians (FMA). Ang mga makikinabang ay may pananagutan sa pangangalaga ng kalusugan at pagdami ng mga biik. Upang matiyak ang pagpapanatili ng programa, ang konsepto ng pagtutulungan sa komunidad ay kasama sa layunin ng programa. Kapag ang baboy na ibinigay ng VIDES sa isang pamilya ay nanganak o may kinita sa pinagbilhan, isang biik ang ipapasa sa kasunod na pamilya ng komunidad. Dito maipapakita ang pagtutulungan ng komunidad para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan. Paano kayo makakatulong: 1. Magbigay ng isang biik o ng halagang katumbas nito (Php2,000) at pumili ng isa sa mga lugar na kung saan nailunsad na ng VIDES Philippines ang programa, katulong ang mga FMA: a) Negros Occidental b) Oriental Mindoro c) Canlubang, Laguna d) Minglanilla, Cebu e) Mabalacat, Pampanga (Aetas) 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging bahagi ng komite na magsasagawa ng mga pagbisita sa mga baboy at paggawa ng ulat. ——————————————————————————————— Maari kayong magpadala ng inyong donasyon sa: VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc. Metrobank Account No. 3306-24619-5 Metrobank V. Mapa Branch Sta. Mesa, Manila

NOTES

Page 6: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

VIDES Alternative Learning System (ALS)

Page 7: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

VIDES Alternative Learning System (ALS) para sa Out-of-School Youth (OSY) ng Busina Mo, Dunong Ko Mobile Education (BMDK) Project Unang inilunsad ng VIDES Busina Mo, Dunong Ko ang Alternative Learning System (ALS) project sa sampung mga out-of-school youth ng Pasay noong Oktubre 2010. Nang binuksan din ng VIDES ang ALS para sa Delpan, ipinasok na nila ang lahat ng 38 na OSY sa Don Bosco School - “Reach-Ed ALS Program” sa Bgy 602, na isang accredited DepEd ALS institution. Matapos ang dibdibang paghahanda, pitong (7) bata mula sa Pasay at apat (4) na bata mula sa Delpan ang kumuha ng DepEd ALS Exams noong Oktubre 2011. Sinimulan naman noong Nobyembre 2011 ang pagpasok ng 14 OSY galing sa South Triangle, Quezon City. Sa kanilang pag-pasa sa mga DepEd ALS exams, ang mga bata ay maaaring bigyan ng diploma sa elementarya o sekondarya, batay sa kanilang kinuhang pagsusulit. Karamihan sa mga ALS learners ay mga batang nasa panganib, nagtatrabaho sa murang edad na 12-16, o mga “Children In Conflict with the Law” (CICL) na hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-aral dahil sa kapabayaan, pang-aabuso, malnutrisyon, at kahirapan. Upang tulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, ang VIDES ang nagbibigay ng mga pagkain, uniporme, bag, mga gamit sa paaralan at transportasyon, para sa mga OSY na ALS learners na ngayon. Paano kayo makakatulong: 1. Tulungan ang VIDES magpadala ng isang bata sa ALS program * Php 700 - para sa isang buwang pagkain at transportasyon. * o kaya ay magbigay ng school supplies, bag, uniporme 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maki-isa sa programa ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata

NOTES

Page 8: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Quarterly Medical Mission

Page 9: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Medical Mission at Pagsugpo sa Tuberculosis Ang VIDES Philippines ay nagsusulong ng pag-unlad ng mga kababaihan at mga bata. Isang aspeto na nangangailangan ng espesyal na pansin ay ang kalinisan at kalusugan, na kung saan ang VIDES ay tumutugon sa pamamagitan ng mga medical mission. Simula 2009, pinalawak ng VIDES Philippines ang kanyang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng minsan sa tatlong buwan na medical mission sa mga lunsod, bayan o probinsiya. Kasama rin sa programa ng VIDES ang pagsugpo sa sakit na tuberkulosis (TB) sa Bgy. 601, Bgy. 602 at Bgy. 286. Sa tulong ng mga Volunteers, marami na ang mga pasyenteng naidulog sa mga health centers ng Department of Health. Nagsasagawa rin ang mga Volunteers ng TB classes upang maiparating sa karamihan ang nararapat na impormasyon ukol sa sakit na ito. Paano kayo makakatulong: 1. Magbigay ng mga gamot at medical supplies. 2. Mag-Volunteer. Sumali at magbahagi ng oras at mag-imbita ng mga doktor at mga nurses

NOTES

Page 10: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Annual Mission Camp

Page 11: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Annual Mission Camp Ang Mission Camp ay isang taunang “outreach project” o pagbibigay ng serbisyo sa mga kapatid natin sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas kung saan matatagpuang naglilingkod ang mga Daughters of Mary Help of Christians (FMA). Ang mga lugar na ito ay: Negros Occidental; Minglanilla, Cebu; Puerto Princesa, Palawan; Calapan, Oriental Mindoro; Canlubang, Laguna; at Mabalacat, Pampanga. Ito ay isang pagkakataon para sa mga VIDES volunteers na makapagbigay ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pakiki-isa sa mga gawain ng VIDES tulad ng: pagtataguyod sa mga karapatan ng bata; libreng medikal na konsultasyon at gamot; libreng pagpapagupit; pagtuturo ukol sa mga gawaing pangkabuhayan; pagpapakain at pagbibigay ng pangunahing mga pangangailangan gaya ng bigas, delata, damit, gamit sa banyo at paaralan. Ang mission camp ay nagbibigay daan at lugar para sa paghubog ng mga VIDES Volunteers. Ito ay hindi lamang para sa mga VIDES Pinoy Volunteers kundi para rin sa mga VIDES Volunteers mula sa ibang bansa na kung saan mayroong grupo ng mga VIDES Volunteers na itinatag ang mga Daughters of Mary Help of Christians. Paano kayo makakatulong: 1. Maging ang isang donor. Maaaring magbigay o maghandog ng donasyon 2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at ibahagi ang iyong sarili para sa mga batang salat sa lahat ng bagay.

NOTES

Page 12: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Scholarships / Educational Assistance Project

Page 13: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Scholarships / Educational Assistance Project Ang Scholarship ay isang programang pang-edukasyon ng VIDES na naipapalaganap sa mga batang kasapi ng BMDK sa Delpan, Pasay, Recto, South Triangle, San Roque, Sta. Mesa, at NIA Road. Ang pondo ay nagbibigay ng tulong sa bahagyang pagtugon sa mga pangangailangan sa edukasyon ng mga batang nasa ilalim ng programa. Nasa prinsipyo ng VIDES na ang edukasyon ng mga bata ay ang pangunahing responsibilidad ng mga magulang at ng bansa, kung kaya’t ang suporta ng VIDES ay karagdagang tulong lamang para sa pamasahe at baon ng mga bata. Paano kayo makakatulong: Sumuporta sa pag-aaral ng isang bata sa pamamagitan ng pamasahe at baon. Maaari kayong magbigay ng anumang halaga na maluwag sainyong kalooban sa: VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc. Metrobank Account No. 3306-24619-5 Metrobank V. Mapa Branch Sta. Mesa, Manila

NOTES

Page 14: 2012 VIDES PINOY CALENDAR
Page 15: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

“Makina Mo, Kabuhayan Ko” Urban Livelihood Project Inilunsad ng VIDES Philippines ang programang “Makina Mo, Kabuhayan Ko” bilang pagtugon sa mga suliraning pang-kabuhayan ng mga pamilyang naninirahan sa lungsod. Sa ilalim nito, ang bawat Nanay na kasapi ay binibigyan muna ng pagsasanay sa pananahi at pagkatapos ay pinagkakalooban ng sariling makina na kanyang huhulugan. Ang nalikom na bayad ay gagamitin sa muling pagbili ng mga bagong makina para sa mga susunod na tatanggap. May mga ilang Nanay naman na bumuo ng isang grupo sa ilalim ng pangangasiwa ng VIDES upang magsanay at manahi ng mga damit sa pamamagitan ng paggamit ng mga high-speed sewing machines. Layunin nila ang magkaroon ng isang mas matatag at malagong kabuhayan. Paano kayo makakatulong: 1. Magturo ng pananahi sa mga nanay 2. Ibahagi ang inyong kaalaman sa paggawa ng mga

disenyo 3. Maghanap ng mga interesadong magpapatahi ng

mga damit, uniform, costume, t-shirts, at iba pa 4. Tumulong magbenta ng mga tinahi ng mga nanay 5. Magbigay ng makina sa mga nanay

NOTES

Page 16: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

“Pera Mo, Kabuhayan Ko” - Micro Credit Project

Page 17: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

“PERA MO, KABUHAYAN KO” - Micro Credit Project Ang “Pera Mo, Kabuhayan Ko” ay ang pagpapahiram ng VIDES ng puhunan sa mga Nanay na may kapasidad na maghanap-buhay ngunit walang kakayahang mamuhunan. Maliit lamang ang kanilang kailangan at hindi naman nila kayang manghiram sa mga bangko. Sa programang ito, 5% lamang ang interes na kanilang binabayaran at ang bawat kasapi ay insured pa. Ang mga maaaring sumali sa proyektong ito ay ang mga nanay na kabilang sa oratoryo ng mga Daughters of Mary Help of Christians at ng BMDK. Marami na sa kanila ang nakapagsimula at nakapagpapatuloy na ng kanilang maliliit na mga negosyo para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Karamihan sa mga nanay ay nagtitinda ng pagkain, basahan, barbeque, balut, mais, prutas, laruan, at mga damit. Paano kayo makakatulong: 1. Ibahagi ang inyong kaalaman sa pag-gawa ng mga

bagay na maaaring pagkakitaan. 2. Bumili ng mga paninda ng mga nanay

NOTES

Page 18: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Solidarity / Being “One for Others”

Page 19: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Solidarity / Being “One for Others”

Ito ay ang pagkaka-isa at pagsasama-sama ng mga VIDES Volunteers upang makatugon sa mga pangangailangan ng mga tao, lalung-lalo na sa panahon ng sakuna at kagipitan. Ang VIDES Philippines, sa abot ng kanyang makakaya at sa tulong ng maraming taong may mabubuting loob, ay nagsasagawa ng tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng bagyo, sunog at baha. Sa pagbibigay ng sarili at pagbabahagi ng kanilang munting tulong sa mga kapatid nating naging biktima ng anumang uri ng kalamidad, naisasabuhay ng mga VIDES Volunteers ang kanilang pagiging “One for Others”. Ito ay nagmumula sa isang maliit na tulong na lumalaki kapag pinagsama-sama. Ito ang pagiging isa at ang pagkakaisa ng VIDES Volunteers sa lahat ng oras: lalo na sa oras ng pangangailangan. Ang VIDES Philippines ay tumatanggap ng mga damit, sapatos, pagkain at mga pangunahing bilihin para sa mga kapatid nating nasalanta ng kalamidad.

NOTES

Page 20: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Advocacy on Children’s Rights

Page 21: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Advocacy on Children’s Rights

Bawat bata ay may karapatang mabigyan ng proteksiyon at pangangalaga ng kanilang pamilya, komunidad at ng lipunan. Ang UN Convention on the Rights of the Child (UN CRC) ay nagsasaad ng mga karapatan ng bata sa pagkain, tahanan, edukasyon, proteksiyon, pakikilahok, kalusugan at mga batas na angkop para sa edad at pag-unlad ng bata. Ang VIDES Philippines ay isang organisasyon na nangangalaga sa mga bata at sa kanilang mga karapatan. Nagbibigay ito ng impormasyon ukol sa UN CRC sa mga batang kasapi ng BMDK upang maiwasan ang mga pang-aabuso sa kanilang mga karapatan at malaman nila kung paano nila ito maipaglalaban. Ipina-uunawa din sa mga bata na ang bawat karapatan nila ay may kaakibat na responsabilidad at pag-galang sa karapatan ng ibang tao. Kasama ng VIDES Philippines sa pagtataguyod ng mga karapatan ng bata ang Council for the Welfare of Children (CWC), Child Rights Network (CRN) at ang Philippine NGO Coalition on the UN CRC.

NOTES

Page 22: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

“Kambing Mo, Kabuhayan Ko”

Page 23: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

“Kambing Mo,Kabuhayan Ko”

Unang inilunsad ng VIDES Philippines sa Canlubang, Laguna ang proyektong “Kambing Mo, Kabuhayan Ko”. Malawak na damuhan ang kailangan upang mapangalagaan ang mga kambing. Ang bawat pamilyang napili ng Daughters of Mary Help of Christians (FMA) na tatanggap ng kambing ay may responsabilidad na ibalik ang isang guya nito o ang katumbas na halaga upang maigawad naman sa susunod na tatanggap na pamilya. Layunin ng VIDES na ang proyektong ito ay maging laganap sa komunidad kung saan ito ay inilunsad. Ang “Kambing Mo, Kabuhayan Ko” ay matatagpuan sa mga lugar na ito: Canlubang, Laguna; Minglanilla, Cebu; Macarascas, Puerto Princesa, Palawan; at sa mga Aetas ng Sitio Monicayo, Mabalacat, Pampanga. Paano kayo makakatulong: 1. Magbigay ng kambing para sa mga napiling

pamilya 2. Magbigay ng katumbas na halaga ng isang

kambing

NOTES

Page 24: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

Boluntarismo (Volunteerism)

Page 25: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

BOLUNTARISMO (VOLUNTEERISM) Ang pagbibigay ng sarili, oras at pagbabahagi ng talento ay isang karanasan na nagdududulot ng lubos at malalim na kaligayahan na nanggagaling sa puso at nagiging resulta ng positibong pag-uugali ng isang taong nagpapasalamat sa Diyos. Ang pagiging isang VIDES Volunteer ay isang bokasyon at isang hamon sa iyong sarili upang gumawa ng isang pagbabago. Ang VIDES Philippines ay isang boluntaryong organisasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga institusyon, negosyo, kabataan, propesyonal at sa mga estudyanteng may pusong magbahagi ng kanilang sarili. Ito rin ay binubuo ng mga indibidwal na may kani-kaniyang talento na siyang nagpapatingkad ng kulay kapag ito ay pinagsama-sama. Makikita sa grupo ang pagkakaroon ng respeto at pagpapahalaga sa mga kakayahan ng bawat volunteer. Isa sa pinakamagandang halimbawa na ginagawa ng volunteers ng pagpapakita ng pagmamahal ay ang taunang Christmas Party kasama ng mga batang Aetas at ng kanilang pamilya. Isang pangako ng volunteers na sa halip na magkaroon ng palitan ng regalo at mag-Christmas party sila ay ipunin na lang ang mga regalo upang ibahagi sa mga batang Aetas. Nagustuhan ito ng mga volunteers sapagkat ang kasiyahan ng pagbibigay at pagbabahagi ng simpleng regalo ay higit sa lahat ang pagkakaroon ng panahon na makasama ang ating mga kapatid na katutubo. Ito ay naging palagiang gawain na tuwing unang Linggo ng Disyembre, malapit sa December 5, na siyang itinakdang International Volunteer Day ng United Nations.

NOTES

Page 26: 2012 VIDES PINOY CALENDAR

VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.

Of the Daughters of Mary Help of Christians (Volunteers International for Development, Education and Solidarity)

3500 V. Mapa Extension , Sta. Mesa Manila 1016 PHILIPPINES Tel. No.: (02) 703-5606; Telefax: (02) 715-6740

Email: [email protected] Website: http://videsphil.multiply.com