paano ang pagsapi sa ram

27
III.PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Upload: nike

Post on 13-Jan-2016

113 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

PAANO ANG PAGSAPI SA RAM. Konstitusyon ng RAM ARTIKULO III KASAPIAN - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

III. PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Page 2: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Konstitusyon ng RAM

ARTIKULO IIIKASAPIAN

Seksyon 1. Sinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon sa mga layunin ng RAM, handang sumunod sa Konstitusyon nito, tumupad sa kapasyahan ng organisasyon, pamunuan, at pumaloob sa isang tsapter, komitiba o mga organo ng RAM at handang gumampan ng mga tungkulin sa abot ng kanyang makakaya, ay maaaring maging kasapi.

Seksyon 2. Tatanggaping kasapi ng RAM ang isang nirerekluta matapos, bigyan ng oryentasyon, sang-ayunan at pasumpain ng Tsapter o Balangay na nagrekluta.

Seksyon 3. Lahat ng kasapi ng RAM ay pasusumpain ng Balangay na nagrekluta sa kanila. Ang sumpa ng RAM ay ang sumusunod:

Page 3: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Ako si ____________________________________ na itinalaga bilang ___________________ ng __________ ng bagong Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa ay taimtim na nanunumpa sa bandilang Pilipino na gagampanan ko ang mga nakatalaa na mga katungkulan na ipinagkatiwala sa akin: na lubos akong mananalig at magiging matapat sa kilusan; na itataguyod at ipagtatangol ko ang mga simulain at mithiin nito; na magmamalasakit ako upang matagumpay ito sa pakikibakang ang layunin ay matamo ang isang MAKATARUNGAN, DEMOKRATIKO at MAUNLAD NA LIPUNAN, sa pamamagitan ng pamahalaang malinis, matapat at tumutugon sa mga pangangailangan ng Sambayanang Pilipino; na tutuparin ko ang mga alituntunin at kapasyahang ipapahayag ng mga pinuno ng KILUSAN; na matapat akong maglilingkod at ipaglalaban ang kapakanan ng Sambayanang Pilipino at ng REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA ng walang pasubali. Kasihan nawa ako ng Diyos!

Page 4: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

IV. ANO ANG MANDATO, PAKAY,

MISYON AT MGA PROGRAMA NG RAM

Page 5: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

HANGARIN AT MISYON

Ang mga kasapi na binubuo ng mga mulat na indibidwal at organisasyon na nagmula sa ibat ibang uri ng lipunang Pilipino ay nagkakaisa sa isang rebolusyonaryong alyansa ng pakikibaka para makamit ang tunay na pambansang kasarinlan at demokrasya: ang mapalaya ang sambayanan mula sa lahat ng uri ng pampulitika, sosyal at pang ekonomiyang pananamantala.

Inaalay ng RAM sa bayang Pilipinas ang mga mithiin at ang mga pangarap nitong pagbabago, ang maging ganap na malaya bilang nagsasariling bansa na may makataong gobyerno, may tunay na diwa ng nasyunalismo, may respeto sa batas at may demokrasya.

Kami ay kikilos upang maitayo ang isang pamahalaan ng taong bayan na nagtataguyod ng KATOTOHANAN, KATARUNGAN at KALAYAAN ng sa gayon ang lahat ng mga Pilipino ay magtatamasa ng kasaganaan, hustisya, kaparatiran at pagkakapantay pantay.

Kami ay walang pasubaling magtataguyod at magpapatupad sa Konstitusyong ito, nang sa gayon “Ang ating mga pangarap ay manatiling buhay” hanggang sa tagumpay!

(Konstitusyon ng RAM ARTIKULO I PREYAMBULO)

Page 6: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Ang RAM ay magpupursigi na: • Muling makuha ng mamamayan ang mabubuting kaisipan at pagkamakabayan nito tulad ng kanyang mga bayani at martir

• Bansang may kaayusang pampulitika na may tunay na hustisya sa demokrasya kung saan ang halalan ay pinagpapasyahan hindi ng pandaraya ng impluwensya ng pera at pananakot ng baril subalit sa kapangyarihan ng kaisipan

• Ang ating kabuhayan ay patatakbuhin ng ating malawak na likas na yaman, lilikha ng kabuhayan at pagkakaroon ng oportunidad sa pag-unlad ng bawat isa

• Ang panlipunang kaayusan ay lumaya mula sa paniniil ng pagkakaipon ng yaman kung saan ang bawat tao, kababaihan at bata ay mamumuhay na may pagkakasundo bilang mga disenteng tao sa ilalim ng rehimen ng kapayapaan at demokrasya.

Gagawin naming makatotohanan ang mga pangarap na ito:

Tunay na kasarinlan, isang nagsasarili at indipendyenteng bansa, isang makatwiran at matalinong pamahalaan, tunay na makabansa, gumagalang sa kautusan ng batas, pangkalahatang kaunlaran pantao at kalayaan sa pinakabuod nitong kahulugan. Kami’y naghahangad para sa demokrasya na panandaliang natamasa ng mga rebolusonaryong Pilipino noon 1896 bago ito maling nagamit ng mga sumunod na dekada ng paglupig at paniil.

Page 7: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

MGA LAYUNIN NG RAM (Artikulo II, Konstitusyon ng RAM)

Seksyon 1. Ang kagyat na layunin ng RAM ay ipagtagumpay ang pakikibaka para sa kasarinlan at demokrasya, ipagwagi ang pinakamalawak na mga kalayaan at karapatan, at kamtin ang mga ekonomiko’t panlipunang reporma para sa sambayanan. Seksyon 2. Layunin nitong paunlarin ang kamulatan ng kasapian at ng mga mamayan at mapayabong ang pagkakaorganisa sa kanila upang maitaas ang kanilang ispontanyong pakikipaglaban sa antas ng mulat at mahinahong pakikidigma para sa kalayaan at pagbabago. Seksyon 3. Nilalayon ng RAM na palaganapin ang diwa ng rebolusyong 1896, at gawin itong integral na bahagi ng pakikiisa sa lahat ng mga progresibong pwersa at mga samahan ng mga mulat na mamamayan para sa makamit ang tunay Pambansang Kalayaan, Kasarinlan at Demokrasya at Pagkakapantay pantay ng sa gayun makamtan na ng sambayanan ang kasaganaan sa mahinahong paraan. Seksyon 4. Nilalayon din ng RAM ang mangalap ng pondo na di lang nakalimita

mula sa donasyon, subsidyo, kontribusyon at butaw ng kasapian kundi pati na rin sa mga kaalyadong organisasyon - pribado man o gobyerno

at ng mga pamahalaang lokal at dayuhan para sa pagsusulong ng anim (6) Programa ng RAM - Programang Pang-organisasyon, Pampulitika, Pang Ekonomiya, Pang Sosyal at Pang Militar at Pang Kalikasan. Seksyon 5. Makipagkaisa sa mga lokal at internasyunal na mga organisasyon o mga samahan na may kahalintulad ng mga layunin ng RAM.

Page 8: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Programa (Program)

Ang mga Punto ng Usapan ng Kilusan na panimulang ipinirisenta noong 1992 sa usapang pangkapayapaan, ay nanatiling balangkas (framework) ng RAM sa pormulasyon ng programa nito. Ang limang Punto ng Usapan nito ay ang mga sumusunod:

a. Pagkakamit ng mabuti, matapat, maka-tao, may kakayahan na pamahalaan para sa pagpapanibago at pagbabagong-anyo.

b. Pagpapatupad ng mga repormang panghalalan upang matiyak ang malinis, matapat, at may kaayusan, at malayang halalan.

k. Pagpapatupad ng mga patakaran at programa na may makabansangpag-unlad ng kabuhayan.d. Pagsasagawa ng tunay na hustisyang panlipunang programa sa

positibong pagtugon sa kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, at kriminalidad.

e. Pagbabalik –aral at muling paghahanay ng Pambansang depensa at seguridad na tutugma/o itotono ang pananagutan nito sa mga batayang pangangailangan at hangarin ng mga Pilipino.

Page 9: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Ang mga Punto ng Usapan ay nilinaw at binalangkas sa mga sumusunod:

Mga Programang Pampulitika (Political Programs)

Magdeklara ng saligang batas na sasalamin sa pambansang kalooban, kilalanin ang walang kaparis na pluralismo ng lipunang Pilipino, at tugunan ang matinding hangarin ng mamamayan para sa tunay na demokrasya, kasarinlan, at may mataas na kapangyarihan.

Mapanumbalik ang propesyonal at may kakayahang serbisyo publiko na mula sa gobyerno na kayang magpatupad ng batas, mamahala ng mga pampublikong kapakanan at paglingkuran ang sambayanan.Gawing makabago ang proceso ng halalan upang masiguro and malinis, matapat, at nasa kaayusan, at malayang halalan.

Makamit ang mabuti, matapat, makatao at may kakayahang pamahalaan para sa pagpapanibago at pagpapanibagong – anyo.

Page 10: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Mga Programang Pangkabuhayan (Economic Programs)

• Paunlarin ang makabansang ekonomiya na nakabatay sa Pag-asa sa sarili (self-reliance) at produktibong may pagbibigay-diin na makapag-sarili (self-sufficiency) sa batayang pangangailangan bilang di-maiiwasang

pundasyon para sa balansyadong (balanced) pang-agrikultural at pang-industriyal na paglago (growth) at sa pagtuloy-tuloy na pag-unlad (sustainable development) na dapat magamit (utilize) ang ating malawak na pantao (vast human) at likas na yaman (natural resources).

• Buuin ang makabago (modern) sapat (adequate) na imprastruktura upang mapabilis ang pag-unlad at industriyalisasyon.

• Magpatakbo ng hinggil sa mayroon oryentasyon-pagpapaunlad sa badyet.

Page 11: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Mga Programang Panlipunan (Social Programs)

* Itaguyod ang matuwid na pamamahagi ng salik (factor) ng produksyon at kasiyahan bunga ng pag-unlad sa loob ng

balangkas ng malayang kalakalan (free enterprise)

* Ipamahagi (dispense) at pangasiwaan ng parehas at mabilis ang hustisya

* Simulan ang mga reporma sa sistemang pang-edukasyon. Mapagbuti ang serbisyong pangkalusugan at ang

demograpikong balangkas (demographic profile).

* Puksain ang katiwalian at kabulukan.

* Itaguyod ang pangkalahatang pantaong pag-unlad na may pagdidiin hinggil sa moralidad, sa pagpapanibago lalo’t higit ang pagrespeto sa karapatang pantao at kagalingan

Page 12: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Mga Programang Militar (Military Programs)

a. Panatilihing papag-isahin, kapanipaniwala at propesyonal ang Sandatahang lakas para sa pambansang depensa at seguridad, at lumikha ng panteritoryong ahensya ng kapulisan para sa pagpapatupad ng batas at pagmimintina ng kaayusan at katahimikan. b. Bumalangkas ng makabagong programa na nakabatay sa napakalinaw na patakaran pandepensa na kinapapalooban ng

1. Pagbabawal (Interdiction) sa pinaka-maagang panahon ng anumang panlabas na puwersa (external forces).

2. Organisasyon ng isang pinakamataas na makilos(highly mobiles) sa kagamitan (well equipped) at mabilis na panlatag pwersa (rapid deployment force). (“lean and mean” standing forces) backed-up ng malakas na reserbang pwersa na may kakayahan sa pakikidigmang gerilya (guerilla warfare).

k. Palakasin ang nabal at ang bantay sa paligid ng karagatan (coast guard) na may ispesyal na kapabilidad upang protektahan ang teritoryong marino at likas na yaman na gating bansa.

Page 13: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

IV. MGA TUNGKULIN NG PAMAMATNUGOT

(CODE OF CONDUCT)

Page 14: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Basehan ng Mga Alituntunin ng Pamatnugutan (Basis of Code of Conduct)

Ang mga alituntunin ng Pamatnugutan ng RAM ay nanggaling sa inspirasyon na masidhing pagtagubilin ng Bonifacio, Mabini at ng iba pang mga bayani at martir, para sa ating mamamayan upang mahalin ang Diyos, Bayan at Sambayanan.

Sa pagdaan ng mga taon, ang bansa ay binitag sa isang sosyo-ekonomiyang ang sistemang pampulitika ay nilamon ng kasakiman at materyoso sa wari’y naligaw ng mga nagsi-sunurang mga namuno na natali sa mga patakarang ipinataw na kumubabaw sa atin upang di-makagalaw sa pamamagitan ng koloniyalisasyon. Ang sistemang ito ay natapos lamang sa pagsasamantala sa ating mga mamamayan at sa atin mga likas na yaman para sa kapakinabangan ng ilan lamang. Higit pa sa paghanap ng yaman, kabanalan at likas sa atimg mga ninuno ginawa ang kanilang simpleng pamumuhay, na likhain ang malakas na bansa, tayo’y naging bansa sa wari’y napahamak na naging isa sa pinakamalala sa buong mundo nitong milenyo.

Page 15: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Upang tayo’y sumulong, kailangan nating matutuhan ang bagong mga alituntunin ng Pag-uugali na maging nakasentro sa Diyos, maka-kalikasan, at maka-tao. Ang ating pansariling pag-uugali, pulitika at pagpapatakbo ng pamahalaan na dapat sumailalim sa mga alituntunin ng pag-uugali sa simula pa lang, “kung saan at may pagpapahalaga, hindi na nangangailangan ng mga batas at kung saan na mayroong mga batas subalit walang pagpapahalaga, ang mga batas ay hindi maipapatupad.” Itong alituntunin ng pag-uugali ang dapat maging pilosopiya para sa kapayapaan, pulitika at sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Dapat tayong maging mamamayan, na kayang magtayo ng malakas na bansa.

Dahil dito ang lahat ng kasapian ay hinimok at tinatagubilinan na mamuhay pamatnugutan ang kanilang mga sarili ng alinsunod sa mga sumusunod na panuntunan:

Page 16: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Nakasentro sa Diyos (God-centered)

• Paniniwala sa Diyos ng walang hanggang pagmamahal.

• Gumawa at sundin ang pangaral ng kabanalan at pananampalataya

• Galangin ang paniniwala ng iba.

Page 17: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Makakalikasan (Pro Nature)

Pangalagaan at kalingain ang Inang Daigdig, ang bukal ng pagsustena ng ating buhay.

Page 18: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Makatao (Pro People)• Paniniwala sa kapatiran ng tao, diwa ng komunidad at makabansa• Tanggapin ang responsibilidad pansibiko at

tungkulin at igalang ang karapatan ng iba• Makilahok sa mga Gawain ng estado, at magtaguyod ng mga pagbabago o reporma s a pamamagitan ng mapayapang kaparaanan• Lumaban para sa bansa bilang makabansa at

taong makabayan• Itaguyod ang isang matapat at disenteng pamumuhay.

Page 19: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

MGA KARAPATAN AT OBLIGASYON NG MGA KASAPI (ARTIKULO IV RAM Constitution)

Seksyon 1. Ang mga karapatan ng mga Ganap na Kasapi (Full Pledge Members) o mga Indibidwal na kasapi ay ang sumusunod:

a. Mahalal bilang delegado sa mga Asembleya ng Balangay, Kumperensya ng Distrito, Probensya, Rehiyon at Pambansang Kongreso;

b. Maghalal at mahalal bilang namumuno;k. Lumahok sa mga talakayan at bomoto sa pagbubuo

ng desisyon;d. Maghapag ng anumang panukala, kritisismo, o

pahayag para sa pagpapaunlad ng mga gawain o sistema ng pagkilos alinsunod sa mga sistemang isinasaad sa Konstitusyon o itinatakda ng RAM.

Page 20: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

e. Mag-apela sa nakatataas na organo hinggil sa anumang desisyon na hindi niya sinasang-ayunan habang ipinatutupad ang kanyang obligasyong sundin ang nasabing desisyon at tumanggap ng responsableng tugon;g. Magharap at makipagdayalogo para sa naiibang mga patakaran at mungkahi, kabilang na ang isang alternatibong plataporma kung may substansyal na pagkakaibang nakikita kaugnay ng Programa, Konstitusyon at Plataporma;h. Magpaabot sa Pambansang Pamunuan (National Board of Directors) ng mga sulating naglalaman ng sariling pagsusuri, opinyon o pagtingin hinggil sa anumang usaping pang organisasyon. Obligasyon ng NBOD na ipalaganap ito sa buong kasapian maliban kung makasisira ito sa pagkakaisa sa pagkilos ng RAM.i. Pumuna sa anumang organo at sinumang lider sa tamang mga porum ng Alyansa;l. Tamasahin ang karapatan sa due process sakaling sampahan ng akusasyon o kaso, na may karampatang aksyong pandisiplina kung napatunayang nagkasala;

Page 21: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

m. Matrato bilang kasama at kapatid at tamasahin ang karapatan sa pantay-pantay at walang pagkiling na

pagpapatupad sa Konstitusyon sa lahat ng kasapi;n. Makalahok at Makatanggap ng anumang programa ng

organisasyon na makakatulong sa kasanayan ng kanilang pampulitika, pang sosyal at pang- ekonomiyang pag-unlad.

o. Kusang magbitiw. Sinumang kasaping nagnanais magbitiw sa RAM ay dapat magsumite ng nakasulat na paliwanag sa batayan ng kanyang pagbibitiw at ilinaw ito sa pulong ng kinabibilangang Balangay.

Seksyon 2. Ang mga karapatan ng mga Di Ganap na Kasapi o Associate Members ay katulad ng sa mga Ganap na Kasapi maliban sa bomoto at magpaboto sa anuman posisyon ng RAM at bomoto sa mga disisyon ng organisasyon.

Page 22: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

Seksyon 3. Ang mga obligasyon ng mga kasapi ay ang sumusunod:

a. Maging tapat at sundin ang Konstitusyong ito, maging aktibo sa isang komitiba, yunit, organo o Balangay ng RAM at ipailalim sa direksyon ng RAM ang lahat ng pampulitikang aktibidad, ipatupad ang mga patakaran at desisyon ng namumunong mga organo, at gumampan ng gawain sa abot ng makakaya.b. Tiyaking napauunlad ang pag-unawa ng mga kasapi sa mga Programa, Layunain at Adhikain ng RAM, pataasin ang pang-ideolohiya at pampulitikang antas upang matugunan ang mahigpit, maigting at walang-kompromisong pagbatikos sa mga mapagsamantala.k. Lumahok sa mga pag-aaral at iba pang edukasyon, pagsasanay na

ipagkakaloob ng alyansa.

Page 23: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

d. Palakasin ang pagkakaisa ng RAM at ipagtanggol ito mula sa lahat ng babatikos o katunggaling pwersa labas man o loob ng Alyansa. Ipagtanggol ang mga adhikain at layunin sa lahat ng pagkakataon nang walang binibitawang anumang konsesyon. Pangalagaan ang seguridad at ipagtanggol ang prestihiyo ng pagiging kasapi ng RAM.e. Palawakin, palakasin at paunlarin ang RAM at ang impluwensya nito sa

lahat ng sektor ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng masigasig na pagkumbinsi sa kanila sa Programa, layunin at mga adhikain at mga patakaran at pagpapasapi sa kanila sa RAM.

g. Ipatupad ang mga desisyon ng RAM.h. Maagap na mag-ulat sa kinauukulang namumunong organo, hanggang

sa Pambansang Konseho (NBOD) at Pambansang Kongreso, hinggil sa anumang nalalamang paglabag ng sinumang kasapi sa Konstitusyon at mga desisyon at patakaran at sa anumang pangyayaring makasisira sa RAM.i. Tratuhin ang lahat ng kasapi bilang mga kapatid at kasama;l. Maagap na magbayad ng butaw, magbigay at mangalap ng dagdag na kontribusyong materyal at pinansyal.

Page 24: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

VII. PAMBANSANG

ISTRUKTURA

Page 25: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

ARTIKULOVIIIPAMBANSANG KONGRESO

ARTIKULO IXPAMBANSANG KONSEHO

ARTIKULO XPAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP (PKT) o National Executive

Committee (NEC) NG PAMBANSANG KONSEHO O NBOD

ARTIKULO XI

MGA KAWANIHAN

ARTIKULO XII

MGA PAMBANSANG PINUNO NG RAM

ARTIKULO XIII

PANREHIYON, PANG DISTRITO/PAMPROBINSYA AT PANG BAYAN/LUNGSOD NA ORGANISASYON NG RAM

ARTIKULO XIVTSAPTER

Page 26: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

NATIONAL OFFICERS

CHAIRMAN - GEN DANILO D. LIMSECRETARY GENERAL - WILLY CALDERONTREASURER - ENGR. MELVIN “BONG’ CONTAPAYNational Council Members -

COL ROBERTO ROCIOCOL FLORENCIO FLORESHORACIO FLORESSABELLO BIBIT IIICOL NESTOR FLORDILIZA

NATIONAL OD BUREAU :

BONG CONTAPAY - National Organizational Development CoordinatorREY ENALES - Deputy for National development CoordinatorCOL ROBERTO ROCIOLT ROMAN VICENTE

Page 27: PAANO ANG PAGSAPI SA RAM

MARAMING SALAMAT!

National Organizational Development Bureau