mga halaman ikalawang markahan ikaapat na linggo
TRANSCRIPT
Kagawaran ng Edukasyon Agham 3
Mga Halaman
Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Claudin R. Drilon
Manunulat
Felipe W. Marapao Jr.
Tagapagsuri
Edward R. Montojo
Armida S. Oblinada
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
Inaasahan
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat alang-alang sa
iyong pagkatuto. Ito ay para tulungan ka na maunawaang lubos
ang mga bahagi ng halaman at kahalagahan ng mga bagay na
makukuha sa halaman. Ang saklaw ng modyul na ito ay maaaring
gamitin sa iba’tibang sitwasyon ng pagkatuto. Ang wikang ginamit
ay kinikilala ang malawak na lebel ng bokabularyo ng mga mag-
aaral. Ang mgaaral din ay nakaayos ayon sa standard na
pagkakasunod ng kurso ngunit ang pagkakasunod nito ayon sa
iyong pagbabasa ay maaaring mabago ayon sa aklat na iyong
kasalukuyang ginagamit.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang:
1. Makikilala ang mga iba’t ibang bahagi ng halaman at
maipaliwanag ang ng bawat bahagi;
2. Maipaliwanag ang kahalagahan ng mga halaman sa ating
kapaligiran;
Unang Pagsubok
Ibigay ang parte ng halaman. Piliin ang tamang sagot sa kahon
at isulat sa patlang.
1.
bunga 2.
bulaklak 3.
dahon
ugat 4.
tangkay
5.
3
Balik-tanaw
Tingnan ang iyong kapaligiran. May nakikita ka bang iba’t
ibang halaman? Alam mo ba kung gaano kahalaga ang mga ito?
Ang prutas na kinain mo kaninang almusal, alam mo bang
naggaling ang mga ito sa mga halaman? Malaki ang pakinabang
natin mula sa halaman.
Panuto: Isaayos ang mga letra upang makabuo ng salitang
angkop sa ibinigay na kahulugan.
1. Y N T A A G K
Ito ang bahagi ng halaman na
sumusuporta sa mga dahon at
bulaklak. Dito dumadaloy ang tubig,
mineral at asukal.
2. K Y H N N P O A O U G
Isang uri ng halamang lumalaki nang
mataas, itinuturing na “makahoy” at
ang pangunahing tangkay ay
tinatawag na puno.
3. L A U A K K L B
Ito ang bahagi ng halaman na
gumagawa ng mga binhi. Tinatawag
ding reproduktibong bahagi ng
halaman. Kadalasang may
matingkad na kulay at ginagamit na
pandekorasyon.
4. G G A O K K N N
Ito ay isang gulay. Kinakain ang mga
tangkay at dahon at madalas ihalo sa
sinigang. Sa tubig ito lumalaki.
4
BULAKLAK – Ito ang reproduktibong bahagi ng halaman. Ito
ang madalas dapuan ng paru-paro dahil sa “pollen”.
DAHON – Ito ay importanteng parte ng halaman sapagkat
ito ay isa sa mga responsable sa “photosynthesis”. Ito ay
gumagamit ng liwanag, hangin at tubig.
TANGKAY – Ito ay ang parte ng halaman na
nagdudugtong sa halaman at dahon. Ito rin ang
nagdadala ng tubig patungo sa dahon.
BUNGA– Ang bunga ng halaman ay syang produkto nito na
may binhi o buto sa loob upang itanim muli at maging isang
ganap na halaman.
UGAT – Ito ang parte ng halaman na responsible sa pagkuha
o pagsipsip ng tubig mula sa ilalim ng lupa.
5. P E L A P
Isa itong produktong galing sa mga
punungkahoy. Ito ay iyong sinusulatan.
Pagpapakilala ng Aralin
Napapaligiran tayo ng mga halaman. Tinutulungan tayo sa
maraming bagay. Sa araling ito, gagawa tayo ng mga bagay na
makatututulong sa atin upang mas maunawaan ang tungkol sa
halaman at parte nito. Tulad ng katawan ng tao, may iba’t ibang
bahagi ang katawan ng halaman. May sariling gamit o gawain
ang bawat bahagi. Mahalaga ang bawat isa para manatiling
buhay ang halaman. Tulad ng iyong pamilya, ang bawat
miyembro o bahagi ng halaman ay may kani-kaniyang tungkulin o
gawain na dapat gampanan upang maging malusog at
mabuhay nang maayos ang halaman.
5
Araw-araw marami tayong ginagamit na produkto na galing
sa mga halaman. Nagbibigay ang mga puno ng kahoy na
ginagamit natin sa paggawa ng ating mga bahay. Ginagamit din
ang kahoy sa mga kasangkapan tulad ng mga mesa at silya. Ang
mga produkto tulad ng lapis at mga kahoy na laruan ay galing din
siyempre sa kahoy o sa mga produktong mula sa halaman.
Maliban sa mga ito, ang papel ay isa pang napakaimportanteng
produktong galing sa halaman. Mahalaga rin ang mga halaman
dahil nanggagaling dito ang mga prutas at gulay. May mga
sustansyang maaaring gawing gamot para sa mga maysakit ang
mga pagkaing ito.
Gawain
Gawain 1.1 Halamang Nakapaligid sa Iyo
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung sa tingin mo ay tama ang
tinutukoy na tungkulin ng parte ng halaman at MALI naman kung
hindi ito angkop.
_______1. Ang ugat ng halaman ang kumukuha ng tubig at
sustansya mula sa lupa.
_______2. Ang sanga ang gumagawa ng pagkain para sa
halaman.
_______3. Tumutulong ang dahon upang mapanatiling matatag
ang halaman.
6
_______4. Ang sanga ang nagbabahagi ng tubig at sustansya
mula sa lupa papunta sa iba pang bahagi ng halaman.
_______5. Ang ugat ang nagpapanatiling matatag ang halaman
sa kinatatayuan nito.
Gawain 1.2 Kahalagahan ng Halaman
Mahalaga ang mga halaman dahil nanggagaling sa mga
ito ang mga prutas at gulay. May mga sustansyang maaaring
gawing gamot para sa mga maysakit ang mga pagkaing ito.
Pag-aralan ang mga di-kumpletong pangungusap sa
ibaba. Isulat sa patlang ang tamang salita o grupo ng
mga salita na bubuo sa mga pangungusap. Piliin ang
iyong mga sagot mula sa kahon.
oxygen lilim at tirahan proteksiyon
bulak papel prutas at gulay
kahoy baha at pagguho ng
lupa
mabangis na
hayop
1. Gumagawa ang mga puno at halaman ng
_____________ na kailangan natin upang mabuhay. Ang
mga ito rin ang nagbibigay sa atin ng preskong hangin.
2. Ang malalaking ugat ng mga puno ang sumisipsip ng
tubig at sumusuporta sa lupa kaya napipigilan ang
_____________.
3. Kailangan ng mga ibon at iba pang hayop ang
_____________.
4. Nagbibigay rin ang mga puno at halaman ng
_____________ mula sa _____________.
5. Ang mga halamang kinakain natin ay tinatawag na
___________.
6. Ilan sa mga produktong galing sa mga puno at halaman
ay ang _____________, _____________ at _____________.
7
Tandaan Natin
May iba’t ibang bahagi ang halaman. May kani-kaniyang
gawain o tungkulin na ginagampanan ang bawat bahagi.
Nagtutulong-tulong ang mga ito upang maging malusog ang
halaman. Naaalala mo ba kung ano-ano ang mga bahagi ng
halaman? Basahin ang buod sa ibaba.
♦ Ugat – inaangkla ang halaman sa lupa; sumisipsip
ng tubig at sustansiya mula sa lupa.
♦ Tangkay – nagdadala ng tubig at sustansiya mula sa
mga ugat patungo sa mga dahon;
tumutulong din na inaangkla ang
halaman sa lupa at kinakapitan ng mga
dahon.
♦ Dahon – kung saan ginagawa ang pagkain ng
halaman; dito nagaganap ang prosesong
“photosynthesis”.
♦ Bulaklak – ang reproduktibong bahagi ng halaman;
ito ang nagiging bunga.
♦ Bunga – ang malaman na bahagi ng halaman; dito
matatagpuan ang binhi o buto.
Gawain 1.3
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Iguhit sa
linya ang isang bulaklak ( ) kung tama ang sinasabi ng
pangungusap. Iguhit naman ang dahon ( ) kung mali
ang sinasabi nito.
_____ 1. Ang mga ugat ang humihingang bahagi ng isang
halaman.
_____ 2. Yari sa mga halaman ang mga produktong
nakikita mo tulad ng papel, lapis, kahoy na upuan
at mesa.
_____ 3. Nagbibigay ng lilim at silungan ang mga halaman.
_____ 4. Maaaring gamiting pandekorasyon ang mga
bulaklak.
8
_____ 5. Ang mga buto o binhi ang reproduktibong bahagi
ng isang halaman.
_____ 6. Maaaring kainin ang dahon ng lahat ng halaman.
_____ 7. Pinipigilan ng mga punungkahoy ang pagbaha sa
mabababang lugar.
_____ 8. Yari sa dahon ng nipa ang bubong ng bahay
kubo.
_____ 9. Hindi kailangang alagahan ang mga halaman.
_____ 10.Maaari tayong mabuhay kahit walang mga
halaman.
Pag-alam sa mga Natutunan
Panuto: Piilin at salungguhitan ang tamang salita sa loob
ng panaklong upang mabuo ang mga pangungusap.
1. Inaangkla ng mga (ugat, tangkay, bunga) ang
halaman sa lupa.
2. Ang mga puno at halaman ang nagbibigay sa atin ng
(plastik, metal, tirahan).
3. Madalas na nasa loob ng bunga ang (dahon, tangkay,
buto) na maaaring maging isang bagong halaman.
4. Isang mahalagang produkto ng mga halaman ang
(relos, papel, bolpen).
5. Dahilan ng pagbaha at pagkakaroon ng mga pagguho
ng lupa ang malawakang (pagtatanim, pagpuputol,
pangangalaga) ng mga puno.
9
KARAGDAGAN GAWAIN
Punan ang Talahanayan ng mga hiniling na sagot.
Ugat na
pinanggagalingan
gamot
Sanga o
tangkay
na
kinakain
Dahon na
pinanggagalingan
ng gamot
Bulaklak
na
kinakain
Prutas na
kinakain
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang kangkong at alugbati ay halimbawa ng mga berdeng
halaman na maaaring gamitin bilang ______.
A. gamot B. pagkain C. damit D. dekorasyon
10
2. Maganda, makulay at maaaring gamiting pandekorasyon
ang_______ ng gumamela, buganbilya at santan.
A. bulaklak B. dahon C. tangkay D. ugat
3. Ang bahagi ng karot, patatas at kamote na kinakain natin ay
isang ___________.
A. bunga B. gulay C. bulaklak D. ugat
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pag-iingat
ng mga halaman?
A. Palaging diligan ang mga halaman.
C. Gumamit ng mga pataba sa halaman
B. Huwag tanggalin ang mga damo sa paligid ng halaman
D. Alagaan ang mga halaman sa pamamagitan ng
pagbungkal ng lupa nito.
5. Ginagamit sa paggawa pambalot ng mga pagkain tulad ng
suman ang dahon ng_______________.
A. nipa B. saging C. niyog D. manga
6.Ginagamit sa paggawa ng bubong ng bahay kubo, banig,
pamaypay, sombrero. Ito ay puno ng _______________.
A. nipa B. saging C. niyog D. manga
7. Ang puno ng ____________ ay ginagamit na balsa sa ilog
upang maging tranportasyon ng mga taga nayon.
A. kawayan B. saging C. niyog D. acacia
8. Ang puno ng ____________ ay sumisimbolo ng katatagan ng
bawat Pilipino sa hamon ng pagsubok tulad ng Covid 19.
A. almasiga B. narra C. molave D. acacia
11
9. Ang pambansang prutas na ________ ay may hugis puso,
madilaw na kulay at may matamis na lasa.
A. mangga B. mansanas C. papaya D. saging
10. Ang panbansang bulaklak ng Pilipinas ay ________ na
ginagamit na kwintas para sa mga panauhin at ngayon ay
naiinom bilang jasmin tea na nakakabuti sa katawan.
A. gumamela B. sampaguita C. yellow bell D. laurel
Sanggunian:
Aklat
Science III, Kagamitan ng mga Mag aaral 3 p. 81-93
Lozano, L.F., Amasol, T.A., ang Mayari, F.R., Science for Young Minds 5,
Diwa Scholastic Press Inc., 1996, pahina 68-69, 84-87.
Urban Programs Resource Network<http://www.urbanext.uiuc.edu/gpe/
case1/c1facts2a.html>January 22, 2001, petsa ng pagbasa.
The Cooperative Extension, College of Agriculture, The University of
Arizona, 1998. Arizona Master Gardener Manual, Botany: Plant Parts
and Functions.http://ag.arizona.edu/ppubs/garden/mg/botany/
plantparts.html January 22, 2001, petsa ng pagbasa.
12
Susi sa Pagwawasto
1. B 6. C 2. A 7. A 3. A 8. B 4. B 9. A 5. A 10.B