ang ating buhay ay karaniwang pinamamahalaan - fustero.es hanggang sa aking maipahayag ang iyong...
TRANSCRIPT
Paghahanda sa pagbabago
Paghahanda sa pag-aasawa
Paghahanda sa pagiging magulang
Paghahanda sa pagtanda
Paghahanda sa kamatayan
Ang ating buhay ay karaniwang pinamamahalaanng paulit-ulit na gawain. Gayunman, minsan ay nababago ng pagbabago ang mga gawaing ito. Ang mga pagbabagong iyon ay maaaring di-inaasahano nakikita na agad.
Pag-aralan natin kung paano nakakatulong ang Biblia sa atinupang mapaghandaan ang mgapagbabagong iyon, lalo na sa mga nakikita natingmaaaring mangyari.
Mahahanda ba tayo upang maharap natinng tama ang anumang pagbabago?
Oo, maari tayong mahanda—kahit maaaritayong mabigo sa ilang pagbabago, dahilhindi tayo perpekto.
Ang susi ay ang pagkakaroon ng relasyonsa Dios araw-araw. Sa ganun, mahaharapnatin ang mga pagbabago ng may pananampalataya at pagtitiwala. Magiginghanda tayong sumunod sa Dios anumanang pangyayari o tuksong darating.
Naalala ni Pablo ang kwento ng Israel sadisyerto. Paano nila hinarap ang kakulangan ng maiinom na tubig, ang pag-alis ni Moises, o ang paanyaya ng mgababaeng Moabita? (1 Corinto10:1-13).
“Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.” (1 Corinto 10:11)
May mga halimbawa sa Biblia na tumugon ng positibo at negatibo sa mgadi-inaasahang pangyayari:
JONAS
• Naging duwag siya nanghiniling siyang mangaral saNineve.
PEDRO
• Naging marahas siya nangdumating ang mga taoupang hulihin si Jesus.
DEMAS
• Iniwan niya si Pablo nangsilay usigin.
DANIEL
• Pinili niyang manatilingDalisay nang siyang bihaginsa ibang bansa.
ESTHER
• Sinapalaran niya ang sarilingbuhay upang maligtas ang kanyang bayan.
NEHEMIAS
• Nagplano siyang itayo muliang Jerusalem nang malamanniyang nawasak ito.
“Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawaay nakasumpong ng mabuting bagay, at
nagtatamo ng lingap ng Panginoon.”(Kawikaan 18:22)
Maraming nag-aasawa—ngunit hindi lahat. Nakatala ang paksang ito sa mga unangpahina ng Biblia (Genesis 2:24).
Dinadala ng pag-aasawa ang isang babae at lalaki sa pagiging isa. Ang relasyong iyon ay mas matibay kaysa sa ating mga magulang o sa iba man, ngunit hindi nagpapawalang bisasa kanila.
Ang unang hakbang sapag-aasawa ay pagigingulirang tao. Ang ikalawang hakbang ay ang paghanap ng atingulirang kapares.
PAGHAHANDA SA PAG-AASAWA“Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingapng Panginoon.” (Kawikaan 18:22)
Pag-aralan ang mga talata at itanongsa iyong sarili ang tungkol samagiging kabiak mo. Makakapasa ka ba sa pasulit na ito bilang kabiak?
Siya ba ay masipag?Kawikaan 24:30-34
Siya ba ay magagalitin?Kawikaan 22:24-25
Pareho ba ang paniniwala ninyo?2 Corinto 6:14-15
Ano ang iniisip ng aking pamilya at mga kaibigan?
Kawikaan 11:14
Nadadala lang ba ako ng akingdamdamin?
Kawikaan 3:5-6
“Hayaang ang dalaga ay
tumanggap ng katuwang sa buhay
ng tanging mayroong dalisay,
maginoo, masipag, minimithi, at
matapat, isang nagmamahal at
may takot sa Dios. Hayaang ang
isang binata ay maghanap ng isang
tatayo sa kanyang panig at
marapat na magdala ng kanyang
bahagi ng hirap sa buhay, isang
may may impluwensyang
nakakapadakila at nakakapabuti
sa kanya, at makapagpapasaya sa
kanya ng kanyang pag-ibig.”
E.G.W. (Messages to Young People, cp. 148, p. 435)
“Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagkatumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” (Kawikaan 22:6)
Ang pagsilang ng bata ay isang malakingpagbabago para sa mga magulang. Kaligayahan, responsibilidad, kabalisahan…
Gaano man karaming anak, bawat isa ay espesyal at natatangi, isang biyaya mula saDios, maniwala ka man o hindi (Awit 127:4).
Ayon sa Biblia, paano tayo mahahanda sapagiging magulang?
1 Samuel 1:27. Laging ipanalangin siya, kahit bago siya ipanganakHukom 13:7. Maging maingat sa pagkain at kalusungan sa pagbubuntis, at huwag tumigil matapos na magluwalLucas 1:6. Lumayo sa kasalananLucas 1:41. Humingi ng gabay sa Banal na EspirituLucas 1:46-47. Magpasalamat sa Dios sa biyaya ng bagong buhayLucas 1:76. Ang pangunahin mong hangarin ay palakihin ang iyong anak sa paraan magiging tunay siyang anak ng Dios
“Sa mga tatay at nanay nakaatang ang
responsibilidad para sa maaga at huling
pagsasanay ng anak, at para sa mga magulang ay
ang pangangailangan ng maingat at masinsinang
paghahanda. Bago pumasok sa kalagayang
maaari silang maging magulang, ang mga babae
at lalaki ay dapat makaalam ng mga batas ng
paglago ng pangangatawan—kasama dito ang
mga bahagi, kalinisan, kamalayan sa
impluwensya bago makapanganak, kasama ng
mga batas ng pagmamana, kalinisan, pananamit,
ehersisyo, at pagpapagamot sa sakit; dapat din
nila maunawaan ang mga batas ng paghasa sa
isip at paghubog sa ugali.”
E.G.W. (Child Guidance, cp. 8, p. 63)
PAGHAHANDA SA PAGTANDA“Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mgataon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran samga yaon.’” (Ecclesiastes 12:1)
Ang paghahanda sa katandaan ay nagsisimula sakabataan.
Ang mga ugaling nabuo mula sa pagkabata ay may kinalaman sa paraan ng pamumuhay natin sapagtanda.
Ayon sa Awit 71, paano tayo mahahanda sa pagtanda?
Kilalanin ang Dios sa personal at malalim na paraan (v. 1-7)
Pagkamit ng mabuting ugali:
Tiwala sa Dios (v. 3)Papuri (v. 6)Pag-asa (v. 14)
Pagmamahal sa misyon (v. 15-18)
“Sinabi ni David na kahit ang ilan sa kanilang kabataan ay
matuwid, nawalan sila ng pagtitimpi sa kanilang pagtanda.
Pumasok si Satanas at nagbantay sa kanilang isip, ginagawa silang
balisa at hindi kontento. Nakita niya na maraming mga
matatandang mukhang iniwan ng Dios at inilantad ang kanilang
sarili sa panlilibak at kahihiyan mula sa kaaway. Nakilos ng
malalim si David; nabagabag siya habang iniisip niyang tatanda
siya. Natakot siya na baka iwan siya ng Dios at magiging
malungkot din siya gaya ng ilang matatandang Nakita niya ang
dinadaanan, at mapapahiya sa mga kaaway ng Panginoon. Dahil sa
ganitong pasanin ay nanalangin siya ng taimtim: ‘Huwag mo
akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka
ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.’ ‘Oh Dios, iyong tinuruan
ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking
inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Oo, pag ako'y
tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan;
hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod
na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating..’
Psalm 71:9, 17, 18. Naramdaman ni David ang pangangailangan ng
pagbabantay laban sa kasamaan na dumarating sa katandaan.”
E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 1, cp. 77, p. 423)
“Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay.” (Eccl. 9:5)
Walang sinumang makakahanda sabiglaang kamatayan (kahit sa sarili o mahal sa buhay). Mahirap tumanggap sakamatayan, kahit inaasahan na natin ito.
Gayunman, maaari tayong maghintay ng walang takot kung tayo’y laging nababalotng katuwiran ni Kristo (Roma 4:7).
Nang malapit nang mamatay si David, sinigurado nyangmay pinakamabuti siyang maiiwan: pinayuan niya ang kanyang anak na sumunod sa paraan ng Dios (1 Hari 2:1-3).
Alalahanin natin na nagtagumpay na si Jesus sakamatayan (1 Corinto 15:54-55).
Ang kamatayan ay hindi maiiwasan ng lahat ng tao, hanggang sa IkalawangPagdating (Genesis 3:19).
“Wala kang dapat sayanging sandali upang
pabayaan ang dakilang kaligtasang
ipinagkaloob sa iyo. Ang panahon ng
kaligtasan ay darating sa wakas. Sa bawat
araw, ang kahahantungan ng tao ay
tinatatakan, kahit sa kapulungang ito ay
hindi natin alam kung ilan ang mga
mamamatay sa hinaharap at ililibing sa
libingan. Dapat nating isaalang-alang na ang
buhay ay madaling lumilipas, na hindi tayo
ligtas sa isang sandali malibang ang buhay
natin ay nakapasakop kay Kristo sa Dios.”
E.G.W. (Selected Messages, vol. 1, cp. 23, p. 189)