ito ba ang iyong unang pagkakataong mag-file ng …ito ba ang iyong unang pagkakataong mag-file ng...

2
Ito ba ang iyong unang pagkakataong mag-file ng iyong mga buwis? Ano ang kailangan mong malaman Ang mga residente ng Ontario ay kailangang mag- file ng buwis sa kita at pagbabalik ng benepisyo (benefit return) bawa’t taon upang: malaman kung nagbayad sila ng tamang halaga ng buwis sa kita mag-aplay para sa mga kabayaran ng pamahalaan maging kwalipikado para sa mga programa ng pamahalaan na batay sa kita. Ang mga buwis ay tumutulong na magbayad para sa mga mahalagang programa at serbisyo ng pamahalaan, kabilang ang mga kalsada, mga paaralan, pangangalagang pangkalusugan at pampublikong kaligtasan. Ano ang dapat kong iulat bilang kita? Ang kitang kinita sa loob at sa labas ng Canada ay dapat iulat, kabilang ang: Kita sa full-time at part-time na trabaho at sariling hanapbuhay pensyon, mga planong pang-impok, kita sa pamumuhunan at benepisyo. Nagbayad ba ako ng tamang halaga? Bawa’t sitwasyon ay magkakaiba – ito ay depende sa iyong edad, kita, mga gastos, at laki ng iyong pamilya. Kapag ikaw ay nag-file ng isang return, ikaw ay maaaring maging kwalipikado para sa isang pagsasauli ng pera kung nagbayad ka ng sobrang buwis sa kita. Paano kung wala akong anumang kita? Kailangan mong mag-file ng isang return upang mag-aplay para sa mga kabayaran ng pamahalaan o maging kwalipikado para sa mga programa ng pamahalaan na batay sa kita. Kailan ako magpa-file ng return? Mag-file bago Abril 30 upang makuha ang iyong mga bayad nang nasa oras at upang maiwasan ang mga multa at interes kung ikaw ay may utang sa buwis. Kailangan ng impormasyon sa pagkuha o pag-file ng return? Pumunta sa canada.ca/taxes-get-ready o tumawag sa 1 800 959 8281. Mga halimbawa ng mga karaniwang kredito sa buwis at benepisyo para sa mga tao: Ontario Trillium Benefit [Benepisyo ng Ontario Trillium] (probinsiyal) GST/HST na Kredito (pederal) Ontario Child Benefit [Benepisyo ng Ontario para sa Bata] (probinsiyal) Canada Child Benefit [Benepisyo ng Canada para sa Bata] (pederal) Working Income Tax Benefit [ Benepisyo sa Kita sa Buwis sa Trabaho] (pederal) Ontario Senior Homeowner Property Tax Grant [Pamigay sa Buwis ng Ari-arian ng Sinyor na Nagmamay-ari ng Bahay sa Ontario] (probinsiyal) Ontario Seniors’ Public Transit Tax Credit [Kredito sa Buwis ng Pampublikong Transit ng Sinyor sa Ontario (probinsiyal) GAINS (probinsiyal) Alam mo ba? Ang mga bawas sa buwis ay nagpapababa ng iyong buwis sa kita Ang mga kredito ng buwis ay nagpapababa ng iyong babayarang buwis sa kita Ikaw ay maaaring makatanggap ng mga kabayaran sa pamahalaan kahit na ikaw ay nasa panlipunang tulong (social assistance) Ang mga kredito, benepisyo at mga programa ay nagbabago sa loob ng panahon

Upload: others

Post on 19-Jan-2020

28 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Ito ba ang iyong unang pagkakataong

mag-file ng iyong mga buwis?

Ano ang kailangan mong malaman

Ang mga residente ng Ontario ay kailangang mag-file ng buwis sa kita at pagbabalik ng benepisyo (benefit return) bawa’t taon upang:

malaman kung nagbayad sila ng tamang halaga ng buwis sa kita

mag-aplay para sa mga kabayaran ng pamahalaan

maging kwalipikado para sa mga programa ng pamahalaan na batay sa kita.

Ang mga buwis ay tumutulong na magbayad para sa mga mahalagang programa at serbisyo ng pamahalaan, kabilang ang mga kalsada, mga paaralan, pangangalagang pangkalusugan at pampublikong kaligtasan.

Ano ang dapat kong iulat bilang kita?

Ang kitang kinita sa loob at sa labas ng Canada ay dapat iulat, kabilang ang:

Kita sa full-time at part-time na trabaho at sariling hanapbuhay

pensyon, mga planong pang-impok, kita sa

pamumuhunan at benepisyo.

Nagbayad ba ako ng tamang halaga?

Bawa’t sitwasyon ay magkakaiba – ito ay depende sa iyong edad, kita, mga gastos, at laki ng iyong pamilya. Kapag ikaw ay nag-file ng isang return, ikaw ay maaaring maging kwalipikado para sa isang pagsasauli ng pera kung nagbayad ka ng sobrang buwis sa kita.

Paano kung wala akong anumang kita?

Kailangan mong mag-file ng isang return upang mag-aplay para sa mga kabayaran ng pamahalaan

o maging kwalipikado para sa mga programa ng pamahalaan na batay sa kita.

Kailan ako magpa-file ng return?

Mag-file bago Abril 30 upang makuha ang iyong mga bayad nang nasa oras at upang maiwasan ang mga multa at interes kung ikaw ay may utang sa buwis.

Kailangan ng impormasyon sa pagkuha o pag-file ng return?

Pumunta sa canada.ca/taxes-get-ready o tumawag sa 1 800 959 8281.

Mga halimbawa ng mga karaniwang kredito sa buwis at benepisyo para sa mga tao:

Ontario Trillium Benefit [Benepisyo ng Ontario Trillium] (probinsiyal)

GST/HST na Kredito (pederal)

Ontario Child Benefit [Benepisyo ng Ontario para sa Bata] (probinsiyal)

Canada Child Benefit [Benepisyo ng Canada para sa Bata] (pederal)

Working Income Tax Benefit [ Benepisyo sa Kita sa Buwis sa Trabaho] (pederal)

Ontario Senior Homeowner Property Tax Grant [Pamigay sa Buwis ng Ari-arian ng Sinyor na Nagmamay-ari ng Bahay sa Ontario] (probinsiyal)

Ontario Seniors’ Public Transit Tax Credit [Kredito sa Buwis ng Pampublikong Transit ng Sinyor sa Ontario (probinsiyal)

GAINS (probinsiyal)

Alam mo ba?

Ang mga bawas sa buwis ay nagpapababa ng iyong buwis sa kita

Ang mga kredito ng buwis ay nagpapababa ng iyong babayarang buwis sa kita

Ikaw ay maaaring makatanggap ng mga kabayaran sa pamahalaan kahit na ikaw ay nasa panlipunang tulong (social assistance)

Ang mga kredito, benepisyo at mga programa ay nagbabago sa loob ng panahon

Ito ba ang iyong unang pagkakataong mag-file ng iyong mga buwis? Ano ang kailangan mong malaman

Ang ibang mga programang pangbenepisyo ay makukuha para sa mga taong nakatira sa Ontario, kabilang ang:

Mga bata mga sinyor mga mag-aaral mga babae mga taong may mga kapansanan

Magkano ang maaari mong makuha?

Isang nagsosolong, 19-na taong gulang na mag-aaral mula sa Timog Ontario na walang kita ay maaaring makatanggap ng mahigit sa $300*

Isang nagsosolong nasa hustong gulang mula sa Timog Ontario na kumikita ng $24,000 at nagbabayad ng $800/buwan na renta ay

maaaring makatanggap ng mahigit sa $725*

Ang isang mag-asawa mula sa Hilagang Ontario na kumikita ng $40,000 at nagbabayad ng $2,400 na buwis sa ari-arian ay maaaring

makatanggap ng mahigit sa $700*

Isang nagsosolong magulang mula sa Hilagang Ontario na may isang 4-na taong gulang na anak, kumikita ng $27,000 at nagbabayad ng $700/buwan na renta ay maaaring

makatanggap ng mahigit sa $2,225* Isang mag-asawa mula sa Timog Ontario na

may dalawang anak na 4 at 7 taong gulang, kumikita ng $35,000 at nagbabayad ng $1,000/buwan na renta ay maaaring makakuha

ng mahigit sa $3,075* Isang sinyor mula sa Hilagang Ontario na

kumikita ng $22,000 at nagbabayad ng $775/buwan na renta ay maaaring makakuha

ng mahigit sa $1,350*

Isang sinyor na mag-asawa mula sa Timog Ontario na kumikita ng $28,000 nagbabayad ng $2,700 na buwis sa ari-arian ay maaaring

makatanggap ng mahigit sa $2,075* * at anumang mga pampederal na kredito sa buwis at mga benepisyo

Upang malaman ng mas higit pa,

tingnanitong mga nakatutulong na mga

mapagkukunan ng pamahalaan:

Pamahalaan ng Ontario

ontario.ca

Ministri ng Pananalapi (Ministry of Finance)

ontario.ca/taxcredits

ontario.ca/benefitsforpeople

TEL: 1 866 ONT-TAXS (1 866 668 8297)

TTY: 1 800 263 7776

ServiceOntario

ontario.ca/serviceontario

TEL: 1 800 267 8097

Pamahalaan ng Canada

canada.ca

TEL: 1 800 O-Canada (1 800 622 6232)

TTY: 1 800 926 9105

Canada Revenue Agency (Ahensiya ng Kita

sa Canada)

canada.ca/taxes

TEL: 1 800 959 8281

Mga programang espesipiko sa Ontario:

TEL: 1 877 627 6645

TTY: 1 800 665 0354

Canada Benefits (Mga Benepisyo ng

Canada)

canada.ca/benefits

canada.ca/child-family-benefits-calculator

mf5730
Typewritten Text
mf5730
Typewritten Text
© Queen’s Printer for Ontario, 2017 ISBN 978-1-4606-2542-2 (Print)
mf5730
Typewritten Text
mf5730
Typewritten Text
mf5730
Typewritten Text