moralistikong pagdulog

16
Pormalistiko Sa pagdulog pormalistiko,pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aaralan ang mga elementong bumubuo sa katha. Madaling maipaliwanag ang kabuuan ng akda kung ang mga elementong taglay lamang ng akda ang higit na pinag- uukulan ng pansin.

Upload: graceyapdequina

Post on 07-Feb-2016

599 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

Teoryang Moralistiko s mga akda.

TRANSCRIPT

Page 1: Moralistikong pagdulog

Pormalistiko Sa pagdulog

pormalistiko,pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aaralan ang mga elementong bumubuo sa katha.

Madaling maipaliwanag ang kabuuan ng akda kung ang mga elementong taglay lamang ng akda ang higit na pinag-uukulan ng pansin.

Page 2: Moralistikong pagdulog

Ang pormalistikong pagsusuri ay isang pagdulogna nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o paglalapat samga napapaloob sa isang akda. Ito ay nakatuon sa paraanng pagkakabuo ng akda, pagpili ng mga salita at wika o dayalogong ginamit at ang iba‟t ibang kabuluhan nito.Ang pagdulog na ito ay hindi nakabatay sa sino, ano, kailan, saan o bakit kundi sa paano. Ito aytinatawag na ngayon makabagong panunuri o newcriticism.

Page 3: Moralistikong pagdulog

PORMALISTIKONG KWENTO

I. Pagkilala ng may-akdaRogelio R. Sikat ay sa mahuhusay na manunulat.Marami narin siyang nailagda na mga kwento sa libro.Karaniwan niyang sinusulat ay bumabatay sa buhay ng tao at maiikling kwento.

II. Uri ng panitikanMaikling kwento. (Gawad Carlos Palanca noong 1962 )

TATA SELO

Page 4: Moralistikong pagdulog

Buod:TATA SELO

Punong-puno ng tao sa bakuran ni Tata Selo. Halos lahat ng tao ay di-makapaniwala sa ginawa ni ng matanda. Nagulat pati ang kanyang kaibigan, sa

pagpatay ni Tata Selo sa Kabesa.

Dinakip ng mga pulis si Tata Selo at dinala sa istaked o prisinto. Iyak ng iyak si Tata Selo at

sobrang higpit ang pagkakapit nito sa rehas. May isang binatang nagtanong kay Tata Selo, kung

bakit nya pinatay ang kabesa. Hindi makapagsalita si Tata Selo. Hindi narin nakatiis si Tata Selong

sabihin sa binata ang lahat, pilit nitong sinasabi na malakas pa siya at kaya pa niyang mag saka wag lang ialis sa kanila ang bukid. Talagang sa kanya ang sakahan ngunit isinanla ito dahil may sakit

ang kanyang asawa.

Page 5: Moralistikong pagdulog

Kinabukasan alas-dose na ngunit hindi pa siya dinadala sa hukuman. Maya-maya tinawag narin sya ng isang pulis at sinamahan siya nito. Tinanong siya kung ano ang dahilan ng pagpatay sa kabesa. Halos hindi makapag-salita si Tata Selo dahil sa takot. Tinanong ulit siya nito, at sinabi ulit ni Tata Selo na kaya lang nya napatay ang kabesa dahil pilit kinukuha ang kanilang sakahan.Pagkatapos ay tinawag siya ng mas mataas na hepe at tinangkang suntukin ito sa tiyan at batukan . Kinabukasan dumating ang kanyang anak na si Saling na halatang nangungulila sa ama.

Page 6: Moralistikong pagdulog

Sinabi ni Tata Selo na huwag nang sabihin ang lahat ng alam at huwag ng magsumbong. Kaya't ibinalik siya sa istaked at nakita nya ang binatang nakausap. Kaya't nakaisip ng paraan si Tata Selo na magsulat ng liham sa hepe. Ngunit gulat na gulat at lungkot na lungkot siya nang hindi tinanggap ng hepe ang sulat. Kaya't nasabi niya sa sarili na kinuha na ang lahat sa kanila.

Page 7: Moralistikong pagdulog

Layunin ng may-akda ay bigyang kahulugan ang kwento hindi lamang sa sulat kundi nasa isipan ng mambabasa.

Tema o paksang Akda:-Hindi tama ang pumatay ng kapwa. Ang hindi pagkakaintindihan ang karaniwang naging dahilan ng masamang mga pangyayari.

Mga Tauhan o Karakter sa akda:Tata selo- isang magsasakaKabesang tano- Kolektor ng lupaSaling- anak ni Tata Selo

Page 8: Moralistikong pagdulog

Tagpuan/Panahon Sakahan/Bukid at sa prisinto

Mga kaisipan o ideyang taglay ng akdaDahil sa pagkasakim ng tao (hal. Kabesa) at sa takot at galit na nangingibabaw sa inaapi (Hal. Tata Selo) nagkakaroon ng masamang epekto o pangyayaring nakapagsasakdal ng isang tao sa buhay na hindi kailan man ninanais na maranasan (kamatayan o pagkakakulong).

Page 9: Moralistikong pagdulog

Istilo ng pagkakasulat ng akda.

Ang istilo ng pagsulat ng akda ay akmang-akma lang sa lahat ng mambabasa at merong pagkakaayos ang mga pangyayari, tumutugma sa sinasabi ng bawat karakter na gumaganap.

Page 10: Moralistikong pagdulog

MORALISTIKONG PAGDULOG

Dito ang tao ay makatwiran nilikha na may malawak na pag-iisip at kusang-

loob. Gagabay sa atin sa kung ano ang mabuti, tumpak at makatwiran batay sa batas ng Diyos at tao. Ito'y nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan, kaisipan,

at damdamin ng tao.

Page 11: Moralistikong pagdulog

Dekada 70Unang gantimpala sa Gawad-Palanca noong

1981-1982 Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa

hangarin ng isang babae nagmagkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan. 

Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan. 

Page 12: Moralistikong pagdulog

Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaad ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian. 

Page 13: Moralistikong pagdulog

Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo. 

Page 14: Moralistikong pagdulog

Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason. 

Page 15: Moralistikong pagdulog

Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng kanilang pag-uusap at pagkakaunawaan. 

Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. 

Page 16: Moralistikong pagdulog

Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang mahigit sa tatlong daang bilanggo. 

Matapos ang lahat, nagkaroon na ng kani-kanyang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siya nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na muli sila ni ng kanyang asawang si Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.