kkk hs 4_tm_ub_d

80
KKK Serye UPDATED EDITION IV Gabay sa Pagtuturo gtu at Pagkatuto Batay o B a sa y Ub D E KONOMIKS Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu R. Balitao Meriam dR. Cervantes Bernard R Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Editor-Konsultant Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

Upload: ferolyn-joy-agustin

Post on 21-Jan-2018

1.684 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

KKK SeryeUPDATED EDITIONIV

Gabay sa Pagtuturoagtuat Pagkatuto Batayo Ba say UbD

EKONOMIKSMga Konsepto, Aplikasyon at Isyu

R. Balitao Meriam dR. CervantesBernard R

Grace Estela C. Mateo, Ph.D.Editor-Konsultant

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

KKK SERYE

EKONOMIKS: MGA KONSEPTO, APLIKASYON AT ISYUUpdated EditionGabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbDIkaapat na Taon

ISBN 978-971-07-2700-1

Karapatang-ari © 2010 ng Vibal Publishing House, Inc. at nina Bernardo R. Balitao; Meriam dR. Cervantes; at Grace Estela C. Mateo, Ph.D.

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang Tagapaglathalaat ang mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.Main Offi ce:

1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City

Regional Offi ces:

Unit 202 Cebu Holdings Center, Cebu Business Park, Cardinal Rosales Avenue, Cebu City

Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City

Bldg. A, Unit 4 Pride Rock Business Park, Gusa, Cagayan de Oro City

Kasapi: Philippine Educational Publishers’ Association; Book Development Association of the Philippines; Association of South East Asian Publishers; Graphics Arts Technical Foundation

ii

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

iii

(essential questions) na pupukaw sa kaisipan ng mag-aaral upang mag-isipsiya at matamo ang kakailanganing pag-unawa.

Nakalatag din sa bawat planong instruksyunal ang ikalawang antas ng UbD, ang Pagtataya, na magsisilbing patunay at sukatan ng pagkatuto ng mag-aaral. Mayaman ang gabay na ito sa iba’t ibang uri ng tradisyunal na pagtataya. Subalit isang mahalagang aspekto ng gabay na ito ay ang tuon na ipinagkaloob nito sa pagbuo ng iba’t ibang halimbawa ng awtentikong pagtataya na may mga kaakibat na rubric kung saan nakatukoy ang mga criteria at indicator ng pagganap. Isang malaking tulong sa mga guro angrawtentikong pagtataya na inihahain ng gabay na ito upang matamo ng mga mag-aaral ang higher order thinking skills (HOTS). Kaugnay sa UbD, nakalatag din sa aspekto ng Pagtataya ang Anim na Antas ng Pag-unawa(Six Facets of Learning) na susukat at magpapakita ng kinakailangangpagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang ikatlong antas ng UbD o ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Aralin ng manwal na ito ay inorganisa ayon sa isinusulong na hakbangng pagtuturo ng 2010 Secondary Education Curriculum (2010 SEC) ng Departamento ng Edukasyon. Bawat aralin o magkakaugnay na serye ng aralin ay may gabay sa pagtuturo at pagkatuto. Layunin ng bawat gabay na tuklasin, linangin at palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaralat pagkatapos ay ilapat o isalin ang kaalaman at kasanayan sa iba pang konteksto ng kanyang pag-aaral.

Bukod sa pagiging naaayon sa UbD, ang isa pang mahalagang katangian ng gabay na ito ay ang paggamit ng mga web link bilang tulong sa pagtuturo kat upang maging higit na kaaya-aya ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Tinutukoy sa mga Gabay sa Pagtuturo ang mga angkop o kawili-wiling web link na bubuksan ng mag-aaral sa k Internet upang magkaroon ng dagdagtpang kaalaman o ibayong gawain ukol sa paksang pinag-aaralan. Kailanganninyong gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng mga web link.

Sa huli, hangad ng gabay na ito na tukuyin ang mahahalaga at kinakailangang kaalaman at kasanayan na dapat epektibong maituro ng mga guro at matutuhang pangmatagalan ng mga mag-aaral. Ito ang magigingpundasyon natin sa paghubog ng mga makabayang mag-aaral na Pilipino.Isang makabuluhan at matagumpay na pagtuturo ang hangad namin sa inyo.

Ang mga May-akda

I sang malaking hamon ang magturo ng Araling Panlipunan. Layunin ng ating asignatura na humubog ng mga makabayang mag-aaral na may

pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura at lalaking responsablengmamamayan ng ating bansa. Nangangahulugan ito na tayo bilang mga guro ay dapat may sapat na kaalaman, kasanayan at kahandaan sa pagtuturo upang makamit ng ating mga mag-aaral ang kinakailangang pagkatuto.

Upang maging patnubay sa inyong isang taong pagtuturo, handog namin sa inyo, mga guro ng Araling Panlipunan, ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbD. Ito ay isang napapanahong plano sa pagkatuto o sistema ng pag-aaral na nakaorganisa batay sa disenyong pangkurikulumna Understanding by Design o UbD nina Grant Wiggins at Jay McTighe.

Ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbD ay dinisenyo upanginyong mahusay na maituro at epektibong matutuhan ng mag-aaral ang serye ng teksbuk na Kamalayan, Kabihasnan at Kaunlaran (KKK). Nakaayon ito satatlong antas ng disenyong UbD. Ang tatlong antas na ito ay ang:

• Antas 1: Inaasahang Bunga/Resulta ng Pagkatuto

• Antas 2: Pagtataya

• Antas 3: Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Aralin

Ang unang dalawang antas ay matatagpuan sa planong instruksyunal(instructional plan) ng bawat yunit o markahan. Apat ang planong instruksyunal sa gabay na ito na katumbas ng apat na yunit o markahan sapagtuturo. Samantala, ang ikatlong antas ng UbD o ang Gabay sa Pagtuturoang patnubay ng guro sa araw-araw niyang pagtuturo upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasahang resulta o bunga ng pagkatuto.

Nakatuon ang mga Inaasahang Bunga/Resulta ng Pagkatuto sa mahahalagang kaalaman (konsepto, malalaking ideya, prinsipyo o isyu) atkasanayan na dapat matutuhan ng mag-aaral. Bilang bahagi ng unang antas ng UbD, nakalatag sa bawat planong instruksyunal ng yunit o markahan ang pamantayang pangnilalaman at pagganap (content and performancestandards) na dapat matutuhan at maipamalas ng mag-aaral sa pagtatapos ng yunit o markahan. Tinutukoy rin sa unang antas ang kakailanganing pag-unawa (essential understanding) upang matamo ng mag-aaral anginaasahang resulta o bunga ng pagkatuto. Upang gabayan ang mag-aaral sa kakailanganing pag-unawa, tinutukoy rin ang mahahalagang tanong

PAUNANG SALITA

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

iv

YUNIT III Pagsusuri ng Ekonomiya:Makroekonomiks …………………………………… 32

Aralin 18 Ang Pambansang Ekonomiya …………………………… 34

Aralin 19 Produksyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya ……… 35

Aralin 20 Pagbabago sa Kalagayan ng Ekonomiya ……………… 37

Aralin 21 Patakarang Piskal ………………………………………… 38

Aralin 22 Ang Patakarang Pananalapi ……………………………… 39

Aralin 23 Mga Institusyong Pinansyal: Bangko,Bahay-sanglaan, at Kooperatiba ………………………… 40

Aralin 24 Ang Salapi at ang Bangko Sentral ng Pilipinas ………… 40

Aralin 25 Pandaigdigan at Pambansang Pananalapi……………… 41

YUNIT IV Mga Sektor ng Ekonomiya ……………………… 46Aralin 26 Sektor ng Agrikultura ……………………………………… 48

Aralin 27 Pangisdaan at Paggugubat ……………………………… 50

Aralin 28 Papel ng Sektor ng Industriya sa Kaunlaran …………… 51

Aralin 29 Ugnayan ng Sektor ng Agrikultura at Industriya ………… 52

Aralin 30 Pampublikong Korporasyon ……………………………… 54

Aralin 31 Sektor ng Paglilingkod …………………………………… 55

Aralin 32 Impormal na Sektor ……………………………………… 56

Aralin 33 Kalakalang Panlabas ……………………………………… 57

Aralin 34 Mga OFW at ang Kontribusyon Nila sa Ekonomiya …… 58

Aralin 35 Globalisasyon: Kalakaran, Katangian, at Bahaging Ginagampanan sa Kaunlaran …………………………… 59

Aralin 36 Mga Samahang Pandaigdig: WTO at APEC …………… 61

Apendiks …………………………………………………… 64

YUNIT I MGA SALIGAN SA PAG-AARALNG EKONOMIKS …………………………………… 2

Aralin 1 Ekonomiks sa Paglipas ng Panahonn …………………… 4

Aralin 2 Mga Pinagkukunang-yaman ng Pilipinasn ……………… 6

Aralin 3 Ang Katangian at Kahalagahan ng Yamang Taon

ng Pilipinas ………………………………………………… 7

Aralin 4 Wastong Pagpapahalagan

sa mga Pinagkukunang-yaman ………………………… 8

Aralin 5 Ang Konsepto ng Kakapusann …………………………… 9

Aralin 6 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyan ……… 10

Aralin 7 Kagustuhan at Pangangailangan:n

Tungo sa Matalinong Pagdedesisyon …………………… 11

Aralin 8 Ang Pagkonsumo at ang Mamimilin ……………………… 12

Aralin 9 Konsepto at mga Salik ng Produksyonn ………………… 14

Aralin 10 Ang Kahalagahan ng Entrepreneurshipn

sa Ekonomiya at Lipunan ………………………………… 14

Aralin 11 Mga Organisasyon ng Negosyon ………………………… 15

YUNIT II Pagsusuri ng Ekonomiya:Maykroekonomiks ………………………………… 20

Aralin 12 Ang Mamimili at ang Demandn …………………………… 22

Aralin 13 Ang Bahay-kalakal at ang Suplayn ……………………… 23

Aralin 14 Ang Sistema ng Pamilihann ……………………………… 24

Aralin 15 Ang Konsepto ng Elasticityn ……………………………… 25

Aralin 16 Iba’t Ibang Istruktura ng Pamilihann ……………………… 26

Aralin 17 Pamilihan at Pamahalaann ………………………………… 28

TALAAN NG NILALAMAN

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

wally
Highlight
wally
Highlight
wally
Highlight
wally
Highlight

v

Mga Kakayahan Bilang ng Kabanata

Pahina sa Aklat

Mga Batayang Kakayahan sa Pagkatuto sa IKAAPAT NA TAON

I. Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

1. Napahahalagahan na ang pag-unawa sa mga batayang kaisipan at pamamaraan sa ekonomiks ay may kaugnayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao

A. Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham1. Nailalapat ang kahulugan ng

ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan

2. Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan

3. Natataya ang kahalagahan ng ekono - miks sa pang-araw-araw na pamu mu - hay ng bawat pamilya at ng lipunan

B. Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas1. Nauuri ang pinagkukunang-yaman

ng Pilipinas2. Nasusuri ang mga datos tungkol sa

mga yamang likas ng Pilipinas tungo sa matalinong paggamit ng mga ito

3. Natatalakay ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinasa. Naipaliliwanag ang kahalagahan

ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa• nasusuri ang katangian ng

balangkas ng populasyon

ng Pilipinas ayon sa kasarian, edad, bilang ng may trabaho/walang trabaho, edukasyon, relihiyon

• naiisa-isa ang pangangaila ngan ng populasyon sa Pilipinas

• nahihinuha ang implikas yon ng iba’t ibang katangian ng balangkas ng populasyon

b. Natataya ang uri, dami, kalidad ng lakas-paggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produktibo at mataas na kalidad ng antas ng produksyon

c. Nagkakaroon ng pagnanais na mapaunlad ang sarili bilang pagha-handa sa pagiging produktibo

4. Naitatangi ang mga wastong pagpa pa -halaga sa paggamit ng pinagkukunang- yaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit (sustainable use)

C. Kakapusan1. Nakikilala ang mga palatandaan ng

kakapusan bilang isang suliraning panlipunan

2. Nasusuri ang kaibahan ng kakapu-san sa kakulangan bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon

3. Naipamamalas ang responsableng paggamit ng mga limitadong likas na yaman

1 3

1 8-11

1 3-15

2 18-24

2 19-23

2/3 23-25/ 26-40

4 42-47

5 50-54/ 57-58

5 54-57

5 57-60

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

vi

D. Alokasyon1. Naisasaalang-alang ang kapakanan

ng iba sa pagbabahagi ng mga likas na yaman sa pamilya at lipunan

2. Nasisiyasat nang mapanuri ang mga pamamaraan at mekanismo ng alokas-yon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan

3. Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayang Pilipino

E. Kagustuhan at Pangangailangan1. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan

(wants) sa pangangailangan (needs) bi-lang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon

2. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa mga teorya ng pangangailangan

F. Pagkonsumo1. Naipaliliwanag ang konsepto ng

pagkonsumo2. Nasusuri ang mga epekto ng paa nunsyo

sa pagkonsumo3. Nasisiyasat nang mapanuri ang mga

anunsyo tungo sa matalinong pamimili4. Naipamamalas ang talino sa pag-

konsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili

5. Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili

6. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagmasid at mapanuri ng mga mamimili sa mga tiwaling gawain ng mga nagbibili

G. Produksyon1. Nasusuri ang mga salik (factors) ng

produksyon bilang batayan sa matali-nong paggamit ng mga ito

2. Naipahahayag ang damdamin ukol sa mahalagang papel ng entrepreneurship sa ekonomiya at sa produksyon

3. Nasusuri ang tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo sa ekono miya at produksyon ayon sa pakikisapi at pananagutan sa pagkakaroon ng matatag na ekonomiya

II. Pagsusuri ng Ekonomiya

2. Napahahalagahan ang kaugnayan ng maykroekonomiks at makroekonomiks sa buhay ng bawat isa bilang kasapi ng lipunan

A. Maykroekonomiks1. Nasusuri ang saklaw ng maykro-

ekonomiks2. Nailalapat ang kahulugan ng demand

sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya

3. Nasusuri ang mga salik na nakaa-apekto sa demand

4. Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factors) na nakaaapekto sa demand

6 62-64

6 64-67

6 64-67

7 70-71

7 71-75

8 78-83

8 89-90

8 89-90

8 84-89

8 90-95

8 84-97

9 98-119

10 120-127

11 128-133

12 134

12 135-137

12 138-142

12 140-142

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

vii

5. Nahihinuha na ang presyo ng bilihin na may epekto sa demand ng mamimili

6. Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw na pamu-muhay ng bawat pamilya

7. Nasusuri ang mga salik ng pro-duksyon na nakaaapekto sa suplay

8. Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factors) na nakaaapekto sa suplay

9. Nasusuri ang epekto ng presyo at non-price sa suplay ng kalakal at paglilingkod

10. Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa suplay ng nagbibili

11. Nakapagkukwenta ng elastisidad ng demand at suplay

12. Naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod

13. Naipaliliwanag ang interaksyon ng suplay at demand sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan

14. Nasusuri ang mga epekto ng kaku-langan at kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan

15. Nakapagmumungkahi ng paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan

16. Nasusuri ang iba’t ibang anyo ng pamilihan na tumutugon sa mara ming pangangailangan ng tao

17. Nasusuri ang bahaging ginagam-panan ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo sa isang pampamilihang ekonomiya

18. Napangangatwiranan ang panga-ngailangang pakikialam at regu lasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang anyo ng pamilihan

B. Makroekonomiks1. Nasusuri ang mga pangunahing

kaisipan ng makroekonomiksa. Nasusuri ang papel na ginagam-

panan at epekto ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor sa sumusunod:• implasyon• pamumuhunan• deplasyon• pag-iimpok• empleyo (employment, unem-

ployment, underemployment)2. Nasusuri ang pambansang produkto

(Gross National Product – Gross Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiyaa. Nakikilala ang mga pama ma raan

sa pagsukat ng pambansang produkto

b. Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya

12 135-138

13 144-147

13 148-150

13 147-150

13 147-151

13 147-151

15 164-171/ 172-177 15 167-171/ 173-177

14 152-154/ 156-163

14 154-156

14 154-156

16 180-185

17 186-195

17 195-197

18 198-208

19 210-222

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

viii

3. Nailalahad ang mga salik na naka-aapekto sa pambansang kita at pambansang produkto (GNP)

C. Implasyon1. Nakikilala ang palatandaan ng impla-

syon gamit ang Consumer Price Index (CPI)

2. Natutukoy ang dahilan at epekto ng implasyon

3. Nasusuri ang mga paraan sa paglutas ng implasyon

4. Nakikilahok ng aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon bilang isang mag-aaral

5. Nakapagpapamalas ng wastong pagpapasya bilang isang mamimili at nagbibili kaugnay ng suliranin sa implasyon

D. Patakarang Piskal1. Naipaliliwanag ang layunin ng pata-

karang piskal2. Napahahalagahan ang papel na gina-

gampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatupad nito

3. Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan

4. Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan

5. Nakapaghahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa mga paggasta ng pamahalaan

6. Nakapagsasanay sa tamang pag-kompyut ng buwis

7. Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis

8. Naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya

E. Patakarang Pananalapi1. Nauunawaan ang kahulugan ng

patakarang pananalapi (monetary)2. Naipaliliwanag ang layunin ng pata-

karang pananalapia. Naipahahayag ang kahalagahan

ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya

b. Nakikilala ang bumubuo sa sektor ng pananalapi

c. Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat sektor ng pananalapi• mga bangko• kooperatiba• pawnshop

d. Nasusuri ang bahaging/tungku-ling ginagampanan ng institusyon ng pananalapi sa ekonomiya

e. Naipaliliwanag ang uri at gamit ng salapi

f. Nasusuri ang dahilan at epekto ng pagbabago ng halaga ng salapi sa buhay ng mga mamamayang Pilipino

19 210-219

20 228-234

20 234-236

20 236-237

20 238-239

20 236-239

21 240-242

21 240-242

21 242-251

21 250-257

21 255

21 250-251

21 256-257

21 240-242

22 258-260

22-25 258-300

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

ix

g. Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi

h. Naiuugnay ang pandaigdigang pananalapi sa pambansang sis -tema ng pananalapi

i. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa bahaging ginagam-panan ng mga pandaigdig na institusyon ng pananalapi tulad ng International Monetary Fund at World Bank sa pananalapi ng bansa

IV. Mga Sektor sa Ekonomiya

3. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya para sa kapakanang panlahat

A. Sektor ng Agrikultura1. Nasusuri ang bahaging ginagam-

panan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya ng bansa

2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino

3. Nabibigyang-halaga ang mga insti-tusyon at programa na nakatutulong sa sektor ng agrikultura (indus-triya ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat)

4. Naitataguyod ang mga programang may kaugnayan sa sektor ng agri-kultura (repormang pansakahan)

B. Industriya at Pangangalakal1. Nasusuri ang bahaging ginagam-

panan ng sektor ng industriya tungo sa isang masiglang ekonomiya

2. Nakapaghahanda sa mga kasanayang pang-industriya ng Pilipinas

3. Naipahahayag ang opinyon tungkol sa nasyonalisasyon ng ilang korpo rasyon at pagsasapribado ng korporasyong pampamahalaan

4. Napagtitimbang ang papel na gina-gampanan ng mga korporasyong multinasyonal sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa pambansang ekonomiya

5. Naimumungkahi ang mabisang paraan sa pagmamay-ari at pamama hala ng mga korporasyon sa Pilipinas

6. Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong teknolohiya tungo sa pagsulong ng ekonomiya

7. Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor ng agrikultura at industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan

8. Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng industriya at ng panga-ngalakal

9. Nasusuri ang mga batas hinggil sa patakarang industriyal ng Pilipinas

26/27 302/ 303- 305/316- 318/323 26/27 305-310/ 318-322/ 323-324

26/27 310-315/ 322-323/ 324-326

26 310-313

28 328-336

28 332-337

30 350-353

30 354

30 355

29 345-346

29 338-340

29 347

29 341-342

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

x

10. Naihahayag ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng sektor ng industriya at mga kalakal tungo sa matatag na ekonomiya

C. Sektor ng Paglilingkod

1. Nasusuri ang bahaging ginagam-panan ng sektor ng paglilingkod

2. Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng paglilingkod ng bansa

3. Naibabahagi ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na kalidad ng manggagawang Pilipino sa sektor ng paglilingkod

4. Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng paglilingkod

D. Impormal na Sektor ng Ekonomiya

1. Nasusuri ang iba’t ibang anyo ng impormal na sektor ng ekonomiya

2. Nailalahad ang saloobin ukol sa pamumuhay ng mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya

3. Natataya ang ambag o papel ng impormal na sektor sa kabuuang eko-nomiya

E. Kalakalang Panlabas

1. Natataya ang kalakaran ng kala-kalang panlabas ng bansa

2. Natitimbang ang epekto ng mga patakaran at programa sa kalakalang panlabas ng bansa sa buhay ng nakara-raming Pilipino

3. Nasusuri ang kaugnayan ng exchange rate sa kalakalang panlabas ng bansa

4. Nasusuri ang epekto sa kalakalang panlabas at ekonomiya ng pagbabago ng palitan ng piso laban sa mga dayuhang salapi

5. Nasusuri ang mga kabutihan at di-kabutihan ng kalakalang panlabas tungo sa isang masigla at maunlad na ekonomiya

6. Napahahalagahan ang mga lokal na kalakal at paglilingkod

7. Napahahalagahan ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa ng mga padalang pera ng mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa

8. Natitimbang ang epekto ng globa-lisasyon sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino batay sa mga patakarang:

a. liberalisasyon

b. deregulasyon

c. pagsasapribado ng mga korpo-rasyong pag-aari ng pamahalaan

9. Napahahalagahan ang ugnayan ng mga bansa tulad ng World Trade Organization at Asia-Pacific Eco-nomic Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig

28 337

31 358-364

31 362-363

31 364-365

31 363-364

32 366-369

32 366-374

32 368-369/ 372-373

33 376-385

33 382-385

33 381-382

33 381-382

33 376-382

33/34 376-385/ 396-405

34 388-394

35 396-405

36 408-416

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

xi

PANG-UNA/PANGHULING PAGSUSULIT

Kaalaman sa Katawagan. Piliin ang wastong sagot. Isulat lamang ang titik.

1. Ito ay isang sangay ng agham panlipunan tungkol sa pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang magamit sa pagbuo ng mga bagay at serbisyong makatutugon sa kagustuhan at panga-ngailangan ng tao.a. alokasyon c. ekonomiks*b. econometrics d. makroekonomiks

2. Dibisyon ng ekonomiks na sumusuri sa galaw ng bawat negosyo at konsyumera. makroekonomiks c. econometrics b. maykroekonomiks* d. Araling Panlipunan

3. Ang batayan ng problemang pang-ekonomiya na bunga ng pag-kalimitado ng pinagkukunang-yamana. kahirapan c. kakulangan b. kakapusan* d. kalabisan

4. Binubuo ng mga taong may edad na 15 taon at pataas na may trabaho, walang trabaho, at yaong naghahanap ng trabahoa. umaasang populasyon c. lakas-paggawa* b. underemployed d. minority

5. Sangkap ng produksyon na nagmula sa kalikasana. yamang tao c. yamang likas*b. yamang kapital d. yamang pisikal

6. Doktrinang nagsasaad na dapat kontrolin ang kapangyarihan ng pamahalaan lalong-lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa ekonomiyaa. laissez faire* c. merkantilismob. komunismo d. sosyalismo

7. Yaong ating pinakakawalan kapag tayo ay pumipili o gumagawa ng isang desisyona. kabuuang gastos c. opportunity cost* b. bumababang halaga d. variable cost

8. Ang proseso kung saan ang mga sangkap (input) ay pinagsama-sama upang makabuo ang produkto (output)a. pagkonsumo c. pangangapitalb. pamamahagi d. produksyon*

9. Pinakapayak at pinakakaraniwang uri ng negosyoa. isahang pagmamay-ari* c. korporasyonb. sosyohan d. kooperatiba

10. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyoa. suplay c. ekilibriyob. demand* d. disekilibriyo

11. Ang mataas na presyo ng produkto ay ______.a. nakapagpapababa sa dami ng demand*b. nakapagpapataas sa dami ng demand c. walang epekto sa dami ng demand d. wala sa nabanggit

12. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng bahay-kalakal sa iba’t ibang presyoa. suplay* c. ekilibriyob. demand d. disekilibriyo

13. Ang mababang presyo ng produkto ay ______.a. nakapagpapataas sa dami ng suplayb. nakapagpapababa sa dami ng suplay*c. walang epekto sa dami ng suplayd. wala sa nabanggit

14. Nagpapahiwatig ng pagkakasundo ng mamimili at nagbibili a. kasunduan c. ekilibriyo*b. sabwatan d. disekilibriyo

15. Ang malaking kita ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand patungo sa ______.a. kanan* c. walang pagbabago b. kaliwa d. wala sa nabanggit

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

xii

16. Dahilan upang ang kurba ng suplay ay lumipat pakaliwa

a. saganang ani

b. pagdami ng prodyuser

c. baha at bagyo*

d. pagliit ng gastos sa produksyon

17. Ang pagtugon ng mga mamimili sa anumang pagbabago sa presyo ng kalakal o paglilingkod

a. price elasticity ng demand*

b. price elasticity ng suplay

c. perfectly price elastic demand

d. perfectly price inelastic demand

18. Kapag mas malaki ang bahagdan ng pagbabago sa dami kumpara sa presyo

a. perfectly price elastic

b. perfectly price inelastic

c. price elastic*

d. price inelastic

19. Kapag hindi nagbago ang dami ng pagkonsumo kahit tumaas o bumababa ang presyo ng kalakal o serbisyo

a. unit elastic

b. price elastic

c. perfectly price elastic

d. perfectly price inelastic*

20. Anyo ng pamilihang may lubhang napakaraming prodyuser at konsyumer na hindi kayang kontrolin ang presyo, demand, at suplay ng produkto

a. ganap na kompetisyon*

b. monopoly

c. oligopoly

d. di-ganap na kompetisyon

21. Sabwatan ng mga oligopolist sa presyo upang makontrol ang pamilihana. kasunduan c. samahanb. cartel* d. monopsony

22. Dibisyon ng ekonomiks na tungkol sa pag-aaral ng buong ekonomiyaa. maykroekonomiks c. econometrics

b. makroekonomiks* d. economic policy

23. Ang pagpapatupad ng pamahalaan ng episyenteng balanseng pag-unlad at katatagan ng ekonomiya kung may mga elementong nagdudulot ng disekilibriyo sa ekonomiyaa. patakarang pananalapi b. patakarang piskal* c. one-child policy

d. Filipino-fi rst Policy

24. Upang maiwasan ang infl ation, ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagsasagawa ng contractionary money policy sa pama magitan ng ______.a. pagpapataas ng interest rate*b. pagpapababa ng interest rate

c. pagpapababa ng singil na buwisd. pagdaragdag sa gastos publiko

25. Uri ng industriya na ang kalakal na nabubuo ay gawang kamaya. maliit at katamtaman b. industriya ng asukal c. malaking industriyad. industriyang pantahanan*

26. Isang paraan kung saan ang mga korporasyon at negosyo ay sumasailalim sa kontrol o pamamahala ng pamahalaana. pagsasapribado c. prangkisab. nasyonalisasyon* d. kaloob

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

xiii

27. Tungkol ito sa paraan o inobasyong makaagham upang mapaunlad ang paraan ng paggawa

a. agham c. teknolohiya*

b. preserbasyon d. konserbasyon

28. Layunin ng R.A. 8762 o Retail Trade Liberalization Act of 2000na ______.

a. limitahan ang kalakalang tingian sa mga Pilipino lamang

b. mahikayat ang mga Pilipino at dayuhang mamumuhunan sa bansa*

c. bigyang-proteksyon ang mga lokal na mamumuhunan

d. isara ang kalakalan para sa mga Pilipino lamang

29. Ahensyang nangunguna sa pagsubaybay sa larangan ng kalakalan at industriya

a. Department of Trade and Industry*

b. Department of Foreign Affairs

c. Department of Finance

d. Department of Labor and Employment

30. Sektor na kulang sa mga legal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng gawaing pangkabuhayan

a. impormal na sektor*

b. sektor ng industriya

c. sektor ng agrikultura

d. sektor ng pananalapi

31. Pangunahing pinagmumulan ng pananalapi ng pamahalaan

a. mga kaloob at tulong

b. kita mula sa kapital

c. kita mula sa operasyon at serbisyo

d. pagbubuwis*

32. Tumutukoy sa paglalahad ng kita na gugugulin ng isang tao, pamilya, kompanya, o pamahalaan sa loob ng isang takdang panahon

a. kita c. badyet*

b. gastusin d. pag-iimpok

33. Ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa halos buong pamilihan

a. infl ation* c. defl ation

b. depreciation d. recession

Tungkol sa mga tanong sa bilang 34-35, tingnan ang talahanayan sa ibaba.

34. Saang produkto dapat magpakadalubhasa ang New Zealand?

a. trigo

b. bigas*

c. parehong bigas at trigo

d. wala sa nabanggit

35. Halaga ng isinasakripisyong bigas bawat ektarya kapag nagpakadalubhasa sa trigo ang Australia

a. 500 kilo c. 800 kilo

b. 600 kilo d. 400 kilo*

xiii1

Ani Bawat Ektarya

Trigo

Bigas

New Zealand

500 kilo

600 kilo

Australia

800 kilo

400 kilo

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

2

ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pinag-kukunang-yaman sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino

Nakagagawa ng journal tungkol sa mga suliraning may kaugnayan sa pagka sira at pagkaubos ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa at ang mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ito

Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong

Mahalaga ang bahaging gina-gampanan ng pinagkukunang-yaman sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino.

Paano nakaaapekto ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa sa pagsulong ng pamumuhay at kabu-hayan ng mga mamamayang Pilipino?

ANTAS 2: PAGTATAYA

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawaNaipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pama-

magitan ng sumusunod na mga kasanayan:

A. PagpapaliwanagNaipaliliwanag ang kahalagahan ng pinagkukunang-yaman

sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino

B. PagpapakahuluganNabibigyang-puna ang pananagutan ng bawat mamamayan

na pangalagaan ang pinagkukunang-yaman ng bansa

MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKSKabuuang bilang ng araw: 57

C. PaglalapatNakalalahok sa mga gawain o naipahahayag ang paninin digan

sa mga isyung pangkapaligiran at iba pang pinagkukunang-yaman

D. PerspektiboNabibigyang-katwiran ang episyenteng paggamit ng pinagku-

kunang-yaman para sa kabutihan ng bansa, lalo na ng susunod na henerasyon

E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba1. Nailalagay ang sarili sa katayuan ng Pangulo ng bansa2. Naisasabuhay ang nararanasang sakripisyo, pagtitiis, at

commitment upang maiangat ang kalagayan ng kabuhayan ng mga mamamayan ng bansa

F. Pagkilala sa SariliNamumulat sa kakulangan sa pagtupad sa tungkulin sa

pangangalaga ng kapaligiran bunga ng maling paniniwala na ito ay responsibilidad lamang ng pamahalaan at hindi ng buong sambayanan

Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap

☛ Awtentikong Pagtataya

1. Magpagawa ng journal na tumatalakay sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkasira at pagkaubos ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa at ang mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ito. Gamitin ang rubric sa Apendiks bilang batayan sa pagmamarka ng gawaing ito.

2. (Para sa Aralin 1) Maaaring gumamit ng tula, jingle, o rap sa pagtataya ng mga konseptong kanilang natutuhan hinggil sa kung ano ang ekonomiks.

YUNIT I

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

3

☛ Tradisyunal na PagtatayaA. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto.

Kung mali, palitan ang salitang may salungguhit upang maging wasto ang pangungusap.___________ 1. Hinango ang “ekonomiks” sa salitang Greek na

oikonomia. (Tama)___________ 2. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagbibigay sa

tao ng mga kaalamang nakatutulong sa pag-gawa ng tamang desisyon. (Tama)

___________ 3. Ang opportunity cost ng pagliban sa klase ay ang halaga ng kaalamang natutuhan sana kung pumasok sa paaralan. (Tama)

___________ 4. Sa mga rehiyon sa Pilipinas, pinakamalawak ang kagubatan sa NCR. (Timog Katagalugan)

___________ 5. Pagmimina ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino. (Agrikultura)

___________ 6. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang mapataas ang produksyon ng mga bahay-kalakal. (Tama)

___________ 7. Ang yamang mineral ay madaling mapalitan na pinagkukunang-yaman. (hindi-napapalitan)

___________ 8. Namumuhunan ang pamahalaan sa mga gawa-ing panlipunan para sa kapakanang pambayan. (Tama)

___________ 9. Ang yamang kapital ay limitado lamang sa salaping puhunan ng mga bahay-kalakal. (hindi limitado)

___________ 10. Si Michael Todaro ang nagsabing ang panga-ngailangan ng tao ay mailalagay sa isang hirarkiya. (Abraham Harold Maslow)

B. Kaalaman sa Tiyak na Bagay. Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ang itinuturing na “Ama ng Ekonomiks” at may akda ng

The Wealth of Nations ay si _______________.a. David Ricardo c. Adam Smith*b. Karl Marx d. Thomas Malthus

2. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa kabuuang dimensyon ng ekonomiya ay tinatawag na _______________.a. makroekonomiks* c. econometricsb. maykroekonomiks d. labor economics

Para sa bilang 3-5, gamitin ang sumusunod na mga datos.may trabaho — 12,000walang trabaho — 5,000wala sa lakas-paggawa — 1,000

3. Ang kabuuang lakas-paggawa ay _______________.a. 17,000* c. 6,000b. 18,000 d. 13,000

4. Ang kabuuang populasyon ay _______________.a. 17,000 c. 6,000b. 18,000* d. 13,000

5. Ang antas ng mga walang trabaho ay _______________.a. 29.42% c. 29.43%b. 29.41%* d. 29.44%

6. Ang dami ng produktong malilikha ng kombinasyon ng mga salik ng produksyon ay ipinakikita ng _______________.a. total product b. production function* c. marginal product d. consumption function

7. Kung ang total cost ay 545 at ang fixed cost ay 520, ang variable cost ay _______________.a. 525* c. 565b. 530 d. 5520

8. May masamang epekto sa yamang dagat ang sumusunod maliban sa _______________.a. dynamite fi shing c. cyanideb. muro ami d. lambat*

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

4

(b)(a)(e)

(c)

(d)

9. Batay sa sensus ng populasyon sa Pilipinas noong 2007, ang kalalakihan ay 50.4% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas at 49.6% naman ang kababaihan. Nangangahulugan ito na _______________.a. pantay ang dami ng babae sa lalakib. mas marami ang babae sa lalakic. mas marami ang lalaki sa babae*d. bata ang populasyon ng Pilipinas

10. Ang mga taong may trabaho na hindi angkop sa kanilang kasanayan o pinag-aralan ay tinatawag na ______________.a. underemployed* c. employedb. unemployed d. over-employed

B. Ayusin ang baytang ng pangangailangan mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli ayon kay Abraham Harold Maslow. Gamitin ang mga titik a-e._____ 1. Pangkaligtasan_____ 2. Pisyolohikal_____ 3. Pangangailangang maipatupad ang kaganapan ng

pagkatao_____ 4. Pangangailangang makisalamuha, makisapi, at

magmahal_____ 5. Pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga

ng iba

ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALINAralin 1 Ekonomiks sa Paglipas ng Panahon

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Magpagupit sa mga mag-aaral ng mga larawan o mga head-line sa pahayagan o magasin na may kaugnayan sa eko-nomiks. Ipadikit ang mga ito sa kartolina upang makabuo ng collage.

2. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:a. Ano ang ipinakikita ng nabuong collage?b. Batay sa nabuong collage, ano ang inyong konsepto o

pagkaunawa kung ano ang ekonomiks?c. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 16-17 ng batayang aklat.

Mga sagot:1. laissez faire 6. Jose Basco y Vargas 2. effi ciency 7. Gregorio Sandico y Goson3. equilibrium 8. descriptive economics4. utilitarianism 9. sustainability5. oikonomia 10. human empowerment

B. Paglinang1. Maaaring pangkatin ang klase sa pagsasagawa ng

sumusunod:a. Pangkat 1: Gumamit ng events chain para sa pagpa-

pakita ng mga kaganapang nagbunsod sa pagsilang ng ekonomiks. Ang bawat kahon ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan, pangyayari, o tao sa bawat yugto.

PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

5

d. Pangkat 4: Magtanghal ng panayam o talk show para sa paksang, “Ang Ekonomiks sa Pilipinas”.

Maaaring gamitin ang mga tanong sa pahina 17 ng batayang aklat para sa panayam.

C. Pagpapalalim1. Gamitin ang sumusunod na mga tanong para sa talakayan.

Mga gabay na tanong:a. Paano umunlad ang ekonomiks bilang isang disiplina?b. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks?c. Ipaliwanag ang ugnayan ng ekonomiks sa iba’t ibang

disiplina.d. Paano lumawak ang mga larangan ng ekonomiks?e. Bakit sinasabing ang pag-aaral ng ekonomiks sa Pilipinas

ay nasa musmos na kalagayan?f. Paano pinagyayaman ng bansa ang pag-aaral ng disiplina

ng ekonomiks?2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.

D. Paglalapat1. Magpagupit ng tatlong balita sa isang pahayagan o magasin.

Ipapaliwanag kung bakit ang mga usapin ay saklaw ng pag-aaral ng ekonomiks.

2. Ipasagot ang interactive drill para sa araling ito na nasa i-learn.vibalpublishing.com.

E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 16 ng batayang aklat.2. Itanong: Paano makatutulong ang mga kaalaman sa

ekonomiks sa pang-araw-araw mong buhay bilang isang mag-aaral?

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, kartolina, pahayagan at magasin, Internet

b. Pangkat 2: Gumamit ng matrix o talahanayan upang maipakita ang ugnayan ng ekonomiks sa iba’t ibang disiplina.

KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA IBAʼT IBANG DISIPLINA

Disiplina Tuon ng Pag-aaral Kaugnayan sa Ekonomiks

c. Pangkat 3: Maaaring gumamit ng Venn diagram sa pagtalakay ng paksang may kaugnayan sa ekonomiks at mga larangan nito.

MGA NAITATAG NA LARANGAN SA EKONOMIKS

Tradisyunal Di-tradisyunal

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

6

Aralin 2 Mga Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Sa pamamagitan ng concept diagnosis, magdikit sa pisara

ng larawan ng bundok, puno, dagat, ilog, gubat, bukirin, kompyuter, kotse, ginto, tanso, at gusali. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapangkat ng mga larawan. Maaari itong mapangkat sa ganitong paraan:

A B C D E

bundokbukirin

punogubat

dagatilog

kompyuterkotsegusali

ginto tanso

2. Lagyan ng label ang bawat pangkat sa kahon.a. Yamang lupa d. Yamang kapitalb. Yamang gubat e. Yamang mineralc. Yamang tubig

Ibigay ang mahalagang tanong: Paano nakaaapekto ang dami at kalidad ng pinagkukunang-yaman sa pagsulong ng kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino?

B. Paglinang 1. Magpabuo ng matrix na may sumusunod na mga kolum:

a. Urib. Halimbawac. Pinaggagamitand. Saan Matatagpuane. Kasalukuyang Kalagayanf. Wastong Gamit at Pangangalaga

Gamitin ang mga datos na nasa batayang aklat para sa pagbuo ng matrix. Magsagawa ng malayang talakayan tungkol sa nabuong matrix.

2. Maaari ding gamitin ang mapang pang-ekonomiya ng Pili-pinas upang tukuyin ang lokasyon ng mga pinagkukunang-yaman.

3. Gumamit ng graph o talahanayan na nagpapakita ng mga datos at estadistika na may kinalaman sa pinagkukunang- yaman ng Pilipinas.a. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:

• Ano ang mga uri ng pinagkukunang-yaman ng Pili-pinas?

• Ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga pinagku-kunang-yaman ng Pilipinas?

b. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral batay sa mga datos at estadistika.

3. Ipapanood ang video tungkol sa pinagkukunang-yaman. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para sa video na ito. Magpasulat ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa video.

C. Pagpapalalim1. Itanong sa klase ang iba pang kaugnay na mga tanong:

a. Ano ang bahaging ginampanan ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa sa kalagayang panlipunan at pangkabu-hayan ng tao?

b. Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang dami at kalidad ng pinagkukunang-yaman ng bansa?

c. Bakit may mga bansang kahit kapos sa likas na yaman ay maunlad pa rin?

2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kani-kanilang kuru-kuro.

D. Paglalapat 1. Ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang pagpapakahulugan nila

sa kasabihang, “Ubos-ubos biyaya pagkatapos ay nakatu-nganga.” Iugnay sa aralin ang kasabihang ito.

2. Magpagawa ng album na nagpapakita ng iba’t ibang pinagkukunang-yaman sa bawat rehiyon ng Pilipinas.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

7

E. PagpapahalagaIpasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 24 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, mapang pang-ekonomiya ng Pilipinas, mga larawan, oslo paper, typewriting paper, lapis, pangkulay, Internet

Aralin 3 Ang Katangian at Kahalagahan ng Yamang Tao ng Pilipinas

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas 1. Ipaskil ang karikatura ng isang malaki at matabang sanggol

at isang ina na may hawak na isang bote ng feeding bottle. Lagyan ng label na POPULASYON ang karikatura ng sanggol habang PINAGKUKUNANG-YAMAN naman ang sa ina.

2. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:a. Ano ang mensaheng ipinakikita ng karikatura?b. Ganito kaya ang kalagayan sa Pilipinas?

B. Paglinang 1. Gamit ang mga talahanayan/estadistika/datos at grap ng mga

paksang nasa ibaba, susuriin at ipaliliwanag ng naatasang pangkat ang bawat isa.a. Kabuuang populasyon batay sa edadb. Kabuuang populasyon ng lakas-paggawa batay sa kung

ilan ang employed, underemployed, at unemployedc. Kabuuang populasyon ng lakas-paggawa batay sa

hanapbuhay o kinabibilangang sektor

Maaaring iatas sa apat na pangkat ang pagpapaliwanag at pag-uulat ng mga datos na nabanggit isa o dalawang araw bago ang talakayan.

2. Magsagawa ng isang panel discussion o panayam ang ikalimang pangkat ng mga mag-aaral hinggil sa paksang “Pagpapaunlad sa Kalidad ng Paggawa”.

Mga gabay na tanong:a. Ano ang mga kadahilanan ng mabilis na paglaki ng popu-

lasyon?b. Paano nakaaapekto ang mabilis na paglaki ng populasyon

sa lipunan at ekonomiya?

C. Pagpapalalim1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong:

Paano mapangangalagaan at mapayayaman ang lakas-paggawa? Hayaang magbanggit ng kanilang opinyon ang mga mag-aaral.

2. Itanong din sa klase ang iba pang kaugnay na mga tanong:a. Anong mga programa ang maaaring ipatupad ng pama-

halaan bilang pangangalaga sa yamang tao nito?b. Sa panig naman ng populasyon na bumubuo sa lakas-

paggawa ng bansa, paano naman nila dapat pangalagaan ang kanilang sarili upang maging kapaki-pakinabang sa pagpapaunlad ng bansa?

D. Paglalapat1. Itanong sa klase kung paano nila pinaghahandaan ang

hinaharap bilang bagong kasapi ng lakas-paggawa ng bansa.2. Hayaang magbigay ng sariling pananaw ang mga mag-aaral.3. Sa huli, itimo sa isipan ng mga mag-aaral na mahalaga ang

papel na ginagampanan ng lakas-paggawa sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Anong mga gawain ng pamahalaan ang dapat

pahalagahan upang maiangat ang kalagayan sa buhay ng mga manggagawang Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 40 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, talahanayan, estadistika, datos, grap, karikatura, Internet

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

8

Aralin 4 Wastong Pagpapahalaga sa mga Pinagkukunang-yaman

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita ang comic strip na ito sa mga mag-aaral.

3. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan.a. Ano ang layunin ng likas-kayang paggamit?b. Paano nakatutulong ang likas-kayang paggamit at

pangangalaga ng yamang likas?c. Ano ang mga epekto sa tao ng patuloy na pagkasira at

pagkaubos ng yamang likas?d. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga yamang

likas ng bansa?

C. Pagpapalalim1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang isinasaad ng quotation na

ito: “The earth does not belong to man, man belongs to the earth, and all things are interconnected like the blood that unites the family. We did not weave the web of life, we are merely a strand in it. Whatever you do to the web, you do it to yourself.” (Halaw mula sa sulat ni Chief Seattles, pinuno ng mga Squamish Indian sa Washington noong 1800)

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.

D. Paglalapat1. Magpagupit ng mga balitang may kaugnayan sa pagkasira ng

mga pinagkukunang-yaman. Ipasa bilang collage.2. Magpabuo sa mga mag-aaral ng isang panata o commitment

na naglalaman ng kanilang adhikain, mithiin, at pangako sa kalikasan. Bigyan ito ng pamagat na “Panata Ko sa Kalikasan.”

3. Ipagawa ang Gawain sa pahina 49 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 48 ng batayang aklat.2. Ipasagot: Bilang isang mag-aaral at naninirahan sa daig-

dig, paano ka makatutulong upang mapangalagaan ang kalikasan?

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, video documentary na “An Inconvenient Truth,” National Geographic “Global Warming,” at “Signos: Banta ng Nagbabagong klima” ng GMA 7, Internet

Hoy E a r t h ! Ano ang nangyari sa ozone layer mo?

Eto, lumalaki na ang butas!

E, paano kung mas lumaki pa ang butas?

M a l a m a n g goodbye Earth na!

Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:• Ano kaya ang kahihinatnan ng mundo?• Bakit humantong sa ganitong kalagayan ang mundo?

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 48 ng batayang aklat.3. Maaaring ipapanood sa klase ang ilang fi lm clip o docu-

mentary fi lm tungkol sa pagkasira ng kalikasan tulad ng, “An Inconvenient Truth” na isinalaysay ni Al Gore at Signos: Banta ng Nagbabagong Klima. Maaaring makita ang mga ito sa Youtube.

4. Isulat sa pisara ang sumusunod na mga salita:a. landslide b. red tide c. fi shkill

Itanong sa mga mag-aaral kung may alam silang mga insidente ukol dito.

B. Paglinang 1. Ipabasa ang Aralin 4: Wastong Pagpapahalaga sa mga

Pinagkukunang-yaman sa pahina 42-47 ng batayang aklat.2. Mag-imbita ng isang tagapagsalita na may awtoridad sa

nasabing paksa lalo na sa pangangalaga at mga batas ukol sa kalikasan.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

9

c. Pangkat 3: Mga kadahilanan ng kakapusan gamit ang graphic organizer

Aralin 5 Ang Konsepto ng Kakapusan

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Maghanda ng tsart gamit ang K-W-L chart.

K-now W-ant L-earn

2. Itanong kung ano ang alam ng mga mag-aaral ukol sa kaka-pusan. Itala sa kolum ng K-now. Pagkatapos ay itanong kung ano ang gusto nilang malaman ukol sa kakapusan at itala sa ilalim ng W-ant. Sa pagtatapos ng aralin, saka itanong sa mga mag-aaral ang kanilang natutuhan ukol sa kakapusan at itala sa kolum na L-earn.

B. Paglinang1. Maaaring iatas sa apat na pangkat ang pagpapaliwanag at

pag-uulat isa o dalawang araw bago ang talakayan.a. Pangkat 1: Mga palatandaan ng kakapusan — Pag-uulat

gamit ang puppet show at picture paradeb. Pangkat 2: Paghahambing sa kakapusan at kakulangan

sa pamamagitan ng Venn diagram

Kakapusan Kakulangan

NON-RENEWABILITYMAAKSAYANG

PAGGAMITWALANG HANGGANG PANGANGAILANGAN

KADAHILANAN NG KAKAPUSAN

d. Pangkat 4: Gamitin ang social inquiry sa pag-uulat ng sumusunod na mga temang maiuugnay sa konsepto ng kakapusan.

• Ang kakapusan ay nagdudulot ng kaguluhan.

• Ang pagkakaroon ng di-pagkakapantay-pantay (inequality) ng tao sa lipunan ay bunga rin ng kakapusan.

• Ang tao ay may kakayahang harapin ang hamon ng kakapusan.

2. Maaari ding ibigay ang mga gabay na tanong sa pahina 61 ng batayang aklat at ipasagot sa buong klase bilang malayang talakayan.

C. Pagpapalalim1. Magbigay ng input tungkol sa paradox ng diyamante at

tubig at ang kaugnayan nito sa kakapusan. Itanong sa klase ang mahalagang tanong: Bakit mas pinahahala-gahan natin ang diyamante kumpara sa tubig samantalang mas mahalaga ang tubig?

2. Itanong din sa klase ang iba pang kaugnay na mga tanong:a. Sa inyong palagay, ano ang mangyayari kung magkaka-

roon ng kakapusan ng suplay ng tubig?b. Kung papipiliin ka sa pagitan ng diyamante at tubig,

ano ang mas pipiliin mo? Bakit?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

10

Aralin 6 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Maghanda ng tsart at magsagawa ng survey sa klase. Bilangin

ang mga mag-aaral na may kaalaman sa mga sistemang pang-ekonomiya. Maaari ding isulat sa tsart ang mga konseptong kanilang nalalaman ayon sa paksa.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

Tradisyunal Market Command Mixed

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 68 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Pangkatin sa dalawa ang klase upang ipaliwanag at iulat ang

paksa.a. Pangkat 1: Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng tree

diagram upang ipaliwanag ang kaugnayan ng kakapusan, alokasyon, at sistemang pang-ekonomiya.

b. Pangkat 2: Gamitin ang cluster map upang maipali-wanag ang katangian ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

2. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan.a. Ano ang alokasyon?

D. Paglalapat

1. Ipaayos ang sumusunod na mga gawain ayon sa prayoridad ng bawat mag-aaral sa loob ng 12 oras. Gamitin ang mga titik na A hanggang L. Palagyan din ng takdang oras ang bawat gawain upang hindi lumagpas sa oras.

______ 1. Pagtulog

______ 2. Paglalaro

______ 3. Pag-aaral

______ 4. Paggamit ng kompyuter

______ 5. Pagkain ng almusal

______ 6. Panonood ng TV

______ 7. Pagmemeryenda

______ 8. Pagkain ng tanghalian

______ 9. Pakikipagkwentuhan sa kaibigan

______ 10. Pagkain ng hapunan

______ 11. Paliligo/paglilinis ng katawan

______ 12. Pamamasyal

2. Ihambing ang ginawang talaan sa mga kamag-aral. Ano ang naging basehan sa paggawa ng prayoridad sa pagpili?

3. Ipagawa ang Gawain sa pahina 61 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga

1. Iproseso: Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong ang diwa ng opportunity cost at kakapusan sa pagbuo ng tamang desisyon?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 60 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, tsart, graphic organizer tulad ng Venn diagram, Internet

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

11

b. Ano ang sistemang pang-ekonomiya? Ano ang mga katangian ng mga uri nito?

c. Ano ang maaaring mangyari kung walang sistemang pang-ekonomiya o hindi epektibo ang pinaiiral na siste-mang pang-ekonomiya?

d. Paano nagkakaiba-iba ang paraan ng alokasyon ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya?

e. Paano tinutugunan ng iba’t ibang sistemang pang-eko-nomiya ang mga suliraning pangkabuhayan?

3. Maaari ding gamitin ang mga tanong sa pp. 68-69 ng batayang aklat bilang gabay sa talakayan.

C. Pagpapalalim

1. Maglunsad ng talakayan sa klase sa tulong ng sumusunod na mga tanong:

a. Bakit iba-iba ang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa iba’t ibang bansa?

b. Sa iyong palagay, anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang dapat pairalin sa Pilipinas? Bakit?

2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro.

3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.

D. PaglalapatIpagawa ang Gawain sa pahina 69 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Anong katangian sa bawat sistemang pang-ekono-

miya ang inaakala mong mainam at kapuri-puri? Bakit?2. Ipasagot ang unang tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 68

ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, tsart, graphic organizer, Internet

Aralin 7 Kagustuhan at Pangangailangan: Tungo sa Matalinong Pagdedesisyon

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Itanong sa mga mag-aaral kung anong mga bagay ang bibilhin

nila kung sila ay may 51,000.2. Itanong ang kadahilanan ng kanilang piniling mga bagay.3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na matututuhan nila kung ano

ang kagustuhan at pangangailangan.4. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 77 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Pangkatin ang klase sa apat at ilahad ang aralin sa pama-

magitan ng sumusunod:a. Pangkat 1: Picture analysis ng isang pamilyang ma-

hirap at mayaman. Itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa pangangailangan at kagustuhan.Itanong: • Ano ang kanilang mga pangangailangan at

kagustuhan?• Saang aspekto nagkakatulad at nagkakaiba ang

kanilang pangangailangan at kagustuhan? Bakit?• Maaari bang ang pangangailangan ng isang tao ay

maging kagustuhan naman ng iba?b. Pangkat 2: Concept map na magpapakita sa mga salik

na maaaring makaapekto at makapagpabago sa panga-ngailangan at kagustuhan

c. Pangkat 3: Pag-uulat sa teorya ni Maslow at teorya ni McClelland sa klase

d. Pangkat 4: Panel discussion at statistical analysis hinggil sa paksang, “Pangangailangan ng Pamilyang Pilipino”. Magkaroon ng moderator na magtatanong at mangangasiwa sa talakayan. Ang mga panelist naman

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

12

ay binubuo ng mga mag-aaral. Mas mainam kung iba-iba ang antas ng mga kalahok. Kailangang malaman ang sumusunod na mga detalye:• Badyet sa isang buwan• Paraan ng paggasta o mga gugulin• Pinakamalaki at pinakamaliit na gugulin

2. Gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan:a. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?b. Bakit nag-iiba-iba ang pangangailangan at kagustuhan

ng tao?c. Ano ang kaibahan ng teorya ni Maslow sa teorya ni

McClelland?

d. Paano ang spending pattern ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan?

C. Pagpapalalim1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong para

sa paksang ito: Bakit kailangang maging malinaw sa isang tao kung ano ang kanyang kagustuhan at ang kanyang pangangailangan? Hayaang magbahagi ng kanilang opinyon ang mga mag-aaral.

2. Itanong din sa klase ang iba pang mga kaugnay na tanong:a. May kaugnayan ba ang kagustuhan at pangangailangan

sa pagpapasya ng isang mamimili? Ipaliwanag.b. Sa inyong palagay, alin ang mas matimbang sa tao,

ang kanyang pangangailangan o kanyang kagustuhan? Pangatwiranan.

D. Paglalapat1. Itanong: Sa anong pagkakataon o kaganapan na ang mga

pangangailangan ng mga tao ay nagiging kagustuhan? Ipaliwanag.

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 77 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Iproseso: Sakaling ikaw ay nakakariwasa sa buhay, paano

mo pahahalagahan ang pangangailangan sa buhay lalo na ng mahihirap?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 76 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, mga larawan

Aralin 8 Ang Pagkonsumo at ang Mamimili

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Itanong sa klase: Bakit may mga restaurant na nagbibigay

ng eat all you can, unlimited rice at bottomless drinks?2. Magbigay ng maikling oryentasyon tungkol sa inaasahan sa

pag-aaralang mga paksa.3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 96 ng batayang aklat.

Sagot:1. mamimili 6. badyet2. kasiyahan 7. demonstration effect3. satiated 8. purchasing power4. allowance 9. islogan5. baratilyo 10. Consumer Act of the Philippines

B. Paglinang1. Pangkatin sa lima ang klase upang ilahad ang aralin sa

pamamagitan ng sumusunod:a. Pangkat 1: Magpakita ng mga larawan tungkol sa pag-

konsumo. Dapat ipakita sa larawan na nasisiyahan ang tao sa paggamit ng produkto.

b. Pangkat 2: Simulation. Magdala ng isang pitsel ng tubig at isang baso. Tumawag ng isang mag-aaral at obser-bahan kung ano ang mangyayari kung iinom siya ng

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

13

sunod-sunod na baso ng tubig. Para sa mas malalim na paliwanag, gamitin ang mga datos na nasa Talahanayan 8.1 sa pahina 80 ng batayang aklat. Ipasuri ang graph at ipaliwanag ang isinasaad ng Law of Diminishing Marginal Utility.

c. Pangkat 3: Ilalapat ng mga mag-aaral sa graph ang mga datos na nasa Talahanayan 8.2 sa pahina 82 ng batayang aklat.

d. Pangkat 4: Magpakita ng skit ukol sa matalinong pamimili at pagkonsumo. Gamitin ang mga karapatan at panana-gutan ng mamimili bilang batayan.

e. Pangkat 5: Maaaring gumamit ng semantic web sa pagta-lakay ng paksang: Ano ang mga epekto ng pag-aanunsyo sa pagkonsumo?

C. Pagpapalalim

1. Itanong ang sumusunod:

a. Bakit mahalagang bilhin ng mamimili ang mga produk-tong kabilang sa kanyang preferences?

b. Bakit mahalaga rin na hindi hihigit sa badyet ng mamimili ang bibilhin niyang produkto?

c. Paano maipakikita ng isang mamimili ang katalinuhan sa pamimili?

d. Kailan nagiging mabuti ang epekto ng anunsyo sa mamimili?

e. Sa paanong paraan mapangangalagaan ang mga kara-patan at pananagutan ng mga mamimili?

2. Para sa pagpapalawak ng aralin, ipasaliksik sa mag-aaral ang mga paraan sa pagsubaybay ng sariling paggasta at mga paraan sa matalinong paggasta. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para dito. Ipatala sa isang papel ang mga natutuhan nila rito tungkol sa matali-nong paggasta.

D. Paglalapat

1. Pabigyang-puna o opinyon sa mga mag-aaral ang mga karaniwang nakapaskil sa mga tindahan na “The customer is always right” at “No return no exchange.”

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 97 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga

1. Iproseso: Saang pagkakataon mo masasabing ikaw ay naging responsableng mamimili? Ipaliwanag.

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 96 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, mga larawan, talahanayan at graph, Internet

ANO ANG MGA EPEKTO NG PAG-AANUNSYO SA PAGKONSUMO?

Paulit-ulit

Asosasyon

Bandwagon Effect

Demonstration Effect

Pagpapatotoo

Presyur

Pag-apela sa emosyon

Paggamit ng islogan

Snob Effect

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

14

Aralin 9 Konsepto at mga Salik ng Produksyon

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 118 ng batayang aklat.2. Ipaskil ang dayagram na ito sa pisara.

• Sa anong antas masasabing mainam ang lebel ng produksyon? Bakit?

• Kailan masasabing episyente ang paggamit ng mga salik ng produksyon sa PPF?

C. Pagpapalalim1. Muling pangkatin ang mga mag-aaral. Pagawin ng collage

ang bawat pangkat. Ang tema ng collage ay “Tamang Konsepto ng Produksyon Tungo sa Paglago ng Ekonomiya.”

2. Ipapaliwanag sa klase ang nabuong collage.3. Itimo sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbuo

ng tamang kombinasyon sa proseso ng produksyon upang makatiyak ng kaaya-ayang resulta.

D. PaglalapatMagpasaliksik ng mga planong pangkaunlaran na isinasa-

gawa ng developed economies upang maiangat ang kanilang ekonomiya. Ipalahad sa klase ang mahahalagang nilalaman ng mga plano.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Anong uri ng paghahanda ang dapat na isakatuparan

upang lubusang malinang ang lahat ng salik ng produksyon?2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 118 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, kartolina, pentel pen, pandikit, gunting, lumang

magasin, dayagram, talahanayan, graph, Internet

Aralin 10 Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship sa Ekonomiya at Lipunan

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Magpakita ng mga larawan ng mga kilalang entreprenyur sa Pilipinas. Ilang halimbawa ang sumusunod:a. Socorro Ramos — may-ari ng National Bookstoreb. Rolando Hortaleza — nagtatag ng Splash Corporation

3. Tanungin ang mga mag-aaral kung anong konsepto ang ipinakikita ng dayagram.

B. Paglinang

1. Pangkatin sa tatlo ang klase upang talakayin ang sumusunod na mga paksa:a. Pangkat 1: Magpapakita ng pantomime ng kaganapan o

gawain sa isang pabrika. Bigyang-pansin ang mga salik ng produksyon.

b. Pangkat 2: Gamitin ang Pigura 9.1 sa pahina 106 ng batayang aklat. Para sa malalim na pagpapaliwanag, gamitin ang mga talahanayan, graph, at formula.

c. Pangkat 3: Pagbatayan ang Talahanayan 9.4 sa pahina 115 at Pigura 9.5 sa pahina 116 ng batayang aklat sa pagtalakay sa Production Possibility Frontier.

Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan:• Ano ang produksyon?• Ano ang mga salik ng produksyon at katangian ng

bawat isa?• Ipaliwanag ang iba’t ibang antas ng produksyon.• Bakit mahalagang bigyang-tuon ang Diminishing

Marginal Returns?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

15

c. Vivienne Tan — nagtatag ng dating Thames International School na ngayon ay Entrepreneur School of Asia

d. Henry Sy — nagtatag ng Shoemart2. Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon silang nakikilala sa

mga larawang ipinakita.3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 127 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Magpagawa sa ilang piling mag-aaral ng pagsasatao na

tumatalakay sa biograpiya ng ilang kilalang Pilipinong entre-prenyur at ang kwento ng kanilang tagumpay.

2. Magpabasa ng artikulo tungkol sa istorya ng mga entrepre-nyur na nagpamalas ng optimismo at kakayahan sa inobasyon sa pagnenegosyo. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para sa artikulong ito.

3. Mula sa isinagawang gawain ay hahalawin at susuriin ng mga mag-aaral ang kahalagahan at katangiang taglay ng mga Pilipinong entreprenyur.

4. Maaari ding isagawa ang roundtable discussion kung saan may isang moderator at tatlo hanggang limang mag-aaral na magpapalitan ng mga ideya at opinyon ukol sa paksang, “Ang Pamahalaan at ang Entrepreneurship.”Mga gabay na tanong:a. Ano ang entreprenyur? Ano ang entrepreneurship?b. Bakit mahalaga ang entreprenyur at ang entrepreneurship?c. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang entre-

prenyur?d. Paano nakikinabang ang pamahalaan sa pagpapaunlad

ng mga entreprenyur?5. Ipaalam ang isinasaad ng Executive Order No. 470

tungkol sa entrepreneurship. Matatagpuan sa i-learn-vibalpublishing.com ang link para dito.

C. Pagpapalalim1. Magkaroon ng talakayan sa klase sa tulong ng sumusunod

na mga tanong:a. Bakit itinuturing na isang innovator at developer ang

isang entreprenyur?

b. Bakit mahalaga sa ekonomiya ang entrepreneurship?c. Paano malilinang ang mga katangiang dapat taglayin ng

isang entreprenyur?d. Bakit kailangang suportahan ng pamahalaan ang mga

entreprenyur?2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.

D. Paglalapat1. Palibutin ang mga mag-aaral sa kanilang pamayanan at

kapanayamin ang isang matagumpay na entreprenyur. Ipasulat sa harap ng klase ang resulta ng panayam sa pama-magitan ng Powerpoint presentation.

2. Maaari ding ipagawa ang Gawain sa pahina 127 ng batayang aklat.

E. PagpapahalagaItanong: Anong mga katangian ng entreprenyur ang taglay

mo? Paano mo ginagamit ang mga ito para sa iyong sariling kagalingan? Ipaliwanag ang sagot.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, mga larawan ng mga Pilipinong entreprenyur,

Powerpoint presentation, pahayagan at magasin, Internet

Aralin 11 Mga Organisasyon ng Negosyo

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. PagtuklasIpaskil sa pisara ang collage na nagpapakita ng isang tao sa

gitna. Sa paligid ay mga logo ng iba’t ibang kompanya tulad ng Jollibee, Toyota, Nokia, Toshiba, Lamoiyan, Del Monte, San Miguel, SM, Philippine Airlines, Pfi zer, Nestle, RFM, at Colgate-Palmolive.

Mga gabay na tanong:a. Ano ang ipinakikita ng collage?b. Bakit kaya nagtayo ng iba’t ibang kompanyang ganito

sa bansa?c. Ano ang mangyayari kung walang nagbukas ng negosyo?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

16

B. PaglinangMaglunsad ng isang lecturette gamit ang graphic organizer

ukol sa katangian ng bawat uri ng organisasyon sa negosyo.Mga gabay na tanong:• Paano nagkakaiba ang sole proprietorship, partnership,

at corporation?• Ano ang mga katangian ng bawat organisasyon ng

negosyo?• Magbigay ng halimbawa o pangalan ng negosyong naitatag

sa bawat uri.

b. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga samahan sa pagnenegosyo sa Pilipinas?

c. Sa iyong palagay, paano nakatutulong sa ekonomiya ang mga samahan sa pagnenegosyo?

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.

D. Paglalapat1. Ipatala sa mga mag-aaral ang limang pinakakilalang negosyo

sa kanilang bayan o lungsod. Alamin kung ang mga ito ay sole proprietorship, partnership, o corporation.

2. Magpasaliksik tungkol sa mga proyektong pinagtutuwangan ng pamahalaan at isa o higit pang samahan sa pagnenegosyo.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Ipagpalagay na ikaw ay isang namumuhunan.

Anong uri ng negosyo ang nais mong itatag at bakit? Paano ito makatutulong sa kapwa at sa pamayanan?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 132 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, collage, graphic organizer, Internet

PANGYUNIT NA PAGSUSULITA. Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin sa kahon ang tamang

sagot.

ekonomiks depreciationlakas-paggawa kakapusanalokasyon pagkonsumoentreprenyur dividendnegosyo board of directors

1. Ang sangay ng agham panlipunan na tungkol sa pagtugon ng tao sa kanyang pangangailangan sa kabila ng kakapusan ay tinatawag na (ekonomiks).

• Pag-aari ng dalawa o higit pang tao

• Karamihan sa kasunduan ay base sa kasulatan na pinirma-han ng mga kasapi

• Pinakaluma at pinakapayak na uri ng negosyo

• Ang may-ari ang siya ring bahay-kalakal

• May legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga may-ari

• Ang bahagi ng tubo ay hina-hati sa bawat kasapi

Mga organisasyon ng negosyo

Sole Proprietorship

Partnership

Corporation

C. Pagpapalalim1. Maglunsad ng talakayan sa klase sa tulong ng sumusunod na

mga tanong:a. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng negosyo sa isang

ekonomiya?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

17

2. Ang bahagi ng populasyon na may gulang na 15 taon at pataas ay tinatawag na (lakas-paggawa).

3. Kapag bumaba ang halaga o kapakinabangan ng yamang kapital sa paglipas ng panahon, ito ay tinatawag na (depreciation).

4. Ang pagkalimitado ng mga pinagkukunang-yaman na ma-hirap madagdagan sa madaling panahon ay tinatawag na (kakapusan).

5. Ang mekanismo ng distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman upang malutas ang kakapusan ay tinatawag na (alokasyon).

6. Ang pagbili o paggamit ng isang kalakal o serbisyo upang mag karoon ng kasiyahan ang gumagamit nito ay tinatawag na (pagkonsumo).

7. Ang taong nag-oorganisa, namamahala, at nagpapatakbo ng bahay-kalakal ay kilala rin bilang (entreprenyur).

8. Ang tubo ng korporasyon na ibinibigay sa mga stockholder o shareholder ay tinatawag na (dividend).

9. Ang anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo ay tinatawag na (negosyo).

10. Ang pamamalakad at pamamahala ng korporasyon ay naka-salalay sa kamay ng mga kasapi ng (board of directors).

B. Pagtatambal. Hanapin sa hanay B ang ahensya ng pamahalaan na may tungkuling inilalarawan sa hanay A. Piliin ang titik ng wastong sagot.

A_____ 1. Nagpapatupad ng mga

batas hinggil sa kala-kalan at industriya

_____ 2. Namamahala laban sa hindi pagbabayad ng insurance claim

_____ 3. Nagbabantay sa mga gumagawa ng pataba at pamatay insekto at peste

Ba. Bureau of Food

and Drugsb. Department of

Trade and Industryc. Energy Regulatory

Commissiond. Environmental

Management Bureau

_____ 4. Nangangasiwa sa pagsu-suri na ligtas ang mga gamot, mga pagkain, at mga kosmetiko

_____ 5. Nangangalaga sa bumi bili ng bahay at lupa

_____ 6. Namamahala sa mga kompanya ng kuryente

_____ 7. Nangangasiwa sa mga ga-wain ng mga propesyunal

_____ 8. Namamahala sa panga-ngalaga sa kapaligiran laban sa polusyon

_____ 9. Tumatanggap ng mga reklamo laban sa ilegal na gawain ukol sa pagtatra-baho sa ibang bansa

_____ 10. Layuning paunlarin ang pamamahala, koordinas-yon, at kahusayan sa pagpa -patupad sa programang konsyumerismo

e. Fertilizer and Pesti-cide Authority

f. Housing and Land Use Regulatory Board

g. Insurance Commis-sion

h. National Consumer Affairs Council

i Philippine Over-seas Employment Administration

j. Professional Regu-latory Commission

C. Tukuyin kung anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang binabanggit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang. _____________ 1. Ang pinaiiral na sistema ay batay sa kultura

at sinaunang paniniwala. _____________ 2. Ang pangunahing desisyong pang-ekonomiya

ay nasa kamay ng pamahalaan. _____________ 3. Hindi nanghihimasok ang pamahalaan sa

usaping pang-ekonomiya._____________ 4. Makikilala sa sistemang ito ang katangian ng

market at command economy._____________ 5. Kakikitaan ang sistemang ito ng makalumang

paraan ng pamumuhay.

(b)

(g)

(e)

(a)

(f)

(c)

(j)

(d)

(i)

(h)

(tradisyunal)

(command)

(market)

(mixed)

(tradisyunal)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

18

E-1. Hanapin sa hanay B ang mga karampatang batas na ipapataw sa sumusunod na sitwasyon sa hanay A.

E-2. Hanapin sa hanay B ang mga epekto ng mga sumusunod na sanhi o pangyayari sa hanay A.

A_____ 1. Paghuli ng hayop kung

closed season_____ 2. Pagtotroso sa mga

national park

B

a. R.A. 7586 o National Integrated Protected Areas System Act

b. R.A. 8749 o Philippine Clean Air Act

Ba. naiiwasan ang pag -

lala ng ecological imbalance

b. batang populasyonc. hindi matugunan

ang pa ngangailangand. pagkasira ng mga

coral reefe. unemployment

at underemployment

A_____ 1. Muro ami_____ 2. Enclosure ng protected

area_____ 3. Population explosion_____ 4. Mabilis na paglaki ng

populasyon kumpara sa hanapbuhay

_____ 5. Pagkasira at pagka -u bos ng yamang likas

_____________ 6. Ang mga mamamayan ay nabubuhay sa pamamagitan ng biyaya ng kalikasan.

_____________ 7. Ang mga kalahok sa pamilihan ay kumikilos ayon sa kanilang pansariling interes.

_____________ 8. Pamahalaan ang pangunahing nagmamay-ari ng karamihan sa mga pinagkukunang-yaman.

_____________ 9. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit ang pamahalaan ay maaari ding manghimasok sa mga gawaing pang-ekonomiya.

_____________ 10. Ang buong sistema ay napananatili sa pamamagitan ng pamilihan at presyo.

D. Isulat ang K sa patlang kung ang inilalarawan ng bawat bilang ay katangian ng isang korporasyon; P kung partnership; at S kung sole proprietorship._____ 1. May legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga

taong nagpapatakbo ng kompanya_____ 2. Negosyo na pag-aari ng isang tao lamang_____ 3. Maaaring bumili at magbenta ng mga ari-arian, pumasok

sa mga kontrata, magsampa ng kaso, at nararapat na magbayad ng buwis

_____ 4. Ang pananagutan ng mga kasapi ay nakatuon lamang sa puhunang ipinasok sa negosyo

_____ 5. Tanging nangangasiwa sa lahat ng mga pinagkukunang-yaman at lahat ng gawain ng negosyo

(tradisyunal)

(market)

(command)

(mixed)

(market)

(K)

(S)(K)

(P)

(S)

_____ 3. Paghihiwalay ng mga basura bilang biode-gradable, compostable, o recyclable

_____ 4. Pagbubuga ng mga sa-sakyan ng maruming usok

_____ 5. Pagtatapon ng nakala-lasong kemikal mula sa mga minahan

c. R.A. 7942 o Philippine Mining Act of 1995

d. R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Manage-ment Act of 2000

e. R.A. 9147 o Wildlife Resource Conserva-tion and Protection Act

F. Piliin ang tamang sagot upang mabuo ang pangungusap.

1. Tinaguriang science of choice at tinuturing na behavioral science ang Ekonomiks. Ipinahihiwatig nito na ang Ekonomiks ay _______________.a. agham ng pagpapasya kung paano makalilikha ng pinaka-

maraming kapakinabangan sa pamumuhayb. pag-aaral sa pag-uugali ng tao sa pagiging mapili sa

paggamit ng limitadong pinagkukunan c. pagsusuri sa kagawian ng tao sa pagbabahagi ng kapos

na pinagkukunan sa mga alternatibong paggagamitan*d. agham ng pagpapasya sa kaasalan ng tao kung ano ang

bibilhin at/o ibebenta

(e)

(a)

(d)

(b)

(c)

(d)(a)

(b)(e)

(c)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

19

c. Nag-oorganisa, nangangasiwa, at pumapasan ng respon-sibilidad ng negosyo*

d. Malayang magbenta ng kahit na ano7. Ang production possibilities curve ay nagpapahayag ng

_______________.a. Gaano kadaming resources ang magamit upang

maprodyus ang kalakalb. Mga alternatibong kombinasyon ng dalawang produktong

maaaring maprodyus *c. Antas ng unemployment sa ekonomiya ng bansad. Antas ng implasyon sa ekonomiya ng bansa

8. Ang pangunahing suliranin ng ekonomiks ay _______________.a. Matamo ang pantay na distribusyon ng salapi upang

malutas ang kahirapan b. Kakapusan ng productive resources kaugnay ng mga

material na kagustuhan*c. Presyo na naglalarawan sa kaugnayan ng kakapusan

ng produkto at serbisyo d. Magkaroon ng pantay na sistema ng pagbubuwis

9. Sa ekonomiyang pinag-uutos o ekonomiyang planado, alin sa mga sumusunod ang wasto sa teoretikal na turing?a. Pamahalaan ang nagmamay-ari ng mga produktibong

pinagkukunan*b. Pribadong indibidwal ang nagpapasya sa alokasyon ng

pinakamahalagang pinagkukunanc. Pinahihintulutan ang pribadong indibidwal na lumahok

sa anumang pagkakakitaand. Isinusulong ang kagalingang panlahat

10. Sa teoretikal na kahulugan, alin sa mga sumusunod ang hindi tama hinggil sa ekonomiyang pampamilihan?a. Estado ang nagmamay-ari ng lahat ng produktibong

pinagkukunan* b. Mayroong laya ang pribadong sektor na lumahok sa

anumang pagtutubuanc. Kontrolado ng pamahalaan ang mga public utility d. Sa pamilihan pinagpapasiyahan ang ano, para kanino,

at paano ng produksyon

2. Matematika ang lengguwahe ng Ekonomiks sa dahilang _______________.a. Sinusukat, tinitimbang, at binibilang ang lahat ng

ikinakalakal sa pamilihanb. Ang demand theory at supply theory ay nalalahad sa

pangungusap na matematikal c. Gumagamit tayo ng mga equation, tabulation, at graph

sa paglalahad ng mga kaganapang pangkabuhayand. Ang mga pagpapasyang pangkabuhayan ay inuunawa

sa pamamagitan ng modelong matematikal*3. Ang terminolohiyang ceteris paribus ay nangangahulugan

na _______________.a. Ang pag-unlad ay kasunod ng recessionb. Economics deals with facts, not valuesc. Bawat bagay ay may kaugnayand. Other things being equal*

4. Ang implikasyon ng batang populasyon sa pamumuhay ng bansa ay_______________.a. Mabilis ang paglago ng populasyonb. Maraming pag-asa sa kinabukasanc. Malaki ang bahagi ng lakas-paggawa d. Higit ang proporsyon ng umaasa sa inaasahan*

5. Ang mga economic principle theory at model ay naglalayong _______________.a. Maipaliwanag at maunawaan ang mga pang-ekonomiyang

kaganapan sa hangaring nakapaglunsad ng mga posibleng polisiya na magwawasto sa anumang suliraning dulot nito

b. Matukoy ang mga posibleng kadahilanan ng iba’t-ibang kaganapang pang-ekonomiya

c. Malinang ang bawat indibidwal na economic behavior upang makabuo at magkaroon ng panlipunan o society’seconomic behavior

d. Lahat ay tama*6. Ang entreprenyur ay indibidwal na _______________.

a. Siyang amo at nagtatamo ng lahat ng kita ng negosyo b. May-ari at nag-iisang trabahador ng negosyo

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

20

ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa na ang mga desisyong ipinatutupad ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal ay tunay na may epekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

Nakagagawa ng case study na tumatalakay sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong

Mahalaga ang desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan.

Paano nakaaapekto ang desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan?

ANTAS 2: PAGTATAYAPagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa

Naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pama-magitan ng sumusunod na mga kasanayan:

A. Pagpapaliwanag Naipaliliwanag ang kahalagahan ng desisyong binubuo ng

bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

B. Pagpapakahulugan Nabibigyang-puna ang desisyong binubuo ng bawat samba-

hayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

PAGSUSURI NG EKONOMIYA: MAYKROEKONOMIKSKabuuang bilang ng araw: 48

C. PaglalapatNakalalahok sa mga gawaing pampaaralan at pampama -

yanan at naihahayag ang paninindigan sa mga isyung may kaugnayan sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bahay-kalakal na may epekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

D. PerspektiboNapagtatanto na may mga desisyong binubuo ang bawat

sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng IbaNailalagay ang sarili sa katayuan ng bawat sambahayan

at bawat bahay-kalakal sa bawat desisyong kanilang binubuo na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

F. Pagkilala sa SariliNapagtatanto na mahalagang pag-aralan ang desisyong

binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap

☛ Awtentikong Pagtataya

1. Paggawa ng case study na tumatalakay sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

2. Atasan ang mag-aaral na gumawa ng repleksyon/journaltungkol sa pinakamabisa o pinakaangkop na uri ng istruktura ng pamilihan na dapat ipatupad sa Pilipinas. Patnubayan ang mag-aaral kung ano ang dapat isaalang-alang upang mapa -nanatili ang luntiang kapaligiran sa mga panahong ito ay ipinatutupad at ang mga mamamayan ay ligtas sa anumang panganib at kapahamakan.

YUNIT II

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

21

☛ Tradisyunal na Pagtataya

A. Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Isulat ang sagot sa sariling papel.1. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa galaw ng bawat negosyo at

bawat konsyumer ay (maykroekonomiks). 2. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang

bilhin sa iba’t ibang presyo ang (demand). 3. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang

ipagbili sa iba’t ibang presyo ang (suplay). 4. Ang puntong nagpapakita na pantay ang dami ng demand

at suplay sa napagkasunduang presyo ay (ekilibriyo). 5. Bababa ang presyo ng kalakal o paglilingkod kung may labis

na (suplay). 6. Kung mas marami ang demand kaysa suplay, ang presyo ng

kalakal o paglilingkod ay (tataas). 7. Ang pamahalaang tanging kumukuha ng serbisyo ng hukbong

sandatahan ay halimbawa ng pamilihang (monopsony). 8. Lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagbebenta

ang tradisyunal na pakahulugan sa (pamilihan). 9. Kung walang sinuman ang kayang kumontrol sa presyo at

dami ng kalakal o serbisyo, ang anyo ng pamilihan ay may (ganap na kompetisyon).

10. Ang kasunduan ng mga oligopolist upang makontrol ang presyo sa pamilihan ay tinatawag na (collusion).

B. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.1. Ang paglikha ng mga produkto o serbisyo upang matugunan

ang pangangailangan ng tao ay tinatawag na ________.a. pagkonsumo c. paggastab. produksyon* d. empleyo

2. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa maliliit na yunit ng ekonomiya ay tinatawag na __________.a. makroekonomiks c. ekonometriksb. maykroekonomiks* d. ekonomiks

3. Ang paglaki ng kita ng tao ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand __________.a. pakaliwa c. walang pagbabagob. pakanan* d. gitna

4. Kung hindi na uso ang trumpo, ang kurba ng demand dito ay lilipat __________.a. pakaliwa* c. walang pagbabagob. pakanan d. gitna

5. Bunga ng saganang ani, ang kurba ng suplay ay lilipat __________.a. pakaliwa c. walang pagbabagob. pakanan* d. gitna

6. Kung may baha at bagyo, ang kurba ng suplay ay lilipat __________.a. pakaliwa* c. walang pagbabagob. pakanan d. gitna

7. Ang positibong ugnayan ng presyo at dami ng suplay ay maipakikita ng __________.a. pagbaba ng presyo at walang pagbabago sa suplayb. pagbaba ng presyo at pagtaas ng suplayc. pagtaas ng presyo at pagbaba ng suplayd. pagtaas ng presyo at pagtaas ng suplay*

8. Ang negatibong ugnayan ng presyo at dami ng demand ay maipakikita ng __________.a. pagbaba ng presyo at walang pagbabago sa demandb. pagbaba ng presyo at pagtaas ng demandc. pagtaas ng presyo at pagbaba ng demand*d. pagtaas ng presyo at pagtaas ng demand

9. Makikita na kuntento ang mamimili at nagbebenta sa napag-kasunduang presyo at dami. Ito ay __________.a. ekilibriyo* b. surplusb. disekilibriyo d. shortage

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

22

10. Kapag ang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay mas malaki sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand, ito ay __________. a. perfectly price elastic c. price elasticb. perfectly price ineelastic d. price inelastic*

11. Ang elasticity na unit price elastic ay nagpapahiwatig na __________.a. mas mataas ang bahagdan ng pagbabago sa presyo

kumpara sa damib. mas mataas ang bahagdan ng pagbabago sa dami kumpara

sa presyoc. hindi nagbabago ang dami sa pabago-bagong presyod. magkapareho ang bahagdan ng pagbabago sa presyo at

dami*12. Ang perfectly price inelastic na demand ay nagpapahiwatig

na __________.a. walang pagbabago sa dami ng demand kahit nagbabago

ang presyo*b. walang pagbabago sa presyo kahit nagbabago ang dami

ng demandc. ang coeffi cient ng pagbabago ay mas mababa sa isa d. ang coeffi cient ng pagbabago ay higit sa isa

13. Kung maraming alternatibo, ang demand ay masasabing __________.a. perfectly price inelastic c. price inelasticb. price elastic* d. unit price elastic

14. Sa pangmadaliang panahon (short run), ang mga salik ng produksyon ay nakatakda kaya ang suplay ay masasabing __________.a. perfectly price elastic c. price inelastic*b. price elastic d. unit price elastic

15. Ang demand sa insulin ng taong my diabetes ay __________.a. perfectly price elastic c. perfectly price inelastic*b. price elastic d. unit price elastic

ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALINAralin 12 Ang Mamimili at ang Demand

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. PagtuklasItanong sa klase ang sumusunod:1. Ano ang mga nais mong bilhin kung bibigyan ka ng 5100 baon

para sa eskwela?2. Bakit kailangang pagkasyahin ang halagang 5100?3. Batay sa mga sagot, halawin ang kahulugan ng demand.

B. Paglinang 1. Gamitin ang Talahanayan 12.1 at Pigura 12.1 sa pahina 136

ng batayang aklat upang ipaliwanag ang Batas ng Demand.Itanong:a. Bakit negatibo o di-tuwiran ang ugnayan ng presyo at

dami ng demand?b. Ano ang ibig sabihin ng ceteris paribus?c. Kung may iba pang salik na nakaaapekto sa demand

bukod sa sariling presyo ng produkto, patuloy lamang ba itong gagalaw sa iisang kurba? Pangatwiranan ang sagot.

2. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang pagka-kapareho at pagkakaiba ng individual demand at market demand.

3. Pangkatin ang klase sa tatlo. Magtalaga ng lider at tagasulat sa bawat pangkat. Magsagawa ng brainstorming upang masuri ang paksa. Iulat sa klase ang ginawang pagsusuri.a. Pangkat 1: Paggalaw ng Demand sa Iisang Kurbab. Pangkat 2: Paglipat ng Kurba ng Demand Pakananc. Pangkat 3: Paglipat ng Kurba ng Demand Pakaliwa

4. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan:a. Kailan nagaganap ang paggalaw ng demand sa iisang

kurba?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

23

b Ano ang ibig sabihin ng paglipat ng kurba sa kaliwa o sa kanan?

c. Ano ang pagkakaiba ng paggalaw ng demand sa iisang kurba at ng paglipat ng kurba sa kaliwa o sa kanan?

5. Magsagawa ng Panel Discussion at talakayin ang mga salik na nakapagpapabago ng demand. Tingnan ang rubric para sa Panel Discussion sa Apendiks.

C. Pagpapalalim Itanong sa klase:

a. Sang-ayon ka ba sa ipinaliliwanag ng Batas ng Demand? Bakit?

b. Lahat ba ng mamimili ay naaapektuhan ng Batas ng Demand? Patunayan ang sagot.

c. Saang pagkakataon magagamit ang Batas ng Demand?

D. Paglalapat1. May kasabihan na “for every rule there is an exemption.” May

pagkakataon na taliwas sa isinasaad ng Batas ng Demand. Isang halimbawa nito ang Giffen goods. Magpasaliksik tungkol sa Giffen goods. Alamin kung bakit taliwas sa Batas ng Demand ang Giffen goods.

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 143 ng batayang aklat.3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 143 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Ipasagot: Dapat bang ang sariling kagalingan lamang ang

pagtutuunan ng pansin tuwing may bibilhin at gagastusin kang pera? Ipaliwanag.

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 142 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, mga graph at talahanayan, graphing paper,

Microsoft Encarta, Internet

Aralin 13 Ang Bahay-kalakal at ang Suplay

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Magpakita ng larawan ng isang tindahan. Itanong ang

sumusunod:a. Ano ang nagsilbing motibasyon at pagganyak sa

mga nagtitinda upang ipagpatuloy nito ang gawaing nabanggit?

b. Ano ang mga posibleng dahilan upang itigil ng isang nagtitinda ang pagtitinda?

2. Batay sa sagot, halawin ang kahulugan ng suplay.

B. Paglinang 1. Gamitin ang Talahanayan 13.1 at Pigura 13.1 sa pahina 145

ng batayang aklat upang ipaliwanag ang Batas ng Suplay.2. Itanong ang sumusunod:

a. Masasabi bang ikaw ay may suplay kung wala ka namang puhunan? Bakit?

b. Kailan, ceteris paribus, positibo o tuwiran ang ugnayan sa presyo at dami ng suplay?

3. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang kaibahan ng individual supply sa market supply.

4. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang bawat pangkat ay magsa-sagawa ng panel discussion. Pag-usapan ang sumusunod:a. Pangkat 1: Paggalaw ng Suplay sa Iisang Kurbab. Pangkat 2: Paglipat ng Kurba ng Suplay Pakananc. Pangkat 3: Paglipat ng Kurba ng Suplay Pakaliwa

5. Gamitin ang sumusunod na tanong bilang gabay sa talakayan.a. Ano ang ipinahihiwatig ng paggalaw ng suplay sa iisang

kurba?b. Bakit lumilipat ang kurba ng suplay pakaliwa o pakanan?

6. Maglunsad ng maikling dula-dulaan na magpapakita sa mga salik na nakapagpapabago ng suplay. Bigyan ng marka ang isinagawang dula-dulaan gamit ang rubric na nasa Apendiks.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

24

C. PagpapalalimItanong sa klase: a. Sang-ayon ka ba sa ipinaliliwanag ng Batas ng Suplay?

Bakit?b. Lahat ba ng tagasuplay ay naaapektuhan ng Batas ng

Suplay? Patunayan ang sagot.c. Saang pagkakataon mo magagamit ang Batas ng Suplay?

D. Paglalapat1. Tanungin ang isang nagtitinda sa inyong pamayanan tungkol

sa dami ng ipinagbibili nitong produkto sa pabago-bagong presyo. Ilapat sa grap ang datos na makukuha. Gumawa ng ulat sa klase.

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 151 ng batayang aklat.3. Ipagawa ang Gawain sa pahina 151 ng batayang aklat.

E. PagpapahalagaItanong: Ano ang dapat pagtuunan ng pansin ng isang

prodyuser sa panahong may kalamidad at samakatwid ay may mababang suplay?

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, larawan ng isang tindahan, mga grap at

talahanayan, graphing paper

Aralin 14 Ang Sistema ng Pamilihan

✏ Mga Gawain at Estratehiya

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 161 ng batayang aklat.Sagot.1. ekilibriyo 3. kakulangan2. allocative role 4. pamilihan

B. Paglinang 1. Gamitin ang Pigura 14.1 hanggang 14.3 sa pp. 153-156 ng

batayang aklat upang maipaliwanag ang konsepto ng ekilibriyo sa pamilihan at ang epekto ng kakulangan at kalabisan sa pamilihan.a. Paano humahantong sa ekilibriyo ang tunggalian ng

mga mamimili at bahay-kalakal sa isang pamilihan?b. Paano malulutas ang kakulangan at kalabisan sa pamilihan?c. Bakit nagkakaroon ng pagbabago sa ekilibriyo sa isang

pamilihan?2. Paghandain ang bawat pangkat ng kani-kanilang ulat tungkol

sa sumusunod: a. Pangkat 1: Pagtaas ng Demand at Pagbabago sa

Pamilihanb. Pangkat 2: Pagtaas ng Suplay at Pagbabago sa Pamilihanc. Pangkat 3: Pagbaba ng Demand at Pagbabago sa

Pamilihand. Pangkat 4: Pagbaba ng Suplay at Pagbabago sa Pamilihan

C. Pagpapalalim1. Itanong sa klase:

a. Bakit sinasabing kuntento ang mga mamimili at nagbibili sa puntong ekilibriyo?

b. Ano ang mangyayari kung may disekilibriyo sa pamilihan?c. Paano malulutas ang kakulangan at kalabisan sa

pamilihan?2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.3. Ipapanood ang video na nagpapaliwanag sa konsepto

ng ekilibriyo sa pamilihan. Matatagpuan sa i-learn.vibalpub-lishing.com ang link para dito. Ipasulat sa isang papel ang buod ng video matapos itong mapanood.

A. Pagtuklas 1. Ipakita ang larawan at itanong ang

sumusunod: a. Anong konsepto ang ipinakikita

sa larawan?b. Batay sa kasagutan, ibigay ang

kahulugan ng ekilibriyo.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

25

D. Paglalapat 1. Mag-imbita ng propesor sa kolehiyo na nagtuturo ng

ekonomiks. Alamin kung paano makokompyut ang ekilibriyo gamit ang demand function at supply function.

2. Magsaliksik sa ibang aklat at Internet tungkol sa QD = QS.3. Ipasagot ang aytem bilang 3 ng Talakayan sa pp. 162-163

ng batayang aklat.4. Ipagawa ang Gawain sa pahina 163 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Ano ang nararapat na gawin ng bawat mamimili at

prodyuser kung may disekilibriyo sa pamilihan?2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 161 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, larawan, mga graph at talahanayan, Internet

Aralin 15 Ang Konsepto ng Elasticity

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Magsagawa ng isang eksperimento sa klase.a. Kumuha ng isang goma at obserbahan ang mangyayari

kapag ito ay hinatak.b. Iugnay ang pwersa ng paghatak sa presyo ng bilihin at

ang reaksyon ng goma bilang reaksyon ng mamimili at bahay-kalakal sa pagbabago ng presyo.

c. Gamiting halimbawa ang pagbabago sa presyo o halaga ng mga produkto o serbisyong tulad ng elektrisidad, transportasyon, gulay, at prutas. Pansinin ang reaksyon ng mga mamimili at bahay-kalakal tuwing magbabago ang presyo ng mga nabanggit na produkto.

2. Magbigay ng maikling oryentasyon tungkol sa inaasahan sa pag-aaralang paksa.

B. Paglinang

1. Gamitin ang mga pormula sa pp. 165 at 172 ng batayang aklat upang masukat ang price elasticity ng demand at ng suplay.

a. Tumawag ng dalawang mag-aaral at hayaang kompyutin sa pisara ang price elasticity ng demand at ng suplay.

b. Iwasto ang ginawang kompyutasyon.

2. Iulat sa klase ang pagsusuri tungkol sa iba’t ibang graph ng price elasticity ng demand at ng suplay. (Maaaring ibigay itong paunang gawain.) Magbigay ng mga halimbawang produkto bawat graph at iugnay ang reaksyon ng mamimili at bahay-kalakal sa pagbabago ng presyo.

3. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong para sa talakayan.

a. Bakit may mga produktong nagkakaroon ng malaking pagbabago sa dami ng demand sa tuwing magkakaroon ng pagbabago sa presyo?

b. Bakit naman may mga produktong nagkakaroon ng maliit lamang na pagbabago sa dami ng demand sa tuwing nagkakaroon ng pagbabago sa presyo?

c. Paano tumutugon ang mga mamimili kung ang isang produkto ay sinasabing may perfectly price elastic na demand? o may perfectly price inelastic na demand?

d. Bakit may mga produktong nagkakaroon ng malaking pagbabago sa dami ng suplay sa tuwing nagkakaroon ng pagbabago sa presyo?

e. Bakit naman may mga produktong nagkakaroon ng maliit lamang na pagbabago sa dami ng suplay sa tuwing nagkakaroon ng pagbabago sa presyo?

f. Paano tumutugon ang mga bahay-kalakal kung ang isang produkto ay sinasabing may perfectly price elastic na suplay? o may perfectly price inelastic na suplay?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

26

C. Pagpapalalim

Pasagutan ang talahanayan:

Digri ng Price Elasticity Coeffi cient Mga Palatandaan Interpretasyon

a. Elastic na demandb. Inelastic na demandc. Unit elastic na demandd. Ganap na elastic na demande. Ganap na inelastic na demandf. Elastic na suplayg. Inelastic na suplayh. Unit elastic na suplay i. Ganap na elastic na suplayj. Ganap na inelastic na suplay

D. Paglalapat

1. Ipakuha sa mga mag-aaral ang reaksyon ng kanilang mga magulang kapag tumataas ang singil sa kuryente, tubig, at presyo ng LPG. Ipasulat sa isang buong papel ang ulat at ipabahagi ito sa harap ng klase.

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 179 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Ipasagot: Mas malaki ang pakinabang ng mga bahay-kalakal

kung ang demand ay price inelastic. Subalit ang malaking pakinabang lamang ba ang dapat bigyang-pansin ng bahay-kalakal? Pangatwiranan ang sagot.

2. Ipasagot din ang Pagpapahalaga sa pahina 178 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, goma o garter, mga grap at talahanayan, Internet

Aralin 16 Iba’t Ibang Istruktura ng Pamilihan

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas 1. Magsagawa ng concept diagnosis. Ilista sa pisara o magpaskil

ng larawan ng sumusunod:a. MRTb. MERALCOc. iba’t ibang gulayd. iba’t ibang prutase. sundalo, pulis, bumberof. Manila Water o Mayniladg. logo ng mga oil companyh. iba’t ibang brand ng saboni. iba’t ibang brand ng shampooj. iba’t ibang brand ng softdrinksk. iba’t ibang brand ng toothpastel. logo ng Globe, Smart at Sun Cellular

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapangkat ng mga salita o larawan at lagyan ng label ang bawat pangkat na nabuo.

3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na matututuhan nila ang iba’t ibang istruktura ng pamilihan.

B. Paglinang 1. Ang mga mag-aaral ay maaaring magsagawa ng roundtable

discussion at magpalitan ng mga ideya at kuru-kuro tungkol sa kahulugan ng pamilihan.

Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na mga tanong para sa talakayan.

a. Paano naiiba ang pamilihan sa isang palengke?b. Maaari bang magkaroon ng pamilihan kahit walang

palengke?c. Kailan masasabing nagkakaroon ng pamilihan?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

27

2. Sa pamamagitan ng bubble tree, iulat ang iba’t ibang anyo ng pamilihan.

Oligopoly

Istruktura ng Pamilihan

Ganap ng Kompetisyon

Di-ganap na Kompetisyon

Monopoly

Monopolistic Competition

Monopsony

C. Pagpapalalim1. Itanong sa klase:

a. May kaugnayan ba ang istruktura ng pamilihan sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan? Ipaliwanag ang sagot.

b. Alin sa mga istruktura ng pamilihan ang pinakamainam?2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.3. Para sa pagpapatibay ng kaalaman, ipapanood ang video

na nagpa paliwanag ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para dito. Ipasulat sa isang papel ang buod ng video matapos itong mapanood.

4. Bilang pagpapayaman ng aralin, ipa-access ang link mula sa i-learn.vibalpublishing.com tungkol sa halimbawa ng mono-polyo. Talakayin ang naidulot ng monopolyong ito sa Pilipinas.

D. Paglalapat1. Ipatala ang 10 produkto at serbisyo na kinokonsumo ng inyong

pamilya. Ikategorya kung anong istruktura ito ng pamilihan nabibilang. Iulat ito sa klase.

2. Ipagawa ang Gawain at ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 185 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Halimbawang ikaw ay isang monopolist, sasamanta-

lahin mo ba ang pagkakataong maitaas ang presyo ng iyong produkto o serbisyo? Pangatwiranan ang sagot.

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 185 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, mga larawan, mga talahanayan at graphic organizer, Internet

3. Sa pamamagitan ng data retrieval chart, iulat kung paano itinatakda ang suplay, demand, at presyo sa iba’t ibang istruktura ng pamilihan.

I. Ganap na Kompetisyon

II. Di-ganap na KompetisyonA. Monopoly

B. Oligopoly

Istruktura ng Pamilihan

Pagtatakda ng Demand

Pagtatakda ng Suplay

Pagtatakda ng Presyo

Hindi maaaring itakda

Hindi maaaring itakda

Hindi maaaring itakda

Hindi maaaring itakda

Maaaring itakda

Maaaring itakda dahil sa collusion at cartel

Hindi maaaring itakda

Maaaring itakda

Maaaring itakda

C. Monopo-listic Com-petition

D. Monopsony

Hindi maaaring itakda

Maaaring itakda

Maaaring itakda dahil sa product differentiation

Hindi maaaring itakda

Maaaring itakda

Maaaring itakda ng mamimili

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

28

Aralin 17 Pamilihan at Pamahalaan

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

Pamilihan

NagbibiliMamim

ili

Malaki at Aktibistang Pamahalaan

Maliit at Non-Activist na Pamahalaan

Pagpapanatili ng Kapayapaan

Pagbuo ng Patakarang

Pang-ekonomiya

Paghahatid ng Pampublikong

Paglilingkod

Pagpapatupad ng Batas

Pagpapanatili ng Kompetisyon

Pagganap ng Allocative Role

Pagganap ng Distributive

Role

Antas ng Panghihimasok ng Pamahalaan sa Ekonomiya

Price Ceiling at Price Floor

Tight Industrial Regulatory Regime Industrial

Deregulatory Regime

Paglahok ng Pamahalaan sa Industriya

PagbubuwisTax Exemption

at Subsidy

Programang Pangkaunlaran

SequestrationPanghihimasok ng Pamahalaan sa Pamilihan

Paghandain din ng ulat ang ikalawang pangkat gamit ang cluster map.

Mas mainam ba kung manghihimasok ang

pamahalaan sa pamilihan?

2. Gamitin ang discussion web upang mabigyan ng puna ang panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan.

Oo Hindi

Ipasuri ang karikatura sa itaas. Itanong ang sumusunod:a. Anong pangunahing isyu ang tinatalakay sa karikatura?b. Bakit nabibigo ang pamilihan?c. Paano maitatama ang pagkabigo ng pamilihan?

B. Paglinang1. Pangkatin ang klase sa dalawa. Paghandain ng ulat ang unang

pangkat gamit ang graphic organizer.

a. Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng buod ng sagot sa ilalim ng Oo at Hindi.

b. Suriin ang mga sagot at ibigay ang konklusyon batay sa datos.

3. Ipasagot ang sumusunod na tanong para sa talakayan pag-katapos ng mga ulat.a. Bakit hindi maiiwasan ang panghihimasok ng pamaha-

laan sa pamilihan?b. Dapat bang manghimasok ang pamahalaan sa pamilihan?

Pangatwiranan ang sagot.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

29

C. Pagpapalalim1. Ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkabigo ng pamilihan gamit

ang talahanayang ito.

a. Di-ganap na Kompetisyon

b. Externality

c. Krisis sa Ekonomiya

Malaki at Aktibistang Pamahalaan

Maliit at Non-Activist na Pamahalaan

3. Punan ng datos ang semantic web na ito. Ipasulat sa strand support ang karagdagang paliwanag.

2. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang antas ng panghihimasok ng pamahalaan sa ekonomiya.

Price Ceiling at Price Floor

Tight Industrial Regulatory Regime

Ano ang mga paraan ng

panghihimasokng pamahalaan sa pamilihan?

Sequestration

Programang Pangkaunlaran Tax Exemption

at Subsidy Pagbubuwis

Paglahok ng Pamahalaan sa Industriya

Industrial Deregulatory Regime

• ____________• ____________

• ____________• ____________

• ____________• ____________

• ____________• ____________

• ____________• ____________

• ____________• ____________

• ____________• ____________

• ____________• ____________

4. Para sa karagdagang kaalaman sa konsepto ng kalayaang pang-ekonomiya at ang detalye tungkol sa antas ng kalayaang pang-ekonomiya ng Pilipinas, ipa-access ang link na matatag-puan sa i-learn.vibalpublishing.com. Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral ukol dito.

D. PaglalapatKumuha ng balita tungkol sa ginawang panghihimasok

ng pamahalaan sa pamilihan tulad ng price ceiling at minimum wage. Iulat ito sa klase at maglunsad ng malayang talakayan.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Anong mga tungkulin at pananagutan ang dapat

bigyang-halaga ng isang mamamayan bilang tugon sa pagsisi-kap ng pamahalaan na maitaguyod ang sistema ng pamilihan?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 197 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, karikatura, mga graphic organizer tulad ng

cluster map, discussion web, Venn diagram, semantic web, Internet

PANGYUNIT NA PAGSUSULITA. Tama o Mali. Isulat sa iyong papel kung Tama o Mali ang sumusunod.

1. Karamihan sa mga makabagong ekonomiya sa daigdig ay umaasa sa sistema ng pamilihan at presyo. (Tama)

2. Napakahalagang batayan sa pagbili ng isang produkto ang presyo. (Tama)

3. May tuwiran o positibong ugnayan ang presyo ng isang kalakal at ang demand para dito. (Mali)

4. Ang ceteris paribus ay pagpapalagay na ang iba pang variable o mga salik, maliban sa variable na sinusuri, ay hindi nagbabago. (Tama)

5. Ang iskedyul ng suplay ay kurbang nagpapakita sa relasyon ng pagbabago sa presyo at pagbabago sa dami ng suplay. (Mali)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

30

6. Ipinahihiwatig ng upward sloping na kurba ng suplay na may tuwirang relasyon ang pagbabago ng presyo sa dami ng suplay. (Tama)

7. Kapag mataas ang presyo, mababa ang dami ng demand, ceteris paribus. (Tama)

8. Ang konsepto ng pamilihan sa pag-aaral ng ekono miks ay limitado lamang sa istruktura ng palengke. (Mali)

9. Monopoly ang anyo ng pamilihan ng bigas at iba pang agrikultural na produkto. (Mali)

10. Maaaring kontrolin ang presyo ng kalakal at pagli lingkod sa pamilihang oligopolyo sa pamamagitan ng cartel. (Tama)

B. Suriin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Batas ng Demand ay nagsasaad na:a. ang presyo ay may direktang relasyon sa Qdb. ang Qd ay lumiliit habang ang presyo ay bumababac. ang Qd ay dumarami habang ang presyo ay bumababa*d. ang Qd ay hindi nagbabago habang tumatas ang presyo

2. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa supply?a. ang supply ay may direktang relasyon sa presyo*b. ang supply ay may direktang relasyon sa demandc. ang supply ay may kasalungat na relasyon sa presyod. ang supply ay may kasalungat na relasyon sa produksyon

3. Ang paglisan ng mga nurse patungong abroad upang doon magtrabaho ay makapagdudulot sa supply ng nurse sa Pilipinas na: a. tumaas c. magbabago b. bumaba* d. walang pagbabago

4. Ang mga sumusunod ay maaaring makapagdulot ng paglipat ng demand sa kanan maliban sa:a. paglaki ng kitab. nalalapit na okasyon c. makabagong teknolohiya*d. pagtaas ng presyo ng ibang produkto

5. Kung ang pagtaas ng supply ay katumbas ng pagtaas ng demand ang presyo ay:a. tataas c. di-magbabago*b. bababa d. depende sa sitwasyon

6. Kung ang porsyento ng pagbabago sa Qd ay mas malaki kaysa sa porsyento ng pagbabago sa P, ang demand sa produkto ay maaasahang: a. elastiko* c. unitaryb. di-elastiko d. ganap na elastiko

7. Ang load at cellphone ay komplementaryo, ang pagtaas ng presyo ng load ay magdudulot sa demand ng cellphone na:a. tumaas c. di-magbabagob. bumaba* d. di-mawari

8. Ang ekilibriyo sa pamilihan ay magaganap kung sa iisangpresyo ang: a. Qd > Qs c. Qd < Qsb. Qs > Qd d. Qs = Qd*

9. Inaasahan ni Maria na lalaki ang kanyang kita, ano ang mangyayari sa kanyang demand na choconut?a. kakaunti c. di-magbabagob. dadami* d. di-mawari

10. Ang softdrink at juice ay halimbawa ng:a. complimentary goods c. normal goods b. inferior goods d. substitute goods*

C. Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Isulat ang sagot sa sariling papel.

1. Ang pag-aaral ng ekonomiks sa galaw ng bawat negosyo at bawat konsyumer ay (maykroekonomiks).

2. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang bilhin sa iba’t ibang presyo ang (demand).

3. Tumutukoy sa dami ng kalakal at serbisyo na handa at kayang ipagbili sa iba’t ibang presyo ang (suplay).

4. Ang puntong nagpapakita na pantay ang dami ng demand at suplay sa napagkasunduang presyo ay (ekilibriyo).

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

31

5. Bababa ang presyo ng kalakal o paglilingkod kung may labis na (suplay).

6. Kung mas marami ang demand kaysa suplay, ang presyo ng kalakal o paglilingkod ay (tataas).

7. Ang pamahalaang tanging kumukuha ng serbisyo ng hukbong sandatahan ay halimbawa ng pamilihang (monopsony).

8. Ang lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagbebenta ay (palengke).

9. Kung walang sinuman ang kayang komontrol sa presyo at dami ng kalakal o serbisyo, ang anyo ng pamilihan ay may (ganap na kompetisyon).

10. Ang kasunduan ng mga oligopolist upang makontrol ang presyo sa pamilihan ay tinatawag na (collusion).

D. Kompyutasyon. Kompyutin ang sumusunod.1. Suriin ang graph at ibigay ang hinihinging mga datos. (10 puntos

lahat)a. Ekilibriyong presyo = 550b. Ekilibriyong dami = 30c. Kulang na demand sa presyong 510 = 20d. Labis na suplay sa presyong 5100 = 20e. Ekilibriyong punto = punto E

2. Ano ang mangyayari kapag tumaas ang presyo mula A patungong B? Ipakita ang solusyon sa pamamagitan ng elastisidad ng suplay sa presyo. (5 puntos) Presyo Dami ng SuplayA 10 1B 15 6

Sagot:Q1 = 1 P1 = 10Q2 = 6 P2 = 15

5100

550

510

E

Demand

20 22 30 40 42

Suplay

Dami

Pres

yo

10 30 50 70 90

E

100

50

25

Pres

yo (5

)

Dami

Suplay

Demand

6 – 1 10 + 15(15 – 10)

x (1 + 6)

Es = 3.57 price elastic

5 25 = 1255

x 7 35

Es =

Es =

1. Ano ang ekilibriyong presyo = (550)2. Ano ang dami ng demand sa presyong 525 = (70)3. Ano ang dami ng suplay sa presyong 5100 = (90)4. Ano ang labis na demand sa presyong 525 = (40)5. Ano ang labis na suplay sa presyong 5100 = (80)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

32

ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa bahaging ginagam-panan ng pambansang ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino

Nakagagawa ng position paper na tumatalakay sa mga suliranin ng pam-bansang ekonomiya at mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ito at mapanatili ang maayos na takbo ng pambansang ekonomiya

Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong

Mahalaga ang bahaging gina gam-panan ng pambansang ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino.

Paano nakaaapekto ang pamban-sang ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino?

ANTAS 2: PAGTATAYA

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa

Naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pama-magitan ng sumusunod na mga kasanayan:

A. PagpapaliwanagNaipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng pambansang

ekonomiya sa pamumuhay at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino

PAGSUSURI NG EKONOMIYA: MAKROEKONOMIKSKabuuang bilang ng araw: 45

B. PagpapakahuluganNabibigyang-puna ang pananagutan ng bawat mamamayan

sa pagpupunyagi ng pamahalaan na malutas ang mga suliraning may kaugnayan sa pambansang ekonomiya

C. PaglalapatNakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan

at naipahahayag ang paninindigan sa mga isyung may kaugnayan sa pambansang ekonomiya

D. PerspektiboNakapagbibigay-katwiran na para sa kabutihan ng bansa ang

desisyong binubuo ng pamahalaan sa mga isyung may kaugnayan sa pambansang ekonomiya

E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng IbaNailalagay ang sarili sa katayuan ng mga nagpaplano ng

ekonomiya upang mapanatili ang mataas na antas ng ekonomiya

F. Pagkilala sa SariliNamumulat hinggil sa kakulangan sa pagtupad sa tungkulin

sa paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pambansang ekonomiya bunga ng maling paniniwala na ang mga gawaing ito ay responsibilidad lamang ng pamahalaan at hindi ng buong sambayanan

Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap

☛ Awtentikong Pagtataya

1. Paggawa ng position paper na sumusuri sa mga suliranin ng pambansang ekonomiya at mga nararapat na gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning nabanggit

2. Partisipasyon sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan na may kaugnayan sa pambansang ekonomiya

3. Partisipasyon sa mga pangkatang presentasyon sa klase

YUNIT III

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

33

☛ Tradisyunal na Pagtataya

A. Sabihin ang uri ng institusyong pinansyal na tinutukoy ng sumusunod na mga paglalarawan1. Nagpapahiram ng salapi sa pangunahing panahon na may

kalakip na prenda (bahay-sanglaan)2. Layuning tulungan at pag-isahin ang mga kasapi nito

para sa panlipunan at pangkabuhayang kaunlaran (kooperatiba)

3. Layuning makapaglingkod sa mga kawani ng pribadong sektor (Social Security System)

4. Naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng maliliit at mahihirap na tao sa kanayunan (bangkong rural)

5. May malaking kapital at tumatanggap ng deposito sa publiko (bangkong komersyal)

B. Tama o Mali. Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod.

_________ 1. Kung ang pangkalahatang antas ng pasahod ay mababa, kadalasang ayaw magtrabaho ng mga mang-gagawa.

_________ 2. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya kung mataas ang antas ng kriminalidad sa bansa.

_________ 3. Sa wastong pagpili at pagpapairal ng mga pataka-rang pang-ekonomiya, nabibigyang-solusyon ang mga suliraning pangkabuhayan.

_________ 4. Sinasabing nakikita ng maykroekonomiks ang gubat; puno naman ang nakikita sa makro ekonomiks.

_________ 5. Kapag halos lahat ng lakas-paggawa ay may trabaho at mataas ang kita, ang antas ng walang trabaho ay mababa.

_________ 6. Ang katatagan ng presyo ay nagpapahiwatig na ang pangkalahatang presyo ay biglang tumataas o bumababa.

_________ 7. Sambahayan ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon.

_________ 8. Walang ekonomiya ang hindi nakikipag-ugnayan sa iba pang ekonomiya.

_________ 9. Kalimitang mataas ang nominal GNP dahil ang real GNP ay hindi apektado ng pagtaas ng presyo.

_________ 10. Ang contractionary monetary policy ay naglalayong bawasan ang perang nasa sirkulasyon.

C. Piliin ang tamang sagot.1. Pag-aaral ng kabuuang antas ng ekonomiya

a. ekonomiks b. makroekonomiks* c. patakarang piskal d. maykroekonomiks

2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa GNP?a. produktong tapos b. kita ng mga OFW c. produktong nagamit na*d. naprodyus sa loob ng isang taon

3. Alin sa sumusunod ang itinuturing na produktong tapos?a. aklat na balak ipagbili*b. sinulid na panahi sa pantalonc. kahoy na gamit sa konstruksyond. harinang gamit sa paggawa ng tinapay

4. Alin sa sumusunod ang kabilang sa GDP?a. kita ng tindero ng fi shballb. padalang pera ng mga OFWc. perang napanalunan sa lottod. sahod ng Amerikano na nagtatrabaho sa Pilipinas*

5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi wasto?a. Kabilang sa pagtutuos ng GNP ng Pilipinas ang kabuuang

kita ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Pilipinas.*b. Ang produktong gawa ng mga Pilipino kahit nagtatrabaho

sa ibang bansa ay kabilang sa GNP ng Pilipinas.

(Tama)

(Mali)

(Tama)

(Mali)

(Tama)

(Mali)

(Tama)

(Tama)

(Tama)

(Tama)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

34

c. Ang kita ng mga kompanyang pag-aari ng mga Pilipino sa ibang bansa ay kabilang sa GNP ng Pilipinas.

d. Ang kita ng dayuhang kompanya sa Pilipinas ay hindi kabilang sa GNP ng Pilipinas.

6. Aling aksyon ng Bangko Sentral ang magdudulot ng pagbawas ng suplay ng salapi?a. pagpapataas ng interest rate*b. pagpapababa ng interest ratec. pagbabawas sa paggasta ng pamahalaand. pagbili ng Bangko Sentral ng government securities

7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng expansionary fi scal policy?a. pagtataas ng sinisingil na buwis sa mga may kitang

mataas sa 5200,000b. pagdaragdag ng gastos ng pamahalaan sa imprastruk-

tura*c. pagbebenta ng Bangko Sentral ng government securitiesd. pagpapataas ng palitan ng dolyar laban sa piso

8. Ang Royal Bank ay may 5600 milyong deposito. Ang required reserve ratio ay 10%. Magkano ang dapat ilaang reserba ng nasabing bangko?a. 56 milyon c. 5100 milyon b. 560 milyon* d. 5160 milyon

9. Ang JEF Commercial Bank ay may 5100 milyong reserba. Kung ang required reserve ratio ay 20%, magkano ang kabuuang pera ng bangko?a. 5120 milyon c. 5500 milyon*b. 5200 milyon d. 5600 milyon

10. Ano ang bunga ng demand-pull infl ation?a. paglipat ng kurba ng demand pakanan na walang

pagbabago sa kurba ng suplay*b. paglipat ng kurba ng demand pakaliwa na walang

pagbabago sa kurba ng suplayc. paglipat ng kurba ng suplay pakanan na walang

pagbabago sa kurba ng demandd. paglipat ng kurba ng suplay pakaliwa na walang

pagbabago sa kurba ng demand

ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALINAralin 18 Ang Pambansang Ekonomiya

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipalagay ang mga ginupit na akmang smiley sa bawat bilang upang masukat ang kahandaan ng mga mag-aaral sa paksa.

Malawak ang kaalaman

sa paksaHindi gaanong malawak ang kaalaman sa paksa

Hindi malawak ang kaalaman sa paksa

________ 1. Iba’t ibang modelo ng pambansang ekonomiya________ 2. Mga sektor sa bawat modelo na nakaiimpluwen-

sya sa takbo o galaw ng pambansang ekonomiya________ 3. Ugnayan at epekto ng mga pangunahing taga-

pagganap o sektor ng pambansang ekonomiya2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 209 ng batayang aklat.

Sagot: 1. fi nancial market 4. foreign economy2. open economy 5. kalakalang panlabas3. commodity market

B. Paglinang

1. Pangkatin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay may takdang gawain at paksang tatalakayin tungkol sa iba’t ibang modelo ng pambansang ekonomiya. Tingnan ang mga pigura na nasa pp. 200-207 ng batayang aklat.

Ganyakin ang bawat pangkat na gumamit ng karagdagang pantulong sa pag-uulat tulad ng tsart o graph ng mga kasa-lukuyan o bagong nasaliksik na datos upang lalong maging malinaw ang pag-uulat.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

35

2. Gamiting gabay sa pag-uulat ng bawat pangkat ang sumusu-nod na mga tanong:

a. Sino ang mga mahalagang tagapagganap sa bawat modelo ng pambansang ekonomiya? Ano ang tuon o pokus ng bawat isa?

b. Ano ang pangunahing katangian ng bawat aktor/sektor na ito?

c. Ano ang ugnayang namagitan sa bawat sektor ng modelo ng pambansang ekonomiya?

d. Paano naiimpluwensyahan ng ugnayang nabanggit ang takbo o galaw ng pambansang ekonomiya?

e. Anong mga kondisyon ang nagpapahayag ng positiboo negatibong epekto sa ekonomiya bunga ng ugnayang ito?

C. Pagpapalalim

1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng isang mock interview sa mga mahalagang taong may kaugnayan sa paksa. Gamiting gabay ang mga paksa na maaaring itanong sa mga kakapanayamin sa mock interview.

a. Opisyal ng National Statistics Offi ce – mga modelo ng pambansang ekonomiya; mga tauhan/sektor na bumubuo sa bawat modelo; mga katangian ng bawat modelo

b. Kalihim ng Department of Finance – ugnayan ng bawat aktor/sektor sa isa’t isa; iba’t ibang kondisyon/sitwasyon na nagpapahayag ng positibo at negatibong epekto ng ugnayang nabanggit; paraan ng paglutas ng pama-halaan kapag may negatibong epekto sa pambansang ekonomiya

c. Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas – kahu-lugan ng balanseng daloy ng kalakal at serbisyo; paraan upang ito ay makamit; hakbangin upang maita-guyod ang balanseng daloy ng kalakal at serbisyo sa bawat modelo ng pambansang ekonomiya

2. Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na mga tanong:a. Bakit kailangang maging balanse ang daloy ng kalakal,

paglilingkod at kita sa isang ekonomiya?b. Ano ang mangyayari kung may paglabas (outfl ow) ng kita

sa ekonomiya? Paano ito maibabalik (infl ow) sa paikot na daloy?

3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. Ipabasa ang Pagbubuod sa pahina 208 ng batayang aklat.

D. Paglalapat1. Magpabuo ng collage na nagpapakita ng mga modelo ng daloy

ng pambansang ekonomiya. Sabihing maaaring gumamit ng mga larawan sa magasin upang maipakita ang paikot na daloy. Ipapaliwanag at ipahambing ang mga larawan.

2. Markahan ang ginawang collage gamit ang rubric na nasa Apendiks.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Paano ka makatutulong upang ang positibong pagba -

bago sa kalagayan ng pambansang ekonomiya ay makamtam?2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 209 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, pigura ng iba’t ibang modelo ng paikot na daloy, magasin, pandikit, gunting, cartolina, ginupit na larawan ng mga smiley

Aralin 19 Produksyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas 1. Ipaskil ang mapa ng Pilipinas. Sa paligid nito ay magdikit

ng mga larawan ng mga overseas Filipino worker at mga ta-pos na produkto tulad ng kotse, TV, kompyuter, sapatos, bag, at electric fan.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

36

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 223 ng batayang aklat.Sagot:1. real GDP 4. pamamaraang value added 2. benchmarking 5. NFIA3. projected GNP

B. PaglinangGamitin ang network tree upang mailarawan at maipaliwa-

nag ang mga mahalagang konseptong nakapaloob sa paksang tatalakayin.

C. PagpapalalimIpabuo ang sumusunod na mga pangungusap:1. Kapag may malaking dayuhang pamumuhunan sa

bansa, ang epekto nito sa GNP ay (mataas na antas ng produksyon at mataas na bilang ng empleyo).

2. Ang pagdami ng mga turistang dayuhan ay may hudyat na (maraming infl ow ng dolyar) sa ekonomiya ng bansa.

3. Ang matatag na ekonomiya ay nangangahulugang ang pambansang kita at produksyon ay (patuloy na lumalago).

4. Hindi dapat higpitan ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa sapagkat (sila ang pinagmu-mulan ng remittances) at ang epekto nito ay (katatagan ng ekonomiya).

D. Paglalapat1. Ipagpalagay na ang mga datos sa ibaba ay batay sa pamban-

sang kita ng isang haypotetikal na bansa. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Pambansang Kita (sa milyong piso, presyo sa kasalukuyang panahon)

Personal Consumption Expenditures (C)

Government Consumption (G)

Capital Formation (I)

Exports

Imports

Net Factor Income from abroad (NFIA)

3,500560800

2,1001,950

480

a. Ano ang net exports batay sa mga datos? Ano ang ibig sabihin nito?

b. Ano ang GDP at GNP ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 223 ng batayang aklat.

Pambansang Kita

Paraan ng Pagsukat

Income Approach

Mga Nakapaloob na Aytem

Expenditure Approach

Mga Nakapaloob na Aytem

Pormula sa Pagsukat

Kahalagahan

Pormula sa Pagsukat

Kahalagahan

Pormula sa Pagsukat

Kahalagahan

Value-Added Approach

Mga Nakapaloob na Aytem

1.2.3.4.

1.2.3.4.

1.2.3.4.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

37

E. PagpapahalagaItanong: Paano makapag-aambag ang inyong pamilya sa

pambansang produksyon ng bansa? Bakit ito mahalaga tungo sa pagsulong ng pambansang ekonomiya?

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, mapa ng Pilipinas, larawan ng mga tapos na produkto at mga OFW, statistical data ng GNP at GDP ng Pilipinas

Aralin 20 Pagbabago sa Kalagayan ng Ekonomiya

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga news clipping o headline tungkol sa isang malawakang kilos-protesta. Itanong sa mag-aaral ang posibleng dahilan ng protesta. Gabayan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa mga nilalaman ng mga placard.

2. Magsagawa ng oryentasyon sa mga inaasahan ng aralin ukol sa pagbabago sa kalagayan ng ekonomiya.

3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 238-239 ng batayang aklat.Sagot:1. produce price index 6. depression2. expansion 7. recovery 3. boom period 8. economic fl uctuations4. bust period 9. downsizing5. recession 10. infl ation

B. Paglinang1. Mock Interview. Magsagawa ng mock interview sa sumusunod

na mga tao batay sa paksang tatalakayin.a. Negosyanteng Tsino — mga business cycle at epekto

nito sa presyo ng bilihinb. Retiradong kawani ng pamahalaan — kalagayan ng

ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 20 taon; halaga

ng piso laban sa dolyar sa nakalipas na 20 taon at kadahilanan ng ganitong kalagayan; mga epekto nito sa pamilya at sa bansa

c. Karaniwang maybahay — pagtaas ng presyo ng langis; tuwirang epekto nito sa kanyang binibiling produkto; solusyon sa kalagayan

d. Propesor ng ekonomiks sa kilalang pamantasan — mga pormula sa pagtutuos ng infl ation, CPI, at PPP; mga halimbawa ng mga indicator kung kailan may pagbabagong nagaganap sa business climate

e. Mga kinatawan ng DTI at BOI — programa kapag may nararanasang paghina ng ekonomiyaAng nakalap na kasagutan mula sa mock interview ay

iuulat ng mga mag-aaral at gagawing pokus para sa malayang talakayan.

2. Lecture-forum. Magsagawa ng isang lecture-forum sa klase. Lagyan ng angkop na tema ang forum. Ang lecture na tata-lakayin ay ibabahagi ng mga pinili o naimbitang panauhin na kilalang dalubhasa sa iba’t ibang paksa na sakop ng ara-ling ito. Magkakaroon ng open forum pagkatapos ng lecture. Magbibigay lamang ng paglilinaw ang guro kung may mga konseptong hindi gaanong naunawaan.

C. PagpapalalimIpaskil sa pisara ang talahanayan at pasagutan sa mga

mag-aaral. Ipakompyut ang antas ng pagbabago ng CPI.

2002 250 _____

2003 250 _____

2004 6,000 _____

2005 1,000 _____

2006 1,200 _____

Taon CPI (2000=100)Antas ng Pagbabago

ng CPI (%)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

38

D. PaglalapatMagpasaliksik sa Internet o Philippine Statistical Yearbook

ukol sa antas ng implasyon sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon. Ilapat sa graph ang nasaliksik na datos. Ipasulat ito sa harap ng klase.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Paano mo mauugnay ang kasabihang “Habang

maikli ang kumot ay matutong mamaluktot” sa suliranin ng ekonomiya tulad ng implasyon?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 238 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, news clipping o headline ukol sa malawakang kilos-protesta, antas ng implasyon sa Pilipinas

Aralin 21 Patakarang Piskal

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Magpakita sa klase ng resibo ng produkto at bigyang-pansin

ang 12% VAT. Magpakita rin ng larawan ng proyektong panli-punan tulad ng ginawang kalsada o tulay, hospital, daungan, at paaralan.

2. Itanong sa mag-aaral: Bakit kailangang mangalap ng karagdagang buwis ang pamahalaan?

3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 256 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Debate. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang unang dalawang

pangkat ang bubuo sa sang-ayon at hindi sang-ayon. Ang ikatlong pangkat ang magsusuri ng dalawang pangkat. Pumili ng alinman sa sumusunod na paksa bilang tuon ng pagtatalo.

Pagtalunan na:a. Nakikinabang ang bansa sa mga patakarang piskal na

ipinatutupad ng pamahalaan.b. Kapag may kakulangan sa pondo para sa pambansang

badyet, ang Kongreso ay dapat magpasa ng panibagong pagbubuwis upang ito ay mapunan.

c. Ang paghiram ng salapi ng Pilipinas sa ibang bansa ay nakatutulong sa pagpapatupad ng mga proyekto o pro-grama nito.

2. Mock session sa Kongreso. Gawing batayan ang parliamentary procedure upang susugan ang panukalang karagdagang buwis na may layuning madagdagan ang pondo ng pamahalaan.

3. Malayang talakayan. Batay sa takdang aralin at mga pang-katang gawain ng mga mag-aaral, magsagawa ng malayang talakayan. Dapat malalim at malinaw ang katanungan upang lubos na masuri ng mga mag-aaral ang lahat ng nailahad na datos at impormasyon.

C. Pagpapalalim1. Itanong ang sumusunod:

a. Bakit tinaguriang lifeblood ng pamahalaan ang buwis?b. Masasabi ba nating laging masama ang epekto kung

tataasan ang singil sa buwis? Pangatwiranan ang sagot.c. Paano ba dapat gastusin ang pondo ng bayan?

2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro.

3. Para sa karagdagang kaalaman, ipasaliksik ang mahahala-gang probisyon ng Republic Act No. 9337. Matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com ang link para dito. Magkaroon ng malayang talakayan hinggil sa opinyon ng mga mag-aaral tungkol dito.

D. PaglalapatIbigay bilang takdang-aralin: Alamin ang kita ng inyong

pamilya para sa isang buwan. Gumawa ng sariling badyet at ipakita ito sa pamamagitan ng pie graph. Iulat ito sa klase.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

39

E. PagpapahalagaIpasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 256 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, resibo, larawan ng proyektong panlipunan, Income Tax Return at W2, Internet

Aralin 22 Ang Patakarang Pananalapi

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 269 ng batayang aklat.Sagot:a. discounting — proseso ng pagpapautang ng bangko sentralb. moral suasion — paghikayat ng bangko sentral sa mga

bangko na ayusin ang paggamit ng reservesc. excess reserves — tumitiyak na matutugunan ng bangko

ang demand sa salapi ng kanilang kliyented. open market — tumutukoy sa pamilihan ng securities na

bukas sa public auction

B. Paglinang1. Pagsasadula. Gagampanan ng mga mag-aaral ang mga katau-

hang nasa ibaba at magbabahagi sila ng kanilang kaalaman ayon sa paksang nakatakda para sa kanila at ayon sa katau-hang kanilang kinakatawan.a. Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas — patakarang

pananalapi sa Pilipinas; mga usapin ukol dito; pagkontrol sa money supply

b. Kalihim ng DTI — kalagayan ng pamumuhunan o invest-ment sa bansa

c. Manager ng isang bangko — pagpapairal sa easy at tight money policy sa Bangko Sentral ng Pilipinas

d. Kawani ng Philippine Stock Exchange — kalagayan, usapin, at katatagan ng stock market at pamumuhunan sa Pilipinas

e. Kinatawan ng SEC — patakaran tungkol sa open market operations ng mga bahay-kalakal

Magkakaroon ng malayang talakayan pagkatapos ng pagsasadula. Ang guro ay facilitator lamang upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na masuri at mataya ang paglalahad na ibinahagi sa dula-dulaan.

2. Panel discussion. Mag-anyaya ang klase ng mga panauhing magsasalita tungkol sa mga paksang tulad ng nasa dula-dulaan. Magkakaroon ng open forum pagkatapos ng pananalita ng bawat panauhin.

3. Markahan ang isinagawang dula-dulaan at panel discussion gamit ang rubric para dito sa Apendiks.

C. Pagpapalalim1. Itanong: Bakit kailangang kontrolin ng Bangko Sentral ang

money supply? Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro.

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.3. Atasan ang mga mag-aaral na bumisita sa i-learn.vibal-

publishing.com para sa link ng artikulo tungkol sa BSP. Pagtibayin ang kanilang kaalaman sa patakarang pananalapi sa pamamagitan ng muling pagkilala sa mahahalagang kon-septo rito at sa paglalaro ng interactive simulation. Ipatala sa isang papel ang natutuhan ng mga mag-aaral mula sa mga gawaing ito.

D. PaglalapatMagsaliksik sa Internet o Philippine Statistical Yearbook ukol

sa money supply ng Pilipinas sa nakalipas na 10 taon. Ipalapat ito sa graph at pabigyan ng interpretasyon ang kanilang gawa.

E. PagpapahalagaItanong: Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin nang

maayos ang iyong salapi (tulad ng baon) upang makatulong sa pagpapabuti ng ekonomiya?

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, mga pigura, Internet, Philippine Statistical

Yearbook

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

40

Aralin 23 Mga Institusyong Pinansiyal: Bangko, Bahay-sanglaan, at Kooperatiba

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 278-279 ng batayang aklat.Sagot:1. c 4. b2. a 5. d3. e

B. Paglinang Pangkatin ang klase sa apat. Iatas sa mag-aaral na mag-ulat

tungkol sa paksa gamit ang concept map.

C. Pagpapalalim1. Itanong: Sa paanong paraan nakatutulong ang mga institus-

yong pinansyal sa pagsulong ng kaunlarang pang-ekonomiya? Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro.

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. Maaaring gamiting gabay ang Pagbubuod sa pahina 278 ng batayang aklat.

D. Paglalapat1. Magpagawa ng survey sa pamayanan ng mga mag-aaral

at alamin ang mga institusyong pinansyal na matatagpuan doon. Ipakategorya ang mga ito kung nabibilang sa bangko o hindi bangko.

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 279 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Alin sa mga institusyong pinansyal ang higit na

nakatutulong sa kabuhayan ng mas nakararaming mama-mayan? Bakit?

2. Bigyang-reaksyon ang kasabihang “kapag may isinuksok, may madudukot.”

3. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 278 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, graphic organizer, Internet

Aralin 24 Ang Salapi at ang Bangko Sentral ng Pilipinas

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Hanapin sa hanay B ang salapi ng mga bansang nakalista sa hanay A.

Bangko Hindi Bangko

Mga Institusyong Pinansyal

b. Ang paksang, “Kahalagahan ng mga Institusyon ng Pananalapi,” ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng skit.

Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong para sa pangkatang gawain:

1. Ano ang mga institusyong bumubuo sa sektor ng pananalapi?

2. Bakit mahalaga ang mga institusyong pinansiyal?3. Paano nakikibahagi ang mga institusyong ito sa

kabuuang ekonomiya ng bansa?

A______ 1. England______ 2. Japan______ 3. Saudi Arabia______ 4. Thailand______ 5. India

Ba. bahtb. poundc. riald. rupeee. yen

(b)(e)(c)(a)(d)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

41

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 292 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, mga salapi ng iba’t ibang bansa, illustration

board, Internet

Aralin 25 Pandaigdigan at Pambansang Pananalapi

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipaskil ang karikaturang ito sa pisara.

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 292 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Pangkatin ang klase sa dalawa. Magsasagawa ng skit ang

bawat pangkat batay sa sumusunod: • Ang barter system• Ang pamimili sa kasalukuyang panahonIproseso ang ginawang skit sa gabay ng guro.

2. Magsagawa ng isang panayam o talk show para sa paksang, “Kasaysayan ng Pagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ang mga Tungkulin Nito.”

Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong para sa pangkatang gawain.

a. Ano ang salapi?b. Ano ang mga salik na nagpapabago sa halaga ng salapi

at money demand? Ipaliwanag ang bawat isa.c. Paano nagsimula ang mga bangko sentral?d. Bakit mahalaga ang Bangko Sentral ng Pilipinas?

C. Pagpapalalim1. Itanong ang sumusunod:

a. Anong mga salik ang nagbunsod sa ebolusyon ng salapi?b. Paano mapananatili ang tiwala ng tao sa salapi?

2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro.

3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. Tingnan ang Pagbubuod sa pahina 292 ng batayang aklat.

D. PaglalapatMagpadala sa klase ng salapi o larawan ng salapi (nasa aktwal

na laki) ng iba’t ibang bansa. Kilalanin ang mga ito. Kung maaari ay ilagay sa isang illustration board. Ipahambing ang gawa ng bawat mag-aaral sa kanilang mga kamag-aral at ipakita ito sa harap ng klase.

E. Pagpapahalaga1. Maraming bagay ang hindi nabibili ng salapi tulad ng:

a. pagmamahal c. tunay na kaibiganb. sapat na tulog d. kalusugan

2. Itanong ang sumusunod sa klase:a. Anong konsepto ang ipinakikita ng karikatura?b. Anong salapi ang gagamitin sa kalakalang pandaigdig?

3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 301 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Maaaring gumamit ang guro ng fi lm showing tungkol sa

Ikalawang Digmaang Pandaigdig o magsagawa ng skit ang mga mag-aaral tungkol dito. (Ipoproseso ito ng mga mag-aaral sa gabay ng guro. Bibigyang-tuon ang pinsalang dulot ng digmaan at ang pagtatatag ng World Bank at IMF).

2. Maaari ding magsagawa ng panayam sa pagtalakay ng paksang, “Mga Pamantayan sa Pandaigdigang Sistema ng Pananalapi.”

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

42

Maaaring gamitin bilang gabay ang sumusunod na mga tanong para sa mga gawain.

a. Ano ang mga pamantayan ng pandaigdigang sistema ng pananalapi?

b. Ano ang mga pandaigdigang institusyon ng pana-nalapi? Paano naitatag ang mga ito?

c. Ano ang mga layunin ng IMF at WB? Ipaliwanag.d. Paano nagkaroon ng kaugnayan ang pambansang

sistema ng pananalapi sa pandaigdigang sistema ng pananalapi?

C. Pagpapalalim1. Itanong ang sumusunod:

a. Alin sa mga pamantayan sa pandaigdigang sistema ng pananalapi ang pinakamainam? Bakit?

b. Sa paanong paraan nakatutulong ang mga pandaigdigang institusyon ng pananalapi sa ekonomiya ng bansa?

2. Hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral ng kanilang kuru-kuro.

3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat.

D. PaglalapatTunghayan sa mga pahayagan ang antas ng palitan ng piso

sa ibang dayuhang salapi. Ipahambing ito sa antas ng palitan sa nakalipas na limang araw. Suriin ang pagbabago sa palitan. (Maaari itong ilapat sa isang line graph.) Ipasulat sa klase ang mga posibleng dahilan ng pagbabago sa antas ng palitan.

E. PagpapahalagaItanong: Nararapat ba ang patuloy na pangungutang ng bansa

upang matustusan ang mga proyektong pangkabuhayan nito? Ipaliwanag ang sagot.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, karikatura, Internet

PANGYUNIT NA PAGSUSULIT

A. Kaalaman sa Pagsusuri. Isulat ang titik T kung tama ang mga sumu-sunod na pahayag. Kung mali, palitan ang mga salitang may salung-guhit upang maging wasto ang pahayag.1. Kung ang impok ay mas mataas kaysa sa pahunan, ang potensyal

na GNP ay bababa. (T)2. Maaaring magkaroon ng surplus sa badyet kapag mas marami

ang gastos pampamahalaan kaysa inaasahang papasok na buwis. (defi cit)

3. Sa modelong two sector economy ang sambahayan ang tuwirang tagapangasiwa sa paglikha ng produkto. (bahay-kalakal)

4. Ang palabas na kita mula sa daloy ng kalakal at serbisyo ay tinatawag na injection. (leakage)

5. Ang cedula ay isang halimbawa ng direct tax. (T)6. Kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng

presyo ng mga sangkap pamproduksyon tinatawag natin itong demand pull infl ation. (cost push infl ation)

7. Kapag ibinababa ang buwis, ang kapasidad ng disposable income o kitang pwedeng gastusin ay tataas. (T)

8. Kapag may implasyon, ang mga nagpapautang ay nalulugi. (kumikita)

9. Kapag tumaas ang palitan ng halaga ng piso sa dolyar, lumalaki ang kita ng mga Pilipinong exporter. (lumiliit)

10. Sa two sector economy ang ekilibriyong GNP ay matatamo kapag ang produksyon = pagkonsumo. (T)

B. Kaalaman sa Aplikasyon. Piliin ang pinakatamang sagot. Titik lamang ang isulat.1. Kapag mababa ang interes ng salaping impok sa bangko ibig

sabihin nito ay:a. hindi nag-iimpok*b. binabawasan ang impok c. dinadagdagan ang impok d. kukunin ang deposito sa bangko

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

43

2. Sa three sector economy ang ekilibriyong GNP ay matatamo kapag ang pamumuhunan at pamahalaan ay katumbas ng:a. impok at buwis*b. angkat at buwis c. impok at subsidy d. pagkonsumo at produksyon

3. Ang malawakang kawalan ng trabaho ay maaaring malunasan kapag ang pamahalaan ay:a. magbababa ng buwisb. pabababain ang defi citc. magbabawas ng gastosd. magsasagawa ng maraming proyektong pang-imprastruktura*

4. Nais ni Mr. Tan na mapalago ang kanyang bakeshop sa Makati. Dinagdagan niya ng lahat ng salik ng produksyon upang maisa katuparan ito, maliban sa isa, ang espasyo ng kanyang bakeshop. Ang batas pang-ekonomiya na angkop sa kalayang ito ay:a. Batas ng papaunti/papaliit na kapakinabanganb. Batas ng ipinagpalibang halaga c. Batas ng papaunting balik*d. Batas ng kalikasan

5. Hindi totoong kita ang isinulat ni Mr. Ching sa kanyang taunang pagbabayad ng buwis. Ang epekto nito sa kalagayang pang-ekonomiya ay:a. mababawasan ang paglilingkod na maibibigay sa bayan*b. dadami ang paglilingkod sa bayanc. lalaki ang disposable income ni Mr. Chingd. liliit ang magiging kita ng mga tao

6. Layunin ng pamahalaan na ipatupad ang serbisyong pangkaun-laran tulad ng edukasyon, pabahay, at imprastruktura. Bilang isang mabuting mamamayan, ano ang isang pangunahing tung-kulin upang ito ay maisakatuparan ng pamahalaan?a. gampanan ang responsibilidad upang hindi maging pabigat

sa bayan

b. magbayad ng tamang buwis sa takdang panahon*

c. maging aktibong kasapi ng inyong barangay

d. kumilos ayon sa dikta ng konsensya

7. Hindi lahat ng tao ay nalulungkot kapag may implasyon sa bansa at kapag mayroong kalagayang ganito, ang malimit na natutuwa ay ang mga:

a. mamamayang may takdang kita o sahod

b. nagpautang dalawang taon na ang nakalipas*

c. nangutang dalawang taon na ang nakalipas

d. may-ari ng mga insurance policy

8. Upang bumaba ang presyo sa pamilihan, kailangan ay:

a. bawasan ang pera sa sirkulasyon*

b. dagdagan ang salapi sa sirkulasyon

c. dagdagan ang sahod ng mga manggagawa

d. a at b

9. Umabot ang antas ng implasyon sa 99%. Ang epekto nito sa iyong personal na pamumuhay ay:

a. tataas ang uri ng iyong mabibiling serbisyo

b. mababawasan ang dami ng iyong mabibili*

c. lalaki ang iyong deposito sa bangko

d. sasapat ang iyong baon

10. Kung mabilis ang paglaki ng populasyon, samantalang ang GNP ay walang pagbabago, ang per capita income ay:

a. lalaki c. mananatili

b. liliit* d. walang sagot

C. Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. Ang kabuuang produksyon o kitang nanggaling sa loob ng bansa ay tinatawag na ___________. (Gross Domestic Product)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

44

Taon Halaga ng Produkto Consumer Price Index

2000 5100 100

2001 5200 200

2002 5300 300

2003 5400 400

2004 5500 500

(c)

(a)

(b)

(e)

(d)

E. Kompyutin ang Price Index kung ang batayang taon ay 2000.

2. Ang inflation ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtaas ng ___________ sa halos buong pamilihan sa buong ekonomiya. (presyo)

3. Tinaguriang bangko ng mga __________ ang Bangko Sentral. (bangko)

4. Ang pagkontrol sa suplay ng ___________ ay ginagampanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pamumuno ng Monetary Board. (salapi)

5. Ang halaga ng metal na ginagamit sa paglikha ng salapi ay tina-tawag na ___________. (intrinsic value)

6. Ang siklo kung saan malaki ang produksyon ng pambansang ekonomiya ay tinatawag na ____________. (boom period)

7. Ang patuloy na pagliit o pagbaba ng produksyon ng pambansang ekonomiya ay tinatawag na ____________ (bust period)

8. Tumutukoy sa proporsyon ng dami ng walang trabaho sa kabuuang lakas-paggawa ang ____________. (unemployment rate)

9. Ang listahan o talaan ng mga nagbabagong presyo ng kalakal o serbisyong karaniwang binibili o tinatangkilik ng konsyumer ay ang ____________. (Consumer Price Index)

10. Ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbaba ng halaga ng piso ay ang ____________. (infl ation)

11. Ito ang tinaguriang lifeblood ng pamahalaan, sapilitang kontribusyon ng mamamayan sa pamahalaan. (Buwis)

12. Ang mga ____________ ay mga salik ng produksyon na iniluluwas sa mga dayuhang ekonomiya at kita naman para sa pambansang ekonomiya. (infl ow)

13. Ang siklo ng paglaki at pagliit ng produksyon ng panloob na ekonomiya ay tinatwag sa ekonomiks na ____________. (business cycle)

14. Ang pagtaas ng average na presyo ng higit sa 50% bawat buwan ay kilala bilang ____________. (hyperinfl ation)

15. Kapag binabaan ng pamahalaan ang paggastos at magpa -pataw ito ng mataas na antas ng buwis, ito ay nagpapatupad ng ____________. (contractionary fi scal policy)

A______ 1. Nangangasiwa sa lahat

ng bangko upang maging maayos ang sistema ng pa-nanalapi sa Pilipinas

______ 2. Humihikayat sa mga tao na mag-impok at magtipid

______ 3. Layuning tulungan ang mga kooperatiba at maliliit na negosyante sa lalawigan

______ 4. Nagkakaloob ng mas mabi-lis na paraan ng pagpapa-utang o pagpapa hiram sa mga taong nangangaila-ngan ng salapi kapalit ang collateral

______ 5. Layuning tulungan ang mga small and medium scale na industriya

Ba. bangko sa pagti-

tipid

b. bangkong rural

c. Bangko Sen tral ng Pilipinas

d. D e v e l o p m e n t Bank of the Phil-ippines

e. bahay-sanglaan

D. Iugnay ang hanay A sa hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

45

G. Semantic Scale: Pagpasyahan kung ang mga pangyayari ay maka-bubuti, balanse, o di-makabubuti sa ekonomiya

Indicator:Makabubuti+2 = lubhang kapaki-pakinabang+1 = may kaunting kapakinabangan 0 = balanse ang pakinabang

Hindi makabubuti-1 = walang kapakinabangan-2 = lubos na walang kapakinabangan

Pangyayari: ______ 1. Pag-imprenta ng maraming salapi

______ 2. Pagtaas ng interes sa pangungutang

______ 3. Paghikayat sa dayuhang mamumuhunan

______ 4. Pagbebenta ng securities ng pamahalaan

______ 5. Pagpapairal ng tight money policy

______ 6. Pagtaas ng antas ng implasyon

______ 7. Paghikayat sa small and medium-scale industries

______ 8. Paglakas ng piso kontra dolyar

______ 9. Pagtaas ng reserve requirement sa mga bangko

______ 10. Pagbibigay ng mga seminar at training sa mga manggagawa

F. Punan ng tamang sagot ang mga kahon upang mabuo ang modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya. Piliin ang sagot sa hanay ng mga salita sa ibaba.

Panlabas na Sektor PamahalaanBahay-kalakal AgrikulturaSambahayan Pamilihang Pinansyal

2. _____________

Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod

Kita Paggasta

Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod

Pagbili ng kalakal at paglilingkod

Input para sa produksyon

Salik ng produksyon

Sahod, upa, at tubo

Kita

Pamumuhunan Pag-iimpok

Pagbili ng kalakal at paglilingkod

Sweldo, tubo, transfer payments

Buwis Buwis

Pagluluwas Pag-aangkat

3. __________________

Pamilihan ng Salik at Produksyon

1. _____________

4. __________________

5. __________________

(Bahay-kalakal) (Sambahayan)

(Pamilihang Pinansyal)

(panlabas na sektor)

(Pamahalaan)

(+1)

(+1)

(+2)

(+2)

(+1)

(+1)

(+2)

(+2)

(–1)

(+2)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

46

ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA/BUNGA NG PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya tungo sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng bawat Pilipino

Nakagagawa ng feasibility study na tumatalakay sa kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya, mga suliraning kinakaharap nito at solusyong ipina iiral upang matamo ang pambansang kaunlaran.

Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong

Mahalaga ang bahaging gina gampanan ng bawat sektor pang-ekonomiya ng Pilipinas sa pagtamo ng isang matatag at maunlad na pam bansang ekonomiya na may tuwirang epekto sa mga mamamayan nito.

Paano naaapektuhan ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya ng bansa ang layunin nito na pam-bansang katatagan at kaunlaran?

ANTAS 2: PAGTATAYAPagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa

Naipamamalas ng mag-aaral ang antas ng pag-unawa sa pama-magitan ng sumusunod na mga kasanayan:

A. PagpapaliwanagNaipapaliwanag ang kahalagahan ng bahaging ginagam-

panan ng bawat sektor ng pang-ekonomiya tungo sa pambansang kaunlaran

B. PagpapakahuluganNabibigyang-puna na ang matatag at maunlad na pamban-

sang ekonomiya ay epekto ng matibay at maayos na operasyon ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya ng bansa

MGA SEKTOR NG EKONOMIYAKabuuang bilang ng araw: 43

C. PaglalapatNakalalahok sa mga gawaing pampaaralan o pampamayanan

kung saan kailangan ang matibay na paninindigan at saloobin upang maisulong ang angkop at maayos na operasyon ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya na magdudulot ng pambansang kaunlaran

D. PerspektiboNabibigyang-katwiran na ang adhikain o layunin ng isang

matatag at maunlad na pambansang ekonomiya ay makakamit sa pamamagitan ng pagsasaayos ng operasyon at gawain ng lahat ng sektor pang-ekonomiya ng bansa

E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng IbaNailalagay ang sarili sa katayuan ng bawat kasapi ng

iba’t ibang sektor pang-ekonomiya at natutukoy ang naging kontribusyon ng bawat isa upang matamo ang hinahangad na pambansang kaunlaran

F. Pagkilala sa Sarili Nakikilala ang mahalagang papel ng bawat kasapi o

kalahok sa sektor pang-ekonomiya, na ang pagpapalakas o pagiging matatag nito ay hindi lamang dapat iatang sa pamaha-laan, bagkus may mahalagang bahagi rin ang mamamayan

Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap

☛ Awtentikong Pagtataya

1. Paggawa ng feasibility study na tumatalakay at sumusuri sa operasyon at gawain ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya ng bansa, bahaging ginampanan nito sa pambansang kaunlaran at pagpapatatag ng ekonomiya

2. Partisipasyon sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan ukol sa pagpapabuti at pagsasaayos sa kalagayan at gawain ng iba’t ibang sektor pang-ekonomiya

3. Pakikilahok sa pangkatang gawain o presentasyon ng klase

YUNIT IV

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

47

☛ Tradisyunal na Pagtataya

A. Tama o Mali. Sabihin kung tama o mali ang isinasaad ng sumusunod.

_________ 1. Kadalasan, ang mga hilaw na materyal na ginagamit sa industriya ay nagmumula sa agrikultura.

_________ 2. Isang dahilan ng mabagal na pagsulong ng agri kultura ay ang pinsalang dulot ng mga kalamidad tulad ng El Niño, red tide, baha, at bagyo.

_________ 3. Ang mga gawain sa impormal na sektor ay hindi nabibilang sa pagsukat ng Gross National Product.

_________ 4. Ipinatupad ang Republic Act 6657 sa adminis-trasyon ni Pangulong Ramon Magsaysay.

_________ 5. Kapag may tatak PS ang isang produkto, galing ito sa ibang bansa.

_________ 6. Ang liberalisasyon ay tumutukoy sa malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan at kapital.

_________ 7. Ang Johnson and Johnson ay isang halimbawa ng korporasyong transnasyonal o transnational corporation (TNC) na nagmula sa Japan.

_________ 8. Ang Nokia Corporation ay isang kompanya sa bansang Finland.

_________ 9. Ang pagbibigay pahintulot ng pamahalaan sa ibang bansa ng mas malayang pagpapasya at pagpapatakbo ng kanilang negosyo ay tinatawag na globalisasyon.

_________ 10. Transnational corporations ang katawagan sa malalaking negosyo na may malawak na operasyon na kalimitan ay dayuhan ang may-ari.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Magkaugnay ang sektor ng agrikultura at industriya dahil ________.

a. tagatustos ng salapi ang industriya sa agrikultura

b. hindi magagawa ng agrikultura ang gawaing industriyal

c. ipinauubaya ng agrikultura ang lahat ng gawain sa industriya

d. sa agrikultura nagmumula ang sangkap na binubuo sa mga industriya*

2. Ang balanse ng kalakalan ay mabuti kapag ________.

a. ang iniluluwas ay higit na malaki sa inaangkat*

b. ang inaangkat ay higit na malaki sa iniluluwas

c. pantay ang dami ng iniluluwas sa inaangkat

d. wala sa mga nabanggit

3. Layunin ng Bureau of Product Standards ang sumusunod maliban sa ________.

a. pagpapaunlad ng mga pamantayan*

b. pagpapalaganap ng impormasyong teknikal

c. pagsusuri at pagpapatibay ng isang produkto

d. pagpapautang ng puhunan sa industriya at panga -ngalakal

4. Ang doktrinang nagsasabing hindi dapat makialam ang pama-halaan sa gawaing pang-ekonomiya ay ang ________.

a. merkantilismo c. pasismo

b. laissez faire* d. monopoly

5. Ipagpalagay na turista ka sa Thailand. Bumili ka ng pagka-ing nagkakahalaga ng 1,000 baht. Ang kasalukuyang antas ng palitan ay 200 baht bawat 1 dolyar. Magkano ang halaga sa dolyar ng pagkaing binili mo?

a. $0.5 c. $5*

b. $2 d. $20

(Tama)

(Tama)

(Tama)

(Mali)

(Mali)

(Tama)

(Tama)

(Tama)

(Mali)

(Mali)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

48

6. Ang buwis na ipinapataw sa produktong inaangkat ay tinatawag na ______.a. taripa* c. subsidy b. quota d. dumping

7. Ang tulong na ipinagkaloob ng gobyerno upang bumaba ang halaga ng produksyon ng mga lokal na produkto ay ang ______.a. quota* c. dutyb. taripa d. infant-industry

8. Batay sa prinsipyo ng comparative advantage sa dalawa o higit pang produkto, dapat mag-espesyalista sa produktong napoprodyus nang ______.a. pinakamarami c. pinakamabilisb. pinakamaayos d. pinakaepisyente*

9. Ang restriksyon na ipinatutupad ng isang bansa upang ma-kontrol ang dami ng pumapasok na produkto mula sa iba ay tinatawag na ______.a. quota* c. buwis

b. dumping d. subsidy10. Ang halaga ng isinusuko sa bawat pagpili ng produkto

o serbisyo dahil sa kakapusan ay ang ______.a. opportunity cost* c. absolute advantageb. comparative advantage d. balance of trade

C. Markahan ng (✓) kung kanais-nais at (✗) kung di-kanais-nais ang sumusunod na mga gawain.______ 1. Pagdalo ng mga magsasaka sa mga pagpupulong para

sa pagpaparami ng ani

______ 2. Pagsali sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng tree-planting at iba pa

______ 3. Pagpapatayo ng mga bangko sa kanayunan

______ 4. Pagpapautang sa mga magsasaka ng may mataas na interes

______ 5. Paggamit ng pestisidyo upang masupil ang mapamuk-sang insekto sa pananim

(✓)

(✓)

(✓)

(✗)

(✗)

Aralin 26 Sektor ng Agrikultura

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Ipabasa ng guro ang sipi ng tulang “The Man with the Hoe”

ni Edwin Markham, anong ideyang pang-agrikultura ang posibleng maiugnay rito?

Itanong ang sumusunod:

a. Anong mga gawain at produkto ang makikita sa sektor ng agrikultura?

b. Bakit dapat pangalagaan ang sektor na ito?

Batay sa mga sagot, ipabigay ang kahulugan ng sektor ng agrikultura.

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 314-315 ng batayang aklat.

Sagot:

1. agrikultura

2. high-yielding variety

3. loan shark

4. repormang agraryo

5. pagmamanukan

6. Comprehensive Agrarian Reform Program

7. ari-ariang nabawi

8. Presidential Decree No. 2

9. Ferdinand Marcos

10. reporma sa lupa

B. Paglinang

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang iba’t ibang larawan ng mga gawain o produktong galing sa sektor ng agrikultura. Gawing pangganyak ang mga larawang ito upang simulan ang paksang tatalakayin.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

49

2. Gamitin ang concept cluster upang ilarawan ang mga bumubuo sa mga subsektor ng agrikultura.

b. Paano nilulutas ng pamahalaan ang suliraning kaugnay sa sektor na ito?

c. Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang lalong umunlad ang sektor na ito?

d. Paano nakatutulong ang sektor na ito sa inyo bilang mamamayan at sa ekonomiyang pambansa?

3. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga isyu sa kalagayan ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas, ipa-access ang link na matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com. Hingan ng opinyon ang mga mag-aaral hinggil sa nabasang artikulo.

D. Paglalapat

1. Itanong sa klase kung mas makabubuti ba sa ekonomiya ng Pilipinas na lalong paigtingin ang sektor ng industriya nito kaysa sektor ng agrikultura. Hayaang ipaliwanag nila ang kanilang sagot.

2. Talakayin sa klase ang magiging implikasyon sa ekonomiya at sa kalagayan ng sektor ng agrikultura sakaling paigtingin ng pamahalaan ang gawain sa sektor ng industriya ng bansa.

3. Sa huli, itimo sa isipan ng mag-aaral na ang Pilipinas ay kilala bilang bansang agrikultural, kung kaya nararapat ang maayos at masidhing pag-aaral sa angkop na programang tunay na lilinang sa yamang-likas nito na makikita lamang sa sektor ng agrikultura.

E. Pagpapahalaga

1. Itanong: Paano natin matutulungan at tuluyang maiaangat ang kalagayan ng sektor ng agrikultura sa bansa?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 314 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, statistical data tungkol sa sektor ng agrikultura,

Internet, Philippine Statistical Yearbook

Agrikultura

Paghahayupan

Pagsasaka Pangingisda

Pagmamanukan

3. Panel Discussion. Paksa ng talakayan: Ang Kasalukuyang Kalagayan ng Sektor ng Agrikultura sa Pilipinas. Gabayan ang talakayan sa pamamagitan ng mataas na antas ng pagtatanong. Markahan ang isinagawang panel discussiongamit ang rubric para dito na nasa Apendiks.

4. Panayam. Bumuo ng tatlo hanggang apat na pangkat sa klase. Gawing pokus ng panayam ang sumusunod:a. Kalagayan ng sektor ng agrikultura sa kasalukuyanb. Mga suliranin sa sektor ng agrikultura c. Programa ng pamahalaan upang mapaunlad ang

sektor ng agrikulturad. Mga pakinabang na dulot ng sektor ng agrikultura sa

ekonomiya ng bansa

C. Pagpapalalim1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong: Ano

ang papel o bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikul-tura sa ekonomiya ng bansa? Hayaang magbigay ng sariling pananaw o opinyon ang mga mag-aaral.

2. Itanong din sa klase ang kaugnay na mga tanong.a. Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang

sektor ng agrikultura ng bansa?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

50

Aralin 27 Pangisdaan at Paggugubat

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipabasa ng guro sa mag-aaral ang sipi ng tulang “TREE” ni Joyce Kilmer. Ibigay din bilang takdang-gawain ang panonood sa video documentary na “An Inconvenient Truth” ni dating US Vice-President Al Gore. Itanong: Ano ang mga ipinakikita at ipinahahayag na kasalukuyang kalagayan ng kagubatan at karagatan o anyong-tubig sa Pilipinas at sa mundo?a. Anong mga gawaing pang-ekonomiya ang makikita sa

subsektor na pangisdaan at paggugubat?b. Sa paanong paraan dapat tugunan ng pamahalaan ang

matinding hamon o suliranin sa subsektor na ito?2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 326-327 ng batayang aklat.

1. a 5. c2. f 6. d3. b 7. e4. h

B. Paglinang 1. Pagsasadula. Pangkatin ang klase sa apat. Pagtanghalin ang

bawat pangkat ng dula-dulaan na nagpapakita ng sumusunod:a. Ang kasalukuyang kalagayan ng pangisdaan at

pag gugubat sa Pilipinasb. Mga suliranin sa pangisdaan at paggugubat c. Epekto ng mga suliraning ito sa mga nagtatrabaho rito

at sa dami ng produktong nagmula ritod. Proyekto o programa ng pamahalaan na nagtataguyod sa

kaayusan at kaunlaran ng pangisdaan at paggugubat2. Debate. Bumuo ng dalawang pangkat sa klase: pangkat na

“sang-ayon” at pangkat na “hindi sang-ayon.” Ipapahayag ng alinman sa dalawang pangkat ang kanilang saloobin, panini-wala, pananaw, at kaalaman tungkol sa sumusunod na mga isyu:a. Pagpasyahan na matatamo lamang ang tunay na kaun-

laran sa pangisdaan at paggugubat kung gagamit ng makabagong teknolohiya para dito

b. Pagpasyahan na isang masusing pag-aaral sa tunay na kalagayan ng pangisdaan at paggugubat ang kailangan upang matamo ang kaunlaran nito

3. Panel discussion. Viewpoint: Ano ang Katotohanan sa Subsek-tor ng Pangingisda at Paggugubat?

Gawing malalim ang talakayan sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga piling panelista tulad ng kinatawan ng agrikultura, mga forest ranger, mangingisda, negosyante, at pinuno ng lungsod o lalawigan.

C. Pagpapalalim1. Itanong sa klase ang kaugnay na mahalagang tanong:

Ano ang papel o bahaging ginagampanan ng subsektor na pangisdaan at paggugubat sa ekonomiya ng bansa? Hayaang magbahagi ng sariling pananaw o opinyon ang mga mag-aaral.

2. Itanong din sa klase ang mga kaugnay na tanong.a. Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang

subsektor ng pangisdaan at paggugubat ng bansa?b. Sa mga suliranin at hamon na kinakaharap ng subsektor

na ito, paano ito binibigyang-solusyon ng pamahalaan?c. Paano dapat pangalagaan at paunlarin ng pamahalaan

ang subsektor na ito?d. Bakit sama-samang pagkilos ang nararapat na hakbang

tungo sa tamang pangangalaga sa subsektor na nabanggit? Pangatwiranan.

3. Ipabasa ang artikulo tungkol sa Forest Management Bureau. Tingnan ang link para dito sa i-learn.vibalpublishing.com.

D. Paglalapat1. Itanong sa klase:

a. Paano maisasakatuparan ang programang sustainable development sa bansa?

b. Ano ang magiging implikasyon sa ekonomiya at kalikasan kapag hindi balanseng ekolohikal ang mga programang pangkaunlaran na ipatutupad sa bansa?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

51

2. Itimo sa kaisipan ng mag-aaral na ang wastong paggamit ng mga likas na yamang biyaya ng Maykapal ay magandang pamana para sa susunod na henerasyon.

3. Ipagawa ang unang bilang sa Gawain sa pahina 327 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Paano natin matutulungan at tuluyang maiaangat

ang kalagayan ng pangisdaan at paggugubat sa bansa?2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 327 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, DVD documentary na “An Inconvenient Truth”, Internet, Philippine Statistical Yearbook

Aralin 28 Papel ng Sektor ng Industriya sa Kaunlaran

✏ Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Piliin at itugma ang angkop na simbolo o logo sa bawat kom-

panya o korporasyong kinabibilangan nito.

Gamitin ang mga gabay na tanong:a. Anong mga ideya o konsepto ang maiuugnay sa bawat

simbolo o logo?b. Anong mga uri ng gawain ang makikita sa sektor ng

industriya?c. Paano nakikinabang ang bansa mula sa sektor ng

industriya?d. Bakit dapat palakasin at paunlarin ang sektor ng

industriya ng bansa?2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 337 ng batayang aklat.

B. Paglinang 1. Pangkatang Ulat. Gamit ang estadistika sa presentasyon

ng pie graph, ipahahayag ng pangkat ang mga subsektor ng industriya, mga gawain sa sektor ng industriya, kontribusyon sa ekonomiya, tunay na kalagayan, at iba pang kaugnay na konsepto.

A. Manila Electric Company

B. Petron Corporation

Kompanya Logo

C. Jollibee Foods Corporation

D. Mitsubishi Motors

E. Toyota Motor Manufacturing

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

52

b. Anong uri ng gawain ang pokus ng industriyang ito?c. Sino ang may-ari ng industriya?d. Matindi ba sa lakas-paggawa o sa kapital ang operasyon

ng industriyang nabanggit?e. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya sa lugar

ninyo at sa bansa?f. Ano ang pakinabang ng industriya sa ekonomiya?g. Ano ang hindi mabuting epekto ng industriya sa kalagayan

ng tao, sa ekonomiya, at sa kapaligiran?h. Sa inyong palagay, batay sa inyong nasaksihan, paano

lalong mapauunlad ang sektor ng industriya sa bansa?2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 337 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Paano dapat pangalagaan at pahahalagahan

ng pamahalaan ang kapakanan ng mga nasa sektor ng industriya?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 337 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, logo o simbolo ng mga pangunahing industriya, larawan ng mga uri ng industriya, Internet, Philippine Statistical Yearbook

Aralin 29 Ugnayan ng Sektor ng Agrikultra at Industriya

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Mabuting Balita, Masamang Balita. Ipahanda sa mga mag-aaral ang bulletin board na may dalawang parte o bahagi. Ididikit sa kaliwang bahagi nito ang lahat ng mabuting balita tungkol sa sektor ng agrikultura at industriya, samantalang sa kanang bahagi naman ididikit ang lahat ng masamang balita. Gawin itong lunsaran para sa paksang tatalakayin sa pama-

2. Pagsasadula. Ang mga mag-aaral ay gaganap ng takdang katauhan sa dula. Isadula ang kasaysayan ng pag-usbong ng industriya, kalagayan, suliranin, katangian, pakinabang, at epekto. Narito ang mga mungkahing katauhang isasadula:a. May-ari ng industriyab. Kalihim ng DTIc. Manggagawa ng industriyad. Kinatawan ng DENRe. Labor leaderf. Alkalde o gobernador

C. Pagpapalalim1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng iba’t ibang

nangungunang industriya sa bansa. Sa pamamagitan ng talahanayan o matrix, pupunan ng datos ng mga mag-aaral ang sumusunod:a. pangalan ng industriyab. may-aric. kitad. uri ng operasyone. uri ng produktong napoprodyusf. logo o simbolo

2. Itanong sa klase ang mga kaugnay na tanong:a. Paano nakatutulong ang sektor ng industriya sa kaun-

laran ng bansa?b. Bakit dapat na mapangalagaan o maproteksyunan ng

pamahalaan ang sektor na ito?

D. Paglalapat1. Lakbay-aral. Bago payagang lumabas ang mga mag-aaral para

sa isang educational tour (paglilibot sa iba’t ibang pabrika o planta), ihanda ang kanilang mga kaisipan sa pamamagitan ng mga gabay na tanong kaugnay ng paksa.a. Ano ang iyong nakikita o napapansin sa uri ng industriya

na pinasyalan?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

53

magitan ng pagtatanong nito: Anong kaisipan o konsepto ang inyong nabuo sa pagsasanay? Bakit may mabuti/masamang balita tungkol sa dalawang sektor? Saan ito nag-ugat?

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 348 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Concept Diagnosis. Mga Hakbang: Gumupit ng maraming

larawang tungkol sa mga sektor ng agrikultura at industriya ng bansa. Hikayatin ang mga mag-aaral na banggitin ang lahat ng naiisip nilang may kaugnayan sa mga larawan. Halimbawa: pagmamanukan, pabrika, o paggugubat

Pangkatin ang mga binanggit na ideya o kaisipan ayon sa sumusunod.

• saklaw ng sektor• ahensya• programa• ugnayan at pakinabang

2. Inside Story: To Be or Not to Be. Sa isang malayang talakayan ng mga panelista, pag-ugnayin kung ano ang tunay na kalagayan ng dalawang sektor, kahalagahan nito, kontri-busyon sa ekonomiya, at ugnayan sa isa’t isa. Ang pag-uulat na ito ay dapat lakipan ng estadistika upang maging makatotohanan ang paglalahad.

C. Pagpapalalim1. Itanong ang sumusunod:

a. Bakit dapat nating maunawaan ang ugnayan sa pagitan ng sektor ng agrikultura at industriya?

b. Paano natin mapatatatag at mapalalakas ang ugnayang ito?

c. Ano ang dapat na gampanin ng pamahalaan upang lubu-sang matiyak ang positibong pakinabang mula sa ugnayan na nabanggit?

2. Ibigay ang synopsis ng United Fruit Company ni Pablo Neruda. Ipasagot ang tanong sa Gawain sa pahina 349 ng batayang aklat.

D. Paglalapat1. Ipabuo ang sumusunod na mga pangungusap:

a. Mahalaga ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng bansa sapagkat (malaki ang naiambag nito sa kabuuang pambansang kita).

b. Ang ugnayan sa pagitan ng sektor ng industriya at sektor ng agrikultura ay nagpapatunay lamang na (may paki-nabang na dulot ang bawat isa).

c. Dapat ang isang bansang maunlad ay maglunsad ng programang (industriyalisasyon) upang (lubos na maproseso ang ating mga hilaw na sangkap).

d. Ang kagalingan ng kasanayan ng mga Pilipino ay (nasa larangan ng pagmamanupaktura).

e. Ang pagkakaroon ng mga SMI sa bansa ay hudyat ng (paglago ng ekonomiya at karagdagang hanapbuhay).

2. Magpagawa ng maikling sanaysay batay sa cycle graph.

Agrikultura

Hilaw na sangkap

Industriya

Yaring produkto

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa

sektor ng industriya tungo sa kaunlaran?2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 348 ng batayang

aklat.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

54

c. Pangulo ng MERALCOd. Kinatawan ng Philippine National Banke. Pangulo ng Land Bank of the Philippines

Mga Gabay na Tanong:a. Kailan nagsimula ang operasyon ng korporasyon?b. Bakit ito ang napiling uri ng negosyo?c. Anong katangian mayroon ang gawain o korporas -

yong ito?d. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng korporasyon?e. Ano ang mga problemang hinarap at paano ito nalutas?f. Ano ang pakinabang na dulot ng mga korporasyong ito sa

tao, sa ekonomiya, at sa lipunan?2. Iulat sa klase ang ginawang panayam.3. Pangkatin ang klase sa anim. Bawat pangkat ay pipili ng

paksang kanilang iuulat:a. Mga halimbawa ng pampublikong korporasyonb. Kasalukuyang kalagayan ng mga pampublikong

korporasyonc. Mga suliranin at paraan ng paglutas ditod. Nasyonalisasyon at pagsasapribado ng mga korporasyone. Multinasyonal na korporasyonf. Mga pakinabang o benepisyo ng operasyon ng mga MNC

at korporasyong pampubliko4. Gawing batayan upang magkaroon ng malalim na talakayan

ang datos o impormasyong nanggaling sa pag-uulat ng mga mag-aaral.

C. PagpapalalimItanong ang sumusunod:1. Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang mga

pampublikong korporasyon?2. Paano nakaaapekto ang operasyon ng mga pampublikong

korporasyon sa ekonomiya ng bansa?

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, mga ginupit na larawang nagpapakita ng ideya tungkol sa sektor ng agrikultura at industriya, Philippine Statistical Yearbook, Internet

Aralin 30 Pampublikong Korporasyon

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga news clipping tungkol sa operasyon ng GSIS, NAPOCOR, LRTA, NFA, NHA, LBP, at iba pa. Itanong ang sumusunod na katanungan.a. Anong mga magkakatulad na katangian ang taglay ng

bawat isa?b. Paano nakikinabang ang pamahalaan sa operasyon ng

mga ito? 2. Pasagutan ang Talasalitaan sa pp. 356-357 ng batayang aklat.

Mga sagot:1. nasyonalisasyon 2. korporasyong pampubliko3. kapital 4. National Food Authority5. pagsasapribado6. Government Service Insurance System7. katipiran8. buwis9. kompetisyon

10. pondo

B. Paglinang 1. Mock Interview. Gumawa ng panayam sa sumusunod.

Mga kakapanayamin:a. May-ari ng Philippine Airlinesb. Pangulo ng Government Service Insurance System

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

55

D. Paglalapat1. Magpagawa ng islogan o poster na nagpapakita ng kontri-

busyon ng pampublikong korporasyon sa ekonomiya ng bansa.2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 357 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Ano ang bahaging ginampanan ng pampublikong

korporasyon sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa?2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 356 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, news clipping tungkol sa pampublikong korpo-

rasyon, Internet, oslo paper, pentel pen

Aralin 31 Sektor ng Paglilingkod

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga headline news tungkol sa sektor ng paglilingkod at itanong ang sumusunod:a. Paano pinaghandaan ng bansa ang sektor ng paglilingkod?b. Bakit nararapat na pangalagaan ng pamahalaan ang

sektor ng paglilingkod?c. Ano ang mga kahalagahan ng sektor na ito sa katatagang

pang-ekonomiya ng bansa?2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 364-365 ng batayang aklat.

Sagot:1. business process outsourcing 5. brain drain2. tiger economy 6. cub economy3. skilled labor 7. sekundarya4. sektor ng paglilingkod 8. Asya

B. Paglinang1. Panel Discussion: Strictly Politics

Tema: Ang Sektor ng Paglilingkod• kalagayan, kontribusyon, suliranin, ahensyang nagpa-

patupad ng programa, kahalagahan, programa para sa hinaharap, at ekonomikong pangkaunlaran

2. Pagsasadula. Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang sumusunod:a. Kawani o empleyado ng hotel, restawran, bangko, call

center at beauty parlor, mga nars at guroIpakita ang uri ng paglilingkod na kanilang ibinibigay,

kasalukuyang kalagayan ng kanilang trabaho, problema o suliranin sa kanilang hanay, at kahalagahan o pakinabang na dulot ng kanilang mga trabaho.

b. Pinuno ng NEDA, National Statistics Offi ce at Department of Tourism

Talakayin ang estadistika tungkol sa bilang ng mga manggagawa sa sektor ng paglilingkod, bilang ng mga manggagawa sa bawat subsektor na nagtatrabaho o nasa ibang bansa, uri ng trabaho na pinapasukan sa ibang bansa, mga suliraning kinakaharap ng ahensya at ng mga mang -gagawa, at mga programang pangkaunlaran ng ahensya.

c. Epekto ng mga natukoy na suliranin sa mga manggagawa dito, at sa dami ng mga produktong nagmula rito

Mga pagsasanay o programa sa information technology na inilunsad ng pampubliko at pampribadong kompanya, mga pagtataya tungkol sa kahandaan ng mga Pilipi-nong sumabak sa makabago at maunlad na kalakalang pang-ekonomiya at prospect o inaasahang magandang hinaharap para sa sektor ng paglilingkod.

Pagkatapos ng pagsasadula, magkakaroon ng malayang talakayan at malalim na pagsusuri tungkol sa mga naibahagi ng mga mag-aaral. Gawing gabay sa malayang talakayan ang sumusunod na mga tanong:

a. Ano ang mga katangian ng mga Pilipinong mang-gagawa sa sektor ng paglilingkod?

b. Anong mga suliranin ang hinarap ng mga mang-gagawa sa naturang sektor? Paano nila ito nilutas?

c. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga nagtatrabaho rito?

d. Paano magiging matatag at kompetitibo ang mga manggagawa sa sektor ng paglilingkod? Pangat -wiranan ang sagot.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

56

C. PagpapalalimItanong ang sumusunod:1. Paano nakaaapekto sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa

ang sektor ng paglilingkod?2. Bakit dapat pangalagaan ang sektor na ito?3. Sa paanong paraan maitataguyod ang mahusay at

malakas na sektor ng paglilingkod?

D. Paglalapat1. Magpagawa ng poster na nagpapakita ng temang “Katangian

at Kahandaan ng mga Kabilang sa Sektor ng Paglilingkod.”2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 365 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Bilang isang mag-aaral, anong paghahanda ang iyong

isasakatuparan upang maging isang mahusay na kasapi ng sektor ng paglilingkod?

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 364 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, news headline tungkol sa sektor ng paglilingkod, OFW, oslo paper, pentel pen

Aralin 32 Impormal na Sektor

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng eksena sa pamilihang tulad ng Divisoria, Baclaran, Quiapo, at Pasig at pagkatapos ay itanong ang sumusunod:a. Anong mga magkakatulad na katangian ang taglay

ng bawat isa?b. Ano ang katuturan at kabuluhan ng impormal na sektor

sa inyong pamumuhay?

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 374-375 ng batayang aklat.Sagot:1. fi xer 4. kahirapan2. globalisasyon 5. underground economy3. sachet phenomenon

B. Paglinang1. Pag-uulat. Gamit ang cluster map, tukuyin ang mga salitang

maaaring iugnay o may kaugnayan sa konsepto ng impormal na sektor.

Gamitin sa pag-uulat ang pinakabagong estadistika tungkol sa sumusunod:

• Bahagdan ng taong kabilang dito• Uri ng trabaho o gawaing nakapaloob dito• Kadahilanan at palaganap ng operasyon nito• Kontribusyon sa ekonomiya ng bansa• Epekto nito sa mga mamamayan at ekonomiya• Ahensya at mga programang inilunsad upang

mabawasan ang mga gawaing ito.2. Panayam. Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang unang pangkat

ay mangangalap ng impormasyon o datos sa pamamagitan ng panayam sa mga taong kabilang sa impormal na sektor. Ang pangalawang pangkat ay aatasang kapanayamin ang mga pulis o ahente ng NBI na naatasang humuli ng mga ilegal na nagtitinda. Gamiting pamantayan ang sumusunod sa pagsasagawa ng panayam.a. Pangkat 1

• Uri ng gawain sa impormal na sektor• Kadahilanan kung bakit napasok o napabilang sa

sektor na ito• Mga panganib na hinaharap o sinusuong• Epekto ng gawain sa pamilya at sa lipunan• Mga plano upang maiangat ang kalagayan sa buhay

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

57

b. Pangkat 2

• Mga programa ng mga ahensyang may kinalaman sa pagsugpo o pagbabawal sa ibang mga gawain ng impormal na sektor

• Paraan ng pagsasagawa ng kanilang operasyon sa pagsugpo o pagbabawal ng mga gawaing ito

• Mga parusang ipinapataw

• Epekto ng kanilang operasyon sa kanilang pamu -muhay at sa lipunan

3. Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa aralin, ipa-access sa mga mag-aaral ang link na matatagpuan sa i-learn.vibal-publishing.com tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay sa survey, ano ang mahihinuha ng mga mag-aaral? Pag-usapan ito sa klase.

C. Pagpapalalim

Itanong ang sumusunod:

1. Bakit may impormal na sektor?

2. Paano nakaaapekto sa mamamayan ang operasyon ng impormal na sektor?

D. Paglalapat

Ipagawa ang Gawain sa pahina 375 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga

1. Pangatwiranan na ang malawakang operasyon ng impor-mal na sektor ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng bansa.

2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 374 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, larawan ng iba’t ibang pamilihan, Internet

Aralin 33 Kalakalang Panlabas

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang iba’t ibang larawan ng produk-tong nagmula sa ibang bansa at produktong likha o galing mismo sa Pilipinas. Itanong ang sumusunod na mga kata-nungan.a. Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat

produkto?b. Bakit nakalalahok sa ng kalakalang panlabas ang Pilipinas?c. Batay sa mga sagot, halawin ang kahulugan ng kalakalang

panlabas.2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 386 ng batayang aklat.

Sagot:1. pag-aangkat 4. opportunity cost2. ginto 5. pakikipagkalakalan3. Balance of Payments

B. Paglinang 1. Malayang talakayan. Maglunsad ng isang malayang tala-

kayan tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas gamit ang sumusunod na mga gabay na tanong:a. Aling produkto ang iniluluwas at inaangkat ng Pilipinas?b. Bakit may mga produktong iniluluwas at inaangkat ang

bansa?c. Kailan masasabing mas praktikal at effi cient sa isang

bansa ang mag-angkat na lamang kaysa iprodyus ang isang produkto?

d. Ano ang prinsipyo ng comparative advantage at ng absolute advantage? Kailan ito nagaganap? Magbigay ng ilustrasyon tungkol dito.

e. Bakit may pabor at tutol sa kalakalang panlabas?f. Paano pinangangalagaan ng ating pamahalaan ang kala-

kal at pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

58

2. Debate. Paksa: Pagpasyahan na upang umunlad ang Pilipinas, nararapat itong makipagkalakalan sa ibang bansa.

3. Bilang pagpapayaman ng aralin, ipa-access sa mga mag-aaral ang link na matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com tung-kol sa pakinabang ng espesyalisasyon at kalakalang panlabas. Ipasulat sa isang papel ang natutuhan ng mga mag-aaral mula rito.

C. Pagpapalalim Itanong sa klase ang sumusunod:

a. Sang-ayon ka ba sa kasabihang, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang?” Bakit o bakit hindi?

b. Apektado nga ba ang mga mamamayan at ekonomiya sa kalakalang panlabas ng bansa? Patunayan ang sagot.

c. Anong uri ng programang pangkalakalan ang dapat na itaguyod at ilunsad ng bansa upang matiyak ang kaun-larang pang-ekonomiya?

d. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kalakalang panlabas?

D. PaglalapatSemantic Scale. Pagpasyahan kung ang sumusunod na mga

pangyayari ay makabubuti, balanse ang pakinabang, o hindi makabubuti sa tao at lipunan.

1. Pagdagsa ng produktong luwas2. Kompetitibo ang bansa3. Maraming dayuhan mamumuhunan4. Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga angkat na

produkto5. Pagpapababa sa quota6. Pagtangkilik sa sariling produkto

Indicator:Makabubuti+2 = lubhang kapaki-pakinabang+1 = may kaunting kapakinabangan 0 = balanse ang pakinabang

Hindi Makabubuti–1 = walang kapakinabangan–2 = lubos na walang kapakinabangan

E. PagpapahalagaDapat bang bawasan ang pag-aangkat ng bansa upang hindi

mabawasan ang dolyar?

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, larawan ng iba’t ibang produkto o kalakal, Internet

Aralin 34 Mga OFW at ang Kontribusyon Nila sa Ekonomiya

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ituro sa mapang pandaigdig ang mga bansa kung saan maaaring matagpuan ang mga Pilipino. Itanong ang sumusunod:a. Bakit maraming Pilipino sa mga bansang nabanggit?b. Ano ang kadahilanan ng pag-alis sa sariling bansa ng mga

Pilipino?c. Anong isyu ang kaakibat ng pagdagsa ng mga Pilipino sa

ibang bansa?2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 394 ng batayang aklat.

Sagot:1. remittance 5. sea-based2. Bagong Bayani 6. land-based3. domestic helper 7. India4. Iraq

B. Paglinang1. Pangkatin sa apat ang klase. Ang unang dalawang pangkat

ay atasang gumawa ng paanunsyo kung bakit ang Pilipino ay katangi-tanging manggagawa para sa ibang bansa.a. Gawing batayan ang sumusunod sa paggawa ng paanunsyo.

• Kasanayan ng mga Pilipino

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

59

• Edukasyong natamo • Karanasan sa gawain• Katauhan ng mga Pilipino

b. Ang huling dalawang pangkat ay atasang gumawa ng panayam bilang kinatawan ng ahensyang kukuha ng mga OFW. Gawing batayan sa panayam ang sumusunod:• Angking talino at kakayahan sa paggawa • Kasanayan o training na nakuha • Kasarian• Pasahod o benepisyo na gustong makamit• Mga mabuti at hindi mabuting karanasan ng mga OFW• Pakinabang sa kanila ng bayan• Tulong na nakakamit mula sa mga ahensya ng

pamahalaan • Epekto sa kanila ng paiba-ibang palitan ng piso at

dayuhang salapiMagkakaroon ng malayang talakayan pagkatapos

mailahad o maiulat ng mga pangkat ang kanilang gawain. Markahan ang isinagawang panayam sa pama-magitan ng rubric na nasa Apendiks.

2. Pagsasadula. Isasadula ng mga mag-aaral ang sumusunod na katauhan gamit ang mga batayang nasa ibaba.a. TV host — Mag-uulat ng mga pangyayari sa loob at labas

ng bansa. Bibigyang-tuon ng kanyang balita ang kala-gayan ng mga OFW sa ibang bansa.

b. Field reporter — Gagawa ng panayam sa isa sa mga OFW na kilala at magtatanong tungkol sa tagumpay at problemang nakaharap habang nagtatrabaho sa bansang napuntahan.

c. Panauhing panelista mula sa DOLE, POEA, DFA — Hihingan ng pananaw tungkol sa kalagayan ng mga OFW, programa ng pamahalaan para sa kanila, epekto o pakinabang na natatamasa ng bansa mula sa kanila.

C. Pagpapalalim1. Itanong ang sumusunod:

a. Sa inyong palagay, bakit dapat pag-aralan ang usapin tungkol sa mga OFW?

b. Paano nakaaapekto ang usapin tungkol sa mga OFW at ang bahaging ginagampanan nila sa kalakaran ng ekonomiya sa bansa?

c. Sa paanong paraan maitataguyod ng pamahalaan ang kapakanan ng mga OFW?

2. Pangatwiranan na ang patuloy na pagdami ng mga OFW sa ibang bansa ay manipestasyon ng tunay na kalagayang panlipunan at ekonomiya ng bansa.

D. Paglalapat1. My Diary. Ganyakin ang mga mag-aaral na punan ng mga en-

try o tala ang diary ng isang OFW. Ipagpalagay na sa unang pagkakataon pa lamang sila makapagtatrabaho sa ibang bansa. Ano ang mga pangarap at agam-agam nila sa pag-alis?

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 395 ng batayang aklat.

E. Pagpapahalaga1. Pabigyang-reaksyon ang turing sa mga OFW bilang bagong

bayani.2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 394 ng batayang aklat.

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, mapang pandaigdig, diary o notebook, Internet

Aralin 35 Globalisasyon: Kalakaran, Katangian, at Bahaging Ginagampanan sa Kaunlaran

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga fl ashcard na may naka-guhit na simbolo o logong pangkalakalan. Itanong ang sumusunod na mga katanungan:a. Anong produkto o kompanya ang kinakatawan ng simbo -

long ito?

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

60

b. Sino kalimitan ang nagmamay-ari ng operasyon ng mga produktong ito?

c. Saan matatagpuan ang mga produktong nabanggit?d. Anong katangian mayroon ang mga produkto?

Hayaang magpahayag ang mga mag-aaral ng kanilang mabubuong saloobin batay sa mga tanong. Gagabayan ng guro ang pagbuo ng konsepto sa isyung nabanggit.

2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 406-407 ng batayang aklat.Mga sagot:1. liberalisasyon 2. deregulasyon 3. pagsasapribado 4. white elephant 5. korporasyon transnasyonal 6. World Trade Organization7. globalisasyon8. tubo9. repatriation of profi t

10. kartel

B. Paglinang1. Pangkatin ang klase sa tatlo at isagawa ang sumusunod:

a. Pangkat Ulat — magsasaliksik at mag-uulat ng sumu-sunod tungkol sa globalisasyon:• iba’t ibang pananaw ukol dito• manipestasyon nito• katangian• kalakaran• epekto sa tao at ekonomiya• kaugnay na konsepto tulad ng pagsasapribado,

liberalisasyon, at operasyon ng mga korporasyong transnasyunal o transnational corporation (TNC)

b. Pangkat Suri — magbibigay ng mga puna at masusing pagsusuri sa mga datos, estadistika, at pag-uulat na ini-lahad ng unang pangkat.

c. Pangkat Ebalwasyon — magbibigay ng rekomendasyon upang lalong mapaunlad ang talakayan. Babanggitin din ng pangkat ang ilang bahagi ng pag-uulat na kailangan pa ng mas malalim na talakayan at iba pang dapat gawin upang mas malinaw na masagot ang susunod pang mga katanungan.

2. Kung may sapat na kagamitan, gawin ang isang documentary video o investigative report na sumasagot sa sumusunod na mga tanong:a. Batay sa kalakaran ng globalisasyon, saan patungo ang

bansang Pilipinas?b. Anong pagsubok ang kinakaharap ng mga bansang tulad

ng Pilipinas na sumusunod sa globalisasyon?

C. Pagpapalalim1. Itanong ang sumusunod:

a. Bakit mahalagang pag-aralan ang globalisasyon at ang bahaging ginampanan nito sa ekonomiya ng bansa?

b. Paano nakaaapekto ang globalisasyon sa bansa at sa pamumuhay ng tao?

c. Paano dapat proteksyonan ng pamahalaan ang sariling industriya at manggagawa nito sa ilalim ng banta ng globalisasyon?

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 407 ng batayang aklat.

D. PaglalapatMagpasulat ng maikling sanaysay gamit ang temang “Think

globally but act locally.” Ipaliwanag ang sagot.

E. PagpapahalagaItanong: Anong programang pang-industriya ang nararapat na

itaguyod ng pamahalaan na magbibigay hindi lamang ng trabaho, bagkus ay mangangalaga sa kapakanan ng manggagawa at ng kapaligiran? Pangatwiranan ang sagot.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

61

✏ Mga KagamitanBatayang aklat, fl ashcard ng logo/simbolong pangkalakalan,

papel para sa sanaysay

Aralin 36 Mga Samahang Pandaigdig: WTO at APEC

✏ Mga Gawain at EstratehiyaA. Pagtuklas

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang news item o headline tungkol sa iba’t ibang ginanap na APEC at WTO Summit. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:a. Bakit may ginaganap na mga economic summit sa mundo?b. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga samahang

pandaigdig tulad ng APEC at WTO?2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 416 ng batayang aklat.

Sagot:1. member economies 2. samahang internasyunal3. Kyrgyzstan 4. trade sanction 5. liberalisasyon6. Singapore 7. Switzerland8. Asia-Pacifi c

B. Paglinang1. Mag-anyaya ng panauhin na magsasalita tungkol sa mga

pandaigdigang samahang pang-ekonomiya. Pagkatapos ng kanyang salita, isagawa ang malayang talakayan at open forum.

2. Panel Discussion. Magpupulong-pulong ang iba’t ibang kinatawan ng bansa upang mapag-usapan at talakayin ang pang-ekonomiyang kaunlaran ng mga bansang kasapi sa samahan; proyekto at programang ilulunsad; estratehiya at mekanismong ipatutupad upang matamo ang mga layunin; at iba pa.

C. Pagpapalalim1. Itanong ang sumusunod:

a. Bakit naitatag ang mga pandaigdigang samahan pang-ekonomiya?

b. Paano nakaaapekto ang samahang pandaigdigang tulad ng WTO at APEC sa ekonomiya ng kasaping bansa?

c. Sa paanong paraan natutulungan ng mga pandaigdigang samahang pang-ekonomiya ang mga bansang kasapi nito?

2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 417 ng batayang aklat.

D. PaglalapatPapunan ng angkop na katanungan ang bawat hati o bahagi

ng larawan ng tao kaugnay sa araling ito. Hayaang sagutin ng mga mag-aaral ang alinman sa nabuong katanungan.

Bakit? Paano?

Sino?

Kailan?

Saan?

Ano?

E. Pagpapahalaga1. Itanong: Dapat ba o hindi dapat na aktibong kasapi ng WTO

at APEC ang bansang Pilipinas? Pangatwiranan.2. Ipasagot ang Pagpapahalaga sa pahina 417 ng batayang aklat.

✏ Mga Kagamitan

Batayang aklat, news item o headline tungkol sa pandaigdigang samahang pang-ekonomiya, Internet

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

62

PANGYUNIT NA PAGSUSULIT

A. Kaalaman sa terminolohiya. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang tinaguriang lifeblood ng pamahalaan, sapilitang kontri-busyon ng mamamayan sa pamahalaan

a. badyet c. serbisyo

b. buwis* d. taripa

2. Ang kabuuang halaga ng lahat ng nabuong produkto o serbisyo sa loob ng isang taon

a. GDP c. Consumer’s Price Index

b. GNP* d. Pambansang Kita

3. Ang pagtatabi sa kita na hindi gagamitin sa kasalukuyang pangangailangan.

a. negosyo c. pamumuhunan

b. pag-impok* d. kalakalan

4. Mga materyal na bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng ibang produkto

a. kapital* c. produksyon

b. salapi d. pinagkukunang-yaman

5. Pamilihang iisa lamang ang nagbibili

a. barter c. monopsonyo

b. monopolyo* d. oligopolyo

6. Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo

a. deplasyon c. depresyon

b. implasyon* d. resesyon

7. Tumutukoy sa katumbas na halaga ng bawat produkto o serbisyo

a. pagkonsumo c. presyo*

b. fi xed-cost d. average-cost

8. Ang katangiang wear and tear ng capital

a. debalwasyon c. pagkalugi

b. depresasyon* d. deregulasyon

9. Isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo ng bilihin at ang dami ng demanda. kurba ng demand* c. elastisidad ng demandb. kurba ng suplay d. presyong ekwilibriyo

10. Samahan ng mga mangangalakal na nagmamanipula ng dami, distribusyon at presyo ng kalakal o produktoa. kartel* c. monopolyob. kooperatiba d. union

11. Ang pagtanggal sa kapangyarihan ng pamahalaan na kontrolin ang iba’t-ibang gawaing pang-ekonomiyaa. debalwasyon c. pagsasapribadob. deregulasyon* d. korporasyon

12. Ito ang halaga ng piso laban sa iba pang currency o salapi ng ibang bansaa. foreign exchange rate* c. securities and bondsb. infl ation rate d. stock exchange

13. Ang paggawa o paglikha ng mga produkto upang matustusan ang pangangailangan ng mga taoa. pagkonsumo c. produksyon*b. pamumuhunan d. pagbubuwis

14. Pamilihang may iilan lamang ang nagpoprodyus ng parehong produktoa. monopolyo c. oligopolyo*b. monopsonyo d. malayang kalakalan

15. Dami ng produktong handa at kayang bilhin ng mamimili sa takdang lugar, panahon, at presyoa. demand* c. suplayb. fl oor price d. presyong ekwilibriyo

B. Kaalaman sa Tiyak na mga Bagay. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.1. Ang chairman ng monetary board ay ang ____________.

a. BSP Governor* c. Pangulo ng Senadob. Pangulo ng Pilipinas d. Speaker of the House

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

63

2. Ang kapangyarihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kontrolin ang suplay ng salapi at kredito sa bansa ay ang ___________.a. banking policy c. monetary policy*b. fi scal policy d. exchange rate

3. Ang pinagmumulan ng hilaw na sangkap na gagamitin sa produksyon ay ang sektor ng ___________.a. agrikultura* c. pananalapib. industriya d. pamahalaan

4. Ang tinatawag na bangko ng mga bangko ay ang ___________.a. Banco de Oro c. Bangko Sentral*b. Bank of the Philippine Islands d. Philippine National Bank

5. Ang tinaguriang biblia ng kapitalismo ay ang ___________.a. Das Kapital c. The Wealth of Nations*b. Laissez Faire d. The Republic

6. Ang nagpoproseso ng mga hilaw na sangkap upang gawin itong yaring produkto ay ang sektor ng ___________.a. agrikultura c. sambahanb. industriya* d. panlabas

7. Ang tinaguriang utak ng negosyo ay ang ___________. a. kapitalista c. manggagawab. entreprenyur* d. unyunista

8. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng pagkakaroon ng ganap na monopolyo maliban sa ___________.a. hadlang na legalb. walang kompetisyonc. kontrol sa pinagkukunang-yaman d. kalayaang pumasok at lumabas sa industriya*

9. Hindi kabilang sa istruktura ng kapitalismo ang ___________.a. kompetisyon c. profi t motiveb. sentralisadong pagpaplano* d. price system

10. Hindi kabilang sa sektor ng agrikultura ang ___________.a. paghahayupan c. pagmiminab. pangingisda d. pagluluwas*

C. Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A_______ 1. Programang nagla layong

maipamahagi ang mga lupaing agri kultural sa mga magsa sakang walang lupa

_______ 2. Lugar kung saan kali-mitang gumagawa ng produktong gawang ka may ang mga indus triyang pantahanan

_______ 3. Bumalangkas ng teor ya uko l sa comparat ive advantage

_______ 4. Tawag sa kumaka tawan sa lahat ng salaping dayu han maliban sa salaping pinai-iral sa isang bansa

_______ 5. Tawag sa pagbaba ng halaga ng piso katum bas ng dolyar batay sa opisyal na pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas

_______ 6. Talaan ng transak syon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo

_______ 7. Isang uri ng pagbubuwis kung saan ang bahagdan ng pagbu buwis ay buma-baba habang tumataas ang halaga ng bagay na binubuwisan

_______ 8. Isa sa mga ahensyang nangunguna sa pango-ngolekta ng buwis

Ba. tahananb. repormang pan-

lupac. balance of pay-

mentsd. David Ricardoe. Bureau of Internal

Revenuef. devaluationg. foreign exchangeh. regresiboi. progresibo

(b)

(a)

(d)

(g)

(f)

(c)

(h)

(e)

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

64

AWTENTIKONG PAGTATAYA PARA SA COLLAGE

Markahan ang ginawang collage sa iskalang 1-5 kung saan ang 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa.

Katumbas na Interpretasyon 16-20 = Magaling 11-15 = Kasiya-siya 6-10 = Di gaanong kasiya-siya 1-5 = Dapat pang linangin

Indicator Iskor Natamong Puntos

1. Kaangkupan ng konsepto 16-20

2. Kabuuang presentasyon ng gawa 11-15

3. Pagkamalikhain 6-10

4. Kalinisan ng gawa 1-5

Kabuuang IskorInihanda nina: Ruby R. Denofra at Alex P. MateoMaster Teacher – Esteban Abada High School

SCORING RUBRIC PARA SA DULA

Indicator Iskor Natamong Puntos

1. Malinaw na nailahad ang paksa. 10-9

2. Napili ang mga karapat-dapat na magsiganap.

8-7

3. Nasunod ang pamantayan sa pagganap.

6-5

4. Naisasadula ang mensahe ng ulat. 4-3

5. Magaling ang pagtatanghal ng dula. 2-1

Kabuuang Iskor

APENDIKS

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

65

HALIMBAWANG RUBRIC SA PAGTATAYA NG PROYEKTO/OUTPUT(Journal)

Dimensyon Napakahusay 4 puntos

Mahusay3 puntos

Katamtaman2 puntos

Nangangailangan ng Pagpapabuti

1 puntos

Buod ng aralin, paksa, o gawain

Maliwanag at kumpleto ang pagbuod ng aralin.

Maliwanag subalit may kulang sa detalye sa

paksa o araling tinalakay

Hindi gaanong maliwanag at kulang sa ilang detalye sa paksa o

araling tinalakay

Hindi maliwanag at marami ang kulang sa mga detalye sa paksa o

araling tinalakay

Mga pagpapahalagang natalakay sa aralin

Natukoy ang lahat ng mga pagpapahalagang natalakay sa aralin.

Kulang ng isa o dalawa ang mga pagpapahalagang natukoy sa araling

tinalakay.

Marami ang kulang sa mga pagpapahalagang

tinalakay sa aralin.

Ang mga pagpapahalagang

nabanggit ay walang kinalaman sa araling

tinalakay.

Pagsasabuhay ng mga pag papahalagang natutuhan

sa aralin

Makatotohanan ang binanggit na paraan ng pagsasabuhay ng

mga pagpapahalagang natutuhan sa aralin.

Makatotohanan subalit kulang sa

impormasyon ang paraan ng pagsasabuhay ng

mga pagpapahalagang natutuhan sa aralin.

Hindi gaanong makatotohanan at kulang

sa impormasyon ang paraan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang

natutuhan sa aralin.

Hindi makatotohanan at hindi binanggit ang mga

impormasyon ukol sa paraan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang

natutuhan sa aralin.

Presentasyon at kabuuan ng pagsulat— Nakatuon at hindi paliguy-

ligoy ang mga pangungusap.— Maayos na pagkakasunod-

sunod ng mga pangungusap.— Angkop ang mga salitang

ginamit.— Malinis at maayos ang

pagsulat.

Lahat ng pamantayang binanggit sa

presentasyon ay matatagpuan sa kabuuan

ng journal.

Tatlo sa mga pamantayan sa presentasyon ay

matatagpuan sa kabuuan ng journal.

Dalawa sa mga pamantayan sa presentasyon ay

matatagpuan sa kabuuan ng journal.

Isa sa mga pamantayan ay matatagpuan sa kabuuan ng journal.

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

66

SCORING RUBRIC SA PAGSASAGAWA PANEL DISCUSSION

Kriterya Pinakamahusay4

Mahusay3

Hindi Mahusay2

Kailangan pa ang Pag-unlad1

1. Pa nd a l u b h a s a ng Presen tasyon

Nagpakita ng kahusayan at kaayusan sa paksang

tatalakayin

Limitado ang paksa sa kabila ng pagiging aktibo

ng bawat kasapi.

Bahagyang naiakma subalit natuon lang sa isyu

Malayo ang paksa at di-gaanong malawak

ang isyu.

2. Paraan ng Pakiki -tungo sa Tagapakinig

Mainit na pagtanggap sa paglahok sa talakayan

Magaling subalit di kinakitaan ng agresibong

sagot sa mga kasapi

Iilan lamang ang nagsalita at di naging makatotohanan

Kulang sa pokus ang mga panauhin; kailangan pa

ang paglawak.

3. P a m a m a r a a n s a Paggamit ng salita

Naging malikhain at malinaw ang mga salitang ginamit

May kalinawan ang kaisipan subalit may katagalan sa

pagpapaliwanag

Di-gaanong naiakma sa katotohanan ng mga isyu

Walang kaugnayan ang mga ginamit na kaisipan.

4. Kaalaman sa Paksa Nagpakita ng kahandaan at lawak ng kaalaman

Gumamit ng limitadong puntos at gamit na akma

sa paksa

Limitado ang pokus sa isang aspeto ng paksa

Mababaw lamang ang mga naihayag na opinyon.

5. Kahandaan ng mga Kasapi

Mabisang naiugnay at nagpakita ng kahusayan

at kahandaan sa paksa

Magaling subalit di-gaanong nakatawag ng pansin sa mga

tagapakinig

Mabagal ang mga kasapi sa pagsasalita at tila naghahanap ng salita.

Di-gaanong mahusay at di-angkop ang mga

ginamit sa paksa

Inihanda ni: Eva O. ArceoMaster Teacher – Tondo High School

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

67

HALIMBAWA NG SCORING RUBRIC PARA SA PANGKATANG GAWAIN

Kriterya 4 3 2 1

Kaalaman sa Paksa Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan, wasto, at magkakaugnay ang mga impormasyon sa kabuuan.

Naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad ngunit di-wasto ang ilan: may ilang impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad.

Hindi gaanong nauunawaan ang paksa.Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad. May mga maling impo rmasyon a t h ind i naiugnay ang mga ito sa paksa

Hindi naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaala-man ay hindi nailahad at natalakay. Walang kaugnayan ang mga pangunahing impor-masyon sa kabuuang gawain.

Pinaghalawan ng Datos Binatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clip, interview, radyo at iba pa.

Ibinatay sa iba’t ibang saligan ang mga impormasyon ngunit limitado lamang.

Ibinatay ang impormasyon sa batayang aklat lamang.

Walang batayang pinagkunan at ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang.

Organisasyon Organisado ang mga paksa at sa kabuuan maayos ang presentasyon ng gawain. Ang pinagsama-sama ideya ay malinaw na naipahayag at natalakay gamit ang mga makabuluhang graphic organizer.

Organisado ang mga paksa sa kabuuan at maayos ang presentasyon ngunit hindi gaanong nagamit nang maayos ang mga graphic organizer.

Walang interaksyon at ugnayan ang mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng paksa. May mga graphic o rgan ize r nguni t h ind i nagamit, nagsilbing palamuti lamang sa pisara.

Di-organisado ang paksa. Malinaw na walang prepa-rasyon ang pangkat.

Presentasyon Maayos ang paglalahad. Namumukod t ang i ang pamamaraan. Malakas at malinaw ang pagsasalita sapat para marinig at maintindihan ng lahat.

Maayos ang paglalahad. May ilang kinakabahan at may kahinaan ang tinig.

S imp l e a t ma i k l i a ng presentasyon.

Ang paglalahad ay hindi malinaw. Walang gaanong preparasyon.

Inihanda nina: Adoracion N. Basig at Grace P. GiloMaster Teacher – Mariano Marcos High School

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.

68

RUBRIC PARA SA PAGGAWA NG PANAYAM

Pamantayan 1 2 3 4

Kaanyuan(Appearance)

20%

Ang kabuuang kaanyuan ay hindi kaaya-aya.

Ang kabuuang kaanyuan ay hindi gaanong

kaaya-aya.

Ang kabuuang kaanyuan ay malinis at kaaya-aya.

Ang kabuuang kaanyuan ay lubhang malinis at

kaaya-aya.

Panimulang pagbati 10%

Ang pambungad na pagbati ay walang kinalaman sa paksa at gawi ng gagawing panayam.

Ang pambungad na pagbati ay ginamitan ng gawing

hindi kaaya-aya at taliwas sa paksa ng panayam.

Ang pambungad na pagbati ay katanggap-tanggap, maayos, at naaayon sa paksa ng talakayan na gagamitin sa panayam.

Ang pambungad na pagbati ay lubhang katanggap-

tanggap, maayos, at naaayon sa paksa.

Paraan ng pakikipanayam 20%

Ang paraan ng pakikipanayam ay walang

kaugnayan sa paksang tinatalakay.

Ang paraan ng pakikipanayam ay hindi sapat na tumutugon sa paksang pinag-uusapan.

Ang paraan ng pakikipanayam ay maayos,

sapat, at tumutugon sa paksang pinag-uusapan.

Ang paraan ng pakikipanayam ay

lubhang maayos, sapat, at tumutugon sa paksang

pinag-uusapan.

Kilos at galaw ng katawan

5%

Kakikitaan ng manerismo (magalaw) ang

pangangatawan.

Magalaw ang pangangatawan.

Kakikitaan paminsan-minsan ng manerismo.

Kakikitaan ng maayos at kampanteng galaw.

Paraan ng pagsagot sa tanong

20%

Walang kaayusan ang naging kasagutan sa mga

inilahad na tanong.

Di gaanong malinaw ang naging kasagutan sa mga

inilahad na tanong.

Malinaw ang naging kasagutan sa mga

nailahad na tanong.

Lubhang malinaw, maayos, at kumpleto ang

kasagutan.

Paraan ng pagtatanong 20%

Walang katanungang nailahad.

Ang mga tanong ay hindi naaayon sa paksa.

Nakapagtatanong ng naaangkop sa paksa.

Higit na nakapagta tanong ng mahaha lagang tanong

sa paksa.

Inihanda ni: Betty L. AndradaMaster Teacher – Quirino High School

Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.