paano maiiwasan ang muling pagdurugo

1

Click here to load reader

Upload: anna-villanueva

Post on 21-Apr-2015

291 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Paano Maiiwasan Ang Muling Pagdurugo

Paano maiiwasan ang muling pagdurugo? (Aoo/Nina)

1. Magpahinga ng mabuti, mas maigi kung nakahiga at nakaangat ang ulo (35-45 angulo) sa kama sa pamamagitan ng mataas na unan.

2. Huwag suminga o maglagay ng kahit ano sa ilong. Kung hindi mapigilan ang pag-hatsing, ang nararapat gawin ay buksan ang bibig para lumabas ang hangin dito at hindi sa ilong.

3. Iwasan din ang pag-iri kapag dumudumi. Gumamit ng pampalambot ng dumi. Iwasan din ang pagbuhat ng mabibigat at pagyuko.

4. Subukan na palagiin na ang ulo ay mas mataas sa lebel ng puso.

5. Huwag manigarilyo.

6. Kumain ng malalambot at malalamig na pagkain. Iwasan muna ang mainit na inumin sa loob ng 24 oras.

7. Huwag gumamit ng mga gamot na magpapalabnaw ng dugo. Halimbawa, aspilet, ibuprofen, clopidogrel, warfarin. Tanungin ang iyong doctor kung ano ang pwede para sa iyong kondisyon.

8. Maaring bigyan ka ng iyong doctor ng gamot na ipinapahid para pampadulas ng loob ng ilong.