l esson 1 pre encounter

4

Click here to load reader

Upload: rogelio-gonia

Post on 06-Jul-2015

134 views

Category:

Education


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: L esson 1  pre encounter

MORONG BIBLE CHURCH

By: Rev. Jeremiah Lepasana

Isinatagalog ni: Bayani R. Pascual

Page 2: L esson 1  pre encounter

The Importance of Encounter

Lesson 1- Rev. Lepasana Exo 19:3 At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na

sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel. 4 Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga

pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din. 5 Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay

magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;

6 At kayo'y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang

mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.

Kung may lumapit sa iyo at nagtanong, Ikaw ba’y Kristiano?” marahil hindi ka mahihirapang

sagutin oo. Ano naman ang isasagot mo kung baguhin ang tanong sa: “Talaga bang namumuhay

ka bilang Kristiano?” Sa bagay na ito marami sa atin ang magaalangan. Bakit ito totoo? Pagkat

nabubuhay tayo sa isang panahon na madali ang gamitin ang salitang Kristiano na isang

relihiyon, subalit hindi alam kung ano ang tunay na kahulugan ng maging isang tunay na alagad

ni Kristo.

Kung papansinin mo ang kasaysayan ng ating texto sa Exodus, makikita mo na nais ng Diyos na

maunawaan ng bansang Israel ang kahalagahan ng kanilang relasyon sa Kanya. Nais ng Diyos

na samantalahin ang pagkakataon, sa pamamagitan ni Moses, na ipaliwanag kung paano ang

tunay na relasyon.

Kung susundin natin ang kasaysayan sa Exodus, bago pa lamang pinalaya ng Diyos ang bansa

ng Israel sa 400 taon ng pagkaalipin sa Ehipto. Dito nasa daan sila patungo sa lupang pangako

kung saan mararanasan nila ang ibayong kasaganaan. Sa halip na mabuhay sila bilang alipin

mararanasan nila ang maging isang malaki at makapangyarihang bansa. Subalit upang ito’y

tunay na maganap kailangang katagpuin nila ang Diyos sa bundok ng Sinai. Ang pagtatagpong

ito’y napakahalaga upang ang kanilang relasyon sa Diyos ay mas maging malapit at malalim.

Naniniwala ako na ang mga bagay na itinuro ng Diyos sa bansa ng Israel sa bahaging ito ng

kasulatan ay magagamit din natin sa ating kapanahunan. Narito ang mga katotohanan.

1. INILIGTAS TAYO PARA SA ISANG RELASYON: (V.4)

Sa kabuuan ng Biblia, ang pinakasentro ng mensahe ng Diyos ay, Siya ang may gawa ng

kaligtasan. Subalit natanong mo ba sa iyong sarili kung bakit Niya tayo

pinagkaabalahang iligtas?

“Paano ka Niya dinala sa mga pakpak ng agila?” –

“At kayo’y inilapit ko sa Akin”

Page 3: L esson 1  pre encounter

Ang lahat ng ito’y totoo din sa atin. Iniligtas tayo ng Diyos hindi lamang para ibigay sa

atin ang langit; iniligtas tayo, upang maging bahagi Niya, at upang tayo’y magkaroon ng

mas malapit at malalim na relasyon sa Kanya.

II. KAILANGAN NA TAYO AY SUMUNOD SA KANYA; (v.5)

Isa pang mahalagang katotohanan na dapat din nating malaman ay ang paraan

ng ating pagsunod sa Diyos. Tulad ng nasabi na, ang Diyos ang gumawa ng hakbang

upang itatag ang relasyon natin sa Kanya. Ang susunod na hakbang ay manggagaling sa

atin – gusto ba natin ang ganitong relasyon o hindi?

Sa talatang 5, malinaw ang hinihintay sa atin ng Diyos. Sinabi Niya – “Ngayon kung

kayo”y sumunod sa akin at ingatan ang aking tipan. Malinaw na ang hinahanap ng Diyos

sa Kanyang bayan ay ang buong pagtalima sa Kanyang mga utos.

May problema tayo sa ating kapangyarihan at kayabangan –

Dahilan sa makasalanang kalikasan lagi tayong nagrerebelde. Lagi nating

tinatanggihan na may naguutos kung ano ang dapat nating gawin.

Awit 10:4 Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang buhay, ay nagsasabi, hindi siya susunod. Sa lahat niyang pagiisip ay, walang ang Dios.

Kulang ang ating kaalaman tungkol sa Diyos – _______________________________________________________

Pro 3:5-6 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong

sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

III. MAARI TAYONG MABALIK SA ISANG NATATANGING KATAYUAN: (vs.5-6) Sa ganitong pagtatagpo hindi lamang gusto ng Diyos na malaman ng Israel ang dahilan ng

kanilang pagkaligtas at paraan ng kanilang pagsunod, nais din ng Diyos na maunawaan nila ang uri ng relasyong meron sila sa Kanya.

A. Tanging yaman Niya, ang pagiging tanging yaman ng Diyos ay nagsasaad na tayo ay

natatangi at napakahalaga sa paningin ng Diyos.

B. Kaharian ng mga seserdote at banal na bansa: (v.6) __________________________________________________________

Ngayon, tayo ang mga alagad ng Diyos na dapat ay nagaakay sa maraming tao patungo kay Hesuskristo. Isa sa ating Gawain ay tumawag ng mga taong nasa kadiliman patungo sa kaliwanagan ng Diyos. Huwag natin itong tingnan na isang obligasyon kundi isang malaki at dakilang prebilihiyo.

Page 4: L esson 1  pre encounter