liksyon 4 para sa ika- 27 ng hulyo, 2019 ang kawalan ng katarungan dito sa makasalanang mundo ay...
TRANSCRIPT
Liksyon 4 para sa ika-27 ng Hulyo, 2019
Awit 9. Pag-asa sa paghuhukom
Awit 82. Paghukom na may hustisya
Awit 101. Makatarungang mga pinuno
Awit 146. Isang maawaing Dios
Kawikaan. Awa at hustisya
Ang Mga Awit at Kawikaan ay dalawang aklat na particular na inakma sa mgahamon ng matapat na pamumuhay sa kabila ng karaniwang mga karanasan at pagsubok sa buhay.
Pareho silang nagbibigay ng pananaw sa hangarin ng Dios sa pamayanan at saKanyang natatanging pag-aalala sa mga mahihirap at naaapi.
Ang hiyaw ng Mga Awit at karunungan ng Kawikaan ay ang pagpansin ng Dios at pamamagitan upang ingatan silang mgamalimit pinapabayaan at pinagsasamantalahan.
At kung ganoon ang Dios, dapat ganoon din tayo, gaya Niya.
Awit 9
Ang kawalan ng katarungan dito sa makasalanangmundo ay nagdudulot ng pagdurusa. Nagdadala din itong kahirapan sa buhay at pagtaboy.
Ang Dios ay " matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan" (Awit 9:9) para sa mga mahihirap at naaapi.
Higit sa lahat ay may pag-asa tayo ng magbibigay ng hustisya ang Dios: " At hahatulan niya sa katuwiran angsanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatangkahatulan sa mga tao" (Awit 9:8).
Ang mga hindi nabigyan ng katarungan ditto sa mundoay makakasigurong magkakaroon ng hustisya sahinaharap.
Sa oras na iyon, tanging ang matuwid na Hukom angmagbibigay ng gantimpala o parusa sa bawat tao.
Awit 82
Gumawa ang Dios ng patas na mga batasna nagpaparusa sa pang-aapi at panlalamang.
Siya ang kataas-taasang Hukom, at nabigaysiya ng katungkulang panghukuman samga tao na maghuhukom ayon sa Kanyangpatas na batas. Tinawag Niya silang "mgadios" (v. 1, 6).
Kung hindi nila "ililigtas ang mga dukha at nangangailangan … sa kamay ng masama " (v. 4), hindi sila gumagawang may hustisya. Nagbubunga ito ng kawalan ng hustisya salipunan, at maghahanap ng paliwanag angDios (v. 7).
Maaari tayong maghirap dahil sa malingpaghatol, Ngunit makakaapila tayo saHukom ng mga hukom (v. 8).
Awit 101
Ang mga pinuno ba ng bansa angresponsable sa mga kawalan ng hustisya dito?
Naunawaan ni David ang dinudulotng hindi patas at pabago-bagongkalokohan ng mga pinuno ng bansa(Saulo at kanyang mga tagapayo).
Nang siya ay koronahan, pinili niya ang matutuwid namga tao at itinakwil ang mga mayayabang at mgapalabintang, mandaraya, sinungaling at mgagumagawa ng mga kagaya nito (v. 5, 7, 8).
Ang hustisya at awa ay mahalaga para sa mabutingmga pinuno: "Hindi ako maglalagay ng hamak na bagaysa harap ng aking mga mata." (v. 3)
Awit 146
Hinihimok tayo ng Awit 146:6-9 na magpuri sa Dios at Manlalalang, at magtiwala sa Kanya dahil…
Iniingatan Niya ang katotohanan magpakailanman
Nagbibigay siyang hustisya sa
naaapi
Nagbibigay Siyang pagkain sanagugutom
Nagbibigay siya ng kalayaan sa mga
bilanggo
BinubuksanNiya ang mgamata ng bulag
ItinataasNiya ang
mgahinahamak
Mahal Niyaang
matuwid
BinabantayanNiya ang mga
dayuhan
Sinasaklolo-han Niyaang mga
ulila at balo
BinabaliktadNiya anglandas ng masama
Ang pinakamainam na paraan upang sambahin ang Dios ay ang pagsunod saKanya, sa abot ng ating makakaya.
“Habang ipinapakita ng kalikasan
ang pagkilala nito sa Dalubhasang
Manggagawa sa paggawa ng
pinakamainam upang pagandahin
ang lupa at ipakita ang kasakdalan
ng Dios, ay gayun din naman ang tao
na magsikap sa kanyang kalagayan
upang ipakita ang kasakdalan ng
Dios, na nagpapagamit sa Kanya
upang matupad ang Kanyang pakay
na hustisya, awa, at kabutihan.”
E.G.W. (Child Guidance, cp. 7, p. 54)
Kawikaan
• Huwag maging pabaya, o magiging mahirap ka10:4
• Pangasiwaan ng matalino ang iyong mga ari-arian, kahit ito’ykakaunti
13:23
• Maging tunay na patotoo. Maging tapat14:5, 25
• Huwag apihin ang mahihirap, maging maawain sa kanila14:31
• Masiyahan sa anong meron ka15:15-16
• Huwag palaguin ang sarili sa pandaraya16:8
• Maging patas lagi sa mga transaksyon16:11-13
• Huwag magdahilan sa kasamaan. Huwag parusahan ang matuwid na tao
17:15
• Magbigay sa mahihirap, nagpapahiram ka sa Dios19:17
• Huwag nakawan o apihin ang mahirap. Nakikipaglaban ang Dios para sa kanila
22:22-23
• Matakot sa Dios. Huwag mangikil. Tanggihan ang kasakiman28:14-16
• Huwag iwanan ang Dios, gaano ka man kayaman o kahirap30:7-9
Matalinong payo mula sa Kawikaan para sa pang-araw-araw nating buhay:
“Bawat gawa ng hustisya, awa, at kawanggawa
ay gugawa ng himig sa langit. Nakikita ng Ama
mula sa Kanyang trono silang mga gumagawa ng
kaawaan, at ibinibilang silang isa sa Kanyang
pinakamahalagang kayamanan. ' At sila'y
magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y
isang tanging kayamanan.' Bawat gawa ng
kabutihan sa nangangailangan, nagdurusa, ay
itinuturing na ginawa kay Jesus. Kung
sumasaklolo ka sa mahirap, sumisimpatya sa mga
may sakit at inaapi, at kinakaibigan ang ulila,
dinadala ninyo ang inyong sarili palapit kay
Jesus.”E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 2, cp. 2, p. 25)