pamatnubay at balita

34
AaAng Pamatnubay (The Lead) • Panimula ng balita. • Pinakamahalag ang bahagi ng balita.

Upload: mabeldelasalas

Post on 13-Sep-2015

3.048 views

Category:

Documents


43 download

DESCRIPTION

ito ay naglalaman ng kahulugan ng pamatnubay, katangian ng isang mabuting pamatnubay, uri ng pamatnubay,uri ng makabagong pamatnubay, kahulugan ng balita, tatlong elementong batayan ng balita, sangkap ng balita, katangian ng mabuting balita, uri ng balita at iba pa.

TRANSCRIPT

PowerPoint Presentation

AaAng Pamatnubay (The Lead)Panimula ng balita.Pinakamahalagang bahagi ng balita.Katangian ng Isang Mabisang Pamatnubay2Mga uri ng Pamatnubay3b. Panimulang Pambalarilang Pamatnubay (Grammatical Beginning Lead)c. Pamatnubay ng Di-kombensyonal o Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead)Ginagamit ito ng mga manunulat sa pamamaraang inaakala niyang madaling makatawag o makapukaw ng pansin o kawilihan at pananabik.

Mga Uri ng Makabagong PamatnubayAng BalitaKahulugan ng balita Ang balita ay isang impormasyon hinggil sa isang pangyayaring naganap na, nagaganap pa lamang o magaganap pa sa isang tiyak na hinaharap, ngunit hindi pa alam ng marami na may kaugnayan sa kabuhayan, katahimikan, edukasyon, pulitika, kultura, isports, kalusugan, at paniniwalang panrelihiyon.Ayon kay Turner Catlege, ang tagapangasiwang editor ng The York Times, ano mang bagay na hindi mo alam nang nagdaang araw ay isang balita.Maging si Dr. Rufino Alejandro, dating Assistant Director ng Surian ng Wikang Pambansa, ay nagsabing, ang balita ay isang ulat na hindi pa nailalathala, tungkol sa mga ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan, maiibigang mabatid, at mapaglilibangan ng mambabasaDean M. Lyle Spencer, isang Dekano ng Paaralan ng Pamahayagan sa Syracuse University na laging sinipi sa mga batayang-aklat ay ganito: ang balita ay anumang pangyayari, ideya o opinyon na napapanahon na nakawiwili o nakaaapekto sa maraming tao sa isang pamayanan at maaaring maunawaan nila.3 Elementong Batayan ng isang balitaMga katangian ng magandang balita Mga uri ng balitaAyon sa Saklaw o Pinagmulan (according to scope or origin)a. Balitang Lokal o nasyonal (local news)- naganap sa loob ng bansa.

b. Balitang dayuhan o banyaga (foreign news)- naganap sa labas ng bansa.

c. Balitang may petsa at pinanggalingan (Dateline news)-pinangungunahan ng petsa kung kailan sinulat at ang lunan kung saan sinulat ng reporter. Mga uri ng balita 2. Ayon sa Pagkakasunod-sunod (according to chronology or sequence)a. Paunang balita (advance or anticipated)- ulat na ukol sa inaasahang pangyayari tulad ng gaganaping patimpalak, konsyerto, dula, palaro, kampanya,atb.

b. Balitang di-inaasahan (spot news)- balitang isinulat ukol sa pangyayaring naganap na di-inaasahan.

c. Balitang Itinalaga (Coverage news)- balitang isinulat o isusulat pa, batay sa isang palagiang o pirmihang pinagkukunan (based on a given beat or assignment) gaya ng kongreso, ospital, fire department, tanggapan ng punong-guro, aklatan, atb.

d. Balitang Panubaybay (follow-up news)- ulat ukol sa panibagong pangyayari bilang karagdagan o kasunod ng naunang balita. Itoy may sariling pamatnubay na iba sa pamatnubay ng sinundang balita.

e. Balitang Rutin o Kinagawian (Routine news story)- balitang ukol sa inaasahang magaganap tulad ng regular na pagpupulong, panahunang pagsusulit, palatuntunan.Mga uri ng balita 3. Ayon sa Anyo(according to structure)

a. Tuwirang Balita (Straight news) inihahayag ang mga pangyayari sa ayos na tagilo o baligtad na piramide (inverted pyramid structure) mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan.

-itoy ginagamitan ng kabuuang pamatnubay (summary lead) at inilathalang tuwiran nang walang paliguy-ligoy. Maikli ang mga pangungusap at ang mga katagang simple at madaling maunawaan lamang ang ginagamit.b. Balitang Lathalain (News features)- nababatay rin sa tunay na pangyayari na kagaya ng mga tuwirang balita. Sa halip na baligtad na piramide, ang karaniwang ayos nito ay ang pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (suspended interest structure) kagaya ng pagkakaayos ng isang kwento.

-sa paksa at pamamaraan, itoy nasa pagitan ng pagbabalita, editoryal o lathalain. Naiiba ang balitang lathalain sa karaniwang lathalain (feature article).

c. Balitang Iisang paksa o tala (Single feature or one-incident story)-iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay. Sa katawan ng balita ipinaliliwanag ang mga detalye.d. Balitang Maraming Itinatampok (Several features o Composite Story)- maraming bagay o paksa ang itinatampok sa pamatnubay. Nakahanay ang mga ito ayon sa pahupang kahalagahan (according to decreasing importance). Ang pagpapaliwanag sa mga paksa ay nakahanay sa katawan ng balita na ayon din sa pagkakaayos ng mga ito sa pamatnubay.Mga uri ng balita4. Ayon sa pagtalakay ng Paksa (According to treatment of the topics)

a. Balitang may pamukaw-damdamin o kawilihan (Human interest story)- itoy umaantig ng damdamin at kumukuha ng reaksyon ng mambabasa.b. Balitang may pagpapakahulugan (Interpretative or interpretive news)- ipinauunawa sa mambabasa ang kahalagahan ng pangyayari. Ditoy hindi ipinahahayag ang pangyayari sa payak o tuwirang paraan lamang kundi nilalakipan ng interpretasyon upang lalong maunawaan ng mambabasa. Maaaring isama rito ang : 1.) dahilan ng pangyayari, 2.) sanligan (background), 3.) katauhan ng pangunahing kasangkot sa balita at 4.) ang kabuluhan ng kahalagahan.

c. Balitang may lalim (In-depth report)- pagbabalitang may paghamon sa kaisipan ng mga mambabasa at kakayahan ng reporter. Mga uri ng balita5. Ayon sa Nilalaman (according to content)

a. Balitang Pang-agham (science news)

b. Balitang Pangkaunlaran (Development news)

c. Balitang Pampalakasan (Sports news) Mga Tanging Uri (Other Kinds)Mga Tanging Uri (Other Kinds)Iba pang uri:Iba pang uri:Pagkakaiba ng science journalism at science writingAng science writing ay inihahanda ng may-akda para sa mga taong ang pinagpakadalubhasaan ay kapareho ng sa may-akda. Sa kabilang dako, ang science journalism ay ang pagsulat hinggil sa agham o mga bagay na teknikal para sa kaunawaan ng karaniwang mamamayan at hindi para lamang sa mga nakatapos sa mga dalubhasaan at pamantasan.

Ahmmm..

Maraming salamat sa pakikinig

Naway kayo ay may natutunan awa na:P 34