pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home
DESCRIPTION
Way Back Home of Star Cinema starring Kathryn Bernardo and Julia MontesTRANSCRIPT
Pormalistikong Pagdulog sa Pelikulang
Way back Home
FELY N. VICENTE MAED-FILIPINO
BB. ERNA SALASGURO SA FIL 505
PAMANTASAN NG XAVIER- ATENEO DE CAGAYANKOLEHIYO NG SINING AT
AGHAMDEPARTAMENTO NG FILIPINO
Balangkas ng PagsusuriI. Introduksyon
II. Buod
III. Sangkap ng Dula
IV. Mga Bisa ng Akda
V. Kongklusyon
I. Introduksyon
Ang pormalistikong pagsusuri ay isang
pagdulog na nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o
paglalapat sa mga napapaloob sa isang akda. Ito ay
nakatuon sa paraan ng pagkakabuo ng akda, pagpili
ng mga salita at wika o dayalogong ginamit at
ang iba’t ibang kabuluhan nito. Ang pagdulog na ito
ay hindi nakabatay sa sino, ano, kailan, saan o bakit
kundi sa paano. Ito ay tinatawag na ngayon
makabagong panunuri o new criticism.
Sa pagsusuring ito sa pelikulang pinamagatang
“Way Back Home”, ang manunuri ay nakatuon sa anyo
ng pagkakagawa nito. Sa kung paano ang mga
pangyayari ay nagkawil-kawil, kung paano ang mga
pag-uugali ng mga pangunahing tauhan ay nagbago o
magbabago sa pagsulpot ng isang suliranin, kung
paano ang suliranin ay nagbunga pa ng iba pang
suliranin at kung paano binigyang solusyon ang
suliranin sa pelikula.
II. Buod
Ito ay kwento ng dalawang magkapatid, si
Joanna (Kathyrn Bernardo) at Jessie (Julia Montes).
Nagkahiwalay ang dalawa noong sila ay mga bata pa
lamang. Di sinasadyang nabitawan ni Jessie si Joanna
nung siya’y nagkukumahog na matingnan ang mga
maliliit na pagong. Naiwanan sa may dalampasigan
si Joanna na nagtungo naman sa ibang direksyon na
inaakalang doon pumunta ang kanyang kapatid.
Lumipas ang labing-dalawang taon,
nahanap ni Amy (Agot Isidro) si Joanna sa
pamamagitan ng “Lukso ng Dugo”. Hindi
matanggap ni Jessie ang pagbabalik ng kanyang
nakababatang kapatid na siya namang inaasahan
sana ng kanyang mga magulang. Nabuhay siyang
may dinaramdam na insekyuridad at mga
kabiguan. Ginagawa niya lahat magalak lamang
ang kanyang ina. Nagsimula ang hidwaan nilang
magkapatid, nanatiling mapagkumbaba at
mapagpatawad si Joanna, samantalang, mainitin
at malupit si Jessie.
Ang kanyang kalupitan ay nagwakas nang sila’y
nagkasubukan ng paunahang makarating sa paglangoy sa
ibayong bundok. Kung matatalo siya ni Joanna ay
patatahimikin na niya ito. Sa kasamaang palad, hindi
nakasanayan ni Jessie ang paglangoy sa dagat. Nalunod si
Jessie sa kalagitnaan ng kanilang paglangoy. Nananalo na
sana si Joanna, ngunit pinili niyang lumangoy pabalik upang
matulungan ang kanyang kapatid. Na ospital si Jessie, at
napagpasyahan ni Joanna na bumalik sa pamilyang
kumupkop sa kanya sa Zambales. Sa huli, napagtanto ni
Jessie ang kanyang pagkakamali at humingi ng
kapatawaran sa kanyang kapatid. Nabuo ulit ang kanilang
pamilya.
III. Pagsusuri
Tagpuan
Ang naging tagpuan sa pelikulang ito ay sa
dalampasigang may mga maliliit na pagong kung saan
aksidenteng nabitawan ni Jessie ang nakababatang kapatid
na si Joanna. Malaki ang naging kinalaman ng lugar na ito
sapagkat dito nagsimulang magkalamat ang samahan ng
pamilya Santiago.
Julia Montes bilang Jessica Lorraine S.
Santiago
Tauhan
Nakatatandang kapatid ni
Joanna na may malaking inggit
rito. Hinahanap-hanap niya
ang pagmamahal at atensyon
ng kanyang mga magulang
lalong lalo na ang kanyang ina
na si Amy. Sa kalaunan,
nagbago ang kanyang pag-
uugali at mas naging mainitin
pa ang kanyang ulo nang
bumalik ang kanyang kapatid.
Kathryn Bernardo bilangAnna Bartolome /
Joanna Liezl S. Santiago
Nakababatang anak nina
Amy at Ariel at kapatid ni
Jessie na nawala sa
dalampasigan. Nahirapan
siyang makibagay sa mga
taong kailan lang niya
nakilala. Mas naging
mahirap sa kanya ang
pakitunguhan ang
kanyang nakatatandang
kapatid na si Jessie.
Agot Isidro bilangAmelia "Amy" Santiago
Ina ng magkakapatid na
sina Jessie at Joanna. Hindi
nawalan ng pag-asa na
balang araw makikita niya
ang kanyang bunsong anak
na nawala sa dalampasigan.
Sa kagustuhan niyang
makita ang anak, ginugol niya
ang kanyang atensyon rito at
hindi inalintana na may mga
anak pa siyang
nangangailangan ng kalinga
at pagmamahal niya.
Tonton Gutierrez bilangAriel Santiago
Asawa ni Amy na siyang
walang sawang umintindi
rito. Hindi niya pinapakita
na siya’y nahihirapa’t
napapagod rin. Mas pinili
niyang ituloy ang kanilang
buhay kahit pa nawala ang
kanilang bunsong anak.
Mapagmahal na ama at
pantay ang turing sa
kanyang mga anak.
Sam Concepcion bilangAJ
Nanligaw kay Jessie na
nung una’y pinagtawanan
lamang nito. Itinago niya
ang kanyang
nararamdaman ng sa
ganun hindi na siya
mapahiya pang muli. Sa
kalaunan ay hindi pa rin
niya ito maikubli kahit pa
napahiya na siya.
Nagpatuloy pa rin ang
kanilang ugnayan.
Enrique Gil bilangMichael
Matalik na kaibigan ni
Joanna na sa
pamamagitan ng
kanyang mga fish jokes
napagagaan niya ang
pakiramdam nito.
Matagal ng may lihim na
pagtingin kay Joanna
ngunit hindi lang niya ito
masabi sabi sa dalaga.
Lotlot De Leon bilangLerma
Kinilalang ina ni Joanna
na siyang kumupkop rito’t
itinuring na parang tunay
na anak. Inang hindi
alintana kung sa kanyang
sinapupunan nanggaling o
hindi man si Joanna. Ang
mahalaga sa kanya ay
maipakita rito ang kanyang
wagas na pagmamahal.
Sulyap sa Suliranin
Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw o flashback nailahad ang
naging sanhi ng pagkawalay ng bunsong
anak nina Amy at Ariel na kung saan ay
aksidenteng nabitawan ni Jessie ang kamay ni Joanna dahilan upang
magkaiba ang daan na tinungo ng dalawa.
Banghay
Saglit na Kasiglahan
Nagkrus ang landas ni Amy at Joanna nang kapwa lumahok sa
kompetisyon sa paglangoy ang kanyang anak na si Jessie at ang nooy
hindi pa niya nakikilalang anak na si Joanna. Nagkataon na narinig ni Amy
ang pagkanta ni Joanna na siyang nagpalukso ng kanyang dugo dahil sa
iyon ang kantang kanyang inaawit sa tuwing inihehele niya ang kanyang
bunsong anak. Agad niyang nabatid na ito na ang matagal niyang
hinahanap na nawawalang anak. Hindi naman lubos maisip ni Ana (Joanna)
na magkakaroon ng kapalit ang kanyang pagkapanalo sa kompetisyon.
Nasambit pa nga niya:“ Kung ang kapalit ng pagkapanalo
ko, ang pagkawala ng pagkatao at
pamilya ko, sana hindi na lang ako
nanalo”. Sa kabilang dako naman, nagkaroon ng pagtatalo sina Amy at
Ariel dahil sa paggiit ng una na si Ana ang kanilang nawawalang anak.
Narito ang bahagi ng kanilang pagtatalo:“At kung hindi siya ‘yon? Then what? Hindi pa ba sapat na minsan ng nawala sayo ang anak mo? Paulit-ulit na lang ba tayong aasa’t masasaktan? Why wouldn’t you allow yourself to be happy? Why wouldn’t you allow this family to be happy?” pahayag ni Ariel.
“ Im sorry kung naging hadlang ako sa kaligayahan
ninyo. And im sorry kung hindi ako katulad ninyo na kayang
kalimutan si Joanna ng ganun-ganun lang. And im so sorry
Ariel, kung hanggang ngayon mahal ko pa rin ang anak ko.
At gagawin ko ang lahat para maibalik lang siya” tugon ni
Amy.
“So ako? Dahil pinili kong ituloy ang buhay ko, hindi ko
na minahal si Joanna? Ganun? Dahil hindi ako umiyak sa
harapan ninyo hindi ako nasaktan nung nawala si Joanna.
Ganun ba ‘yon? Ganun ba ‘yon? “ Huling pahayag ni Ariel.
Naging malaking katanungan naman para kay Jessie
ang pangyayaring iyon at naihayag niya ang kanyang
saloobin.
Sa kabuuan naging simula ‘yon ng pag-inog muli
ng buhay ni Amy. Natagpuan niya ang kanyang anak
na matagal ng nawala sa kanila. Ngunit ang naging
kapalit naman nito ay ang pagkalamat ng kanilang
mga relasyon.
“ Dad, kung siya nga po talaga si Joanna, kung pwede pa pong mabuo ang pamilya natin, kahit ilang beses pa po niya akong talunin, okey lang po. Dad please pagbigyan niyo na po si Mommy”.
Tunggalian
Sa pelikulang ito, makikinita natin na tatlo
ang naging tunggulian. Ito ay tao laban sa sarili,
tao laban sa tao at tao laban sa pagkakataon.
Tao laban sa Sarili
Naging mahirap para sa mga pangunahing
tauhan na tanggapin ang katotohanan. Lalong lalo
na ang magkapatid na sina Jessie at Joanna.
Pinipigilan ko ‘yong nararamdaman ko. Kaya ako mismo ‘yong pumilit kay Daddy na sunduin si Joanna. I thought my feelings would change. I wanted my feelings to change. It never change. Naiinis ako AJ. Naiinis ako kasi nakikita ko ang saya-saya ng Mommy ko. She never smiled at me or look at me the way she does at Joanna. Galit na galit ako sa kanya nun. Kasi ayaw niyang sumama sa amin. Kasi nakita ko ang lungkot ulit ni Mommy ehh.. Alam mo ba ang ayokong maramdaman ulit?.. Guilt! Nagiguilty ako kasi natutuwa ako kasi pinili ni Joanna na huwag ng bumalik sa buhay namin” Madamdaming pahayag ni Jessie kay AJ.
“ Nakita na si Joanna… Yeah! Dapat… Akala ko nga ehh.. Ilang taon akong nagdarasal na sana makita na namin siya na makumpleto na kami. So that everything will be okey again. Pero bakit hindi ganun? Alam mo hindi nga ako natuwa nung makita namin siya eh. (akmang iiyak) Ang sama ko no?
“ Pasensya na po huwag ninyo po sanang
mamasamain ang sasabihin ko sa inyo pero hindi po ako
makakasama sa inyo. Nagpapasalamat po ako dahil
nagkita tayo ulit. Salamat po dahil hindi ninyo ako
nakalimutan. Pero nandito po kasi ang buhay ko eh..
nandito po ang pamilya ko” Mahinahong paliwanag ni
Joanna sa harapan ng kanyang mga magulang.
Sa naibigay na dayalogo sa itaas, makikita na nag-
aalab ang mga damdamin nina Jessie at Joanna. Hindi nila
matanggap sa kanilang sarili ang katotohanang sila’y
magkapatid. Gusto nilang kumawala sa katotohanan nang
sa ganun hindi na sila makaramdam pa ng kahungkagan.
Tao laban sa Tao
Malinaw na nailahad sa pelikulang ito ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid,
mag-ina, mag-asawa at maging sa magkakaibigan.
Hidwaang Mag-ina
“ Yes Mom can we please don’t talk about her. Cause they don’t want to be here”
Pagsusumamo ni Jessie.
“ Wala rito ang kapatid mo dahil…” Putol na pahayag ni Amy
“ Kasalanan ko! Common say it, it’s my fault. Kung di ko sana kayo sinuway eh di
sana nandito pa si Joanna. Ako may kasalanan di ba? Eh di sana nandito pa siya
hanggang ngayon. Ano? Kasalanan ko di ba? Kasalanan ko. No! Sige na! Sabihin
niyo na sa akin na kasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit niya tayo
kinalimutan. Kasalanan ko kung bakit hindi siya sumama sa atin. Kasalanan ko
kung bakit ibang pamilya ang pinili niya. Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ‘tong
lahat! Ayan Mommy inamin ko na. Ehhh ‘kaw? Kailan mo aaminin na ikaw ang
dahilan kung bakit nagkandaletsi-letsi ang pamilyang ito?” Naibulalas ni Jessie sa
tindi ng nadarama.
Pagkatapos niya iyong maibulalas ay isang sampal ang
natanggap niya mula sa ina. Mahihinuha natin sa
sagutan ng mag-ina na matagal ng ikinukubli ni Jessie
ang bigat sa dibdib dahil alam niyang siya ang sinisisi
ng kanyang ina sa pagkawala ni Joanna. Kaya
nabigyan siya ng pagkakataong mailabas ang tunay na
saloobin sa ina. Sa kabilang banda naman, ayaw
naman direktang sabihin ni Amy sa anak na siya ang
sinisisi nito. Ngunit magkaganun pa man, naipakikita
naman niya rito sa pamamagitan ng kanyang mga
kilos ang matamlay na pagtrato niya rito.
Hidwaang magkaibigan
“Hassle ka sa buhay alam mo ‘yon? Everyone asking me where
you are” Saad ni AJ.
“ Pasensya ka na huh? There was a time naman na hindi ako
hassle sa buhay mo” Tugon ni Jessie.
“ Yeah! There was a time that I was foolish enough to think that
when I tell you that I love you, you just say back. Pero pinagtawanan
mo lang ako” Giit ni AJ.
“ AJ” Tawag ni Jessie.
“ Am not gonna give you a chance to do that again” Huling
pahayag ni AJ.
Sa dayalogong iyon nina AJ at Jessie, malalaman natin na may
dati na silang naging alitan. Ang palitan nila ng mga salita ay patama
nila sa isa’t isa.
Hidwaang magkapatid.
“ Ana! I told you not to touch my things” pagalit na saad ni Jessie.
“ Ate sandali. Ate sorry… gusto ko lang naman…” Putol na pahayag
ni Joanna.
“ Gusto mong agawin lahat sa akin!” ani Jessie.
“ Hindi ate! Wala akong balak agawin…” Pagsusumamo ni Joanna.
“ Sinungaling ka talaga. Alam mo bang bata pa lang tayo mang-
aagaw ka na hanggang ngayon mang-aagaw ka pa rin!” dagdag ni Jessie.
“ Akala ko kasi ate matutuwa ka ehh..” nanginginig na sambit ni
Joanna.
“ Mukha ba akong natutuwa? Pakialamira ka ehh.
Ginugulo mo lahat. Gusto mo kasama ka sa lahat. You want to
be friends with my friends? You can’t! Because they don’t like
you. You want to be part of the swimming team? You can’t!
Because hindi ka namin kailangan! You want to be part of
everything I am? You can’t! Dahil ayoko!” tuloy-tuloy na
pahayag ni Jessie.
“ Jessie, puwede bang kumalma ka lang? Ganyan ka ba
magalit dahil sa isang laruan lang? Ang O.A mong mag-react.
Puwede bang easy ka lang okey?” Awat ng kanilang
nakatatandang kapatid na lalaki.
“ Don’t tell me to take it easy. Because you don’t know
how I feel” Huling pahayag ni Jessie.
Sa batuhan ng mga pahayag ng
magkakapatid, makikita natin ang tindi ng galit na
nararamdaman ni Jessie sa kanyang kapatid na si
Joanna dahil iniisip nitong nais agawin ng huli ang
kung ano man ang mayroon siya. Mapapansin rin
natin na nais lang naman sana ni Joanna na
mapasaya ang kapatid ngunit iba pala ang magiging
kapalit nito. Umawat naman ang kanilang kuya sa
kanila ng sa ganun maibsan nang kaunti ang
tensyon sa pagitan nila.
Tao laban sa Pagkakataon
Makikita rin natin sa pelikula na bunga lamang
ng pagkakataon ang mga naging suliranin.
Nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng mga
pangunahing tauhan dala na rin sa katotohanang
nais nilang maikubli. Ang naging dahilan ng suliranin
at ang nag-udyok pa sa iba pang suliranin ay
pawang hindi naman inaasahan. Nagkataon lamang
na magiging ganun kasalimuot ang kanilang mga
buhay.
Ang naging kasukdulan sa pelikula ay nung magkaroon sila ng
retreat sa may isla na kung saan nagpustahan ang magkapatid na
lumangoy sa dagat. Kung sino ang unang makalangoy patungo sa isla
ang siyang mananalo at maaari makamit ang hiling o gusto. Narito ang
bahagi ng kanilang pustahan.
“ Ate bakit ba hindi mo ako mapatawad? Ate? Ano ba ang naging
malaking kasalanan ko sayo?” tanong ni Joanna.
“ Nabuhay ka. Nabuhay ka’t lahat ng pagmamahal ni Mommy
binigay niya sayo. Wala na siyang tinira sa akin.” Direktang sagot ni
Jessie.
Kasukdulan
“ Hindi totoo yan! Mahal ka ni Mommy.” Giit ni Joanna.
“ Hindi! Araw-araw pinagbabayaran ko yong pagkawala mo. Araw-
araw nakikipagkompetensya ako sa multo mo. At araw-araw natatalo
ako. Sana ako na lang ang nawala. Ang daya daya ehh.. ikaw dalawang
nanay ang nagmamahal sayo. Bakit napakadali ng lahat para sayo.”
Tugon ni Jessie.
“ Akala mo ganun lang kadali yun. Ang iwan ang nakasanayang
kong pamilya? Ang isantabi si Ana para maging si Joanna? At subukang
makipagsabayan sa buhay ninyo? At anong kapalit nun ate? Lahat ng
pananakit at pang-iinsulto mo sa akin ate. Hindi yon madali. Araw-araw
mong pinagbabayaran ang pagkawala ko? Ehh ako? Hanggang kailan
mo ako sisingilin sa pagbabalik ko ate? Sabihin mo? Anong kailangan
kong gawin para mapatawad mo na ako? Ano ang kailangan kong gawin
para matanggap mo na ako?” may pagpapakumbabang sabi ni Joanna.
“ Nakikita mo ‘yon? Talunin mo ako!” ani ni Jessie.
“ Ate hindi ka sanay lumangoy sa dagat, delikado.”
Awat ni Joanna.
“ Wala akong pakialam. Kung matalo mo ako
patatahimikin na kita. Kapag nanalo ako maglalaho ka na
nang tuluyan sa buhay ko.” Hamon ni Jessie.
Sa pustahang yaon ng magkapatid, muntikan ng
malunod si Jessie dahil nga hindi siya sanay lumangoy sa
dagat. Habang siya ay nalulunod na, paulit ulit na nasambit
ni Jessie ang pangalan ni Joanna upang siya ay matulungan
nito.Nangibabaw naman ang pagkaawa ng huli sa kanyang
kapatid kung kaya’t iniligtas niya ito.
Kakalasan
Dahil sa muntikang pagkalunod ni Jessie, napagtanto ni Joanna na
kailangan na siyang magpakalayo layo upang matahimik na ang
kanyang ate. Narito ang bahagi ng kanyang pahayag.
“ Sorry po Mommy. Sorry po.” Paumanhin ni Joanna.
“ Sorry for what?” tanong ni Amy.
“ Hindi po dapat ako pumayag sa hamon ni Ate” Paliwanag ni Joanna.
“ Okey na anak. Im just glad you were there to save your sister.”
Tugon ni Amy.
“ Puwede po bang umuwi na ako sa Zambales? Dun na lang po ako.
Sana po maintindihan niyo. Gustong gusto ko po kayong makasama.
Pero ayaw ko na pong nakikitang nasasaktan si Ate” ani Joanna.
“ Labing dalawang taon po tayong
nagkahiwalay pero mas napalayo po kayo kay ate.
Hindi po ako ‘yong totoong nawala. Si Ate Jessica po.
Kasama niyo po siya pero nawala po siya sa paningin
niyo. Kaya baka kailangan po na mawala ulit ako
para si Ate Jessica naman po ‘yong mahanap niyo”
Diin ni Joanna.
Ito ang nakitang paraan ni Joanna upang nang
sa ganun ay matahimik na ang kanyang buhay. Nais
niyang maipakita naman ng kanyang ina ang
pagmamahal at atensyon na ibinibigay nito sa kanya
sa kanyang kapatid.
Wakas
Nagtapos ang pelikula ng masaya sapagkat
napagtanto na ni Jessie ang kanyang pagkakamali at
natanggap na niya si Joanna bilang kapatid.
Binigyang-halaga na rin siya ng kanyang inang si
Amy. Naipakita na rin nito ang pagmamahal at
atensyong kanyang hinahanap simula’t sapol.
Naging magkasundo na rin silang magkapatid.
Nanumbalik din ang pagtitinginan nina AJ at Jessie,
at mas lumalim pa ang samahan nina Joanna at
Michael. Nabuong muli ang kanilang pamilya.
Ito yaong palasak na wakas sa mga
pelikulang Pilipino, ang tinatawag nating “happy
ending”. Ito ang kinagigiliwan nating uri ng wakas
sapagkat nais natin na maging masaya ang mga
pangunahing tauhan sa huli matapos nilang
mabigyang-solusyon ang kanilang naging
suliranin. Kung kaya’t masasabi nating naging
predictable ito sa mga manonood sapagkat alam
na natin ang kasunod.
IV. Bisa ng Akda
Bisang Damdamin
Paulit ulit ko nang pinanuod ang pelikulang ito. Nabigyang-katarungan ng
mga karakter ang kanilang papel na ginagampanan. Bawat isa sa kanila ay
maayos na naipakita ang pag-uugali mayroon ang karakter na kanilang
ginagampanan. Nailahad rin nila ng mabisa at mahusay ang damdaming nais
nilang maipakita at maramdaman ng mga manonood. Ang kanilang mga
emosyon ay akma sa kanilang mga ikinikilos.
Naiparating sa akin ang walang kapalit na pagmamahal ng isang ina sa
kanyang anak. Ang hindi pagkawala ng paniniwala na mahahanap at
mahahanap rin niya ang kanyang anak. Para na ring ako ang isa sa mga
karakter sa pelikula dahil naramdaman ko rin ang kanilang naramdaman. Ang
galit, tuwa, inis at poot, ilan lamang yan sa mga damdaming nangibabaw sa
pelikula. Damdaming maging ang mga manonood ay makahinuha rito.
Bisang Kaisipan
Naipakita sa pelikula ang tinatawag nating close
family ties na kung saan isa ‘yan sa ating pagkakakilanlan
bilang mga Pilipino. Nakagawian na natin ang pagiging
malapit natin sa ating pamilya. Pinapahalagahan natin ang
pananatiling buo ng ating pamilya kahit pa sa mga
pagsubok na dumarating sa atin.
Naging positibo rin ang pananaw na naipakita ng
pelikula dahil sa kabila ng mga suliranin naranasan ng
mga pangunahing tauhan ay nananatiling buo ang
kanilang paniniwala na sa huli ay magiging kumpleto rin
ang kanilang pamilya.
VI. Kongklusyon
Mabisang nailahad sa pelikula ang totoong nangyayari sa
ating lipunan ngayon lalong lalo na sa suliraning pampamilya.
Ang mga di maiwasang palitan ng mga maaanghang na mga
salita sa pagitan ng mga magkakapamilya. Ang mga inggitang
nangyayari sa pagitan ng magkakapatid. At ang simpleng
away-bati ng magkakaibigan. Magkagayon man, naipakita pa
rin sa pelikula na kahit anong mangyari, ang pagmamahal ng
isang ina ay wagas at hindi mapapantayan. At ang
pananatiling buo ng isang pamilya ang pinakamahalaga sa
lahat kahit pa marami ng pagsubok ang dumaan.
Ginamit naman nila ang fish jokes upang nang sa
ganun mapagaan ang ilang mabibigat na eksena. Ito ang
nagsilbing pampagaan ng mga naglalagablab na
damdamin ng mga tauhan.
Naipakita rin sa pelikula ang pagpapatawad at
pagtanggap. Na kung saan maihahalintulad natin sa
kasabihang, “Kakambal ng pagpapatawad ay ang
paglimot”.
Kung tayo ay nagpapatawad ay nangangahulugang ito na
natanggap na natin ang katotohanan at handa tayong
lumimot sa mga masasamang nangyari sa atin at maaari
na tayong makapagsimulang muli.