learning resource center - lrmdsdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · web...

58
Yunit 2 i Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Upload: others

Post on 26-Oct-2020

52 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Yunit 2

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral: Tagalog

i

Edukasyon sa Pagpapakatao

Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Page 2: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Unang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-50-3 

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tangapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz 

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,

Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072

E-mail Address: [email protected]

ii

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Consultant: Fe A. Hidalgo, PhD.

Editor at Tagasuri: Irene de Robles

Mga Manunulat: Teresita M. Anastacio, Gloria M. Cruz, April Ann M. Curugan, Anna Cristina Nadora, Jennifer Quinto, at Rubie Sajise

Mga Tagasuri: Marilou D. Pandiño, Joselita B. Gulapa, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas

Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Ma. Rita T. Belen, Elvira E. Seguerra, Grace U. Salvatus

Mga Tagaguhit: Jesus Trinidad, Jr, Arnold Macabangon, Eric S. de Guia, Fermin M. Fabella, at Amphy B. Ampong,

Mga Naglayout: Aro R. Rara, Ma. Theresa M. Castro

Page 3: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Talaan ng Nilalaman

Yunit 1 Ako ay Mabuting Kasapi ng PamilyaAralin 1: Ako ay

Natatangi .............................. 2Aralin 2: Inaalagaan Ko ang Aking Sarili ...

… 14Aralin 3: Mahal Ko ang Akign Pamilya

…....... 31

Yunit 2 Mahal Ko ang Aking Kapwa

Aralin 1: Alam ko ang Damdamin ng Iba .....

44

Aralin 2: Ako ay Magalang sa Lahat …..…...

53

Aralin 3: Ako ay Matapat sa Lahat ng Oras..

65

Aralin 4: Mahal Ko ang Aking Kapwa ……….

75

Yunit 3 Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa

Aralin 1: Pagkamasunurin ............................... 84

Aralin 2: Pagpapahalaga sa Pagpapanatili sa Kaayusan at Kapayapaan ……….....…

102

Aralin 3: Pagkalinga sa Kapaligigran …..…..

114

iii

Page 4: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Yunit 4 Pananalig sa Panginoon at Preperensya sa Kabutihan

Aralin 1: Pananampalataya sa Panginoon .. 138

Aralin 2: Paggalang sa Paniniwala ng Iba ... 146

Aralin 3: Pagkakaroon ng Pag-asa ……….… 153

iv

Page 5: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

5

Yunit 2Mahal Ko ang Aking Kapwa

Page 6: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Aralin 1: Alam Ko ang Damdamin ng Iba

Ano ang nakikita mo sa larawan? Ginagawa mo rin ba ang mga ito? Ano ang nararamdaman mo tuwing nakagagawa ka ng mabuti sa iyong kapwa?

Sa araling ito, mahalaga na malaman mo rin ang nararamdaman ng iba. Kung minsan may mga bagay tayong ginagawa na maaaring makasakit sa iba. Kaya mahalaga na maging maingat sa pagsasalita. at sa paggawa ng anumang bagay o kilos na makakasakit ng kanilang damdamin.

Bago mo simulan ang mga gawain, maaari mo bang tanungin ang iyong sarili?

6

Page 7: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Alamin

Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga sitwasyon sa ibaba?Tingnan ang tsart na nakapaskil sa pisara. Pakinggan ang guro habang binabasa ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek () ang iyong sagot. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Palagi

Paminsan-

minsanHindi

1. Iniiwasan ko ang sumagot kung hindi ako tinatawag.

2. Iniiwasan ko ang magsalita kung may nagsasalita na.

3. Gumagawa ako nang tahimik upang hindi makaabala sa iba.

4. Iniiwasan kong sigawan ang aming kasambahay o katulong.

5. Iniwasan kong magsalita ng masama sa iba.

6. Iniiwasan kong pumuna sa iba ng hindi siya kaharap.

Kabuuan

7

Page 8: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isaisip

Balikan mo ang iyong mga sagot. Palagi mo bang ginagawa ang nasabi sa mga sitwasyon? Paminsan-minsan ba o hindi mo ginagawa?

Magiging masaya ka ba kung paminsan-minsan ay hindi mo iniintindi ang damdamin ng iyong magulang, guro, kamag-aral at kapwa?

May mga paraang maaari mong gawin upang maipakita ang iyong pag-unawa sa nararamdaman ng iba.

Paggamit ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin ng ibaPaggawa ng mabuti sa magulang, kapatid, bata, nakatatanda, at sa kapwaPagmamahal sa pamilya, guro, kamag-aral at iba pa

Mahalagang tandaan ang sumusunod: 1. Iwasang magsalita ng masama sa kapwa.2. Tingnan ang nagagawang mabuti ng kapwa.3. Magtiwala sa kayang gawin ng mga kaklase.4. Iwasan ang manigaw ng mga kasambahay.5. Gumawa nang tahimik upang hindi makaabala

sa iba.6. Makipag-usap nang may katamtamang lakas

ng boses.7. Lumakad nang marahan lalo na kung

mayroong natutulog at maysakit.

8

Page 9: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isagawa

Gawain 1

Basahin:

Gumuhit ng tatlong (3) hugis puso sa inyong kuwaderno kung ang larawan ay maaaring makapagpasaya kay Isay; dalawang (2) hugis puso kung hindi magpapasaya kay Isay.

9

Darating ang pinsan nina Amy at Tony na si Isay mula sa probinsya. May sakit ito at kailangang magpagamot. Umiisip sila ng paraan kung paano nila mapapasaya si Isay.Maaari mo ba silang tulungan magplano sa mga dapat gawin upang mapasaya si Isay?

1

Page 10: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Gawain 2

Iguhit ang kaya mong gawin upang mapasaya ang maysakit na si Isay.

10

2

3

Page 11: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Gawain 3

Isulat ang titik ng larawang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.

11

4

21

3

Page 12: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isapuso

Tingnan ang larawan. Nagawa mo na ba ang kumuha ng laruan na hindi sa iyo? Kung ikaw kaya ang inagawan, ano ang mararamdaman mo?

Nakakasakit ng damdamin ang ilan sa maaaring nagawa nating mali. Ano ang maaari mong gawin upang mawala ang tampo ng isang kaibigan sa iyo? Iguhit sa papel ang iyong sagot.

12

Tandaan“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.”

Page 13: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isabuhay

Pakinggan ang kalagayang sasabihin ng guro gaya ng:

Gawin ang sumusunod:

1. Pumili ng isang partner. Mag-usap tungkol sa magagawa upang maalis ang tampo ng kapwa.

2. Bumuo ng isang pangkat na maaaring buuin ng sampung kasapi. Ibahagi ang napag-usapan sa tambalan.

3. Ipakitang-kilos ang napag-usapan.

13

“Ipagpalagay mo na nasaktan mo ang damdamin ng kapwa. Paano mo kaya aaminin at itatama ang pagkakamaling nagawa mo?”

Page 14: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Subukin

Iguhit Mo ang Iyong Sagot !

Panuto: Iguhit sa inyong kuwaderno ang kung ginagawa mo ang sinasabi ng pangungusap at kung hindi.

1. Gumagawa ako nang tahimik upang hindi makaabala sa iba.

2. Iniiwasan ko ang sumagot kung hindi tinatawag.

3. Nakikipag-unahan ako sa pagbili ng pagkain kung recess.

4. Tinutulungan ko ang kaklase kong may kapansanan.

5. Sinisigawan ko ang aming katulong o kasambahay.

14

Page 15: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Aralin 2: Ako ay Magalang sa Lahat

Sa araling ito, higit mong makikilala na mahalaga ang paggalang sa kapwa.

May kasabihan tayo na “Ang batang magalang ay kinalulugdan.”

15

Page 16: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Alamin

Panuto: Makinig sa guro habang binabasa ang bawat pangungusap sa tsart. Lagyan ng tsek () ang kolum ng iyong sagot.

Gawain Palagi

Paminsan-

minsanHindi

1. Kumakatok ako bago pumasok sa pintuan.

2. Binabati ko ang aking mga magulang, kasambahay, guro, at mga opisyal ng paaralan sa tuwing sila ay aking makikita.

3. Gumagamit ako ng salitang “Pakiusap” at “Salamat”.

4. Pinapapasok at pinauupo ko ang mga bisitang dumarating sa aming bahay o paaralan.

5. Gumagamit ako ng “po” at “opo” kapag nakikipag-usap ako

16

Page 17: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Gawain Palagi

Paminsan-

minsanHindi

sa matatanda.6. Nakikinig ako kung

kausap ang kapwa ko bata.

7. Magalang akong nakikipag-usap sa telepono.

8. Nagpapaalam ako nang maayos bago ako lumabas ng silid-aralan.

9. Iniiwasan kong pagtawanan ang aking mga kalaro at kaklase.

10. Nagpapaalam ako sa aking kalaro o kaklase bago ko gamitin ang kaniyang mga gamit.

17

Page 18: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isaisip

Basahin ang tula:

ANG PO AT OPO

Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko,maging matulungin, mamumupo ako.Kapag kinakausap ng matandang tao,

sa lahat ng oras, sa lahat ng dako.

Kung ang kausap ko’y matanda sa akinIpakita ang paggalang, po at opo ay gamitin.

Natutuwa ako na bigkas-bigkasin,ang Po at ang Opo nang buong giliw.

Sagutin:

1. Ano ang bilin ng ama at ina ayon sa tula?2. Kailan dapat gamitin ang po at opo?3. Ginagamit mo rin ba ang po at opo sa

pakikipag-usap sa mga matatanda?4. Ano-ano pang magagalang na pananalita

ang ginagamit mo sa pakikipag-usap?

18

Page 19: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Ang paggalang ay isang napakahalagang gawi o ugali ng isang Pilipino. Ito ay isa sa mga tatak ng Pilipino.Tandaan ang mga ito:

1. Sa paggalang sa nakatatanda, gumamit ng sumusunod na salita sa pakikipag-usap: Po at opo Salamat po. Wala pong anuman. Paalam na po.

2. Sa pagbati Magandang umaga po. Magandang tanghali po. Magandang hapon/gabi po.

3. Sa paghingi ng pahintulot Maaari po bang ________? Paki __________ nga po. Makiki ______ po.

4. Sa pakikipag-usap sa kapwa bata Gumamit ng

Salamat./Walang anuman. Paalam.

Bumati sa kalaro, kaibigan, kaklase ng “Magandang umaga/tanghali/hapon o gabi.”

Humingi ng pahintulot bago gamitin ang anumang gamit ng kalaro, kaibigan at kaklase at isauli ang anumang gamit na ginamit o hiniram.

19

Page 20: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Kumuha ng kapareha. Gumawa ng dayalogo tungkol sa sitwasyon. Iparinig sa klase ang inyong sasabihin.

Pumasok ka sa Tanggapan ng inyong Punongguro. Ano ang sasabihin mo?

20

Page 21: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Dumalaw ang iyong Lola sa inyong tahanan.

Humiram ka ng aklat sa iyong kamag-aral at isinauli mo ito pagkatapos mong gamitin.

21

Page 22: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Gawain 2

Panuto: Piliin ang titik ng larawan na nagpapakita ng pagiging magalang. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

22

Page 23: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Gawain 3

Panuto: Pakinggan ang bawat sitwasyon. Sabihin kung ano ang magalang na pananalitang angkop gamitin. Sabihin ito sa klase.

1. Papasok ka na sa paaralan. Ano ang sasabihin mo kay Nanay at Tatay?

2. Binigyan ka ng iyong kapatid ng munting regalo sa iyong kaarawan. Ano ang sasabihin mo?

3. Nag-uusap sa may pintuan ang iyong guro at punongguro. Gusto mong pumasok sa loob ng inyong silid. Ano ang sasabihin mo?

4. Naligaw ka ng daan pauwi sa inyong bahay. Nakakita ka ng tindahan at ikaw ay nagtanong. Ano ang sasabihin mo?

5. Isang umaga, dumating ang lola mo sa inyong bahay. Ano ang sasabihin mo?

23

Page 24: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isapuso

Pagnilayan ang mga salawikaing ito.

Ang batang magalang, mahal ng magulang.

Ang gumagalang sa matatanda,pinagpapala.

Ang po at ang opo, mga susing gintona siyang pinagbubukas ng pinto ng puso.

Ang batang magalang, dangal ng magulang.

Ang batang magalang ay kinatutuwaan.

Kung ikaw ay batang magalang sa lahat ng oras, sa lahat ng dako, ano sa palagay mo ang magiging tingin ng tao sa iyo. Iguhit sa papel.

24

Page 25: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isabuhay

1. Bumuo ka ng pangkat ng 4 na bata. Gumawa kayo ng islogan tungkol sa paggalang.

2. Isulat sa ¼ na kartolina at lagyan ng dekorasyon.

3. Ipaskil sa loob at labas ng silid-aralan.

Subukin

Iguhit Mo ang Sagot Mo!

Iguhit ang kung ginagawa mo ang sinasabi ngpangungusap at kung hindi.

1. Sumasali ako sa usapan ng matatanda kung hindi ako kinakausap.

2. Iniiwasan ko ang magsalita kung may nagsasalita na.

3. Ibinibigay ko ang aking upuan sa matatanda at may kapansanan: sa sasakyan sa simbahan sa palatuntunan

4. Humahalik o nagmamano ako sa magulang at nakatatanda.

25

Page 26: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

5. Gumagamit ako ng magagalang na pananalita sa pakikipag-usap tulad ng: Salamat po Walang Anuman Magandang umaga/hapon/gabi po Makikiraan po Pakiabot po Paalam na po Maaari po bang magtanong?

6. Iginagalang ko ang karapatan ng kapwa bata.

26

Page 27: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Aralin 3: Ako ay Matapat sa Lahat ng Oras

Tapat ka ba sa iyong sarili at sa iyong kapwa? Nagsasabi ka ba ng totoo? Ano ang pakiramdam kapag nagsasabi ka ng totoo?

Sa nakaraang aralin, pinag-aralan mo ang pagiging magalang sa lahat ng oras. Sa araling ito, pupunta naman tayo sa pagiging matapat. Alam mo ba ang kahulugan ng pagkamatapat?

27

Page 28: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Alamin

Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang kung nagsasabi nang tapat at kung hindi.

1. Nagpaalam si Anna sa Nanay na pupunta siya sa parke subalit sa bahay ng kaklase siya pumunta.

2. Sinabi ni Allan sa kaniyang guro na siya ang nakabasag ng plorera.

3. Sobra ang sukli ng tindera kay Marilyn at hindi niya ito isinauli.

4. Kumuha ng pera sa pitaka ng Nanay si Andrei nang hindi nagpaalam.

5. Nakapulot si Liza ng payong. May pangalan ito ng kaniyang kamag-aral kaya naibalik niya ito.

28

Page 29: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isaisip

Basahin ang kuwento.

Si Tinay na Tapat

Sabado ng umaga. Magluluto ang nanay ng adobong manok. Nakita niyang wala ng toyo kaya inutusan niya si Tinay na bumili sa tindahan sa kanto. Habang siya ay naglalakad

pauwi ng bahay, nakita niyang sobra ang sukli ni Aling Pacita. Kaya dali-dali siyang bumalik at isinauli ang sobrang sukli. Tuwang-tuwa si Aling Pacita sa ginawa ni Tinay at ikinuwento niya ito sa mga bumibili sa kaniyang tindahan. Simula noon tinawag na si Tinay na Tinay na Tapat.

Sagutin:

1. Ano ang iniutos ng nanay kay Tinay?2. Ano ang natuklasan ni Tinay habang siya

ay naglalakad pauwi?3. Bakit natuwa si Aling Pacita kay Tinay?4. Bakit siya tinawag na Tinay na tapat?5. Kung ikaw si Tinay, ganoon din ba ang

iyong gagawin? Bakit?

29

Page 30: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Laging isaisip ang sumusunod:

1. Sabihin ang tunay na pook o lugar at mga kasama na pupuntahan.

2. Sabihin ang tunay na oras ng pag-alis at pag-uwi.

3. Sabihin ang tunay na dahilan ng kasalanang nagawa.

4. Sabihin ang tunay na halaga ng kailangang pera.

5. Iwasan ang pagkuha ng pag-aari ng iba.6. Iwasan ang pandaraya sa tahanan,

paaralan, at sa pamayanan.7. Isauli sa tunay na may-ari ang napulot na

bagay.8. Isauli ang labis na sukli.9. Isauli ang anumang hiniram na bagay.10. Maging tapat sa anumang pangako.

30

Page 31: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isagawa

Gawain 1

Basahin ang mga sitwasyon. Pumili ng kapareha atpag-usapan kung ano ang dapat gawin. Isadula itosa klase.

1. Inutusan ka ng nanay na bumili ng sampung pisong asin. Nakatawad ka ng dalawang piso.

2. Kasama ka ng iyong ate papuntang palengke. Sumakay kayo ng dyip. Nakita mong hindi nagbayad ang iyong ate ngunit nang tinanong siya ng konduktor, ang sinabi niya ay nakabayad na.

Gawain 2

Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa kuwaderno kung nagsasaad ng pagkamatapat at malungkot na mukha kung hindi.

1. Nagpaalam si Andrei na pupunta sa bahay ng kaklase subalit nakipaglaro siya sa mga batang kalye.

31

Page 32: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

2. Humingi ng pera si Aiza pambili ng bolpen. Bumili siya ng sorbetes sa halip na bolpen.

3. Nakita ni Paulo na nalaglag ang P100 ng kaniyang kuya. Pinulot niya ito at isinoli .

4. Binigyan si Aiza ng kaniyang Tiya Elena ng P500 para sa kanilang magkapatid. Hinati niya ito at ibinigay sa kapatid.

5. May proyekto sa Math sina Angelo. Humingi siya sa kaniyang tatay ng tamang halaga ng ibabayad.

Gawain 3

Humanap ng kapareha at ibahagi ang kuwento ng ginawa mong katapatan. Pagkatapos mong magkuwento, pakinggan naman ang kuwento ng kapareha.

32

Page 33: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isapuso

Ang pagiging matapat ay pagsasabi ng totoo. Marami ang natutuwa sa isang batang matapat. Maging matapat sa lahat ng oras.

Isipin ang mga ginawa mo sa iyong magulang na nagpapakita ng pagiging matapat. Isulat mo ito sa iyong “Kahon ng Kayamanan.” Gawin ito sa papel.

Ang pagiging matapat ay maituturing na isang kayamanan na hindi mapapalitan.

33

Page 34: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isabuhay

Marami ka bang natutuhan sa ating aralin tungkol sa pagiging matapat?

Gumawa ng poster ng pagiging matapat. Idikit sa gitna ng papel ang iyong larawan. Iguhit sa paligid nito ang mga nagawa mo na nagpapakita ng iyong pagiging matapat. Ipaskil ang poster.

34

Page 35: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Subukin

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sobra ang sukli ng tindera. Ano ang gagawin mo? a. Itatago ang pera.b. Ibabalik sa tindera. c. Ibabahagi sa kaibigan.

2. Nakita mo ang iyong kaibigan na nangongopya sa mga aklat habang may pagsusulit.a. Gayahin siya upang tumaas ang iyong

marka.b. Magkunwaring hindi mo siya nakita dahil

kaibigan mo siya.c. Sabihin sa guro na nangongopya ang

iyong kaibigan.

3. Aksidenteng nabasag mo ang pinggan. Ano ang gagawin mo?a. Sasabihin ang totoo sa nanay.b. Ililigpit ang nabasag na pinggan.c. Sasabihing ang kapatid na bunso ang

nakabasag.

4. Nanghiram ka ng aklat sa iyong kaklase. Nabasa ito ng ulan. Ano ang gagawin mo?a. Patutuyuin ang aklat bago ito isauli.

35

Page 36: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

b. Sasabihin ang totoong dahilan ng pagkasira ng aklat.

c. Bibili ng bagong aklat upang mapalitan ang hiniram.

5. Naiwala mo ang perang pambili ng aklat.a. Huwag nang bumili ng aklat.b. Sabihin sa nanay at tatay na naiwala mo

ang pera.c. Manghiram ng aklat sa kaibigan at ipakita

sa nanay.

36

Page 37: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Aralin 4: Mahal Ko ang Aking Kapwa

Tumutulong ka ba sa kapwa? Nakapagbigay ka na ba ng tulong sa nangangailangan? Ano ang pakiramdam kapag nakatutulong ka sa mga taong nangangailangan?

Sa nakaraang aralin, pinag-aralan mo ang pagiging matapat sa lahat ng oras. Sa araling ito, aalamin naman natin kung paano tumulong sa kapwa.

37

Page 38: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Alamin

ka ba?

Pakinggan ang guro habang binabasa ang mga nakasulat sa tsart. Idikit ang sa kahon kung ginagawa mo ang sinasabi ng mga pangungusap.

1. Ipinagagamit ko ang aking mga laruan sa aking mga kalaro.

2. Kapag nakakakita ako ng batang umiiyak, tinatanong ko ang dahilan. Pinatatawa ko siya.

3. Nagpapamigay ako ng aking gamit para sa mga nangangailangan.

4. Hinahatian ko ng baon ang kaklase kong walang baon.

5. Tumutulong ako sa abot ng aking makakaya.

6. Dumadalaw ako sa may sakit na kaanak.

38

Page 39: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isaisip

“Mahal ko ang aking kapwa” ang islogan ng mabuting bata. Mahal niya ang kapwa lalo na ang nangangailangan. Handa siyang magbigay. Handa siyang tumulong.

Maaari ring tumulong sa pagdarasal. Maaari ring magbigay kung kaya. Pinagpapala ng Panginoon ang mabuting bata.

Makinig sa kuwento habang binabasa ng guro.

Si Wigan

Isang batang Ifugao si Wigan. Mahal niya ang kaniyang mga kababayan lalo na ang mga batang Ifugao.

Sa kanilang barangay, maraming bata ang may sakit dahil sa kakulangan sa pagkain. Gustong-gusto niyang tumulong sa mga batang katulad niya subalit wala siyang kakayahan.

Ang tangi niyang magagawa ay ibahagi ang kaniyang pagkain sa kaniyang mga kapitbahay. Hinahati niya ito at ibinibigay sa mga bata.

Ginagamit ng kaniyang ate ang mga napitas na gulay mula sa kaniyang gulayan. Ilan sa mga ito ang malunggay at sibuyas. Isinasahog niya ito sa gulay na

39

Page 40: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

mais at munggo. Tumutulong si Wigan na maihanda ito. Pinakakain nila ang mga batang walang baon.

Sagutin:

1. Sino si Wigan? Ano ang maganda niyang katangian?

2. Kung ikaw si Wigan, paano mo tutulungan ang mga batang may sakit?

3. May karanasan ka ba na katulad ng ginagawa ni Wigan? Maaari mo bang ikuwento?

4. Gusto mo bang tularan si Wigan? Bakit?

40

Page 41: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Piliin ang larawang nagpapakita na mahal mo ang kapwa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

Magkuwento tungkol sa iyong iginuhit.

41

BA

DC

Page 42: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Gawain 2

Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng pagkakawanggawa o pagmamalasakit. Idikit ito sa isang malinis na papel. Ikuwento ito sa klase.

Gawain 3

Panuto: Gumawa ng poster gamit ang lumang kalendaryo o isang malinis na kartolina. Iguhit ang ginagawa mong pagtulong sa inyong paaralan. Ikuwento sa klase ang nilalaman nito

Sa Silid Aralan Sa Kantina

Sa Palaruan Sa mga Kaklase

Isapuso

Ang pagbibigay ng tulong sa kapwa ay dapat nasa puso. Isinasagawa ang pagtulong sa kapwa sa iba’t ibang paraan.

Isapuso mo: Nagbabahagi ka ba ng mga kagamitan mo na hindi mo na ginagamit? Kabilang sa mga ito ang damit, laruan at iba pa. Iguhit sa

42

Page 43: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

malinis na papel ang anumang naibahagi mo sa kapwa.

43

Page 44: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Isabuhay

May mga bagay ka bang hindi na ginagamit? Gumawa ng listahan kung kanino mo ito ibibigay.

Ano ang Ibibigay? Pangalan ng Bibigyan

44

Page 45: LEARNING RESOURCE CENTER - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_esp_lm... · Web viewAng batang magalang, dangal ng magulang. Ang batang magalang ay kinatutuwaan

Subukin

Iguhit Mo ang Iyong Sagot!

Panuto: Sundan ang guro habang binabasa ang nakasulat sa tsart. Iguhit ang sa kahon kung ginagawa mo ang isinasaad ng pangungusap at kung hindi.

1. Ibinabahagi ko ang baon kong pagkain sa mga kamag-aral kong walang baon.

2. Pinahihiram ko ng kagamitan sa paaralan ang mga kamag-aral kong walang gamit.

3. Ibinabahagi ko sa mga batang nangangailangan ang mga gamit at laruang hindi ko na ginagamit.

4. Tumutulong ako sa pagbabahagi ng mga pagkain sa mga biktima ng kalamidad.

5. Binibigyan ko ng pagkain o laruan ang mga batang namamalimos sa kalye.

45