mga baytang ng buhay2
TRANSCRIPT
Mga Baytang ng Sinaunang Buhayat
Mga Yugto ng Ebolusyon ng Tao
Mga Baytang ng Sinaunang Buhay
Tanong:
Paniniwalaan mo ba na ang mga isda ay ang ninuno ng mga ampibo at reptilya; at ang reptilya naman ay ninuno ng mga mamal?
….na samakatuwid ay ang ninuno nating lahat ay mga isda?
Mga Baytang ng Sinaunang Buhay
Protozoa 5 bilyon – 400 milyong taon
400 – 200 milyong taon Fishes
Amphibians Reptiles 200 – 70 milyong taon
70 - 2 milyong taon Mammals
Mga Baytang ng Sinaunang Buhay
Patunay:Ayon sa Baytang ng Sinaunang Buhay, ang ninuno ng lahat ng hayop diumano ay nagmula sa mga isda. Kung kaya ang sinundan nitong mga reptiles, kabilang ang mga dinosaur ay mga pawang nangingitlog.Kakikitaan din ng ganitong katangian ang ilang mga mammals na kung tawagi’y mga monotremes (nangingitlog) gaya ng echidna at duckbilled platypus at mga marsupials (nagluluwal ng underdevelop na supling) gaya ng kangaroo at koala.
Mga Yugto ng Ebolusyon ng Tao
Tanong:
Naniniwala ka ba na ang ninuno ng kasalukuyang mga tao ay ang mga bakulaw?
Paalaala:Ang bakulaw ay apes at ang unggoy ay monkey na pawang magkaibang uri (specie) subalit nagkakatulad na sari (genera o genus).
HominidDryopithecus - unggoy na pinaniniwalaang pinagmulan ng tao dahil sa hugis ng ngipin nito na nahahawig sa tao.40 milyong taon
Ramapithecus - Noong una, itinuturing na itong pinakamatandang ninuno ng Hominid.Ngunit dahil sa mga bagong tuklas, inalis ito sa linya ng hominid at inilagay sa linya ng posibleng pinanggalingan ng orangutan. Natagpuan ang labi sa Siwalik Hills, India. 14 milyong taon
Homonid
Australopithecine - Sa kasalukuyan, ito ang pinakamatandang ninuno ng tao na matatagpuan sa Silangan at Timog Africa. Isang halimbawa nito ang Ardipithecus ramidus na tinatayang may tanda na 4.4 - 4.5 milyong taon.
Australopithecus africanus - Natagpuan ni Raymond Dart ang labi nito sa Timog Africa noong 1924. - may malapit na pagkakahawig sa tao.- ipinalalagay na tila lagare ang mga ngipin nito bunga ng pagkain ng mga hilaw na karne.
Homonid Australopithecus robustus - Noong 1959, natagpuan ng mag-asawang antropologong sina Louis at Mary Leakey ng Great Britain ang labi nito sa Olduvia Gorge, Tanzania. -halos pantay-pantay na ang mga ngipin nito bunga ng paggamit ng mag dahon bilang panlinis ng mga ngipin.
Australopithecus afarensis - Ito ay nahukay ng arkeologong Amerikano na si Donald Johanson sa Afar, Ethiopia noong 1974. - Ito ay isang buong kalansay ng batang babae na pinangalanang Lucy- Halos kapareho ng laki ng utak at ngipin ni Lucy ang sa chimpanzee, pero halos kapareho naman ng sa tao ang pelvic bone at binti nito.
Homo habilis
Ito ang itinuturing na unang tunay na tao. Mas matangkad ito kaysa Australopithecus africanus at nangangaso ng malalaking hayop. Ito ay natuklasan sa Tanzania, Africa na tinatayang may edad na 2-1.5 milyong taon.Ang pagkakaiba nito sa hominid ay ang kakayahan nitong gumawa ng kagamitang bato. Isang halimbawa nito ay ang Zinjanthropus.
Homo habilis: ZinjanthropusNatagpuan ni Dr. Louis S.B. Leakey noong 1959 sa Olduvia Gorge, Tanzania sa Silangang Africa ang labi ng unang pangkat ng homo habilis. - nakalalakad ito nang tuwid- may taas na 4 na talampakan. - higit na mataas ang kaalaman nito sa pinatutunayan ng mga nahukay na kasangkapang yari sa bato na pinaniniwalaang ginamit na panghiwa ng karne ng hayop na kanilang kinakain.
Homo erectus
Ang Homo erectus ay tinatayang pinakadirektang ninuno ng uring Homo sapiens. Nagtataglay ito ng mga katangiang nahahawig sa tao. Nakakalakad ito ng tuwid, nakagagawa ng gamit na yari sa bato, marunong gumamit ng apoy, mangaso at mangisda.
Homo erectus Pithecanthropus Erectus - 1891 - Taong Java na natagpuan ni Eugene Dubois, isang doktor at antropologong Dutch sa Trinil, Java, Pulo ng Indonesia ang labi nito.- may taas na 5 1/2 talampakan. - pinalalagay na may utak na halos kasinlaki ng sa kasalukuyang tao.
Sinanthropus Pekinensis - Isang pangkat ng arkeologong Tsino at Europeo ang nakatuklas sa bungo ng Taong Peking noong 1929 sa Choukoutien, China. Humigit kumulang sa 5 talampakan ang taas at may utak na kahawig ng sa makabagong tao. Nabuhay ang Taong Peking may 500,000 taon na ang nakalilipas. Ang Taong Peking ang nakatuklas ng apoy batay sa nahukay na mga sunog na bato sa loob ng kuweba.
Homo-: Homo sapiens
Natagpuan ang labi ng Homo sapiens sa Asya Sentral, Europa at Russia. Sa mga pag-aaral na ginawa, natuklasan na mataas ang antas ng pag-iisip ng mga Homo sapiens. Namuhay sila sa mga kuweba kasama ang kanilang maliliit na pamilya. Nakagawa rin sila ng mga simpleng kasangkapan at nakapaglilibing ng kanilang patay. Maipagmamalaki rin ng uring ito ang kanilang primitibong sining at relihiyon.
Homo sapien
Neanderthal - Ito ang kauna-unahang ispisi ng Homo sapiens na natuklasan noong 1856 sa Lambak ng Neanderthal malapit sa Dusseldorf, Germany.
Cro-Magnon - Natagpuan ang mga buto at kasangkapan nito ng isang arkeologong Pranses na si Louis Lartet noong 1868 sa kuweba ng Cro-Magnon sa Timog France. - may 5 talampakan ang taas- may saplot sa katawan na yari sa balat ng hayop na tinahi sa pamamagitan ng karayom na yari sa buto.
Homo sapien sapien: Taong Tabon Pinaka-unang katibayan ng tao sa Pilipinas ang pira-pirasóng bungô at pangâ ng 3 tao - hindî matantô kung mga babae o lalaki na tinatawag ngayóng “Tao ng Tabon”. Natuklásan sa mga yungíb ng Tabon, malapit sa Quezon, sa pulô ng Palawan, ang mga butó ay kasama ng mga tumpók ng pinagtabasan at mga gamit sa mga “pagawaan” ng bató sa 4 palapág ng pinakamalakíng silíd ng yungíb. Ang bawat palapág ay pahiwatig ng pagtirá duón ng mga Unang Tao, kayá paniwalà ngayóng tinahanan ang yungíb nang 4 ulit, at libu-libong taôn ang pagitan dahil sa makapál na alikabók at lupà na tumabon sa bawat sahíg na pinag-iwanan ng mga pinagtabasan, gamit at butó.
Ang Taong Tabon ay maniwaring isá sa mga ‘unang tao’ at kaibá sa mga kasalukuyang tao sa Pilipinas, subalit bahagyâ lamang. Kung dadamitán ng T-shirt at maông (jeans), hindî siyá maiibá sa mga nasa Quiapo ngayón. waláng masasabi tungkól sa mukhá niyá - ang tangos ng ilóng, kulay ng balát o kulót ng buhók - maliban sa isá: Ang Taong Tabon ay hindî Negrito... --William Henry Scott, 1984
HominidDryopithecus Ramapithecus
Homonid
Australopithecus afarensisAustralopithecus robustusAustralopithecus africanus
Australopithecine
Homo habilisZinjanthropusHomo erectus
Pithecanthropus erectus Sinanthropus pekinensis
Homo sapien
NeanderthalCro-Magnon
Homo sapien sapienTabon man
Susi ng mga salita:
Hominid – unggoy na taoHomonid – taong unggoyPithekus – Ape (Bakulaw)Anthropus – Ape man (Mala-bakulaw)Homo – Man (Tao)
Robust - malakasErectus - nakatuwidHabilis – nakagagamitSapien – nagiisip
Austral – SouthernSinan – ChinaZinjan – India
Dryo – oak treeRama – Indian God
Hominids
NinunongTsimpansi
NinunongHominid
LucyJava
Peking
8 mya 4 - 3 myaHomo habilis
Homo erectus
1.5 mya
4 - 3 mya
Homo sapiensArchaic Homo sapien
Eve Mitochondrial Mother
Neanderthal
Cro-MagnonTabon
250,000 – 100,000 ya
34,000 ya10,000 ya
Ancestral Chimpanzee Missing Link Ramapithecus Lucy Australopithecus
8 mya 4 - 3 mya
1470 Java Peking Neanderthal Cro-Magnon Tabon
5 mya
Hominid Homo habilis
Homo erectus Archaic Homo sapien Homo sapien sapien
1.5 mya .5 mya 100,000 ya 34,000 ya 10,000 ya
1. Hominid
2. Homonid
3. Homo habilis
4. Homo erectus
5. Homo sapien
6. Homo sapien sapien
I – Hanapin sa kolum B ang mga uri na nabibilang sa mga sari sa kolum A. Isulat lamangAng titik ng tamang sagot.
a. Taong Tabon
c. Dryopithecus Ramapithecus
b. Neanderthal Cro-Magnon
e. Pithecanthropus Erectus Sinanthropus Pekinensis
d. Australopithecine Australopithecus africanus Australopithecus robustus Australopithecus afarensis
f. Zinjanthropus
A B
II – Mula sa mga nakatalang sari at uri sa unang pananungan, bumuo ng isang diagram na nagpapakita ng pagkakasunod sunod ng salinglahi ng sinaunang sangkatauhan. Ipangkat angmga ito ayon sa nakararaang taong ito’y nabuhay.