bustos kkk

83
Bustos Kasaysayan, Kultura at Kalinangan University of the Philippines Manila Area Studies Program Class of 2013 Practicumers 2012 Bustos Book FINAL.indd 1 6/8/2012 2:28:25 PM

Upload: pamahalaang-bayan-bustos-bulacan

Post on 27-Oct-2014

594 views

Category:

Documents


21 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bustos KKK

BustosKasaysayan, Kultura at Kalinangan

University of the Philippines ManilaArea Studies Program Class of 2013

Practicumers2012

Bustos Book FINAL.indd 1 6/8/2012 2:28:25 PM

Page 2: Bustos KKK

BUSTOSKasaysayan, Kultura at Kalinangan

Inilathala ng University of the Philippines Manila Area Studies Program Class of 2013 - Practicumers 2012

Karapatang-ari © 2012 ng University of the Philippines Manila Area Studies Program Class of 2013 - Practicumers 2012

Reserbado ang lahat ng karapatan. Alinmang bahagi ng aklat na iro ay hindi maaaring kopyahin o isulat sa anumang anyo maging ito ay palimbag, mimyograp o makinilyado nang walang pahintulot ng tagapaglathala o ng mga may-akda.

Latag at Disenyo: Ace Vincent Ponseca Molo

2 3

Bustos Book FINAL.indd 2 6/8/2012 2:28:26 PM

Page 3: Bustos KKK

Paunang SalitaProf. Benjamin R. Mangubat

1 Ang Bayan ng Bustos Jessamarie D. Antiporda at Deonah Abigail L. Miole

2 Bustos, Ang Simula Ana Casilda A. Apacible at Elbert P. Pardiñas

3 Kasaysayan ng Simbahan Kathleen Rose P. Cruz at Anabelle D. Mariano

4 “It can be done – All the time!”: Ang Bustos at ang Bulacan Military Area Paul Nikko C. Degollado at Roxy M. Michaca

5 Mula Tubuhan Patungong Palayan: Kasaysayan ng Kabuhayan ng Bustos Maureen Denice B. Alfonso at Monica A. Ponce

6 Buhay Bustosenyo: Kasaysayang Panlipunan ng Bustos John Albert T. Maguad, Patricia Angeli H. Marcaida, Ace Vincent P. Molo at Cyrus C. Policarpio

7 Ang Kababaihan sa Kasaysayan ng Bustos Yzabella Alyssa Patrice C. Acuña at Stephanie M. So

8 Mga Pananda at Mga Monumento sa Bustos Abuharb Afghani P. Alonto at Sharmaine Z. Lizada

Mga SanggunianInihanda nina Jessamarie D. Antiporda, Michiko G. Manalang,Deonah Abigail L. Miole at Paulo Benedicto C. Villar

Pasasalamat

Nilalaman

2 3

Bustos Book FINAL.indd 3 6/8/2012 2:28:27 PM

Page 4: Bustos KKK

5

Bustos Book FINAL.indd 4 6/8/2012 2:28:28 PM

Page 5: Bustos KKK

“Hindi mahalaga sa isang pamayanan ang nakalipas, ang mahalaga ay kung ito ba ay naaalala ng mga tao at kung paano sinasariwa ang kanilang mga alaala.”

– Gabriel García Márquez

Ang ginagawa ng karamihan ay gumagawa ng mga pananda (markers) o monumento upang ito ay magsilbing alaala. Sa kasamaang palad, may mga pananda sa bayan ng Bustos na nasira na, o ‘di kaya’y nabura na, o kung minsa’y sinadyang winasak ng mga bandal o mga taong walang magawa.

Ang mga pananda sa Bustos ay kailangang ayusin; ang mga monumento ay dapat kumpunihin, dahil ito ang magpapasariwa sa nakalipas.

Ang mga iba ay nananaliksik, tinitipon ang mga kuwento, isinusulat at inililimbag bilang isang aklat. Ito ay hindi pangkaraniwan sa mga taong hindi pangkaraniwan.

Ang aklat na ito ay isang paglilimbag ng mga alaala. Ito ay ginawa ng 22 estudyante ng University of the Philippines Manila sa loob ng 100 oras ng pananaliksik at pakikipagpanayam.

Maraming salamat sa mga tumulong sa amin tulad nina Fernan Tadeo, Dennis Galvez, Nery Dardeleon, at Dr. Jaime Veneracion. Maraming salamat din kay Mayor Arnel Mendoza at sa mamamayan ng Bustos – kahit papaano’y naging bahagi kami sa kasaysayan ng inyong bayan.

Totus Bustos!

Prop. Benjamin R. MangubatGurong Tagapamahala31 Mayo 2012

Paunang Salita

5

Bustos Book FINAL.indd 5 6/8/2012 2:28:29 PM

Page 6: Bustos KKK

Heograpiya

Ang bayan ng Bustos ay matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ito ay kabilang sa dalawampu’t apat na munisipalidad ng Bulacan. Ang Bustos ay pinalilibutan ng mga bayan ng San Rafael sa hilaga, bayan ng Angat sa silangan, bayan ng Baliuag sa kanluran at bayan ng Pandi at ng Plaridel sa timog. Tinatayang nasa 19 kilometro ang layo ng bayan ng Bustos sa munisipalidad ng Malolos, ang kabisera ng kabuuang probinsya ng Bulacan, Samantala, tinatayang nasa bandang 50 kilometro mula sa timog silangan ng kalakhang Maynila matatagpuan ang Bustos. Patag ang lupain sa munisipalidad ng Bustos at ang kabuuang sukat ng bayang ito ay tinatayang nasa 672.03 kilometro kwadrado. Kung ikukumpara sa ibang munisipalidad ng Bulacan, ang munisipalidad ng Bustos ang pinakamaliit sa lahat ng munisipalidad ng Bulacan, kung ibabase sa lawak ng lupaing sakop nito. Ang ilog na Angat na dumadaloy sa timog at sa kanlurang bahagi ng munisipalidad ang siya ring natural na hangganan ng munisipalidad. Samantala, ang klima sa Bustos ay hindi naiiba sa klima ng ibang munisipalidad ng Bulacan. Tulad ng ibang bayan sa Bulacan, prominente sa bayang ito ang pagkakaroon lamang ng dalawang uri ng panahon: ang panahon ng tag-tuyo at tag-ulan. Inaasahang nagsisimula ang panahon ng tag-ulan sa buwan ng Abril at inaasahang natatapos

Ang Bayan ng Bustos Jessamarie D. Antiporda at Deonah Abigail Miole

1

KABANAT

A

6 7

ANG LARAWANIsang tagpo sa Barangay Catacte. Larawan mula sa opisyal na Facebook page ng Pamahalaang Bayan ng Bustos.

Bustos Book FINAL.indd 6 6/8/2012 2:28:30 PM

Page 7: Bustos KKK

Ang BAyAn ng Bustos | AntipordA At Miole

ang panahong ito pagdating ng Nobyembre. Sinasabing ang buwan ng Agosto ang buwan kung saan may pinakamaraming pag-ulan ang naitala. Mula Disyembre hanggang Marso naman ang panahon ng tag-tuyo. Tag-tuyo man ang pantukoy sa panahong ito, ay mayroon pa rin namang panaka-nakang ulan na nararanasan ang bayan ng Bustos sa mga buwang ito, ngunit hindi ito kasing dami o kasing lakas ng mga ulan sa mga buwan mula Abril hanggang Nobyembre. Sinasabi rin na ang buwan ng Disyembre hanggang Enero ang mga pinakamalamig na buwan, kung saan bumababa ang temperatura, mula sa karaniwang 28 degree centigrade pababa sa 26 degree centigrade. Ang Bustos ay nakakaiwas mula sa mga bagyong dala ng hanging amihan sapagkat nahaharangan ito ng mga kabundukan sa hilagang-silangang bahagi nito. Sa kabilang banda, ang Bustos naman ay hindi ligtas mula sa mga pag-ulan at mga bagyong dala ng hanging habagat mula sa timog-kanluran. Sa usaping likas na yaman, ang bayan ng Bustos ay maituturing agrikultural na pamayanan. Nasa mahigit-kumulang na 3,5551.00 hektares ang sukat ng lupain sa Bustos at ang kabuuang laki ng lupaing nakakaranas ng irigasyon ay nasa 2,360 hektares. Ang pangunahing produkto na inaani ng mga magsasaka sa Bustos ay palay. Ang karaniwang naa-ani sa panahon ng tag-tuyo sa isang taon ay nasa bilang na 120 kaban ng palay sa bawat hektare ng lupain, at 80 kaban naman sa panahon ng tag-ulan. Sinasabing ang mga magsasaka ng Bustos ay gumagamit ng parehong tradisyunal at makabagong pamamaraan ng pagsasaka. Ang mga mamamayan ng Bustos ay nag-aalaga din ng mga kahayupan o livestock, tulad ng mga baboy, kalabaw, tupa, kabayo, kambing, aso. Nag-aalaga din sila ng iba’t ibang klase ng mga ibon o poultry, kabilang na rito ang manok, pato, kalapati, turkey, at iba pa.

Mga Personalidad na Nag-iwan ng Bakas sa Bustos

Anacleto Enriquez Ipinanganak noon ika-24 ng Setyembre, 1876, at ikaanim sa labing-isang anak nina Vicente de Jesus Enriquez at Petrona Gatmaitan Sepulvida-Fernando, si Anacleto Enriquez, o mas kilala sa tawag na Etoy ay isa sa mga batang bayani na nagpamalas ng kakayahan sa labanan ng San Rafael noong Nobyembre 30, 1896 upang maipagtanggol ang kanyang bayan. Masasabing ang pag-aaral niya sa Ateneo Municipal de Manila ay nagbigay-daan para mamulat ang kanyang kaisipan sa usapang pampulitika. Sa pakikinig niya sa mga talakayan nagpapahayag tungkol sa kalagayan ng bansa nagsimula ang pag-nanais niya matulungan lumaya ang Pilipinas. Naging impluwensiya rin niya rito si Gregorio del Pilar, na siyang kababata at ka-eskwela rin niya. Isang lihim na mensahero noon si Gregorio para sa kilusang propaganda at nagging matunog rin

6 7

Bustos Book FINAL.indd 7 6/8/2012 2:28:30 PM

Page 8: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

ang pangalan ni Jose Rizal sa eskwelehan dahil sa pagsusulat niya laban sa mga Kastila. Ninais ni Anacleto na makilala si Rizal at naisakatuparan ito nang sila ay magkita sa Hotel del Oriente sa Maynila. Nagbigay pa ng payo si Rizal ukol sa kung ano pa ang magagawa niya at ito ay kanyang naging inspirasyon. Naging kasapi si Anacleto at kanyang kapatid na si Vicente ng Katipunan nong 1895. Nang mahiwa na niya ang kaliwang braso at gamitin ang dugo niya para isulat ang nom de guerre na Matang Lawin, inatasan sila ni Andres Bonifacio na magtatag ng pangkat ng Katipunan sa Bulacan. Naitatag nila noon ang Balangay Uliran, kung saan ay tinulungan rin sila ni Doroteo Karagdag. Naging Pangulo si Karagdag at Pangalawang-pangulo naman si Anacleto. Palihim ang mga naging pagpupulong at panunumpa ng mga bagong kasapi at di ito nahadlangan ng mahigpit na pagbabantay ng mga Kastila. Naganap noon ang mga pagpupulong sa bahay ng mga Enriquez na nasa kabayanan noon ng Bulacan. Nang makatunog ang mga Kastila ay ipinagutos ni Gobernador Heneral Ortega na bantayan ang bahay ng mga Enriquez kaya naman inilipat nila ang himpila sa Tibig, isang liblib na pook sa Bulacan. Bago pa man lumagablab ang himagsikan noong 1896, nagsanib ang Balangay Apuy at Balangay Uliran at tinawag silang Sangguniang Apuy. Agosto ng taon ring yun ay nakatanggap sila ng mensahe na kailangan nilang sabayan ang pagaalsa na gagawin ng Maynila. Naghanda ang isangdaang kasapi ng Balangay na mayroon lamang na maliliit na calibre ng baril. Namuno si Anacleto sa paglusob sa Cuartel del Guardia Civil. Ang himagsikan ang naging dahilan kung bakit di natapos ni Anacleto at ng kanyang kapatid ang kursong Bachillerato.

Maestrong Sebio Ipinanganak noong ika-14 ng Agosto, 1865 sa isang maliit na nayon sa Bocaue si Eusebio Roque o mas naging kilala sa katawagang Maestrong Sebio. Nag-iisang anak lamang siya nina Pascual at Elena Roque na pawing may maralitang pamumuhay. Naging gurong manghihimagsik si Maestrong Sebio at naging isa sa mga bayani ng Kakarong. Ang pangnanais ni Maestrong Sebio na makasapi ng Katipunan ay nagmula noong minsa’y nagkatagpo ang landas nila ni Emilio Jacinto. Si Jacinto ang nanghikayat kay maestrong Sebio na pumasok sa Katipunan at ito ay bunsod na rin ng kalupitang naranasan niya sa kamay ng mga Kastila noon. Nang manumpa siya ng katapatan sa harap ni Supremo Andres Bonifacio, agad siyang naatasan na magtatag ng Balangay sa bahaging Timog-Silangan ng Bulacan. Umani ng pagkilala ang balangay na naitatag ni Maestrong Sebio at marami ang sumapi rito. Isa na rito ang kinilalang pitong musketero ng Pitpitan na noon ay pinamunuan ni Gregorio del Pilar. Ika-27 ng Nobyember 1897 nang marating nila Hen. Torres, Hen. Enriquez at Hen. Roque ang kuta ng Kakarong. Binalak nilang lusubin ang Infanteria de Guardias Civiles sa Bustos. Si Maestrong Sebio ang pinuno ng Kuta ng Kakarong at sa labanang yaon sa Bustos ay naipamalas niya ang kanyang kagalingan sa pakikipaglaban habang nakasakay sa kabayo at binabaril ang mga

8 9

Bustos Book FINAL.indd 8 6/8/2012 2:28:31 PM

Page 9: Bustos KKK

Ang BAyAn ng Bustos | AntipordA At Miole

kalaban at nagdarasal ng Santo Rosario ng malakas.

Hermenigildo Prado Ipinanganak noong ika-4 ng Agosto, 1863 sa bayan ng Bustos si Hermenigildo Prado, anak nina Esteban Prado at Basilia Hilario. Hindi nakapagtapos ng abugasya si Prado nang dahil sa pagsisimula ng digmaan. Itinalaga rin siya bilang municipal capitan ng Bustos at nailigtas ang bayan sa pagkakasunog noong ipinagutos sa pamamagitan ng Juez de Cuchillo. Tinipon niya ang kanyang kababayan malapit sa ilog para mawala ang paghihinala sa kanila ng mga Kastila na kinakalaban nila ang pamahalaang Kastila at may insurektos na nagaganap sa kanilang bayan. Nakumbinsi nila ang mga Kastila kaya naman hindi na natuloy ang pagsunog sa bayan.

e f

8 9

Bustos Book FINAL.indd 9 6/8/2012 2:28:31 PM

Page 10: Bustos KKK

Ayon sa kasaysayan, ang bayan ng Bustos ay dating bahagi ng bayan ng Baliuag. Naipapakita sa isang sensus sa bayan ng Baliuag noong 1759 ang dalawang barangay, ang Bonga de Don Lucas de los Santos at ang Talampas de Don Geronimo Caguntas, na maaaring naging bahagi ng kasalukuyang Bustos na mayroon din mga barangay na kapareho ang katawagan (Villacorte, 1985). Noong mga panahong ito hindi pa malinaw ang pangangailangan magsarili ng ilang barangay na nasasakupan ng Baliuag. Ngunit noong 1802 (ayon sa iba ay 1806) lumabas na ang pangangailangan magsarili ng ilang barangay ayon sa sinabi sa aklat na isinulat ni Padre Joaquin Martinez de Zuniga na Status of the Philippines in 1800. Sa aklat na ito nabanggit niya na ang mga residente ng Baliuag sa kabilang bahagi ng ilog Angat ay nahihirapang magpunta sa Simbahan upang magsimba lalo na tuwing tag-ulan. Nakita rito ang pangangailangan magtayo ng panibagong pueblo. Ang tunay na dahilan sa pagtatatag ng Bustos ay hindi pa rin malinaw hanggang sa panahon nga pagsusulat nito. Maraming kwento ang maririnig tungkol dito sa bayan ng Bustos, isa na marahil sa pinakamahalaga ay ang kwentong bayan tungkol sa isang pangyayarign nagtulak sa pagsasarili nito. Ayon sa mga kwento, ang bayan ng Bustos ay naitatag dahil sa isang malagim na trahedya na naganap sa ilog ng Angat, ang ilog na naghihiwalay sa bayan ng Baliuag at Bustos. Isang maulan na linggo noon nang mangyari ang sakuna. Ang ilan sa mga mamamayan ng Bustos ay papunta sa simbahan ng Baliuag upang magpabinyag. Bago makarating dito, kailangan nila munang tawarin ang rumaragasang ilog gamit ang mga bankang tinatawag na planseta na hila-hila ng dalawang lalaki mula sa magkabilang panig ng ilog. Sa kasamaang palad, dahil sa sama ng

Bustos, Ang Simula Ana Casilda A. Apacible at Elbert P. Pardiñas

2

KABANAT

A

ANG LARAWANArko ng Bustos na matatagpuan sa complex ng Bahay-Pamahalaang-Bayan. Larawan mula sa http://a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/s720x720/401373_249069405159719_100001699856565_677910_1590259916_n.jpg

10 11

Bustos Book FINAL.indd 10 6/8/2012 2:28:34 PM

Page 11: Bustos KKK

Bustos, Ang siMulA | ApACiBle At pArdiñAs

panahon, lakas ng hangin at agos ng tubig, nawalan ng kontrol sa planseta ang mga kalalakihang ito. Dahil dito, marami ang nalunod: mga sanggol, kanilang mga magulang at mga ninong at ninang. Lahat sila ay patungo sa simbahan para sa binyagan, ang masaya sanang pagdiriwang ay nauwi sa isang masaklap na pangyayari. Ang mga nakaligtas ay tumuloy pa rin sa simbahan at inilahad sa Cura Parroco ang trahedya. Ayon sa isang tala, dahil sa trahedyang ito ay naikuwento ng Padre Cura ang tungkol kay Bustos de Lara, isang maalamat na bayani mula sa isang corrido sa Espanya, na nadaig ang sakit na dinulot ng pagkamatay ng kanyang pitong anak na lalaki. Ayon sa dalawang magkaibang tala, naganap daw ang trahedyang ito noong 1862 (de los Reyes, 1998) o 1866 (Villacorte, 1985). Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin mapatunayan ang pangyayaring ito dahil sa kawalan ng mga dokumento. Gayumpaman, pinaniniwalaan pa rin ang kuwentong bayan na ito lalo na ng mga matatanda. Sa kasalukuyan ay binibigyang pag-aalala sa pamamagitan ng pagdiriwang ng pista ng Sto. Nino sa buwan ng Pebrero sa halip na Enero upang alalahanin ang mga biktimang sanggol na sana ay nabinyagan. Hindi malinaw kung ang kuwentong bayan na ito ay may katotohanan upang suportahan ang pagkakatatag ng Bustos noong 1867. Sa pagpapatuloy ng kwento, nabanggit na nakiusap ang mga tao sa Cura Parroco na magkaroon sila ng sariling simbahan na pinadaan sa opisina ng Gobernadorcillo ng Baliuag. Ang tanging masasabing lehitimong patunay sa pagkakatatag ng simbahan ng Bustos ay ang sulat ni Gobernador Heneral Jose de la Gandara noong Abril 29, 1867 sa Ministro ng Ultramar (opisinang namamahala sa mga kolonya ng Espanya) na nagmumungkahi ng pagkakaroon ng sariling parokya ng Bustos para sa bagong tatag na bayan ng Bustos. Ito naman ay sinang-ayunan ng Konseho para sa Administrasyon ng Pilipinas at ipinadala sa namumuno sa mga Agustino (Gallende, 1987). Naging malaking usaping ang pagtatayo ng bagong parokya para sa mga paring Agustino lalo na at hindi kaagad sumang-ayon ang Cura ng Baliuag noon na si Padre Matias Novoa, ilang sulat ang nasa pangangalaga ng Pambansang Sipian ang magpapatunay dito (Ereccion de Pueblos Bulacan, 1764-1890). Isa sa mga dahilan ng hindi nila pagsang-ayon ay ang mataas na halagang kinakailangan para sa pagtatayo ng bagong parokya. Sa kabilang ng mga ito, naitayo pa rin ang bagong parokya sa bayan ng Bustos. Pinakilala ng mga Agustino si Padre Juan Serrano bilang unang Cura Parroco ng bagong tatag na parokya. Pero bago pa man sumulat si Gandara sa ultramar, mayroong isang naunang sulat na may petsang Pebrero 27, 1867 na nakuha mula sa Pambansang Sipian na pinirmahan ng isang Felipe Govantes. Iminumungkahi sa sulat na ito ang pagpapangalan ng Bustos sa isang bagong tatag na bayan. Ang Bustos ay nakuha mula sa pangalan ng isang Don Pedo Jose de Bustos, isang Asturyanong (mula sa Asturyas, isang rehiyon sa Espanya) minero. Siya ay itinalaga ni Simon de Anda Y Salazar bilang Tenyente Heneral at Gobernador ng Bulacan noong panahon ng digmaan laban sa mga Ingles dito sa Pilipinas. Ayon pa sa mga nakalap na sulat na may lagda ng isang Felipe Zappino noong Pebrero 23, 1867, ang mga baryo ng Bonga Mayor at Bonga Menor, Talampas, Cambag, Tanacuan, Tibagan, Malannacua, Parang at Tulay ay mayroong naibibigay na tributos sa pamahalaan

10 11

Bustos Book FINAL.indd 11 6/8/2012 2:28:34 PM

Page 12: Bustos KKK

12 13

Bustos Book FINAL.indd 12 6/8/2012 2:28:35 PM

Page 13: Bustos KKK

Sulat ni J. de la Gandara noong Abril 29, 1867 (Ereccion de Pueblos Bulacan, 1764-1890);Dokumento mula sa Pambansang Sipian

12 13

Bustos Book FINAL.indd 13 6/8/2012 2:28:35 PM

Page 14: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

noon na nakatala rin sa nasabing dokumento (Ereccion de Pueblos Bulacan, 1764-1890). Itong mga barangay na ito ay kasalukuyan ding bumubuo sa Bustos.

Sa pagdating ng mga bagong mananakop, ang mga Amerikano, nagkaroon ulit ng pagbabago ng mga kaayusang politikal sa buong bansa, kabilang na rin dito ang Bulacan. Kasama sa pagbabagong ito ang pagpapailalim ng ibang mga bayan sa iba pang bayan. Dahil dito muling naging bahagi ng Baliuag ang Bustos na ayon sa isang aklat ay naganap noong 1899. Ngunit ayon sa Census of the Philippine Islands ng United States Bureau of the Census noong 1902 hanggang 1903, nanatiling nakahiwalay sa talaan ang Bustos sa Baliuag. Sa talaang ito, naka-ayos ang mga datos batay sa mga lalawigan at bayan nito. Sinasabi lamang nito na ang pagbabalik ng Bustos sa Baliuag noong 1899 ay wala pang kasiguraduhan. Ngunit ayon sa mga batas na ginawa at naipasa noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ang Bustos ay naibalik sa Baliuag noong Oktubre 8, 1903. Ito ay nasa ilalim ng Act No. 932: An Act Reducing the Twenty-five Municipalities of the Province of Bulacan to Thirteen sa Section 1, Article 5 ng nasabing batas:

5. The Municipality of Baliuag shall consists of its present territory and that of the municipalities of San Rafael and Bustos, with the seat of the municipality government at the present municipality of Baliuag.” – Mula sa Public Laws Annotated (Guevara, 1965)

Malinaw na naipatupad na ang batas na ito sapagkat nagkaroon noon ng panukala na hatiin sa iba’t-ibang distrito ang Baliuag upang madali itong mapamahalaanan. Ito ay naipatupad noong Enero 20, 1908 at ang Bustos ay nahati sa ika-11 hanggang sa ika-15 distrito nito (Villacorte, 1985).

Ika-11 Distrito (Bustos Poblacion at Tanauan) – Konsehal Hermenegildo H. PradoIka-12 Distrito (Bonga Menor at Malamig) – Konsehal Exequiel de la CruzIka-13 Distrito (Bonga Mayor,Tibagan at Catacti) – Konsehal Andres de LeonIka-14 Distrito (Malawac, Liciada at Camachilihan) – Konsehal Paulino EstrellaIka-15 Distrito (Cambaog, Tulay and San Pedro) – Konsehal Jose del Rosario

Ngunit nagkaroon muli ng pagpipitisyon mula sa mga tao sa pangunguna ni Herminigildo Prado, na mas kilala bilang Kapitan Bindoy Hilario, na muling maihiwalay ang Bustos sa Baliuag upang makapagsarili. Si Kapitan Bindoy ang unang hepe ng mga kapulisan sa Baliuag, siya rin ay nagmula sa Bustos. Isang panukalang batas ang ginawa ng noo’y Assemblyman Ricardo Lloret Gonzalez ng Philippine Assembly upang maihiwalay ang Bustos sa Baliuag. Hindi malinaw kung

14 15

Bustos Book FINAL.indd 14 6/8/2012 2:28:36 PM

Page 15: Bustos KKK

Bustos, Ang siMulA | ApACiBle At pArdiñAs

naipasa ang batas na ito ngunit naihiwalay pa rin ang Bustos sa pamamagitan ng Executive Order No. 90 ng noo’y Gobernador-Heneral Francis Burton Harrison.

THE GOVERNMENT OF THE PHILIPPINE ISLANDS, EXECUTIVE BUREAU

Manila, December 8, 1916

Executive Order

No. 90

Whereas many of the inhabitants of the former municipality of Bustos have petitioned that the same be separated from the municipality of Baliuag, Province of Bulacan, and reorganized into an independent municipality;

Now, therefore, pursuant to the provisions of section eighty-two of the Administrative Code, the twenty-on municipalities of the province of Bulacan as established by section forty-three of the Administrative Code, are hereby increased to twenty-two, by separating the former municipality of Bustos from the present municipality of Baliuag and reorganizing the same into an independent municipality under the name Bustos.

The Municipality of Baliuag shall consist of its present territory less the territory comprised in the former municipality of Bustos.

The Municipality of Bustos is hereby reorganized and shall consist of the territory which it comprised prior to its incorporation with the municipality of Baliuag.The separation herein made shall take effect on January first, nineteen hundred seventeen.

FRANCIS BURTON HARRISONGovernor-General

Nalagdaan ang batas na ito noong Disyembre 8, 1916 at naipatupad noong Enero 1, 1917. Naging unang pinuno ng pamahalaang local si Leon Prado na nagsilbi mula 1917-1919. Mula noon ay nakapagsarili na ang Bustos at hindi na muli pang naibalik sa Baliuag hanggang sa kasalukuyan.

14 15

Bustos Book FINAL.indd 15 6/8/2012 2:28:36 PM

Page 16: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Ang Mga Barangay sa Bustos

Sa kasalukuyan, binubuo ang Bustos ng labing-apat na barangay ang mga ito ay: 1. Bonga Mayor 8. Maamig 2. Bonga Menor 9. Malawak 3. Buisan 10. Poblacion 4. Camachilihan 11. San Pedro 5. Cambaog 12. Talampas 6. Catacte 13. Tanawan 7. Liciada 14. Tibagan

Hindi malinaw kung ang ilan sa mga barangay na ito ay ang tiyak na mga barangay na nabanggit noong 1759 Census sa Baliuag o sa sulat na naitala noong Pebrero 23, 1867. Gayunpaman, ang mga katawagan sa mga kasalukuyang barangay ay masasabing nagagamit na noong mga panahong iyon. Maaring sabihin na nagkaroon marahil ng pagbabago sa nasasakop na territoryo ng mga ito sa paglipas ng panahon gaya na lamang ng pagbubuo ng mga bagong barangay. Isa rin sa mga kapuna-puna sa mga katawagan o pangalan ng mga barangay ng Bustos ay ang paghango ng mga ito sa mga salitang Pilipino liban na lamang sa barangay San Pedro na naipangalan mula sa isang santo. Ayon kay Dr. Arvin Eballo, isang propesor na Unibersidad ng Sto. Tomas at isang taga-Bustos, ito ang patunay na mayroon katandaan ang lugar na tinutukoy. Ang bawat barangay ay mayroon sari-sariling kwento ukol sa pinagmulan ng katawagan o pangalan ng kanilang lugar. Ang Poblacion, gaya ng nakagawian sa Lipunan ng Pilipinas, ay ang katawagan sa sentro ng bayang kung saan matatagpuan madalas ang simbahan at munisipyo. Ang Bonga Mayor, Bonga Menor at Tibagan ay dating iisang baryo lamang na tinatawag na Bunga. Ang katawagang ito, ayon sa mga kwento, ay dahil sa mga puno ng Bunga na matatagpuan sa lugar na ito. Marahil mas makikilala punong ito sa bunga nitong kung tawagin ngayon ay nganga. Ang Tibagan naman ay isang lugar noon na kilala dahil dinarayo daw ito ng mga Chino upang doon magtibag ng batong adobe. Kinalaunan ay tinawag ito “pinagtitibagan” na siya namang naging Tibagan. Nakuha naman ng Cambaog ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang salitang “Kambal” at “Baog”. Ito ay hinago sa kwento ng isang baog na nagkaroon ng kambal na anak. Nasabing ang Talampas at San Pedro ay dating bahagi ng Cambaog. Hindi masyadong naipaliwanag ang pinagmulan ng katawagang Talampas, ayon lamang sa mga tala ay ito ay hinango sa salitang “Lampas”. Ang San Pedro naman, gaya ng nabanggit ay ipinangalan sa patron nitong si San Pedro. Nasabing malaki ang naging bahagi ni Kapitan Bindoy sa paghihiwalay ng barangay na ito sa Cambaog. Nasabi rin na kaya si San Pedro ang naging patron nito ay dahil sa kuwento ni Juan Esteban, isang kilalang manggagamot sa lugar na ito na malapit rin sa mga manok

16 17

Bustos Book FINAL.indd 16 6/8/2012 2:28:36 PM

Page 17: Bustos KKK

Bustos, Ang siMulA | ApACiBle At pArdiñAs

gaya ni San Pedro. Tinawag namang Tanawan ang barangay Tanawan dahil ayon sa kuwento ay tuwing umuulan ng malakas ay mayroon bahaging babahain dito, tinatanaw ng mga nasa matataas na lugar ang agos ng tubig na mayroong tinatangay na mga troso atbp. Ang barangay Malawak naman ay tinawag na ganito sapagkat nasabing isang “malawak na palayan” ang sinasakop nito. Nasabing may mga bahagi ang mga Barangay Malamig at Liciada na dating kinasakupan nito. Ang Barangay Catacte rin ay dating bahagi ng barangay na ito. Sa kasamaang palad, walang nabanggit tungkol sa pinagmulan ng salitang Catacte. Ang Barangay Malamig naman, ayon sa kwento, ay ang lugar kung saan sumisilong ang mga magsasaka tuwing mainit. Ito na marahil ang kadahilanan ng katawagang “Malamig”. Ito ay makikita sa gitna ng Bustos. Ito rin dati ay bahagi lamang ng Barangay Malawak, Bonga Menor, Poblacion at Liciada. Ang Liciada naman ayon sa nabanggit ay isang magubat na lugar noon kung saan marami ang nangangaso. Ang mga nasabing mangangaso daw ay nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno na kung tawagin ay Liciada. Kagaya ng karamihan ng mga barangay ng Bustos ang Camachilihan ay hinango din sa katawagan sa isang puno, ang Camachile na mayabong sa lugar na ito noon. Ang pinakabatang barangay, ang barangay Buisan ay kinuha naman ang kanyang katawagan sa hanapbuhay ng mga taong magsasaka na nagbubuwisan sa mga lupang kanilang sinasaka.

e f

16 17

Bustos Book FINAL.indd 17 6/8/2012 2:28:37 PM

Page 18: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Mapa ng bayan ng Bustos.

18 19

Bustos Book FINAL.indd 18 6/8/2012 2:28:42 PM

Page 19: Bustos KKK

Bustos, Ang siMulA | ApACiBle At pArdiñAs

18 19

Bustos Book FINAL.indd 19 6/8/2012 2:28:42 PM

Page 20: Bustos KKK

Panimula at Kaunting Pansin

Ang Bayan ng Bustos sa kasalukuyan ay mayroong dalawang parokya: ang Sto. Niño de Bustos at San Isidro Labrador. Sa Brgy. Poblacion matatagpuan ang pinakamalaki at pinakamatandang simbahan sa buong bayan – ang Sto. Niño de Bustos. Ang parokya ng San Isidro Labrador ay makikita sa Brgy. Liciada. Saklaw ng mga parokyang ito ang iba’t-ibang bisita ng bawat barangay sa Bustos. Ngunit gaano man karami ang bilang ng mga Katoliko ay dumarami na rin ang bilang ng mga ibang relihiyon sa lugar na ito, na dahil sa limitasyon sa oras ay hindi na nagawang maisama sa pag-aaral na ito. Sa pagkalap ng mga datos ay mababatid nating mayroong mga hindi pagkakatugma sa pagtatala ng taon. Mula pa sa taon kung kailan nangyari ang trahedya ay mayroon nang hindi pagtutugma sa mga tala ng manunulat at historiador. Ang palatakdaan ng taon na inilagay sa papel na ito ay hindi tiyak na mga wasto ngunit ito’y ibinatay sa mga nakalap na datos na pinakamadalas na sinasaad ng mga manunulat. Bukod pa sa mga ito, isa sa naging limitasyon ng pag-aaral na ito ay ang ilang dokumentong kinakailangan sa pagsasaliksik nito ay dapat na magmumula pa sa orihinal na panulat ng mga gobernadorcillo at Arzobispo sa dokumentong Ereccion de Pueblos de Bulacan na nasa wikang Espanyol at hindi pa naisasalin nang lubusan.

Kasaysayan ng Simbahan Kathleen Rose P. Cruz at Anabelle D. Mariano

3

KABANAT

A

ANG LARAWANAng Simbahan ng Sto. Niño de Bustos sa Poblacion. Larawang kuha ni Raisa Paz Ramos.

20 21

Bustos Book FINAL.indd 20 6/8/2012 2:28:45 PM

Page 21: Bustos KKK

KAsAysAyAn ng siMBAhAn | Cruz At MAriAno

Palatakdaan ng Taon

1806 – inirekomenda ni Padre Joaquin Martinez de Zuñiga ang pagsasarili ng Bustos mula sa administrasyon ng Baliuag 1862 – naganap ang trahedyang pagkalunod sa Ilog Angat ng mga magpapabinyag sa simbahan ng Baliwag 1867 – nakamit ng Barrio Bustos ang kasarinlan mula sa pamamahala ng Baliuag; itinatag ang Sto. Niño de Bustos 1877 – nagsimulang maglingkod sa simbahan ang unang itinalagang Kura Paroko ng Sto. Niño de Bustos na si Padre Gabriel Alvarez 1897 – nagtipun-tipon ang mga Bustosenyo1 sa tribunal sa bakuran ng simbahan bilang pagtutol sa bantang Juez de Cuchillo, sa pamumuno nina Kapitan Bindoy, Kapitan Andres, at Kabesang Tura 1983 – nagtapos ang paglilingkod ni Padre Alejandro Alto na tumagal ng labingwalong taon – siya ang pinakamatagal na Kura Paroko ng Sto. Niño de Bustos

Ang Sto. Niño de Bustos

Ang Tahanang Bunga ng Trahedya Mula sa panulat ng mga historiador, dating bahagi ng Baliuag ang “Barrio Bustos.” Ayon sa kuwentong bayan, nangyari lamang ang paghihiwalay ng Bustos – sa aspetong pamamahala at pangrelihiyon - mula sa Baliuag dahil sa isang malagim na aksidente. Ang Ilog Angat, na siyang naghihiwalay ng Bustos sa Baliwag, ay siya ring nagdudugtong dito. Wala pang sariling bahay-simbahan ang mga taga-Bustos. Dahil ang parokya noon ng Baliwag lamang ang pinakamalapit na puntahan ng mga taga-Bustos ay kinakailangan pa nilang sumakay ng “planseta”, o bangka, upang makapagsamba, bukod sa iba pa nilang pangangailangang panrelihiyon tulad ng pagpapabinyag o pagpapakasal. Wala pang tulay noon na maaaring magdugtong sa dalawang lugar. Noong taong 1862, (ngunit ayon kay Villacorte2 ay 1866) sa buwan ng Pebrero raw ay may itinakdang pabinyag ang kura paroko ng Baliuag para sa mga sanggol ng Bustos. Marahil ay kung naging maaliwalas ang panahon noon ay hindi natin maririnig mula sa matatanda kung paano inanod ng mga alon ang Bangka at kung paano nalunod ang mga sakay ng plansetang ito – ang mga magulang na buhat-buhat ang kanilang mga sanggol at kasama na rin ang mga ninong at ninang - sa pagtawid sa Ilog Angat. Ang tanging mabuting pangyayari dito, kung matatawag man itong mabuti, ay ang

1 Bago pa lamang ang terminong ‘Bustosenyo’ bilang katawagan sa mga mamamayan ng Bustos, ngunit sa papel na ito’y gagamitin ito bilang tukuyin hindi lamang ang mga kasalukuyang mamamayan, kundi na rin ang mga sinaunang, mamamayan ng Bustos2 R.Villacorte,Baliwag:ThenandNow,p.71

20 21

Bustos Book FINAL.indd 21 6/8/2012 2:28:46 PM

Page 22: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

pagkakasagip ng ilang tao mula sa pagkakalunod, maliban pa sa ibang marunong sa paglangoy. Higit sa sapat na ang pangyayaring ito upang hilingin ng mga mamamayan ng Bustos na sila’y magkaroon ng sarili nilang simbahan, parokya o kahit na isang munting kapilya man lang. Sa pamamagitan ng gobernadorcillo (na kung ihahanay natin sa taong 1862 ay si Pedro Roverol Enrique) ay inihain nila ang hiling na ito sa Kura Paroko noon ng simbahan ng Baliuag (si Padre Fausto Lopez). Nang ipagkaloob na ng Kura ang hangad na pagsasarili ng mga taga-Bustos ng parokya ay nagsumikap ang mga Bustosenyo na ipatayo ang kanilang parokya. Noong ika-29 ng Abril 1867, matapos na itayo ang simbahan ay pinasinayaan ito ng kura paroko ng Baliuag (maaaring ito’y si Padre Matias Novoa na). Itinayo ito sa tabing-ilog na noon ay dating bahagi ng Tanawan. Ayon naman kay Gallende, sa araw ding iyon nagpadala ng sulat si Gobernador-Heneral Jose de la Gandara ng sulat sa Ministro ng Ultramar na nagnanais na ipanukala ang pagsasarili ng bagong-silang na bayan ng Bustos bilang nagsasariling parokya mula sa Baliuag. Ang imahe ng Sto. Niño, na hanggang ngayon ay siya pa ring nakalagak sa may altar ng parokya, ay ibinigay ng kura paroko sa mga Bustosenyo at napagpasiyahang gawing Patron ng

Larawan 1. Si Padre Alejandro Alto kasama ang ilang tauhan, 1966. Mapapansin din ang lumang altar. (Larawan mula sa Museo Bustosenyo)

22 23

Bustos Book FINAL.indd 22 6/8/2012 2:28:47 PM

Page 23: Bustos KKK

KAsAysAyAn ng siMBAhAn | Cruz At MAriAno

3 A.delosReyes,Bustos,1867-1917-1998,p.16

Bayan ng Bustos bilang paggunita sa mga musmos na sanggol na naibuwis ang mga buhay. Hindi man natin maipagpapasalamat ang trahedyang ito, nagsilbi itong catalyst sa pagtatatag ng Bustos, na ang dating tawag ay Bunga (Eballo, n.d.), bilang isang nagsasariling bayan.

Patungo sa Kasalukuyan Mahigit 140 na taon na ngayon ang parokya at sa paglipas ng panahon ay hindi lang kakaunti ang mga pagbabagong pinagdaanan nito. Ang harapan at kabuuang hitsura nito sa kasalukuyan ay tila malayo na sa orihinal. Ayon sa mga mamamayan ng Brgy. Poblacion, ang kampana na nakalagak sa labas ng simbahan bilang isang historical marker, at ang makapal na pader ng simbahan na gawa pa sa adobe ay ang mga natatanging orihinal na bahagi ng simbahan na nananatili doon. Mahirap nang hakain ang pagsasalarawan ni Reyes3 na gawa sa kawayan at pawid ang simbahang ito. Maraming naiambag ang mga naging kura paroko ng Sto. Niño de Bustos sa pagsasaayos, kung di lang pagpapaganda, ng simbahan. Batay sa mga litratong nakalap, maaaring si Padre Alejandro

Larawan 2. Ang Sto. Niño de Bustos sa kasalukuyan.

22 23

Bustos Book FINAL.indd 23 6/8/2012 2:28:48 PM

Page 24: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Alto ang nagpaayos ng semento ng sahig ng simbahan. Itinayo ang parish rectory sa termino ni Padre Avelino Santos, kasama na rito ang pagpapagawa ng veranda. Nariyan na ang adoration at reconciliation chapels, at ang multipurpose hall na ipinagawa sa pamamatnubay ni Padre Angelito Santiago (naglingkod mula 1991 hanggang 1996). Sa ngayon ay mayroon nang 24 na naging kura paroko ang Sto. Niño de Bustos, ngunit hindi kasama dito si Padre Juan Serrano, na ayon kay Gallende ay itinalagang kura paroko noong 1867. Sa pagtatakda ng simbahan ay si Padre Gabriel Alvarez ang unang kura paroko ng Sto. Niño de Bustos. Kung susuriin pa ang gawa ni Gallende ay pansamantala lamang ang simbahan at kumbento ng Bustos hanggang 1872, na taon daw ng pagkakatalaga kay Alvarez bilang bagong pari. Si Alvarez din daw ang nagpatayo ng simbahan na gawa sa bato. Dito ay makikita nating hindi nagtutugma ang pagtatakda ng taon nina Gallende at Dinio. Ayon sa artikulo ni Dinio tungkol sa kasaysayan ng simbahan, nagsimulang maglingkod si Alvarez noong 1877. Samantala, ang pinakamaaga nilang tala ng pagkakaroon ng Pistang Bayan ay noong 1946 (Dinio, n.d.). Ginaganap ito sa buong buwan ng Pebrero - ang buwan kung kailan naganap ang trahedya sa ilog. Nasasakupan ng Sto. Niño de Bustos ang mga visita ng walong barangay: Bisita ng Sta. Monica sa Brgy. Bonga Mayor, Bisita ng San Pedro sa Brgy. San Pedro, Bisita ng Immaculada Concepcion sa Brgy. Malamig, Bisita ng Sta. Cruz at Birhen Dela Rosa sa Brgy. Tanawan, Bisita ng Sta. Cruz sa Brgy. Talampas, Bisita ng Pitong Galang at Lico sa Brgy. Poblacion, Kapilya ng Sto. Rosario sa Brgy. Bonga Menor, at Bisita ng San Jose sa Brgy. Cambaog.

Ang San Isidro Labrador

Kasaysayan Ang bayan ng Bustos ay mayroong dalawang parokyang simbahan. Bukod sa Sto Niño de Bustos, ang parokya ng San Isidro Labrador ay matatagpuan sa Barangay Liciada. Taong 1980, isa sa mga unang nagplano ng pagpapatayo ng parokyang simbahan sa Liciada si Padre Loriantino Garcia, isang misyonerong Espanyol na mula sa San Juan, Manila at ang una ring naging kura paroko ng San Isidro Labrador. Ang Liciada ang tumatayong sentro sa limang barangay ng Bustos: ang Malawak, Catacte, Camachilihan, Buisan at Liciada. Dahil dito, nakita ng mga tao na may pangangailangang magtayo ng bukod na parokya sa Liciada. Maraming tumulong sa pagpapagawa ng simbahan at isa na rito si Padre Macario Manahan na naglakad ng mga dokumento para maaprubahan ang pagpapatayo ng simbahan sa ilalim ng administrasyon ni Alkalde Thelma Santos. Naipatayo ang simbahan ng Isidro Labrador sa pamamagitan ng bayanihan. Tulong tulong ang mga mamamayan sa pagbibigay ng tulong pinansyal upang matapos ang pagpapagawa ng simbahan. Si Minister Hipolito ang sumalo ng gastusin sa pagpapagawa ng bubong ng simbahan bilang tulong sa mga mamamayan ng Bustos. Bago pa man magpatayo ng simbahan noong 1980 ay mayroon ng maliit na bisita na nakatayo

24 25

Bustos Book FINAL.indd 24 6/8/2012 2:28:49 PM

Page 25: Bustos KKK

KAsAysAyAn ng siMBAhAn | Cruz At MAriAno

Larawan 3. Ang San Isidro Labrador sa kasalukuyan.

sa kinatatayuan ng simbahan ngayon. Ang lugar ng Bustos ay tahanan ng maraming magsasaka. Noon pa man ay si San Isidro Labrador na ang patron ng simbahan dahil siya ang patron ng mga magsasaka. Sa pamumuno ng mga pari, kasamang nagtatag at tumulong sumakatuparang mapatayo ang simbahan sina G. at Gng. Tomas delos Santos, G. at Gng. Gavino Ortega, G. at Gng. Valentin Martin at G. at Gng. Dionisnio Yalong. Isa rin sa nagtatag si Bonifacio G. Capiral na hanggang sa kasalukuyan ay aktibo sa mga gawaing simbahan. Ang mga naging kura paroko ng simbahan matapos si Padre Loriantino Garcia ay sina Padre Capiral na nagtagal sa parokya ng Liciada ng anim na taon at anim na buwan, Padre Balino na nagtagal ng isang taon at anim na buwan, Padre Bert Lunod na namalagi lang ng anim na buwan, Padre Froylan Austria na nagtagal ng anim na taon at pitong buwan, Padre Jaime Garcia, Padre Ricky Ramos at si Padre Jhun Espiritu na kasalukuyang kura paroko. Sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang walong nagiging kura paroko ang Parokya ng San Isidro Labrador.

Kasalukuyan Tuwing ika-14 at 15 ng Mayo ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Isidro Labrador. Siyam na araw bago dumating ang pista ay mayroong prusisyon tuwing alas-singko y media ng umaga, at

24 25

Bustos Book FINAL.indd 25 6/8/2012 2:28:55 PM

Page 26: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

alay at nobenaryo naman sa gabi. Ngayong taong 2012 ay nakaplanong papalakihan ang simbahan dahil sa dami ng mga taong nagsisimba rito linggo-linggo. Hinihintay na lamang ang pagsang-ayon ng Obispo at sisimulan na ang pagpapagawa ng simbahan at habang ginagawa ang simbahan na pipiliting matapos sa loob ng dalawang taon ay pansamantalang ang eskuwelahan sa likod ng simbahan ang gagawing alternatibong pagdadausan ng misa. Ang pista ngayong taong 2012 ay iniwasan din ng simbahan na gumastos dahil sa planong pagpapagawa ng simbahan. Gayun pa man ay naghanda pa rin ang mga tao sa kani-kanilang bahay upang ipagdiwang ang pista ni San Isidro Labrador. Buwan-buwan ay kumukuha ang simbahan ng mga pangunahing sponsors at ang mga mamamayan na nasasakupan ng parokya ay mga bukas-palad ding nagbibigay ng tulong pinansyal upang mapaganda ang kanilang simbahan.

e f

26 27

Bustos Book FINAL.indd 26 6/8/2012 2:28:55 PM

Page 27: Bustos KKK

KAsAysAyAn ng siMBAhAn | Cruz At MAriAno

Sanggunian

Cruz, E. History and Cultural Life of Bustos.Dinio, R. Kasaysayan ng Bustos at ng Patrong Sto. Niño. Mula sa Bustos Town Fiesta ‘09.Eballo, A. D. Bunga? Busto? Bustos?Gallende, P. (1987). Angels in Stone: Architecture of Augustinian Churches in the Philippines. Villacorte, R. (1985). Baliwag: Then and Now. Manila: Pilipino Star Printing Co., Inc.

26 27

Bustos Book FINAL.indd 27 6/8/2012 2:28:55 PM

Page 28: Bustos KKK

Ano ang Bulacan Military Area?

Itinayo noong Setyembre 1943 sa pamumuno ni Heneral (noo’y Kapitan) Alejo Santos bilang Philippine Legion, isang yunit gerilya upang labanan ang Hukbong Imperyo ng Hapon Itinatag ito sa malawak na bakuran ng tahanan nila Alejo Santos sa Bonga Menor, Bayan ng Bustos ayon sa panayam sa mga ilang nabubuhay pang beterano. Pormal itong itinatag matapos ang direktiba ng USAFFE na italaga si Alejo Santos bilang pinuno ng bagong yunit gerilya sa Bulacan dahil sa pagkakaubos ng pwersa ng Amerikano. Ang koda o code name ng Bulacan Military Area ay “Ball Division” o “Ball Military Area” dahil sa mataas na banta sa seguridad ng mga panahon na iyon at upang hindi madaling malaman ng mga kaaway na Hapones. Humigit kumulang 1,000 ang sumapi mula sa Bayan ng Bustos habang nasa 23,000 ang buong pwersa ng BMA. Binubuo ito ng mga regiment na ipinangalan sa mga tanyag na tauhan, pook at pangyayari na nakaukit sa kasaysayan ng Pilipinas na nagmula sa lalawigan ng Bulacan, alinsunod rin sa bayang pinagmulan ng pangalan ang kanyang nasasakupang lugar. Ang mga regiment na ito ay ang mga sumusunod:

1) Valenuzuela Regiment bilang pagkilala kay Dr. Pio Valenzuela, sakop nito ang mga

“It can be done – All the time!”Ang Bustos at angBulacan Military Area Paul Nikko C. Degollado at Roxy M. Michaca

4

KABANAT

A

ANG LARAWANAng Bulacan Military Area Park. Larawang kuha ni Raisa Paz Ramos.

28 29

Bustos Book FINAL.indd 28 6/8/2012 2:28:58 PM

Page 29: Bustos KKK

HENERAL ALEJO SANTOS(Hulyo 17, 1911 — Pebrero 18, 1984)

Tagapagtatag ng Bulacan Military Area (BMA)

28 29

Bustos Book FINAL.indd 29 6/8/2012 2:29:04 PM

Page 30: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

bayan ng Meycauayan, Marilao, Bocaue, Polo at Obando. 2) Republic Regiment mula sa unang tatag ng Republika ng Pilipinas sa Malolos, sakop nito ang mga bayan ng Malolos at Paombong. 3) Del Pilar Regiment alinsunod sa pangalan ng bayani ng Tirad Pass na si Gregorio del Pilar. 4) Kakarong Regiment, mula sa isang barrio sa Bigaa na tanyag noong Rebolusyong 1896, sakop nito ang Plaridel, Guiguinto at Bigaa. 5) Mariano Ponce Regiment, mula sa isang propagandista, sakop ang Baliuag, Pulilan at Bustos. 6) Buenavista Regiment, na ipinangalan sa malawak na Buenavista Estate, sakop naman ang mga bayan ng San Ildefonso at San Rafael. 7) Natividad Regiment, mula kay Lt. Col. Lino Natividad na napatay sa Bocaue noong ika-16 ng Abril, sakop naman ng regiment na ito ang hilagang parte ng bayan ng San Miguel. 8) Biak-na-Bato Regiment na ipinangalan sa pook kung saan nilagdaan ang isang kasunduan at itinatag ang isang Republika sa panahon ni Hen. Emilio Aguinaldo, sakop nito ang timog na bahagi ng bayan ng San Miguel. 9) Mountain Regiment mula sa Bundok Sierra Madre na nagsisilbing punong himpilan ng mga gerilyang Bulakenyo, sakop nito ang mga bayan ng Angat at Norzagaray. 10) Batute Regiment mula naman kay Huseng Batute na isang makatang tubong Sta. Maria, sakop nito ang bayan ng San Jose at Santa Maria.

Ang Bustos Bilang Saksi Ng Digmaan

Hindi nailigtas ang Bayan ng Bustos mula sa mga panunupil ng mga Pasistang Hapon, at ang mga sariling kababayan na mga nagging ahente nitong mga kasapi ng MAKAPILI o di kaya’y mga narekluta lamang kapalit ng maliit na halaga upang mangalap ng impormasyon sa mga gawain ng BMA at ng iba pang mga kontra-Hapon na pwersa.Marami rin ang namatay at napagsamantalahan ng mga Hapones. “Nabuhay na nagdilig ng dugo para sa inang bayan,” sabi ng kasalukuyang Post Commander ng mga beterano na si Igmedio Gutierrez ang pinaka-angkop na talata sa mga naging martir ng digmaan, ngunit ang lahat ng ito ay hindi nasayang ang kanilang buhay dahil sa maraming taktikal na tagumpay ng BMA. Naging saksi ang mga barangay ng Malamig, Liciada at Malawak sa mga taktikal na tagumpay ng BMA laban sa mga Hapon. Sa ilalim ng Mariano Ponce regiment ang mga pagsasagawa ng pagsalakay na ito. Noong ika 18-19 ng Enero 1945 ay nakapaslang sila ng 26 na Hapones, ilang sumunod na engkwentro rin ang naganap sa hanggang sa ika-11 ng Pebrero na kung saan maraming riple, bandila, bala, maging ang mga machine gun at transmitter.Nakipagtulungan

30 31

Bustos Book FINAL.indd 30 6/8/2012 2:29:04 PM

Page 31: Bustos KKK

Ang Bustos At Ang BulACAn MilitAry AreA | degollAdo At MiChACA

din ang Mariano Ponce Regiment sa 112th RCT ay nasupil ang mga paatras na pwersang Hapones mula ika-2 ng Pebrero hanggang ika-11 ng Marso mula sa Bustos. Noong ika-10 ng Pebrero naman naganap ang tinaguriang “Battle of Malamig” sa pamumuno nila Major Pablo Flores, Major Pablo dela Cruz, Major Apolinario de Guzman, Capt. Vicente Ramos, Capt. Jose Oliveros, Capt. Herminio de Guzman, Capt. Arsenio Hilario, at Tinyente Marcelo Perez. Matinding komprontasyon ang naganap sa pagitan ng mga BMA at ng mga Hapones, maraming mga sundalo mula sa parehong panig ang namatay, kabilang sa mga namatay sa hanay ng BMA ang kapatid ni Alejo Santos na si Claro, na isang Major sa panahon ng digmaan at abugado ang kanyang propesyon. Pinauna niya ang mga kasamahan nya na umatras mula sa mga sumusugod na Hapones at hinarap ang mga ito hanggang siya’y mapatay nang matamaan ng bala sa ulo. Tagumpay ng BMA ang labang naganap dahil umatras din kalaunan ang mga Hapon at maraming nakuhang dokumento, bandila, at mga armas mula sa Hapon. Habang kaisa sa diwa sa paglaban ng hapon, may mga banggaan rin sa pagitan ng BMA at ng Hukbalahap, o ang Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon, ang armadong pangkat ng Partido Komunista ng Pilipinas. Umuugat sa ideolohiya at pagkakaroon ng baseng masa ang sigalot ng dalawang armadong pwersa, Ninanais ng mga Huk na magorganisa ng malaking hanay ng mamamayan sa ilalim ng nagkakaisang anti-pasistang prente laban sa Hapon na patakaran ng Partido na sa kalauna’y magsusulong ng pakikidigma laban sa mga Amerikano at sa kanilang tinatawag na “papet” na estado sa ilalim ng kanilang anti-Imperyalistang paniniwala at nabigyang inspirasyon ng tagumpay ng People’s Liberation Army (PLA) o ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng Tsina matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig na siyang naghimok upang sundin ang istratehiya ng digmang bayan upang umano’y maagaw ang kapangyarihan ng estado. Habang ang BMA naman ay nasa ilalim ng pamumuno ng gobyerno ng Pilipinas at ng Estados Unidos na hindi na nagpatuloy ang pakikidigma matapos ang giyera habang ang ilan sa mga kasapi nito ay nagpatuloy bilang mga sundalo ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas o di kaya’y naging mga naging sibilyan na sa mga hindi na nagnanais magpatuloy sa pagiging sundalo.

Ang Mga Beterano Sa Kasalukuyan

Ang mga beterano ng BMA na aktibong kasapi sa Philippine Veterans Association ay regular na nagpupulong upang tugunan ang mga pangangailangan ng kapwa nila Beterano at kasama na rin ang mga munting kwentuhan at pagmumuni para lalong mapagtibay ang kanilang samahan. Ngunit sa kabila ng mga ambag ng mga beteranong BMA sa pakikipagdigma laban sa mga Hapones, hindi naging madali ang pagkuha ng mga benepisyo ng mga nabubuhay pang beterano. Marami sa kanila ang hindi pa rin nakakakuha ng pension mula sa Estados Unidos dahil sa hindi pagkilala sa kanila bilang mga nagsilbing sundalo sa pamumuno ng USAFFE. May ilan rin sa kanila ang binababaan ng katumbas na ranggo upang mas mababa ang mga ibinibigay na pension. Ngunit

30 31

Bustos Book FINAL.indd 31 6/8/2012 2:29:04 PM

Page 32: Bustos KKK

Larawan 1. Pananda ng lugar kung saan itinatag ang BMA. Larawang kuha ni Raisa Paz Ramos.

Larawan 2. Pananda ng mga rehimente ng BMA. Larawang kuha ni Raisa Paz Ramos.

32 33

Bustos Book FINAL.indd 32 6/8/2012 2:29:09 PM

Page 33: Bustos KKK

Larawan 3. Libingan ng Mga Kawal ng BMA sa Barangay San Pedro. Larawang kuha ni Raisa Paz Ramos.

Larawan 4. Museong Pang-alaala kay Alejo G. Santos. Larawang kuha ni Raisa Paz Ramos.

32 33

Bustos Book FINAL.indd 33 6/8/2012 2:29:13 PM

Page 34: Bustos KKK

patuloy parin ang paggigiit ng dagdag benepisyo para sa mga naging beterano ng giyera. Hinding-hindi malilimutan ng bayan ng Bustos ang kadakilaan ng Bulacan Military Area at ang kanilang ambag sa pakikidigma ng mamamayan laban sa Pasismong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong panahon ng pamamahala ni Pangulong Carlos P. Garcia ay itinayo ang BMA Park malapit sa Munisipyo ng Bustos bilang pagkilala sa ambag ng BMA sa tagumpay laban sa Hapones at ang malaking pagganap ng Bayan ng Bustos sa pagkakatatag nito. Itinayo naman ng pamilya ni Alejo Santos ang Alejo Santos Museum na kilala rin bilang Bulacan Military Area Shrine and Museum sa tahanan ni Alejo Santos sa Bonga Menor na siya ring kadalasang pinagdadausan ng mga pulong at pagdiriwang ng mga beteranong kawal ng BMA, tampok sa dambana ang mga dokumento’t larawan ng buhay ni Alejo Santos at ilang mga sandata at monumentong gumugunita sa BMA.

e f

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

34 35

Bustos Book FINAL.indd 34 6/8/2012 2:29:13 PM

Page 35: Bustos KKK

34 35

Ang Bustos At Ang BulACAn MilitAry AreA | degollAdo At MiChACA

Bustos Book FINAL.indd 35 6/8/2012 2:29:13 PM

Page 36: Bustos KKK

Ang asukal ay isang produktong agrikultural na napoprodyus sa mga lupaing may tropikal na panahon. Sa pamamagitan ng mahabang proseso ng pag-aani ng halamang tubo, mainam na matatamo ang rekadong ito. Halos isang taon ang hihintayin bago maging handa ang tubo para sa pag-aani. Ito ay bubunutin sa pagkakatanim at dudurugin gamit ang isang kabyawan. Ang kawa, isang malaking bersyon ng kawali, ang ginagamit para tipunin ang makukuhang katas sa tubo at dito na rin ito maaaring lutuin. Matapos ibilad sa araw, ang asukal ay maaari nang kainin at gamitin sa iba’t ibang luto. Bagama’t mas matrabaho ang proseso, mas nakalalamang ang panananim na palay kaysa tubo sa nakararaming magsasakang Pilipino. Isang ani lamang sa isang taon ang makukuha sa halamang tubo, samantalang dalawa hanggang tatlong ani ang makukuha sa palay. Binabalik-balikan ng magsasaka ang kanyang pananim tuwing 25 hanggang 30 na araw para lagyan ng pataba, kung kaya’t mas nasusubaybayan niya ang kalagayan nito. Matapos lamang ang 90 na araw, handa na itong maani at ipamahagi. Dagdag pa rito ang mas praktikal na gamit ng bigas sa araw-araw na pamumuhay. Dito mapupuna ang isa sa maraming kadahilanan kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa pangunahing industriya o produktong agrikultural sa lupain ng Bustos, Bulacan. Tunghayan natin ang kasaysayan ng pangyayaring ito.

Mula Tubuhan Patungong Palayan:Kasaysayan ng Kabuhayan ng Bustos Maureen Denice B. Alfonso at Monica A. Ponce

5

KABANAT

A

ANG LARAWANLarawan ng isang gilingan, isang makabagong kagamitang ginagamit sa produksyon ng palay. Larawang kuha ni Monica Ponce.

36 37

Bustos Book FINAL.indd 36 6/8/2012 2:29:14 PM

Page 37: Bustos KKK

MulA tuBuhAn pAtungong pAlAyAn: KAsAysAyAn ng KABuhAyAn ng Bustos | Alfonso At ponCe

Ang Pagkakatatag ng mga Estancia at Hacienda

Bahagi ng taktika ng mga mananakop na Espanyol ang pagoorganisa ng maliliit na lungsod o probinsya sa buong bansa. Sa ganitong paraan, mas madali nilang maisasagawa ang kanilang mga imperyalistang motibo: pagpapalaganap ng Kristyanismo, pag-ungkat ng yamang likas at pagpapalawak ng teritoryo. Naitatag ang mga sentrong katulad ng Intramuros at Maynila para mas mapadali ang komunikasyong militar, komersyo at industriyal sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol. Upang mapunan ang mga pangangailan ng mga sentrong ito, ipinanganak rin ang mga nalalapit na probinsya na magsisilbing taniman ng kanilang suplay ng pagkain at pagkakakitaan. Mabibilang dito ang Bulakan. Nagkalat dito ang iba’t ibang grupo ng mga prayle na mamumuno sa mga lalawigang bumubuo nito. Sa Meycauayan nagtayo ng himpilan ang mga Pransiskano. Sa bandang Bocaue naman naroon ang mga Dominikano. At sa pook ng aking konsentrasyon, sa bandang Baliwag at ilang bahagi ng Bustos, naroon ang mga Augustinian. Mula sa malalaking sakop na ito, nabuo ang tinatawag na hacienda at estancia sa mga maliliit na pamayanang may malawak na kapatagan. Kapansin-pansin ring malapit ang mga ito sa mga pampang at baybay-dagat dahil dito pinakamadaling magsimula ang mga kabuhayan. Ang estancia, isang lupaing ginagamit bilang rantso ng mga baka at kabayo, ay mainam na mapwesto sa mga ganitong katanginang topograpikal dahil sa iba’t ibang uri ng produksyon na nagaganap dito. Para naman mapanatili ang hawak ng Espansya sa mga aktibidad dito sa Pilipnas, naitatag ang mga Alcaldia, mga pamahalaang publiko na sumusunod sa direktang mga utos ng Hari ng Espanya. Ang mga bayang nalalapit sa baybay-dagat at tinawag na Alcaldia; at ang mga nalalapit sa mga bundok na natatag sa pamamagitan ng pribadyong inisyatiba ay tinawag na estancia (Veneracion). Ang hacienda ay mas malawak na bersyon ng estancia, lupain ding ginagamit bilang rantso o sakahan. Sa ganitong pagsasaayos pa lamang makikita na ang sakop at kapangyarihan na napapanatili ng mga mananakop. Mahalagang bigyang-diin ang pagkakaiba ng mga ganitong yunit ng organisasyon sa mga población na naunang maitatag noong bagong dating pa lamang ang mga Kastila. Ang mga población ay karaniwang sentro lamang ng populasyon at komersyo. Ang mga estancia at hacienda ay nabuo dahil sa heograpikal, istraktural at agrikultural na kadahilanan.

Buenavista Estates

Isa sa mga pinakamalaking estancia na naging tanyag noong 1930s ay ang Buenavista Estates. Naging kontrobersiyal ang pagmamay-ari na ito dahil sa pananaig ng simbahan at ng Amerikanong kolonya. Dahil sa kasunduan sa pagitan ni Archbishop Jeremiah Harty at Sec. Or War William Howard Taft noong Hunyo 8, 1907, nabigyang-linaw na ito ay pag-aari ng simbahan. Ito ay nasa ilalim ng pamamalakad ng San Juan de Dios Hospital na naitatag noong 1577. Ito ay pinangunahan

36 37

Bustos Book FINAL.indd 37 6/8/2012 2:29:14 PM

Page 38: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

ng isang Pransiskanong prayle kasama ang grupong “Brotherhood of Mercy”. Ipinagkaloob ng isang Espanyol ang Buenavista sa kapatiran noong 1645. Mula sa impluwensiyang Espanyol, nanaig ang Buenavista sa panahon ng mga Amerikano dito sa Pilipinas. Sakop nito ang mga bayan ng San Ildefonso, San Rafael, Baliwag at Bustos. Ang pangunahing pananim na pinoprodyus nito ay palay, asukal at mais. Ang inquilino o tenant ay maaaring mangupahan at magbayad (pequeno canon) para dito. Ang administrasyon na ang maglalaan ng kagamitan at mga hayop sa kanila. Malaya rin nilang ibenta ang anumang produkto nila dito sa kahit kanino. Malinaw na binabanggit ng mga dokumento ukol sa pagmamay-ari ng lupa na ang malaking industriya ng Buenavista ay nakarating sa Bustos, Bulacan. Gayunpaman, nililinaw rin ng mga ulat na ang pangunahing pananim ng nasabing pangkat ay bigas o palay. Pumapangalawa lamang ang asukal at mais. Kaunting bahagi rin lamang ng Bustos ang saklaw ng industriyang ito. Ang mga baranggay na Bonga Mayor, Bonga Menor at Tibagan lamang ang kadalasang kabilang sa makaysaysayang mga pangyayari. Noong 1910, naihalal si Ambrosio Valero bilang unang Pilipinong tagamahala ng Buenavista. Siya rin ay isang inquilinong tubo ng San Rafael kung kaya’t mainit na tinanggap ng kanyang mga kasama ang kanyang pagkakahalal. Mabilis niyang naangkin ang respeto ng karamihan dahil nakontrol niya ang pagpasok at paglabas sa lupa. Gayunpaman, ang matagumpay niyang pamumuno ay hindi nagtagal dahil sa mga pagbabagong kanyang ipinatupad. Sa kalaunan, marami siyang hindi nakasundo dahil sa istilo ng kanyang pagtatrabaho. Sumunod sa kanya ay si Juan S. Rustia, isa ring tubong Baliwag. Naging aktibo si Rustia sa mga kilusang politikal kaya’t madali siyang nakilala. Pangunahin sa kanyang mga layunin at motibo ang paglilinaw ng pag-aari ng simbahan sa buong Buenavista. Dahil sa malapit niyang pakikitungo at pakikinig sa mga hinaing ng mga aparcerong nakararas ng pagmamaltrato, madaling narinig ang kanyang boses. Lalo siyang nakilala dahil sa kanyang slogan na pinaalingawngaw ng mga magsasaka, “Do not leave the land; you worked on it; the harvest is yours.” (Huwag niyong iwan ang lupang ito; pinaghirapan mo ito; sa ‘yo ang ani nito.) Kinakatawan niya ang mga magsasaka sa kanilang adhikain na mapasakamay na ng goberyo ang Buenavista at nang mahati nang pantay-pantay sa lahat. Ang dalawang taong ito ay nagkaroon ng matitingkad na kontribusyon sa kasaysayan, pag-unlad at mga suliranin na pinagdaanan ng Buenavista.

Inquilinos

Tulad ng napagkasunduan, ang mga inquilinong makapagbabayad ng renta o canon ay malayang magtanim at pagkakitaan ang porsiyento ng lupa na kanila. Kung mayroong mga inquilinong nangungupahan at nagtatanim ng kanilang sariling kita, mayroon rin namang mayayamang inquilino

38 39

Bustos Book FINAL.indd 38 6/8/2012 2:29:14 PM

Page 39: Bustos KKK

MulA tuBuhAn pAtungong pAlAyAn: KAsAysAyAn ng KABuhAyAn ng Bustos | Alfonso At ponCe

na napagkakalooban ng 100 hanggang 200 hectares ng lupa at nagbabayad ng iba pang magsasaka na magtatrabaho para sa kanila. Ang mayamang inquilino ang siyang maglalaan ng pondo para sa mga gastusin at ang nagsasakang inquilino naman ang maglalaan ng mga hayop, kagamitan at serbisyo. Pantay na mahahati sa dalawa ang anumang kikitain pagkatapos ng ani. Ito ay tinawag na relasyong inquilino-aparcero noong araw. Gayunpaman, isang Brian Fegan ang umapila na hindi makatarungan ang kasunduang ito. Ayon sa kanya, nagkakaron ng oportunidad ang mga mayayamang inquilino na lakihan ang interes ng kanilang mga pautang, samantalang ang mga nagsasakang inquilino ay nababaon sa utang sa kabila ng kanilang pagbabayad dahil nga sa di-pantay na interes sa parehong partida. Bunga ng ganitong mga di-pagkakaunawaan, dalawang uri ng unyon ng mga magsasaka ang nabuo. Ang una ay ang “peasant-nationalist conspiracies” na kinabibilangan ng mga grupong katulad ng Colorums, Santa Iglesia, Sakdalistas, Tanggulan at Kapatiran Magsasaka. Pangalawa naman ay mga sosyalista at nang lumaon, komunistang grupo. Kabilang dito ang Kalipunang Pambansa ng mga Mambubukid sa Pilipinas o KPMP. Naging pinakabokal ang pangkat na KM na pinamunuan ni Teodoro Sandiko at Vicente Almazar. Nanatili silang matatag sa kanilang mga layunin na ayusin ang mga probisyon tungkol sa pagmamay-ari ng lupa, sistema ng pangungutang at mga reporma sa relasyon ng inquilino at may-ari. Naging lihim na grupo ang KM. Lahat ng miyembro nito ay ipinagbawal sa pagbili ng lupa ng kapwa inquilino at sa pagsali sa mga unyon ng mga panginoong lupa.

Mga Problemang Pinagdaanan

Noong 1921, isang malaking kaguluhan ang nangyari sa pagitan ng mga inquilino at kanilang mga magsasaka. Ayon sa mga magsasaka, di-makatarungan ang utang at interes na pinaukala sa kanila ng kanilang mga inquilino. Ang halaga ng utang na pinapabayaran sa kanila ay sapat na para mabaon sila dito habang buhay. Pinakulong ng mga inquilino ang ilan sa kanilang mga magsasaka dahil sa pagsuway sa kanilang kasunduan. Nag-alsa ang mga magsasaka kasama ang sentimiyentong ito, “No person can be imprisoned for debt” (walang taong dapat makulong dahil sa pagkakautang). Marami pang ibang alitang katulad nito ang nangyari. Hindi nagkasundo ang dalawang partido sa kung ano ang batayan ng makatarungang kasunduan. Abril 1923 nang nasundo ang ilang mga bahay sa Buenavista dahil pa rin sa mga alitán ng inquilino at magsasaka. Nagalit ang mga magsasaka nang tumanggi ang mga inquilino na ipakita ang mga tala ng canon o kabayaran. Tumanggi rin silang bayaran ang kalahati sa bayarin na saklaw ng kabuuang pagtatanim. Upang masolusyunan, nagsulat ng bagong kontrata ang KM base sa lumang kontrata na nagawa noong 1922 na napagkasunduan lamang nang pasalita. Ang mga sumusunod ang nilalaman ng dokumentadong kontrata: 1) Mabuti ang pakikitungo ng inquilino sa kanyang aparcero.

38 39

Bustos Book FINAL.indd 39 6/8/2012 2:29:14 PM

Page 40: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

2) Sa pagbabayad ng canon, pantay ang magiging hatian ng parehong partido. Marapat na makita ng aparcero ang libreta. 3) Galing sa bukid, trabaho ng aparcero na dalhin ang palay sa bigasan ng inquilino. 4) Pantay ang magiging hatian ng gastusin patungkol sa pagtatanin at pag-aani. 5) Bubuwagin ang takipan at talindua. Dinagdag sa dokumento ang mga kondisyong ito: 1) Ang inquilino lamang ang magbabayd ng canon sa estado. 2) Hindi kailangang dalhin ng aparcero ang palay sa bigasan ng inquilino mula sa bukid.

Ang Pagbili ni Manuel Quezon

Umusbong ang posibilidad na manggaling sa Coco Fund ang ipambibili ng Buenavista Estate noong 1937; pinangunahan ito ni Dr. Antonio Villarama. Dahil sa makamasang pangitain ni Rustia, at sa nasimulan na niyang kilusan kasama ang mga aparcero, siya ang humarap dito. Dumaan sa maraming proseso ang paglilipat na ito hanggang sa humantong na ito sa direktang pangingialam ni Quezon na siyang pangulo noong panahong iyon. Bumuo siya ng komite na pinangunahan ni Ramon Fernandez upang masagot lahat ng katanungan ukol sa isyung ito. Tinawag itong Landed Estates Survey Committee hangga’t sa pinalitan ito sa Rural Progress Administration (RPA). Marso 4, 1939 ito pormal na nag-umpisa. Nagdaan ang ilan pang mga araw ng kaguluhan. Bilang pagrerebelde, tumigil sa pagbayad ng upa ang mga inquilinong kasamahan ni Rustia. Patuloy na siningil ng konstabularyo ang mga magsasaka, ngunit pinatigil sila ni Quezon dahil ayon sa kanya, kung ang may-ari ng estado ang maghihintay ng ani, hindi siya magugutom. Kung ang magsasaka ang maghihintay ng ani, na sila mismong nag-aani, sila ang nagugutom. Di nagtagal ay nagdesisyon din si Quezon na bilhin na ang estado. Sinigurado ni Quezon na kaakibat ng pagbili ng gobyerno sa lupa ay ang pananatili ng pag-aari sa mararapat nitong inquilino, katulad ng napagkasunduan nila dati. Napagkasunduang 50-50 ang magiging hatian sa pagitan ng aparcero at ng bangko.

Ang Buenavista noong Panahon ng Hapon

Sa pagpasok ng Hapones sa bansa, hindi nakaligtas ang Buenavista sa kanilang pagsakop. Ang ilang bahagi ng estancia ay binomba at ginawang himpilan o teritoryo. Ilang kalalakihan mula sa mga baryo ay nahatak pa bilang bagong miyembro ng Hukbalakhap (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon). Naging sentro rin ito ng mga gawain ng USAFFE (United States Army Forces of the Far East). Dito rin nagpupulong ang mga gerilyang bumubuo ng BMA (Bulacan Military Area). Ang ilang bahagi ng Bustos ay kinailangan ring tumigil sa pagtatanim ng palay, mais at gulay dahil pinilit

40 41

Bustos Book FINAL.indd 40 6/8/2012 2:29:15 PM

Page 41: Bustos KKK

MulA tuBuhAn pAtungong pAlAyAn: KAsAysAyAn ng KABuhAyAn ng Bustos | Alfonso At ponCe

sila ng mga Hapon na magtanim ng cotton.

Pagbangon Mula sa Giyera

Naapektuhan ang ilang bahagi ng Bustos noong World War II dahil ito ang dito nabuo at namalagi ang organisadong pangkat ng mga gerilya na BMA. Nang matapos ang giyera, buo na ang pagmamay-ari ng mga Pilipino sa Buenavista dala rin ng pagbili dito ni Pangulong Quezon. Dahil sa kahirapang namuo sa kasagsagan ng giyera, kinailangang bumangon ng mga magsasaka sa lalong madaling panahon. Dito nag-umpisang magkaroon ng pagbabago sa industriyang agrikultural. Lalong nabawasan ang mga pananim na tubo at dumami ang mga palayan. Ayon sa kanila, ang halamang ito ay mas madaling itanim at anihin. Mas praktikal ang gamit nito sa mga nakararami kung ikukumpara sa tubo. Binuo ng gobyernong Hapon ang National Rice and Corn Administration o NARIC upang magkaroon ng awtoridad sa mga usaping tungkol sa bigas at mais. Ito na rin ang namamahala sa distribusyon ng mga produktong ito. Patuloy na lumala ang krisis sa pagkain; naimbento ang “lugaw” o “sisid rice”. Minsan naman ang kumakain sila ng binatog o pinakuluang mga butil ng tuyong mais na hinaluan ng buko at asin.

Mga Proyektong Agrikultural ng Mga Nagdaang Administrasyon

Bilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan, maraming ginawang proyekto upang mapabuti ang kalagayan ng mga lupang sakahan. Sa pagtutulungan ng Pilipinas at Taiwan noong Setyembre 1, 1966, naitatag ang Rice Production and Demonstration Center kung saan 1,500 na magsasaka ang tinuruan ng mga bagong paraan at kagamitan sa pagsasaka. Sa pagtutulungan naman ng National Irrigation Administration at Asian Development Bank isinagawa ang Water Management Improvement Project noong Hulyo 3, 1968 hanggang Agosto 28, 1970. Ito ay may layuning palawigin ang gamit ng tubig-ulan at irigasyon. Sa magkasunod na administrasyon na Marcos at Aquino, pinasinayaan ang dalawang kilalang programa para sa pagsasaka. Ito ay ang Masagana ‘99 at CARP. Sa ilalim ng Masagana ‘99 nabigyan ang mga magsasaka ng mga murang pautang upang maipambili ng mga pangangailangan sa pagtatanim. Naging mas marami naman ang ani dahil sa programa subalit nahirapan ang mga magsasaka sa pagbabayad. Maliban pa dito, nagkaroon ng negatibong epekto sa mga palayan ang labis na paggamit ng mga fertilizer at pesticide. 1,170 hektarya ng lupa na dating pagmamay-ari ng 32 panginoong may-lupa ay naipamahagi sa 648 na magsasaka. 806 naman ang nabigyan ng kontrata ng pag-upa sa 1,281 hektarya na lupa kung saan ang bawat isa ay nakakuha ng hindi hihigit sa pitong hektarya. Para sa kanilang proteksyon sila ay binigyan ng kasulatan ukol dito. Sinasabing ang pamamahaging ito ay may layuning makapagbigay

40 41

Bustos Book FINAL.indd 41 6/8/2012 2:29:15 PM

Page 42: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

hustisya sa lipunan kung saan ang mga totoong naghihirap sa pagsasaka ay nabiyayaan samantalang ang mga naghihintay na lamang ng ani ay nawalan. Samantala, ilang positibo at negatibong epekto naman ang nakitang naidulot ng reporma. Sa positibo, una, nagkaroon ng proteksyon ang mga magsasaka na hindi sila basta-basta mababawian ng lupa, pangalawa, nagkaroon sila ng mas malaking pagkakataon sa paggamit ng makabagong teknolohiya at panghuli, naging malaya sila sa pakikitungo sa kanilang mga supplier. Sa negatibo naman, una, nahirapan ang mga magsasaka sa mga gastusin sa makabagong teknolohiya tulad ng mga fertilizer at pesticide kaya ilan lamang ang tuluyang naging benepisyaryo nito, pangalawa, ang ilang mga magsasaka ay naging namumuwisan lamang, pangatlo, nabaligtad ang sitwasyon ng ilang mga magsasaka at may-ari ng lupa, pang-apat, ang ilang magsasaka ay kumuha ng mga tao upang gumawa sa kanilang lupa kung kaya’t naging kapitalista rin sila, at panghuli nagkaroon ng problema ang magsasaka sa pamamalakad ng sariling lupang sakahan, ang iba ay nagsanla ng lupa dahil sa matinding pangangailangan. Sa ilalim naman ng Comprehensive Agrarian Reform ni Pangulong Aquino, nagkaroon ng support services para sa mga magsasaka at may-ari ng lupa. Naging programa ng Department of Agriculture ang Rice Production Enhancement Program kung saan ang mga magsasaka ay nakakuha ng mga binhi at pataba kapalit ang ilan sa kanilang ani. Maliban dito, pinalakad din ang Rice Action Program kung saan binigyan na lamang ng mga seed subsidy ang mga magsasaka na isang kaban bawat hektarya ng walang kapalit. Hindi naglaon naging kooperatiba ang Bulacan Seed Grower’s Association na siyang itinalaga ng DA na mamahagi ng mga seed subsidy. Ang Grains Production Enhancment Program naman ang naging programa ng DA sa administrasyong Ramos. Pinalawig lamang nito ang Rice Action Program sa pamamagitan ng pagsali ng mga nagtatanim ng mais at gulay sa mga benepisyaryo. Naging buy one take one ang pagbenta ng mga fertilizer. Bilang suporta naman dito, pinalakad ang Gintong Ani kung saan idinamay na rin ang mga may palaisdaan, babuyan at manukan. Hinayaan ding magkaroon ng pautang ang grupo ng 15 magsasaka. Naging malaking tulong sa mga magsasaka ang proramang Agrikulturang MAKAMASA noong administrasyon ni Estrada na may layuning gawing 95% sufficient sa palay ang bansa sa taong 2000. Samantala, naging problema naman ang mga illegal conversions ng lupang sakahan upang maging mga subdivision at commercial sites. 600 hektarya ng lupang sakahan ang nawala simula 1900s dahil dito.

National Irrigation Authority

Isang malaking parte ng agrikultura ng Bustos ang National Irrigation Authority na siyang nagmamaneobra ng Angat-Maasim Rivers Irrigation Sytems o AMRIS na tumutulong, lulan ng Bustos Dam sa 31, 485 hektarya sa 16 na munisipalidad ng Bulacan. Hindi lamang ang pagsusuplay ng sapat na patubig ang ginagawa nito kung hindi ang pagtulong din sa pagpaparami ng produkto. Naging malaki ang naging tulong nito sa bayan noong nagkaroon ng El Niño noong 1998 at pati

42 43

Bustos Book FINAL.indd 42 6/8/2012 2:29:15 PM

Page 43: Bustos KKK

MulA tuBuhAn pAtungong pAlAyAn: KAsAysAyAn ng KABuhAyAn ng Bustos | Alfonso At ponCe

na rin sa sumunod na La Niña.

Ang Relasyon ng Mga Magsasaka at May-ari ng Lupa sa Kasalukuyang Panahon

Karamihan sa mga magsasaka ng Bustos ngayon ay namumuwisan. Ayon sa itinakdang kasunduan ng Deparment of Agriculture, kailangang magbigay ng ilang bahagi ng ani ang magsasaka sa may-ari ng lupa kada anihan. Sagot ng magsasaka ang gastos sa palayan gaya ng thresher, tractora, pataba, binhi at pesticide samantalang ang may-ari naman ng lupa ay ang bahala sa babayarang buwis sa munisipyo. Kaban din ng bigas ang ipinambabayad ng magsasaka sa kanyang mga supplier kaya naman bahagi na lamang din ng kanyang ani ang napupunta sa kanyang kamalig. Kinikipkip nila ang mga ito at ibebenta na lamang para sa panggastos o kung may matinding pangangailangan. Sa mga panahong wala silang tanim na palay, nagtatanim sila ng ibang produkto gaya ng mais o gulay. Mayroong mga technician ang munisipyo na siyang tumutulong sa mga magsasaka gaya ng pagbibigay ng mga bagong binhi o pataba sa lupa. Ilang mga suliranin ang nagaganap kapag ang magsasaka ay hindi nagpapaalam sa may-ari ng lupa upang gawing komersyal ang bahagi ng kanyang lupa o kaya naman ay kung nais niyang makakuha ng mas malaking bahagi ng sakahan. Samantala, ang programang Masagana ‘99 ay naging positibo sa mga magsasaka subalit negatibo naman para sa mga may-ari ng lupa sapagkat hindi na nila maaaring bawiin ng basta-basta ang mga lupang sakahan ayon sa kanilang kagustuhan. Wala namang nagiging problema sa lupang sakahan hanggang ang napagkasunduang bilang ng kaban ay maibibigay sa may-ari ng lupa. Samakatuwid, tahimik naman ang kalagayan ng mga lupang sakahan kung ang magkabilang-panig ay kuntento sa kanilang bahagi o sa kanilang nakukuha kita buhat dito.

Iba Pang Pinagkukunan ng Kabuhayan

Bukod sa agrikultura, malaki rin ang naiaambag ng mga sektor ng industriya at komersiyo sa hanapbuhay ng mga tao. Sa kasalukuyan, maliban sa pagtatanim ng palay ay marami na ring ibang pinagkukunang-kabuhayan ang mga mamamayan ng Bustos gaya ng mga gulayan, hayupan, palaisdaan, palengke, tiangge, patahian at marami pang iba. Ang opisina naman ng PESO o Public Employment Service Office ay tumutulong sa mga mamamayan lalo na sa kabataan na makahanap ng mapagtratrabahuhan sa pamamagitan ng mga job fairs, summer jobs at iba pang programa. Ang susunod ay tala ng iba’t-ibang kabuhayan ng mga mamamayan sa bayan ng Bustos:

Hanapbuhay BilangBag-making 7

42 43

Bustos Book FINAL.indd 43 6/8/2012 2:29:15 PM

Page 44: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

(Pagpapatuloy ng talahanayan)

Hanapbuhay BilangFood Products 13Bakery 7Garments 21Water Refilling Station 4Computer Shop 12Printing Press/Xerox Center 4Publishing Center 1Drug Store 4Cosmetic Distributor 1Hardware 7Carwash 2Agri-Farm (piggery, poultry, cattle, goat) 22Gym Center 1Travel Tours Co. Transport 2Upholstery Shop 1Dental Laboratory 1Apartment/Rental Building 8Rice Dealer 2Construction Co. 4Plant Seller 1Rice Mill 3Cargo/Freight/Trucking 4Pawnshop 2Junkshop 3Poultry Supply 2Cycle Parts Supply 4Gas Refill Station 2Gas Station 1Iron Works/Metalcraft/Welding Service 3

44 45

Bustos Book FINAL.indd 44 6/8/2012 2:29:16 PM

Page 45: Bustos KKK

MulA tuBuhAn pAtungong pAlAyAn: KAsAysAyAn ng KABuhAyAn ng Bustos | Alfonso At ponCe

Heavy Equipment Rental 1Catering Service/Tables and Chairs for Rent

3

Furniture Store 1Banking Institution 3

e f

44 45

Bustos Book FINAL.indd 45 6/8/2012 2:29:17 PM

Page 46: Bustos KKK

Isa sa mga bagong lapit at pamamaraan sa pagsulat ng kasaysayan ay ang kasaysayang panlipunan o social history. Ang kasaysayan na ito ay tumatalakay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan ng isang pook at kung paano ito nagbago sa paglipas ng panahon. Ito ay tugon sa karaniwang pagsulat ng kasaysayan na pinagtutuunan lamang ng pansin ang politikal at ekonomikong aspekto, at isinasantabi ang kultura, kalinangan at ang karaniwang mga mamamayan ng isang pook. Sa kasalukuyan, binibigyan na rin ng kaukulang pansin ang pag-aaral sa kultura, mga tradisyon, at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao upang ang mga ito ay hindi maisalin at matutunan ng mga susunod na salinlahi. Tatalakayin sa kabanatang ito ang mayamang kultura at kalinangang Bustosenyo at ang mga aspekto ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan ng Bustos.

Kulturang Bustosenyo

Ang kultura ng isang lugar ay masasalamin sa mga tradisyon, paniniwala, kagamitan, pagkain at gawain ng mga tao. Nasasalamin sa kulturang Bustosenyo ang mga bagay na pinahahalagahan ng mga mamamayan tulad ng pamilya at kabuhayan.

Mga Kaugalian Isa sa mga kaugalian na makikita sa Bustos ay ang paggalang sa mga nakatatanda. Ang

Buhay Bustosenyo: Kasaysayang Panlipunan ng Bustos John Albert T. Maguad, Patricia Angeli H. Marcaida,Ace Vincent P. Molo at Cyrus C. Policarpio

6

KABANAT

A

ANG LARAWANLoob ng Bahay Cunanan, Bonga Mayor. Larawang kuha ni Ace Vincent Molo.

46 47

Bustos Book FINAL.indd 46 6/8/2012 2:29:21 PM

Page 47: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

pagmamano ay ginagawa tuwing dumarating sa bahay o nakakasalubong ang isang nakatatanda. Ito, gaya ng iba pang mga kaugaliang paggalang ay natututunan mula sa pagkabata sa mga tahanan. Sa pagsasalita ng mga tao, hindi mawawala ang po at opo lalo na kung mas nakakatanda ang kausap. Makikita rin ito maging sa pagbati anomang oras ng araw, tulad ng “Magandang umaga po” at “Magandang gabi po.” Ang paggalang sa mga nag-uusap ay isa ring katangian ng mga tao. Itinuturing na kabastusan ang pagsabat sa usapan ng dalawang tao lalo na kung mas nakatatanda. Iniiwasan din ang pagdaan o pagharang sa gitna ng dalawang nag-uusap. Kung dadaan, kailangang magpaalam ng “Makikiraan po” bago tumuloy. Inoobserbahan din ng mga matatanda ang curfew. Kailangang bago dumilim ay nasa bahay na ang mga anak. Kailangan dinna alam ng mga magulang kung saan pupunta at kung bakit mahuhuli ng oras ng uwi. Ang damayan ay isa ring kaugalian na makikita dito. Tuwing may sakuna o may namatay, ang mga magkaka-barangay ay nagtutulungan at nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta upang sila ay makabawi at makapagpatuloy. Kung mapadayo naman sa isang bahay, karaniwang pinapakain ang mga bisita. Sa panahon ng tanghalian, maaaring anyayahan ang bisita na sumabay sa mga tao sa bahay sa pananghalian. Kung bandang hapon naman, maaaring alokin ang bisita ng mga kakanin o anomang maaaring ipamerienda. Ayon sa mga nakapanayam naming na mga senior citizens, malaki rin ang pinagkaiba ng pananamit ng mga lalaki at babae noong panahon nila. Hindi nagsusuot ang mga babae ng damit panlalaki tulad ng pantalon. Hindi rin nagsusuot ang mga kababaihan sa labas ng bahay ng mga damit na mahahalay sa makakakita gaya ng mga sleeveless, sando, o napakaikling mga shorts na lantad ang mga hita. Pinapahalagahan din nila ang pagiging birhen ng mga babae. Hindi nais ng mga lalaki na makapangasawa ng mga babaeng “nagamit na” o “napagsawaan na”. Malakas ang kanilang pagpapahalaga sa kalagayan ng mga babae na hindi pa nagkakaroon ng relasyon sa ibang lalake. Isang halimbawa nito ay hindi basta maaaring mahawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Kapag nalaman ng mga magulang ng babae na nangyari ito, kailangan magpakasal ang lalaki ano man ang mangyari.

Sa Bahay Makikita sa Bustos ang mga bahay na bato na kakaiba sa ibang bahay na bato sa Pilipinas. Makikita rito ang kakaibang arkitektura na maaaring sa Bustos lamang matatagpuan. Ito ang bahay ng mga may-ari ng mga taniman noon. Karaniwang pagsasaka ang hanapbuhay ng mga karaniwang tao sa Bustos sa panahon ng mga Espanyol. Kung ang may ari ng lupa ay nakatira sa bahay na bato, ang mga kasama naman ay

46 47

Bustos Book FINAL.indd 47 6/8/2012 2:29:21 PM

Page 48: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

nakatira sa mga bahay na gawa sa kahoy. Ang arkitektura ng mga bahay na kahoy ay masasabing karaniwan sa bandang katagalugan. Ang bahay ay may dalawang palapag. Ang ilalim ng bahay ay ginagamit na kulungan ng mga alagang manok at imbakan ng mga pananim. Ang ikalawang palapag naman ang bahagi ng bahay na tinitirahan ng tao. Makikita dito ang sala, kainan at mga silid. Ang sala ang karaniwang pinakamalaking bahagi ng bahay dahil dito pinapatuloy ang mga bisita. Ang kusina ng bahay ay matagpuan sa labas ng bahay o kung minsan ay nasa loob. Gamit sa pagluluto ang mga panggatong na kahoy noong wala pa ang mga makabagong kalan. Karaniwan ding pinaglulutuan ang palayok. Sa pagkain naman, ginagamit ng mga tao noon bilang plato ang pinatuyong bao ng niyog. Hindi rin uso ang paggamit ng kutsasa at tinidor, nagkakamay ang mga tao sa pagkain. Sagana sa bigas ang probinsya kaya halos lahat ng pagkain ay may kapares na kanin. Ginagamit din ang bigas sa paggawa ng mga kakanin na hanggang ngayon ay karaniwan pa rin sa Bulacan. Ayon sa isang may-ari ng bahay na bato, noong unang panahon, halos lahat ng mga bahay ay may balon. Dito pangunahing kinukuha ang tubig maliban sa ilog. Nang magkaroon ng poso, ang mga balon ay tinakpan at karamihan ay sa poso na kumukuha ng tubig. Sa kasalukuyan, mayroon nang linya ng tubig ang ilang bahagi ng Bustos ngunit mayroon pa ring gumagamit ng poso sa mga kanayunan.

Transportasyon Ang transportasyon ayon sa matatanda ay hindi gaya ng sa kasalukuyan. Noong wala pang mga kalsada, sa pilapil naglalakad ang mga nanggagaling sa bukid. Ilang kilometro ang kailangang lakarin ng mga unang tao upang makarating sa ibang barangay. Ang iba naman ay sumasakay sa kalabaw o kabayo, kung minsan ay sa mga karitong hinihila ng mga hayop na ito. Kung tatawid naman sila ng ilog papuntang ibang bayan ay sumasakay sila ng “Planceta” na isang uri ng balsang hinihila sa magkabilang panig ng ilog.

Panganganak Sa panahon na hindi pa laganap ang mga makabagong mga gamot at midwife, karaniwang hilot ang nagpapaanak sa mga buntis. Sila ay mga medico na matatagpuan sa mga kanayunan. Gumagamit sila ng mga karaniwang halaman sa kanilang mga operasyon. Pinapainom ng pinakuluang luya ang buntis upang humilab ang tiyan. Maaaring tumagal ang pagpapaanak ng ilang araw hanggang mailabas ang bata. Hindi ginagawa ang Cesarean noong unang panahon.

Panghuhuli ng Ahas at Alternatibong Medisina Bunga rin ng pangangailangan, nagkakaroon ng mga gawain o hanapbuhay tulad ng panghuhuli ng ahas. Si Reneng Ahas ay isang magsasaka na nangailangang manghuli upang mabawasan ang mga

48 49

Bustos Book FINAL.indd 48 6/8/2012 2:29:21 PM

Page 49: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

alopong sa bukid. Gamit ang isang mahabang bakal at kutsilyo, hinahanap nila ang mga ahas na malaking panganib sa mga hayop at mga tao. Kailangang ipitin ang ulo ng ahas gamit ang bakal bago ito hawakan upang hindi ito makatuklaw o makakagat. Kung hindi ito kinukulong, ito ay kinakain o ipinagbibili. Kung ito ay iluluto, unang tinatanggal ang ulo nito kung saan nakadeposito ang lason. Gamit ang kutsilyo, hinuhubaran ng balat ang ahas. Karaniwang inaadobo ang karne ng ahas. Karaniwang mga Tsino ang bumibili ng mga ahas dahil ito ay ginagamit na gamot sa ibat ibang sakit. Ang apdo ng alopong ay pinaniniwalaang gamot sa diabetis. Ang dugo naman nito ay ginagamit na pampasigla ng katawan. Ang katas ng balat nito ay pinapahid para sa mga sakit sa balat gaya ng eczema. Isa sa mga nasabing bisa ng ahas ay nakapagpasigla ng may leukemia matapos uminom ng dugo at apdo nito.

Kamatayan Tuwing may namatay, nakikita ang pagdadamayan ng mga magkakabarangay. Dito rin nakikita ang mga tradisyon ng bayan. Sa lamay masasaksihan ang Dalit at Duplo. Ang ibig sabihin ng dalit ay dasal na paawit. Ito ay malungkot na awit tungkol sa kamatayan. Ang duplo naman ay sagutan ng mga linya ng lalaki at babae. Mayroong hari na siyang namamagitan sa duelo. Karaniwang pag ibig ang tema ng mga duelo. Ginagawa itong libangan para sa mga dumadalo sa lamay.

Panliligaw Ayon sa matatanda, malaki ang pinagkaiba ng panliligaw noon kaysa ngayon. Mahirap ang pinagdadaanan ng isang lalaking may nais magka asawa. Kinakailangang mapatunayan ng lalaki sa magulang ng kanyang nililigawan na siya ay may kakayahan na magtrabaho at buhayin ang babae. Tumutulong siya sa paghahanapbuhay ng ama at gumagawa ng mga gawaing bahay. Makikita din sa panahong ito ang paggalang na hinihingi sa manliligaw. Ayon sa isang matanda, hindi basta maaring pumasok sa tarangkahan ng isang bahay ang bisita. Kailangang tumawag siya mula sa labas at hintaying may magpapasok sa kanya. Kailangan din na hintaying papasukin ang manliligaw sa pinto bago siya tumuloy. Hanggang sa loob ng bahay ay dapat na hintayin niya na sya ay paupuin. Sa huli, ang mga magulang ng dalaga ang masusunod kung maaring manligaw ang lalaki sa kanilang anak. Maging hanggang kalian kailangang magsisilbi ang lalaki ay nakasalalay sa magulang ng babae. Ayon sa isa naming nakapanayam, maaaring umabot ng limang taon ang paninilbihan.

Pagsasaka Ang pangunahing kabuhayan ng mga taga Bustos ay pagsasaka. Ayon sa kasaysayan, may malaking sakop ng lupain na tinatawag na Hacienda Buenavista na pagmamay-ari ng isang pamilyang taga-

48 49

Bustos Book FINAL.indd 49 6/8/2012 2:29:22 PM

Page 50: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Bustos. Masasabing maganda ang relasyon ng mga kasama at kanilang mga panginoon. Ayon kay Ginoong Eballo, ang mga magsasaka ay naglalagay ng gatas ng kalabaw sa pintuan ng kanilang mga amo. Ito, pati iba pang mga paraan ng magandang pakikisama sa kanilang panginoon ay makikita sa Bustos. Ang pagkakaroon ng maayos na relasyon ng magsasaka sa kanilang panginoon ay maaaring isang dahilan kung bakit hindi lumaganap ang kilusang Hukbalahap sa Bustos. Maaaring hindi nagtugma ang ideolohiyang Komunismo sa pamumuhay at sitwasyon ng magsasaka kung kaya naging kakaiba ang Bustos sa pakikipaglaban sa panahon ng digmaan. Nagkaroon ng BMA at hindi Hukbalahap.

Pista Ang pista ng Sto. Nino sa Bustos ay pinagdiriwang tuwing Pebrero. Karaniwang tuwing Enero ginaganap ang pista nito sa ibang bayan ngunit isang maaaring dahilan ng paglipiat nito ng petsa ay ang trahedyang naganap noong 1862. Lumubog ang plancetang may sakay na mga batang bibinyagan papuntang Baliuag. Bilang pag-aalala sa mga namatay na bata, binigay ang Sto. Nino bilang patron ng bayan ng Bustos ng pari ng Baliuag. Tuwing pista ay may ibat ibang mga programang ginaganap. May prusisyon ng mga Sto. Nino mula sa mga taga Bustos. Nilalabas ng mga may ari ng poon ang kanilang mga inaalagaang rebulto upang iparada. Mayroon ding mga musiko, gaya ng Sto. Nino Brass Band. Dito rin ginaganap ang Tugyaw, na ang ibig sabihin ay tugtog at sayaw. Makikita rin ang mga mananayaw, sila ang mga nakatatandang mga kababaihan mula sa mga barangay na sumasayaw sa piyesta bilang panata. Ginaganap din ang Bata-Bata Festival kung saan ang mga bata ay nagbibihis Sto. Nino. Sa pistang bata naman ginaganap ang pagpapakain sa mga piling bata ng simbahan. Sa gabi ng parokya pinapalabas ang mga presentasyong pinaghandaan ng bawat barangay. Ginaganap din ang ng mga magsasaka ang Pasasalamat. Dinadaos ito matapos ang isang masaganang ani. Maaaring hiwalay ito sa mga pista ng mga patron ng bawat barangay. Dahil ito ay depende sa ani, hindi iisa ang petsa ng pasasalamat. Maaring sa una o ikalawang ani ng palay ito ginaganap o kung minsan ay hindi ito dinadaos kung hindi maganda ang ani. Ilan sa mga pista ng mga patron ay ang Sta. Monica ng Bonga at Tibagan at San Isidro ng Liciada at Buisan. Karaniwang mga ginagawa sa pista ng barangay ang mga palaro gaya ng palo sebo, paghuli ng biik at karera. Tuwing pista rin ginagawa ang pagsasagala. Maaaring ang mga kabataan ang nagsasagala o kung minsan naman ay ang mga mag asawa. Ang paghahandog din ng mga donasyon para sa simbahan na tinatawag na alayan ay ginaganap din tuwing may misa sa panahon ng piyesta. Dito rin masasaksihan ang mga musiko at mga mananayaw sa parada. Sa pista rin makikita ang pagparada ng hermana na nakasakay sa kariton na hinihila ng kalabaw gaya ng sa Liciada at Buisan. Gaya ng halos lahat ng pista sa Pilipinas, may handaan at pakain sa mga bahay lalo na ng

50 51

Bustos Book FINAL.indd 50 6/8/2012 2:29:22 PM

Page 51: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

mga mayayaman. May mga kasiyahan din tulad ng mga patimpalak. Sa kasalukuyan, isa pang programa na ginaganap sa mga pista ang mga libreng pa-check up at iba pang mga serbisyo. Ito ay bagong gawain sa mga pista dahil ayon sa isang senior citizen, kailangan na maging praktikal ang pagdiriwang at iwasan ang sobrang paggastos dahil mahirap ang buhay ngayon.

Ang Mga Bahay na Bato ng Bustos

Sa gitna ng kasalukuyang pamamayani ng mga gusaling yari sa konkreto, semento at iba pang mga makabagong materyal, ang mga bahay na bato na nananatiling nakatindig sa bayan ng Bustos ay nagsisilbing pagpapatotoo sa makulay na kultura at mayamang nakalipas ng bayan. Hanggang ngayon, ang mga tahanang ito ay patuloy na sumasaksi sa pagdaloy ng buhay at pag-unlad ng Bustos bilang isang bayan. Sa pagbagtas sa Kalye Heneral Alejo G. Santos, makikita ang hilera ng mga lumang bahay na ito na patuloy na ipinamamalas ang tibay at ganda, sa kabila ng maraming pagbabago na hatid ng paglipas ng panahon.

Pamanang Kolonyal Isa sa maraming pamanang kolonyal ng mga mananakop na Espanyol ang mga bagong anyo ng arkitektura na hinango mula sa mga estilo, disenyo at pamamaraang Kanluranin. Isa sa mga naging produkto ng impluwensyang ito ang mga bahay na bato – mga bahay na ang ibabang bahagi ay yari sa bato at ang itaas na bahagi ay yari naman sa kahoy. Mula sa tradisyunal na bahay kubo ng ating mga ninuno, lumitaw ang mga bahay na bato bilang tahanan ng mga mayayamang principalia at ilustrado, bunsod ng paglaki ng mga bayan, mga taniman at mga industriya. Masasabing hindi purong impluwensyang Espanyol ang bahay na bato, sapagkat pinagsasanib nito ang mga katangiang pang-istruktura ng bahay kubo at estetikong Europeo at Asyano. Tulad ng naunang bahay kubo, ang bahay na bato ay idinisenyo ayon sa likas na katangian ng kapuluan – bato ang ilalim na bahagi nito sapagkat madalas tamaan ng lindol ang bansa, at ang itaas na bahay ay mistulang pinagandang bahay kubo na akma sa tropikal na klima ng Pilipinas. Ang latag ng bahay na bato ay maiuugnay sa bahay kubo dahil ginamit pa rin ang batayang hugis nito – cubo (cube) – malaon hanggang sa naipakilala ang volada o nakalabas na balkonahe at ang istilong geometrical.

Istruktura at Estetiko Walang iisang hitsura ang bahay na bato: ang bawat isa ay mayroong mga katangiang iba mula sa iba pang mga bahay, batay sa nais ng nagpapatayo o sa pook na kalalagyan ng bahay. Sa kabila ng mga kaibahang taglay ng mga bahay na bato, mayroon pa ring mga makikitang pagkakatulad sa mga ito. Karaniwang dalawa ang palapag ng mga bahay na bato: sa itaas na palapag matatagpuan ang bahaging residensyal nito at ang ibabang palapag ay mayroong bodega kung saan inilalagay ng mga lumang kagamitan o mga ani, zaguan na pinaglalagakan ng mga karwahe at karosa ng

50 51

Bustos Book FINAL.indd 51 6/8/2012 2:29:22 PM

Page 52: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

mga santo (anda) at ang kwadra para sa mga alagang kabayo. Pinalilibutan ang itaas na bahagi ng bahay ng mga malalaking bintana na may mga kabibeng capiz (na lagusan ng liwanag at panangga mula sa alikabok), na binubuksan sa araw at sinasara sa gabi o kapag mayroong bagyo. Ang mga bahay na bato ay nagtataglay ng mga istrukturang sinadya para makapasok ang hangin: mataas na bubong, makakapal na mga batong pader, at mga inukit na butas sa itaas na palapag na tinatawag na ventanilla.

Pag-usbong ng Mga Bahay na Bato sa Bustos Dahil sa paglago ng agrikultura at sa paglahok sa Kalakalang Galyon1, maraming pamilya sa Bustos ang nagkaroon ng maalwang pamumuhay, at ang mga bahay na bato na kanilang ipinatayo ay naging simbolo ng kanilang karangyaan at katanyagan. Ang mga bahay na bato na nananatiling nakatayo sa Bustos ay tinatayang itinayo noong ikalabinwalong dantaon at tulad ng nabanggit, ang mga ito ay mayroon ding mga katangiang tulad ng ibang mga bahay na bato na matatagpuan sa ibang bahagi ng bansa. Ngunit may isang katangian ang mga bahay na bato ng Bustos na kaiba mula sa ibang mga halimbawa ng bahay na bato – ang mga panlabas na mga batong pader at haligi nito ay nagtataglay ng mga labor o mga inukit na disenyo na kadalasan ay may temang floral at may kaugnayan sa Katolisismo. Ayon sa mga may-ari ng mga bahay na bato sa Bustos, mga manlilikhang taga-Bustos ang gumawa sa mga labor na makikita sa kani-kanilang mga tahanan. Gayundin, ang mga batong ginamit sa mga bahay na ito na tinatawag na adobe ay sinasabing nagmula sa barangay ng Tibagan. Ayon kay Dr. Arvin Eballo, mananaliksik ng kasaysayan ng Bustos, ang pinagmulan ng ipinagmamalaking meryenda ng Bustos na minasa (may mas malalim na pagtalakay ukol dito sa susunod na bahagi ng kabanatang ito) ay maitatali sa konstruksyon ng mga bahay na bato. Ipinapalagay na dahil ang puti ng itlog ay ginagamit na pandikit para sa pagtatayo ng bahay na bato, ang pula naman nito ang ginamit para sa minasa. Gayundin, ang mga manlilikhang umukit ng mga labor sa mga bahay na bato ang siya ring umukit sa mga hulmahan ng minasa. Mangilan-ilan lamang ang mga bahay na bato na nananatiling nakatayo sa Bustos, at karamihan sa mga ito ay hindi na rin gaanong nabibigyan ng kaukulang pansin. Dahil mga pribadong pag-aari ang mga ito, ang mga kasalukuyang mga may-ari nito ang magpapasya para rito, na masasalamin sa ilang mga bahay na hindi na kinumpuni o naalagaan. Gayunpaman, ang mga bahay na bato ng Bustos ay patuloy na sumasagisag sa mayamang nakalipas at sa makulay na kultura at sining ng bayan. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga bahay na bato na patuloy pa ring nakatindig sa bayan ng Bustos.

1 Ayon kay Dr. Arvin Eballo, mananaliksik ng kasaysayan ng Bustos, ang mga punong bonganadatiaymatatagpuansaBustosay ipinagbibilisaKalakalangGalyonbilangpangkulaysaseda(silk),isangkalakalmulasaChina.

52 53

Bustos Book FINAL.indd 52 6/8/2012 2:29:23 PM

Page 53: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

Bahay Mercado at Bahay Perez (Bonga Menor) Ang mga pamilyang Mercado at Perez ay mga bantog na pamilya sa larangan ng komersyo at agrikultura. Tulad ng iba pang mga mayayamang pamilya ng Bustos, ang katanyagan at karangyaan ng mga pamilyang ito ay sinagisag ng mga bahay na bato na nananatili pa ring nakatindig hanggang sa kasalukuyan. Ang tahanang nito ay isa sa mga bahay na ginamit na kuta ng mga Katipunero sa Bustos. Nagkaroon ng mga pagkumpuni sa Bahay Mercado noong 1937, matapos masira ng bagyo ang ilang bahagi ng bahay na ito. Katangi-tangi ang mga disenyong labor na nakaukit sa mga pader

Larawan 1. Ang Bahay Mercado sa Bonga Menor. Ang lumang larawan ng Bahay Mercado ay halaw mula sa Zialcita at Tinio (1980).

52 53

Bustos Book FINAL.indd 53 6/8/2012 2:29:27 PM

Page 54: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

nito. Sa kasalukuyan, ito ay isa sa mga atraksyong pangkalinangan na ipinagmamalaki ng Bustos.

Bahay Cunanan (Bonga Mayor) Tinatayang itinayo noong 1847, ang bahay na ito ay ipinatayo ng mag-asawang Hisberto de Leon at Francisca Mendoza. Sa tahanang ito isinilang sina Andres de Leon (kilala sa taguring Kapitan Andres) at Ventura de Leon (kilala bilang si Kabisang Tura), mga naging tagapamahala ng bayan ng Bustos noong panahon ng mga Espanyol. Dito rin isinilang at lumaki sina Pio Lim (salinlahi ng anak nina Hisberto at Francisca na si Nieves, na nakapangasawa ng Tsinong bumibili ng asukal sa Bustos), na naging kapitan ng Bulacan

Larawan 2. Ang Bahay Cunanan sa Bonga Mayor. Ang lumang larawan ng Bahay Mercado ay halaw mula sa Zialcita at Tinio (1980).

54 55

Bustos Book FINAL.indd 54 6/8/2012 2:29:32 PM

Page 55: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

Military Area (BMA) na lumaban noong panahon ng okupasyong Hapones, at Atty. Urbano Cunanan, na naging pangalawang punong-bayan ng Bustos noong 1960 hanggang 1964.

Villa Florencia (Poblacion) Ang bahay na ito ay isa sa mga pinakamatanda at pinakamalaking kolonyal na bahay sa Bustos. Ipinangalan sa dati nitong may-ari, si Doña Florencia Mateo, na kilala bilang si Capitan Penciang. Ang pagtatayo sa bahay ay pinasimulan noong mga bandang 1860 at natapos noong 1888, sa pangangasiwa ng isang Cojuangco, isang Tsinong mestizong arkitekto. Namatay na dalaga si Doña Florencia, at ipinamana ang bahay na ito sa kanyang pamangkin na si Tomasa, na kalauna’y mapapangasawa si Salvador Jacinto. Bantog ang tahanang ito sapagkat madalas itong gamitin sa mga pelikula at mga palabas sa telebisyon. Ilan sa mga pelikula at programang kinunan dito ay Maruja, Mulawin at Blusang Itim.

Minasa, Ang Ipinagmamalaking Pagkain ng Bustos

Sa pagsasaliksik ng kasaysayan ng isang bayan, hindi maitatanggi ang pangangailangan na mabigyang panahon ang pag-aaral sa sarili nitong pagkain. Ang pagtuon ng pansin sa pagkain ay magbibigay sa atin ng malawak na pagtingin sa kung paano umaayon ang mga tao sa kanilang kapaligiran, sa iba’t bang pangyayari sa lipunan at pagbabago sa mga pamamaraan at teknolohiya. Kilala ang bayan ng Bustos dahil sa natatangi nitong pagkain at isa sa ipinagmamalaking pagkain ng Bustos ay ang minasa. Nagmula ang katawagang ito buhat sa salitang ‘masa’, ang paraan ng paghahanda sa dough bago ito lutuin. Isang uri ng panghimagas, ang minasa ay pangunahing inihahain ng mga mayayamang pamilya para sa kanilang merienda, at sa mga bisitang dumarating sa panahon ng kapistahan at mga espesyal na okasyon. Nagsisilbi rin ito bilang regalo ng mga mayayaman noon sa kanilang mga bisita, kaibigan at sa ibang tao, alinsunod sa tradisyon ng caridad o kawang-gawa. Katambal ng minasa ang tsokolate sa tuwing kakainin ito. Nagsimula noong panahon ng Espanyol, naging tanyag ito bilang pagkaing pang-itaas sa dahilang ang mga mayayaman at nagmamay-aring uri lamang noong panahon ng Espanyol ang may kakahayang maghanda ng minasa. Dahil ginagamit ang puti ng itlog sa paggawa ng mga bahay na bato bilang pampatibay o pandikit sa mga inihanay na adobe o bati na nagsisilbing haligi ng unang palapag, upang mapakinabangan at hindi masayang lang ang mga naiwang pula ng itlog, naisipan ng kanilang mga maybahay na gamitin ito sa paggawa ng panghimagas at nakilala na ito ngayon bilang minasa. Sa pagdaan ng panahon, maging ang mga gitnang uri at ordinaryong mamayanan sa Bustos ay nagkaroon na ng kaalaman sa paghahanda at paggawa ng minasa dahil sa nakuhang karanasan mula sa pagtulong ng mga manggagawa at kasambahay sa mga hacienda at mayayamang bahay ng kanilang mga amo habang naghahanda ng minasa.

54 55

Bustos Book FINAL.indd 55 6/8/2012 2:29:32 PM

Page 56: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Noong unang ginagawa ang minasa, kinakailangan ang mga sangkap gaya ng asukal, gata ng niyog, pula ng itlog, harina, mantikilya at sago starch. Sagana ang mga bahay noon sa halaman ng sago kung kaya’t naisipan na gamitin ito sa pagluluto. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting humina ang suplay ng sago starch. Mahaba ang proseso sa pagpapakatas ng sago starch na inaabot ng mahigit apat na araw. Marahil, sa ganitong paraan, nagsilbing pamalit ang cassava flour bilang sangkap sapagkat may mas malaking suplay at maaring makuha sa mababang halaga kumpara sa sago. Nagpatuloy ang paggamit sa cassava flour hanggang sa kasalukuyan lalo na sa pagpasok ng komersalisasyon ng industriyang ito. Paghahaluin mabuti ang lahat ng sangkap hanggang makabuo ng isang dough. Pagkatapos, kinakailangan na masahin ito ng mabuti. Dahil mano-mano noon ang proseso, matagal ang paghahanda ng minasa, pangunahin sa bahagi ng paghahalo at pagmamasa. Mahalaga ang bahagi ng pagmamamasa dahil magiging malambot ito at hindi makukuha ang tamang hugis at korte mula sa hulmahan kung hindi sapat ang ginawang pagmasa. Matapos nito, ilalagay na ang ang dough sa trohel, isang espesyal na hulmahan na ginagamit ng mga Bustosenyo para sa minasa. Natatangi ito sa ibang hulmahan sapagkat ang nakaukit sa isang bawat kwadradong hugis ay mga bulaklak na disenyo. Mapapansin din na ang bulaklak ang pangunahing disensyo sa mga labor ng mga bahay na bato sa Bustos. Noong unang panahon, ginagamit na disenyo ang mga santo na nakadepende sa patrong pinasasalamatan. Puputulin isa-isa ang nahulmang dough upang lutuin sa hurno. Maliit lamang ito at mano-manong pinapainitan kung kaya’t maliit na bilang lamang ang kaya nitong lutuin at umaabot ng ilang oras. Tulad sa pagluluto ng bibingka, nasa itaas at ibaba ang apoy o baga ng hurnong ginagamit upang iluto ang minasa. Sa kasalukuyan, ginagamit na ang makabagong oven upang mapabilis ang pagluto at masuportahan ang malakihang produksyon. Pumasok lamang ang komersyalisayon sa industriya ng minasa noong dekada ‘80 at ‘90. Simula noon, dumami na ang mga nagtitinda nito sa Bustos dahil sa lumalaking demand mula sa mga balikbayan at turistang dumadayo buhat sa iba’t ibang probinsya gaya ng Ilocos at Cebu. Sa katunayan, naiiluluwas na sa iba’t ibang bansa ang produktong ito at lumalakas ang bentahan tuwing Kapaskuhan. Upang mapalaki ang industriya at makilala ang Bustos bilang tahanan ng isa sa mga natatanging panghimagas mula sa Bulacan, itinampok ng pamahalaang bayan noong Enero 16, 2011 ang kauna-unahang Minasa Festival kasabay ang pagdiriwang sa taunang pagkakatatag ng bayan ng Bustos. Maliban sa minasa, ginagawa rin sa Bustos ang ilang kilalang panghimagas gaya ng barquillos at lengua de gato. Katambal ng barquillos sa pagkain ang sorbetes at niluluto sa putaw, isang pahabang lutuan kung saan nilalagay ang ginawang halo mula sa harina, gatas at itlog. Ang pangunahing sangkap naman sa lengua de gato ay ang mantikilya.

55 56

Bustos Book FINAL.indd 56 6/8/2012 2:29:32 PM

Page 57: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

Tradisyong Pasalindila (Oral Tradition)

Ang masusing pagtingin sa tradisyong pasalindila ay maaring magbigay sa atin ng iba’t-ibang kaalaman tungkol sa buhay ng mga Pilipino bago dumating ang mga mananakop na Espanyol. Una, masasalamin nito ang mga persepsyon at pananaw ng mga tao ukol sa kanilang pamumuhay at kapaligiran. Pangalawa, maaari nating mahinuha ang uri ng pamumuhay o gawaing mayroon ang mga sinaunang Pilipino. Gaya ng pag-usbong nito sa Pilipinas noon, mayroon mga tradisyong pasalita ang naging tanyag sa bayan ng Bustos. Ilan sa mga ito ay ang karagatan, duplo at balagtasan. Ang mga ito ay mga halimbawa ng tulang patnigan. Sa uri ng tulaang ito, kinakailangan ang talas ng pag-iisip at mahusay na pangangatwiran. Naipagpatuloy ang tradisyon ito sa pamamagitan ng pagsasalindila.

Karagatan Isa sa mga naging kilalang libangan noong panahon ng mga Espanyol ay ang karagatan. Ayon sa mga kwentong bayan, hinango ang pangalan nito mula sa isang sinaunang alamat tungkol sa isang prinsesang nakapaghulog ng isang singsing sa gitna ng karagatan at nanumpang papakasalan ang binatang makakuha muli ng singsing. Ang karagatan ay isang uri ng libangan na patula tuwing may lamay ng patay sa isang lugar. Ginaganap ito sa bakuran o sala ng bahay at sa tuwing siyam na araw ng padasal para sa patay, sa ika-labintatlong araw ng kamatayan, at isang taon makalipas ang kamatayan. Sa panimula, mayroong isang matanda, na siya rin magiging tagapamagitan, ang tutula upang maipahayag ang dahilan ng laro. Matapos nito papaikutin ang isang lumod, isang uri ng tabo na yari sa niyog, at kung sinuman ang binatang matatapatan nito, siya ang mapapatawan ng responsibilidad upang kumana ng pagsagot. Kailangan siyang sumagot sa ibibigay na tanong o talinghaga ng dalaga. Hindi lumaon, nakita bilang banta ng simbahang katoliko ang mga tema ng karagatan. Noong 1741, pinaghigpitan ng Arsobispo ng Maynila ang pagsasagawa ng karagatan dahil sa ilang pagkakataon may mga nasasambit na pananalita na labag sa kautusan at aral ng Simbahan. Ang sinumang nagnanais na magtanghal nito ay nangangailang kumuha ng permiso. Ang susunod na mga linya ay ang binabanggit sa panimula ng karagatan: Karagatang ito’y kahit malalim Pangangahasan kong aking lulusungin Hustong bait ninyo ang titimbulain Na inaasahang sasagip sa akin

Duplo Upang mapagpatuloy ang nakagisnang tradisyon ng karagatan, isang uri ng tulang patnig ang nabuo at ito’y nakilala sa tawag na duplo. Hango ang salitang duplo sa ‘doble’ (dalawahan) na

55 56

Bustos Book FINAL.indd 57 6/8/2012 2:29:32 PM

Page 58: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

masasalamin sa katangian ng kilalang libangang ito. Hindi gaya sa naunang karagatan, isinama sa pamamaraan ng pagduduplo ang mga relihiyosong konspeto at aral na buhat mula sa Simbahan at Bibliya. Ito ay upang maging kaaya-aya ito para Simbahan at hindi na muling paghigpitan gaya ng nangyari sa karagatan. Kaya naman, masasalamin rito ang malaking impluwensya ng Simbahan Katoliko sa paghubog ng panitikang Pilipino. Unti-unting nabuo ang duplo noong ikalabingwalong dantaon. Nilalahukan ito ng mga babae at lalaki na may kakayahang makipagbigkasan ng tula at hinahati sa dalawang grupo, una ay ang mga bellacos para sa kalalakihan at bellacas para sa kababaihan. May magsisilbing tagapamagitan sa larong ito na tinatawag na ‘May Hari’ o ‘Punong Halaman’ at siya ng magsasambit ng sa umpisa ng layunin at ang katanungan o talinghaga. Sa maraming pagkakataon, sinisimulan ikaugnay sa isang krimen tatanungin ng May Hari. Ilan dito ay pagalam kung sino ang pumatay sa kanyang alaga o ‘di kaya naman ang nagnakaw ng rosas sa hardin. Maari niyang akusahan ang sinuman kalahok. Upang magwagi, dapat mapatunayan ng isang panig na sila ay walang sala at ang kanilang katunggali ang siyang salarin. Sa ganitong pagkakataon, ang May Hari rin ang siyang may paghuhusga sa magwawagi. Isang palo sa palad ang kaparusahan sa sinuman hindi mabigong malinis ang sarili. Sa isang magandang dupluhan, kinakailangan na maging dodekasilabika ang istraktura nito. Bibubuo ang dodekasilabika ng labindalawang pantig sa apat na linya. Sinasabi na magaling ang isang duplero o duplera kung makakapagbigkas ito ng hindi kukulang o hihigit sa nabanggit na istraktura. Kapag umayon ito sa pamantayang dodekasilabika, sinasabi ito bilang isang ‘malamyos.’ Kung bahagyang nagkulang o lumabis sa bilang ng pantig sa bawat taludtod o ‘di nama’y sumabit sa pagtutugma, sinasabi nilang ito’y nagbubulik-bulik ang blosa. Katulad ng karagatan, isinasagawa ang dupluhan tuwing may lamay ng patay sa bayan o isang barrio. Nagsisilbing layunin ng larong ito ay upang maaliw ang mga taong nakakaramdam ng lungkot, pagkaulila at hinagpis na dulot ng kamatayan ng mahal sa buhay. Nagbibigyan rin ito ng pagkakataon upang mahasang mabuti ang kaisipan at magbigay-parangal sa yumao. Dahil sa impluwensya ng Simbahan, humugot ng kaalaman ang mga kalahok mula sa mga talata ng Bibliya at pasyon, bagaman walang tiyak na tema itong pinatutunguhan. Maaaring may magamit na paksa tungkol sa mga aral ng Kristyanismo, o mula sa kasaysayan. Kinakailangan ang talas ng pag-iisip sa mga kalahok dahil walang paghahandang ginaganap bago magsimula ang dupluhan. Sinasabing naging partikular na libangan ito sa mga bayan ng Bulacan, at maging sa Bustos mula sa pagkakatag nito. Ang mga magagaling sa pagduduplo noon ay mga magsasaka sapagkat mayroon silang malaking natitirang oras sa kanilang trabaho sa bukid upang magsanay sa pagduduplo. Sa kasalukuyan, may ilan pa ring bihasa sa sining na ito. Nagugol nang lahat o! Sinta’t kong ibig, Ang buo kong kaya sa pagmamasakit

58 59

Bustos Book FINAL.indd 58 6/8/2012 2:29:33 PM

Page 59: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

Ay hindi pinalad na naipaalis Ang parusang lagda ng sentenciang lihis

Balagtasan Sa pagnanais na muling buhayin ang huminang tradisyon ng duplo, ipinakilala ang bagong uri ng pagkikipagtalastasan na tinawag na balagtasan. Noong 1924, sa panahon ng kolonyalismong Estados Unidos, binuo ang makabagong duplo na tinawag na balagtasan. Hinango ang pangalan mula kay Francisco Baltazar, na mas kilala bilang Francisco Balagtas, isang kilalang makatang Tagalog noong ika-18 dantaon, Ang pagpapangalan ng tulaang ito kay Balagatas ay ayon sa mungkahi ni Patricio Dionisio, ngunit kay Jose Sevilla nagmula ang katawagang ‘balagtasan.’ Kung ihahambing sa duplo, mas pormal ang balagtasan. Sa larangang ito nakilala si Jose Corazon de Jesus at si Tampok dito ang dalawang kalahok at may isang tagapamagitan. May isang temang pagdidiskusyunan ang dalawang kalahok at dapat nila itong mapanindigan ayon sa kanilang tinatayuan. Di gaya sa duplo, mas tiyak ang mga tema gaya ng pagmamahal at ilang isyung makabayan politikal at ekonomiya. Mas nabigyan pagpapahalaga din ang papel ng publiko. Kumpara sa duplo na isang grupo lamang ang kalahok at isinasagawa lamang sa bakuran o sa loob ng bahay , tinatanghal ito sa mga paaralan at maging sa ilang istasyon sa radio. Higit pa, nagagamit ito upang paghusayan ang kasanayan ng mga kabataan sa panitikan dahil sa mga ginagawang paligsahan sa paaralan at pistang bayan. Ang susunod ay isang halimbawa ng balagtasan. Ang Manggagawa at Makina (mula kay Lope K. Santos) Manggagawa: Sa kapangyariha’t dunong ni bathala Ang katuhan ko’t lakas nagmula: Tagatuloy ako ng Kaniyang ginawa Tagatupad ako ng Kaniyang tadhana Makina: Di gaya ng taong kamay ni Bathala Ang kinikilalang sa kanya’y gumawa; Ang kabuhayan ko at unang simula’y Sumipot at sukat nang di sinasadya

Dalit Sa pagdaan ng panahon, unti-unti tumamlay ang tradisyon ng duplo sa lamayan ng patay. Isa sa mga nakikitang dahilan dito ay ang kahabaan ng duplo na minsa’y inaabot ng hatinggabi, dahilan

58 59

Bustos Book FINAL.indd 59 6/8/2012 2:29:33 PM

Page 60: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

sa ayaw magpatalo ng dalawang panig at humahaba nang tuluyan ang pagtutunggali. Sa ilang pagkakataon, humahantong sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig. Mula rito umusbong ang isang uri ng dasalan, ang dalit. Hinango ang katawagang ito mula sa ‘dasal na awit.’ Mula rito, makikita natin ang pangunahing katangian ng dalit. Isa itong pormal na dasalan na isinasagawa tuwing may lamay ng patay. Malungkot ang pamamaraan ng pag-awit ng dalit. Kumpara sa duplo, sinasabing mas tiyak at maikli ang nilalaman ng mga linya sa dalit. Mas malalim din ang mga tema ng ginagamit sa dalit.

e f

60 61

Bustos Book FINAL.indd 60 6/8/2012 2:29:33 PM

Page 61: Bustos KKK

BuhAy Bustosenyo: pAnlipunAng KAsAysAyAn ng Bustos | MAguAd, MArCAidA, Molo At poliCArpio

60 61

Sanggunian (Tradisyong Pasalindila)

Lumbera, Bienvenido. Tagalog Poetry, 1570–1898: Tradition and Influences in Its Development.Zafra, Galileo S. Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya.

Bustos Book FINAL.indd 61 6/8/2012 2:29:33 PM

Page 62: Bustos KKK

Pamumuhay Bago Ang Digmaan

Ang mga tradisyon at mga kaugalian sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Bustos ay halos walang pagkakaiba sa ibang lugar. Isa sa mga kahanga-hangang ugali ng mga taga-Bustos ang pagiging magalang. Mataas ang kanilang pagtingin sa mga matatanda at hindi nakakalimot ang mga nakababata na magbigay-galang sa mga ito sa pamamagitan ng pagmamano o paghalik sa kamay. Ang mga kababaihan ay konserbatibong manamit at mahinhin kung kumilos. Sila ay nagsusuot ng camisa at maluluwag na palda. Pinaparisan ang mga ito ng pahabang piraso ng telang tinatawag na tapis.

Gampanin Ng Mga Babae Sa Pamilya

Pinapahalagahan ng mga taga-Bustos ang kanilang pamilya at bawat miyembro ay may ginagampanang tungkulin sa tahanan. Habang ang ama ang karaniwang naghahanapbuhay upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mag-anak, katuwang naman niya sa pagtaguyod ng pamilya ang kaniyang asawa. Karamihan ng mga asawang babae sa Bustos ay nananatili lamang sa bahay upang alagaan ang

Ang Kababaihan sa Kasaysayan ng Bustos Yzabella Alyssa Patrice C. Acuña at Stephanie M. So

7

KABANAT

A

ANG LARAWANMga kasapi ng Catholic Women’s League, isang organisasyong pangkababaihan sa Bustos.

62 63

Bustos Book FINAL.indd 62 6/8/2012 2:29:34 PM

Page 63: Bustos KKK

Ang KABABAihAn sA KAsAysAyAn ng Bustos | ACuñA At so

kanilang mga anak. Ang ina ang gumagawa ng mga gawaing-bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at paglilinis ng bahay. Siya rin ang nagdidisiplina at nagtuturo ng magandang-asal sa kaniyang mga anak. Kung minsan ay tinutulungan niya ang kaniyang asawa sa paghahanapbuhay. Ang pangunahing ginagampanan ng ina sa kaniyang pamilya ay ang pagsuporta at pag-aaruga sa mga ito. Ang mga anak ay magalang at masunurin sa kanilang mga magulang. Hindi nila nakakaligtaan ang pagmamano o paghalik sa kamay ng mga ito, pati na rin ang pagsabi ng po at opo tuwing kausap ang mga ito. Ang mga anak na babae ang katuwang ng ina sa pagkilos sa bahay. Ngunit pantay-pantay lang naman ang pagtingin ng mga magulang sa mga anak na lalaki at babae.

Hanapbuhay at Pinagkakakitaan

Pagsasaka at pagtutumana ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Bustos. Sari-saring ang kanilang tinatanim sa tumana gaya ng palay, gulay, mani, mais, kamote, at marami pang iba na kanilang inaani at ipinagbibili sa malaking halaga. Ang iba sa mga ito ay iniluluwas pa sa Baliuag, Maynila, at sa iba pang karatig lalawigan. Inaasahan ang mga kababaihan na tumulong at suportahan ang kanilang mga asawa. Tumutulong sila sa pag-aalaga ng taniman, pagpipitas ng mga gulay, at sa pagtitinda ng mga ani. Para naman hindi gutumin ang mga asawa sa maghapon na pagsasaka, hinahatiran nila ang mga ito ng pagkain at tubig. Maliban sa pagsasaka, ang pagbababuyan at pagmamanukan ay karaniwang hanapbuhay din ng mga taga-Bustos. Bukod sa kinikita ng mga lalaki sa pagsasaka at paghahayupan, humahanap rin ang mga asawang babae ng iba pang maaring pagkikitaan upang makadagdag sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Pananahi ang karaniwang ginagawa ng mga babae dahil karamihan ng mga kasuotan noon ay pinapasadya. Nananahi sila ng mga kasuotang panlalaki at pambabae, panloob, at gumagawa ng mga bag.

Edukasyon

Pinapahalagahan ng mga taga-Bustos ang edukasyon sa paghahangad na mabigyan ng magandang kinabuksan ang kanilang mga anak. Ngunit bunsod ng kahirapan, marami sa kanila ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Sa paaralan nila natutunan ang mga pangunahing alituntunin gaya ng pagbabasa at pagsusulat, pagbibilang, at aritmetik.

62 63

Bustos Book FINAL.indd 63 6/8/2012 2:29:34 PM

Page 64: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Pagdating ng Mga Hapon

Dumating ang mga Hapon sa Bustos noong Disyembre 1941 at lubos na nakaapekto sa pamumuhay at nagdala ng takot sa mga mamamayan dito. Nagpatupad sila ng curfew at nagtayo ng mga sentry point. Ang mga magsasaka ay inutusang magtanim ng bulak, sa halip na mga gulay, mais, kanin. Maraming kababaihan ang naabuso at maraming bata ang nahinto sa pag-aaral. May ilang mga paaralang nanatiling bukas ngunit kakaunti na lamang ang pumapasok. Dito itinuro ang kulturang Hapon at wikang Nipongo. Nang matapos ang digmaan at lumisan na ang mga Hapon, nagsumikap at nagtulong-tulong lahat upang muling bumangon mula sa kanilang pagkakalugmok. Sa tulong ng pamahalaan ay unti-unting nabalik sa ayos ang bayan. Ang mga paaralan ay muling nagbukas at nagbalik ang mga mag-aaral na nahinto sa pagpasok. Sa pangunguna ni Dr. Constancia Diokno Perez, maraming pagsasaayos ang ginawa sa mga paaralan sa Bustos.

Mga Maipagmamalaking Babae ng Bustos

Katy Dela Cruz Si Catalina Dela Cruz, o mas kilala bilang Katy Dela Cruz ay isang batikang mang-aawit ng Jazz bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ay tinaguriang “Queen of Jazz, Stage, Radio, Movies and Television” at “Queen of Philippine Vaudeville”. Siya ay pinanganak sa Brgy. Tanawan, Bustos, Bulacan noong Pebrero 13,1907 sa mag-asawang Juan Dela Cruz at Infanta Mangahas. Siya ay naging kandidata para sa magiging kinatawan ng Maynila sa Queen of The Manila Carnival noong 1924. Sa 11 million na boto, nakamit niya ang ikalawang gantimpala. Sa edad na 21, nakipagtanan siya kay Jose Yoingco, isang pianista. Sa kabila ng lubos na pagtutol ng kaniyang mga magulang, sila ay nagsama hanggang mamatay si Yoingco noong 1955. Sa kanilang pagsasama ay nabiyayaan sila ng apat na anak; sina Elena Figueroa, Veronica Teator, Angela Yoingco at Reynaldo Yoingco. Ilan sa mga kaniyang sikat na awitin ang “Planting Rice,” “Balut,” “St. Louis Blues,” and “One of These Days”. Maliban sa Pilipinas, nakapagtanghal rin siya Amerika; sa Honolulu, San Francisco at Las Vegas. Nakapagtanghal rin siya sa iba pang bahagi ng mundo gaya ng, Melbourne, Taiwan, Thailand, Hong Kong and Singapore. Gumawa rin si Katy ng ilang pelikula sa ilalim ng Sampaguita Pictures. Sa katunayan, siya ang napiling Best Supporting Actress ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) noong 1953 para sa kaniyang pagganap sa pelikulang “Inspirasyon”. Kasama ang mga anak, siya ay nanirahan sa San Francisco sa Estados Unidos. Nagbalik lamang

64 65

Bustos Book FINAL.indd 64 6/8/2012 2:29:34 PM

Page 65: Bustos KKK

Ang KABABAihAn sA KAsAysAyAn ng Bustos | ACuñA At so

sa Pilipinas panandalian noong 1989 upang panoorin ang “Katy! The Musical” sa Rizal Theater na pinrodus ni Celeste Legaspi. Hango ito sa kaniyang talambuhay sa panulat ni Jose Javier Reyes at musika mula kay Ryan Cayabyab. Ang aktres na si Mitch Valdes ang gumanap bilang Katy. Namatay si Katy Dela Cruz sa California noong Nobyembre 10, 2004 sa edad na 97.Baby Tancangco Si Luzviminda “Baby” Tancangco ay nanungkulan bilang comissioner ng COMELEC mula Agosto 5, 1998 hanggang Pebrero 2, 2004. Siya ay isa sa apat lamang na bababeng commissioner at siya ring unang commissioner na hindi abogado. Noong Oktubre 8, 1998 hanggang Enero 10, 1999, si Tancangco ang humalili kay Justice Bernardo P. Pardo bilang chairman ng COMELEC sa pagtatalaga ni dating pangulong Joseph Estrada.

Dra. Rosalinda Mendoza Si Dra. Rosalinda Mendoza ang butihing asawa ng dating punongbayan ng Bustos na si Dr. Pablito Mendoza. Tumulong siya sa kaniyang asawa upang lalong mapaglingkuran ang mamamayan. Sila ay nabiyayaan ng walong anak. Ang kanilang panganay na si Mayor Arnel Mendoza ang kasalukuyang nakahalal na mayor ng Bustos. Siya ay naglingkod bilang Municipal Health Officer at puno ng Rural Health Center ng Bustos. Nanguna siya sa pagsasagawa ng mga medical mission at bilang doktor, nagbibigay siya ng libreng konsultasyon lalo na sa mga babae sa kaniyang bayan. Sa edad na 75, hindi pa rin tumitigil si Dra. Linda na paglingkuran at tulungan ang bayan, lalo na ang mga kababaihan. Siya ay tagapayo ng maraming samahang pangkababaihan sa kalakhang Bulacan gaya ng Samahan ng Kababaihan sa Bulacan, Soroptomist Bulacan Chapter, Philippine Medical Association, Bustos Cooperative Movement, pati na rin ng Catholic Women’s League sa kanilang parokya. Siya ay aktibo pa ring opisyal ng Philippine Medical Women’s Association (PMWA) at nagsasagawa ng mga community outreach program. Hindi siya tumitigil sa pakikipagkawang-gawa at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa maraming kababaihan.

Teresa Delos Santos Si Teresa Delos Santos ay ipinanganak noong Oktubre 12, 1905 sa Bustos, Bulacan sa mag-asawang Pedro at Regina Delos Santos. Nag-aral siya ng hayskul at kolehiyo sa University of Manila. Siya ay naging punongguro ng Baliwag Institute noong 1932-1936 at direktor ng Women’s Institute of Fashion sa Baliuag, Bulacan. Noong panahon ng digmaan, siya ay naging first lieutenant ng kilusang guerilla sa Bulacan. Bukod sa pagiging tagalihim ng provincial governor ng Bulacan mula 1946 hanggang 1954, siya rin ay naging opisyal ng BMA Credit Cooperative, Legionnaire Alejo S. Santos Savings and Loan Association, at ng Philippine Veterans Association.

64 65

Bustos Book FINAL.indd 65 6/8/2012 2:29:34 PM

Page 66: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Si Delos Santos ay nanilbihan sa Philippine Veterans Association at isa sa unang sampung babaeng pulis sa Maynila. Siya rin ay tumulong sa pagbubuo ng women’s club sa lahat ng bayan sa Bulacan na nagsasagawa ng libreng vocational training.

Juliana C. Pineda Si Dr. Pineda ay isang mahusay na guro at manunulat. Ipinanganak siya sa Bustos, Bulcan, at nagkolehiyo sa University of the Philippines. Siya ang kanuna-unahang Pilipino nakakuha ng Doctor of Education degree mula sa Indiana University noong 1951. Siya ay isa sa mga tagapagtatag at naging direktor ng Philippine Public School Teacher Association, direktor ng Philippine Association of University Women, Philippine Fulbright Scholars Association, Indiana University Alumni Association, at ng YWCA. Siya rin ang naging kauna-unahang babaeng superintendent ng mga paaralan sa bansa nang siya ay maitalaga sa posisyon noong 1945. Miyembro siya ng Phi Gamma Mu sa UP at ng Pi Lambda Theta, isang honor society para sa mga babaeng guro sa US. Kasama si Josefa Llanes Escoda, isa siya sa mga nakipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan na makaboto. Nakatanggap ng maraming parangal si Dr. Pineda. Ilan sa mga ito ang Philippine Public School Teachers Association award, Manila Federation of PTA Award, Philippine Association of University Women Award bilang isang natatanging ina noong 1948, at University of the Philippines Mother of the Year, 1952. Siya ay nabiyuda noong 1943 kaya kinailangan niyang lalong kumayod para mapag-aral ang kanilang tatlong anak. Ilan sa mga akda ni Dr. Pineda ang mga sumusunod: In The Land of All Day, Si Burgos: Ang Unang Dakilang Pilipino, Si Burgos: Isang Batang Pilipino, Si Rizal: Ang Ulirang Mag-aaral, Si Rizal sa Ibang Bansa, Florante at Laura in Pictures, at Kuwentuhan ng Mga Bata.

Mga Samahan ng Mga Kababaihan Sa Bustos

Konsehong Pambayan Para Sa Kababaihan (KPK) Ang KPK o Konsehong Pambayan Para Sa Kababaihan ay isang samahan ng mga babaeng taga-Bustos na may edad 19 hanggang 59, partikular ang mga maybahay o mga nananatili lamang sa kanilang mga tahanan at walang ibang pinagkakaabalahan. Itinuturo ng samahan sa kanilang mga miyembro ang kanilang mga karapatan bilang babae. Nagtuturo rin sila ng iba’t ibang paraan ng paghahanapbuhay na maaari nilang pagkakitaan. Noon pa naitatag ang KPK, ngunit noon lamang 2010 ito binuhay at mas naging aktibo. Si Gng.

66 67

Bustos Book FINAL.indd 66 6/8/2012 2:29:34 PM

Page 67: Bustos KKK

Ang KABABAihAn sA KAsAysAyAn ng Bustos | ACuñA At so

Rosario Portugal, taga-Buisan, ang unang nahalal na presidente ng samahan noong nagkaroon ng eleksyon ng taong iyon. Sa kasalukuyan, tinatayang may 2,000 na ang miyembro ng KPK mula sa iba’t ibang barangay sa Bustos. Si Gng. Armi Celia Arquerro ang nakaluklok na president ng samahan. May nakatalaga ring mga opisyal sa bawat purok ng labing-apat na barangay. Ang mga miyembro ay nagkakaroon ng pagpulong tuwing ikalawang Biyerenes ng bawat buwan. Ilan sa mga proyekto at gawain na isinasagawa ng KPK ay ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan tuwing buwan ng Marso. Bilang pagdiriwang ng Buwan Ng Kababaihan noong 2012, nagkaroon sila ng Pap Smear Campaign at libreng bone scanning. Nagkaroon rin sila ng isang volleyball tournament. Kasabay rin nito ay ang paglulunsad ng Natatanging Babae ng Bustos. Si Dra. Rowena Ocmer, isang pediatrician ang kasalukuyang kandidata para sa Babaeng Makakalikasan. Nagsasagawa rin ang KPK ng mga livelihood seminar gaya ng paggawa ng paperbag, pabango, sabong panlaba at panghugas ng pinggan, at paggwa ng noodles. Upang makalikom naman ng pondo para sa kanilang mga proyekto ay naglulunsad sila ng mgafund-raising activities gaya ng pa-Bingo at pagbebenta ng mga violet ribbons. Bukod sa KPK, may iba pang mga samahan ng mga kababaihan sa Bustos para sa iba’t ibang adbokasiya.

Solo Parent Federation Ang Solo Parent Federation ay samahan ng mga solo parent edad 15-59. Alinsunod sa Republic Act No. 8972 o Solo Parents’ Welfare Act of 2000 na pinasa noong panahon ni Dating Pangulong Joseph Estrada, ang samahan na ito ang nagtitiyak na nakakamit ng mga solo parent at ng kanilang mga anak ang mga benepisyo at prebelehiyo na itinakda ng batas. Ang mga solo parent ay kinabibilangan ng mga magulang na naging biktima ng panggagahasa, biyuda, nakakulong o maykapansanan ang asawa, hiwalay sa o iniwan ng asawa, o nagkaanak sa pagkadalaga. Nagsasagawa ang federasyon ng livelihood trainings para sa mga magulang na mag-isang tumataguyod sa kanilang mga anak. Nagbibigay din sila ng scholarship sa grade school at high school sa pampublikong paaralan sa mga anak ng mga hirap sa buhay na solo parent. Isa rin sa mga proyekto nila ang pamamahagi ng mga gamit sa paaralan sa mga anak ng kanilang mga miyembro.Ang presidente ng Solo Parent Federation ng buong Bustos sa kasalukuyan ay si Gng. Mira Aquino. Siya ang pangkalahatang namumuno sa 14 na lider mula sa bawat barangay sa Bustos.

Catholic Women’s League of the Philippines (CWL) Sa Parokya ng Sto. Nino matatagpuan ang tanggapan ng Catholic Women’s League of the Philippines o CWL ng Bustos na pinapamunuan ni Elvie Dionisio. Ang CWL ay isang relihiyoso

66 67

Bustos Book FINAL.indd 67 6/8/2012 2:29:34 PM

Page 68: Bustos KKK

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

at boluntaryong samahan ng mga babaeng Katoliko. Layunin nito na paunlarin ang kanilang pananampalataya upang sila ay makapaglingkod sa lipunan ng naaayon sa kanilang paniniwala. Ang CWL ay abala sa iba’t ibang gawaing sibiko gaya ng pagbibigay ng edukasyon sa mga kabataan, pagsasagawa ng livelihood trainings, at pagtatalakay ng buhay-pamilya sa pamamagitan ng pagbubunsod ng mga forum tungkol sa natural na pagpapaplano ng pamilya, sa seksuwalidad, at sa pagiging responsableng magulang.

e f

68 69

Bustos Book FINAL.indd 68 6/8/2012 2:29:35 PM

Page 69: Bustos KKK

Ang KABABAihAn sA KAsAysAyAn ng Bustos | ACuñA At so

68 69

Bustos Book FINAL.indd 69 6/8/2012 2:29:35 PM

Page 70: Bustos KKK

Mga Pananda at Mga Monumento sa Bustos1

Abuharb Afghani P. Alonto at Sharmaine Z. Lizada

8

KABANAT

A

Mabuhay ang mga Bayani at Ang Batingaw ng BustosSimbahan ng Santo Niño, Poblacion

Ang dating pananda na noo’y matatagpuan sa kaliwang bahagi ng simbahan ay inialis at pinalitan ng dalawang bagong pananda. Ika-16 ng Hunyo 1987, sa pangunguna nina Kapitan Bindoy at Andres, nagtipon ang isang libong kalalakihan upang tutulan ang Juez de Cuchillo (Martial Law) na ipapataw sa bayan ng Bustos. Ang batingaw ang tanging bahagi na naiwan sa unang simbahan. Sa kasalukuyan, ito ang “tanda at... alaala ng kasarinlan at pagkakatatag [ng] isang bayan at parokya,” – ang Bustos.

Dating pananda.Sanggunian: Papel sa pananaliksik ni G. Dennis Galvez2

ANG LARAWANArkong pananda ng Bustos na matatanaw sa pagbagtas sa Tulay Hen. Alejo Santos, mula sa bayan ng Baliuag. Larawang kuha ni Sharmaine Lizada.

70 71

Bustos Book FINAL.indd 70 6/8/2012 2:29:36 PM

Page 71: Bustos KKK

MgA pAnAndA At MgA MonuMento sA Bustos | Alonto At lizAdA

1 PasasalamatsaBustosTourismCouncil,partikularkayJoseEdwin“Nesvita”delRosario,atmgaKapitanparasaimpormasyon sakani-kanilangbarangay2 HeritagePreservationChair,BustosResearcher

Roll of HonorPoblacion

Nakatala rito ang pangalan ng mga indibidwal na naging tanyag buhat sa kani-kanilang kontribusyon sa munisipalidad ng Bustos. Ilan rito ang mga lider na nagtulak nang pagsasarili ng Bustos (mula sa Baliuag) noong Panahon ng Kastila. Sa kanang bahagi ay ang listahan ng 591 na nasawi sa pakikipaglaban sa mga Hapon.

Conrado C. Mercado, Sculptor-PainterPoblacion

Mula sa angkan ng mga Mercado, si Conrado ang pinakamatagumpay na Bustosenyo sa larangan ng sining. Itinatag niya ang Philippine Association of Figure Artists at nagsilbing pangulo ng Society of Philippine Sculptors. Ang ilan sa kanyang mga obra / likhang-sining ay matatagpuan sa labas ng Aklatan ng Munisipalidad, naliligid sa Paraiso ng mga Bata.

Torch of FreedomPoblacion

Ito ay matatagpuan sa tapat ng simbahan ng Santo Niño. Ang Torch of Freedom ay pag-alala sa 23,000 guerilla na bahagi ng Bulacan Military Area, sa mga Bulakenyong nagdusa, at sa mga nag-alay ng kani-kanilang buhay sa ngalan ng kalayaan (“…to those who died to keep the fire of our cause forever burning”).

70 71

Bustos Book FINAL.indd 71 6/8/2012 2:29:37 PM

Page 72: Bustos KKK

Alejo Santos MuseumBonga Menor

Ang Bulacan Military Area ang pinakamalaking samahan ng mga gerilya sa lalawigan. Ang mga pananda, maging ang museo, ay “ala-ala sa mga kawal-gerilya na nag-alay ng kanilang buhay, katapangan at kagitingan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.” Ika-3 ng Hulyo, 1942 nang itinatag ni Heneral Alejo Santos ang samahan sa pook na ito.

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

Conrado Garcia Mercado (1915-1994)RP’s MR. IRRIGATIONBustos Dam, Tibagan

Naging kauna-unahang Assistant Administrator sa National Irrigation Administration (NIA), si Conrado Mercado at ang kanyang husay at dedikasyon ang itinuturing na pundasyon ng kagalingan ng sangay. (“Truly, one big reason why the NIA has gained an enviable reputation as a “straight and dynamic agency,”... is the pervading presence of this man.”)

72 73

Bustos Book FINAL.indd 72 6/8/2012 2:29:37 PM

Page 73: Bustos KKK

MgA pAnAndA At MgA MonuMento sA Bustos | Alonto At lizAdA

Tomb of Unknown HeroesMunicipal Cemetery, San Pedro

Ang ilan sa mga labi ng mga gerilyang kasapi sa BMA ay nakalagak sa paligid ng pananda.

Save the Unborn MonumentPoblacion

Alinsabay sa pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng Bustos, inilagay ang panandang ito sa ilalim ng pamumuno ni Acting Municipal Mayor Leonardo Leoncio at bise Nicolas Nicolas. Ito ay proyekto ng Municipal Population and Development Committe noong ika-15 ng Pebrero 2002.

Dating pananda.Sanggunian: Papel sa panana-liksik ni G. Dennis Galvez

72 73

Bustos Book FINAL.indd 73 6/8/2012 2:29:38 PM

Page 74: Bustos KKK

Bulacan Military AreaPoblacion

Ang monumentong ito na itinayo sa harap ng munisipyo ng Bustos ay nagsisilbing pananda para sa kagitingan ni Alejo Santos at mga kasama laban sa mga Hapon noong Ikawalawang Digmaang Pandaigdig.

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

PanandaBonga Mayor

Tulad ng nakatala sa pananda, sa bahaging ito (hangganan ng Bonga Mayor at Tibagan) nagtanim ang dating pangulong Ferdinand Marcos, kanyang bise, Fernando Lopez, at mga kasama ng “Miracle Rice,” kasabay ng ikalawang taon ng programang Land Reform. Ayon kay G. Rene Cruz3, ang pananda ay gawa sa tanso.

3 Bustos Tourism Council – Bonga Mayor

74 75

Bustos Book FINAL.indd 74 6/8/2012 2:29:39 PM

Page 75: Bustos KKK

MgA pAnAndA At MgA MonuMento sA Bustos | Alonto At lizAdA

Santo Niño Church Poblacion

Ang simbahang ito ay itinayo bilang simbolo ng pagkahiwalay ng Bustos sa Baliwag. Dito nakalagay ang imahe ng Sto. Niño, ang patron ng bayan ng Bustos.

Mga Makasaysayang Pook (Historical Sites)

Dating larawan ng Simbahan ng Santo Niño.Sanggunian: Papel sa pananaliksik ni G. Dennis Galvez

Bustos Dam4 Tibagan

Ang imprastrakturang ito na itinayo noong 1927 ay nagsisilbing patubig pang-irigasyon sa Bustos at iba’t-ibang parte ng Bulacan at Pampanga. Taong 1997, ang anim na sector gates (bakal) ay pinalitan upang maging yari sa goma. Nilagyan ng inflatable rubber weir bilang pangharang sa tubig mula sa ilog ng Angat. Ito ay tinaguriang “Second Longest Rubber Dam in Asia.”

4 PasasalamatkayEngr.JesusA.PerezatG.FelixRoblesngNationalIrrigationAdministration5 PasasalamatkayG.RodrigoAbalos,HepengCatacte

74 75

Bustos Book FINAL.indd 75 6/8/2012 2:29:40 PM

Page 76: Bustos KKK

Pulong Mabilog5

Catacte

Noong panahon ng kolonyalismong Kastila, itong makakasaysayang lugar na ito ay nagsisilbing pinamamalagian ng hukbo ng mga rebolusyonista. Bago makapasok sa sitio na Real ng Kakarong, ang kinapupwestuhan ng punong himpilan ng mga rebolusyonista, kinailangang dumaan sa kampong ito.

Bustos: KAsAysAyAn, KulturA At KAlinAngAn | up MAnilA AreA studies ClAss 2013

SampalukanCatacte

Ang Sampalukan ay isa ring sitio at makasaysayang pook. Isang tanghali noong 1944 na kung saan sina Maj. Cesar Cruz, Sgt. Amado Juliano, Sgt. Donato Cruz, at Cpl. Irineo Ramos ng hukbong gerilya ay napatay ng mga huk pablo dahil sa hindi pag-apruba ng mga gerilya sa kasunduan pang-kapayapaan ng Hukbalahap. Si Lt. Pablo Kabading, ang isa sa mga nakatakas na gerilya ay nakabalik ng Poblacion, ay nagkwento ng kanyang pinagdaanan sa trahedya kay Maj. Oscar Cruz, ang nakababatang kapatid ni Atty. Alfredo Cruz Erana, ang dating mayor ng Bustos.

5 PasasalamatkayG.RodrigoAbalos,HepengCatacte

76 77

Bustos Book FINAL.indd 76 6/8/2012 2:29:41 PM

Page 77: Bustos KKK

MgA pAnAndA At MgA MonuMento sA Bustos | Alonto At lizAdA

General Alejo S. Santos BridgeBaliuag-Bustos Bridge

Ang tulay na kumokonekta sa dalawang bayan ng Bulacan, ang Bustos at Baliwag, ay itinayo noong administrasyon ni Carlos P. Garcia. Iniibabawan nito ang Ilog ng Angat na dati’y tinatawid ng mga tao gamit ang planseta. Bago ang rehabilitasyon ng tulay (1960), pinagbawal ang pagdaan ng mga malalaking sasakyan gaya ng bus at dyip. Sa bungad nito, mula Baliwag, ay matatagpuan ang Simbahan ng Santo Niño.

Tibagan Pass Tibagan

Ito ay nagsilbing daanan papuntang San Rafael mula Bustos, patawid ng ilog ng Angat. Dito naganap ang unang labanan ng mga rebolusyonista at Kastila. Ang daang ito ay nagsilbing strategic point na ginamit ng mga gerilya laban sa mga Amerikano at Hapon. Noong panahon ng okupasyon ng Hapon, nagpagawa ang mga ito sa mga kalalakihang taga-Bustos, ng walang bayad, ng tulay na gawa sa kawayan para matawid nila ang Tibagan Pass papuntang San Rafael.

76 77

Bustos Book FINAL.indd 77 6/8/2012 2:29:42 PM

Page 78: Bustos KKK

Mga Sanggunian Inihanda nina Jessamarie D. Antiporda, Michiko G. Manalang, Deonah Abigail L. Miole, at Paulo Benedicto C. Villar

Centeno, M. (1975). Brief History of the Bulacan Military Area. Malolos: Bulakena Press.

Ang librong ito ay nagtatala ng mga naging kaganapang tumutukoy sa Bulacan Military Area (BMA). Itinala sa libro ang pagbabalik ni Kapitan Alejo Santos sa lugar ng kanyang kapanganakan sa Bulacan, hanggang sa siya’y nakabuo ng mga tropa, na tinawag na Philippine Legion, na kumalaban sa mga sundalong Hapon noon, hanggang sa pagkabuo ng BMA.

Connolly, M. (1992). Church Lands and Peasant Unrest in the Philippines. Manila: Ateneo de Manila University Press.

Ang Church Lands and Peasant Uprising in the Philippines ay isang librong tungkol sa mga lupaing pagmamay-ari ng mga prayle noong panahon ng Espanyol. Tinukoy dito ang mga hacienda at mga probinsya kung saan matatagpuan ang mga ito. Itinala rin dito ang mga alitan sa pagitan ng mga prayle at ng mga mamamayang naninirahan at nagtatrabaho sa mga hacienda ukol sa pagmamay-ari ng mga lupain.

De Zuniga, J.M. (1973). Status of the Philippines in 1800. Manila: Filipiniana Book Guild Regal Printing Company.

Ang librong ito ay nagsasalarawan sa mga usapin sa pagitan nina Simon de Anda y Salazar at ni Jose Pedro Bustos. Itinala dito ang mga kaganapan matapos manirahan si Anda sa Pampanga at kanyang iniwan sa mga kamay ni Bustos ang pamumuno sa Bulacan.

De Zuniga, J.M. (1966). A Historical View on the Philippine Islands. Manila: Filipiniana Book Guild Regal Printing Company.

Ang Historical View on the Philippine Islands ay nagsasalarawan ng mga kaganapan noong sinakop ng mga Ingles ang Maynila. Isinalarawan din dito ang pagtatanggol sa lugar upang manatili sa ilalim ng kontrol ng mga Espanol. Isa sa mga nakipaglaban upang manatili ang kapangyarihan sa mga Espanyol ay ang mga paring Agustino.

Foreman, J. (1906). The Philippine islands: a political, geographical, ethnological, social, and commercial history of the Philippine archipelago, embracing the whole period of Spanish rule, with an account of the succeeding American insular government. New York: C. Scribner’s Sons.

78 79

Bustos Book FINAL.indd 78 6/8/2012 2:29:42 PM

Page 79: Bustos KKK

MgA sAngguniAn

Itinala ng manunulat sa librong ito ang mga kaganapan noong nanakop ang mga Ingles sa Pilipinas, sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang aspeto. Isinaad din sa librong ito ang mga naging gawain ni Simon de Anda noong panahon ng digmaan at pananakop ng mga Ingles. Nabanggit sa librong ito si Pedro Bustos at ang naging engkwentro sa pagitan niya at ng mga mananakop na Ingles.

Gallende, P. (1987). Angels in Stone: Architecture of Agustinian Churches in the Philippines. Metro Manila: G.A. Formoso Publishing.

Ang librong Angels and Stone ay naglalaman ng iba’t ibang anyo ng mga arkitektura ng mga simbahang Agustino, kasama na rito ang mga simbahan sa Baliwag at Bustos sa Bulacan. Itinala rin sa librong ito ang kasaysayan ng mga simbahang Agustino.

Rodriguez, I. (1976). The Augustinian monastery of Intramuros: the people and the events that contributed to its grandeur. Manila: Colegio de San Agustin.

Nabanggit sa akdang ito ang dalawang pari, si Padre Francisco Bustos at si Padre Pedro de Ocampo, na parehong naka-base sa Bulacan.

Sanger, J.P. (1903). Census of the Philippine Islands. United States: United States Bureau of Census.

Nilalaman ng librong ito ang mga impormasyon at grap ukol sa bilang ng populasyon at iba pa noong 1903 ng mga probinsya, comandancias at mga munisipalidad sa Pilipinas, kasama ang munisipalidad ng Bustos.

Santos, M. (2001). Aklat ng Bayang Bulacan. Bulacan: Lathalaing Plaridel

Ang akdang ito ay naghahayag nga mga kaganapan noong panahon ng pananakop ng mga Ingles mula 1761 hanggang 1764. Pokus nito ang pagkasira at pagwasak ng iba’t ibang istraktura sa Pilipinas na dala ng digmaan at kung paano naibalik sa dating katayuan ang mga istrakturang ito.

Zafra, N. (1953). Readings in Philippine History. Manila: University of the Philippines

Ang akdang ito ay naglalaman ng impormasyon ukol kay Pedro Jose de Bustos, at ang kanyang naging papel noong nasakop ang Maynila ng mga Ingles. Ilang mga isyu tungkol kay Bustos ay naitala rin sa librong ito.

78 79

Bustos Book FINAL.indd 79 6/8/2012 2:29:42 PM

Page 80: Bustos KKK

ApendiksMga Batas Ukol sa Bustos

Proclamation No. 596 in: Official Gazette (July 19, 2004) p. 4661

EXCLUDING FROM THE OPERATION OF PROCLAMATION NO. 573 DATED JUNE 26, 1969, WHICH ESTABLISHED THE ANGAT RIVER-BUSTOS DAM FOREST RESERVE SITUATED IN THE PROVINCE OF BULACAN, A CERTAIN PORTION OF THE LAND EMBRACED THEREIN, LOCATED IN BARANGAYS BAYABAS AND CABAYUNAN, MUNICIPALITY OF DOÑA REMEDIOS TRINIDAD, PROVINCE OF BULACAN, AND RESERVING THE SAME AS THE SITE OF THE BAYABAS DAM PROJECT

Upon recommendation of the Secretary of Environment and Natural Resources, and by virtue of the powers vested in me by law, I, GLORIA MACAPAGAL-ARROYO, President of the Republic of the Philippines, do hereby exclude from the operation of Proclamation No. 573 dated June 26, 1969, which established the Angat River-Bustos Dam Forest Reserve situated in the Province of Bulacan, a certain portion of the land embraced therein, located in Barangays Bayabas and Cabayunan, Municipality of Doña Remedios Trinidad, Province of Bulacan, and reserving the same as the site of the Bayabas Dam Project, subject to private rights, if there be any, and to final survey, which portion of land is more particularly described as follows:

A PARCEL OF LAND, (Portion of Parcel No. 5 {Angat River-Bustos Dam Forest Reserve}, Proclamation No. 573 (dated June 26, 1969), located at Bayabas and Cabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan, bounded on the North, East, South and West by portion of Parcel No. 5, Proclamation No. 573.

Beginning at a point marked “1” on the plan, with Latitude 15 deg. 57 min. 16 sec. N. and Longitude = 120 deg. 05 min. 57 sec. E., thence: N. 48-00 E., 4,592.00 M to point 2; S. 86-00 E., 1,618.00 M to point 3; N. 57-00 E., 2,108.00 M to point 4; S. 27-00 E., 1,451.00 M to point 5; S. 38-00 W., 3,979.00 M to point 6; S. 26-00 W., 1,992.00 M to point 7; N. 83-55 W., 3,643.48 M to point 8;

80 81

Bustos Book FINAL.indd 80 6/8/2012 2:29:42 PM

Page 81: Bustos KKK

ApendiKs

N. 16-23 W., 1,797.80 M to point of Beginning, containing an approximate area of TWENTY FOUR MILLION AND THIRTY THOUSAND (24,030,000) SQUARE METERS. All prior vested rights, existing settlers, and/or cultivators in the area shall be properly compensated for whatever improvements, resettlements, and crop values, to be mutually agreed upon by the concerned parties and government agencies. The utilization of forest trees within the area so excluded shall remain under the power and authority of the Department of Environment and Natural Resources in accordance with existing, forestry rules and regulations. The area shall automatically revert to its former status as permanent forest reserves if the Bayabas Dam Project is not implemented or has been terminated. IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand and caused the seal of the Republic of the Philippines to be affixed. City of Manila, this 2nd day of April 2004

R.A. No. 7667 in: Official Gazette (April, 1994) Vol. 90 No. 16, p. 2070

AN ACT AUTHORIZING THE DEVELOPMENT OF A TOURIST RESORT WITHIN BUSTOS DAM IN THE MUNICIPALITY OF BUSTOS, PROVINCE OF BULACAN, TO BE KNOWN AS THE BUSTOS DAM AND TOURIST RESORT

Section 1. There shall be developed within the present site of the Bustos Dam in the Municipality of Bustos, Province of Bulacan, a tourist resort that will preserve and conserve the natural beauty of the place, to be known as the Bustos Dam and Tourist Resort.

Section 2. The Department of Tourism, in coordination with other government agencies concerned, shall design and construct the appropriate facilities and infrastructure for the resort, subject to accepted tourism standards.

80 81

Bustos Book FINAL.indd 81 6/8/2012 2:29:42 PM

Page 82: Bustos KKK

82

Section 3. The Department of Tourism shall issue the necessary guidelines for the proper implementation

R.A. No. 6762 in: Official Gazette (December 11, 1989) p. 8010

AN ACT NAMING THE BRIDGE LINKING THE MUNICIPALITIES OF BUSTOS AND BALIUAG, ALL IN THE PROVINCE OF BULACAN, AS THE GENERAL ALEJO S. SANTOS BRIDGE

Section 1. The bridge linking the Municipalities of Bustos and Baliuag, all in the Province of Bulacan, is hereby named as the General Alejo S. Santos Bridge.

Section 2. This Act shall take effect fifteen (15) days after its publication in two (2) national newspapers of general circulation.

Approved, September 25, 1989.

ApendiKs

Bustos Book FINAL.indd 82 6/8/2012 2:29:42 PM

Page 83: Bustos KKK

82

Bustos Book FINAL.indd 83 6/8/2012 2:29:42 PM