kaspil2 magazine

20
s Disyembre 2014 Vol. 1, Issue 1 KASPIL2 Kilalanin ang mga editor! Movie review: Sigwa Kilalanin pa ang bayani na si Andres Bonifacio Is History really relevant today? Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas At marami pang iba!!! Ano pinagaralan natin sa KASPIL2? SUMET PUBLISHING EA2 P500

Upload: nikki-pitargue

Post on 06-Apr-2016

266 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

A class requirement under Michael "Xiao" Chua. A project done by group 2 EA2 for KASPIL2 term 2 A.Y. 14-15.

TRANSCRIPT

Page 1: KASPIL2 Magazine

s

Disyembre 2014!Vol. 1, Issue 1!

KASPIL2

Kilalanin ang mga

editor!

Movie review: Sigwa

• Kilalanin pa ang bayani na si Andres Bonifacio

• Is History really relevant today? • Impluwensya ng mga Amerikano sa

Pilipinas • At marami pang iba!!!

Ano pinagaralan

natin sa KASPIL2?

SUMET PUBLISHING

EA

2

P500

Page 2: KASPIL2 Magazine
Page 3: KASPIL2 Magazine

Table of Contents

4 Ang Tunay na Bayani: Lolo at Lola Kong Beterano 6 Si Andres Bonifacio? Bobo? 8 Realization: History is Important For Each and Every Filipino 10 Pagsasakop Ng Amerika At Impluwensya Nito Sa Pilipinas 13 Movie Review: Sigwa 14 Kilalanin Ang Mga Editor 17 Paano Ka Makakatulong sa Iyong Bayan?

Page 4: KASPIL2 Magazine

!!Simula noong nagkaroon ako ng

subject na tungkol sa kasaysayan ng at ing bansa noong ko ay nasa elementarya pa lamang, hindi na nawawala ang talakayan tungkol sa iba’t ibang panahon na sinakop tayo ng ibang lahi. Hindi makakaila na paulit ulit na perspektibo ang aking natututunan sa tuwing napapag-aralan ko ang mga ito. Nagsimula sa pananakop ng mga Espanyol, sumunod and mga Amerikano at huling huli ang mga Hapones. Itinatak na sa aking isip na dahil sa mga Amerikano, ay lumaya na ang bansang P i l i p i n a s s a m a r a m i n g m g a kabilangguan. !

Kinalulungkot ko na bakit ganito pa din ang pagbib igay kaalaman tungkol sa at ing kasaysayan sa elementarya at hayskul habang mayroon naman palang mga nakakaalam talaga kung sino ang bida sa ating kasaysayan. Kung sino ang mga nagbigay talaga sa atin ng ating kasarinlan. Walang iba kung hindi ang ating mga ninuno, hindi ang mga Amerikanong isa lang din sa mga nagpahirap sa ating bansang Pilipinas noon.

Sino nga ba ang mga lolo at lolang beterano? Ano ba ang ginawa nilang kakaiba noon para masabing sila ang totoong nagbigay sa ating ng daan upang makamit natin ang ating kalayaan?

Bilang isang estudyanteng nagpapatuloy sa pag hahanap ng kaalaman tungkol sa ating kasaysayan, hindi ko ito masasagot ng buong buo. Marahil ako ay may kaalaman tungkol dito ngunit alam kong madami pang mga pangyayari na kailanman ay hindi na maisusulat sa papel o kahit anong paraan ng komunikasyon. Silang mga beterano lamang ang makakaalam nito at sila lamang ang makakaintindi nito sapagkat sila lang din ang nakaranas ng mga ito.

Dahil sa mga natutunan ko noong ako ay nasa elementarya at hayskul, hindi na maaalis sa isip ko kung ano nga ba ang kaginhawahang ibinigay ng mga Amerikano sa ating bansa noong tayo ay nangangailangan ng tulong. Puro mga pangyayaring nagpapabango lamang sa kanilang pangalan ang noon kong natutunan at nalaman. Ngayong ako ay nasa kolehiyo na, naisip kong ito ay dahil lang siguro sa kung paano nila tayo binigyan ng edukasyon.

ANG MGA TUNAY NA BAYANI: LOLO AT LOLA KONG BETERANO!

ni Angelou Angeles

Siguro ay sila ang nanguna sa kung paano nila isinulat an gating kasaysayan. SIguro ay pinasunod nila tayo sa “magandang” paraan. Dahil sa mga history subjects ngayong aking kinuha at kinukuha ngayong kolehiyo ay namulat ako sa malagim na katotohanan.

Unang una, dahil sa kalupitan ng mga Hapon, ang mga kababayan natin noon ang sumalo sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Kahit na nawasak ang kanilang mga damdamin sa mga kasindak-sindak na pangyayari noon, sila pa din ang tumayo upang manggamot, magbigay ng pagkain, nag-espiya, at humawak ng sandata upang makipaglaban. Ang ating mga beterano ang nagkapit bisig upang tumayo muli mula sa malalim na pgkakabagsak noong sinakop tayo ng mga Hapon at pinagmalupitan ng mga ito.

4

Page 5: KASPIL2 Magazine

!Maraming beses na pinakita sa atin

kung paano naging isang “mabait” , “matulungin” at isang kakampi ang mga Amerikano noong panahon nila. Ngunit ngayon, sa tulong ng mas malalim na pag aaral sa at ing kasaysayan, parang nabaliktad umano ang lahat ng aking magandang pagtingin sa bansang Amerika.

Isa na ang kadahilanang noong nawasak ang halos buong ka-Maynilaan pati na rin ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa digmaan ng mga Amerikano at Hapones, ay nagkaroon ng pangako si Franklin Roosevelt na bibigyan nya ang bansa ng tulong at suporta upang makabangon muli ito sa pagkakawasak. Ngunit noong siningil na ito pagkatapos ng digmaan, wala daw kasulatan at katibayan ukol dito kaya hindi ito naipatupad. Huli na din ang lahat dahil pumanaw na ang nangako nito noong natapos ang digmaan. Iniwan na ng mga Amerikano ang ating bansa noong nakita nilang wasak na wasak na halos lahat ng kapaligiran.

ang ating mga utak ay sumusunod pa din sa kanilang kultura. Pagdating sa pagkain, palabas, tugtog, kagamitan, pananamit at marami pang iba, ang mga ‘Kano pa din ang ating iniidolo sa halos maraming bagay. Mas tinitingala pa natin sila kaysa sa mga kapwa Pilipino nating may m a p a g m a m a l a k i n g t a l e n t o . I t o a y nagpapah iwat ig na h ind i ang mga Amerikano ang nagpalaya sa atin. Sa totoo lang ay sila pa nga ang lalong nagpahirap sa atin dahil hanggang ngayon ay bilanggo pa din tayo sa kaisipan na ang bansang Amerika ang magliligtas sa atin. Bilanggo pa din tayo sa ideya na mas magaganda, talentado, sosyal at nakakaangat ang kahit ano basta galling sa Amerika. Mahirap man itong baguhin, ang simple at maikling sulatin na ito ay sana makapag- ambag ng tamang kaalaman tungkol sa ating kasaysayan.

Pinahihiwatig lang nito na tinutulungan nila tayo dahil sila ang may nais ding makuha mula sa atin. At noong naubos at nasira na ang lahat, pinabayaan na lang nila tayo at binitawan. Pagkatapos nito ay nagkaroon na ng sariling istratehiya ang ating mga kababayan. Lumaban sila sa mga Hapones kahit malalakas ang mga ito. Marami man ang mga napatay sa mga gerilya, patuloy pa rin sila lumaban at hindi nagpatalo sa takot ng kamatayan.

At huling huli, hindi man ito nakasulat sa ating kasaysayan ay ito ang aking nakikitang lantad sa ating lipunan hanggang ngayon. Kahit matagal nang panahon dumito ang mga Amerikano noon,

5

Larawan: Emilio Aguinaldo sa edad na 94

Page 6: KASPIL2 Magazine

Ang Supremo ng Katipunan, ang mukha ng paghih imagsik , isang katipunero, at ang higit sa lahat, isang tunay na Pilipino. Ang nasa likuran ng lahat ng iyan ay iisang tao lamang. Masasabi mo bang bobo ang taong ito? Si Andres Bonifacio, sino nga ba siya?

M a y d a l a w a n g A n d r e s s a kamalayang Pilipino; isang kathang-isip at isang makatotohanan. Ang sabi-sabi, bobo daw si Andres Bonifacio. Ngunit bakit naman ito masasabi ng mga tao kung walang pinanggalingan? Mga maling kuro-kuro. Mga nakakalinlang na sulatin mula sa hindi credible na tao. Mga tsismis ng mga magbabasa na hindi tama ang pagkakaintindi sa sulatin. Yan ang mga nakakasira sa imahe ng ating bayani na si Andres Bonifacio.

A n g m g a s u m u s u n o d a y magpapaliwanag kung bakit hindi bobo si Andres Bonifacio: Unang una sa lahat, isa siya sa mga nagtatag ng KKK. Sa KKK palang, makikita mo na ang pagkabisa ng katauhan niya. Ano ba ang KKK? Ito ay p a g p a p a i k l i s a m g a s a l i t a n g Kataastaasang Kagalang-galangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

ng Espanya. Ang Katipunan ay ang malaking sanhi kung bakit natin natamo ang kasarinlan noong Hunyo 12, 1898 at si Andres Bonifacio ang isa sa mga taong nasa likod nito. Sa “Reflections on Andres Bonifacio’s Philosophy of Revolution” na isinulat ni Rolando M. Gripaldo, pinatunayan na ang pilosopiya ni Bonifacio sa rebolusyon ay isang intelektwal na gawain kung kaya’t ito ay isang produkto ng isip ng ilustrado.

TInatawag din itong Katipunan at ito ay isang lihim na samahang ang layon ay palayain ang Pilipinas sa pananakop

Hindi totoo ang mga sabi-sabi na natalo si Bonifacio sa lahat ng laban niya. Sa totoo lang ay ang ilan sa mga istratehiya ni Andres Bonifacio ay ginagamit pa din sa kasalukuyan dito sa Pilipinas. Ayon nga sa isang historyan na si Milagros Guerrero, dahil daw si Andres Bonifacio and chief strategist, nararapat lang na ang lahat ng pagkapanalo at pati na rin ang lahat ng pagkatalo ay naka-credit sa kanya.

6

Si Andres Bonifacio?

Bobo?ni Martina Martinez

Larawan: Monumento ni Bonifacio sa UP Diliman

Page 7: KASPIL2 Magazine

Masasabing tunay na Pilipino si Andres sapagkat ipinaglaban niya ang kanyang bayan. Isinantabi niya ang kanyang sariling kapanan at kaligtasan para sa ikabubuti ng nakararami.

Ngayong napatunayan na ang katotohanan kay Andres Bonifacio, ano naman ang ambag niya sa ating kasaysayan? Sumailalim siya sa buhay na puno ng pakikibaka hindi para sa wala. Ang rebolusyon na naganap noong taong 1896 ay ang nagsimula ng bagong kasaysayan.

Isa pang naiambag ni Bonifacio sa ating bansa ay ang pagkakaintindi sa salitang “Tagalog.” Para sa iba, ang mga taga Maynila lamang ang kasali kapag sinasabi ang salitang “Tagalog.” Ngunit ang totoong pinaparating ng salitang iyon ay ang lahat ng Pilipino sapagkat ito lamang ay pinaikling “Taga-ilog.” Kung mapapansin natin, ang lahat ng lupa sa bansang Pilipinas ay malapit sa katubigan kung kaya’t si Bonifacio at ang Katipunan ay lininaw ito.

Ang konsepto ni Andres Bonifacio sa isang bansa ay ang pagkakaroon ng kapatiran, pagmamahalan, at pagkakaisa. Hindi mahirap tuparin ang mga bagay na iyan ngunit bakit sa kasalukuyang panahon ay hindi maipakita ng taong-bayan? Si Andres Bonifacio, ang siyang umibig sa tinubuang lupa, nga ba ang bobo? O ang kasalukuyang taong bayan na hindi marunong magmahalan at magkaisa para sa bayan?

WORD SEARCH by Nikki Potargue

REALES JACINTO

GREGORIA MACARTHUR

FIDEL SUPREMO

XIAO KATIPUNAN KALAYAAN MARTIAL SIGWA

7

Page 8: KASPIL2 Magazine

Not a lot of people understand the value of history. They would have this mindset that being knowledgeable with history would not mean that you would end up with a career that would provide you with money and power and that history is just a hobby and a nice-to-have knowledge. This is because people do not care about the past. They seem to think that the past has no affect in the present and in the future. It is finished and has no longer use in our lives. We are a society that depends and looks forward to the future, because we like to think that the future holds brightness and joy. We are a society that looks forward to advance technology, absence of wars and conflict, equality amongst all individuals, justice for the oppressed, treatments for the sick, escape from poverty, a better change in the community. We are a society that’s hopeful. We like to plan and we like to dream big and we assume that our dreams would come true. But how does one achieve their dream if they are not in touch with the past? How are you able to succeed if you do not review the mistakes of the past in order for you to avoid committing the same faults and perhaps improving it and making it better? A lot of people fail to understand that in order to get the future that we await, we must understand our history and with all the things we learned, we have to apply it to the present. We think, “how can we make it better?” or “what should we do so that the errors before won’t happen again?” Being in touch with history is more than being soulful and passionate and sentimental. It is also about being strategic and intelligible.

To be in touch with history is to be in touch with yourself. We cannot be where we are today if not for history. One’s history is one’s identity. History is more than just dates and events. Many like to think it’s just memorizing. History is about understanding and actually being there, at that moment. Learning history is one of the best opportunities any one can give us. You can re-discover science and math but if there is no one there to teach you history, then you will never learn history. If we stopped studying it, it will forever be lost and although we would always have artifacts, accurate information would be almost impossible to restore.

8

Realization: History is Important to Each

and Every FilipinoBy Nikki Pitargue

Page 9: KASPIL2 Magazine

Initially, I knew Philippine history had its relevance in the students’ curriculum but I never believed I could make use of it in my career in the future. I enrolled in a class full of engineering students when I took up KASPIL2 and I could only imagine how they feel! For me, I was always used to studying the history of European (and sometimes American) countries and their relations with one another and it would be such a shame if I were not familiar with the history of my home so taking up a class discussing the history of the Philippines was only natural but for these students whose life is dedicated to math, science, and all those hardcore stuff must have felt irritated with the fact that they have to spend extra time with history. If that’s the case, then they will never succeed in life. I am sure that after a few weeks in KASPIL2, their interests have peaked after learning about how rich the Philippines is in culture. After finishing the first module, I have understood my country more than I ever did before. You can learn the population, every language spoken, every ethnic group, every province, the weather dynamics, every plant and every animal but as long as you do not know the history, you do not know the Philippines or any other country for that matter. Module 1 tells us of who we really are, before we were influenced by the Spaniards, the Americans, and the Japanese. Before the religious wars, the bloody massacres, the tortured slaves, the corruption, we were a people rich with culture. We had our own system and no one looked down on our race and made us feel inferior and although technology and other things our colonizers have shared became beneficial, it did not pay for the countless of sufferings we had to endure. We have forgotten authentic Filipino culture. We have forgotten who we really are. Studying the history of our nation and our people is the key to understand ourselves and our purpose as Filipinos and to surpass all the problems this country is facing today.

“History is about

understanding and actually being there,

at that moment.”

9

Page 10: KASPIL2 Magazine

PAGSAKOP NG AMERIKA AT ANG IMPLUWENSIYA NITO SA PILIPINAS!

ni Anfernee Rapio

Noong digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika, nakikipaglaban na rin ang Pilipinas laban sa mga dayuhan na gustong sumakop sa bayan nila. Dahil kontra din ang Pilipinas sa Espanya, nakipagtulungan ang Amerika para matalo ang kalaban nito. Natapos ang digmaan sa isang kasunduan na ginanap sa Paris noong Disyembre 10, 1998. Ang kasunduan ay may nakasaad na ibigay o isuko ang mga piling lugar o bansa na nakasulat sa kontrata sa bansang Amerika. Ang mga bansa na kasama dito ay ang Cuba, Puerto Rico, Spanish west Indies, Guam at ang Pilipinas. Nang matapos ang kasunduan ay nagsiklab naman ang labanan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo. Ang nasabing digmaan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas ay nagtagal ng tatlong taon (mula 1899 hanggang 1902). Natalo ang Pilipinas ng sumuko si Emilio Aguinaldo at si Miguel Malvar sa digmaan na nasabi at ito ay nagmarka na parang isang malubha na t r ahedya . Madaming na iwan na masamang epekto ang digmaan ng Amerika at Pilipinas ngunit ito ay nag-iwan din ng mabubuting bagay gaya ng sinasabing demokrasya at kultura.

Noong sumiklab ang digmaan sa pagi tan ng Espanya at Amerika, kasalukuyan din na lumalaban ang Pilipinas laban sa mananakop nito. Masasabi na nagtulungan ang Amerika at Pilipinas sa digmaan nito dahil ang kalaban nila ay pareho lamang. Sinasabi din ng iba na malaki ang natulong ng Amerika sa pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas mula sa Espanyol ngunit sa katotohanan ay kakaunti lamang ito.

Humihina na ang kupunan ng Espanya nang tulungan ng Amerika ang Pilipinas kaya mahirap din na sabihin na umasaya lang ang mga Pilipino sa mga Amerikano. Nang matapos ang digmaan sa pamamagitan ng Treaty of Paris, nagsimula ng magsiklab ang nasabing away mula sa Pilipinas at Amerika. Ito ay dahil hindi sumasang-ayon si Emilio Aguinaldo na magpalit lang ng kolonya ang Pilipinas at ilipat ito sa kapangyarihan ng Amerika. Sa mga panahon na ito ay nabuo rin ang sinasabing Guerilla Warfare na ginamit ng mga Pilipino laban sa Amerikano. Natuloy ang giyera sa pagitan ng dalawang kuponan ngunit sa kasamaang palad higit na malakas ang pwersa ng Amerika kaysa sa Pilipino. Ang Amerika ay madaming bagong kagamitan at armas na panglaban sa giyera habang ang mga Pilipinas naman ay nagsisimula palang sa pagbangon matapos ang rebolusyon nito laban sa dating mananakop na Espanya. Ang digmaan na ito ay nagdulot ng malaking kahirapan at kasarinlan sa Pilipinas dahil matapos ang madaming giyera (mula noong Philippine Revolution) ang Amerika ang sinabing tagapagtanggol ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Dahil dito hindi nabigyan ng narararapat na karangalan ang nagawa ng mga Pilipinong bayani at mga iba pang mga sundalo o repormista na namatay para sa kalayaan ng Pilipinas sa kolonyalismo ng Espanya. Hindi lang karangalan ang naagaw sa Pilipinas noon pati ang mga buhay ng mga inosenteng Pilipino na namatay sa digmaan ng Pilipino at Amerikano. Hindi na rin nabigyan ng hustisya ang ibang mga Pilipino na nasamantala, naalipin at

Page 11: KASPIL2 Magazine

pinatay ng mga Amerikano noong digmaan na iyon. Sa likod ng mga problema o delubyo na binigay at iniwan ng bansang Amerika sa Pilipinas, nag-iwan naman ito ng ibang mabubuting bagay, ideya at kultura sa mga Pilipino. Ang iba sa mga ito ay ang demokrasya gawa ng mga Amerikano, edukasyon, kultura, pananamit at pamumuhay. Ang pagtindig ng lakas n g m i l i t a r n g P i l i p i n a s s a pamamagitan ng ROTC ay nagbigay ng lakas at kapangyarihan para sa parating na giyera sa bansa. Ang ideya ng demokrasya na sapilitang iniwan ng Amerikano ang nagsilbing isa sa mga naunang republica ng Pilipinas. Ang demokrasya na nasabi ay ang ginamit ng mga sumunod na pangulo pagkatapos n i Emi l io Aguinaldo at ito ang nagsilbing tamang pamamahala para sa ibang mga Pilipino. Ang kultura ng mga Pilipino noon ay nahalo na sa mga Amerikano kung dati ay uso ang baro’t saya or barong, dito ay nauso na rin ang mga pormal na suot gaya ng Tuxedo. Dahil sa mga iniwan ng bansang tumalo sa Pilipinas, ang Amerika, ito ang nagsilbing estado ng p a m u m u h a y n g m g a P i l i p i n o hanggang sa dumating ang ikalawang digmaan na ikinasangkot ulit ng bansa. !

Ang kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas ay matagal ng pinaglabanan o hinanap ng ating mga bayani sa mga dayuhan na sumakop sa atin. Dahil dito hindi naging maganda ang mga resulta ng paghihirap kundi naging mapait ang karanasan na ito sa ibang mga Pilipino. Madaming Pilipino ang lumaban at sumali sa pagtutuligsa para sa inaasahan na pagkamit ng hustisya at kalayaan ng bayan kontra sa mga kolonyalismo na pinatikim ng ibang bansa na nagpaalipin sa atin. Ang ibang masasamang nagawa ng mga sumakop sa atin ay napagtakpan dahil sila ang sinasabing tagabigay ng kalayaan at hustisya at isa rin ito sa mga pinaglaban ng mga bayani. Kahit sa madaming kabiguan ang nakamtan ng mga Pilipino, may kaunti parin bigay na positibong aspeto ang mga mananakop na tuluyan ng tinanggap ng bayan.

12

Page 12: KASPIL2 Magazine

Filipinos: An In-Superior Race

(Inferior & Superior) As a young boy, I never really understood the value of studying history. For

me, it was one of the subjects that bored me, yet I never really had a difficult time with. It was just remembering different sorts of dates and facts, that never really proved any importance to me. It was only after studying history in college, did I realize that I wish I had paid more attention to history while growing up. The notion that studying or knowing our history was so important because it is our avenue to creating a better future for us. Without history, I guess we would have no identity of our own. !

For me, one of the most important events that happened in Filipino History is the People Power Revolution of 1986. But before that, the main event that happened was the Batas Militar or Martial Law. It was one of the major events in Philippine History since it was the  first and most controversial part of Philippine History. It was the so called “Dark Times” because of the many events that had happened, such as different murder and unjustified cases. But according to some of the people I had chatted with who lived in those times, in their opinion it was also the time of “Order and Justice”. Although after studying these events, I have picked up some insights on how life was back then compared to life right now. !

There are only two things Filipinos, who lived during the time of Martial Law, can say about Martial Law, and that is it was either positive or negative. For me, there are many differences from the time during the Batas Militar or Martial Law and our current time. !There was a sense of Law and Order. Back then, the Filipinos really followed the rules. In a discussion with my tito who was in his college years at the time, said that “there was fear, but a good sense of fear.” This fear can be related to the so called characteristic of being “God-fearing”. The Filipinos were afraid of disobeying the rules or the law because of the circumstances they might encounter. My tito also said that, “back then, you would not see buses or jeepneys stop in the middle of the road and drop passengers, or load passengers at any point”. For me that made a lot of sense since currently, in our times, you would notice that the Filipinos would violate so many laws such as jaywalking, or loading and unloading at non-loading and unloading points. The question I asked myself was, “Is this the real freedom that we currently have?” It is so easy to disobey the law now, such as paying the MMDA when caught for

13

by Renzo Salvacion

Page 13: KASPIL2 Magazine

a violation, or going a red light even if there are no cars around. And then our people would ask, “Why aren’t we developing?” It’s because our current state is so lenient or abusive of the freedom that we currently have. If we did the things we currently do now during the Martial Law, we may as well be reprimanded and be sent to Camp Crame, but if you think about it, there was a reason, because we abused our freedom. Although, on another positive note. The Martial Law also brought about the best of the FIlipino race. The Filipinos showed that we could all work together through a peaceful revolution to fight for a common good. In our current times, it is quite ironic how it is the people who are in a powerful and authoritative position, are the ones who are causing corruption. ! Although, there are some things we could see now that has showed that we Filipinos have adapted to what has happened before. Today you could see how important it was to have unity as a country. It is important to grasp that now we have the freedom, we should choose and fight for what is right for our country. I honestly feel, the we should not be bound to having that fear of the law, but we should have the fear of not being a FIlipino. We should have the fear that we won’t be able to achieve our goals. Because it is through fear and love do we realize what is most important in our lives. ! If there is one thing I strongly believe in, it is that the FIlipino race is a superior race. We produce great leaders such as Bonifacio and Rizal that the world has admired. We’ve created great feats the world has imitated like the first peaceful revolution, the People Power Revolution of 1986. For me, I have not given up on our race, and I hope through proactiveness and strong leadership, it is not too late to become once again, a superior race.

!The movie “Sigwa” is a movie entry on the

Cinemalaya back in 2010. The movie’s plot circulates among the students whose names are Dolly, Oliver, Cita, Eddie, Azon and Rading who joined the student movement during the Martial Law. The movie was mostly honest on the depiction of the chaos surrounding in the Philippines as it gives a point of view of the student activists during the martial law. The events that were depicted in the movie somehow equals the description and interpretation of the elders during the time of martial law. “Sigwa” was very entertaining and as a member of the youth, it makes you think how come we’re not active in fighting for change? What are our advocacies? These activists have risked it all for the country. If there were more people like them, then maybe we’d grow to become a better country with no poverty and corruption.

Sigwa Movie Review!by Anfernee Rapio and Nikki Pitargue

5 stars

14

Page 14: KASPIL2 Magazine

KILALANIN ANG MGA EDITOR

Page 15: KASPIL2 Magazine

Marami nang mga pangyayari sa aking buhay ang tiyak na humubog sa aking pagkatao sa kasalukuyan ngunit ang ilan dito ay maliliit na bagay lang at hindi ko na matandaan. Ang masasabi ko lang ay isa sa mga pangyayari kung sino ako ngayon ay ang pagiging class officer ko sa bawat taon noong ako ay nasa hayskul pa. Dahil dito naging disiplinado ako sa aking mga responsibilidad. Inaamin ko din na nakatulong ito ngayong nasa kolehiyo na ako. !

Ikalawang pangyayari ay ang pagpasok ko sa mundo ng kolehiyo, lalo na sa mundo ng College of Engineering. Noong umpisa ang inakala ko ay madali lang naman ito at kayang kaya ko. Ngunit may mga pagkakataon na talagang sinubok ako ng panahon dahil sa hirap ng mga Gawain ng aking kurso. Nabigo man ako sa ibang mga subjects, nagpatuloy pa din ako at hindi lumipat sa tingin kong mas mapapadali ang aking buhay estudyante. Dahil sa aking kinuhang kurso o karir, ako ay naging matatag at marunong tumanggap ng mga pagkakamali. Naging daan din ito upang maging isang organisadong tao na marunong maghati ng oras sa mga gawain, pamilya, kaibigan, isports at marami pang iba.

-Angelou Angeles

Para saakin, marami na akong pinagdaanan na mabuti at masama na masasabi kong dahil sa mga pangyayaring ito, ako’y isang mas mas naging mabuti bersyon ng sarili ko. Ang unang insidente na nagpapakita kung sino man ako at ang aking pagkatao ay noong binigyan ako ng pagkakataon na maging bise-presidente ng aming organisasyon. Ito ay naging mahalaga sa buhay ko dahil ito ang pinakamataas na naabutan ko sa isang propesyunal na organisasyon. Sa pagiging bise-presidente, dito ko natutunan kung paano maglingkod at magmahal sa mga tao na napapaligiran ko. Natutunan ko rin dito kung paano umangaat sa paghihirap dahil maraming beses akong dumaan sa punto ng pagkasuko ng posisyon, ngunit dito ko natutunan ang kagandahang asal na huwag sumuko at maging masipag sa aking ginagawa. Sa insidenteng ito, ako’y namulat na ako’y nabubuhay hindi para lamang saakin, kundi para sa mga iba. Ang pangalawang insidente na nadaanan ko sa buhay ang ang pagkahiwalay ng aking magulang noong bata pa ako. Ito ay mahalaga para saakin dahil dito ko napagtanto ang hindi at gusto kong mangyari sa aking kinabukasan. Ako’y lubhang natatakot na maging matulad ng magulang ko, ngunit sa parehong dahilan, ako rin ay determinado na sumikap para maging kung ano man ang gusto ko.

-Renzo Salvacion 15

Page 16: KASPIL2 Magazine

Isang madramang insidente ang nangyari saakin noong 18 taon lamang ako. Pagkatapos ko umalis sa isang pinakamasamang relasyon sa kasaysayan ng mundo, ako ay nagkaruon ng depresyon. Hindi ko na ikekwento kung gaano kalala ang nangyari sa relasyon dahil isang nobela ang masusulat ko kung ikekwento ko. Basta maintindihan mo, mambabasa, na ako’y umibig at nasaktan din. Sabihin nalang natin na kinakailangan pa ang tulong ng isang abugado at doktor para lang matapos ang relasyon. Kinakailangan ko rin makipag kita sa isang therapist upang makabangon ulit. Sa insidenteng ito, natuto ako maging matapang at hindi dapat inaapi at hindi dapat magpakaloko at magpatanga sa pagibig.

Pangalawang insidente na pwede kong ibahagi para sainyo ay noong naging aktibo ako sa isang organisasyon sa aking unibersidad. Marami akong nakilalang kaibigan sa AIESEC at itong organisasyon ang nagturo sakin bigyan halaga ang pagtutulong sa ibang tao at pagbabago ng kanilang buhay. Nagiba rin ang aking work ethics. Nagbigay pansin ako sa mga detalye, natuto ako maging mas responsable, at natuto ako kung paano makipag trabaho kasama ang isang team.

- Nikki Pitargue

Ang unang insidente na makapagpapakita ng aking pagkatao ay noong unang beses na bumagsak ako ng subject sa LaSalle. First year, third term nang una kong maranasan ang pakiramdam na bumagsak. Namulat ang mga mata ko at napagtanto na hindi ako makakatapos ng puro swerte lang. Simula noon, nagkaroon ako ng pagsisikap na mag-aral ng mas mabuti. Bagamat nagkaroon parin ako ng mga bagsak matapos ang insidenteng iyon, sinisiguro ko naman na naiintindihan ko ng mabuti ang mga aralin kapag inuulit ko ang mga subject na iyon.

Ang ikalawang insidente ay ang pagsali ko sa organisasyon na IMES (Industrial Management Engineering Society). Nag-apply ako bilang isang Assistant Vice President at ako ay natanggap. Simula noon, tumaas ang tingin ko sa aking sarili dahil kahit na hindi matataas ang grades ko, namamaximize ko parin ang mga oportunidad ko bilang isang estudyante ng De La Salle University.

-Martina Martinez

Unang insidente ay noong nasa unang taon ako sa highschool nang mahuli ako ng magulang ko na hindi ako pumapasok sa isang subject. Umiyak ang nanay ko at tinanong sa akin kung bakit ko ito ginagawa. Nagbago ako at iniisip ko na palagi na magseseryoso na ako sa buhay para sa ikabubuti ko. Ikalawang insidente ay nang malaman ko na pumasa ako sa mga entrance test ng mga kolehiyo na gusto ko. Naisip ko na ito na ang tamang pagkakataon na kalimutan na ang masasamang gawain dati at mag-aral ng mabuti.

-Anfernee Rapio16

Page 17: KASPIL2 Magazine

Paano ka makakatulong sa iyong bayan?

!

Pagbobuluntaryo o paglilinkod ay isang mabuting paraan para makatulong sa bayan. Naniniwala ako sa kasabihan ng “actions speak louder than words.” Maraming mga organisasyon ang nangangaylangan ng tulong at kahit ako ay isang tao lamang, alam ko na nakakagawa parin ako ng pagbabago sa lipunan

M a k a k a t u l o n g a k o s a b a y a n s a pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga wastong impormasyon at ng ito ay magsilbing gabay para sa mga tao. Makakatulong din ako sa bayan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aking kaalaman sa mga bagay at maisalin ito sa pamamagitan ng teknolohiya.

Sa tingin ko, ang isang sa mga bagay na makakatulong sa bayan ay ang pagiging mapagmataas sa imahe ng Pilipinas. Magagawa ko ito sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin; mga produkto, kultura, tradisyon, at iba pa. Ito ay malaking bagay sapagkat maaaring magkaroon ng chain reaction hanggang sa lahat na tao ay magkaroon ng Pinoy Pride.

Page 18: KASPIL2 Magazine

Paano ka makakatulong sa iyong bayan?

!

!

Para sa akin, ako’y makakatulong sa bayan sa pagiging isang mabuting ehemplo para sa iba

at ang paggawa ng mumunting mabubuting bagay na sa halip ay makagawa ng mabuti at

malaking epekto sa aking komunidad at bayan. Ako’y naniniwala na maraming mabubuting tao

sa bayan, ngunit paminsan ay hindi sila nakikita. Ako’y naniniwala na kapag wala kang makitang mabuting tao, ang mabuting tao ay maaaring

magsimula sa iyo.

Marami sa mga kamag-anak o kakilala ko ang nagsasabing “in demand” daw ang aking

kinuhang kurso lalo na sa mga bansang mauunlad at panigurado daw ay malaki ang

sweldo kapag ginamit ko ito upang magtrabaho sa ibang bansa. Ang magiging panata ko para sa bayan ay ang hindi lisanin ito para sa ikauunlad

ng ibang mga bansa. Isa pang dahilan ay marami din ang nakaranas ng kalungkutan doon dahil sa pangungulila at pagkakaiba ng kultura, walang

mga pyesta, salu-salo, reunion, at kasiyahan na madalas ginagawa dito sa atin kaya sa tingin ko

ay tiyak na mas masaya dito.

18

Page 19: KASPIL2 Magazine

19

!

!

Editors:

Angelou Angeles

Martina Martinez

Nikki Pitargue

Anfernee Rapio

Renzo Salvacion

!

Layout Artist:

Nikki Pitargue

Page 20: KASPIL2 Magazine

References:Chua, Xiao. (N.D.). “Undress Bonifacio: The Supremo as Military Leader.” !https://bangkanixiao.files.wordpress.com/2012/10/chua-undress-bonifacio-english.pdf !Guerrero, M., Encarnacion, E., Villegas, R. (N.D.). “Andres Bonifacio and the 1896 Revolution.” !https://bangkanixiao.files.wordpress.com/2012/10/guerrero-andres-bonifacio-and-the-1896- !revolution1.pdf !Simplicio P. Bisa, “Bonifacio at Batute: Dalawang Mukha ng Paghihimagsik,” Daloy (1995): Vol 4, No 2. !http://0-www.ejournals.ph.lib1000.dlsu.edu.ph/index.php?journal=DALOY&page=article&op= !view&path%5B%5D=2339 !Rolando M. Gripaldo, “Reflections on Andres Bonifacio’s Philosophy of Revolution,” Anuaryo/Annales: !Journal of History (1995): Vol 13, No 1. http://0-www.ejournals.ph.lib1000.dlsu.edu.ph/ !index.php?journal=ANUARYO&page=article&op=view&path%5B%5D=2518 !“The Spanish Colonial Period”, Hogeschool Utrecht, accessed November 30, 2014 !http://www.philippines.hvu.nl/history2.htm !Churchill, Bernedita Reyes. “History of the Philippine Revolution, accessed November 30, 2014. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?igm=2&i=190 !Borlaza, Gregorio. “The Philippine Revolution”, last modified August 19, 2014, accessed November 30, !2014 http://www.britannica.com/EBchecked/topic/456399/Philippines/23716/The-Philippine-Revolution !“War in the Philippines”, American Experience, accessed November 30, 2014. http://www.pbs.org/wgbh/amex/1900/peopleevents/pande33.html