kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
DESCRIPTION
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoTRANSCRIPT
MAIKLING KUWENTO
HUNYO 17, 2014C
MAIKLING
KUWENTO
Maikling kuwento o
Maikling katha
Naglalahad ng madulangpangyayari sa buhay ngpangunahing tauhan atnag-iiwan ng kakintalan saisipan at damdamin ngmambabasa
MAIKLING KUWENTOLAYUNIN:1. Matukoy ang mahahalagang pangyayari
sa pag-unlad ng maikling kuwento
2. Makilala ang mga manunulat at kanilangkontribusyon sa pag-unlad ng maiklingkuwento
3. Mapahalagahan ang mga kontribusyonng mga manunulat ng maikling kuwentosa wikang Filipino
MAIKLING KUWENTOKAHULUGAN:• Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang
Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
• Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
MAIKLING KUWENTOKAHULUGAN:• Tinatalakay ang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
• May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
• Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
UGAT NG MAIKLING KUWENTO
1. Mitolohiyahalimbawa:
A. Poseidon- diyos ngkaragatan
UGAT NG MAIKLING KUWENTO
1. Mitolohiya
halimbawa:
b. Medusa- Isangmagandang babaengnakaakit kayPoseidon.Pinagselosan niAthena kaya’t binago niyaang anyo nito.
UGAT NG MAIKLING KUWENTO
2. Alamat
halimbawa: Maria Makiling - diyosa ng kagubatan
UGAT NG MAIKLING KUWENTO
3. Pabula
halimbawa:
The Monkey and the Turtle
UGAT NG MAIKLING KWENTO
4. Parabula
halimbawa: Parable of The Good Samaritan
UGAT NG MAIKLING KUWENTO
5.Kwentong bayan
halimbawa:Ang pinagmulan ng bigas
KASAYSAYAN AT
PAG-UNLAD NG
MAIKLING KUWENTO
KASAYSAYAN AT PAG UNLAD NG
MAIKLING KUWENTO
A. Bago Dumating
Ang Mga Kastila
Kuwentong bitbit – dito nag-ugat
ang maikling kwento, maiikling
salaysay na pumapaksa sa mga anito,
lamanlupa, malikmata, multo at iba
pang mga bunga ng guniguning di
kapanipaniwala..
B. Panahon ng Kastila
• Kakana – sumulpot pagdating ng
Espanyol,naglalaman ng mga alamat
at engkanto, panlibang sa mga bata
• kuwento ay tungkol sa buhay ng
mga santo at santa -layunin nila ay
mapalaganap ang Kristiyanismo.
• Parabula- naglalaman ng mga
talinghaga at nagtuturo ng aral.
Hal. Ang Mabuting Samaritano
C. Panahong Post Kolonyal( Panahon ng Amerikano)
• Ang maikling kuwentong Tagalog ay
naisulat noong mga unang sampung
taon ng mga Amerikano. Mga unang
anyo nito ay ang dagli at pasingaw.
dagli - maikling salaysay na gayong
nangangaral nang lantaran ay
namumuna, nagpapasaring at
nanunuligsa.
Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping
Ginto” ni Cue Malay
Pascual Poblete ang
manunulat na nagsulat
ng dagli na inilathala sa
pahina ng pahayagang
“Muling Pagsilang” noong
1903. Yumabong ang
uring ito ng salaysay sa
tulong pa rin ng
pahayagang Democracia,
Ang Mithi, Taliba
hanggang 1921.
Halimbawa ng dagli ni Salvador R.
Barros:
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa
pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay
may malaking ipinagkakaiba.
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki
ay lumalabas sa kabila.
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng
babae ay lumalabas sa bibig.
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng
reporter ay lumalabas sa pahayagan."
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
pasingaw- patungkol sa mga
paralumang hinahangaan, sinusuyo,
nililigawan at kung anu-ano pa.
Sa mga dahon ng pahayagang
Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan
ito kumita ng liwanag. Madalas na ang
mga may-akda nito ay gumagamit o
nagtatago sa kanilang mga sagisag
panulat.
Napatanyag at namalasak ang
pagsulat ng dagli at naging katha at sa
bandang huli ay tinawag na maikling
katha hanggang 1921.
Noong 1910, nagtagumpay ang
“Elias” ni Rosauro Almario sa
pahayagang Ang Mithi sa bisa ng
14,478 na boto ng mga mambabasa.
Mga Unang Kuwentong May Banghay
• Taong 1920, ang mga kathang Tagalogay nagkaroon ng banghay at angkaramihan nito ay nalathala sa mgababasahin sa Maynila. Dito unangnamayani sina Deogracias A. Rosario,Amado V. Hernandez, Jose EsperanzaCruz, Rafael Olaya, Teofilo Sayco atbp.
Deogracias A. RosarioIpinanganak noong 17 Oktubre 1894
sa Tondo, Maynila,
Amang Maikling Kwentong Tagalog
D. Panahon ng Hapon
Gintong Panahon ng Maikling Kuwento
• Pansamantalang napinid ang mgapalimbagan sa panahon ng mga Haponesngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muliitong nabuksan. Pinahintulutangmakapaglathala ang Liwayway kaya’t biglangnakapasok ditto ang mga akda na dati ay hinditinatanggap ng naturang babasahin.
Dahil dito ang mga manunulat na
dating nagsusulat sa Ingles ay
nagtangkang magsulat sa Tagalog.
• Nagdaos ng timpalak ang
Liwayway at pinili ang mga
pangunahing kuwento noon na
tinipon sa isang aklat. “Ang 25
Pinakamabubuting Maikling Kathang
Pilipino ng 1943.
Nanguna sa timpalak ang sumusunod
na apat na kuwento.:
Pangunahin- “Lupang Tinubuan”
Narciso Reyes
Pangalawa –“ Uhaw Ang Tigang na
Lupa” Liwayway A. Arceo
Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan”
NVM Gonzales
Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan”
Macario Pineda
• Kabilang sa mga bagong pangalan
sina Liwayway A. Arceo, Amado
Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga
nanguna sa kanila, nakilala sina
Teodora Agoncillo, Gemilliano
Pineda at Serafin Guinigundo atbp.
Liwayway Arceo
E. Panahon ng Kalayaan
• Ang Gantimpalang Carlos Palanca,
isang timpalak pantikan ay nagdulot
ng bagong hamon sa mga manunulat
sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang
patimpalak sa maikling katha noong
1950
• naitatag ang Kapisanang KADIPAN
(aklat, diwa at panitikan) na itinatag
sa pamamahala nina Ponciano B.
Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU.
• ang Diwa at Panitik (1965) ay
nagpalabas ng magasing Sibol na
ang nilalaman ay tuntunin sa
panitikan, wika at pagtuturo
• Noong Enero 1962, ang magasing
Akda ang naging kaakit-akit na
babasahing naglalathala ng mga
orihinal na akda at salin saTagalog ng
mga manunulat sa Ingles
• Ang magasing Panitikan ay muling
pinalabas ni Alejandro G. Abadilla
noong Oktubre, 1964 at tumagal
hanggang 1968
• Nagtaguyod ang Pamantasan ng
Ateneo ng Urian Lectures na
pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera.
• Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng
pamahalaan noong 1969. nilahukan ng
katipunan ng sampung akda. Nagwagi si
Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa
kanyang “ Si Ambo at Iba Pang
Kuwento”.
• Ang huling taon sa dekada 60 ang
panahon ng protesta. Ang mga
manunulat ay pumaksa sa kaawa-
awang kalagayan ng iskuwater, sa
mga suliranin ng magbubukid at
manggagawa.
F. Panahon ng Bagong
Lipunan (Batas Militar)
• Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa
Pilipinas sa panahong Batas Militar ay
kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa
kanilang mga akda ang mga suliraning tulad
ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa
ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng
pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga
limot na mamamamayan at pang-aalipin ng
negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng
mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang
ito.
• Sagisag- isang magasing inilathala
ng Kagawaran ng Pabatirang Madla
upang magkaroon ng
mapaglalathalaan ng mga akdang
hindi tinatangkilik ng mga popular na
babasahin.Nagtaguyod din ito ng
Gawad Sagisag at nakatuklas ng
mga bagong manunulat.
• Ang iba;t ibang kuwentong lumabas
at naisulat sa panahong ito ay
pawing sumasaling sa ugat ng
lipunan.
• Nakilala sa panahong ito ang mga
kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario
Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati
Bautista, Reynaldo Duque, Benigno
Juan, Benjamin Pascual, Domingo
Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo
Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.
• Sa panahong ito, naging palasak ang
pagpunta ng mga Pilipino sa bang
bansa lalo na sa Estados Unidos, ito
ang naging batayan ni Domingo
Landicho upang isulat ang kuwentong
”Huwag mong Tangisan Ang
Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib
ng Niyebe” na siyang pinagkalooban
ng gantimpalang Palanca noong 1975.
• Samantala, noong 1979-1980, isang
simple subalit pinakamakahulugang
kuwento ang napili ng Palanca upang
gawaran ng gantimpalang
pinakamahusay para sa taong iyon
ang kuwentong “Kandong “ ni
Reynaldo Duque.
G. Kasalukuyang Panahon
• Nagpatuloy ang Liwayway sa
pagbubukas ng kanilang pinto para
sa mga manunulat ng kuwentong
ngayon pa lang sumisibol.Maraming
kuwentong nailathala ng mga
pagbabagong naganap sa bansa
pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito
ang mga kuwentong nagtataglay ng
diwa, saloobin, at paniniwala ng mga
manunulat sa bagong panahon.
• Nagkaroon ng iba„t ibang
pamamaraan ng pagkukwento. Ang
mga paksang dati ay hindi naisusulat
ay napapansin. Naging matimpi ang
pagtalakay ng paksa. Madula ngunit
maligoy. Ang mga katangiang iyan ay
namalagi hanggang sa kasalukuyan
at ito„y tinawag na kontemporaryong
maikling kwento.
Unang Gawain:
Gumawa ng Time Line ng Pag-
unlad ng Maikling kwento sa
inyong mga kwaderno. Itala
ang mga mahahalagang
pangyayari sa bawat panahon.
(15 puntos)