kagawaran ng edukasyon filipino 3 - deped muntinlupabumisita ang lola mo isang umaga. 3. tinanong ka...

12
Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 Pagbabago ng dating kaalaman batay sa binasang teksto Paggamit ng Magagalang na Pananalita Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Otheza Rosa R. Cortes Manunulat Maila C. Lorenzo Rowena R. Dulay Sahlee Y. Donceras Maricel P. Dimaano Jhanne M. Victorino Mga Tagasuri Nelia G. Abejar Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Upload: others

Post on 06-Sep-2021

5 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 3 Pagbabago ng dating kaalaman batay sa

binasang teksto

Paggamit ng Magagalang na Pananalita

Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Otheza Rosa R. Cortes

Manunulat

Maila C. Lorenzo Rowena R. Dulay Sahlee Y. Donceras

Maricel P. Dimaano Jhanne M. Victorino

Mga Tagasuri

Nelia G. Abejar

Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

2

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:

Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang

kaalaman sa binasang teksto (F3PB-Ii-15) (F3PB-IIj-15)

Nababasa nang may pang-unawa ang teksto

Nagagamit ang pictograph sa pagpapaunlad ng kaalaman

Panuto: Bilugan ang mga larong Pinoy at ikahon ang

hindi.

1. patintero

2. piko

3. PSP

4. robot

5. Roblox

PANUTO: Basahin at unawain ang kuwento. Iguhit ang nagustuhang

bahagi sa binasang kuwento sa loob ng kahon.

Isang Aral Ma. Lyn Igliane- Villenes

“Berto, pagkatapos ng iyong gawain ay iligpit mo ang iyong

mga kalat. Pakitapon na rin ang ating basura sa tapunan sa labas,”

bilin ni Nanay Imay kay Berto.

Isang hapon, nagulat si Berto nang mapansin niyang puro

basura ang paligid ng kanilang bahay. Nangangamoy na rin ang

mga ito. Maya-maya pa ay biglang bumuhos ang ulan. Hindi

naman ito malakas subalit mabilis na tumaas ang tubig. Diring-diri

siya sa mga naglutang na basura. Sumigaw siya ng saklolo sa

kaniyang nanay.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

3

“Berto, gising! Bakit ka ba sumisigaw?” tanong ni Nanay Imay kay

Berto habang ginigising niya ito. Simula noon, ang mga basura sa

kanilang bahay ay itinatapon na niya sa tamang basurahan. Hindi

na rin siya nagkakalat.

Alamin Natin!

Ano ang Pictograph?

Ang pictograph ay ang representasyon ng datos gamit

ang mga imahe at simbolo.

Ang paggamit ng pictograph ay isang mabisang

paraan upang maipakita ang maraming datos sa

isang maikling oras.

Ito rin ay isang paraan upang mas maintindihan ang

konseptong nais mong maiparating.

Madalas itong ginagamit sa mga artikulo sa balita at

mga blog upang i-highlight ang partikular o

mahalagang punto ng impormasyon.

Kailan ginagamit ang pictograph?

magpakita ng tally

magpakita ng isang paghahambing

palitan ang isang salita

Para sa Branding

Paano Gumawa ng isang Pictograph?

kolektahin ang data

piliin ang iyong simbolo

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

4

magtakda ng isang numerikal na halaga na kinakatawan ng

isang simbolo

iguhit ang pictograph

suriin ang iyong data at tiyakin kung tama ang kumakatawan

sa impormasyong nais mong ipakita.

Halina! Basahin natin ang kuwento.

Nakababagot na Araw

Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking mga

pinsan. Noong una ay ayokong sumama dahil sila ay nakatira sa

malayong baryo. Pero wala akong nagawa.

Unang araw ko pa lamang ay inip na inip na ako dahil

wala akong malaro. Hindi pinadala ang PSP ko. Wala ring

computer shop sa lugar na ito. Sana nadala ko ang laruan kong

robot at kotseng de-remote. Nakababagot talaga.

Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana, nakita

ko ang aking mga pinsan at iba pa nilang kaibigan na masayang

naghahabulan. Pero, nagtataka ako dahil nakita kong may latang

pinatumba gamit ang tsinelas, bago sila nagtakbuhan. Kitang-kita

ko ang kasiyahan sa mukha nila.

Maya-maya, kumaway ang isa kong pinsan at pinalabas ako

ng bahay. Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan at kulitan

nila. Nalaman ko na tumbang preso pala ang tawag sa larong

iyon.

Isinali rin nila ako sa larong patintero, luksong-baka, pati na rin

sa piko. Nawala sa isip ko ang computer games, pati na rin ang

aking mga laruan.

1. Saan pumunta ang batang bida sa seleksiyon?

A. lungsod

B. baryo

C. parke

2. Ano ano ang mga larong nais gawin ng bidang bata sa

seleksiyon?

A. PSP

B. Mobile Legends

C. Tetris

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

5

3. Ano ang naramdaman ng bata na hindi niya magawa ang

nais niya?

A. bagut na bagot

B. tuwang-tuwa

C. lungkot na lungkot

4. Ano ang naramdaman ng bata ng makita ang mga pinsang

naglalaro?

A. nagtataka

B. nagulat

C. namangha

5. Ano-anong mga larong pinoy ang natuklasan niya?

A. tagu-taguan

B. luksong baka

C. tumbang preso

Panuto: Pag-aralan ang pictograph sa ibaba. Sagutin ang mga

tanong gamit ang mga datos na nasa pictograph.

1. Ano ang ipinapakita ng pictorgraph?

____________________________________________________________

2. Isulat ang mga laro na ipinakita?

____________________________________________________________

3. Anong laro ang may pinakamaraming bilang ng batang

naglalaro?

____________________________________________________________

4. Ilang bata ang naglalaro ng patintero?

____________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, nakabubuti ba ang paglalaro ng

computer games? Bakit?

____________________________________________________________

Mga Laro

Bilang ng Batang Naglaro

PIKO

COMPUTER GAMES

PATINTERO

KOTSENG DE REMOTE

TAGUAN

- isa

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

6

- isa

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa graph na ito.

1. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick noong Lunes? _____________

2. Ilang bote naman noong Biyernes? ________________

3. Anong araw ang may pinakamaraming bote na nakolekta?

________________

4. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick sa limang araw? _______

5. Anong araw ang may pinakaunti bote na nakolekta _______

Sagutan ang graph sa ibaba.

Mga Laro Bilang ng Naglalaro

Luksong Tinik

Patintero

Piko

Tumbang Preso

Ang pictograph ay ang representasyon ng

datos gamit ang mga imahe at simbolo.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

7

1. Ano ang ipinapakita ng pictograph?

________________________________________

2. Anong laro ang pinakamaraming bata ang naglalaro?

________________________________________

3. Ilang bata ang naglalaro ng luksong tinik?

________________________________________

4. Anong laro ang pinakakaunting bata ang naglalaro?

________________________________________

5. Ilang bata ang naglalaro ng tumbang preso?

________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Pag-aralan ang pictorgraph. Sagutin ang mga

tanong gamit ang mga datos na makikita dito.

1. Sino ang pamilyang nag-ani sa kanilang palayan?

A. pamilyang Santos C. pamilyang Reyes

B. pamilyang Dela Cruz D. pamilyang Cruz

2. Anong taon ang may pinakakaunting ani?

A. 2011 C. 2007

B. 2008 D. 2010

3. Ilang sako ng bigas ang kanilang naani noong 2009?

A. 140 C. 160

B. 150 D. 170

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

8

4. Anong taon ang may pinakamaraming naaning bigas?

A. 2011 C. 2007

B. 2008 D. 2010

5. Ilan ang kabuuang bilang ng sako ng bigas ang naani ng

Pamilyang Reyes sa loob ng limang taon?

A. 820 C. 920

B. 720 D. 620

Sanggunian

https://brainly.ph/question/1088679#readmore

https://brainly.ph/question/1088679

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang:

Nakikilala ang mga magagalang na pananalita

Natutukoy ang mga magagalang na pananalita sa

pangungusap

Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa

pagpapaliwanag sa iba’t ibang sitwasyon (F3PS-IIb-12.5)

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag

ay gumagamit ng magagalang na pananalita

at malungkot na mukha kung hindi.

______1. “Maaari po ba akong makahingi ng tubig?”

______2. “Bakit, Lolo? Ano ang nangyari?”

______3. ”Magandang umaga po, Bb. Marissa.”

______4. “Tumabi ka nga diyan.”

______5. “Paraan nga diyan Carl.”

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: 1 2, 3, 4, 5

Pangwakas na Pagsusulit: 1C, 2C, 3A, 4A, 5A

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

9

Paggamit ng Magagalang na Pananalita

1. Pagbati

Magandang umaga po!

Kumusta na po kayo?

2. Paghingi ng Paumanhin

Pasensya na po kayo sa nangyari.

Humihingi po ako ng tawad sa lahat kong

kasalanan

3. Pagpapakilala

Nais ko pong ipakilala ang aking ina.

4. Pagtanggap ng Paumanhin

Tuloy po kayo.

5. Paghingi ng pahintulot at pakiusap

Pasensya na po at ngayon lang kami nakarating.

Maaari po bang palitan ang binili ko?

Panuto: Piliin sa kahon ang hinihinging kahulugan ng mga salita.

Kasinghahulugan Kasalungat

1. makisali makisama 1. sobra labis

2. maliksi 2. masaya

3. inaaksaya 3. matulin

4. paaralan 4. mayaman

5. galak 5. pandak

masigla malungkot sinasayang

mabagal eskwelahan mahirap

saya matangkad

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

10

Maraming salamat po. Walang anuman

Tuloy po kayo lola. Makikiraan po ako lola.

Oo, tapos na ako. Opo, tapos na po ako.

Panuto: Basahin ang tula at unawain.

Ang Batang Magalang

Ang batang magalang, kinatutuwaan

Ng kapwa bata’t maging matanda man.

Pag nasasalubong ang guro n’yang mahal,

Ngiti ng pagbati ang lagi niyang bigay.

Di nakikipag-away sa kapwa bata,

At di gumagamit salitang masagwa.

Sa pagsasalita’y laging mahinahon,

Ang po at opo ang lagi niyang tugon.

Tanong

1. Tungkol saan ang tula? ___________________________________

2. Sino ang kinatutuwaan ayon sa tula? _____________________

3. Bakit siya kitatutuwaan? __________________________________

4. Paano niya naipapakita ang paggalang sa bata man o

matanda? _______________________________________________

5. Anong katangian ang nais ipahayag sa iyo ng tula na dapat

mong taglayin? ___________________________________________

Panuto: Bilugan ang angkop na magagalang na pananalita na

hinihingi sa sitwasyon.

1. Binigyan ka ng laruan ng tita mo.

2. Bumisita ang lola mo isang umaga.

3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong

takdang-aralin.

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

11

Pasensya ka na hindi kita napansin.

Paharang-harang ka kasi eh.

Magandang umaga po. Magandang tanghali po.

4. Isang tanghali, nakasalubong mo ang iyong guro.

5. Nagmamadali kang pumunta ng palikuran, nabangga mo ang

iyong nakababatang kapatid na naglalaro sa sala.

Panuto: Punan ang patlang sa dayalogo ng angkop na

magagalang na pananalita.

Isang umaga nakasalubong ni Marlon si Joan.

Marlon: Magandang umaga Joan.

Joan: ____________________ din naman po sa iyo Marlon.

Marlon: _____________________?

Sa pagbibigay ng paliwanag tulad ng pagbati,

paghingi ng paumanhin, paghingi ng pahintulot o

pakiusap, pagpapakilala at pagtanggap ng

panauhin kailangang gumamit ng mga

magagalang na pananalita.

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd MuntinlupaBumisita ang lola mo isang umaga. 3. Tinanong ka ng nanay mo kong nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin. 11 Pasensya ka na hindi

12

Joan: Mabuti naman po. Maraming salamat. Ikaw,

kamusta ka?

Marlon: Mabuti rin naman po.

Joan: Paalam na Marlon.

Marlon: _________, Joan.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng bituin ang loob kahon kung ang

pangungusap na may paggalang at ulap kung hindi.

1. Paalam na po. Papasok na po ako.

2. Aalis na po ako, Nanay.

3. Si Kahlil po ito Tita Tess.

4. Magandang umaga po, Gng. Cortes.

5. Pupunta po ba kayo sa palengke?

Sanggunian

https://www.tagaloglang.com/ang-batang-magalang-tula/

Martinez, Marichu M.(Ed.). Bandila Aklat sa Wika at Pagbasa.2010. Sunrise Publication Hauz, Inc. Sta.

Mesa Metro Manila.

Paalam Kamusta ka na

Magandang umaga Paumanhin

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: 1, 2, 3, 4, 5

Pangwakas na Pagsusulit: 1, 2, 3, 4, 5