phist notes 3.doc
DESCRIPTION
Nasyonalismong PilipinoTRANSCRIPT
Pag-usbong ng Nasyonalismong PilipinoPag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino
Nasyonalismo• damdaming kaugnay ng hangaring maging malaya mula sa dayuhang bansa• paniniwalang higit na may malaking pakinabang na matatamasa kapag malaya ang isang bansa• kilusang kumikilala sa bansa bilang pinakamahalagang puwersa sa pagbubuo ng mga hangaring panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika• batay sa damdamin ng pagkakaisa ng pangkat ng taong karaniwang may iisang pinagmulan, wika at paniniwala• pagmamalasakit sa bayan
Iba’t ibang pagpapakahulugan ng nasyonalismo sa ating kasaysayan
• nasyonalismo = karangalan / dangal
– 1774 – 1872
– 1872 – 1892
– 1892 – 1946
– 1946 – 1972
– 1972 - kasalukuyan
1774 - 1872
• Dangal sa pamamagitan ng pagkakapantay-pantay ng kaparian
– sekularisasyon
– pinamunuan nina Padre Pedro Pelaez, GOMBURZA (Burgos, Gomez, Zamora)
1872 – 1892
• Dangal sa pamamagitan ng pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol
– repormistang pananaw
– pinamunuan nina Rizal, Jaena, del Pilar
1892 – 1946
• Dangal sa pamamagitan ng kalayaan
– himagsikan laban sa mga Espanyol, pakikibaka laban sa iba pang mananakop (Amerikano at Hapones)
– pinamunuan nina Bonifacio at iba pang rebolusyonaryo
1946 – 1972
• Dangal sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng kabuhayan
– bunga ng kahirapang dulot ng pagkasalanta ng bansa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
– pinamunuan ng mga pangulo na nagpatupad ng iba’t ibang programang pangkabuhayan
1972 - kasalukuyan
• Dangal sa pamamagitan ng katarungang panlipunan
– higit na makatarungang pagbabahagi ng yaman ng bansa
– programang agraryo, kawanggawa, pagpapahalaga sa karapatang pantao
– 2 uri : liberal, sosyalista
Liberal Sosyalista
• pinuno Cory Aquino, mga pulitiko
• kulay dilaw
• simbolo “L”
• lugar EDSA
• awit “Magkaisa”
• pinuno mga aktibista, mga militanteng pangkat
• kulay pula
• simbolo “kamao”
• lugar Mendiola
• awit “Bayan Ko”
Mga Salik sa Pagkamit ng Nasyonalismo
• pagpasok ng kaisipang liberal sa Pilipinas
• pagbubukas ng Kanal Suez
• pag-angat ng panggitnang uri
1
• liberal na pamumuno ni Gob. Hen.Carlos Maria dela Torre
• pag-aalsa sa Cavite
• pagbitay sa 3 pari
• patuloy na pang-aabuso at diskriminasyon
Rebolusyong Pranses (1789) at Himagsikang Pilipino (1898)
• Bourbon Philippines (1700-1898)
– kapwa mula sa dinastiyang Bourbon ang namuno sa Espanya at Pransya
• Rebolusyong Pranses (1789)
– liberte, egalite, fraternite
• Konstitusyong Cadiz (1812) – nabuo nang pansamantalang natanggal sa pamumuno si Haring Fernando VII – nagbigay ng karapatang pantao at karapatang pangmamamayan sa lahat ng nasasakupan ng Espanya, kabilang ang Pilipinas– nilagdaan ni Ventura delos Reyes bilang kinatawan ng Pilipinas– di nagtagal dahil nakabalik ang monarkiya– dahilang upang mag-alsa si Simon Tomas (Ilocos)• paglabas ng sanaysay na El Indio Agraviado (1821)• kalayaan ng Mexico (1821)– dahilan ng paghihigpit sa mga creoles sa Pilipinas– pag-aalsa ni Andres Novales (1823)• pag-aalsa ng Tayabas Regiment sa pamumuno ni Ireneo Samaniego (1843)– ginamit sa kauna-unahang pagkakataon ang salitang kalayaan bilang panawagan sa pakikipaglaban– ayon sa ulat ng konsul ng Pransya sa Pilipinas
Pagpasok ng Kaisipang Liberal sa Pilipinas • kasabay ng pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan noong 1834, dumagsa ang kaisipang liberal mula Europa• mga aklat at pahayagang naglalarawan ng mga ideolohiya ng rebolusyong Amerikano at Pranses, kaugnay ng demokrasya, kalayaan, pagkakapantay-pantay, pagkakapatiran• mga karapatang pantao (pamamahayag, pagtitipon)
Pagbubukas ng Kanal Suez (1869)
• nagpaikli ng paglalakbay mula Europa patungong Asya mula 3 buwan hanggang 32 araw
• napabilis ang pagpasok ng mga kaisipang liberal sa bansa; pag-unlad ng komersyo / kalakalan
Pag-angat ng Panggitnang Uri
• bunga ng paglago ng kalakalan na nakapagpa-unlad ng kabuhayan ng ilang Pilipino
• mga anak ay napag-aral sa mga unibersidad sa loob at labas ng bansa; tinawag na ilustrado
• hinangad na maging kapantay ng estadong panlipunan ng mga dayuhan
Liberal na Pamumuno ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre (1869 – 1871)• dala ng pagbabagong pulitikal sa Espanya noong 1868 nang mapatalsik mula sa kapangyarihan si Reyna Isabel IV at pansamantalang mapalitan ng republika sa pamumuno ni Hen. Francisco Serrano• nagpatupad ng repormang pulitikal, sumuporta sa sekularisasyon ng simbahan• pantay ang pagturing sa mga Pilipino at Espanyol• mapayapang naayos ang usaping agraryo sa Cavite (itinalagang sundalo ang mga nag-aklas sa pamumuno ni Eduardo Camerino, kasabay ang pagbibigay ng ilang pribilehiyo)
Pag-aalsa sa Cavite
• sa pagbabalik ng monarkiya sa Espanya noong 1871, pinalitan si Gob. Hen. Dela Torre ni Gob. Hen. Rafael de Izquierdo
• tinanggal ang pribilehiyo (buwis at polo) ng mga sundalo at mga manggagawa sa arsenal ng Cavite
• nag-alsa sa pamumuno ni Sarhento La Madrid noong Enero 20, 1872
• nabigo ang planong sabay na pagsalakay sa mga arsenal sa Cavite at San Juan, Maynila
Pagbitay sa 3 Pari • Mariano Gomez (87), Jose Burgos (36), Jacinto Zamora (37)
2
• inakusahang namuno sa pag-aalsa sa Cavite (tangkang pagtatatag ng republika na di umano’y pamumunuan ni Padre Burgos)• ginarote noong Pebrero 17, 1872 sa Bagumbayan• ginamit na dahilan upang patahimikin ang kilusan ng sekularisasyon na naunang pinamunuan ni Padre Pedro Pelaez • malaking impluwensya kay Rizal (El Filibusterismo)
• sekularisasyon– pagkilos upang maialis sa pamamahala ng mga paring regular ang mga parokya– ayon sa tuntunin ng Simbahang Katoliko, ang mga paring sekular ang may katungkulang mamahala sa mga parokya– nauna nang naibigay sa mga paring regular ang mga parokya dahil sa kakulangan ng mga paring Pilipino, kakulangan ng pagsasanay ng mga ito, pagdagsa ng mga prayle mula sa Espanya at pagbabalik ng mga Heswita sa Pilipinas
Patuloy na Pang-aabuso at Diskriminasyon
• guardia civil– gawain ay pigilan ang mga krimen at pag-aalsa– mga opisyal ay mga Espanyol na walang sapat na pagsasanay – naging mapagsamantala
• frailocracia– kapangyarihan ng mga prayle– kura paroko bilang tunay na makapangyarihan sa mga pueblo, sa halip na mga gobernadorcillo– dahilan ng paglabas ng Anti-Friar Manifesto ng 1888
KILUSANG PROPAGANDA• ipinaglalaban : asimilasyon / reporma• kasapian : mayayaman at intelektwal• paraang ginamit : pluma at dila
mapayapang paraan
Mga Layunin• pagkakapantay-pantay ng Pilipino at Espanyol sa batas• asimilasyon ng Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya• pagbabalik ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes ng Espanya• Pilipinisasyon ng mga parokya at pagpapaalis sa mga prayle• karapatan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagtitipon, pagsasalita
Propagandista Titik-Panulat Akda
Jose Rizal Laon LaanDimasalang
Noli Me TangereEl Filibusterismo
Sucesos de las Islan FilipinasGraciano Lopez Jaena Diego Laura Fray Botod
Discursos y Articulos Varios
Marcelo H. del Pilar PlaridelDolores Manapat
Caiigat Cayo Dasalan at Tocsohan
La Soberania Monacal en Filipinas Iba Pang Kasapi• Mariano Ponce – Naning, Kalipulako, Tikbalang• Antonio Luna – Taga-ilog• Jose Ma. Panganiban – Jomapa• Juan Luna, Felix Resurreccion Hidalgo, Eduardo de Lete, Maximo Viola, Valentin Ventura, Trinidad Pardo de Tavera,
Pedro Paterno, Jose Alejandrino, Isabelo delos Reyes, Antonio Regidor, Edilberto Evangelista, Galicano Apacible, Pedro Serrano Laktaw
* Indios Bravos – samahang humikayat sa mga katutubong ipagmalaki ang kanilang pagiging “indio”– pagsisikap tungo sa kahusayang pang-intelektwal– pagsira sa mito ng pagiging superyor ng lahing puti
La Solidaridad• itinatag sa Barcelona noong Pebrero 15, 1889• pinamatnugutan ni Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar• ipakita ang kalagayan ng Pilipinas, ipaglaban ang pagbabago
3
• naubusan ng pondo
Mga Dayuhang Sumuporta Ferdinand Blumentritt – Austrian, etnolohista Miguel Morayta – guro ng kasaysayan sa Unibersidad Central de Madrid Francisco Pi y Margall – pangulo ng Republika ng Espanya noong 1873 Manuel Becerra – miyembro ng Ministerio de Ultramar
Asosacion Hispano-Filipino• itinatag sa Madrid noong Enero 12, 1889• binubuo ng mga Pilipino at Espanyol na humihingi ng reporma• pinamunuan ni Miguel Morayta
• pagtuturo ng wikang Espanyol sa mga paaralan • pagpigil sa di-makataong pagpaparusa sa mga bilanggo • pagtatatag ng rehistro sibil at lupa • pag-alis ng mga buwis (diezmos prediales, sanctorum)• pagtatayo ng paaralang sekondarya • reporma sa Unibersidad ng Santo Tomas• reporma sa pamahalaang pampubliko • konstruksyon ng mga daan
Masonerya• lihim na samahan • inaakusahan ng Simabahan na laban dito ngunit ayon sa mga turo ay naniniwala sa isang kapangyarihang may
lalang ng lahat (Supreme Being/Great Architect of the Universe)• mga miyembro ay excommunicado • tumuligsa sa mga maling gawin ng simbahan, laban sa mga tiwaling prayle • maraming propagandista ang sumapi upang makahingi ng tulong sa mga liberal na Espanyol na karamihan ay
mga mason• Lodge Revolucion, Lodge Solidaridad• Lodge Nilad (PIlipinas)
La Liga Filipina• orihinal na ideya ni Jose Ma. Basa• itinatag ni Jose Rizal sa Ilaya, Tondo noong Hulyo 3, 1892• motto “Unus Instar Omnium” (isa tulad ng lahat)• mga layunin• pagbubuklod ang kapuluan • pagtutulungan sa panahon ng kagipitan• pagtatanggol sa lahat ng uri ng karahasan• pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura, kalakalan• pag-aaral at pagsasakatuparan ng mga reporma• isa sa dahilan ng pagpapatapon ni Gob. Hen. Despujol kay Rizal sa Dapitan, Zamboanga
Cuerpo de Compromisarios• binubuo ng mga mayayamang kasapi ng nabuwag na La Liga• layunin ay magbigay ng pondo para sa paglilimbag ng La Solidaridad ngunit hindi nagtagal
Mga Tagumpay maliliit na reporma
pag-alis ng tributo, pinalitan ng cedula pagbabawas ng araw ng sapilitang paggawa mula 40 sa 15 pag-alis ng monopolyo sa tabako pagpasa ng Batas Maura – pagbabago sa pamahalaang lokal, pagatatag ng mga lalawigang sibil sa ilalim ng
pamamahala ng sibilyang gobernador, pagbibigay ng higit na kalayaan sa mga pamahalaang lokal
Kinahinatnan• nabigo dahil
• abala ang Espanya sa sariling suliranin• impluwensya ng mga prayle• kakulangan ng pondo• kawalan ng pagkakaisa
4
KATIPUNAN• Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK ANB)• ipinaglalaban : kalayaan• kasapian : masa• paraang ginamit : rebolusyon• itinatag sa Daang Azcarraga, Tondo noong Hulyo 7, 1892 nina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa at Teodoro Plata,
Valentin Diaz, Deodato Arellano
Mga Layunin• pulitikal – paghiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya• moral – pagtuturo ng kagandahang-asal; pangangalaga sa katawan; pag-atake sa panatisismo, kawalang kaalaman at
mahinang pagkatao• sibiko – prinsipyo ng pagtulong sa sarili at pagtatanggol sa mahihina at inaapi
Supremo• 1892 – Deodato Arellano• 1893 – Roman Basa• 1895 – Andres Bonifacio
Istruktura• Kataas-taasang Sanggunian• Sangguniang Bayan• Sangguniang Balangay• Sangguniang Hukuman• Agosto 1896 – halalan kung saan inorganisa ang Kataas-taasang Sanggunian bilang gabinete
Pagkuha ng Kasapi• sistemang tatsulok – kasapi ay kukuha ng 2 hindi magkakilala upang mapanatiling lihim ang samahan, lubhang
mabagal • maramihang pagkuha ng kasapi – upang maparami ang kasapi• dumaraan sa isang lihim na seremonya na nakabatay sa Masonerya• lumalagda gamit ang sariling dugo
Antas ng KasapiANTAS KONTRA-SENYAS KULAY Bayani Rizal pulaKawal Gomburza berde
Katipon Anak ng Bayan itim
Kasaping Kababaihan• mga kapatid, asawa, anak ng Katipunero• nagtatago at tagapagdala ng papeles at armas• nagdaraos ng pagdiriwang habang nagpupulong ang mga kasapi• Gregoria de Jesus, Maria Dizon, Benita Rodriguez, Simeona de Remigio, Josefa Rizal, Angelica Lopez
Kalayaan• itinatag sa Maynila noong Marso 1895 at pinamatnugutan ni Emilio Jacinto• mula sa donasyon nina Candido Iban at Francisco del Castillo (Australya) at mga letrang kinuha sa Diario de Manila• upang iligaw ang mga awtoridad, ipinalabas na nilimbag sa Yokohama noong Enero 1896 sa pamamatnugot ni Marcelo
H. del Pilar• dumami ang kasapi ni Katipunan bagamat isang isyu lamang ang nalimbag (Enero 18, 1896)
KATIPUNERO TITIK-PANULAT AKDA
Andres Bonifacio“Ama ng Himagsikan”
Agap-ito Bagumbayan, Maypagasa
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Dekalogo, Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Emilio Jacinto“Utak ng Katipunan”
Dimas-ilaw, Pingkian Kartilya ng Katipunan, Liwanag at Dilim, A La Patria
Pio Valenzuela Madlang-away Catuwiran?
Si Rizal at ang Katipunan• Pio Valenzuela ay tumungo sa Dapitan upang hingin ang payo at suporta ni Rizal• hindi sang-ayon si Rizal dahil hindi pa handa, mga kondisyon sa matagumpay na rebolusyon
5
• suporta ng mayayamang Pilipino• pinunong militar (Antonio Luna)• sapat na armas• edukasyon ng mga Pilipino
• tumanggi ring itakas mula sa Dapitan
Ang Bansang Hapon at Ang Katipunan• Jacinto at Bonifacio ay nakipag-ugnayan sa ilang opisyal nabal at konsul na Hapon upang hingin ang suporta oras na
magsimula ang himagsikan• nabigong bumili ng armas dahil sa kakulangan sa pondo
Pagpupulong sa Kuweba ng Pamitinan• Montalban, Rizal noong Biyernes Santo ng 1896 (Abril 12)• Bonifacio, Jacinto, Aurelio Tolentino, Francisco del Castillo, Candido Iban, Guillermo Masangkay, Francisco Maralal,
Pedro Zabala• “Viva La Independiencia de Filipinas”
Paghahanda sa Himagsikan• noong 1896 ay tinatayang mayroon ng 20,000 kasapi bagamat di lahat ay may armas (Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga,
Laguna, Batangas, Cavite, Panay)• gamit ang watawat na pula na may mga titik na KKK sa gitna / patatsulok• batay sa planong pandigma, ang punong himpilan ay ilalagay malapit sa dagat o bundok sa bahagi ng Laguna
Pagkakatuklas ng Katipunan• Agosto 19, 1896• dahil sa alitan nina Teodoro Patiño at Apolonio dela Cruz na kapwa manggagawa sa Diario de Manila• isinumbong sa kapatid na si Honoria na kumimbinsing ipaalam kay Padre Mariano Gil (Agustino), kura paroko ng Tondo• nakuha ang mga panlimbag ng resibo, ilang armas at dokumento ng Katipunan
SIMULA NG REBOLUSYON• Sitio Pugadlawin (Kangkong, Balintawak, Caloocan), Agosto 23, 1896
– bahay n I Juan Ramos, anak ni Tandang Sora– pagpunit ng cedula
• Sitio Pasong Tamo – unang sagupaan
• polverin ng San Juan (Pinaglabanan)– Agosto 29, 1896– sinalakay ng mga pangkat ni Bonifacio at Sancho Valenzuela– hindi dumating ang inaasahang tulong mula sa Katipunan sa Cavite
PAGLAGANAP NG REBOLUSYON Cavite
o Emilio Aguinaldo (Cavite el Viejo)o Mariano Alvarez (Noveleta)o Artemio Ricarte, Juan Cailleso Tomas Mascardo
• Nueva Ecija – Mariano Llanera• Bulacan (Kakarong de Sili) – Eusebio Roque• Iligan – pinamunuan ng mga disciplinados (mga sundalo ng pamahalaan na pinagdududahan ang katapatan)• Aklan – Francisco del Castillo, Candido Iban• Morong, Bulacan, Pampanga, Batangas, Laguna, Tayabas
PROKLAMASYON NG BATAS MILITAR• ni GH Ramon Blanco
• Maynila at iba pang karatig lalawigan• pangako ng amnestiya sa mga susukong rebelde (Pio Valenzuela)
• pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa rebolusyon• Sancho Valenzuela, Ramon Peralta, Modesto Sarmiento, Enrique Silvester (13 Martir ng Bagumbayan)
• unang Katipunerong pinatay sa Bagumbayan• Trece Martires ng Cavite• 15 Martir ng Bicolandia• 19 Martir ng Aklan• 14 Martir ng Tarlac
• pagkulong kay Apolinario Mabini• pagpapatapon ng ibang rebolusyonaryo sa Guam at Aprika • Antonio Luna, Isabelo de los Reyes – ipinatapon sa Espanya
6
• pagpapabalik, paglilitis at pagbaril kay Rizal noong Disyembre 30, 1896
– sa utos ni GH Camilo de Polavieja
KATIPUNAN SA CAVITE• Magdalo
– Baldomero Aguinaldo
– nais magtatag ng bagong pamahalaan• Magdiwang
– Mariano Alvarez
– nais ipagpatuloy ang Katipunan• inanyayahan si Bonifacio at mga tauhan upang ireorganisa ang rebolusyon
– itinuring ng mga Magdalo na “alsa-balutan”
KUMBENSYON SA TEJEROS• Marso 22, 1897• napagkasunduang magsagawa ng halalan para sa rebolusyonaryong pamahalaang papalit sa Katipunan sa kondisyong
igagalang ang magiging resulta– Emilio Aguinaldo : Pangulo– Mariano Trias : Pangalawang Pangulo– Artemio Ricarte : Kapitan Heneral– Emiliano Riego de Dios : Direktor ng Digma– Andres Bonifacio : Direktor Panloob
• kinuwestiyon ni Daniel Tirona ang pagkakahalal kay Bonifacio dahil hindi ito abogado
SA TEJEROS AT NAIC• Ikalawang Pulong sa Tejeros
– Marso 23, 1897– Acta de Tejeros : pagpapawalang-bisa sa naganap na halalan– nilagdaan ng 45 dumalo
• Kasunduang Militar sa Naic– Abril 19, 1897– nagtatag ng sandatahang lakas na pamumunuan ni Pio del Pilar– muling pagbaliktad nina Pio del Pilar at Mariano Noriel sa pangkat ni Aguinaldo
PAGPASLANG KAY BONIFACIO• naaresto sa Limbon, Indang sa pamumuno ni Kol. Agapito Bonzon • napatay si Ciriaco, nasugatan ni Andres at Procopio• nilitis ng court-martial na ilalim ni Kol. Jose Lipana bilang hukom at Kol. Jose Elises bilang piskal• inakusahan ng salang pagtataksil sa bansa, tangkang pagpatay kay Aguinaldo at pagsuhol sa mga kawal ng pamahalaan• hinatulan ng kamatayan, ginawang pagpapatapon (Aguinaldo), ibinalik sa parusang kamatayan (sa payo nina del Pilar
at Noriel)• sa utos ni Hen. Noriel, dinala ni Maj. Lazaro Makapagal sina Andres at Procopio sa Maragondon (Bundok Tala / Buntis /
Nagpatong / Hulog) at binaril
REPUBLIKA NG BIAKNABATO• pag-atras mula Maragondon, Batangas, Montalban, Biaknabato• bumuo ng Saligang Batas na inihanda nina Isabelo Artacho at Feliz Ferrer (Cuba)• halal na opisyal
– Emilio Aguinaldo : Pangulo– Mariano Trias : Pangalawang Pangulo– Antonio Montenegro : Kalihim ng Ugnayang Panlabas– Isabelo Artacho : Kalihim Panloob– Baldomero Aguinaldo : Kalihim ng Pananalapi– Emiliano Riego de Dios : Kalihim ng Digma
KASUNDUAN NG BIAKNABATO• Pedro Paterno at GH Primo de Rivera• 3 dokumento
• P800,000 (P400,000 sa kusang pagpapatapon, P200,000 sa pagsuko ng mahigit 700 armas, P200,000 sa proklamasyon ng amnestiya)
• pagbibigay ng amnestiya sa magsususko ng armas ngunit walang probisyon ukol sa pagbibigay ng reporma• P1,700,000 (P800,000 ayon sa unang dokumento, P900,000 sa mga sibilyang nadamay sa kaguluhan)
7
• nilagdaan noong Disyembre 14 at 15, 1897• lumisan sina Aguinaldo at 28 kasama patungong Hongkong noong Disyembre 27, 1897, dala ang P400,000
MGA DI NATUPAD SA KASUNDUAN• P600,000 lamang ang nabayaran (P400,000 kay Aguinaldo, P200,000 sa mga pinunong rebolusyonaryo sa Pilipinas)• mga sumuko ay inaresto at ikinulong• patuloy na paghihimagsik
– Isabelo Abaya (Ilocos Sur), Leon Kilat (Cebu), Feliciano Jocson (Maynila), Francisco Makabulos (Gitnang Luzon)
DIGMAANG ESPANYOL-AMERIKANO• Cuba – kolonya ng Espanya, namumuhunan ang Estados Unidos• pagsabog ng barkong Maine sa daungan ng Havana
• deklarasyon ng digmaan : Abril 25, 1898• American Asiatic Squadron na nasa Hongkong sa pamumuno ni Commodore George Dewey• umatake sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898• natalo ang plota ni Admiral Patricio Montojo
PAGBABALIK NI AGUINALDO• paghikayat ng mga Amerikano kay Aguinaldo (Hongkong Junta) na bumalik sa Pilipinas
• Singapore : Consul Spencer Pratt• Hongkong : Consul Rounceville Wildman
• bumalik sa bansa noong Mayo 19, 1898 sakay ng McCulloch, nakipagpulong kay Dewey• sa pamumuno ni Aguinaldo, muling nabawi ang mga lalawigan ng Bataan, Cavite, Bulacan, Pampanga, Laguna,
Batangas, Tayabas• nakubkob ang Maynila
• Tondo, Santa Cruz, San Juan at Caloocan ay hawak ng mga Pilipino• kontrolado ng EU ang Look ng Maynila
• nangako si GH Basilio Agustin ng awtonomiya para sa Pilipinas
PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN• itinatag ang Pamahalaang Diktatoryal noong noong Mayo 24, 1898• proklamasyon ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898; sa Cavite Viejo (Kawit)
• pagbasa ng Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino ni Ambrosio Rianzares Bautista• pagwagayway ng bandila na tinahi nina Marcela at Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa sa Hongkong• pagtugtog ng Marcha Filipina Magdalo (Marcha Nacional Filipina) na likha ni Julian Felipe ng Banda de San
Francisco de Malabon* titik ay nailapat noong Agosto 1899, tulang likha ni Jose Palma na pinamagatang Filipinas
BANDILA NG PILIPINAS• puting tatsulok : Katipunan• 3 bituin : 3 pangunahing pulo (Luzon, Mindanao, Panay)• araw : pag-unlad at sibilisasyon sa pamamagitan ng edukasyon• 8 sinag : 8 lalawigang unang nagdeklara ng rebolusyon (Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna,
Batangas, Bataan)• kulay bughaw, pula, puti : komemorasyon ng bandila ng Estados Unidos bilang pagkilala ng pasasalamay sa tulong na
ibinibigay sa Pilipinas
PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO• naging tagapayo ni Pangulong Aguinaldo si Apolinario Mabini (Utak ng Himagsikan)• sa payo ni Mabini ay nireorganisa ang pamahalaan• nagtalaga ng Kalihim ng 5 Departamento• paghahanda para sa halalan ng Asembleyang Republikano
LIHIM NA KASUNDUAN• sa pagitan ng EU (George Dewey, Wesley Merritt) at Espanya (GH Fermin Gaudenes)• “Labanan sa Maynila” noong Agosto 18, 1898; 9:30 ng umaga
– Dewey : Fort San Antonio Abad, Bagumbayan– Gen. Greene : Ermita at Malate– Gen. MacArthur : Singalong– G. del Pilar : Tondo– M. Noriel : Paco– P. del Pilar : Sampaloc– A. Ricarte : Santa Ana
• sumuko ang mga Espanyol ng 1:00 ng hapon• pumasok ang mga Amerikano sa Intramuros ngunit di pinahintulutan ang mga Pilipino
8
KONGRESO NG MALOLOS• inagurasyon noong Setyembre 15, 1898 sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan• halalan ng mga opisyal
– Pedro Paterno : Pangulo– Benito Legarda : Pangalawang Pangulo– Gregorio Araneta at Pablo Ocampo : Kalihim
• ratipikasyon ng Deklarasyon ng Kalayaan• pagpapautang ng P20,000,000 sa pamahalaan• paghahanda at pagbibigay-bisa sa Saligang Batas ng Malolos• maraming miyembro ng Kongreso ang pabor sa awtonomiya mula sa mga Amerikano• Antonio Luna at Apolinario Mabini at nanindigan para sa ganap na kalayaan
SALIGANG BATAS NG MALOLOS• Felipe Calderon : pinuno ng komite• 3 burador na pinagpilian
– Mabini, Paterno, Calderon
– napili ang kay Calderon• una’y di sinang-ayunan ni Pangulong Aguinaldo (sa payo ni Mabini)
– higit na kapangyarihang ibinigay sa lehislatura
– Kongeso ang pipili ng Pangulo
REPUBLIKA NG MALOLOS• inagurasyon noong Enero 23, 1899 sa Simbahan ng Barasoain• pananalapi
– mula sa mga buwis, kontribusyon, pautang– P1 at P5 perang papel, 2 sentimong barya
• pahayagan– El Heraldo de la Revolucion (opisyal)– La Independencia (Antonio Luna)– La Republica Filipina (Pedro Paterno)– El Nuevo Dia (Sergio Osmena)
• panitikan– Jose Palma, Fernando Ma. Guerrero, Cecilio Apostol, Apolinario Mabini
• musika
– parangal sa mga bayani / martir ng rebolusyon, “Jocelynang Baliwag”
– Julio Nakpil• edukasyon
– Burgos Institute, Malolos (kolehiyo para sa mga lalaki)
– Academia Militar, Malolos
– Universidad Literatura de Filipinas• sandatahang lakas
– 50,000 Luzon; 20,000 Visayas at Mindanao; mandirigmang Igorot at Aeta– 8 maliliit na barko (Filipinas – flagship)
• kalagayang diplomatiko – layunin ay kilalanin ng ibang bansa
– Estados Unidos : Felipe Agoncillo at Sixto Lopez
– Hapon : Mariano Ponce at Faustino Lichauco
– Inglatera : Antonio Ma. Regidor
– Pransya : Juan Luna at Pedro Roxas
– Australya : Eriberto Zarcal
KASUNDUANG PARIS• kasunduan kaugnay ng pagtatapos sa digmaang Amerikano-Espanyol• nilagdaan noong Disyembre 10, 1898 sa Paris
• paglilipat ng Pilipinas, Guam at Puerto Rico sa Estados Unidos• pagbabayad ng EU ng halagang $20 milyon sa Espanya• pag-atras ng Espanya mula sa Cuba
• ipinadala ni Pangulong Aguinaldo si Felipe Agoncillo sa Paris upang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas ngunit nabigo• tumungo rin sa Washington upang pigilan ang ratipikasyon ng Senado ng EU ngunit muling nabigo
9
DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO• sumiklab noong Pebrero 4, 1899 nang barilin ng sundalong Robert W. Grayson ang isang Amerikano, Pilipinong
sundalong di umano’y tumawid sa teritoryong okupado ng mga Amerikano• Blockhouse No. 7 (kalye Silencio/Sociego) sa Santa Mesa, Maynila
• labanan sa La Loma, Pandacan, Marikina, Pateros, Guadalupe, Pasig, Caloocan• pag-atake ng pangkat ni Luna sa Tondo at Binondo• pagbagsak ng Malolos, Bulacan nong Marso 31, 1899• paglaganap ng digmaan sa Katimugang Luzon (Laguna, Batangas, Tayabas, Cavite, Sorsogon, Legaspi, Naga,
Marinduque, Masbate) Kabisayaan (Iloilo, Cebu, Samar, Leyte, Palawan, Negros)• tinatayang bago magsimula ang karahasan ay nasa 50,000 ang bilang ng regular na puwersa ng army, maliban pa sa
mga iregular na puwersang territorial militia at sandatahan• puwersang pandagat ay binubuo ng 2 malaki at ilang maliliit na sasakyang pandagat na nakuha mula sa mga Espanyol• kababaihan sa digmaan
• Hilaria de Aguinaldo, Cresencia San Agustin de Santos, Trinidad Tecson, Agueda Kahabagan, Teresa Magbanua
BATES TREATY• sa pagitan ni Gen. John C. Bates at Sultan Jamalul Kiram II ng Sulu
• gumagalang sa kapangyarihan ng sultan, kalayaan sa relihiyon, malayang kalakalan kapalit ng pagkilala sa kapangyarihan ng Estados Unidos
TAKTIKANG GERILYA desentralisadong pamunuan kung saan ang mga operasyon ay napagpapasiyahan ng mga kumander ng iba’t ibang
lugar tropa ay binubuo ng maliliit na yunit na umaatake sa pormang tatsulok
o guerilla fraction – 9 kataoo guerilla band – 2-3 fractiono guerilla group – 2-3 band
matapos sumalakay ay nakikihalubilo sa mga sibilyan kaya’t hirap na tukuyin ng kalaban
KARAHASAN NG AMERIKANO gumamit ng mga malulupit na taktika upang mapuksa ang mga patuloy na lumalaban
o water cureo rope treatmento howling wilderness – scorched earth policyo sistemang rekonsentrasyon – “free fire Zone”
mga pagpapahirap ay hindi iniulat sa mga pahayangang Amerikano mga gerilya at rebelde ay di binigyan ng karapatan o pribilehiyo ng mga bilanggo ng digmaan at itinuring na
karaniwang mandarambong o pirata lamango “ ang mga Pilipino ay mga ladrones na nangangailangang maging sibilisado sa pamamagitan ng Krag”o “ ang tanging mabait na Pilipino ay yaong patay na”o “ huwag kumuha ng bihag: mas mura ang tingga kaysa bigas”
DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO• tagumpay ng puwersang Pilipino
– Quingua, Bulacan : Hen. Gregorio del Pilar– San Mateo, Rizal : Hen. Licerio Geronimo kung saan napatay si Gen. Lawton– Marinduque : Kol. Maximo Abad– Mabitac, Laguna : Hen. Juan Cailles
PAGPASLANG KAY HENERAL LUNA• kinilalang pinakamahusay na heneral, nag-aral ng kasanayang militar sa Europa• hindi mahusay na pulitiko, mainitin ang ulo• pinaslang ng dating mga tauhan, mga kawal ni Pangulong Aguinaldo• isa sa dahilan ng sunud-sunod na pagkatalo ng puwersang Pilipino
PAGTAKAS NG PAMAHALAAN• mula Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Nueva Viscaya, Pangasinan, Ilocos Sur, Cagayan, Isabela• Pasong Tirad, Ilocos Sur
– binantayan ni Hen. Gregorio del Pilar kasam ang 60 tauhan upang bigyan ng panahon ang puwersa ni Aguinaldong makalayo mula sa mga tumutugis na Amerikano sa pamumuno ni Maj. Peyton March
– itinuro ng Pilipinong si Januario Galut ang isang lihim na daanan kaya’t kakubkob– 8 tauhan lamang ang nakaligtas
PAGKAKABIHAG KAY AGUINALDO• nahuli / nakipagsabwatan ang tauhang si Cecilio Segismundo noong Enero 8, 1901
10
• ayon sa plano ni Kol. Frederick Funston, katulong sina Kap. Lazaro Segovia (Espanyol na sumapi sa puwersa ni Aguinaldo), Ten. Kol. Hilario Tal Placido (dating opisyal ni Aguinaldo) at mga kawal mula sa Macabebe, Pampanga
• tinunton ang kuta ni Aguinaldo nagpanggap na mga rebolusyonaryong sundalong nakabihag ng 5 Amerikanong sundalo
• nabihag noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela, kabilang ang 45 sako ng pilak (Espanyol at Mexicano) na tinatayang nagkakahalaga ng P2,000,000
• nanumpa ng katapatan sa EU noong Abril 19, 1901
PAGWAWAKAS NG UNANG REPUBLIKA• patuloy na pakikipaglaban ng ilang Pilipino
• Hen. Miguel Malvar : Batangas• Kol. Quintin Salas at Hen. Martin Delgado : Iloilo• Hen. Pedro Sason at Hen. Miguel Valmoria : Bohol• Hen. Vicente Lukban :Balangiga, Samar• Hen. Vicente Alvarez at Hen. Nicolas Capistrano : Zamboanga• Hen. Simeon Ola : Albay
• Hen. Artemio Ricarte at Apolinario Mabini • itinuring na mga irreconcilables• tumangging manumpa ng katapatan sa EU at naging tapon sa Guam• Ricarte ay muling ipinatapon sa Hongkong
PAGPAPATULOY NG LABAN kilusang milenaryo – samahang magsasaka na naniniwala sa pagdating ng manunubos sa panahon ng malaking
pagbabago, kailangang ihanda ng bawat isa ang kalooban at lumahok sa mga pagbabagong magaganap Ruperto Rios (Papa Rios) – Tayabas, kahon ng “Kalayaan” Dionisio Magbuela (Papa Isio) – Babaylanes sa Bacolod Papa Pablo Ablen – Pulajanes sa Samar, Leyte, Cebu Felipe Salvador (Apo Ipe) – Santa Iglesia sa Gitnang Luzon
PAKIKIBAKA NG MGA PILIPINONG MUSLIM sa kabila ng Kasunduang Bates sa pagitan ng Amerika at Sultan ng Sulu, hindi mapayapang tinaggap ng ilang lider ang
panghihimasok ng EU Datu Tunggol at Datu Ampuanagas sa Lanao (1903) Panglima Hassan (1905) Datu Ali (1906) Datu Almada
PAKIKIBAKA SA TEATRO sarsuwelang nagtaguyod ng kalayaan Kahapon, Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino (1903) Hindi Aco Patay – Juan Matapang Cruz (1903) Tanikalang Guinto – Juan Abad (1902) Isang Punlo ng Kaaway – Juan Abad (1904)
PAGTATAKSIL NG ELITE patakaran ng atraksyon sa burukrasya ng mga dating kasapi ng Kongreso ng Malolos Pacificados
Trinidad Pardo de Tavera Benito Legarda Cayetano Arellano Gregorio Araneta
Partido Federal na hinangad na maging isa sa mga estado ng EU ang Pilipinas
KINAHINATNAN Amerika
o 4,234 namatay (digmaan at sakit)o 2,818 sugatano $600 M na gastos (kumpara sa $20 M na ibinayad sa Espanya sa Kasunduang Paris)
Pilipinaso 20,000 sundalo/gerilyao 200,000 sibilyano 1/6 populasyon ng Luzono 90% populasyon ng kalabaw
PAGTITIWALA AT KATAKSILAN ang Estados Unidos ang kinilala ng Pilipinas na tagapagtaguyod ng demokrasya
11
“Ang mga kulay na bughaw, pula at puti , ay nagpapagunita sa mga kulay ng watawat ng Norte Amerika, bilang pagkilala natin ng malaking utang na loob sa ipinamalas niyang pagkupkop na walang pag-iimbot sa atin sa simula at hanggang ngayon. . .”
sa loob ng maikling panahon, napatunayan ng mga Pilipino na sila ay nagkamali sa pagtayang ang pagtulong na ito ng EU ay marangal at walang kapalit
12