ikaapat na markahan modyul 7: kinabukasan ko: misyon ko

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Pangalan ng Mag-aaral: _________________________ Baiting at Seksyon: _________________________ Paaralan: _________________________________

Upload: others

Post on 23-Oct-2021

65 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikaapat na Markahan – Modyul 7:

Kinabukasan ko: Misyon Ko

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________

Baiting at Seksyon: _________________________

Paaralan: _________________________________

Page 2: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

1

Magandang araw mga masisipag at matatalinong mga mag – aaral!

Sa mga nakaraang aralin natutunan niyo ang kahalagahan ng pagkakaroon

ng personal na pahayag ng misyon sa buhay at ang mga tamang hakbang kung

papaano ito gawin.

Sa modyul namang ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Ang mga nilikhang gawain at pagsasanay sa modyul na ito ay naglalayon na

patnubayan kayong makamit ang mga sumusunod na mga tiyak na layunin :

a. Napagtanto ang kahalagahan ng kaugnayan ng kanyang personal na

pahayag ng Misyon sa Buhay sa kanyang mga natatanging katangian bilang

nilalang na nagpapasya at kumikilos nang may pananagutan tungo sa

kabutihang panlahat.

b. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng mga sariling pagpapasya at kilos na

naayon sa kabutihang panlahat sa gagawing personal na pahayag ng misyon

ng buhay.

c. Nahihinuha na ang kanyang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay

dapat nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na

nagpapasya at kumiklos nang may pananagutan tungo sa kabutihang

panlahat.

Code: EsP9KP-IVd-14.3

Alamin

Page 3: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

2

Subukin Gawain 1: Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong at isulat ang

letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat aytem.

_______ 1. Bakit mahalaga na magkaugnay sa iyong katangian ang iyong

gagawin na personal na pahayag ng misyon sa buhay?

A. Upang makamit mo ito gamit ang iyong kakayahan at

katangian

B. Para maiwasang gawin ang mga hakbang na hindi naayon

sa iyong plano

C. Para maging tunay kang maligaya

D. Lahat ng nasa itaas

______ 2. Ano ang tunay na misyon ng ating buhay ayon kai Fr. Jerry

Orbos?

A. Makalikom ng maraming kayamanan

B. Maglingkod sa Panginoon, sa pamilya at sa ibang taong

nangangailangan

C. Magkaroon ng magandang asawa

D. Makapagpatayo ng maraming gusali at tindahan

_______ 3. Bakit mahalaga na maging maingat ka sa mga desisyon na

gagawin mo sa iyong buhay sa ngayon?

A. Dahil wala ka pa sa saktong edad para gumawa ng

desisyon

B. Upang hindi ka magkamali pagdating ng panahon

C. Kailangan ang mga magulang mo ang magdesisyon sa

lahat ng bagay

D. Dahil lahat ng desisyon mo ngayon ay may ugnayan sa

mangyayari sa iyong buhay sa hinaharap

_______ 4. Saan dapat nakabatay ang bawat pagpapasya mo sa iyong

Page 4: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

3

gagawing personal na pahayag sa misyon ng buhay?

A. Angkop dapat sa iyong sariling kakayahan, katangian at

pagpapasya sa iyong larawan ng kaligayahan sa

kinabukasan

B. Angkop sa pangarap ng iyong pamilya

C. Depende sa bugso ng panahon

D. Nakabatay sa kukunin ng iyong matalik na kaibigan

_______ 5. Ano ang mangyayari kung ang isang tao ay walang ginawang

personal na pahayag ng misyon ng buhay?

A. Nakaplano ang bawat pasya niyang gagawin

B. Nagkakaroon ng tamang panahon ang tao para makapag -

ipon ng pera para sa buhay na gusto

C. Nililinang ang sariling katangian at kakayahan para maging

mahusay

D. Para siyang saranggola na walang lubid na kung saa- saan

lamang tinatangay ng hangin

_______ 6. Sa paggawa ng personal na misyon sa buhay kinakailangan na

ito gamitan ito ng SMART. Ano ang kahulugan nito?

A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound

B. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound

C. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound

D. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound

_______ 7. Si Pedro ay magaling sa pagkukumpuni ng mga sirang mga

aplayansis at kagamitan kaya kahit nasa hayskul pa lamang

siya nakapagdesisyon na siyang kumuha ng kursong tekbok sa

larangan ng electronics pagdating niya ng kolehiyo. Ano ang

ipinapakita ng nabanggit na sitwasyon?

A. Si Pedro ay kinakikitaan ng tamang pagpapasya sa buhay

ayon sa kanyang personal na misyon .

B. Si Pedro ay masipag kaya niya naiisip mag tekbok.

C. Si Pedro ay isang masuniring anak ng kanyang mga

magulang.

Page 5: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

4

D. Si Pedro ay may personal na misyon sa buhay na dapat

tuparin sa buhay.

_______ 8. Si Lily na isang troupe leader ay mag-eenrol sa Music & Arts

Summer School ngayong sembreak dahil gusto niyang lalong

linangin ang kaniyang hilig sa pagkanta at paglikha ng mga

awitin at musika. Ano ang ipinapakita ng sitwasyong nabanggit?

A. Si Lily ay isang batang mahilig sumayaw.

B. Si Lily ay nagpapakita ng pamaraan upang matupad ang

kanyang sariling misyon sa buhay.

C. Si Lily ay nagpapakita ng pagkamamaparaan upang

masiyahan ang kanyang mga magulang.

D. Si Lily ay nagpapamalas ng isang kasanayan sa pagsayaw.

_______ 9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang

tao?

A. Upang siya ay hindi maligaw.

B. Upang matanaw niya ang hinaharap.

C. Upang mayroon siyang gabay.

D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan.

_______ 10. Sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay dapat nakaugnay

ito sa kung __________.

A. ano ang mga layunin mo sa buhay

B. ano ang iyong pinapahalagahan

C. nais mong marating

D. lahat ng nabanggit sa itaas ay mga isinasaalang-alang sa

pagbuo ng personal na misyon sa buhay

Page 6: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

5

Modyul

7

Balikan

Gawain 2: Itapat Mo!

Panuto: Piliin ang letra ng iyong sagot sa sitwasyon sa Hanay A mula sa

pagpipilian sa Hanay B. Isulat ang letra ng sagot sa patlang na nakalaan sa bawat

aytem.

HANAY A HANAY B

Sitwasyon/Katangian Pagpipilian

____1. Pangarap mo na maging guro at

pangarap mo ding makapagtapos sa

isang tanyag na unibersidad ngunit hindi

nakaabot ang markang nakuha mo sa

entrance exam nila para sa Education.

Ano ang iyong gagawin?

A. Makikiusap sa admission

department para makahinge

ng konsiderasyon

_____2. Nalilibang ka sa paggawa ng mga

disenyo ng bahay at infrastructures.

Gusto mong maging architecture ngunit

hindi kaya ng mga magulang mong pag

- aralin ka.

B. Magsisikap ng pag -aaral at

gawing inspirasyon ang mga

magulang na makapagtapos.

_____3. Nalilito ka kung anong strand ang

kukunin mo sa Senior High School.

C. Hihinto sa Pag - aaral

_____4. Pangarap mong maging Interior

Designer ngunit ang tanging paaralan

na malapit sa inyo ay wala nang

kursong gusto mo

D. Isaisip ang sariling pananaw

sa buhay kong ano ang

pangarap mong propesyon at

saka magdesisyon ng

kukunin na track o strand

____5. Naranasan mo at nakita mong

nababaon na sa utang ang mga

magulang mo dahil sa kursong kinukuha

mo, at nasa ikatatlong taon kana sa

kolehiyo.

E. Mag - eenrol sa ibang

paaralan at kukuha ng

parehong kurso

F. Kukuha ng kursong kabilang

parin sa Hilig at kaya nang

mga magulang mo

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay:

Nagsasalamin ng mga natatanging katangian at

pagpapasya

Page 7: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

6

Tuklasin

Gawain 3: Magpasya Ka!

Panuto: Punan ang kolum sa ibaba. Magbigay ng limang sitwasyon sa iyong

buhay na kung saan nagsagawa ka ng pagpapasya. Isulat ang mga sumusunod

na kolum kung paano mo ito isinagawa at ano ang mabuti at di - mabuting naidulot

nito sa iyo?

Sitwasyon sa

Aking Buhay

Paano Isinagawa

ang Pagpapasya

Mabuting Naidulot Di - Mabuting

Naidulot

1.

2.

3.

4.

5.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 10 7 3

1. Nilalaman Naipaliwanag ng

maayos ang

nilalaman na

hinihingi sa

talahanayan.

May kaunting

kakulangan ang

pagpapaliwanag

na ibinahagi sa

talahanayan.

Maraming

kakulangan ang

pagbuo ng

talahanayan.

2. Organisasyon Buong husay at

malikhaing

naisulat ang

pagkakasunod ng

ideya.

Mahusay ang

pagkakasulat ng

ideya.

Di gaanong

maliwanag ang

pagkakasunod ng

ideya.

Page 8: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

7

Suriin Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan

sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na

nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing

saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa isang

kataga, “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng

ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti,

sapagkat anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging

pagpapasya sa iyong buhay. Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat

nakaugnay ito sa kung ano ang mga layunin mo sa buhay, ano ang iyong

pinapahalagahan, at nais mong marating at sino ang mga tao na gusto mong

makasama at maging kaagapay sa iyong mithiin sa buhay.

Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin

sa buhay kung ito ay mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang

mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao, nagagamit at naibabahagi nang tama

at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha, nagagampanan

nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa iba pang

dapat gampanan, at isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang

sa iba. Kung ang isang tao ay mayroong personal na misyon sa buhay, mas malaki

ang posibilidad na magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit

ng kabutihang panlahat. Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong

pag-iral sa mundo na ikaw bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa

iyong buhay. Anuman ito ay dapat mong pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung

paano mo ito sisimulan at gagawin. Mula dito, kailangang maging malinaw sa iyo

ang iyong pag-iral: ikaw ay mayroong misyon na dapat gampanan.

Gaya ng mga nabanggit sa mga nakaraang aralin na ayon sa wika ni Fr. Jerry

Orbos na ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay

magkaroon ng misyon. Dagdag pa rito, aniya, ang misyon ay hindi lamang para

kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon ay

ang MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao

ng tunay na kaligayahan. Upang ikaw ay lubos na magabayan sa pagbuo ng iyong

Page 9: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

8

Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay narito ang halimbawang ginawa ng isang

guro.

Bilang isang mapagmahal at matiyagang guro na patuloy na naglalakbay sa

buhay,ang bawat araw ay nagsisilbing hamon na tunay. Kung kaya't ang layunin ay

kailangan na makamit at sa puso ay laging masambit. (1) pananalig sa Diyos ay

dapat ipakita upang laging gabayan sa tuwina ,(2) patuloy na pag-aaral ay

kailangan upang higit na maging kapakipakinabang, (3) pagtulong sa mag-aaral sa

problemang kanilang pinagdaraanan ay magiging susi upang sila ay mapangiti (4)

Pagiging tapat sa tungkulin ang hain na sa bawat araw ay dapat gagawin.Misyon sa

Buhay ng Isang Guro Narito naman ang halimbawa ng Personal na Pahayag ng

Misyon sa Buhay ng isang mag-aaral.

Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrument sa pagpapahayag

ng pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga salita at karunungan

sa lahat, lalo na sa mga kabataan, maliliit na bata at mga tinedyer sa pamamagitan

ng pag-aaral ng mabuti, pagsasaliksik at pag-alaala sa walang hanggang pagmahal

ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.

Sa paggawa nito isaalang-alang ang kraytiryang SMART, ibig sabihin,

Specific, Measurable, Attainable, Relevant, at Time Bound. Ito ay mahalaga upang

maging kongkreto sa iyo ang iyong tatahakin sa iyong buhay. Ngayon ay nabatid mo

na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay mahalaga. Ito ang

iyong magiging saligan sa iyong buhay.

Page 10: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

9

Pagyamanin

Gawain 4: Ano ang mga Katangian Ko?

Panuto: I-visualize mo na ikaw ay magdiriwang ng ika - 50 na kaarawan. Marami

kang inimbitahang bisita. Sa bahagi ng programa ay isosorpresa ka dahil ang iyong

mga kakilala, kapamilya at kaibigan na naroon ay magbibigay pala sa iyo ng isang

parangal. Isa - isang magsasalita tungkol sa iyo.

Ano kaya ang maaalala nila na ginawa mo at mga katangian mo? Ano kaya

ang sasabihin nila tungkol sa iyo? Punan ang kolum sa ibaba.

Mga magsasalita Ano ang gusto mong sabihin nila sa

iyo?

1.Pamilya

2.Kaibigan

3. Dating kamag-aaral

4.Kapitbahay

5. Dating kasama sa trabaho

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 5 3 2

1. Nilalaman Naipaliwanag ng

maayos ang

nilalaman na

hinihingi sa

talahanayan.

May kaunting

kakulangan ang

pagpapaliwanag

na ibinahagi sa

talahanayan.

Maraming

kakulangan ang

pagbuo ng

talahanayan.

2. OrganiSasyon Buong husay at

malikhaing

naisulat ang

pagkakasunod ng

ideya.

Mahusay ang

pagkakasulat ng

ideya.

Di gaanong

maliwanag ang

pagkakasunod ng

ideya.

Page 11: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

10

Isaisip

Gawain 5: Awitin Mo!

Panuto: Pakinggan at pagnilayan ang awitin ni Leah Salonga na " The Journey".

Ipikit ang mga mata habang nakikinig ka nito at gawin mo ang gawain sa ibaba.

Isulat ang sagot sa mga tanong sa patlang na nakalaan para sa bawat aytem.

Gabay sa Pagtugon:

1. Ano ang mensahe ng awitin? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 2. Ano ang inyong naramdaman habang pinakikinggan ang awitin? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Gawain 6: Slogan Mo, Isulat Mo!

Panuto: Mula sa awitin na ito, gumawa ng slogan tungkol sa mensaheng nakuha

mo mula sa awitin. Gawing gabay ng iyong mga ideya ang mga tanong sa itaas.

Isulat sa patlang ang iyong naisip na slogan.

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Page 12: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

11

Rubriks sa Pagmamarka ng Slogan

Pamantayan 10 7 3

1. Nilalaman Naipaliwanag ng

maayos ang

nilalaman na

hinihingi sa

talahanayan.

May kaunting

kakulangan ang

pagpapaliwanag

na ibinahagi sa

talahanayan.

Maraming

kakulangan ang

pagbuo ng

talahanayan.

2. Organisasyon Buong husay at

malikhaing

naisulat ang

pagkakasunod ng

ideya at

nakakaingganyo

ng interes ng iba

Mahusay ang

pagkakasulat ng

ideya ngunit hindi

masyadong kawili

wili ang mga

ideya.

Di gaanong

maliwanag ang

pagkakasunod

ng ideya.

Isagawa Gawain 7: Ano ang Minimithi Ko?

Panuto: Isulat sa loob ng bilohaba ang iyong 5 mithiin sa buhay at sa loob ng kahon

ay isulat mo naman ang mga ninanais mong makita sa iyong sarili kapag nakamit na

ang mithiing itinakda.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 10 7 3

1. Mensahe na

ideya

Maliwanag ang

ideyang

inilalahad

May kaunting

kakulangan ang

paglalarawan ng

ideya

Maraming

kakulangan ideya

Mga Mithiin sa Buhay

1. 4.

2. 5.

3.

Mga Ninanais na makita sa Sarili pagmakamit na ang mga Mithiin

1.

2.

3.

4.

5.

Page 13: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

12

2. Organisasyon Buong husay at

malikhaing

ibinahagi ang

mithiin

Mahusay ang at

madaling

maintindihan ang

ideyang

inilalahad.

Di gaanong

maliwanag at

maintindihan ang

mga ideya.

Tayahin Gawain 8: Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong at isulat ang

letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat aytem.

_______ 1. Bakit mahalaga na magkaugnay sa iyong katangian ang iyong gagawin na personal na pahayag ng misyon sa buhay?

A. Upang makamit mo ito gamit ang iyong kakayahan at

katangian

B. Para maiwasang gawin ang mga hakbang na hindi naayon sa iyong plano

C. Para maging tunay kang maligaya D. Lahat ng nasa itaas

_______ 2. Ano ang tunay na misyon ng ating buhay ayon kai Fr. Jerry

Orbos?

A. Makalikom ng maraming kayamanan B. Maglingkod sa Panginoon, sa pamilya at sa ibang taong

nangangailangan C. Magkaroon ng magandang asawa D. Makapagpatayo ng maraming gusali at tindahan

_______ 3. Bakit mahalaga na maging maingat ka sa mga desisyon na gagawin mo sa iyong buhay sa ngayon?

A. Dahil wala ka pa sa saktong edad para gumawa ng desisyon

B. Upang hindi ka magkamali pagdating ng panahon C. Kailangan ang mga magulang mo ang magdesisyon sa

lahat ng bagay D. Dahil lahat ng desisyon mo ngayon ay may ugnayan sa

mangyayari sa iyong buhay sa hinaharap

_______ 4. Saan dapat nakabatay ang bawat pagpapasya mo sa iyong gagawing personal na pahayag sa misyon ng buhay?

A. Angkop dapat sa iyong sariling kakayahan, katangian at pagpapasya sa iyong larawan ng kaligayahan sa kinabukasan

B. Angkop sa pangarap ng iyong pamilya C. Depende sa bugso ng panahon

_______ 5. Ano ang mangyayari kung ang isang tao ay walang ginawang personal na pahayag ng misyon ng buhay?

A. Nakaplano ang bawat pasya niyang gagawin

B. Nagkakaroon ng tamang panahon ang tao para makapag -

Page 14: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

13

ipon ng pera para sa buhay na gusto C. Nililinang ang sariling katangian at kakayahan para maging

mahusay D. Para siyang saranggola na walang lubid na kung saa- saan

lamang tinatangay ng hangin

_______ 6. Sa paggawa ng personal na misyon sa buhay kinakailangan na ito gamitan ito ng SMART. Ano ang kahulugan nito?

A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound B. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound C. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound D. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound

_______ 7. Si Pedro ay magaling sa pagkukumpuni ng mga sirang mga aplayansis at kagamitan kaya kahit nasa hayskul pa lamang siya nakapagdesisyon na siyang kumuha ng kursong tekbok sa larangan ng electronics pagdating niya ng kolehiyo. Ano ang ipinapakita ng nabanggit na sitwasyon?

A. Si Pedro ay kinakikitaan ng tamang pagpapasya sa buhay ayon sa kanyang personal na misyon .

B. Si Pedro ay masipag kaya niya naiisip mag tekbok. C. Si Pedro ay isang masuniring anak ng kanyang mga

magulang. D. Si Pedro ay may personal na misyon sa buhay na dapat

tuparin sa buhay.

_______ 8. Si Lily na isang troupe leader ay mag-eenrol sa Music & Arts Summer School ngayong sembreak dahil gusto niyang lalong linangin ang kaniyang hilig sa pagkanta at paglikha ng mga awitin at musika. Ano ang ipinapakita ng sitwasyong nabanggit?

A. Si Lily ay isang batang mahilig sumayaw. B. Si Lily ay nagpapakita ng pamaraan upang matupad ang

kanyang sariling misyon sa buhay. C. Si Lily ay nagpapakita ng pagkamamaparaan upang

masiyahan ang kanyang mga magulang. D. Si Lily ay nagpapamalas ng isang kasanayan sa pagsayaw.

_______ 9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?

A. Upang siya ay hindi maligaw. B. Upang matanaw niya ang hinaharap. C. Upang mayroon siyang gabay. D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan.

_______ 10. Sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay dapat nakaugnay ito sa kung __________.

A. ano ang mga layunin mo sa buhay B. ano ang iyong pinapahalagahan C. nais mong marating D. lahat ng nabanggit sa itaas ay mga isinasaalang-alang sa

pagbuo ng personal na misyon sa buhay

Page 15: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

14

Karagdagang Gawain Gawain 9: Ilarawan Mo!

Panuto: Iguhit mo sa loob ng box ang paglalarawan mo ng iyong pangarap na sarili

at buhay dalawampung taon mula ngayon.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 5 3 2

1. Nilalaman Naisa-isa at

naipapaliwanag

ng maayos ang

ang mga ideya.

May kaunting

kakulangan ang

pagpapaliwanag

sa sagot.

Maraming

kakulangan ang

pagbuo ng sagot.

2. Organisasyon Buong husay at

malikhaing

naisulat ang

pagkakasunod ng

ideya.

Mahusay ang

pagkakasulat ng

ideya.

Di gaanong

maliwanag ang

pagkakasunod ng

ideya.

Page 16: Ikaapat na Markahan Modyul 7: Kinabukasan ko: Misyon Ko

15

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ivy A. Samson, MAGC

Imelda National High School Zamboanga Sibugay Division

Editor: Reynante B. Diodos, EdD Imelda NHS, Zambo. Sibugay Division

Tagasuri: Denna M. Balasabas, MAED Basalem NHS, Zamboanga Sibugay Division

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS Education Program Supervisor

Tagapamahala:

Evelyn F. Importante

OIC-CID Chief EPS

Aurelio A. Santisas,Ed.D

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito,Ed.D

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Dr.Jeanelyn A. Aleman, CESO VI

OIC-Schools Division Superintendent

Sanggunian

LM sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Pahina 263 – 284