kuwento.docx

Upload: teacherashley

Post on 30-Oct-2015

213 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

uri ng kwento

TRANSCRIPT

JOHN ANTHONY MART DIEGO GRADE 4

Ang mga uri ng kwento ay * kwento ng kababalaghan * kwento ng katatawanan * kwento ng pag-ibig * kwento ng bayan * kwentong sikolohiko * kwentong pakikipagsapalaran * kwento ng tauhan * kwento ng katutubong kulay * kwento ng madulang pangyayari

KUWENTONG BAYANANG DIWATA NG KARAGATAN

Ito ay isang Kuwentong Bayan ng Ilocos:Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAG-IBIG

May matalik na magkaibigan sina Marjorie at John silay nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na nila ang isat isa.Isang araw ay inaya ni John si Marjorie sa madalas nilang puntahan na lugar may mga punodoon at sariwa ang hangin.Bes, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong pagsabihan.nakangiting wika ni John habang nakahawak sa kamay ni Marjorie.Ano yon?may pagtatakang tanong nito.Kami na ni Feliz!biglang napakayakap si John sabay buhos ng malakas na ulan. Napaluha si Marjorie ngunit hindi iyon nahalata dahil sa ulan.Masaya ko para sayomay pilit na ngiti na lumabas sa bibig ni Marjorie. Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo bes.bakas pa din ang saya sa mukha ni John.Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit pa tayo.may panghihina sa boses ni Marjorie. O sige, hatid na kitamay pagtatakang wika ni John.Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni John na nagka nobyo na din si Marjorie.Isang araw ay napagpasyahan ni John na dalawin si Marjorie sa kanilang bahay. Hi Marj. I miss you.nakangiting wika ni John(Wala na ang dating kinang sa mata ni Marjorie, wala na din sigla lungkot na lamang ang nababakas sa kanyang mukha)wika ni John sa sarili. Anong ginagawa mo dito?matamlay na tanong nito.Gusto kong makita ka bes.wika ni John. Para saan pa? Wala na din kwenta magkita man tayo o hindi may kirot sa bawat bitaw na salita ni Marjorie.Mahalaga kasi mahal!natigilan si John.Ano?? Wala!. Alam mo John humiling ako sa bitwin kahit na alam kong hindi matutupad iyonumiiyak na umalis si Marjorie. Naiwan pa ding naiwan si John.Bakit hindi ko naituloy ang nararamdaman ko na mahal..ko si Marjoriewika niya sa sarili.Araw nan g kanilang pagtatapos ay hinahanap ni John si Marjorie ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi daw ito dumalo. May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang buhok na lalaki kay John.Hi pare, nakita mob a si Marj? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako nga pala ang nobyo niyawika ng lalaki kay John.Bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya!nanlalaking wika ni John.Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang regalo ko.at tumalikod na ito.Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si John ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang nabasa A College Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend nasabi doon na pinasubok kay MArj ang drugs na kahit na siyay hindi pa niya natitikman. Walang hiyang iyon drugs pala ang sinasabi nitong regalo. Magbabayad siya!pabulyaw na wika ni John.Na kay Feliz ang atensyon ko ngunit ang dapat kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala na ang aking bestfriend. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na kaibiganumiiyak na wika ni John.

Kwentong KatatawananMay Aso po InayKwentong katatawanan ni Juan P. Amodia

Mag-aalas siyes ng gabi ng nasa harap ng bahay ni Mrs. Chavarria si Careen. Inutusan kasi siya ng area director nila sa ministry upang hingin ang perang sinulicit nila para sa summer camp. Bigla na lamang siyang kinalabutan ng Makita niya ang mga alagang aso ni Mrs. Chavarria. May karanasan kasi siya noon na parating bumabalik sa kanyang isipan kapag nakakita siya ng mga aso. Itoy nakakatakot ngunit nakakatawang karanasan.

Nasa unang baitang ng elementarya ng maranasan niya ang nakakatawang pangyayaring iyon. Umaga noon ng inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng pansit sa tindahan ni aling Gloria.

Oi, Carren.. bumili ka nga ng pansit ng makakain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. ang utos ng kanyang nanay.

Opo nay.. sagot naman ni Careen.Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela.O, hayan ang sampung piso dalian mo ang kilos. Wika ng inaNang makalabas siya ng bahay ay nakakita siya ng grupo ng mga aso sa kalsada.Aw, aw, aw, aw , aw. Wikang patahol ni Carren.Animoy tinatawag niya ang mga hayop yon pala ay inaasar niya ito.Dumukot siya ng bato at pinagbabato ang mga hayop.Hahahaha Sabay ng kanyang malakas na pagtawa.

Nakarating siya sa tindahan ni Aling Gloria at doon ay bumili ng pansit.

Sa daan patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa kanya.Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.

Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!... Ang malakas na pagtahol ng mga aso..

Nagtapang tapangan si Carren.. Sabi nya sa sarili akala nyo natatakot ako sa inyo ha.. Makakatawid ako pa rin ako sa inyo.

Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin ng mga aso na tila handa ng kumain sa kanya.

Huhuhuh.. Lagot na..

Tumutulo na ang pawis sa kanyang mga pisngi. Subalit ayaw niyang papatinag sa mga hayop.Akala niyo takot ako sa inyo ha.. mayabang na salita ni Careen.Galit na yata sa akin ang mga ito.. Tatakbo na lang ako. Bulong niya sa sarili.Uno, Dos, Tres..

Ilang Segundo lang ay kumarip[as na siya ng takbo patungo sa kanilang bahay. Subalit hinahabol naman siya ng mga aso.Pansin niyang mas mabilis ang takbo ng mga aso kayasa sa kanya. Upang hindi siya maabutan ay iniwan na niya ang suot na tsinelas para walang sagabal sa pagtakbo.

Sa tindi ng takot ay napasigaw siya. Inay! Inay! Inay!.. may aso po.. may aso po..

Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng bahay nila. Takok siya ng katok. Talon ng talon Sigaw ng sigaw..Inay may aso po..

Subalit hindi naman siya mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa kusina.Naku! Malapit na sa akin ang mga aso. Huhuhu..Napaiyak na siya ng hindi pa rin nabuksan ng kanyang ina ang pinto.Dahil doon ay iniwan na lamang niya ang ulam sa harap ng pinto ng kanilang bahay sabay kumaripas muli ng takbo.

O Careen, bakit? Wika ng kanyang ina.Subalit nakaalis na siya ng mabuksan nito ang pinto.

Takbo siya ng takbo. Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa palayan ni Mang Tandoy.

Dahil sa maputik at basa ang lupa ay nadulas siya. Tuloy-tuloy hanggang sa putikan.

Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya. At umalis din ang mga ito pagkaraan ng ilang sandali.

Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman siya ng iyak sa takot na kansayang sinapit.

Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng kanyang katawan sa tubigan. Natawa pati mga kapitbahay niya sa nakita. Para kasi nsiyang zombie na umahon mula sa hukay sa kanyang hitsura na puno ng maitim na putik.Umalis na lamang siya p-agkatapos ng pangyayari.

Nabaling na lamang ang kanyang isip mula sa pag-alala sa nakraan ng tinapik ang kanyang balikat ng binatang anak ni Mrs. Chavarria. Si Andel. Crush niya ito. Kaya bigla na lamang nawala ang takot nito dahil sa tamis ng ngiti ng binata sa kanya.

Kwentong KatatawananANG PILYONG SI LOREN Ni: Darhyl John B. Cacananta

Noong unang panahon ay may isang haring nagngangalang Solomon. Mayroon siyang nag-iisang anak na lalaki. Ang kaniyang pangalan ay Loren, si Loren ay napakapilyong bata at ang lahat ay naiinis sa kanya.Isang araw ay naglibot si Loren sa kanilang nasasakupan kayat ganuon na lamang ang takot ng lahat. Dahil baka kung ano ang kaniyang gawin.Tama nga ang mga taong nakapalibot sa kaniya sapagkat mayroon itong ginawang kalokohan. Sa may daanan ay nag-iwan siya ng balat ng saging kayat nadulas ang mga dumaraan. Kayat ang mga dala nilang mga gulay, prutas at mga gamit ay nangagkatapon. Hinabol si Loren ng mga kawal ng hari upang siya ay isumbong sa kanyang Ama ngunit masyado itong maliksi at magaling na magtago. Nagtagal ang habulan sa pagitan ni Loren at nang mga kawal ng hari hanggang sa sila ay makarating sa kagubatan. Hindi alam ng mga kawal ng hari na si Loren ay marami palang mga patibong na nagawa sa loob ng kagubatan dahil siya ay laging nanduon.Unti-unting nahulog sa ibat-ibang patibong ni Loren ang mga kawal ng hari. May nahulog sa loob ng butas at hindi na magawang makaahon. Meron din namang nakakita ng ahas at sa sobrang takot ay humandusay na lamang at nagtatatkbo pabalik sa palasyo ng magising. Ang ilan naman ay nahuli ng bitag na tali ay nagging palamuti sa mga puno na parang mga christmass balls na nakabitin.Walang nakahuli kay Loren kayat umuwi na lamang ang mga kawal ng hari na lulugo lugo. Dinaig pa nila ang mga kawal na nakipaglaban sa isang labanan ng mga hukbo dahil sa sobrang pagod na kanilang nadama.Pagdating sa palasyo ay isinumbong nila ang kapilyohang ginawa ni Loren sa kaniyang ama. Mula sa silid ni Loren ay ipinatawag siya nang kaniyang ama at sinabing kung kaniya pa itong uulitin ay itatakwil na siya bilang anak ng hari. Dahil ayaw ni Loren na siya ay mapalayas sa palasyo ay pinilit nan i Loren na maging mabait at tumutulong narin siya sa mga taong gumagawa sa loob ng palasyo.Magmula nuon ay hindi na naging pilyo itong si Loren at kinagigiliwan na rin siya ng mga tao sa kaniyang paligid napaka saya pala ng ganuon ang sabi ni Loren.

KUWENTO NG KABABALAGHANBOOK 1: "Sa Ikatlong Palapag"

Ako si Nico Gonzales at ako ay may undeveloped third-eye. Naalala ko noong 1st year High School ako nun sa isang sikat na paaralan sa Quezon City. Lagi akong pumapasok ng maaga noon dahil natatakot akong malate. Isang araw, ako ang pinaka-unang estudyanteng pumasok sa school namin. Patay pa ang mga ilaw sa mga buildings, ang ibang gate ng mga buildings ay kandado pa. Di pa kasi binubuksan ng guard dahil sobrang aga pa nun. E nagkataong yung building namin ay bukas, umakyat na ako. Yung building namin ay 3 storey-Dante Liban Building. Medyo may katagalan na itong building na eto pero maganda pa rin. Ikatlong room mula sa kanan sa ikatlong palapag ang kwarto namin. Bale 5 classrooms ang nasa 3rd floor.Gamit ang flashlight ng cellphone ko, binaybay ko ang madilim na building upang makarating sa aming silid. Sa inaasahan ko, kandado pa ang room namin. Pero sa di inaasahang makikita ko, may nasilip akong babaeng estudyante na nasa loob ng kandadong silid namin. Nakadapa. Sigurado ako sa nakita kong ginagawa niya. Nagsusulat siya. Kinutuban na ako ng masama.Dali dali kong nagmasid sa mga katabi naming room upang siguraduhing walang ibang tao. Wala akong nadatnan bumalik ako sa room para kausapin ang babae kung anong ginagawa niya sa room namin. Pero sa pagdungaw ko sa bintana namin, siya ay nakatayo na. Nkasuot siya ng ibang uniform hindi katulad ng sa amin. Wala siyang mukha, distorted, burado, pero alam ko nakatingin siya sa akin. Gusto kong tumakbo at magsisigaw pero hindi ko nagawa. Parang may pwersang pumipigil sa akin.Naalala ko ang sabi ng mama ko: "Kapag natatakot ka, magdasal ka ng Our Father." Halos mabaliw ako dahil hindi ko memorize ang Our Father noon. Kaya ang ginawa ko nag personal prayer ako. Sa kabutihang palad, may naririnig na akong mga estudyanteng paparating at nakagalaw na ang katawan ko. Nagtatatakbo ako at umiyak na lumapit sa kanila na may nakita akong multo. Journalist ako nun at nakatambak sa room namin ang mga lumang yearbook at nakita ko ang eksaktong disenyo ng lumang uniform na nakita kong babae way back 1980's. Isa lang ang pinagsisihan ko sa experience na yun. Hindi ko natulungan ang babaeng multo. Hinanap ko ang sinulat niya pero wala akong nakita.